ONE NIGHT DARKERKabanata 57.4 “Cindy, tigilan mo na ang kahibangan mo. Kahit patayin mo kami ni Linda ngayon, hindi na mapapabalik pa sa'yo lahat ng perang inaasam mo!” “Tumahimik ka, Noemi! Hindi mo mabibilog ang ulo ko. Hindi ko na kasalanan kung nuknukan ka ng t@nga! Sa dinami-rami ng mga tauhan mo, kay Fajardo ka pa talaga lubusang nagtiwala. Alam mo ba kung bakit nasa panig namin siya? Ex-boyfriend siya ni Merella at higit sa lahat, malaki ang pagkakautang niya sa aming mag-ina!” Nangilid ang mga luha ni Cindy. “Sinira mo ang kaisa-isang pangarap ko buhat pagkabata! Wala kang puso!” Dumura si Noemi sa may damuhan. Tumaas ang isang sulok ng labi niya. “Bahay na bato lang ang sinira ko, Cindy. Eh ikaw? Sinira mo ang tahanan ko. Inagaw mo sa akin si William kahit na alam mong nagdadalang-tao ako. Kinuha mo sa akin si Mereya para lang kawawain at alipustahin. Ngayon, sabihin mo! Sino sa ating dalawa ang walang puso?” Hindi nakapagsalita si Cindy. “Miss Hiraya, pasensya na. Hind
ONE NIGHT DARKERKabanata 57.5 Nangangatal ang labi nina Linda at Noemi nang makita nila ang duguang kamay ni Cindy. Bago pa man makalabit ni Cindy ang hawak niyang bariL ay nalaglag na ito sa may damuhan. Napuruhan siya sa kamay ni Dos. Nang mapagtanto niyang duguan siya ay napasigaw siya. Ramdam na ramdam na niya ang sakit na nagmumula sa kaniyang sugatang kamay. “Fajardo!” umiiyak na sigaw ni Noemi. “P-Patawad, Miss H-Hiraya. S-Salamat sa pagiging mabuti mo sa akin. H-Hinding-hindi…” Sumuka ng dugo si Fajardo bago tuluyang natumba sa may damuhan. “Huwag ka nang magsalita! Kailangan mong ipunin ang iyong lakas!” Nanginginig man ang mga tuhod ni Noemi ay pinilit pa rin niyang gumapang sa kinaroroonan ni Fajardo. Nasa harapan ito nang sumisigaw at gulat na gulat na si Cindy. “A-Anong nangyari? Bakit? Ba-Bakit duguan si…Fajardo?” nauutal na sambit ni Cindy. “B0b0 ka ba? Malamang sinalo niya ang pangalawang bala na para sana sa'yo! Ikaw sana ang nasa bingit ng kamatayan ngayon!”
ONE NIGHT DARKERKabanata 58.1 “My little sunshine!” Maluha-luhang sinalubong ni Don Desmundo ang kaniyang apong si Mereya. Agad niya itong niyakap. “Lolo, nakalabas na po kayo ng kulungan! Sobrang saya ko po!” Nabasa ang mga pisngi ni Mereya. Kumawala siya sa pagkakayakap ng lolo niya. “Teka, lolo. Nasaan po si lola? Kasama niyo rin po ba siya?” Luminga-linga siya sa paligid. Kumunot ang noo niya nang hindi niya nakita ang hinahanap niya. Yumuko si Don Desmundo at umiling. “Patay na ang lola mo, Eya. Namatay siya sa kulungan,” bagsak ang balikat na sabi niya. Dumaloy ang masaganang luha ni Mereya sa kaniyang mga mata. Ang kaniyang lola na halos araw-araw niyang dinadalaw noon sa kulungan para dalhan ng paborito nitong sinukmani at bibingka ay yumao na. Ikinuyom ni Don Desmundo ang kaniyang mga kamay. “Kung hindi lang kami nakulong ng lola mo, hindi sana hahantong sa ganito ang lahat. Ilang taon din ang binuno namin sa mabaho, masikip at magulong lugar na iyon.” Niyakap nang mah
ONE NIGHT DARKERKabanata 58.2 Bubuka na sana ang bibig ni Don Desmundo nang biglang mag ring ang kaniyang cell phone. “Let me take this call muna, my little sunshine. Huwag ka munang aalis.” Lumakad siya nang kaunti palayo kay Mereya. “Hello. Bakit ka napatawag?” [“Boss, may kailangan po kayong malaman.”] Umalon ang noo ni Don Desmundo. “Ano ‘yon? Have you already acquired stronger evidence against Don Vandolf's eldest son?” nakangiti niyang tanong. [“Boss, hindi po si Jackson Gray ang pumatay kay Sir William.”] “WHAT? WHAT NONSENSE ARE YOU TALKING ABOUT? YOU SAID HE KILLED HIM!” Don Desmundo’s face turned red. [“Someone else killed your son, boss. Your daughter, Nadia with the help of one of the Grays, found a solid evidence against your former maid.”] “Former maid? Who are you referring to? That Linda?” Don Desmundo's voice pitched up. “Linda?” bulong ni Mereya. “Mukhang hindi maganda ang mood ni lolo ah.” [“Linda is one of your son’s mistresses. She told someone that she'
ONE NIGHT DARKERKabanata 58.3 “Finally, I'm done! Magkakapera na ulit ako!” ani Jett habang nag-iinat ng kaniyang mga kamay. Tagumpay niyang nahanap ang lokasyon ni Don Desmundo, kuwarenta minuto na ang nakakaraan. Agad na umalis si Nadia para puntahan ang papa nito pagkatapos niyang ibigay ang eksaktong kinaroroonan ng matanda. Sunod niyang ginawa ay tinawagan ang numero ni Don Desmundo. Gumamit siya ng mimic app para gayahin ang boses ng private investigator nito. Sa tulong ng mga nakalap na impormasyon ni Nadia ay naisalaysay niya nang maayos ang katotohanan kay Don Desmundo. “Tito Jett, ano pong ginawa mo kanina? Seryosong-seryoso po kasi ang mukha niyo,” tanong ni Yael habang tumatakbo palapit kay Jett. “Nag work lang si tito. Bakit mag-isa ka lang? Nasaan ang Tita Yuna mo?” Itinabi na ni Jett ang kaniyang laptop at iba pang kagamitan sa lagayan. “Umalis po saglit si tita. May bibilhin lang daw po siya,” tugon ni Yael. Naalala ni Jett ang mga nabasa niya sa mga dokumentong
ONE NIGHT DARKERKabanata 58.4 “Tita Nadia, ano pong ibig mong sabihin?” “Hindi si Jackson ang pumatay kay Kuya William. Siya rin ang una kong naging suspect pero it turns out that someone who's not even a lead became the perpetrator. I'm sorry, Eya. Nahihiya ako sa'yo, on behalf of papa rin, kasi nagpunta kami rito sa Palawan hindi para unattend ng kasal mo kung hindi para iligpit sana ang mapapangasawa mo. Nagpunta kami rito para ilayo ka kay Jackson. Patawarin mo kami, Eya.” Luluhod pa sana si Nadia sa harap ng kaniyang pamangkin nang pigilan siya nito. “No, tita. Hindi kayo dapat sa akin humihingi ng sorry. Kay Jackson dapat tayo humingi ng kapatawaran. Hindi ko kayo masisisi ni lolo kasi kahit ako, noong nalaman kong si Jackson ang salarin eh hindi man lang ako nagdalawang-isip na mag-imbestiga muna. I even made up my mind that I am not going to marry him. I even want to give him to the police. Worst, I even think to kill him. I'm so ashamed of myself. Now, I want to ask mysel
ONE NIGHT DARKERKabanata 58.5 “Jackson, senior, Set, maraming maraming salamat sa pagligtas niyo sa akin. Utang ko sa inyo ang buhay ko. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito,” ani Noemi. Lulan na sila ng yate at naglalakbay na patungo sa isla ng Pamalican. “Walang anuman, balae. Hindi ko akalain na halos kasing bata ka lang pala ni Mereya. Kahit sinong lalaki ay mapapagkamalan kang dalaga. Hindi halata ang edad mo sa hitsura mo.” Ngiting-ngiti si Don Vandolf habang nakatingin kay Noemi. Tumikhim si Jackson. “Papa, nakakahiya kay M-Mommy Noemi,” bulong ni Jackson. Katabi niya sa upuan ang kaniyang papa, katabi naman nito si Set. “Anong nakakahiya sa sinabi ko? Totoo naman ang lahat ng iyon. Huwag kang mag-alala, graduate na ako sa pagiging playboy. Isa pa, balae ko siya. Masyado yatang marumi ang utak mo, anak. Gusto mo bang hilamusan kita ng tubig-dagat para mahimasmasan ka?” pabirong turan ni Don Vandolf. Napatawa si Noemi. “Papa naman,” natatawang wika ni Jackson. Tiningna
ONE NIGHT DARKERKabanata 59.1 “Ang ganda-ganda mo, babaita! Sigurado akong mahuhulog ang brief ni Fafa Jackson kapag nakita ka niya mamaya! Grabeng ganda naman ng buntis na ito!” pumapalakpak na sabi ni Yuna habang pinagmamasdan ang kaniyang pinakamatalik na kaibigan. Hindi pa ito tapos ayusan ng make-up artist at ng hairstylist nito pero litaw na litaw na lalo ang angkin nitong ganda! “Ikaw talaga, Yuna. Napaka overrated mo talaga mag describe,” natatawang sambit ni Mereya. “Ay nako, babaita! Hindi sa pagkukuwan pero napakaganda mo talaga today! Pak na pak!” Nakaayos na si Yuna at tapos na rin siyang magbihis. Hindi siya mapakali sa kaniyang silid kaya pumunta siya sa silid kung inaayusan si Mereya. “Nakita ko nga pala si Tita Nadia mo, ang ganda-ganda rin niya! Grabe kayong mga Wrights. Noong naghasik yata si Lord ng kagandahan eh sinalo niyo halos lahat!” Napatawa si Mereya. “Yuna, kumusta nga pala si lola? Okay lang ba siya? Saan ka nga pala naglagi noong nagkahiwalay tayo? P
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURN Kabanata 116 - ANG WAKAS “JETTY, ARYA, COME HERE! WE’RE HERE!” palakat ni Jacob habang karga-karga niya ang kaniyang anak na si Jia. “Hakob, nasaan si Yael? Parang hindi ko siya nakikita," tanong ni Jackson, karga naman niya si Sonya. “Mahuhuli lang daw siya ng kaunti. May kailangang gawin sa school niya eh." Ibinaba ni Jacob si Jia at hinayaang maglaro sa may damuhan. Ibinaba rin ni Jackson ang anak niyang si Sonya at inayos ang mga pagkain at red wine. “Hindi ako makapaniwalang mas gusto pang matulog nina Freya at Eya kaysa sumama sa picnic na ito.” Tumawa nang mahina si Jacob. "Hayaan mo na. They needed it. Minsan lang sila maging malaya,” pabiro niyang sabi. Napangiti at napatingin sina Jackson at Jacob kay Jett nang bigla silang inakbayan nito. "Kumusta? Ang tagal mong nawala ha! Ano? Nakabuo na ba kayo?” sunod-sunod na tanong ni Jacob. Tumaas pa ng ilang beses ang kaniyang dalawang kilay. "How's your honeymoon? Ginawa mo ba naman
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 115“A-Arya…”“Bitiwan niyo ako. Hindi pa ako tapos sa lalaking ‘yan," nagpupumiglas na sambit ni Jett."Gusto mo bang makulong?” inis na tanong ni Jacob.Umiling si Jett. “Pakakasalan ko pa si Arya. Bubuo pa kami ng pamilya.”“Kung gano’n, kumalma ka. Tingnan mo nga ang hitsura ni Damon. Halos hindi na siya makalakad at halos hindi na makilala ang mukha niya. Alam mo naman siguro na may kaukulang parusa ang ginawa mo, oras na magkaso sa’yo si Damon," ani Jacob."Ang kapal naman ng mukha niya kung magkakaso pa siya eh kulang pa nga ‘yan sa mga ginawa niya kay Ary—”“Jacob." Sumenyas si Jackson na ilayo na muna si Jett kina Arya at Damon. Agad naman siyang naintindihan ng kaniyang kapatid. Nagtakip na lamang siya ng kaniyang tainga nang magsisigaw si Jett habang kinakaladkad ito ni Jacob palayo. “Now, let’s see if Arya is going to hurt her ex-husband or not," nakangiting sambit niya."Arya…”Walang emosyon si Arya habang nakatingin sa bugbog sar
Longing for my Ex-Wife's ReturnKabanata 114Mabilis na kumawala si Divina sa mga bisig ni Denver. Gumapang siya patungo kay Arya.“Arya, I’m sorry. Patawarin mo ako sa kung paano kita itinrato. Wala akong alam. Hindi ko alam na apo ka pala ni Don Fridman. Arya, please, huwag mo kaming ipakulong. Kahit naman papaano ay may pinagsamahan tayo. Tatlong taon ka naming kinupkop, pinakain at binihisan, Ar—”“So, dapat pa pala akong magpasalamat sa’yo? Gano’n ba, Divina?" natatawang sambit ni Arya."Arya, hindi naman sa gano’n. Nais ko lang ipaalala sa’yo na minsan ka ring naging isa sa amin, na minsan ka ring naging isang Walton,” malumanay at nakangiting turan ni Divina.“Oo nga naman. Salamat ha kasi ipinahiram niyo sa akin ang apelyidong Walton ng tatlong taon. Isang karangalan," sarkastikong wika ni Arya."Walang anuman, hija. Paano? Ipapa abswelto mo na ba kami, huh?” Mula sa pagkakaluhod ay biglang tumayo si Divina. Hahawakan na sana niya ang kamay ni Arya nang bigla siyang tinabig ni
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 113“Kulang pa ang paghalik mo sa sahig bilang kaparusahan sa mga ginawa mo sa akin, sa kumpanya at kay lolo, Mariz!" ani Arya habang inginungodngod niya sa sahig ang mukha ni Mariz.“Ano pa bang gusto mo, Arya? Nasa iyo na ang lahat! Bakit ginaganito mo pa a—”“SHUT UP!" mangiyak-ngiyak na sigaw ni Arya. “Did you already forget that you killed an innocent child, huh, Mariz? Did you forget that you killed my daughter?!” Bilog na bilog ang mga mata niya.“Fetus pa lang naman ang anak mo n—-”Mabilis na binitiwan ni Arya ang buhok ni Mariz at saka tumayo para tapakan ang mukha nito habang lapat pa ang mukha nito sa sahig. Mataas ang takong ng suot niyang sandals kaya talaga namang panay na panay ang paghikbi ni Mariz habang nagmamakaawa sa kaniya!“She already had a heartbeat that time. MAY BUHAY NA ANG BATANG NASA SINAPUPUNAN KO! KE FETUS MAN SIYA O SANGGOL NA, BUHAY NA SIYA! MAY ANAK KA RIN, MARIZ, SIGURO NAMAN ALAM MO KUNG GAANO KASAKIT SA ISA
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 112Kumikinang ang kwintas at hikaw ni Arya sa tuwing tatamaan ito ng mga ilaw. Bilyon ang halaga ng mga ito dahil gawa ang kwintas at hikaw sa mataas na karat na purong diyamante at gems, walang sinabi ang suot ni Mariz na twenty four carat gold necklace at dangling earrings. Maging ang mga palamuti sa kaniyang buhok ay kumikinang din, gawa rin sa purong diyamante ang lahat ng bato, hindi tulad sa hair accessories ni Mariz na gawa sa mataas na klase lang ng Russian stones. Bukod sa mga alahas at ibang accessories ay talaga namang agaw pansin din ang suot na gown ni Arya. She's wearing “The Nightingale of Kuala Lumpur" gown that was designed by Faisal Abdullah. This gown is priced at thirty million US dollars! The red long gown is made of crimson silk and taffeta and adorned with over seven hundred fifty diamonds, with a stunning 70-carat pear-cut Belgian diamond!Habang naglalakad si Arya palapit sa kaniyang lolo at sa kaniyang magiging asawa
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 111Bago pa man muling magsalita si Don Fridman ay pinalibutan na ng mga pulis ang pamilyang Walton at ang mag-inang Mariz at Marissa.Napayakap si Divina sa kaniyang asawang si Denver. “Ayokong makulong. Nakakadiri sa kulungan. Masikip, mabaho at may mga kasama ka pang mga kriminal at asal-hayop." “Don't worry, darling. Hindi tayo pababayaan ni Senyorita Armani. As long as she's taking our side, then, we have nothing to worry about," kampanteng wika ni Denver. Hinalikan niya sa ulo ang kaniyang asawa.“Tama si papa. We have Mariz at sigurado akong hindi papayag si Don Fridman na lalaking walang ama at ina ang apo niya sa tuhod. Wealthy people cannot afford to have an "ex-convict" word after their names. Napakadali rin para sa kanilang mag manipula ng batas. So sit down and relax. Tingnan niyo, ngiting-ngiti sa atin si Don Fridman. We should smile back at him,” wika ni Damon sabay ngiti kay Don Fridman. Hinawakan niya ang kamay ni Mariz at iti
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 110Lalapit na sana ang mga kabaro ni Tamahome sa table kung saan naroroon ang mga Walton at ang mag-inang Mariz nang pigilan sila ni Jett.“Hindi pa oras para hulihin sila. Let them enjoy the show first," Jett instructed.Marahas na napalupagi sina Divina at Denver sa sahig nang mapagtanto nila ang kanilang kalagayan. Dawit na sila sa kasalanan nina Mariz, Damon at Marissa dahil sa pagsisinungaling nila kanina.“Anong kamalasan pa ba ang dadating sa buhay natin? Simula nang dumating ang babaeng ‘yon, nagkanda leche-leche na ang buhay natin! Siya talaga ang nagdala ng malas sa pamilya natin! Bakit ba kasi hindi agad nakilala ng anak natin si Senyorita Mariz?!” ngalngal ni Divina."Nasa maayos ka pa bang pag-iisip? Makukulong ang anak natin, pati na rin tayo ngayon dahil sa krimeng ginawa nina Senyorita Mariz. Sa tingin mo, bakit niya binihag ang mga Gray? Kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay hindi siya totoong Armani.” Pumatak ang butil-butil na p
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 109“Binibini, panoorin mong mabuti ang aking inihandang munting palabas para sa iyo. Malay mo, ikaw pala ang star of the show," nakangising turan ni Don Vandolf sabay akyat muli sa stage.“Anak, ano bang sinasabi ng matandang ‘yon? Naguguluhan ako," kinakabahang sabi ni Marissa.“Hindi ko rin alam, mama. Tingnan na lang natin." Pinagpapawisan na ng malalamig si Mariz. Mas lalong nadagdagan ang kaba niya nang mahagip ng kaniyang mga mata ang mga dumating na pulis. ‘ShiT! Ano bang nangyayari?’“Senyorita, kinakabahan ako. May hindi tama rito," bulong ni Damon.“Manahimik ka nga! Hindi ka nakakatulong!" Pinagtinginan ng mga tao si Mariz dahil napalakas ang boses niya. “Oh! Anong tinitingin-tingin niyo riyan?!"Mabilis na nag-iwas ng tingin ang mga tao kina Mariz at nag focus na lamang sa ipalalabas sa harapan. Maya-maya pa ay nagsimula na ang video clip.Agad na napatayo sa upuan si Mariz nang makita niya ang kaniyang sarili sa screen. Nanlaki an
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 108“Sobrang baliw ng babaeng ‘yon. Pagpasensyahan mo na ang ex-wife ni Damon, Senyorita Mariz. Lumuwag ang turnilyo no’n sa utak dahil nakipaghiwalay ang anak ko sa kaniya. Ngayon, akala niya ay may kakayahan na siyang makipagsabayan sa ating mga mayayaman,” natatawang sabi ni Divina.‘Talaga nga palang boba ang isang ‘to. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam na ang inaasam-asam niyang yaman at malahian ay nasa puder na niya ng tatlong taon. T0nta! Pasalamat ka at nanay ka ng lalaking matagal ko nang pinapantasya!’ sigaw ng isip ni Mariz habang pekeng nakangiti kay Divina Walton.“Oo nga, senyorita. Sobrang trying hard ni Arya. Isa siyang social climber at gold digger. Mabuti na lang talaga at nauntog ang anak namin bago pa maubos ng babaeng ‘yon ang yaman naming mga Walton,” salaysay naman ni Denver.‘Isa ka pa! Pare-pareho lang kayong mga inutiL at walang alam! Mabuti na lang at isa rin akong Armani. I saved all of you from disgrace and