Share

Kabanata 17

Author: Docky
last update Last Updated: 2022-09-24 20:49:21
"Anong ginagawa mo rito?" sabay na sigaw nina Freya at Jackson.

"Ginagaya mo ba ako?" sabay ulit nilang sigaw.

Sa halip na mainis sa isa't-isa ay parehas silang napatawa.

"Magkagaya ba ang takbo ng isip natin?" nakangising tanong ni Jackson.

"Siguro oo kasi 'yan din ang gusto kong itanong sa iyo eh. Naunahan mo lang ako," sambit ni Freya habang naglalakad sa pool.

"Bakit mag-isa ka lang? Nasaan ang anak mo?" seryosong tanong ni Jackson.

"Natutulog pa. Iniwan ko lang saglit para makapag-isip-isip ako at makapagpahangin. Ikaw? Bakit nandito ka? Napaaga yata ang gising mo," ani Freya.

"Actually, wala pa akong matinong tulog," tugon ni Jackson.

Umupo sina Jackson at Freya sa hagdan ng pool at doon nagtampisaw.

"Dahil ba kay Ivana?" nag-aalangang tanong ni Freya.

Hindi sumagot si Jackson sa halip ay binato niya rin ng tanong si Freya. "Ikaw Freya, nakatulog ka na ba o wala ka pa ring matinong tulog gaya ko?"

Bumuntong hininga si Freya. "Wala pa rin akong maayos na tulog," aniya.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Kulot Mo Leysa
nakakainis ka jacob sana c jackson nlng ang matuloyan ni freya at mabait naman cia prang bet kopa clang dalawa
goodnovel comment avatar
Belen Versoza
next episode please
goodnovel comment avatar
Rossana Dumdum
ayun oh!! c jackson ang nanalo..sna pati sa puso ni freya
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • One Night Love (Tagalog)   Kabanata 18

    "Mommy, bakit po putlang-putla ka? Nakatulog ka po ba kagabi?" tanong ni Yael habang kinukusot pa ang kaniyang mga mata.Hinapit ni Freya ang kaniyang anak palapit sa kaniya. Ipinulupot niya ang kaniyang mga kamay kay Yael at pagkatapos ay hinalikan niya ito sa noo."Nakatulog naman si mommy kahit papaano. Siguro dala lang ng pagod kahapon." Napatingin siya sa pinto nang biglang may kumatok doon. "Anak, punta ka muna ng banyo. Mag-toothbrush ka roon at maghilamos."Mabilis na bumaba sa kama si Yael. Nakahawak siya sa kaniyang tiyan. Tamang-tama dahil tinatawag siya ng kalikasan. Agad siyang nagtatakbo papunta sa banyo.Inamoy ni Freya ang kaniyang hininga. 'Ang baho! 'Di bale lalayo na lang ako para hindi maamoy noong kumakatok ang hininga ko.' Sinuklay niya ng kaniyang daliri ang kaniyang buhok at pagkatapos ay pinuyod iyon. Naglakad na siya patungo sa may pintuan at binuksan ang pinto. Napaatras siya nang makita niya si Diana. Nakabihis na ito at dala na rin ng bodyguard nitong si H

    Last Updated : 2022-09-25
  • One Night Love (Tagalog)   Kabanata 19

    Halos tumirik ang mga mata ni Diana kaiirap kay Ivana. Kitang-kita niya sa kaniyang puwesto ang kaharutan nito. Nakahiga si Ivana sa dibdib ni Jacob habang ang mga kamay nito ay pauli-uli sa matipunong katawan ng kaniyang kapatid. "We're inside the aircraft. Wala tayo sa motel. Pinapaalala ko lang at baka nakakalimutan niyo na," pasaring ni Diana. Tumingin si Ivana kay Diana at ngumiti, "sorry." "Nakakatakot. Parang anumang oras eh babagsak nang diretso 'tong private aircraft ni papa sa apoy ng impyerno." Niyakap ni Diana ang kaniyang sarili at nagkunwaring natatakot. Pinandilatan pa niya si Ivana. "Diana, shut your mouth!" suway ni Jacob. Humalukipkip si Diana at naglaro na lang sa kaniyang iPhone. "Pasalamat nga 'yang babaeng 'yan at hindi siya pinababa ng private pilot ni papa eh! Hindi naman siya dapat kasama rito! Amoy malansa tuloy!" aniya. "Pasalamat ka rin kay papa at may nasakyan tayo pauwi ng Manila. Kung hindi ka ba naman pahuli-huli eh 'di sana, hindi tayo naiwan ng

    Last Updated : 2022-09-26
  • One Night Love (Tagalog)   Kabanata 20

    "Bakit niyo po natanong kung sino ang ama ng anak ko?" nagtatakang tanong ni Freya."Nevermind. Ano palang pangalan mo hija?" ani Don Vandolf."Freya Oligario po." Yumuko ulit siya at humingi ng pasensya. "Maiwan na po namin kayo. Pasensya na po ulit." Naglakad na siya pabalik ng kiddie pool kasama si Yael."Senior, kamukhang-kamukha po ni Sir Jacob ang bata," sambit ni Set."Matalas din nga ang mata mo bata. Napansin ko rin ang bagay na iyon. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit magaan ang loob ko kay Yael," ani Don Vandolf."Ano pong balak niyo senior?" tanong ni Set."I will call my private investigator. Aalamin ko kung sino si Freya Oligario at kung may ugnayan ba siya kay Jacob. Let's see if tama ang kutob kong apo ko nga ang napakaguwapong batang iyon. Humanda sa akin 'yang si Jacob kapag napatunayan kong siya ang ama ni Yael," tugon ni Don Vandolf. Hindi pa rin niya inaalis ang kaniyang tingin sa mag-ina.Napatingin si Set sa cell phone ng kaniyang amo nang tumunog iyon."Senio

    Last Updated : 2022-09-27
  • One Night Love (Tagalog)   Kabanata 21

    "Senior, mukhang umalis na po sina Freya at Yael." Nagmasid si Set sa paligid. "Nagtext na rin po ang ama ni Ivana. Dati raw po niyang empleyado si Freya. Taga-Monte Carlos daw po ang mag-ina," aniya.Kinuha ni Don Vandolf ang table napkin at pinunasan ang kaniyang bibig. Marahan siyang tumayo."Her eyes made me doubt her words. Set, call my private investigator. I need to confirm if she's telling the truth." Napatingin si Don Vandolf sa kaniyang cell phone. Tumatawag na naman si Jacob. "This son of a!" Sinagot niya ang tawag.["Papa, nandito na kami sa Manila. Nakausap mo na ba si Mr. Clinton? I still can't accept his decision! Jackson stole my presentation tapos siya pa ang napili niya! It's too unfair!"]Tumikhim si Don Vandolf."His decision is final, Jacob. He explained everything to me. Tanggapin mo na ang pagkatalo mo sa Kuya Jackson mo. Ano nga palang progress sa pinapagawa ko sa'yo sa Monte Carlos?" kunot-noong tanong ni Don Vandolf.["Papa, ayoko nang bumalik sa lugar na 'yo

    Last Updated : 2022-09-28
  • One Night Love (Tagalog)   Kabanata 22

    Matapos ang isang linggong bakasyon ay back to reality na sina Freya at Yael. Maagang gumising si Freya para asikasuhin ang anak niya. Malinis na rin ang kanilang munting tahanan. Nakaligo na rin siya dahil balak niyang mag-job hunting ngayong araw after nilang magkita ni Jackson.“Ingat ka ha. Oh, heto ang baon mo. Sunduin kita mamaya sa school. Huwag kang sasama sa mga taong hindi mo kilala ha. Wait mo na lang si mommy sa room mo. Maliwanag ba, anak?” tanong ni Freya.“Opo mommy!” tugon ni Yael.Tumayo si Freya at lumakad palapit kay Rian. Si Yael naman ay nakasakay na sa loob ng tricycle nito.“Rian, ikaw na muna ang bahala kay Yael ha. Maghahanap muna ako ng trabaho. Ayokong ibuin ang pera ni Yael eh at bigay pa ýon sa kaniya ni Maám Diana. Kapag may problema, tawagan mo lang ako,” sambit ni Freya.“Napakaswerte talaga saýo ni Yael. Bukod sa masipag na, masinop pa! Hay naku! Kapag talaga nakaharap ko ang ama ng batang ýan ingungudngud ko sa sahig ang pagmumukha niya!” gigil na tur

    Last Updated : 2022-09-29
  • One Night Love (Tagalog)   Kabanata 23

    "Papa, sino ba 'yong babae na ipakikilala mo sa akin? Sigurado ka bang kaya niyang maging manager ng restaurant na ito? Ayaw mo ba kay love?" Bumaling si Jacob kay Ivana."Papa, I mean, senior gusto ko po sanang ako na lang ang mag-manage nitong restaurant tutal sanay na naman po ako sa ganitong bagay. 'Di ba love?" Nakangiti si Ivana habang titig na titig kay Jacob. Hinalïkan niya ito ng isang mabilis na halik sa labi.Umayos ng upo si Don Vandolf at sinita ang dalawa."Mamaya na kayo maglampungan. Hindi ko kayo ipinatawag dito para sa ganiyang bagay. We're here for business!" suway ni Don Vandolf. "Ikaw naman Ivana, hindi mo na kailangan ng trabaho. Mamayang gabi, ita-transfer na ng accountant ko ang full payment ko for your businesses. Ipaubaya mo na sa ibang nangangailangan ang posisyon. Another thing, hindi ba't kailangan ka ng iyong mama at papa sa Manila? Paano mo tututukan ng ayos itong mga negosyo rito kung may iba ka pang hawak na business?"Napaisip si Ivana sa sinabing iyo

    Last Updated : 2022-10-01
  • One Night Love (Tagalog)   Kabanata 24

    Napatayo sa kaniyang kinauupuan si Jacob nang makita niya kung sino ang kasamang babae ni Jackson. "Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito?" wala sa sariling tanong ni Jacob. Tumaas ang kilay ni Don Vandolf. Napangiti siya nang makumpirma niyang magkakilala nga sina Freya at Jacob. "Do you know each other?" aniya kahit alam na niya ang kasagutan sa tanong niyang iyon. "Love, sit down," mariing utos ni Ivana. Pinandilatan niya ng tingin si Freya. 'She's a total gold digger! She's getting into my nerves!' Nagmano sina Jackson at Freya kay Don Vandolf. "I'm sorry, we're late," Jackson said. Hinila niya ang isang upuan at pinaupo roon si Freya. "Thank you," nakangiting sambit ni Freya. Tumikhim si Don Vandolf. Pumunta si Set sa counter para sabihin sa mga bagong staffs na pwede nang maghayin ng mga pagkain. Sina Jun at Agosto naman ay lumabas ng restaurant para magkuwentuhan at para na rin manigarilyo. "Jackson, ipakilala mo naman sa amin ang kasama mo," request ni Don Vandolf. "Sige

    Last Updated : 2022-10-01
  • One Night Love (Tagalog)   Kabanata 25

    Namilog ang mga mata ni Freya nang biglang ikinanta ni Ivana ang lihim na pinaka-iniingatan niya. Tatayo na sana siya para lisanin ang restaurant nang bigla siyang hawakan sa kamay ni Jackson. Umiling ito sa kaniya habang nangungusap ang mga mata."Calm down," bulong ni Jackson.Huminga nang malalim si Freya. Pinilit niyang pakalmahin ang kaniyang sarili. Pumikit siya saglit at saka unti-unting ibinuka ang nakakuyom niyang mga kamay. Ang mga paa niyang kanina pang hindi mapakali sa ilalim ng mesa ay nagawa niyang ipirmi sa tulong ni Jackson."Senior, ano? Papayag ka bang magkaroon ng mamanugangin na may sabit na?" nakangiting tanong ni Ivana."Freya, totoo ba? May anak ka na? Kailan pa? Bakit hindi mo naulit sa akin?" sunod-sunod na tanong ni Jacob.Hindi na muna nagsalita si Don Vandolf. Inoobserbahan niyang mabuti ang mga kilos ng mga tao sa paligid niya."Totoo ang sinabi ni Ivana," mahinang sambit ni Freya."See? I told you senior. Isang kaladkaring babae ang babaeng iyan!" Dinuro

    Last Updated : 2022-10-04

Latest chapter

  • One Night Love (Tagalog)   LMER - KABANATA 116 ANG WAKAS

    LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURN Kabanata 116 - ANG WAKAS “JETTY, ARYA, COME HERE! WE’RE HERE!” palakat ni Jacob habang karga-karga niya ang kaniyang anak na si Jia. “Hakob, nasaan si Yael? Parang hindi ko siya nakikita," tanong ni Jackson, karga naman niya si Sonya. “Mahuhuli lang daw siya ng kaunti. May kailangang gawin sa school niya eh." Ibinaba ni Jacob si Jia at hinayaang maglaro sa may damuhan. Ibinaba rin ni Jackson ang anak niyang si Sonya at inayos ang mga pagkain at red wine. “Hindi ako makapaniwalang mas gusto pang matulog nina Freya at Eya kaysa sumama sa picnic na ito.” Tumawa nang mahina si Jacob. "Hayaan mo na. They needed it. Minsan lang sila maging malaya,” pabiro niyang sabi. Napangiti at napatingin sina Jackson at Jacob kay Jett nang bigla silang inakbayan nito. "Kumusta? Ang tagal mong nawala ha! Ano? Nakabuo na ba kayo?” sunod-sunod na tanong ni Jacob. Tumaas pa ng ilang beses ang kaniyang dalawang kilay. "How's your honeymoon? Ginawa mo ba naman

  • One Night Love (Tagalog)   LMER - KABANATA 115

    LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 115“A-Arya…”“Bitiwan niyo ako. Hindi pa ako tapos sa lalaking ‘yan," nagpupumiglas na sambit ni Jett."Gusto mo bang makulong?” inis na tanong ni Jacob.Umiling si Jett. “Pakakasalan ko pa si Arya. Bubuo pa kami ng pamilya.”“Kung gano’n, kumalma ka. Tingnan mo nga ang hitsura ni Damon. Halos hindi na siya makalakad at halos hindi na makilala ang mukha niya. Alam mo naman siguro na may kaukulang parusa ang ginawa mo, oras na magkaso sa’yo si Damon," ani Jacob."Ang kapal naman ng mukha niya kung magkakaso pa siya eh kulang pa nga ‘yan sa mga ginawa niya kay Ary—”“Jacob." Sumenyas si Jackson na ilayo na muna si Jett kina Arya at Damon. Agad naman siyang naintindihan ng kaniyang kapatid. Nagtakip na lamang siya ng kaniyang tainga nang magsisigaw si Jett habang kinakaladkad ito ni Jacob palayo. “Now, let’s see if Arya is going to hurt her ex-husband or not," nakangiting sambit niya."Arya…”Walang emosyon si Arya habang nakatingin sa bugbog sar

  • One Night Love (Tagalog)   LMER - KABANATA 114

    Longing for my Ex-Wife's ReturnKabanata 114Mabilis na kumawala si Divina sa mga bisig ni Denver. Gumapang siya patungo kay Arya.“Arya, I’m sorry. Patawarin mo ako sa kung paano kita itinrato. Wala akong alam. Hindi ko alam na apo ka pala ni Don Fridman. Arya, please, huwag mo kaming ipakulong. Kahit naman papaano ay may pinagsamahan tayo. Tatlong taon ka naming kinupkop, pinakain at binihisan, Ar—”“So, dapat pa pala akong magpasalamat sa’yo? Gano’n ba, Divina?" natatawang sambit ni Arya."Arya, hindi naman sa gano’n. Nais ko lang ipaalala sa’yo na minsan ka ring naging isa sa amin, na minsan ka ring naging isang Walton,” malumanay at nakangiting turan ni Divina.“Oo nga naman. Salamat ha kasi ipinahiram niyo sa akin ang apelyidong Walton ng tatlong taon. Isang karangalan," sarkastikong wika ni Arya."Walang anuman, hija. Paano? Ipapa abswelto mo na ba kami, huh?” Mula sa pagkakaluhod ay biglang tumayo si Divina. Hahawakan na sana niya ang kamay ni Arya nang bigla siyang tinabig ni

  • One Night Love (Tagalog)   LMER - KABANATA 113

    LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 113“Kulang pa ang paghalik mo sa sahig bilang kaparusahan sa mga ginawa mo sa akin, sa kumpanya at kay lolo, Mariz!" ani Arya habang inginungodngod niya sa sahig ang mukha ni Mariz.“Ano pa bang gusto mo, Arya? Nasa iyo na ang lahat! Bakit ginaganito mo pa a—”“SHUT UP!" mangiyak-ngiyak na sigaw ni Arya. “Did you already forget that you killed an innocent child, huh, Mariz? Did you forget that you killed my daughter?!” Bilog na bilog ang mga mata niya.“Fetus pa lang naman ang anak mo n—-”Mabilis na binitiwan ni Arya ang buhok ni Mariz at saka tumayo para tapakan ang mukha nito habang lapat pa ang mukha nito sa sahig. Mataas ang takong ng suot niyang sandals kaya talaga namang panay na panay ang paghikbi ni Mariz habang nagmamakaawa sa kaniya!“She already had a heartbeat that time. MAY BUHAY NA ANG BATANG NASA SINAPUPUNAN KO! KE FETUS MAN SIYA O SANGGOL NA, BUHAY NA SIYA! MAY ANAK KA RIN, MARIZ, SIGURO NAMAN ALAM MO KUNG GAANO KASAKIT SA ISA

  • One Night Love (Tagalog)   LMER - KABANATA 112

    LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 112Kumikinang ang kwintas at hikaw ni Arya sa tuwing tatamaan ito ng mga ilaw. Bilyon ang halaga ng mga ito dahil gawa ang kwintas at hikaw sa mataas na karat na purong diyamante at gems, walang sinabi ang suot ni Mariz na twenty four carat gold necklace at dangling earrings. Maging ang mga palamuti sa kaniyang buhok ay kumikinang din, gawa rin sa purong diyamante ang lahat ng bato, hindi tulad sa hair accessories ni Mariz na gawa sa mataas na klase lang ng Russian stones. Bukod sa mga alahas at ibang accessories ay talaga namang agaw pansin din ang suot na gown ni Arya. She's wearing “The Nightingale of Kuala Lumpur" gown that was designed by Faisal Abdullah. This gown is priced at thirty million US dollars! The red long gown is made of crimson silk and taffeta and adorned with over seven hundred fifty diamonds, with a stunning 70-carat pear-cut Belgian diamond!Habang naglalakad si Arya palapit sa kaniyang lolo at sa kaniyang magiging asawa

  • One Night Love (Tagalog)   LMER - KABANATA 111

    LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 111Bago pa man muling magsalita si Don Fridman ay pinalibutan na ng mga pulis ang pamilyang Walton at ang mag-inang Mariz at Marissa.Napayakap si Divina sa kaniyang asawang si Denver. “Ayokong makulong. Nakakadiri sa kulungan. Masikip, mabaho at may mga kasama ka pang mga kriminal at asal-hayop." “Don't worry, darling. Hindi tayo pababayaan ni Senyorita Armani. As long as she's taking our side, then, we have nothing to worry about," kampanteng wika ni Denver. Hinalikan niya sa ulo ang kaniyang asawa.“Tama si papa. We have Mariz at sigurado akong hindi papayag si Don Fridman na lalaking walang ama at ina ang apo niya sa tuhod. Wealthy people cannot afford to have an "ex-convict" word after their names. Napakadali rin para sa kanilang mag manipula ng batas. So sit down and relax. Tingnan niyo, ngiting-ngiti sa atin si Don Fridman. We should smile back at him,” wika ni Damon sabay ngiti kay Don Fridman. Hinawakan niya ang kamay ni Mariz at iti

  • One Night Love (Tagalog)   LMER - KABANATA 110

    LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 110Lalapit na sana ang mga kabaro ni Tamahome sa table kung saan naroroon ang mga Walton at ang mag-inang Mariz nang pigilan sila ni Jett.“Hindi pa oras para hulihin sila. Let them enjoy the show first," Jett instructed.Marahas na napalupagi sina Divina at Denver sa sahig nang mapagtanto nila ang kanilang kalagayan. Dawit na sila sa kasalanan nina Mariz, Damon at Marissa dahil sa pagsisinungaling nila kanina.“Anong kamalasan pa ba ang dadating sa buhay natin? Simula nang dumating ang babaeng ‘yon, nagkanda leche-leche na ang buhay natin! Siya talaga ang nagdala ng malas sa pamilya natin! Bakit ba kasi hindi agad nakilala ng anak natin si Senyorita Mariz?!” ngalngal ni Divina."Nasa maayos ka pa bang pag-iisip? Makukulong ang anak natin, pati na rin tayo ngayon dahil sa krimeng ginawa nina Senyorita Mariz. Sa tingin mo, bakit niya binihag ang mga Gray? Kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay hindi siya totoong Armani.” Pumatak ang butil-butil na p

  • One Night Love (Tagalog)   LMER - KABANATA 109

    LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 109“Binibini, panoorin mong mabuti ang aking inihandang munting palabas para sa iyo. Malay mo, ikaw pala ang star of the show," nakangising turan ni Don Vandolf sabay akyat muli sa stage.“Anak, ano bang sinasabi ng matandang ‘yon? Naguguluhan ako," kinakabahang sabi ni Marissa.“Hindi ko rin alam, mama. Tingnan na lang natin." Pinagpapawisan na ng malalamig si Mariz. Mas lalong nadagdagan ang kaba niya nang mahagip ng kaniyang mga mata ang mga dumating na pulis. ‘ShiT! Ano bang nangyayari?’“Senyorita, kinakabahan ako. May hindi tama rito," bulong ni Damon.“Manahimik ka nga! Hindi ka nakakatulong!" Pinagtinginan ng mga tao si Mariz dahil napalakas ang boses niya. “Oh! Anong tinitingin-tingin niyo riyan?!"Mabilis na nag-iwas ng tingin ang mga tao kina Mariz at nag focus na lamang sa ipalalabas sa harapan. Maya-maya pa ay nagsimula na ang video clip.Agad na napatayo sa upuan si Mariz nang makita niya ang kaniyang sarili sa screen. Nanlaki an

  • One Night Love (Tagalog)   LMER - KABANATA 108

    LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 108“Sobrang baliw ng babaeng ‘yon. Pagpasensyahan mo na ang ex-wife ni Damon, Senyorita Mariz. Lumuwag ang turnilyo no’n sa utak dahil nakipaghiwalay ang anak ko sa kaniya. Ngayon, akala niya ay may kakayahan na siyang makipagsabayan sa ating mga mayayaman,” natatawang sabi ni Divina.‘Talaga nga palang boba ang isang ‘to. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam na ang inaasam-asam niyang yaman at malahian ay nasa puder na niya ng tatlong taon. T0nta! Pasalamat ka at nanay ka ng lalaking matagal ko nang pinapantasya!’ sigaw ng isip ni Mariz habang pekeng nakangiti kay Divina Walton.“Oo nga, senyorita. Sobrang trying hard ni Arya. Isa siyang social climber at gold digger. Mabuti na lang talaga at nauntog ang anak namin bago pa maubos ng babaeng ‘yon ang yaman naming mga Walton,” salaysay naman ni Denver.‘Isa ka pa! Pare-pareho lang kayong mga inutiL at walang alam! Mabuti na lang at isa rin akong Armani. I saved all of you from disgrace and

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status