Share

Kabanata 49.1

Author: Docky
last update Huling Na-update: 2024-02-28 11:07:43

Kabanata 49.1

“Miss N, nakita na nga po pala ng mga tao natin si Mereya. Naghihintay na lang po sa go signal niyo ang mga tao natin,” ulat ng tauhan ni Noemi na si Sandy. Naglalakad sila ngayon patungo sa rooftop.

“Hayaan mo muna si Eya. Ligtas naman siya sa pangangalaga ni Jackson,” ani Noemi.

“Saan po pala natin dadalhin ang mag-inang Jones?”

“Sa isang isolated island. Hindi pa rin ako makapaniwala na naloko natin ang dalawang ‘yon. Umaasa talaga sila na may mala-palasyong tahanan silang uuwian,” natatawang sambit ni Noemi.

“Kayo po mismo ang naging karma nila sa mga kasamaan nila. Ang lakas ng loob nilang lustayin ang perang pinaghirapan ng ibang tao para sa pansarili nilang interest. Masasama po pala talaga ang ugali ng mga ‘yon, Miss N,” wika ni Sandy.

“Noon pa man, masamang damo na talaga si Cindy kaya hindi na rin ako nagtataka kung bakit buhay pa siya hanggang ngayon. Well, matalino man ang mga matsing, napaglalamangan din.” Ngumiti si Noemi nang makita niyang iwinawagayway ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Docky
Sa mga hindi pa po nakakabasa ng Gray Series 1, One Night Love (Tagalog) completed na po ang book 1 at book 2 nito. Magkasama na po sa iisang libro. Salamat po
goodnovel comment avatar
Michelle Logronio
thank u more update pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 49.2

    Kabanata 49.2“Jackson.” Hindi na napigilan ni Mereya ang kaniyang sarili. Nagtatakbo siya palabas ng isa sa mga sikretong mansyon ni Jackson.Nakasakay na si Jackson sa kaniyang big bike at umaandar na ang makina nito. Inayos niya ang stand ng big bike at saka siya bumaba para salubungin si Mereya. Halos kumawala ang puso niya sa lakas at bilis ng tibok nito nang yakapin siya nang mahigpit ng kaniyang minamahal.“Eya, why…” Biglang namula ang mga pisngi ni Jackson nang halikan siya ni Mereya sa labi. Tulala siya habang dinadama niya ang pagdampi ng labi nito sa kaniya. Makalipas ang isang minuto ay ipinikit na rin niya ang kaniyang mga mata at tinugon ang bawat halik nito.Matapos ang nag-aalab na mga halik ay hinawakan ni Mereya ang mga pisngi ni Jackson. “Ayoko nang lokohin ang sarili ko. Sapat na ang mga ipinakita at mga ginawa mo sa akin para patunayan mong mahal mo nga ako. Ayoko nang magpanggap na wala lang sa akin ang lahat,” aniya sa mahinang tono.“A-Anong ibig mong sabihin?

    Huling Na-update : 2024-02-29
  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 49.3

    Kabanata 49.3“Papa, buhay si Noemi! I just saw her earlier. Kinuha niya sina Cindy at Merella!”“Nadia, calm down.” Uminom ng whiskey si Don Desmundo.“How can I calm down, papa? Kawawala lang ni mama. Paano kung. Paano kung balikan ka ni Miss N? Paano kung patayin ka niya? Hindi ko kakayanin, papa!” Umupo si Nadia sa couch at hinilot ang kaniyang ulo.“Nadia, hindi mo ba natatandaan?” tanong ni Don Desmundo habang nilalaro niya ang kopita sa kaniyang kanang kamay.“Ang alin papa?” walang emosyong tanong ni Nadia.“You saved her life. You even said that she’s your role model. Kaya nga ginaya mo ang code name niyang Miss N, hindi ba?” Muling nagsalin ng whiskey si Don Desmundo sa kaniyang kopita.Natigilan si Nadia. Pilit niyang inaalala ang lahat pero walang pumasok sa isip niya kung hindi ang scenario ng paglilibing nila ng buhay kay Noemi.“You’re traumatized. Iyon ang dahilan kung bakit ka namin ipinatapon sa ibang bansa. Humanap pa noon ang iyong mama ng pinakamagaling na neurosu

    Huling Na-update : 2024-02-29
  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 49.4

    Kabanata 49.4“Security, please find a man wearing all black attire from head to toe and a woman in her twenties wearing a white fitted dress. May naka-burdang buwan at bulaklak sa damit ng babae,” ani Jacob habang patuloy sa pagtakbo.“Hintayin mo ako!” Itinuon ni Jett ang kaniyang mga kamay sa kaniyang tuhod. Agad niyang kinuha ang kaniyang cell phone nang may naalala siya. “ShiT! I need to call Kuya Jackson!”Mabilis na tinawagan ni Jett si Jackson. Nang sumagot ito ay pakinig na pakinig niya ang ingay ng mga busina ng mga sasakyan. Mukhang nag-overtake na naman ito sa mga nasa unahan niya sa maling paraan. “Hindi talaga siya natatakot makulong. Kung gising lang si papa, kanina pa siyang napagalitan. Magkaka-record na naman siya ng road violations,” bulong niya.(“Jett, bakit ka napatawag? Malapit na ako sa hotel. Kumusta? Nahuli niyo na ba ang suspect?”)“T@nga!” Maging si Jett ay nagulat din sa kaniyang naisigaw.(Put@ngina, Jamison! Tumawag ka lang ba para murahin ako?”)Napakam

    Huling Na-update : 2024-03-04
  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 49.5

    Kabanata 49.5“Tito Jett, magiging okay naman po sina mommy at daddy, ‘di ba po?” nakayukong tanong ni Yael habang nilalaro ang kaniyang mga daliri sa kamay.“Oo naman! Strong kaya ang mommy at daddy mo,” tugon ni Jett.“Ano po palang nangyari sa inyo kanina, tito? Bakit po kayo nagka-gano’n?” Nag-angat ng tingin si Yael at tiningnan nang mata sa mata ang kaniyang Tito Jett.Napahilamos ang isang kamay ni Jett sa kaniyang mukha. “Nagkaroon kasi ng phobia ang Tito Jett mo sa dugo pero paminsan-minsan lang naman ‘yon umaatake kapag nagmumula ang dugo sa mga taong malapit sa akin pero kapag galing ‘yon sa ibang tao, hindi naman ako nagkakagano’n,” sagot niya. Nagulat siya nang biglang hinawakan ni Yael ang mga kamay niya. “Hayaan mo po, tito. Isasama po kita sa prayers ko palagi. Aalisin na po ni Lord ang phobia mong ‘yon, basta maniwala ka lang po sa Kaniya at saka kausapin mo rin po Siya madalas.”Napangiti si Jett. Talagang maganda ang naging pagpapalaki ni Freya noon kay Yael. Ginulo

    Huling Na-update : 2024-03-04
  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 50.1

    Kabanata 50.1“Set, kumusta si papa?” Mabibilis ang hakbang ni Jackson habang papalapit sa private room ni Don Vandolf.“Sir Jackson, huwag po kayong mag-alala. Gising na po senior,” halos maluha-luhang sagot ni Set.“Balita ko, hindi pa siya nakakapagsalita. Totoo ba ‘yon?” Inalis ni Jackson ang kaniyang helmet at hinawakan na lamang ito ng kaliwa niyang kamay.“Opo, sir. Totoo po na hindi pa nakakapagsalita si senior. Hindi pa rin po niya maigalaw nang maayos ang mga kamay at paa niya pero sabi po ng doctor, it will only take a few weeks para maka-recover si senior,” kuwento ni Set. Pinagbuksan niya ng pinto si Jackson.Nang makita ni Jackson ang kaniyang papa na nakatingin sa direksyon niya ay dali-dali niyang ibinigay kay Set ang hawak niyang helmet. Mabilis siyang nagtatakbo palapit sa kaniyang papa. Agad din niya itong niyakap. Ini-angat niya nang bahagya ang kanang kamay ni Don Vandolf at hinawakan ito.“Papa, maraming salamat sa paglaban. Maraming salamat dahil hindi mo kami b

    Huling Na-update : 2024-03-06
  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 50.2

    Kabanata 50.2“Sir Jackson, may sasabi…” Natigil si Dos sa pagsasalita nang makita niya si Don Desmundo. “Naririto po pala kayo,” bati niya rito.Ngumiti si Don Desmundo kay Dos. “Ano ‘yong sasabihin mo kay Jackson? Ituloy mo na,” aniya.Nilampasan ni Dos si Don Desmundo at may ibinulong kay Jackson. Halata ang pagkagulat sa mga mata nito matapos niyang sabihin ang dala niyang balita.“Set, Dos, huwag na huwag niyong iiwan si papa.” Nilingon ni Jackson si Don Desmundo. “Mauna na po ako sa inyo,” magalang niyang sambit. Naglakad na siya palayo kina Set at Dos. Nang makarating siya sa tapat ni Don Desmundo ay bigla nitong hinawakan ang kaniyang kamay.“Aalis ka na agad? Mag-usap muna tayo.” Halatang peke ang ngiti ni Don Desmundo. Mayamaya pa ay biglang nagdilim ang awra niya. “Ganito mo ba ituturing ang lolo ng mapapangasawa mo?”“Pasensya na po. Kailangan ko na pong umalis. Marami pa naman pong pagkakataon para magkausap tayo. Isa pa, hindi ba’t si papa naman po ang ipinunta niyo rito

    Huling Na-update : 2024-03-08
  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 50.3

    Kabanata 50.3“Where’s your brother?”“N-Nadia, it’s nice to see you here!” bati ni Jett habang nakadipa ang kaniyang mga kamay. Nais niya itong yakapin pero nabigo siya.Ngumiti si Nadia. “Nasa’n ang kapatid mo?” pag-uulit niya ng tanong sa wikang Filipino.“Nasa hospital. Nanganganak na kasi ‘yong asawa niya. Bak—”“I’m not talking about Jacob,” Nadia said hastily.“Ah. Naku! Nag-out of town si Diana eh kasama si Hulyo at ang anak nil—”“I’m not talking about her either.” Nadia walked towards Jett and held his shirt. “Where is he?”Nag-iwas ng tingin si Jett. Tama ang hinala niya na si Jackson ang pakay nito. “Hehe. Hindi ko alam kung nasa’n si kuya eh. Sayang hindi mo siya inabot. Bakit mo pala siya hinahanap?”Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Nadia sa damit ni Jett. Nanlilisik na rin ang mga mata niya. “NASAAN SI JACKSON?”“Hindi ko nga alam. Wala naman akong pakialam kung saan pumunta ang kapatid kong ‘yon eh. Bakit mo ba siya hinahanap?” Napatingin si Jett sa mga kamay ni

    Huling Na-update : 2024-03-11
  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 50.4

    Kabanata 50.4“Noemi, this is not the way to the airport. Saan mo kami dadalhin ni Sevi?” nagtatakang tanong ni Cindy habang nakatingin sa g00gel maps sa kaniyang cell phone.“Change of plans. Natunugan ng mga tauhan ko na may mga police sa airport. You're already on the wanted list because of Nadia. Doon na muna tayo pupunta sa isa kong private hotel. Isolated ang isla na ‘yon kaya walang makakaalam na naroon tayo. Wala ring makakasunod sa atin doon,” tugon ni Noemi.“Miss Noemi Hiraya, right?” Sevi asked while looking at Noemi’s face.Tumango si Noemi.“Is it only me? You and Mereya’s resemblance is high. Magkamukhang-magkamuka kayo kung pababatain ko ang hitsura niyo.” Nakatulala pa rin si Sevi sa mukha ni Noemi.“Who's Mereya? I don't know her. Maybe it's just a coincidence,” pagtanggi ni Noemi.‘She’s my ex-girlfriend,’ tugon ng isip ni Sevi.Hinampas nang mahina ni Cindy si Sevi. “Masyado namang maganda si Miss Noemi kumpara kay Mereya. Isa pa, sa Europe na nakatira si Engineer

    Huling Na-update : 2024-03-24

Pinakabagong kabanata

  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 60.2 ANG WAKAS

    Kabanata 60.2 - Ang Wakas Pasan ni Jackson si Baby Sonya habang binibigyan ng lilom si Mereya. Nagtitirik ngayon ng kandila sa puntod ni Linda ang kaniyang asawa. Tumayo si Mereya matapos niyang magsindi ng kandila. “Aling Linda, nais kong malaman mo na napatawad ka na namin nina mommy, Tita Nadia at lolo. Maraming salamat dahil iniligtas mo ang buhay ko. Kung saan ka man naroroon, sana maging masaya ka. Huwag kang mag-alala, kami na ang bahala kay Yuna. Nasa Paris nga pala siya ngayon. Inaasikaso niya ang company na ipinamana mo sa kaniya. Pasensya ka na kasi sinabi namin sa kaniya ang totoo. Deserve niya kasing malaman ‘yon. Huwag kang mag-alala, hindi na siya galit sa'yo. Nagpapasalamat siya dahil kahit saglit ay pinuntahan, kinausap at niyakap mo siya. Hindi naging madali sa kaniya ang lahat. Isang taon din siyang hindi nagparamdam sa aming lahat. Isang taon niyang hinanap ang kaniyang sarili at isang taon ka rin niyang paulit-ulit na dinalaw rito. Masaya na siya ngayon, Aling

  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 60.1

    Kabanata 60.1“Nasaan si Yael?” tarantang tanong ni Jett kina Set at Jun. Magkakasama silang kumakain kanina nang magpaalam ang kaniyang pamangkin na pupunta sa banyo. Halos sampung minuto na ang dumaan ay hindi pa ito bumabalik kaya napilitan silang sundan ito. Laking gulat ng tatlo nang hindi nila ito nakita sa restroom.“Baka po namamasyal lang?” ani Jun.“Namamasyal? Hindi aalis ang batang ‘yon nang hindi nagsasabi sa akin. Dàmn!” Napatingin si Jett sa kaniyang relo. “Malapit nang mag-umpisa ang kasal nina kuya. Kailangan na nating mahanap si Yael. Maghiwa-hiwalay tayo. Tawagan niyo agad ako kapag nakita ko na siya, maliwanag ba?”“Sige po, Sir Jett,” magkasabay na tugon nina Set at Jun. Umalis na silang dalawa. Tulad ng panuto ni Jett, naghiwalay sila ng direksyon.Sa pagkataranta ni Jett ay hindi na niya naisipang i-check ang kuha ng security cameras sa paligid. “Mapapatay ako ni Hakob kapag may nangyaring masama kay Yael. Tang.ina! Napakalawak ng resort na ito. Saan ako mag-uum

  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 59.5

    Kabanata 59.5“Ikaw ba si Yuna?” nakangiting tanong ni Linda matapos niyang lumapit dito. Nasa restroom sila habang kapwa nag-re-retouch ng kanilang make-up.Kumunot ang noo ni Yuna. Tiningnan niya nang matagal sa mukha si Linda. “Ako nga. Do you know me? ‘Coz, I don't know you.” Bumalik siya sa kaniyang ginagawa.“Ku-Kumusta ka? Ano kasi. Matalik akong kaibigan ng iyong lola. Isa ako sa mga natulungan niya dati. Masaya akong makita ka ngayon. Napakabata mo pa noong huli kitang nakita,” naluluhang sambit ni Linda. Nagdesisyon siyang hindi na magpakilala kay Yuna bilang ina nito dahil ayaw niyang kamuhian siya nito. Isa pa, ayaw niyang maging pabigat dito. Ayaw rin niyang bansagan ito ng ibang tao na anak ng isang kriminal. Nakausap na niya ang witness na tinutukoy ni Jackson. Hindi na siya tumanggi sa kasalanan niya dahil ayaw na niyang dagdagan pa ito. Hindi na rin siya maghahabol sa yaman ng mga Wrights dahil napag-alaman niyang ang witness na ito pala na dating hardinero sa mansyon

  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 59.4

    Kabanata 59.4“Anak…”“Ikaw? Ikaw ang tunay kong ina?” wala sa sariling tanong ni Mereya.Tumango nang marahan si Noemi. “Ako nga, anak.” Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kaniyang mga luha.Tinitigan nang matagal ni Mereya ang kaniyang ina. Panay ang lunok niya. Hindi niya mawari kung bakit hindi siya makaalis sa kaniyang kinatatayuan. Maya-maya pa ay naramdaman niyang basa na ang kaniyang mga pisngi.“Masisira ang make-up mo, anak. Huwag kang umiyak,” mahinang sabi ni Noemi.“Unang beses kitang nakita. Kamukha pala kita? Hindi ko alam kung tama ba ang mga sinasabi ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa'yo.” Pinahid ni Mereya ang kaniyang mga luha.Mabilis na lumakad si Noemi palapit kay Mereya at niyakap ito nang mahigpit. Walang salitang lumabas sa kaniyang bibig. Tanging paghikbi lamang nilang dalawa ang maririnig sa silid.Pumikit si Mereya at ninamnam ang unang yakap mula sa kaniyang tunay na ina. Hindi niya akalaing ganoon pala iyon kasarap sa pakiramdam. Ti

  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 59.3

    Kabanata 59.3“Malapit nang mag-umpisa ang seremonya. Handa ka na ba, anak?” nakangiting tanong ni Don Vandolf.Pagkarating na pagkarating nina Jackson ay agad silang nag-ayos at nagbihis. Naroroon na rin ang pastor na magkakasal sa kanila ni Mereya. Humingi siya ng dalawampung minutong palugit para pagbigyang makipag-usap sina Noemi at Mereya.“Kinakabahan ako, papa. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman pero sobrang saya ko. Kahit yata maghapon akong maghintay rito eh ayos lang sa akin. Miss na miss ko na agad ang mag-ina ko, papa,” maluha-luhang sambit ni Jackson.Tinapik ni Don Vandolf ang balikat ng kaniyang anak. “I am so glad that you became the man I pray you to become. Nakikita at ramdam ko kung gaano mo kamahal ang iyong mag-ina. Just a heads up, anak. Hindi araw-araw ay magiging maayos ang samahan niyong mag-asawa. May mga araw na mararamdaman mong parang nababawasan ang pagmamahal mo sa kaniya. May mga araw na mag-aaway o magkakatampuhan kayong dalawa at may mga ara

  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 59.2

    Kabanata 59.2“Kumusta si papa?”“Okay naman po ang vital signs niya. Mamaya raw po ay malaki ang chance na magkaroon na siya ng malay,” ulat ng tauhan ni Nadia.“Huwag niyong hahayaang makalabas ng hospital si papa. Ano palang balita sa port? Wala pa sina Jackson?” Nililinis ni Nadia ang kaniyang bariL.“Kanina pa pong dumating ang yate nila. Anytime po ay parating na sila rito.”“Good. Tell our people to standby. Pumwesto na rin kayo sa inyong mga lugar. Siguraduhin niyong walang makakapanggulo sa kasal ng aking pamangkin. Everything should went smooth hanggang sa makaalis ang bagong kasal,” turan ni Nadia.“Opo, Miss N. Makakaasa po kayo.”“Another thing, tandaan niyong si Linda ang target natin. Alam niyo na naman ang hitsura niya dahil matagal ko rin siyang nakasama. Siya lang ang kailangan niyong kidnapin pagkatapos ng seremonya. Huwag na huwag niyong sasaktan ang iba lalong-lalo na ang mga mahal ni Eya.” Ngumiti si Nadia. “Ayan, makintab na.” Itinutok niya sa pader ang kaniyang

  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 59.1

    Kabanata 59.1“Ang ganda-ganda mo, babaita! Sigurado akong mahuhulog ang brief ni Fafa Jackson kapag nakita ka niya mamaya! Grabeng ganda naman ng buntis na ito!” pumapalakpak na sabi ni Yuna habang pinagmamasdan ang kaniyang pinakamatalik na kaibigan. Hindi pa ito tapos ayusan ng make-up artist at ng hairstylist nito pero litaw na litaw na lalo ang angkin nitong ganda!“Ikaw talaga, Yuna. Napaka overrated mo talaga mag describe,” natatawang sambit ni Mereya.“Ay nako, babaita! Hindi sa pagkukuwan pero napakaganda mo talaga today! Pak na pak!” Nakaayos na si Yuna at tapos na rin siyang magbihis. Hindi siya mapakali sa kaniyang silid kaya pumunta siya sa silid kung inaayusan si Mereya. “Nakita ko nga pala si Tita Nadia mo, ang ganda-ganda rin niya! Grabe kayong mga Wrights. Noong naghasik yata si Lord ng kagandahan eh sinalo niyo halos lahat!”Napatawa si Mereya. “Yuna, kumusta nga pala si lola? Okay lang ba siya? Saan ka nga pala naglagi noong nagkahiwalay tayo? Pasensya ka na ha. Nai

  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 58.5

    Kabanata 58.5“Jackson, senior, Set, maraming maraming salamat sa pagligtas niyo sa akin. Utang ko sa inyo ang buhay ko. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito,” ani Noemi. Lulan na sila ng yate at naglalakbay na patungo sa isla ng Pamalican.“Walang anuman, balae. Hindi ko akalain na halos kasing bata ka lang pala ni Mereya. Kahit sinong lalaki ay mapapagkamalan kang dalaga. Hindi halata ang edad mo sa hitsura mo.” Ngiting-ngiti si Don Vandolf habang nakatingin kay Noemi.Tumikhim si Jackson. “Papa, nakakahiya kay M-Mommy Noemi,” bulong ni Jackson. Katabi niya sa upuan ang kaniyang papa, katabi naman nito si Set.“Anong nakakahiya sa sinabi ko? Totoo naman ang lahat ng iyon. Huwag kang mag-alala, graduate na ako sa pagiging playboy. Isa pa, balae ko siya. Masyado yatang marumi ang utak mo, anak. Gusto mo bang hilamusan kita ng tubig-dagat para mahimasmasan ka?” pabirong turan ni Don Vandolf.Napatawa si Noemi.“Papa naman,” natatawang wika ni Jackson.Tiningnan ni Don Vandolf si Lind

  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 58.4

    Kabanata 58.4“Tita Nadia, ano pong ibig mong sabihin?”“Hindi si Jackson ang pumatay kay Kuya William. Siya rin ang una kong naging suspect pero it turns out that someone who's not even a lead became the perpetrator. I'm sorry, Eya. Nahihiya ako sa'yo, in behalf of papa rin, kasi nagpunta kami rito sa Palawan hindi para unattend ng kasal mo kung hindi para iligpit sana ang mapapangasawa mo. Nagpunta kami rito para ilayo ka kay Jackson. Patawarin mo kami, Eya.” Luluhod pa sana si Nadia sa harap ng kaniyang pamangkin nang pigilan siya nito.“No, tita. Hindi kayo dapat sa akin humihingi ng sorry. Kay Jackson dapat tayo humingi ng kapatawaran. Hindi ko kayo masisisi ni lolo kasi kahit ako, noong nalaman kong si Jackson ang salarin eh hindi man lang ako nagdalawang-isip na mag-imbestiga muna. I even made up my mind that I am not going to marry him. I even want to give him to the police. Worst, I even think to kill him. I'm so ashamed of myself. Now, I want to ask myself if I deserve him.

DMCA.com Protection Status