Beranda / Romance / One Night Love (Tagalog) / One Night Deal - Kabanata 44

Share

One Night Deal - Kabanata 44

Penulis: Docky
last update Terakhir Diperbarui: 2023-04-06 20:23:50
Ramon's Residence

"Pakiusap, kailangan kong makausap ang kapatid ko. Kailangan ng tulong ng pamangkin niya. Sabi mo, papunta na sila rito pero bakit wala pa sila?" sambit ni Ramil sa security head sa mansyon ni Ramon.

"Medyo malayo rito ang kinaroroonan nila. Mabuti pa, umupo ka muna rito." Iniabot ng security head ang isang silya kay Ramil.

"Pasensya ka na. Hindi talaga ako mapakali. Kausap ko ang anak ko kanina pero hindi siya nagsasalita. Noong huling tawag ko naman ay nakarinig ako ng kung ano,' salaysay ni Ramil.

Namamanghang tiningnan ng security head ang mukha ni Ramil. Kamukhang-kamukha ito ng kaniyang amo.

"Buong akala ni kamahalan ay patay ka na. Paano ka nakaligtas sa sunog?" usisa ng security head.

"May isang mabuting tao na nagligtas sa akin noon. Hindi ko pa nga siya napapasalamatan eh. Umalis ako sa hospital nang wala man lang paalam kahit sa nagbabantay sa akin," tugon ni Ramil.

"Ah gano'n ba?" Nakita ng security head ang papalapit na sasakyan nina Ramon. "Nandit
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (12)
goodnovel comment avatar
Willianne Mendoza
ang gulo kc ng gawa mo kya pti ikaw nhihirapan n pgdugtungin.sana s susunod ung clear at mgnda nmn
goodnovel comment avatar
Hazel Durano Escartin
wala pa din po udpate
goodnovel comment avatar
Analiza Tigre
Wala paren pong update author please update naman po
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • One Night Love (Tagalog)   One Night Deal - Kabanata 45

    "Tama ba ang narinig ko? Isang Marcus ang nagligtas sa'yo noon sa sunog?" kunot-noong tanong ni Ramon.Tumango si Ramil."Alam mo ba ang pangalan niya?" tanong ni Ramon.Saglit na nag-isip si Ramil. Pilit niyang hinahagilap sa utak niya ang pangalan ng taong pinagkakautangan niya ng buhay niya. "Ythan! Ythan Marcus!" nakangiting tugon niya.Nagsalubong ang mga kilay ni Ramon. Tama ang hinala niya. Tinitigan niya ang isa sa kaniyang mga katulong. Agad naman itong kumuha ng alak at kopita. Ipinagsalin nito ng alak sa kopita ang kaniyang amo."Ramil, I have to tell you something and it's very important so you have to listen." Inutusan ni Ramon na umalis ang mga katulong niya gamit lamang ang kaniyang mga mata. Mabilis namang lumabas ng silid ang mga ito."Ano 'yon, kuya?" tanong ni Ramil.Inabutan ni Ramon ng kopita ang kaniyang bunsong kapatid. Ipinagsalin niya ito ng alak. "Drink it first," he said."Pero kuya, hindi ako umiinom," ani Ramil."Kailangan mong matuto. Kakailanganin mo 'ya

    Terakhir Diperbarui : 2023-04-15
  • One Night Love (Tagalog)   One Night Deal - Kabanata 46

    Oceana Diner, 13799 Beach Blvd, Jacksonville, Florida 32224, United StatesLumingon muna sa paligid si Jacob bago maingat na pumasok sa restaurant. Agad siyang napatigil pagkapasok na pagkapasok niya. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. "Masyadong maraming tao. Alin kaya siya rito?" bulong niya.Jacob started to scan every customer in each table. He's searching for someone. "Where the hell are you?"Nagulat si Jacob nang biglang may tumapik sa kaniyang balikat. Mabilis niya itong nilingon. "Kanina pa kitang hinahanap. Where's our table?""Doon po tayo sa bandang dulo," tugon ni Agosto. Agad siyang naglakad patungo sa kanilang table. Sinundan naman siya ni Jacob. Tumaas ang isa nitong kilay nang makita nito ang pagkain sa mesa."Black Diamond Caviar Russian Osetra served with brioche toast, creme fraiche, red onion, chive and egg," Jacob said. "You're good at taking notes," he joked."Hindi ko po makakalimutan ang paborito niyong pagkain dito sa Oceana," nakangiting sabi ni Agosto."An

    Terakhir Diperbarui : 2023-04-15
  • One Night Love (Tagalog)   One Night Deal - Kabanata 47

    "My boss wants to meet your boss. Is he around?" Galvez, Ythan's personal bodyguard, asked the security head.Habang nakikipag-usap si Galvez sa labas ay nakatitig naman sa kaniyang cell phone si Ythan. Pinagmamasdan niya sa cctv footage sina Rhea at Yvette. Magkatabi lamang ang silid ng dalawa pero wala silang alam kung nasaan ang isa't-isa. Kumurba ang labi ni Ythan nang makita niyang nagbibihis si Yvette."I really like her body." Pumikit si Ythan habang pinapagana niya ang kaniyang imahinasyon. Isang mahinang ungól ang kumawala sa kaniyang bibig nang maalala niya ang gabing inangkin niya ang dalaga. Naantala ang kaniyang iniisip nang biglang kumatok sa bintana si Galvez. He gritted his teeth while opening his car's window."Kamahalan, nandito raw po si Mr. Oligario pero kailangan daw po nating maghintay ng kalahating oras bago niyo po siya makaharap at makausap," sabi ni Galvez.Nagdilim bigla ang mukha ni Ythan. Ito ang unang beses na may nangahas na paghintayin siya. Alam ng lah

    Terakhir Diperbarui : 2023-04-16
  • One Night Love (Tagalog)   One Night Deal - Kabanata 48

    "Galvez, bilisan mo ang pagmamaneho," utos ni Ythan."Opo, kamahalan. Pasensya na po," tugon ni Galvez."Bakit ba maya't-maya ang pagtingin mo sa cell phone mo? May problema ba?" Tiningnan ni Ythan si Galvez sa rearview mirror."Wala naman po, kamahalan. Hinihintay ko lang po ang mensahe mula sa aking asawa," pagsisinungaling ni Galvez. Ang totoo, hinihintay niya ang text ni Ramon. Nagpasiya na siyang gawin ang tama. Hindi na niya kayang sikmurain ang kababuyan ng kaniyang amo. Nang malaman niyang buhay ang kapatid ng dating asawa ni Rhea, agad niyang pinuntahan ang kompanya nito. Hiningi niya ang numero ni Ramon sa secretary nito at doon na nag-umpisa ang kanilang komunikasyon. Kinakabahan siya sa kaniyang ginagawang pagta-traydor kay Ythan pero nangibabaw pa rin ang hangarin niyang matulungan sina Rhea at Yvette. Inamin din niya kay Ramon na ang kaniyang amo ang totoong may pakana ng sunog, ilang taon na ang nakalilipas."Sigurado ka ba?" pagsisiguro ni Ythan."Opo," mabilis na sago

    Terakhir Diperbarui : 2023-04-17
  • One Night Love (Tagalog)   One Night Deal - Kabanata 49

    May ibinulong ang isa sa mga tauhan ni Ythan sa kaniya."Let them in," Ythan said."Masusunod po, kamahalan," nakayukong tugon ng tauhan ni Ythan.Naka-de-kwatro si Ythan habang humihithit ng sigarilyo. Napawi ang ngiti sa kaniyang labi nang lumabas mula sa pinto si Ramil."Ikaw?" bulong ni Ythan. Hindi niya inaasahan ang pagdating ni Ramil dahil si Ramon ang nais niyang makita. Idinikdik niya ang hawak niyang sigarilyo sa ashtray bago siya tumayo. Nilingon niya ang likuran ni Ramil. "Wala kang kasama?" Nagulat siya nang bigla itong yumuko."Maraming salamat sa pagliligtas mo sa akin, Mr. Marcus," ani Ramil.Tumaas ang dalawang kilay ni Ythan.Umupo si Ramil sa tapat ng inupuan ni Ythan kanina. Iniikot niya ang kaniyang mga mata sa silid.'Tamang-tama, hindi na ako mahihirapan pang hanapin ka. Kating-kati na ang mga kamay kong patayin ka,' sigaw ng isip ni Ythan. Umupo siya sa couch. "Masaya akong makita kang gan'yan. Sulit na sulit ang mga perang nilustay ko para lang mapagaling ka,"

    Terakhir Diperbarui : 2023-04-17
  • One Night Love (Tagalog)   One Night Deal - Kabanta 50

    "Halughugin niyo ang bawat sulok ng mansyon na ito! Huwag kayong titigil hangga't hindi niyo nakikita ang mag-ina!" sigaw ni Ramon."Masusunod po, kamahalan!" tugon ng kaniyang mga tauhan.Kasalukuyang nasa basement si Ramon. Halos mukha ng basurahan ang dalawang silid sa basement nang ipagtatapon niya ang bawat gamit dito. Sobrang dismayado siya dahil wala roon sina Rhea."Galvez," bulong ni Ramon. Agad niyang kinuha ang kaniyang cell phone at tinawagan ang kaniyang intel.{"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area, please try again later."}Muling tinawagan ni Ramon ang numero ni Galvez. Namula ang mukha niya ng operator na naman ang sumagot sa tawag niya."Shít!" inis na sigaw ni Ramon. Napatingala siya sa kisame. "Hindi kaya nabuking ni Ythan ang plano ko? Hindi kaya…pinatay na niya si Galvez?" Inalog niya ang kaniyang ulo. "Hindi. Hindi niya naman siguro kayang paslangin ang taong kasama niya simula noong ordinaryong pulis pa lamang siya," aniya.Na

    Terakhir Diperbarui : 2023-04-18
  • One Night Love (Tagalog)   One Night Deal - Kabanata 51

    Tinamaan ng bala ng baril si Ramil sa kaniyang kanang braso. Patuloy pa rin ang pag-agos ng dugo niya mula rito. Dalawang minuto matapos kalabitin ni Ythan ang baril ay agad na rumesponde ang mga pulis. Agad siyang nilapatan ng first aid ng mga ito."WALA KANG UTANG NA LOOB! KUNG HINDI DAHIL SA AKIN AY MATAGAL KA NG ABO!" galit na galit na sigaw ni Ythan. He was caught in the act so he couldn't deny his crime anymore."Utang na loob? Ha! Nagpapatawa ka ba? Ikaw ang dahilan kung bakit nagkahiwa-hiwalay kami ng pamilya ko! Akala mo ba hindi pa namin alam? Ikaw ang tunay na arsonist! Hindi ka pa nakuntentong hayóp ka! Nilinlang mo pa ang asawa ko! Pinaniwala mo siyang patat na kami ni Freya! Ngayon, sabihin mo…nasaan ang utang na loob doon?" singhal ni Ramil. Kung hindi lamang dumudugo at kumikirot ang kamay niya ay kanina pa niyang nasuntok si Ythan."Akala mo ba, mai-ipakulong mo ako? Kayang-kaya kong magbayad ng piyansa!" Tumawa nang malakas si Ythan."Piyansa? Sa pagkakaalam ko, hind

    Terakhir Diperbarui : 2023-04-18
  • One Night Love (Tagalog)   One Night Deal - Kabanata 52

    La Niños Group of CompaniesHindi mapakali si Diana. Kanina pa siyang lakad nang lakad habang kagat-kagat ang isang ballpen. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita niya kahit naibalita na niya iyon sa kaniyang papa. Tatawagan pa sana niya sina Jacob at Freya nang bigla namang namatay ang cell phone niya. Nakalimutan niya iyong i-charge."Tita Diana, sasabihin niyo na po ba sa akin kung nasaan si Mommy Freya?" tanong ni Yael. Sinusundan ng kaniyang tingin ang bawat kilos ni Diana.Lumakad si Diana palapit kay Yael. Maingat siyang lumuhod para mahawakan ang mukha nito. Pinisil-pisil pa niya ang pisngi ng kaniyang pamangkin."Aray!" biglang sigaw ni Yael."I'm sorry, Yael." Tinitigang mabuti ni Diana ang bawat sulok ng mukha nito. She's looking for possible stitches or marks of surgery. Nang wala siyang nakita ay napatakip sa kaniyang bibig ang dalawa niyang mga kamay. "Oh my God! Totoo nga talaga! Ikaw si Yael! Ang nawawala kong pamangkin!" Saglit siyang natigilan dahil sa huling sa

    Terakhir Diperbarui : 2023-04-19

Bab terbaru

  • One Night Love (Tagalog)   LMER - KABANATA 116 ANG WAKAS

    LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURN Kabanata 116 - ANG WAKAS “JETTY, ARYA, COME HERE! WE’RE HERE!” palakat ni Jacob habang karga-karga niya ang kaniyang anak na si Jia. “Hakob, nasaan si Yael? Parang hindi ko siya nakikita," tanong ni Jackson, karga naman niya si Sonya. “Mahuhuli lang daw siya ng kaunti. May kailangang gawin sa school niya eh." Ibinaba ni Jacob si Jia at hinayaang maglaro sa may damuhan. Ibinaba rin ni Jackson ang anak niyang si Sonya at inayos ang mga pagkain at red wine. “Hindi ako makapaniwalang mas gusto pang matulog nina Freya at Eya kaysa sumama sa picnic na ito.” Tumawa nang mahina si Jacob. "Hayaan mo na. They needed it. Minsan lang sila maging malaya,” pabiro niyang sabi. Napangiti at napatingin sina Jackson at Jacob kay Jett nang bigla silang inakbayan nito. "Kumusta? Ang tagal mong nawala ha! Ano? Nakabuo na ba kayo?” sunod-sunod na tanong ni Jacob. Tumaas pa ng ilang beses ang kaniyang dalawang kilay. "How's your honeymoon? Ginawa mo ba naman

  • One Night Love (Tagalog)   LMER - KABANATA 115

    LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 115“A-Arya…”“Bitiwan niyo ako. Hindi pa ako tapos sa lalaking ‘yan," nagpupumiglas na sambit ni Jett."Gusto mo bang makulong?” inis na tanong ni Jacob.Umiling si Jett. “Pakakasalan ko pa si Arya. Bubuo pa kami ng pamilya.”“Kung gano’n, kumalma ka. Tingnan mo nga ang hitsura ni Damon. Halos hindi na siya makalakad at halos hindi na makilala ang mukha niya. Alam mo naman siguro na may kaukulang parusa ang ginawa mo, oras na magkaso sa’yo si Damon," ani Jacob."Ang kapal naman ng mukha niya kung magkakaso pa siya eh kulang pa nga ‘yan sa mga ginawa niya kay Ary—”“Jacob." Sumenyas si Jackson na ilayo na muna si Jett kina Arya at Damon. Agad naman siyang naintindihan ng kaniyang kapatid. Nagtakip na lamang siya ng kaniyang tainga nang magsisigaw si Jett habang kinakaladkad ito ni Jacob palayo. “Now, let’s see if Arya is going to hurt her ex-husband or not," nakangiting sambit niya."Arya…”Walang emosyon si Arya habang nakatingin sa bugbog sar

  • One Night Love (Tagalog)   LMER - KABANATA 114

    Longing for my Ex-Wife's ReturnKabanata 114Mabilis na kumawala si Divina sa mga bisig ni Denver. Gumapang siya patungo kay Arya.“Arya, I’m sorry. Patawarin mo ako sa kung paano kita itinrato. Wala akong alam. Hindi ko alam na apo ka pala ni Don Fridman. Arya, please, huwag mo kaming ipakulong. Kahit naman papaano ay may pinagsamahan tayo. Tatlong taon ka naming kinupkop, pinakain at binihisan, Ar—”“So, dapat pa pala akong magpasalamat sa’yo? Gano’n ba, Divina?" natatawang sambit ni Arya."Arya, hindi naman sa gano’n. Nais ko lang ipaalala sa’yo na minsan ka ring naging isa sa amin, na minsan ka ring naging isang Walton,” malumanay at nakangiting turan ni Divina.“Oo nga naman. Salamat ha kasi ipinahiram niyo sa akin ang apelyidong Walton ng tatlong taon. Isang karangalan," sarkastikong wika ni Arya."Walang anuman, hija. Paano? Ipapa abswelto mo na ba kami, huh?” Mula sa pagkakaluhod ay biglang tumayo si Divina. Hahawakan na sana niya ang kamay ni Arya nang bigla siyang tinabig ni

  • One Night Love (Tagalog)   LMER - KABANATA 113

    LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 113“Kulang pa ang paghalik mo sa sahig bilang kaparusahan sa mga ginawa mo sa akin, sa kumpanya at kay lolo, Mariz!" ani Arya habang inginungodngod niya sa sahig ang mukha ni Mariz.“Ano pa bang gusto mo, Arya? Nasa iyo na ang lahat! Bakit ginaganito mo pa a—”“SHUT UP!" mangiyak-ngiyak na sigaw ni Arya. “Did you already forget that you killed an innocent child, huh, Mariz? Did you forget that you killed my daughter?!” Bilog na bilog ang mga mata niya.“Fetus pa lang naman ang anak mo n—-”Mabilis na binitiwan ni Arya ang buhok ni Mariz at saka tumayo para tapakan ang mukha nito habang lapat pa ang mukha nito sa sahig. Mataas ang takong ng suot niyang sandals kaya talaga namang panay na panay ang paghikbi ni Mariz habang nagmamakaawa sa kaniya!“She already had a heartbeat that time. MAY BUHAY NA ANG BATANG NASA SINAPUPUNAN KO! KE FETUS MAN SIYA O SANGGOL NA, BUHAY NA SIYA! MAY ANAK KA RIN, MARIZ, SIGURO NAMAN ALAM MO KUNG GAANO KASAKIT SA ISA

  • One Night Love (Tagalog)   LMER - KABANATA 112

    LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 112Kumikinang ang kwintas at hikaw ni Arya sa tuwing tatamaan ito ng mga ilaw. Bilyon ang halaga ng mga ito dahil gawa ang kwintas at hikaw sa mataas na karat na purong diyamante at gems, walang sinabi ang suot ni Mariz na twenty four carat gold necklace at dangling earrings. Maging ang mga palamuti sa kaniyang buhok ay kumikinang din, gawa rin sa purong diyamante ang lahat ng bato, hindi tulad sa hair accessories ni Mariz na gawa sa mataas na klase lang ng Russian stones. Bukod sa mga alahas at ibang accessories ay talaga namang agaw pansin din ang suot na gown ni Arya. She's wearing “The Nightingale of Kuala Lumpur" gown that was designed by Faisal Abdullah. This gown is priced at thirty million US dollars! The red long gown is made of crimson silk and taffeta and adorned with over seven hundred fifty diamonds, with a stunning 70-carat pear-cut Belgian diamond!Habang naglalakad si Arya palapit sa kaniyang lolo at sa kaniyang magiging asawa

  • One Night Love (Tagalog)   LMER - KABANATA 111

    LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 111Bago pa man muling magsalita si Don Fridman ay pinalibutan na ng mga pulis ang pamilyang Walton at ang mag-inang Mariz at Marissa.Napayakap si Divina sa kaniyang asawang si Denver. “Ayokong makulong. Nakakadiri sa kulungan. Masikip, mabaho at may mga kasama ka pang mga kriminal at asal-hayop." “Don't worry, darling. Hindi tayo pababayaan ni Senyorita Armani. As long as she's taking our side, then, we have nothing to worry about," kampanteng wika ni Denver. Hinalikan niya sa ulo ang kaniyang asawa.“Tama si papa. We have Mariz at sigurado akong hindi papayag si Don Fridman na lalaking walang ama at ina ang apo niya sa tuhod. Wealthy people cannot afford to have an "ex-convict" word after their names. Napakadali rin para sa kanilang mag manipula ng batas. So sit down and relax. Tingnan niyo, ngiting-ngiti sa atin si Don Fridman. We should smile back at him,” wika ni Damon sabay ngiti kay Don Fridman. Hinawakan niya ang kamay ni Mariz at iti

  • One Night Love (Tagalog)   LMER - KABANATA 110

    LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 110Lalapit na sana ang mga kabaro ni Tamahome sa table kung saan naroroon ang mga Walton at ang mag-inang Mariz nang pigilan sila ni Jett.“Hindi pa oras para hulihin sila. Let them enjoy the show first," Jett instructed.Marahas na napalupagi sina Divina at Denver sa sahig nang mapagtanto nila ang kanilang kalagayan. Dawit na sila sa kasalanan nina Mariz, Damon at Marissa dahil sa pagsisinungaling nila kanina.“Anong kamalasan pa ba ang dadating sa buhay natin? Simula nang dumating ang babaeng ‘yon, nagkanda leche-leche na ang buhay natin! Siya talaga ang nagdala ng malas sa pamilya natin! Bakit ba kasi hindi agad nakilala ng anak natin si Senyorita Mariz?!” ngalngal ni Divina."Nasa maayos ka pa bang pag-iisip? Makukulong ang anak natin, pati na rin tayo ngayon dahil sa krimeng ginawa nina Senyorita Mariz. Sa tingin mo, bakit niya binihag ang mga Gray? Kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay hindi siya totoong Armani.” Pumatak ang butil-butil na p

  • One Night Love (Tagalog)   LMER - KABANATA 109

    LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 109“Binibini, panoorin mong mabuti ang aking inihandang munting palabas para sa iyo. Malay mo, ikaw pala ang star of the show," nakangising turan ni Don Vandolf sabay akyat muli sa stage.“Anak, ano bang sinasabi ng matandang ‘yon? Naguguluhan ako," kinakabahang sabi ni Marissa.“Hindi ko rin alam, mama. Tingnan na lang natin." Pinagpapawisan na ng malalamig si Mariz. Mas lalong nadagdagan ang kaba niya nang mahagip ng kaniyang mga mata ang mga dumating na pulis. ‘ShiT! Ano bang nangyayari?’“Senyorita, kinakabahan ako. May hindi tama rito," bulong ni Damon.“Manahimik ka nga! Hindi ka nakakatulong!" Pinagtinginan ng mga tao si Mariz dahil napalakas ang boses niya. “Oh! Anong tinitingin-tingin niyo riyan?!"Mabilis na nag-iwas ng tingin ang mga tao kina Mariz at nag focus na lamang sa ipalalabas sa harapan. Maya-maya pa ay nagsimula na ang video clip.Agad na napatayo sa upuan si Mariz nang makita niya ang kaniyang sarili sa screen. Nanlaki an

  • One Night Love (Tagalog)   LMER - KABANATA 108

    LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 108“Sobrang baliw ng babaeng ‘yon. Pagpasensyahan mo na ang ex-wife ni Damon, Senyorita Mariz. Lumuwag ang turnilyo no’n sa utak dahil nakipaghiwalay ang anak ko sa kaniya. Ngayon, akala niya ay may kakayahan na siyang makipagsabayan sa ating mga mayayaman,” natatawang sabi ni Divina.‘Talaga nga palang boba ang isang ‘to. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam na ang inaasam-asam niyang yaman at malahian ay nasa puder na niya ng tatlong taon. T0nta! Pasalamat ka at nanay ka ng lalaking matagal ko nang pinapantasya!’ sigaw ng isip ni Mariz habang pekeng nakangiti kay Divina Walton.“Oo nga, senyorita. Sobrang trying hard ni Arya. Isa siyang social climber at gold digger. Mabuti na lang talaga at nauntog ang anak namin bago pa maubos ng babaeng ‘yon ang yaman naming mga Walton,” salaysay naman ni Denver.‘Isa ka pa! Pare-pareho lang kayong mga inutiL at walang alam! Mabuti na lang at isa rin akong Armani. I saved all of you from disgrace and

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status