**The Past** (Part 4)"Inay, Tatay puntahan ko lang po si Arkie sa kulungan niya. Pakainin ko lang din po muna," ani Freya."Sige anak. Hintayin mo nang makatapos kumain si Arkie ha at baka may umaway na namang aso sa kaniya. Magliligpit lang ako rito sa kusina," sabi ni Rhea."Sige po inay." Mabilis na yumakap si Freya kay Ramil na nakaupo sa silya. "Tatay, gusto niyo pong sumama palabas?" nakangiting tanong ni Freya."Hindi na anak. Dito na lang ako. Namiss ko kasing titigan ang inay mo." Kinindatan niya si Rhea na ngayon ay hindi maipinta ang mukha dahil sa banat niya."Si tatay talaga … napakasweet," natatawang wika ni Freya bago siya nagtatakbo palabas ng kanilang bahay. Napatingin siya sa pinto ng bahay nina Josefina. Humilig nang bahagya pa kanan ang ulo niya. "Nakapagtataka. Naiwang bukas nina Aling Josie ang kanilang pinto," bulong niya. "Siguro nakalimutan lang nilang isara." Naglakad na siya papunta sa kulungan ng aso niyang si Arkie.Mabilis na ibinuhos ni Jackson ang naki
**The Past** (Last Part)"Anong ginawa mo? Bakit mo ginawa 'yon? Paano mo nalaman kung saan nakatira sina Josie? Anong pumasok sa kokote mo at nagawa mo ang bagay na iyon? FÚCK JACKSON!" sunod-sunod na tanong ni Don Vandolf. Pilit niyang ikinakalma ang kaniyang sarili dahil sa nangyari. Kung hindi pa na-trace ni Set ang kinaroroonan ni Jackson ay hindi pa niya malalaman na wala sa kanilang mansyon ang anak niya."Stop asking me those shíts, papa!" sigaw ni Jackson."Aba at nananagot ka na! Gusto mo ba talagang matamaan sa akin, HA?" nanggagalaiting turan ni Don Vandolf."I thought you're a gentleman, papa. I gave you my full respect without even knowing that you're doing some miracle within this house! HINDI KA PA NAKONTENTO SA PANGANGALIWA MO! INANAKAN MO PA TALAGA ANG KABIT MO!" malakas na sigaw ng batang si Jackson.Hindi nakaibo si Don Vandolf sa kaniyang mga narinig."ANO PAPA? HUWAG MONG SABIHING ITATANGGI MO PA 'YAN SA HARAP KO? I SAW YOU AND THAT SNAKE KISSING EACH OTHER SA MI
Mabilis na binitiwan ni Jackson si Yvette nang biglang nagkaroon ng malay si Freya. Agad siyang lumapit kay Freya at hinaplos ang buhok nito."G-gising ka na pala. K-kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo?" nag-aalalang tanong ni Jackson."Medyo nahihilo lang ako," tugon ni Freya. Kumunot ang noo niya nang makita niya si Yvette. "Sino siya?" tanong niya."Uhm, anak ako ng doktor na naka-assigned sa iyo. He asked me to monitor your vitals on his behalf. Naka-lunch break din kasi ang nurse mo," nakangiting tugon ni Yvette. She smiled as if nothing had happened between her and Jackson."Jackson?""T-totoo ang sinabi niya, Freya," tarantang sambit ni Jackson.'Am I hallucinating, earlier? Nakita kong hawak-hawak ni Jackson ang leeg ng babaeng ito eh,' ani ng isip ni Freya."Are you okay? Do you need anything?" muling tanong ni Jackson."I'm fine. Please call the doctor. I want to get out of here. Kailangan kong makausap sa personal si chief," ani Freya habang inaalis ang dextros
The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try again later. Inis na ibinulsa ni Jacob ang kaniyang cell phone nang hindi niya na-contact niya si Freya. "Please answer my call, Freya," Jacob whispered. He got his phone from his pocket then he dialed her number eleven times but he got no answer from her. He tried it once more. The number you have dialed is eit — "Fúck! I'm sick with this shít!" galit na sigaw niya sa kaniyang cell phone. Inilagay niya ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang ulo at ginanutan ang kaniyang sarili. Kasalukuyang, sinusuri ng forensic pathologist ang bangkay ng batang natagpuan sa kahabaan ng Kalye ng Espanya. Kilala ni Jacob ang forensic pathologist na iyon dahil siya mismo ang kumontak dito para pumunta sa bayan ng Monte Carlos. Malaki ang hininging kabayaran ng pathologist kay Jacob dahil ultimo mga gamit nito ay bitbit niya papunta sa munting bayan. Balewala naman iyon kay Jacob dahil ang nais niyang malaman ay kun
Kinuha ni Jacob ang kuwintas na bituin bago niya kausapin ang kaibigan niyang forensic pathologist na si Mr. George."Jacob, my friend called me and we already have the DNA result. It's negative. Hindi mo anak ang batang nakaratay sa morgue," salaysay ni Mr. George."I know," matipid na tugon ni Jacob."Then why didn't you say anything to me? Itinigil ko na sana ang mga tests na ginawa ko sa bangkay," inis na sambit ni Mr. George."I'm sorry. I have another favor to ask. Can you call your friend?" Jacob pleaded.Tumaas ang kilay ni Mr. George. "Why do I need to call him? We already know the result and it will be faxed to us any minute now," aniya."Tell him to change the result. Make it positive," direktang utos ni Jacob.Napatawa si Mr. George. Namewang siya at pagkatapos ay kinamot ang kaniyang matangos na ilong. Mestiso si Mr. George dahil ang ama niya ay isang Amerikano. "You're kidding, right?" Nagsalubong ang mga kilay ni Mr. George. Naningkit ang kaniyang mga mata at tiningnan
Isang sikretong ngiti ang mabilis na kumurba sa labi ni Jackson nang mapanood niya ang balita sa telebisyon sa may lobby ng hospital. Matapos niyang mabilog ang ulo ni Yvette ay marahan na siyang naglalakad pabalik sa silid ni Freya."Didn't know na makakakilala ako ng isa pang uto-uto sa araw na ito," bulong niya habang pinagkukuskos niya ang kaniyang mga palad.Mabait na bata si Jackson noon hanggang sa paulit-ulit niyang nasaksihan ang kababuyan ng kaniyang ama. His dark side started to dominate over him when he met Josefina, Jacob's biological mother. Ni hindi man lang ipinaliwanag ni Don Vandolf sa kaniya na walang alam ang kaniyang kerida na kerida siya bago pa man nila mabuo si Jacob. His father made him think na hindi lang siya ang natukso at nagkamali. Doon nagsimulang mag-alab ang galit ni Jackson sa mag-inang Josefina at Jacob. He thought it was Jacob's mother who insisted herself to his father. Inakala niyang mukhang pera at walang kaluluwa si Josefina dahil sa pagsira nit
"Sir, maraming salamat po sa pagdakip sa kaniya. Isa po siyang takas na pasyente sa OLHOS. Nais lang po naming malaman kung ano ang pakay niya rito," ani ng nurse habang nagpapa-cute kay Jacob.Mabilis na itinaas ni Freya ang isa niyang labi. Nakalimutan niyang nasa bisig siya ng dati niyang nobyo."At sinong may sabi sa'yong takas siya?" sambit ni Jackson. Dali-dali siyang naglalakad palapit sa kinaroroonan nina Freya at Jacob. Napako ang kaniyang mga mata sa mga kamay ni Jacob na nakapulupot sa bewang ni Freya.'Ang mga Gray! Sino ba talaga ang babaeng ito at mukhang pinag-aagawan siya ng magkapatid? Kíngina ang suwerte naman niya!' piping sigaw ng nurse. Lumunok muna siya nang sunod-sunod bago niya hinarap ang papalapit na si Jackson. "May pruweba po ba kayo na hindi isang takas na pasyente ang babaeng 'yon?" tanong niya."Babaeng 'yon?" Jackson smirked. "Her name is Freya. Call her by her name. And yes, I have proof. Here." Itinapon ni Jackson sa harapan ng nurse ang official rece
Parang nauupos na kandila si Freya habang palapit siya nang palapit sa may morgue. Naalala niya ang masasayang ala-ala nila ni Yael. Mahirap man ang buhay nila noon, nag-uumapaw naman ang kasiyahan sa kanilang mga puso. Napuno ng mga katanungan ang isip niya. Paano kaya kung hindi niya nakasalamuha ang mga Gray? Paano kung nakuntento na lamang siya sa buhay na mayroon sila noon? Marahil ay buhay pa si Yael kung pinili niyang lumayo na lamang sa mayaman at makapangyarihang pamilya?"Freya, huwag mong pilitin ang sarili mo kung hindi mo pa kayang makita si Yael," ani Jackson. Hawak niya sa balikat si Freya habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa pinto.Lumunok si Freya. Huminga siya nang malalim at pumikit nang mariin. Ramdam na ramdam pa rin niya ang panlalambot ng kaniyang mga tuhod. Hinuha niya, anumang oras ay maaari siyang matumba. Napahawak siya sa kaniyang noo nang bigla itong kumirot."Freya, ayos ka lang ba? Hintayin na lang kaya natin na dalhin nila si Yael sa bahay niyo?
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURN Kabanata 116 - ANG WAKAS “JETTY, ARYA, COME HERE! WE’RE HERE!” palakat ni Jacob habang karga-karga niya ang kaniyang anak na si Jia. “Hakob, nasaan si Yael? Parang hindi ko siya nakikita," tanong ni Jackson, karga naman niya si Sonya. “Mahuhuli lang daw siya ng kaunti. May kailangang gawin sa school niya eh." Ibinaba ni Jacob si Jia at hinayaang maglaro sa may damuhan. Ibinaba rin ni Jackson ang anak niyang si Sonya at inayos ang mga pagkain at red wine. “Hindi ako makapaniwalang mas gusto pang matulog nina Freya at Eya kaysa sumama sa picnic na ito.” Tumawa nang mahina si Jacob. "Hayaan mo na. They needed it. Minsan lang sila maging malaya,” pabiro niyang sabi. Napangiti at napatingin sina Jackson at Jacob kay Jett nang bigla silang inakbayan nito. "Kumusta? Ang tagal mong nawala ha! Ano? Nakabuo na ba kayo?” sunod-sunod na tanong ni Jacob. Tumaas pa ng ilang beses ang kaniyang dalawang kilay. "How's your honeymoon? Ginawa mo ba naman
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 115“A-Arya…”“Bitiwan niyo ako. Hindi pa ako tapos sa lalaking ‘yan," nagpupumiglas na sambit ni Jett."Gusto mo bang makulong?” inis na tanong ni Jacob.Umiling si Jett. “Pakakasalan ko pa si Arya. Bubuo pa kami ng pamilya.”“Kung gano’n, kumalma ka. Tingnan mo nga ang hitsura ni Damon. Halos hindi na siya makalakad at halos hindi na makilala ang mukha niya. Alam mo naman siguro na may kaukulang parusa ang ginawa mo, oras na magkaso sa’yo si Damon," ani Jacob."Ang kapal naman ng mukha niya kung magkakaso pa siya eh kulang pa nga ‘yan sa mga ginawa niya kay Ary—”“Jacob." Sumenyas si Jackson na ilayo na muna si Jett kina Arya at Damon. Agad naman siyang naintindihan ng kaniyang kapatid. Nagtakip na lamang siya ng kaniyang tainga nang magsisigaw si Jett habang kinakaladkad ito ni Jacob palayo. “Now, let’s see if Arya is going to hurt her ex-husband or not," nakangiting sambit niya."Arya…”Walang emosyon si Arya habang nakatingin sa bugbog sar
Longing for my Ex-Wife's ReturnKabanata 114Mabilis na kumawala si Divina sa mga bisig ni Denver. Gumapang siya patungo kay Arya.“Arya, I’m sorry. Patawarin mo ako sa kung paano kita itinrato. Wala akong alam. Hindi ko alam na apo ka pala ni Don Fridman. Arya, please, huwag mo kaming ipakulong. Kahit naman papaano ay may pinagsamahan tayo. Tatlong taon ka naming kinupkop, pinakain at binihisan, Ar—”“So, dapat pa pala akong magpasalamat sa’yo? Gano’n ba, Divina?" natatawang sambit ni Arya."Arya, hindi naman sa gano’n. Nais ko lang ipaalala sa’yo na minsan ka ring naging isa sa amin, na minsan ka ring naging isang Walton,” malumanay at nakangiting turan ni Divina.“Oo nga naman. Salamat ha kasi ipinahiram niyo sa akin ang apelyidong Walton ng tatlong taon. Isang karangalan," sarkastikong wika ni Arya."Walang anuman, hija. Paano? Ipapa abswelto mo na ba kami, huh?” Mula sa pagkakaluhod ay biglang tumayo si Divina. Hahawakan na sana niya ang kamay ni Arya nang bigla siyang tinabig ni
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 113“Kulang pa ang paghalik mo sa sahig bilang kaparusahan sa mga ginawa mo sa akin, sa kumpanya at kay lolo, Mariz!" ani Arya habang inginungodngod niya sa sahig ang mukha ni Mariz.“Ano pa bang gusto mo, Arya? Nasa iyo na ang lahat! Bakit ginaganito mo pa a—”“SHUT UP!" mangiyak-ngiyak na sigaw ni Arya. “Did you already forget that you killed an innocent child, huh, Mariz? Did you forget that you killed my daughter?!” Bilog na bilog ang mga mata niya.“Fetus pa lang naman ang anak mo n—-”Mabilis na binitiwan ni Arya ang buhok ni Mariz at saka tumayo para tapakan ang mukha nito habang lapat pa ang mukha nito sa sahig. Mataas ang takong ng suot niyang sandals kaya talaga namang panay na panay ang paghikbi ni Mariz habang nagmamakaawa sa kaniya!“She already had a heartbeat that time. MAY BUHAY NA ANG BATANG NASA SINAPUPUNAN KO! KE FETUS MAN SIYA O SANGGOL NA, BUHAY NA SIYA! MAY ANAK KA RIN, MARIZ, SIGURO NAMAN ALAM MO KUNG GAANO KASAKIT SA ISA
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 112Kumikinang ang kwintas at hikaw ni Arya sa tuwing tatamaan ito ng mga ilaw. Bilyon ang halaga ng mga ito dahil gawa ang kwintas at hikaw sa mataas na karat na purong diyamante at gems, walang sinabi ang suot ni Mariz na twenty four carat gold necklace at dangling earrings. Maging ang mga palamuti sa kaniyang buhok ay kumikinang din, gawa rin sa purong diyamante ang lahat ng bato, hindi tulad sa hair accessories ni Mariz na gawa sa mataas na klase lang ng Russian stones. Bukod sa mga alahas at ibang accessories ay talaga namang agaw pansin din ang suot na gown ni Arya. She's wearing “The Nightingale of Kuala Lumpur" gown that was designed by Faisal Abdullah. This gown is priced at thirty million US dollars! The red long gown is made of crimson silk and taffeta and adorned with over seven hundred fifty diamonds, with a stunning 70-carat pear-cut Belgian diamond!Habang naglalakad si Arya palapit sa kaniyang lolo at sa kaniyang magiging asawa
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 111Bago pa man muling magsalita si Don Fridman ay pinalibutan na ng mga pulis ang pamilyang Walton at ang mag-inang Mariz at Marissa.Napayakap si Divina sa kaniyang asawang si Denver. “Ayokong makulong. Nakakadiri sa kulungan. Masikip, mabaho at may mga kasama ka pang mga kriminal at asal-hayop." “Don't worry, darling. Hindi tayo pababayaan ni Senyorita Armani. As long as she's taking our side, then, we have nothing to worry about," kampanteng wika ni Denver. Hinalikan niya sa ulo ang kaniyang asawa.“Tama si papa. We have Mariz at sigurado akong hindi papayag si Don Fridman na lalaking walang ama at ina ang apo niya sa tuhod. Wealthy people cannot afford to have an "ex-convict" word after their names. Napakadali rin para sa kanilang mag manipula ng batas. So sit down and relax. Tingnan niyo, ngiting-ngiti sa atin si Don Fridman. We should smile back at him,” wika ni Damon sabay ngiti kay Don Fridman. Hinawakan niya ang kamay ni Mariz at iti
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 110Lalapit na sana ang mga kabaro ni Tamahome sa table kung saan naroroon ang mga Walton at ang mag-inang Mariz nang pigilan sila ni Jett.“Hindi pa oras para hulihin sila. Let them enjoy the show first," Jett instructed.Marahas na napalupagi sina Divina at Denver sa sahig nang mapagtanto nila ang kanilang kalagayan. Dawit na sila sa kasalanan nina Mariz, Damon at Marissa dahil sa pagsisinungaling nila kanina.“Anong kamalasan pa ba ang dadating sa buhay natin? Simula nang dumating ang babaeng ‘yon, nagkanda leche-leche na ang buhay natin! Siya talaga ang nagdala ng malas sa pamilya natin! Bakit ba kasi hindi agad nakilala ng anak natin si Senyorita Mariz?!” ngalngal ni Divina."Nasa maayos ka pa bang pag-iisip? Makukulong ang anak natin, pati na rin tayo ngayon dahil sa krimeng ginawa nina Senyorita Mariz. Sa tingin mo, bakit niya binihag ang mga Gray? Kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay hindi siya totoong Armani.” Pumatak ang butil-butil na p
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 109“Binibini, panoorin mong mabuti ang aking inihandang munting palabas para sa iyo. Malay mo, ikaw pala ang star of the show," nakangising turan ni Don Vandolf sabay akyat muli sa stage.“Anak, ano bang sinasabi ng matandang ‘yon? Naguguluhan ako," kinakabahang sabi ni Marissa.“Hindi ko rin alam, mama. Tingnan na lang natin." Pinagpapawisan na ng malalamig si Mariz. Mas lalong nadagdagan ang kaba niya nang mahagip ng kaniyang mga mata ang mga dumating na pulis. ‘ShiT! Ano bang nangyayari?’“Senyorita, kinakabahan ako. May hindi tama rito," bulong ni Damon.“Manahimik ka nga! Hindi ka nakakatulong!" Pinagtinginan ng mga tao si Mariz dahil napalakas ang boses niya. “Oh! Anong tinitingin-tingin niyo riyan?!"Mabilis na nag-iwas ng tingin ang mga tao kina Mariz at nag focus na lamang sa ipalalabas sa harapan. Maya-maya pa ay nagsimula na ang video clip.Agad na napatayo sa upuan si Mariz nang makita niya ang kaniyang sarili sa screen. Nanlaki an
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 108“Sobrang baliw ng babaeng ‘yon. Pagpasensyahan mo na ang ex-wife ni Damon, Senyorita Mariz. Lumuwag ang turnilyo no’n sa utak dahil nakipaghiwalay ang anak ko sa kaniya. Ngayon, akala niya ay may kakayahan na siyang makipagsabayan sa ating mga mayayaman,” natatawang sabi ni Divina.‘Talaga nga palang boba ang isang ‘to. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam na ang inaasam-asam niyang yaman at malahian ay nasa puder na niya ng tatlong taon. T0nta! Pasalamat ka at nanay ka ng lalaking matagal ko nang pinapantasya!’ sigaw ng isip ni Mariz habang pekeng nakangiti kay Divina Walton.“Oo nga, senyorita. Sobrang trying hard ni Arya. Isa siyang social climber at gold digger. Mabuti na lang talaga at nauntog ang anak namin bago pa maubos ng babaeng ‘yon ang yaman naming mga Walton,” salaysay naman ni Denver.‘Isa ka pa! Pare-pareho lang kayong mga inutiL at walang alam! Mabuti na lang at isa rin akong Armani. I saved all of you from disgrace and