"Freya are you there?" Diana said while knocking on the door.Bihis na si Freya. It's ten minutes before seven in the morning kaya dalas-dalas siya sa pag-aayos ng kaniyang sarili. She opened the door and saw Diana wearing her sleepwear."Do you have plans today? Ayain ko sana kayo ni Yael magshopping." Nang makita niyang bagong ligo si Freya at nakabihis, "looks like you're going somewhere.""Oo eh," tugon ni Freya.Napansin ni Diana na natutulog pa si Yael. "Hindi mo ba kasama si Yael?""Actually, that's my problem. May side hustle kasi ako today until 9P.M. kaso wala akong mapaghabilinan sa kaniya." Sinadya ni Freya na sumimangot. Umarte siyang problemado. Hindi niya puwedeng isama si Yael lalo na at si Jacob ang kasama niya buong araw."Aww, sobrang sipag mo naman. It's your vacation pero heto ka at humanap pa rin talaga ng way para magkaroon ng extra income. Hmmmm, you can leave Yael to me. Ako na ang bahala sa kaniya," nakangiting sambit ni Diana.Mabilis na hinawakan ni Freya a
"Freya, are you okay?" nagtatakang tanong ni Jacob. Pansin niya ang butil-butil na pawis nito sa noo. Ang mga mata nito ay hindi mapakali na tila ba palaging may hinahanap."P-punta lang akong restroom," pagpapalusot ni Freya.Tumango si Jacob at hindi na muling nagtanong pa. He made himself busy about business. Medyo sumakit ang ulo niya nang makatanggap siya ng sunod-sunod na email galing sa sekretarya ng kaniyang papa.Nililingon ni Freya si Jacob habang lumalakad siya. Kaunting hakbang na lang at malapit na siya sa restroom. Nang makita niyang tungong-tungo si Jacob sa cell phone nito ay agad siyang kumaripas ng takbo palabas ng restaurant."I need to find them before they find us first!" ani Freya habang mabilis na lumalakad. Halos lumuwa na ang mga eyeballs niya kaka-scan sa paligid. "Saan ba kayo nagsuot? Anak ng tipaklong!" sigaw niya nang may biglang kumulbit sa likod niya.Nanlambot ang mga tuhod ni Freya nang makita niya ang nakasimangot na mukha ni Jacob. Nakakrus ang mga
Tumalikod si Diana sa kinaroroonan nina Freya at Jacob. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Yael. "Tita, parang nakita ko po si mommy rito," sambit ni Yael. "No sweetie. Baka namamalik-mata ka lang. Siya nga pala, 'di ba you want to eat McDo's chicken joy?" nakangiting tanong ni Diana. "Yes po tita! Jabi po sana kaso sabi mo po walang Jabi rito kaya McDo na lang po," masiglang tugon ni Yael. "Tara! Puro seafoods at beef kasi rito sweetie. Lipat tayo ro'n," pangungumbinsi ni Diana. "Sure po tita! Thank you po," ani Yael. Pumihit na sina Diana para lumabas sa restaurant. Itutulak na niya ang pinto nang biglang … "Diana?" kunot-noong sabi ni Jacob. Napansin niya ang batang kasama nito. Hindi niya lang kita ang mukha dahil nakatalikod ito sa kaniya. Halata ang pagkagulat sa mukha ni Diana. 'Diana? Iyon ang babaeng nabanggit ni Jacob kanina ah! Si ma'am ba 'yong tinutukoy niyang brat kanina? Ay bahala na saka ko na lang itanong kay ma'am kung kilala niya ba si Jacob. Ang mas
"Jackson, where's your brother? He's five minutes late." 'Mukhang nabahag na ang buntot ng magaling kong kapatid! Tama ang naging desisyon niya tutal sa akin din naman mapupunta itong Escueza,' sigaw ng isip ni Jackson. "Ako na po ang humihingi ng pasensya para sa kapatid ko, Mr. Clinton. Maybe he forgot about this meeting? Anyway, can we start without him? I'm excited to discuss things with you," Jackson said while preparing his presentation and his check. Ngumiti sa kaniya si Mr. Clinton at binigyan siya ng pahintulot na magsimula na. Malagkit ang mga tingin ng matandang bilyonaro sa kaniyang girlfriend na si Ivana. Nang mapansin iyon ni Jackson ay agad siyang nagsalita. "Oh, I forgot to introduce my fiancée. Mr. Clinton, this is Ivana. Ivana, meet Mr. Clinton. I know that this is not the first time that you saw each other, right?" Mr. Clinton nodded. He bit his lower lip. Umiwas si Ivana nang mapansin niya iyon. "You look stunning tonight, my dear Ivana," sambit ni Mr. Clinton
"Babe, listen to me. Please hear me out," pagmamakaawa ni Ivana. "Ivana, please. Get out of my sight." Nakatungo si Jackson habang hinihilot ang kaniyang sintindo. "No! Hindi ako aalis sa tabi mo hangga't hindi tayo nagkakaintindihan," pagmamatigas ni Ivana. Alam niyang galit talaga si Jackson dahil hindi siya nito tinatawag sa kanilang endearment. Dahan-dahang ini-angat ni Jackson ang kaniyang mukha. Ang kaniyang mga mata ay napupuno ng hinanakit at pagsisisi. Buong buhay niya, palagi niyang isinasaalang-alang kung ano ang mararamdaman ng babaeng nasa harapan niya bago siya gumawa ng desisyon at aksyon. Wala siyang nais kung hindi ang mapaligaya ito at maibigay ang marangyang buhay na kinagisnan nito. Ivana's family business is on the verge of bankruptcy. Ito ang pinakadahilan ni Jackson kung bakit gustong-gusto niyang manalo laban kay Jacob. Ikinuyom ni Jackson ang kaniyang mga kamao. Ramdam niya ang pag-init ng kaniyang mga mata. Nagbabadyang pumatak ang kaniyang mga luha hindi
Hindi maawat ni Freya ang bilis ng tibok ng puso niya. Matiyaga niyang hinihintay ang pagbuka ng bibig ni Yael. Kinakabahan siya sa posible nitong itanong at hindi lang iyon basta kaba dahil abot-langit din ang takot na kaniyang nararamdaman sa ngayon."Mommy, may kakambal po ba si daddy?"Tila umurong ang dila ni Freya sa tanong na iyon ng kaniyang anak. 'He saw him,' aniya sa isip.Lumuhod si Freya para magpantay ang mga mata nila ni Yael. Hinawakan niya ito sa balikat at saka niyakap nang mahigpit."Mommy, bakit ka po umiiyak? May nasabi po ba akong hindi maganda?" nag-aalalang tanong ni Yael. Tinapik niya ang balikat ni Freya."Wala anak. Naalala lang ni mommy si daddy mo. Naalala ko 'yong happy moments namin noon at kung paano kami pinaglayo ng tadhana." Pinahid ni Freya ang kaniyang mga luha at saka humarap kay Yael. Hinaplos niya ang buhok nito. "Walang kakambal si daddy mo, anak. Nag-iisa lang siya," aniya. Ayaw na niyang dagdagan ang kasalanan niya sa anak niya. Ayaw na niyan
"Anong ginagawa mo rito?" sabay na sigaw nina Freya at Jackson. "Ginagaya mo ba ako?" sabay ulit nilang sigaw. Sa halip na mainis sa isa't-isa ay parehas silang napatawa. "Magkagaya ba ang takbo ng isip natin?" nakangising tanong ni Jackson. "Siguro oo kasi 'yan din ang gusto kong itanong sa iyo eh. Naunahan mo lang ako," sambit ni Freya habang naglalakad sa pool. "Bakit mag-isa ka lang? Nasaan ang anak mo?" seryosong tanong ni Jackson. "Natutulog pa. Iniwan ko lang saglit para makapag-isip-isip ako at makapagpahangin. Ikaw? Bakit nandito ka? Napaaga yata ang gising mo," ani Freya. "Actually, wala pa akong matinong tulog," tugon ni Jackson. Umupo sina Jackson at Freya sa hagdan ng pool at doon nagtampisaw. "Dahil ba kay Ivana?" nag-aalangang tanong ni Freya. Hindi sumagot si Jackson sa halip ay binato niya rin ng tanong si Freya. "Ikaw Freya, nakatulog ka na ba o wala ka pa ring matinong tulog gaya ko?" Bumuntong hininga si Freya. "Wala pa rin akong maayos na tulog," aniya.
"Mommy, bakit po putlang-putla ka? Nakatulog ka po ba kagabi?" tanong ni Yael habang kinukusot pa ang kaniyang mga mata.Hinapit ni Freya ang kaniyang anak palapit sa kaniya. Ipinulupot niya ang kaniyang mga kamay kay Yael at pagkatapos ay hinalikan niya ito sa noo."Nakatulog naman si mommy kahit papaano. Siguro dala lang ng pagod kahapon." Napatingin siya sa pinto nang biglang may kumatok doon. "Anak, punta ka muna ng banyo. Mag-toothbrush ka roon at maghilamos."Mabilis na bumaba sa kama si Yael. Nakahawak siya sa kaniyang tiyan. Tamang-tama dahil tinatawag siya ng kalikasan. Agad siyang nagtatakbo papunta sa banyo.Inamoy ni Freya ang kaniyang hininga. 'Ang baho! 'Di bale lalayo na lang ako para hindi maamoy noong kumakatok ang hininga ko.' Sinuklay niya ng kaniyang daliri ang kaniyang buhok at pagkatapos ay pinuyod iyon. Naglakad na siya patungo sa may pintuan at binuksan ang pinto. Napaatras siya nang makita niya si Diana. Nakabihis na ito at dala na rin ng bodyguard nitong si H
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURN Kabanata 116 - ANG WAKAS “JETTY, ARYA, COME HERE! WE’RE HERE!” palakat ni Jacob habang karga-karga niya ang kaniyang anak na si Jia. “Hakob, nasaan si Yael? Parang hindi ko siya nakikita," tanong ni Jackson, karga naman niya si Sonya. “Mahuhuli lang daw siya ng kaunti. May kailangang gawin sa school niya eh." Ibinaba ni Jacob si Jia at hinayaang maglaro sa may damuhan. Ibinaba rin ni Jackson ang anak niyang si Sonya at inayos ang mga pagkain at red wine. “Hindi ako makapaniwalang mas gusto pang matulog nina Freya at Eya kaysa sumama sa picnic na ito.” Tumawa nang mahina si Jacob. "Hayaan mo na. They needed it. Minsan lang sila maging malaya,” pabiro niyang sabi. Napangiti at napatingin sina Jackson at Jacob kay Jett nang bigla silang inakbayan nito. "Kumusta? Ang tagal mong nawala ha! Ano? Nakabuo na ba kayo?” sunod-sunod na tanong ni Jacob. Tumaas pa ng ilang beses ang kaniyang dalawang kilay. "How's your honeymoon? Ginawa mo ba naman
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 115“A-Arya…”“Bitiwan niyo ako. Hindi pa ako tapos sa lalaking ‘yan," nagpupumiglas na sambit ni Jett."Gusto mo bang makulong?” inis na tanong ni Jacob.Umiling si Jett. “Pakakasalan ko pa si Arya. Bubuo pa kami ng pamilya.”“Kung gano’n, kumalma ka. Tingnan mo nga ang hitsura ni Damon. Halos hindi na siya makalakad at halos hindi na makilala ang mukha niya. Alam mo naman siguro na may kaukulang parusa ang ginawa mo, oras na magkaso sa’yo si Damon," ani Jacob."Ang kapal naman ng mukha niya kung magkakaso pa siya eh kulang pa nga ‘yan sa mga ginawa niya kay Ary—”“Jacob." Sumenyas si Jackson na ilayo na muna si Jett kina Arya at Damon. Agad naman siyang naintindihan ng kaniyang kapatid. Nagtakip na lamang siya ng kaniyang tainga nang magsisigaw si Jett habang kinakaladkad ito ni Jacob palayo. “Now, let’s see if Arya is going to hurt her ex-husband or not," nakangiting sambit niya."Arya…”Walang emosyon si Arya habang nakatingin sa bugbog sar
Longing for my Ex-Wife's ReturnKabanata 114Mabilis na kumawala si Divina sa mga bisig ni Denver. Gumapang siya patungo kay Arya.“Arya, I’m sorry. Patawarin mo ako sa kung paano kita itinrato. Wala akong alam. Hindi ko alam na apo ka pala ni Don Fridman. Arya, please, huwag mo kaming ipakulong. Kahit naman papaano ay may pinagsamahan tayo. Tatlong taon ka naming kinupkop, pinakain at binihisan, Ar—”“So, dapat pa pala akong magpasalamat sa’yo? Gano’n ba, Divina?" natatawang sambit ni Arya."Arya, hindi naman sa gano’n. Nais ko lang ipaalala sa’yo na minsan ka ring naging isa sa amin, na minsan ka ring naging isang Walton,” malumanay at nakangiting turan ni Divina.“Oo nga naman. Salamat ha kasi ipinahiram niyo sa akin ang apelyidong Walton ng tatlong taon. Isang karangalan," sarkastikong wika ni Arya."Walang anuman, hija. Paano? Ipapa abswelto mo na ba kami, huh?” Mula sa pagkakaluhod ay biglang tumayo si Divina. Hahawakan na sana niya ang kamay ni Arya nang bigla siyang tinabig ni
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 113“Kulang pa ang paghalik mo sa sahig bilang kaparusahan sa mga ginawa mo sa akin, sa kumpanya at kay lolo, Mariz!" ani Arya habang inginungodngod niya sa sahig ang mukha ni Mariz.“Ano pa bang gusto mo, Arya? Nasa iyo na ang lahat! Bakit ginaganito mo pa a—”“SHUT UP!" mangiyak-ngiyak na sigaw ni Arya. “Did you already forget that you killed an innocent child, huh, Mariz? Did you forget that you killed my daughter?!” Bilog na bilog ang mga mata niya.“Fetus pa lang naman ang anak mo n—-”Mabilis na binitiwan ni Arya ang buhok ni Mariz at saka tumayo para tapakan ang mukha nito habang lapat pa ang mukha nito sa sahig. Mataas ang takong ng suot niyang sandals kaya talaga namang panay na panay ang paghikbi ni Mariz habang nagmamakaawa sa kaniya!“She already had a heartbeat that time. MAY BUHAY NA ANG BATANG NASA SINAPUPUNAN KO! KE FETUS MAN SIYA O SANGGOL NA, BUHAY NA SIYA! MAY ANAK KA RIN, MARIZ, SIGURO NAMAN ALAM MO KUNG GAANO KASAKIT SA ISA
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 112Kumikinang ang kwintas at hikaw ni Arya sa tuwing tatamaan ito ng mga ilaw. Bilyon ang halaga ng mga ito dahil gawa ang kwintas at hikaw sa mataas na karat na purong diyamante at gems, walang sinabi ang suot ni Mariz na twenty four carat gold necklace at dangling earrings. Maging ang mga palamuti sa kaniyang buhok ay kumikinang din, gawa rin sa purong diyamante ang lahat ng bato, hindi tulad sa hair accessories ni Mariz na gawa sa mataas na klase lang ng Russian stones. Bukod sa mga alahas at ibang accessories ay talaga namang agaw pansin din ang suot na gown ni Arya. She's wearing “The Nightingale of Kuala Lumpur" gown that was designed by Faisal Abdullah. This gown is priced at thirty million US dollars! The red long gown is made of crimson silk and taffeta and adorned with over seven hundred fifty diamonds, with a stunning 70-carat pear-cut Belgian diamond!Habang naglalakad si Arya palapit sa kaniyang lolo at sa kaniyang magiging asawa
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 111Bago pa man muling magsalita si Don Fridman ay pinalibutan na ng mga pulis ang pamilyang Walton at ang mag-inang Mariz at Marissa.Napayakap si Divina sa kaniyang asawang si Denver. “Ayokong makulong. Nakakadiri sa kulungan. Masikip, mabaho at may mga kasama ka pang mga kriminal at asal-hayop." “Don't worry, darling. Hindi tayo pababayaan ni Senyorita Armani. As long as she's taking our side, then, we have nothing to worry about," kampanteng wika ni Denver. Hinalikan niya sa ulo ang kaniyang asawa.“Tama si papa. We have Mariz at sigurado akong hindi papayag si Don Fridman na lalaking walang ama at ina ang apo niya sa tuhod. Wealthy people cannot afford to have an "ex-convict" word after their names. Napakadali rin para sa kanilang mag manipula ng batas. So sit down and relax. Tingnan niyo, ngiting-ngiti sa atin si Don Fridman. We should smile back at him,” wika ni Damon sabay ngiti kay Don Fridman. Hinawakan niya ang kamay ni Mariz at iti
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 110Lalapit na sana ang mga kabaro ni Tamahome sa table kung saan naroroon ang mga Walton at ang mag-inang Mariz nang pigilan sila ni Jett.“Hindi pa oras para hulihin sila. Let them enjoy the show first," Jett instructed.Marahas na napalupagi sina Divina at Denver sa sahig nang mapagtanto nila ang kanilang kalagayan. Dawit na sila sa kasalanan nina Mariz, Damon at Marissa dahil sa pagsisinungaling nila kanina.“Anong kamalasan pa ba ang dadating sa buhay natin? Simula nang dumating ang babaeng ‘yon, nagkanda leche-leche na ang buhay natin! Siya talaga ang nagdala ng malas sa pamilya natin! Bakit ba kasi hindi agad nakilala ng anak natin si Senyorita Mariz?!” ngalngal ni Divina."Nasa maayos ka pa bang pag-iisip? Makukulong ang anak natin, pati na rin tayo ngayon dahil sa krimeng ginawa nina Senyorita Mariz. Sa tingin mo, bakit niya binihag ang mga Gray? Kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay hindi siya totoong Armani.” Pumatak ang butil-butil na p
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 109“Binibini, panoorin mong mabuti ang aking inihandang munting palabas para sa iyo. Malay mo, ikaw pala ang star of the show," nakangising turan ni Don Vandolf sabay akyat muli sa stage.“Anak, ano bang sinasabi ng matandang ‘yon? Naguguluhan ako," kinakabahang sabi ni Marissa.“Hindi ko rin alam, mama. Tingnan na lang natin." Pinagpapawisan na ng malalamig si Mariz. Mas lalong nadagdagan ang kaba niya nang mahagip ng kaniyang mga mata ang mga dumating na pulis. ‘ShiT! Ano bang nangyayari?’“Senyorita, kinakabahan ako. May hindi tama rito," bulong ni Damon.“Manahimik ka nga! Hindi ka nakakatulong!" Pinagtinginan ng mga tao si Mariz dahil napalakas ang boses niya. “Oh! Anong tinitingin-tingin niyo riyan?!"Mabilis na nag-iwas ng tingin ang mga tao kina Mariz at nag focus na lamang sa ipalalabas sa harapan. Maya-maya pa ay nagsimula na ang video clip.Agad na napatayo sa upuan si Mariz nang makita niya ang kaniyang sarili sa screen. Nanlaki an
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 108“Sobrang baliw ng babaeng ‘yon. Pagpasensyahan mo na ang ex-wife ni Damon, Senyorita Mariz. Lumuwag ang turnilyo no’n sa utak dahil nakipaghiwalay ang anak ko sa kaniya. Ngayon, akala niya ay may kakayahan na siyang makipagsabayan sa ating mga mayayaman,” natatawang sabi ni Divina.‘Talaga nga palang boba ang isang ‘to. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam na ang inaasam-asam niyang yaman at malahian ay nasa puder na niya ng tatlong taon. T0nta! Pasalamat ka at nanay ka ng lalaking matagal ko nang pinapantasya!’ sigaw ng isip ni Mariz habang pekeng nakangiti kay Divina Walton.“Oo nga, senyorita. Sobrang trying hard ni Arya. Isa siyang social climber at gold digger. Mabuti na lang talaga at nauntog ang anak namin bago pa maubos ng babaeng ‘yon ang yaman naming mga Walton,” salaysay naman ni Denver.‘Isa ka pa! Pare-pareho lang kayong mga inutiL at walang alam! Mabuti na lang at isa rin akong Armani. I saved all of you from disgrace and