Share

Kabanata 45

Author: Docky
last update Last Updated: 2023-11-09 13:47:16

Kabanata 45

Bakas ang lungkot sa mukha ni Jackson nang silipin niya mula sa bintana ang kaniyang papa. Katabi niyang nakatayo sina Jacob at Jett. Halos iisa lang ang ekspresyon ng kanilang mga mukha.

"Hindi niyo ba namukhaan 'yong lalaki?" tanong ni Jackson.

"Hindi eh. Masyado siyang mabilis kumilos at takip na takip pa ang kaniyang mukha," tugon ni Jacob.

"Jett, may nakaaway ba si papa nitong mga nagdaang mga linggo?" Nilingon ni Jackson si Mereya. Nakaupo ito sa may bench.

"As far as I can remember, wala naman. Wait…" Kumunot ang noo ni Jett. May naalala siya.

Napatingin sina Jacob at Jackson kay Jett.

"Umamin na nga pala sa akin si Set. Inamin niya na si papa mismo ang nag-utos sa kaniya na iligtas sina Miss Eya at Yuna sa kamay ng tauhan ni Miss N," salaysay ni Jett.

Jackson rolled his tongue. His eyebrows furrowed. He already knew who Miss N was.

"Anong ibig mong sabihing iligtas? Miss N is Nadia Wrights, right? Pamangkin niya si Miss Wrights. She will not harm her. Eh 'di ba, hi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 46

    Kabanata 46"Mama! Anong gagawin ko? Isasama ni Mr. Gray bukas sa Escueza si Mereya bilang new secretary at P.A. niya? Baka malaman nila ang ginawa ko! Baka patayin ako ni Mr. Gray!" histerikal na sambit ni Merella. Hawak-hawak niya ang kaniyang ulo habang namimilog ang kaniyang mga mata. Bukod sa sobrang selos, nakakaramdam na rin siya ng nerbyos. Ilang araw na nawala si Jackson sa hotel at ilang araw ring wala roon sina Jett at Jacob. Ipinagkatiwala sa kaniya nina Jett ang pamamahala sa hotel pero tapos na ang maliligayang araw niya. Magbabalik na ang totoong presidente at first lady nito!"Kumalma ka nga, Ella! May malaki rin akong problema! Hindi lang ikaw ang may iniisip kaya p'wede bang itikom mo muna ang bibig mo?" Pabalik-balik na naglalakad si Cindy sa harap ng kaniyang anak. Kagabi pa siyang hindi makatulog dahil sa banta ni Nadia at dahil na rin sa pakikialam ni Sevi sa financial aspects ng JGC."May mas lalala pa ba rito sa problema ko, mama? You asked me to steal money fr

    Last Updated : 2023-11-10
  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 47

    Kabanata 47"Miss N, nakausap na po namin ang client. Unfortunately, hindi po siya interesado sa alok niyo," nakayukong turan ni R.Umupo ng prente si Nadia. "As expected. Mahirap talagang mapapayag si Mr. Dustin. Anyway, may progress na ba sa Project A natin?" Kinuha niya ang red lipstick sa kaniyang bag. Inilapat niya iyon sa kaniyang labi."Wala pa rin po eh. Miss N, paano po kung suicide pala ang nangyari sa iyong Kuya Wil—"Sa isang iglap, hawak-hawak na ni Nadia ang leeg ni R. "Hindi 'yon magagawa ni kuya. Pinalabas lang ng pamilya ko na heart attack ang ikinamatay niya para pagtakpan ang adultery case ni kuya. Cindy, that b*tch! Kasalanan talaga niya ang lahat! Kung hindi siya nagpunta sa korte para magsampa ng kaso, hindi sana magagalit sina mama at papa kay kuya. Hindi sana nila ipagkakait ang hustisya sa kapatid ko! Isa pa 'yang si Linda! Napakalandi niya! Alam niyang kasal na si kuya pero pinatulan pa rin niya!" Ngumiti siya. "Mas lalo ko silang pag-aawayin ni Cindy. Nabaya

    Last Updated : 2023-11-15
  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 48.1

    Kabanata 48“Ella, ano bang ginagawa mo rito?” kunot-noong tanong ni Mereya. She's aware na ang kapatid niya ang ginawang panakip-butas ni Jackson noong tinakasan niya ito.“Iiwan-iwanan mo si Mr. Gray tapos babalik-balik ka? Tapatin mo nga ako Eya, mahal mo ba siya o pinaglalaruan mo lang ang damdamin niya?” prankang tanong ni Merella.Napalunok si Mereya. “He's the father of my child,” she answered. Kita niya ang pagkunot ng noo ni Jackson sa gilid ng kaniyang kanang mata.Tumawa nang pagak si Merella. “So, you don't love him. What's the point of staying with him?”“I'm still processing my feelings but I'm willing to give him a chance. I can feel his sincerity and love for us so I—”“Stop it, Eya. Stop being like that. You love collecting things and people even though you're not certain if you really want to keep it or not. You’re just going to dump them in the end as you used to do.” Merella shifted her gaze to Jackson. “Susugal ka talaga sa babaeng ‘to?” tanong niya.Humakbang si J

    Last Updated : 2023-12-02
  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 48.2

    Kabanata 48.2“Nakaalis na si Ella?” tanong ni Mereya habang iniiikot ang kaniyang mga mata sa paligid.Walang imik na umupo si Jackson sa couch.“Are you okay? Sinaktan ka ba niya?” Maingat na umupo sa kabilang couch si Mereya.Sumimangot si Jackson. Ilang minuto niyang tinitigan si Mereya.“What's wrong?” Yumuko si Mereya. “May something ba sa mukha ko?”“Why did you sit there? Dito ka sa tabi ko,” may awtoridad na sabi ni Jackson.“You're not in the mood kaya I chose to sta—” Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman niyang nasa tabi na niya si Jackson.“Let's not think about her. Ayokong nai-stress ka.” Niyakap ni Jackson si Mereya. He caressed her stomach. “Ayokong maging kamukha ni Merella ang baby natin.”Magsasalita pa sana si Mereya nang biglang lumipat sa kaniyang harapan si Jackson. Lumuhod ito nang mabilis at hinalíkan siya sa kaniyang noo kasunod nang paghalik nito sa kaniyang tiyan.“I can be a monster if something happens to both of you. I'm not living for myself anymor

    Last Updated : 2024-01-18
  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 48.3

    Kabanata 48.3“Namumuro na talaga sa akin ang Mereyang ‘yan!” “Gigil na gigil ka na naman. Sinabi ko naman sa'yo, huwag ka na munang pumunta sa Escueza. Tigas ng ulo mo eh.” Nagbibilang ng pera si Cindy habang nakangiti.“Ano? Hahayaan ko na lang na tuluyang ahasin ni Eya si Jackson? Hindi p'wede! Sa akin lang si Jackson!” sigaw ni Merella.“Ikaw nga ‘tong nang-aahas kay Jackson eh. Ella, sayang ang ganda mo kung maghahabol ka lang sa isang Gray. Napakarami pang isda sa dagat. Hi–”“Mama? Anong nangyari sa'yo? Bakit gan'yan ang mga lumalabas sa bibig mo? Hindi ba't sa'yo rin nanggaling na huwag akong papayag na maikasal si Jackson kay Eya? Nakalimutan mo na ba?” Puno ng pagtataka ang mukha ni Merella habang nakatingin sa kaniyang mama.Patuloy lang sa pagbibilang ng pera si Cindy habang nakangiti. “I'm going to book our tickets tonight. We're flying to Europe. Doon mo na lang hanapin ang mayamang true love mo.”“WHAT? NO! HINDI AKO SASAMA SA'YO, MAMA! DITO LANG AKO! HINDI KO IIWAN SI

    Last Updated : 2024-01-21
  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 48.4

    Kabanata 48.4“Saan ka pupunta? Bakit iiwan mo ako rito? May nangyari ba?” sunod-sunod na tanong ni Mereya.Hinawakan ni Jackson ang magkabilang pisngi ni Mereya. “Wala. Walang nangyari. Basta huwag na huwag kang aalis dito kahit anong mangyari, okay? Ako lang ang nakakaalam ng lugar na ‘to.” Ayaw niyang mag-alala ito nang husto kaya mas pinili niyang hindi na lang sabihin dito kung ano ang nangyayari.“Sigurado ka?” Tinitigan ni Mereya ang mukha ni Jackson.Tumango si Jackson.“Iba ang sinasabi ng mukha mo. You look worried. ‘Yong totoo, anong nangyari kanina sa penthouse ng Escueza habang nasa banyo ako?” Tumaas ang isang kilay ni Mereya.Huminga nang malalim si Jackson. Wala na siyang pagpipilian kung hindi ang sabihin ang totoo kay Mereya.“May naglagay ng spy camera sa ilalim ng mesa ko. Pina-inspect ko na rin ang buong penthouse sa mga tauhan ko. Duda ko, mayroon ding itinanim na voice recorder ang suspect sa loob ng penthouse. Nagpabili na ako ng radio frequency scanner para ma

    Last Updated : 2024-02-06
  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 48.5

    Kabanata 48.5Namilog ang mga mata ni Nadia nang maramdaman niyang may humugot ng baril niya sa kaniyang likuran. Mabilis siyang pumihit para tingnan kung sino ang naglakas-loob na gawin iyon sa kaniya. Agad na kumunot ang kaniyang noo nang hindi niya mamukhaan ang babaeng nasa harapan niya.“Who the hell are you?” Nadia asked as she tried to get her guN from the stranger.Tumingin ang babae sa kina Cindy at Merella. “My private helicopter is waiting for you at the rooftop. Get your things and get lost. Ako na ang bahala kay Nadia,” turan niya.Nagkatinginan sina Cindy at Merella.“Mama, sino siya? Bakit kilala niya tayong tatlo?” tanong ni Merella.Ngumiti si Cindy. “She’s N, our engineer and architect!” bulong niya habang nagmamadaling kinuha ang kaniyang mga bag at maleta.“N? Kaparehas na nickname ni tita? At saka, bakit niya kilala si Tita Nadia?” muling tanong ni Merella.“Hindi ko rin alam. Huwag ka nang maraming tanong, Ella. Ang mabuti pa eh tulungan mo na akong magbuhat ng m

    Last Updated : 2024-02-28
  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 49.1

    Kabanata 49.1“Miss N, nakita na nga po pala ng mga tao natin si Mereya. Naghihintay na lang po sa go signal niyo ang mga tao natin,” ulat ng tauhan ni Noemi na si Sandy. Naglalakad sila ngayon patungo sa rooftop.“Hayaan mo muna si Eya. Ligtas naman siya sa pangangalaga ni Jackson,” ani Noemi.“Saan po pala natin dadalhin ang mag-inang Jones?”“Sa isang isolated island. Hindi pa rin ako makapaniwala na naloko natin ang dalawang ‘yon. Umaasa talaga sila na may mala-palasyong tahanan silang uuwian,” natatawang sambit ni Noemi.“Kayo po mismo ang naging karma nila sa mga kasamaan nila. Ang lakas ng loob nilang lustayin ang perang pinaghirapan ng ibang tao para sa pansarili nilang interest. Masasama po pala talaga ang ugali ng mga ‘yon, Miss N,” wika ni Sandy.“Noon pa man, masamang damo na talaga si Cindy kaya hindi na rin ako nagtataka kung bakit buhay pa siya hanggang ngayon. Well, matalino man ang mga matsing, napaglalamangan din.” Ngumiti si Noemi nang makita niyang iwinawagayway ni

    Last Updated : 2024-02-28

Latest chapter

  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 60.2 ANG WAKAS

    Kabanata 60.2 - Ang Wakas Pasan ni Jackson si Baby Sonya habang binibigyan ng lilom si Mereya. Nagtitirik ngayon ng kandila sa puntod ni Linda ang kaniyang asawa. Tumayo si Mereya matapos niyang magsindi ng kandila. “Aling Linda, nais kong malaman mo na napatawad ka na namin nina mommy, Tita Nadia at lolo. Maraming salamat dahil iniligtas mo ang buhay ko. Kung saan ka man naroroon, sana maging masaya ka. Huwag kang mag-alala, kami na ang bahala kay Yuna. Nasa Paris nga pala siya ngayon. Inaasikaso niya ang company na ipinamana mo sa kaniya. Pasensya ka na kasi sinabi namin sa kaniya ang totoo. Deserve niya kasing malaman ‘yon. Huwag kang mag-alala, hindi na siya galit sa'yo. Nagpapasalamat siya dahil kahit saglit ay pinuntahan, kinausap at niyakap mo siya. Hindi naging madali sa kaniya ang lahat. Isang taon din siyang hindi nagparamdam sa aming lahat. Isang taon niyang hinanap ang kaniyang sarili at isang taon ka rin niyang paulit-ulit na dinalaw rito. Masaya na siya ngayon, Aling

  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 60.1

    Kabanata 60.1“Nasaan si Yael?” tarantang tanong ni Jett kina Set at Jun. Magkakasama silang kumakain kanina nang magpaalam ang kaniyang pamangkin na pupunta sa banyo. Halos sampung minuto na ang dumaan ay hindi pa ito bumabalik kaya napilitan silang sundan ito. Laking gulat ng tatlo nang hindi nila ito nakita sa restroom.“Baka po namamasyal lang?” ani Jun.“Namamasyal? Hindi aalis ang batang ‘yon nang hindi nagsasabi sa akin. Dàmn!” Napatingin si Jett sa kaniyang relo. “Malapit nang mag-umpisa ang kasal nina kuya. Kailangan na nating mahanap si Yael. Maghiwa-hiwalay tayo. Tawagan niyo agad ako kapag nakita ko na siya, maliwanag ba?”“Sige po, Sir Jett,” magkasabay na tugon nina Set at Jun. Umalis na silang dalawa. Tulad ng panuto ni Jett, naghiwalay sila ng direksyon.Sa pagkataranta ni Jett ay hindi na niya naisipang i-check ang kuha ng security cameras sa paligid. “Mapapatay ako ni Hakob kapag may nangyaring masama kay Yael. Tang.ina! Napakalawak ng resort na ito. Saan ako mag-uum

  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 59.5

    Kabanata 59.5“Ikaw ba si Yuna?” nakangiting tanong ni Linda matapos niyang lumapit dito. Nasa restroom sila habang kapwa nag-re-retouch ng kanilang make-up.Kumunot ang noo ni Yuna. Tiningnan niya nang matagal sa mukha si Linda. “Ako nga. Do you know me? ‘Coz, I don't know you.” Bumalik siya sa kaniyang ginagawa.“Ku-Kumusta ka? Ano kasi. Matalik akong kaibigan ng iyong lola. Isa ako sa mga natulungan niya dati. Masaya akong makita ka ngayon. Napakabata mo pa noong huli kitang nakita,” naluluhang sambit ni Linda. Nagdesisyon siyang hindi na magpakilala kay Yuna bilang ina nito dahil ayaw niyang kamuhian siya nito. Isa pa, ayaw niyang maging pabigat dito. Ayaw rin niyang bansagan ito ng ibang tao na anak ng isang kriminal. Nakausap na niya ang witness na tinutukoy ni Jackson. Hindi na siya tumanggi sa kasalanan niya dahil ayaw na niyang dagdagan pa ito. Hindi na rin siya maghahabol sa yaman ng mga Wrights dahil napag-alaman niyang ang witness na ito pala na dating hardinero sa mansyon

  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 59.4

    Kabanata 59.4“Anak…”“Ikaw? Ikaw ang tunay kong ina?” wala sa sariling tanong ni Mereya.Tumango nang marahan si Noemi. “Ako nga, anak.” Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kaniyang mga luha.Tinitigan nang matagal ni Mereya ang kaniyang ina. Panay ang lunok niya. Hindi niya mawari kung bakit hindi siya makaalis sa kaniyang kinatatayuan. Maya-maya pa ay naramdaman niyang basa na ang kaniyang mga pisngi.“Masisira ang make-up mo, anak. Huwag kang umiyak,” mahinang sabi ni Noemi.“Unang beses kitang nakita. Kamukha pala kita? Hindi ko alam kung tama ba ang mga sinasabi ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa'yo.” Pinahid ni Mereya ang kaniyang mga luha.Mabilis na lumakad si Noemi palapit kay Mereya at niyakap ito nang mahigpit. Walang salitang lumabas sa kaniyang bibig. Tanging paghikbi lamang nilang dalawa ang maririnig sa silid.Pumikit si Mereya at ninamnam ang unang yakap mula sa kaniyang tunay na ina. Hindi niya akalaing ganoon pala iyon kasarap sa pakiramdam. Ti

  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 59.3

    Kabanata 59.3“Malapit nang mag-umpisa ang seremonya. Handa ka na ba, anak?” nakangiting tanong ni Don Vandolf.Pagkarating na pagkarating nina Jackson ay agad silang nag-ayos at nagbihis. Naroroon na rin ang pastor na magkakasal sa kanila ni Mereya. Humingi siya ng dalawampung minutong palugit para pagbigyang makipag-usap sina Noemi at Mereya.“Kinakabahan ako, papa. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman pero sobrang saya ko. Kahit yata maghapon akong maghintay rito eh ayos lang sa akin. Miss na miss ko na agad ang mag-ina ko, papa,” maluha-luhang sambit ni Jackson.Tinapik ni Don Vandolf ang balikat ng kaniyang anak. “I am so glad that you became the man I pray you to become. Nakikita at ramdam ko kung gaano mo kamahal ang iyong mag-ina. Just a heads up, anak. Hindi araw-araw ay magiging maayos ang samahan niyong mag-asawa. May mga araw na mararamdaman mong parang nababawasan ang pagmamahal mo sa kaniya. May mga araw na mag-aaway o magkakatampuhan kayong dalawa at may mga ara

  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 59.2

    Kabanata 59.2“Kumusta si papa?”“Okay naman po ang vital signs niya. Mamaya raw po ay malaki ang chance na magkaroon na siya ng malay,” ulat ng tauhan ni Nadia.“Huwag niyong hahayaang makalabas ng hospital si papa. Ano palang balita sa port? Wala pa sina Jackson?” Nililinis ni Nadia ang kaniyang bariL.“Kanina pa pong dumating ang yate nila. Anytime po ay parating na sila rito.”“Good. Tell our people to standby. Pumwesto na rin kayo sa inyong mga lugar. Siguraduhin niyong walang makakapanggulo sa kasal ng aking pamangkin. Everything should went smooth hanggang sa makaalis ang bagong kasal,” turan ni Nadia.“Opo, Miss N. Makakaasa po kayo.”“Another thing, tandaan niyong si Linda ang target natin. Alam niyo na naman ang hitsura niya dahil matagal ko rin siyang nakasama. Siya lang ang kailangan niyong kidnapin pagkatapos ng seremonya. Huwag na huwag niyong sasaktan ang iba lalong-lalo na ang mga mahal ni Eya.” Ngumiti si Nadia. “Ayan, makintab na.” Itinutok niya sa pader ang kaniyang

  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 59.1

    Kabanata 59.1“Ang ganda-ganda mo, babaita! Sigurado akong mahuhulog ang brief ni Fafa Jackson kapag nakita ka niya mamaya! Grabeng ganda naman ng buntis na ito!” pumapalakpak na sabi ni Yuna habang pinagmamasdan ang kaniyang pinakamatalik na kaibigan. Hindi pa ito tapos ayusan ng make-up artist at ng hairstylist nito pero litaw na litaw na lalo ang angkin nitong ganda!“Ikaw talaga, Yuna. Napaka overrated mo talaga mag describe,” natatawang sambit ni Mereya.“Ay nako, babaita! Hindi sa pagkukuwan pero napakaganda mo talaga today! Pak na pak!” Nakaayos na si Yuna at tapos na rin siyang magbihis. Hindi siya mapakali sa kaniyang silid kaya pumunta siya sa silid kung inaayusan si Mereya. “Nakita ko nga pala si Tita Nadia mo, ang ganda-ganda rin niya! Grabe kayong mga Wrights. Noong naghasik yata si Lord ng kagandahan eh sinalo niyo halos lahat!”Napatawa si Mereya. “Yuna, kumusta nga pala si lola? Okay lang ba siya? Saan ka nga pala naglagi noong nagkahiwalay tayo? Pasensya ka na ha. Nai

  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 58.5

    Kabanata 58.5“Jackson, senior, Set, maraming maraming salamat sa pagligtas niyo sa akin. Utang ko sa inyo ang buhay ko. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito,” ani Noemi. Lulan na sila ng yate at naglalakbay na patungo sa isla ng Pamalican.“Walang anuman, balae. Hindi ko akalain na halos kasing bata ka lang pala ni Mereya. Kahit sinong lalaki ay mapapagkamalan kang dalaga. Hindi halata ang edad mo sa hitsura mo.” Ngiting-ngiti si Don Vandolf habang nakatingin kay Noemi.Tumikhim si Jackson. “Papa, nakakahiya kay M-Mommy Noemi,” bulong ni Jackson. Katabi niya sa upuan ang kaniyang papa, katabi naman nito si Set.“Anong nakakahiya sa sinabi ko? Totoo naman ang lahat ng iyon. Huwag kang mag-alala, graduate na ako sa pagiging playboy. Isa pa, balae ko siya. Masyado yatang marumi ang utak mo, anak. Gusto mo bang hilamusan kita ng tubig-dagat para mahimasmasan ka?” pabirong turan ni Don Vandolf.Napatawa si Noemi.“Papa naman,” natatawang wika ni Jackson.Tiningnan ni Don Vandolf si Lind

  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 58.4

    Kabanata 58.4“Tita Nadia, ano pong ibig mong sabihin?”“Hindi si Jackson ang pumatay kay Kuya William. Siya rin ang una kong naging suspect pero it turns out that someone who's not even a lead became the perpetrator. I'm sorry, Eya. Nahihiya ako sa'yo, in behalf of papa rin, kasi nagpunta kami rito sa Palawan hindi para unattend ng kasal mo kung hindi para iligpit sana ang mapapangasawa mo. Nagpunta kami rito para ilayo ka kay Jackson. Patawarin mo kami, Eya.” Luluhod pa sana si Nadia sa harap ng kaniyang pamangkin nang pigilan siya nito.“No, tita. Hindi kayo dapat sa akin humihingi ng sorry. Kay Jackson dapat tayo humingi ng kapatawaran. Hindi ko kayo masisisi ni lolo kasi kahit ako, noong nalaman kong si Jackson ang salarin eh hindi man lang ako nagdalawang-isip na mag-imbestiga muna. I even made up my mind that I am not going to marry him. I even want to give him to the police. Worst, I even think to kill him. I'm so ashamed of myself. Now, I want to ask myself if I deserve him.

DMCA.com Protection Status