Kabanata 2
"Teka. I know this route. Are we going to…?" tanong ni Mereya.Tumango si Jackson. Focus pa rin siya sa pagda-drive."Akala ko ba pupunta tayo sa lugar kung saan masasagot lahat ng mga tanong na naglalaro sa isip ko ngayon?" Titig na titig si Mereya kay Jackson habang hinihintay ang pagbuka ng bibig nito."We're on our way there." Jackson stepped on the gas. "Put your seatbelt on, honey. We will fly for a while."Kumunot ang noo ni Mereya. Gustong-gusto na niyang makarating sa lugar na sinasabi ni Jackson pero bigla siyang sinakluban ng katakot-takot na kaba. Mas lalong gumulo ang isip niya. Dali-dali niyang inilagay ang seatbelt nang halos paliparin na ni Jackson ang sasakyan nito."Magdahan-dahan ka na naman! Kung balak mong magpakamatay, huwag mo kaming idamay ng anak m—...ng anak ko!" Napakapit si Mereya sa seatbelt."Bakit ko naman gugustuhing mamatay? Simula nang malaman kong magkaka-anak na tayo, unti-unting naghilom ang malalim na sugat sa puso ko. Nagkaroon ako ng rason para magpatuloy sa buhay." Seryoso si Jackson habang nakatingin sa daan.Hindi nakapagsalita si Mereya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Bakit parang balewala lang sa lalaking ito na magpapakasal siya sa babaeng hindi naman niya mahal? Sa babaeng naka-one night stand lang niya? Nababaliw na ba siya o talagang desperado lang siyang magkaroon ng asawa at anak?"Malapit na tayo. Ready yourself, honey. I will not stop you from doing what you want but I'm warning you…"Biglang nakaramdam ng takot si Mereya sa tono ng pananalita ni Jackson."Don't let your anger consumes you. Remember that you are pregnant with my child. Kapag may nangyari sa kaniya, hihilingin mo na ring mawala ka pero siyempre, hindi ko iyon ibibigay sa'yo. I will let you live to accept my wrath every single day. Nagkakaintindihan ba tayo, Miss Mereya Wrights?" Huminto ang sasakyan ni Jackson sa mismong tapat ng bahay nina Mereya.'Tinatakot ba niya ako?' ani ng isip ni Mereya."Hindi kita tinatakot," wika ni Jackson.'Nababasa ba niya ang laman ng isip ko?' Umayos sa pagkakaupo si Mereya."I'm just stating facts here, honey. Take care of our child and in return, I will take care of you. Hindi kita pabababain ng sasakyan ko hangga't hindi mo ipinapangako na iingatan mo ang anak natin." Inayos ni Jackson ang kaniyang suit bago tiningnan ang sarili niya sa rearview mirror.Sa kagustuhan ni Mereya na malaman ang pagkatao ng babae ni Sevi, pumayag siya sa kondisyon ni Jackson. "Pangako, iingatan ko ang bata sa loob ng tiyan ko," aniya."That's my queen." Jackson pat Mereya's head.Mabilis na bumaba ng sasakyan si Jackson para pagbuksan ng pinto si Mereya. Inilahad niya ang kamay niya rito."Sige na. Grab my hand. Hindi ako papayag na magmukha kang api at kaawa-awa sa paningin ng boyfrien— ex-boyfriend mo. If he can stabbed you at your back then prove to him na kaya mo rin siyang palitan agad. Tandaan mo honey, kapag nakita kitang umiyak…papuputukin ko ang labi ng lalaking 'yon." Diretsong nakatingin sa gate ng bahay nina Mereya si Jackson. Nagulat siya nang maramdaman niya ang kamay nito na nakapulupot sa kaniyang braso."Tama ka. Hindi ko dapat ipakita sa kanila na apektado ako." Huminga nang malalim si Mereya. "Tara na. Excited na akong malaman kung sino ang masuwerteng babaeng ipapakilala ni Sevi bilang girlfriend niya." Napalunok siya. "Bilang fiancee niya pala.""Masuwerte? Malas kamo," bulong ni Jackson.Papasok na ng mansyon sina Mereya at Jackson nang bigla silang harangin ng security."Ma'am Eya, pasensya na po. Hindi ko po kayo pwedeng papasukin sa loob. Mawawalan po ako ng trabaho." Bakas sa mukha ng security ang lungkot at pagkahiya sa anak ng kaniyang amo."Manong Nelson, nakikiusap po ako sa inyo. Kailangan ko pong makapasok sa loob. Nandoon po ang boyfriend kong si Sevi. Siya po mismo ang nagpapunta sa akin dito," pagsisinungaling ni Mereya.Nagulat ang security. Hindi niya akalain na nobyo ni Mereya si Sevi! "Pe-pero, isa po si Sir Sevi sa mga nag-utos sa akin na huwag po kayong papapasukin sa loob kahit anong mangyari," pagsisinungaling ni Manong Nelson. Siguro, kapag sinabi niya iyon ay hindi na magpupumilit pa si Mereya na makapasok sa mansyon."Magkano ang suweldo mo rito?" Halata ang pagka-inip sa mukha ni Jackson."Po? Sino naman po kayo?" Pilit na minumukhaan ni Manong Nelson ang lalaking kasama ng anak ng amo niya."You don't need to know my name. Anyway, kaya kong doblehin o triplehin ang sinasahod mo rito. You don't need this job anymore. I can hire you as a hotel employee. Magkakaroon ka ng paid day offs, allowances, free travel monthly at other incentives. May anak ka pa bang nag-aaral?" Kinuha ni Jackson ang kaniyang cell phone.Nakatingala si Mereya sa lalaking kasama niya. He could bribe her mom's people just to give her what she wants! Hindi siya makapaniwala! Unang beses na may gumawa noon para sa kaniya. Palagi kasing siya ang nag-a-adjust para kay Sevi. Mas mayaman kasi siya rito kaya hindi niya ito pinaghahanapan ng kung ano-ano. Isa pa, hindi naman siya materialistic na tao. All she craves are love, time and affection from the people she loves."Dalawa pa po ang nag-aaral kong anak, sir. Bakit po?" tanong ni Manong Nelson."What's their name? Saang school sila nag-aaral?" Mabilis na itinype ni Jackson ang mga pangalan ng anak ni Manong Nelson at ang paaralang pinapasukan ng mga ito. "Malapit na ulit magbukas ang academic year. My people will process their papers. Ililipat ko sila sa isang prestigious school. Sagot ng foundation ko ang lahat ng gagastusin nila - from their tuition fees, miscellaneous, foods, pocket money and apartment. Wala ka nang poproblemahin."Napaluha si Manong Nelson sa kaniyang narinig. Matagal na niyang pangarap na mabigyan ng de kalidad na edukasyon ang kaniyang mga anak. Inalis niya ang baril na nakasakbit sa balikat niya at hinubad ang kaniyang uniform.Jackson smiled. "You made the right choice. Now, open the door for us. Papunta na rito ang isa sa mga tao ko para sunduin ka. Iniutos ko na rin na bigyan kayo ng condo unit para maging maayos ang inyong tirahan." Jackson's eyes widened when the security suddenly hugged him.Halos maiyak din si Mereya sa kaniyang nasaksihan. She suddenly found Jackson attractive. Hindi niya maiwasang humanga sa kabaitan nito."Maraming maraming salamat po, sir! Napakabuti niyo po!" Kumawala si Manong Nelson sa pagkakayakap niya kay Jackson at agad na binuksan ang pinto. "Ma'am Eya, hindi po kayo deserve ng long-time partner niyo. Hangad ko po na makatagpo kayo ng lalaking mamahalin kayo ng buong-buo at ng lalaking handa po kayong ipagmalaki kahit kanino."Umalis na si Manong Nelson. Sumama na siya sa tauhan ni Jackson."The door is now open. Halika na." Kumunot ang noo ni Jackson nang biglang naistatwa si Mereya sa kaniyang kinatatayuan.Sobrang bilis ng tibok ng puso ni Mereya. Hindi pa man niya nakikita ang hitsura ng babae ni Sevi, nanggigigil na siya. Ang pinaka-nakaintriga sa kaniya, bakit sa mismong bahay nila gaganapin ang engagement party? Kadugo ba niya ang babaeng nais pakasalan ni Sevi o malapit sa kanilang pamilya dahil pumayag ang kaniyang ina na ganapin doon ang party? Halos mabaliw na sa kakaisip si Mereya ngunit ngayon ay malapit nang matuldukan ang lahat. Nanlamig ang mga kamay niya nang bigla siyang hinawakan ni Jackson."Relax. You don't need to be scared. Wala kang ginagawang mali. Sila ang dapat mahiya at matakot sa'yo, not the other way around." Jackson suddenly hugged Mereya. "Ito na ang huling beses na masasaktan ka dahil sa kanila. Gagawin ko ang lahat para makalimutan mo ang lalaking 'yon."'Paano niya nasasabi 'yon? Ni hindi pa niya ako lubusang kilala.' Bumitiw si Mereya kay Jackson. "Sino ka ba talaga? Bakit mo ako tinutulungan? Bakit mabait ka sa akin?"Ngumiti si Jackson pero mabilis din iyong nawala. "I already introduced myself to you. I'm Jackson Gray. I am the eldest son of John Vandolf Gray, a multi-billionaire. I'm helping you because you simply caught my attention and you're the mother of my child. The rest is history," he replied.'Sabi ko na nga ba! He's hiding something from me.' Mereya held Jackson's waist.Natulala si Jackson sa ginawang iyon ni Mereya. His heart suddenly panicked."Let's go inside. I can't wait to face them all." Napatingin si Mereya kay Jackson nang bigla siyang pigilan nito."Wear this. It's a mask party." Nang makita ni Jackson na umiling si Mereya ay siya na ang nagsuot ng maskara rito. "There you go."Sobrang dami ng tao sa mansyon nina Mereya. Ang ilan ay pamilyar sa kaniya kahit na nakasuot pa ang mga ito ng maskara. Ang ilan naman ay hindi niya talaga kilala at kaano-ano."All of the guests here aren't just ordinary people. I heard that even the congressman and the mayor's family are all present here. Don't just talk to anybody, honey." Hinapit ni Jackson ang bewang ni Mereya palapit sa kaniya na siyang ikina-ilang nito.Biglang nagdilim ang paligid. Maya-maya pa ay nasa spotlight na sa may pinaka-stage ang isang sikat na singer. Nagsimula itong kumanta ng isang acoustic song. Nagsalubong ang mga kilay ni Mereya nang biglang nag sayaw ang mga tao sa paligid. They're hugging each other while talking and laughing."Let me grab this opportunity to dance with you, my queen." Lumuhod si Jackson sa harap ni Mereya. Hinihintay niyang ibigay nito ang kamay sa kaniya.Nag-init ang mga pisngi ni Mereya. Again, it's her first time to experience something like that. Kumunot ang noo niya nang mapagtanto niyang pinagtitinginan na sila ng mga tao. Maging ang sikat na singer ay napansin sila! Inudyukan siya ng lahat na tanggapin ang kamay ni Jackson. Wala siyang nagawa kung hindi ang pumayag sa kagustuhan nitong sumayaw. Nagsigawan ang madla at nag palakpakan. Sa isang iglap, nasa gitna na sila. Silang dalawa na lang ang nagsasayaw habang kumakanta ang sikat na singer sa stage."Babe, do you know them? They're robbing our night. Tayo dapat ang center of attention ngayong gabi at hindi sila." Nag-pout ang babae habang nakapulupot ang mga kamay nito kay Sevi."Let them be, babe. Mamaya, all eyes na sila sa atin." Hinalíkan ni Sevi sa noo ang babaeng katabi niya sa upuan. He's with her pero si Mereya ang laman ng isip niya. Nag-aalala na siya rito. Mahigit tatlong linggo na niya itong hindi nakikita!"Okay ka lang ba, babe?" tanong ng babae.Sevi cupped her fiancee's cheeks. "I'm fine, babe. Don't worry.""Bakit parang malungkot ka? Ayaw mo ba akong pakasalan? Iniisip mo pa rin ba ang ex-girlfriend mo?" Inalis ng babae ang pagkakapulupot ng kamay niya sa braso ni Sevi."Babe, wala ako rito ngayon sa tabi mo kung ayaw kitang pakasalan. Isa pa, wala namang nakakaalam ng relasyon namin ng ex-girlfriend ko kung hindi kaming dalawa lang. She's not a big deal. Ginamit ko lang siya. I have no intention of marrying her." Niyakap ni Sevi ang fiancee niya."Thank you for the assurance, babe. Thank you for choosing me. I love you, babe." Hínalikan ng babae si Sevi pero hindi nito tinugon ang halík niya. Nasaktan siya pero hindi na niya iyon pinansin.'Mereya is different. Hindi siya easy to get. I'm wondering what happened to her that night. Bakit hindi na siya nagpakita sa akin after nang gabing 'yon?' Sevi shaked his head. 'Hindi ko dapat siya iniisip ngayon. Tapos na kami. Mas dapat kong pagtuunan ng pansin si babe.'Nang tumingin si Sevi sa direksyon nina Mereya at Jackson ay hindi sinasadyang nagtama ang mga mata nila ni Mereya.'Love, kahit nakasuot ka ng maskara, alam kong ikaw 'yan. Bakit? Bakit mo nagawa 'to sa akin? Minahal mo ba talaga ako sa loob ng pitong taon o ginamit mo lang ako? Ito pala ang rason kung bakit ayaw mong isa-publiko ang relasyon natin. May iba kang babae. May iba kang mahal. Anong mayroon sa kaniya na wala sa akin? Bakit kaya mo siyang ipagmalaki sa lahat samantalang ako, hindi? Bakit kaya mo siyang iharap sa altar samantalang ako, simpleng sinehan hindi mo man lang madala dahil natatakot kang baka may makakilala sa atin? Bakit, Sevi? Bakit?' Huminto sa pagsayaw si Mereya. Napahawak siya sa kaniyang dibdib."Honey, are you okay?" Hindi sinagot ni Mereya ang tanong ni Jackson. Tiningnan niya kung saan ito nakatingin. Jackson clenched his jaw when he saw Sevi. "Control your emotions, honey. Remember, it's not good for our child.""I'm sorry, mister. I need to go to the restroom." Binitiwan nang tuluyan ni Mereya ang kamay ni Jackson at nagtatakbo palayo rito. Agad naman siyang hinabol nito.Napatayo sa kaniyang kinauupuan si Sevi nang makilala niya ang babaeng kasayaw ng isang matangkad na lalaki kanina. 'Mereya? Nandito ka? Pero paano? Kilala mo ba ang pamilyang Jones?'"Babe, oras na para alisin ang mga maskara natin. Kailangan na nating magpalit ng damit. Magsisimula na ang tunay na party," ani ng babae habang hila-hila ang kamay ni Sevi.Kabanata 3"Honey, bubuksan mo itong pinto o sisirain ko ito?" banta ni Jackson nang halos sampung minuto na si Mereya sa loob ng restroom. Pinagtitinginan na siya ng mga babaeng nandoon pero wala siyang pakialam."He's so hot! I can instantly leave my boyfriend for him!" sabi ni Jen, ang nag-iisang anak ng Mayor ng Monte Vista."You're not his type. I can bet twenty thousand pesos. Mas gusto niya ako kaysa sa'yo," pagmamayabang ni Merella sa kaibigan niya."Girl, ikakasal ka na! Stop flirting! Ipaubaya mo na siya sa akin." Mas lalong pinapula ni Jen ang kaniyang labi. "Perfect!" Nagulat siya nang makita niyang nasa tabi na ng lalaki si Merella."Men are not allowed here. This is a female restroom." Namewang si Merella habang malagkit na tinitingnan si Jackson."You can urinate safely here, miss. Hindi kita bobósohan. Every cubicle has its door and lock. It's not like, I will broke the door just to see your pu$sy." Pinasadahan ng tingin ni Jackson si Merella mula ulo hanggang paa. "I'm
Kabanata 4"Babe, kanina pa kitang hinahanap. Sinong kausap mo?" Mabilis na ipinulupot ng babae ang kaniyang mga kamay sa braso ni Sevi.Napanganga si Mereya nang marinig niya ang boses ng babaeng pakakasalan ng kaniyang long-term partner. Hindi siya maaaring magkamali! She's her mother! Biglang niyang naalala ang sinabi ni Yuna sa kaniya. Three weeks ago lang nagsimulang nakipag-date ni Sevi sa babae nito. It was also exactly three weeks ago when her mother arrived in the country!"Eya, are you okay? Magkakaroon ka na ulit ng bagong stepdad! Aren't you happy? You know Sevi, right?" nakangiting turan ni Yuna. Wala siyang kaalam-alam na para nang pinagsakluban ng langit at lupa ang kaniyang bestfriend dahil sa nalaman nito!Mabilis na pinahid ni Mereya ang kaniyang mga luha. She laughed loudly. "May imi-miserable pa pala ang buhay ko!" Matapang niyang hinarap ang kaniyang EX-BOYFRIEND at ina. Kitang-kita niya ang pagkagulat sa mukha ng Mama Cindy niya."Eya, paano ka nakapasok dito? I t
Kabanata 5"Shít!" Habang unti-unting bumabalik ang malay ni Jackson ay naramdaman niya ang pumipintig niyang ulo. Nataranta siya nang makita niyang wala si Mereya sa tabi niya. Hindi siya pwedeng magkamali, magkasama sila kagabi. Uminom sila ng alak habang kinukuwento ng bawat isa ang tungkol sa buhay nila."Did she leave me? Bakit hindi man lamang siya nagpaalam?" Mabilis na binuksan ni Jackson ang kaniyang sasakyan. Idinipa niya ang kaniyang mga kamay at saka pumikit. Dinama niya ang medyo maalat na hangin mula sa dagat. Napangiti siya nang maalala niya kung gaano katamis ng ngiti ni Mereya habang kausap siya kagabi. "I hope she's fine. We will plan our wedding tomorrow. I can't wait to see her in her wedding gown," Jackson said as he stared at the turquoise waters of the sea.Isang phone call ang nakapagpabago ng mood niya. His father called him. Nasa hotel ito at hinihintay siya roon. He swiftly hopped inside his car and drove back to Escueza."Ano kayang problema? Bakit biglang
Kabanata 6"Papa! What brought you here? Did you miss me that much?" bungad na bati ni Jackson habang pumapasok sa kaniyang opisina."Bakit naman kita mamimiss? Tahimik ang buhay ko kapag nasa malayo ka," pabiro ngunit makatotohanang sambit ni Don Vandolf. Inalalayan siyang tumayo ni Set buhat sa kaniyang wheelchair. Inakay siya nito tungo sa couch at maingat na pinaupo roon.Lumapit si Jackson sa kaniyang papa at nagmano. Niyakap niya rin ito."I missed you, papa. Thank you for your visit. Please, take care of your health. I'm sorry. Hindi pa ako makakauwi sa Monte Carlos. I'm quite busy here." Jackson whispered.Ngumiti si Don Vandolf at tinapik ang likod ng kaniyang panganay na anak. "Sige na. Enough of this drama. Sit down."Tinawagan ni Jackson ang kaniyang secretary at inutusan itong magtimpla ng paboritong tsaa ng kaniyang papa."If you don't miss me, what's the reason for your sudden visit, papa?" Tumingala si Jackson sa kaniyang secretary nang magpatong ito ng tsaa sa mesa. "T
Kabanata 7"LUMAYAS KA! HUWAG NA HUWAG KA NANG BABALIK SA PAMAMAHAY KO! SIMULA NGAYON, SI MERELLA NA LANG ANG KIKILALANIN KONG ANAK!" galit na galit na sigaw ni Cindy habang hinahagis ang mga damit ni Mereya sa labas ng gate ng mansyon nila."Lalayas na po talaga ako rito kasi parang hindi niyo rin naman ako nakikita, parang hindi rin naman po ako nag-e-exist sa mansyon na ito!" Isa-isang pinulot ni Mereya ang mga damit na itinapon ng kaniyang ina.Tumawa nang pagak si Cindy. "Anong hindi nag-e-exist na sinasabi mo? Madalas kitang binibisita sa kuwarto mo ah. Isa pa, hindi ka na bata para gabayan at bigyan palagi ng atensyon. Malaki ka na, Eya!""Laging binibisita? Eh pumupunta lang naman po kayo sa kuwarto ko kapag hinahanap niyo 'yang si MERELLA. Ni kumustahin nga po ako hindi niyo man lang magawa. Opo, hindi na ako bata para gabayan niyo pero kahit naman noong bata pa lang ako, hindi niyo rin naman nagawang gabayan ako. Palagi po kayong busy sa trabaho at sa lalaki niyo pero kapag s
Kabanata 8"Ella, kanina ka pang tulala ah. Don't tell me, naaawa ka sa ate mo?" Uminom ng champagne si Jen habang nakatingin sa kaniyang kaibigan."Bakit naman ako maaawa sa kaniya? Pinapabalik siya ni mama sa mansyon, ayaw naman niya. Choice niya 'yon kaya bahala siyang magdusa." Umupo si Merella sa tabi ng kaibigan niyang si Jen. "Ang aga-aga, umiinom ka rito. Nag-away na naman ba kayo ng boy bestfriend mong si Bob?""Hindi naman. Naiinis lang ako sa kaniya. He's asking about your ate." Muling uminom ng champagne si Jen."What?" Tumawa si Merella. "Why is everybody asking for her? Gano'n ba siya kaganda para hanapin?" Inagaw niya ang wine glass sa kamay ni Jen at nagsalin ng alak. Diretso niya iyong nilunok."Bakit? May iba pa bang naghahanap sa ate mo?" tanong ni Jen."The man of my dreams asked me about her whereabouts," Merella replied, swiftly."What? Para saan daw? Nakaharap mo na pala ulit si mister pogi eh so alam mo na ang name niya?" Nagsindi ng sigarilyo si Jen."I thought
Kabanata 9"I'm sorry, Yuna. Kasalanan ko kung bakit ka tinanggal ni mama sa trabaho," nakayukong sabi ni Mereya habang umiiyak."Ano ka ba naman! Wala kang kasalanan 'no." Hinagod ni Yuna ang likod ni Mereya. Umiiyak din siya. Nasa labas sila ng kaniyang dating apartment. Pinalayas na siya ng landlady nang malaman nitong nasibak siya sa trabaho."Saan ka na titira, Yuna?" Hinaplos ni Mereya ang kaniyang tiyan. Pinilit niyang tumahan para sa kaniyang baby."Uuwi muna siguro ako sa lola ko. Mamamahinga muna ako ng isang taon bago ulit ako bumalik dito sa Monte Vista." Kumuha ng isang maliit na bato si Yuna at itinapon iyon sa daan. "Ikaw? Anong balak mo?""Ayoko nang bumalik sa bahay. Sigurado akong stress lang ang aabutin ko ro'n araw-araw lalo na at malapit nang ikasal si Mama Cindy kay Sevi." Pinaglaruan ni Mereya ang laylayan ng kaniyang damit.Hinawakan ni Yuna ang mga kamay ni Mereya. "Gusto mo bang sumama sa akin?""Gusto ko sana kaso baka malasin ka na naman dahil sa akin eh." B
Hi everyone! Posted na po ang revised chapters nito. Alisin niyo po sa muna sa library niyo tapos add niyo po ulit para mag-reflect po ang changes. Thank you! Sana po ay magustuhan ninyo ang revision nito. Marami po akong nakahandang pasabog sa mga susunod na kabanata.Sisikapin ko po itong pagandahin tulad ng story nina Jacob at Freya. Thank you po sa inyo! God bless.List of StoriesGray Series1. One Night Love (Tagalog) -COMPLETED One Night Deal (Tagalog) -COMPLETED2. One Night Darker - ON GOING3. Nights with the Billionaire - COMING SOONShe Speak Series1. Suddenly Married to a Billionaire - COMPLETED2. The Heiress Revenge (Tagalog) - COMPLETEDLovelots,Docky
Kabanata 60.2 - Ang Wakas Pasan ni Jackson si Baby Sonya habang binibigyan ng lilom si Mereya. Nagtitirik ngayon ng kandila sa puntod ni Linda ang kaniyang asawa. Tumayo si Mereya matapos niyang magsindi ng kandila. “Aling Linda, nais kong malaman mo na napatawad ka na namin nina mommy, Tita Nadia at lolo. Maraming salamat dahil iniligtas mo ang buhay ko. Kung saan ka man naroroon, sana maging masaya ka. Huwag kang mag-alala, kami na ang bahala kay Yuna. Nasa Paris nga pala siya ngayon. Inaasikaso niya ang company na ipinamana mo sa kaniya. Pasensya ka na kasi sinabi namin sa kaniya ang totoo. Deserve niya kasing malaman ‘yon. Huwag kang mag-alala, hindi na siya galit sa'yo. Nagpapasalamat siya dahil kahit saglit ay pinuntahan, kinausap at niyakap mo siya. Hindi naging madali sa kaniya ang lahat. Isang taon din siyang hindi nagparamdam sa aming lahat. Isang taon niyang hinanap ang kaniyang sarili at isang taon ka rin niyang paulit-ulit na dinalaw rito. Masaya na siya ngayon, Aling
Kabanata 60.1“Nasaan si Yael?” tarantang tanong ni Jett kina Set at Jun. Magkakasama silang kumakain kanina nang magpaalam ang kaniyang pamangkin na pupunta sa banyo. Halos sampung minuto na ang dumaan ay hindi pa ito bumabalik kaya napilitan silang sundan ito. Laking gulat ng tatlo nang hindi nila ito nakita sa restroom.“Baka po namamasyal lang?” ani Jun.“Namamasyal? Hindi aalis ang batang ‘yon nang hindi nagsasabi sa akin. Dàmn!” Napatingin si Jett sa kaniyang relo. “Malapit nang mag-umpisa ang kasal nina kuya. Kailangan na nating mahanap si Yael. Maghiwa-hiwalay tayo. Tawagan niyo agad ako kapag nakita ko na siya, maliwanag ba?”“Sige po, Sir Jett,” magkasabay na tugon nina Set at Jun. Umalis na silang dalawa. Tulad ng panuto ni Jett, naghiwalay sila ng direksyon.Sa pagkataranta ni Jett ay hindi na niya naisipang i-check ang kuha ng security cameras sa paligid. “Mapapatay ako ni Hakob kapag may nangyaring masama kay Yael. Tang.ina! Napakalawak ng resort na ito. Saan ako mag-uum
Kabanata 59.5“Ikaw ba si Yuna?” nakangiting tanong ni Linda matapos niyang lumapit dito. Nasa restroom sila habang kapwa nag-re-retouch ng kanilang make-up.Kumunot ang noo ni Yuna. Tiningnan niya nang matagal sa mukha si Linda. “Ako nga. Do you know me? ‘Coz, I don't know you.” Bumalik siya sa kaniyang ginagawa.“Ku-Kumusta ka? Ano kasi. Matalik akong kaibigan ng iyong lola. Isa ako sa mga natulungan niya dati. Masaya akong makita ka ngayon. Napakabata mo pa noong huli kitang nakita,” naluluhang sambit ni Linda. Nagdesisyon siyang hindi na magpakilala kay Yuna bilang ina nito dahil ayaw niyang kamuhian siya nito. Isa pa, ayaw niyang maging pabigat dito. Ayaw rin niyang bansagan ito ng ibang tao na anak ng isang kriminal. Nakausap na niya ang witness na tinutukoy ni Jackson. Hindi na siya tumanggi sa kasalanan niya dahil ayaw na niyang dagdagan pa ito. Hindi na rin siya maghahabol sa yaman ng mga Wrights dahil napag-alaman niyang ang witness na ito pala na dating hardinero sa mansyon
Kabanata 59.4“Anak…”“Ikaw? Ikaw ang tunay kong ina?” wala sa sariling tanong ni Mereya.Tumango nang marahan si Noemi. “Ako nga, anak.” Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kaniyang mga luha.Tinitigan nang matagal ni Mereya ang kaniyang ina. Panay ang lunok niya. Hindi niya mawari kung bakit hindi siya makaalis sa kaniyang kinatatayuan. Maya-maya pa ay naramdaman niyang basa na ang kaniyang mga pisngi.“Masisira ang make-up mo, anak. Huwag kang umiyak,” mahinang sabi ni Noemi.“Unang beses kitang nakita. Kamukha pala kita? Hindi ko alam kung tama ba ang mga sinasabi ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa'yo.” Pinahid ni Mereya ang kaniyang mga luha.Mabilis na lumakad si Noemi palapit kay Mereya at niyakap ito nang mahigpit. Walang salitang lumabas sa kaniyang bibig. Tanging paghikbi lamang nilang dalawa ang maririnig sa silid.Pumikit si Mereya at ninamnam ang unang yakap mula sa kaniyang tunay na ina. Hindi niya akalaing ganoon pala iyon kasarap sa pakiramdam. Ti
Kabanata 59.3“Malapit nang mag-umpisa ang seremonya. Handa ka na ba, anak?” nakangiting tanong ni Don Vandolf.Pagkarating na pagkarating nina Jackson ay agad silang nag-ayos at nagbihis. Naroroon na rin ang pastor na magkakasal sa kanila ni Mereya. Humingi siya ng dalawampung minutong palugit para pagbigyang makipag-usap sina Noemi at Mereya.“Kinakabahan ako, papa. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman pero sobrang saya ko. Kahit yata maghapon akong maghintay rito eh ayos lang sa akin. Miss na miss ko na agad ang mag-ina ko, papa,” maluha-luhang sambit ni Jackson.Tinapik ni Don Vandolf ang balikat ng kaniyang anak. “I am so glad that you became the man I pray you to become. Nakikita at ramdam ko kung gaano mo kamahal ang iyong mag-ina. Just a heads up, anak. Hindi araw-araw ay magiging maayos ang samahan niyong mag-asawa. May mga araw na mararamdaman mong parang nababawasan ang pagmamahal mo sa kaniya. May mga araw na mag-aaway o magkakatampuhan kayong dalawa at may mga ara
Kabanata 59.2“Kumusta si papa?”“Okay naman po ang vital signs niya. Mamaya raw po ay malaki ang chance na magkaroon na siya ng malay,” ulat ng tauhan ni Nadia.“Huwag niyong hahayaang makalabas ng hospital si papa. Ano palang balita sa port? Wala pa sina Jackson?” Nililinis ni Nadia ang kaniyang bariL.“Kanina pa pong dumating ang yate nila. Anytime po ay parating na sila rito.”“Good. Tell our people to standby. Pumwesto na rin kayo sa inyong mga lugar. Siguraduhin niyong walang makakapanggulo sa kasal ng aking pamangkin. Everything should went smooth hanggang sa makaalis ang bagong kasal,” turan ni Nadia.“Opo, Miss N. Makakaasa po kayo.”“Another thing, tandaan niyong si Linda ang target natin. Alam niyo na naman ang hitsura niya dahil matagal ko rin siyang nakasama. Siya lang ang kailangan niyong kidnapin pagkatapos ng seremonya. Huwag na huwag niyong sasaktan ang iba lalong-lalo na ang mga mahal ni Eya.” Ngumiti si Nadia. “Ayan, makintab na.” Itinutok niya sa pader ang kaniyang
Kabanata 59.1“Ang ganda-ganda mo, babaita! Sigurado akong mahuhulog ang brief ni Fafa Jackson kapag nakita ka niya mamaya! Grabeng ganda naman ng buntis na ito!” pumapalakpak na sabi ni Yuna habang pinagmamasdan ang kaniyang pinakamatalik na kaibigan. Hindi pa ito tapos ayusan ng make-up artist at ng hairstylist nito pero litaw na litaw na lalo ang angkin nitong ganda!“Ikaw talaga, Yuna. Napaka overrated mo talaga mag describe,” natatawang sambit ni Mereya.“Ay nako, babaita! Hindi sa pagkukuwan pero napakaganda mo talaga today! Pak na pak!” Nakaayos na si Yuna at tapos na rin siyang magbihis. Hindi siya mapakali sa kaniyang silid kaya pumunta siya sa silid kung inaayusan si Mereya. “Nakita ko nga pala si Tita Nadia mo, ang ganda-ganda rin niya! Grabe kayong mga Wrights. Noong naghasik yata si Lord ng kagandahan eh sinalo niyo halos lahat!”Napatawa si Mereya. “Yuna, kumusta nga pala si lola? Okay lang ba siya? Saan ka nga pala naglagi noong nagkahiwalay tayo? Pasensya ka na ha. Nai
Kabanata 58.5“Jackson, senior, Set, maraming maraming salamat sa pagligtas niyo sa akin. Utang ko sa inyo ang buhay ko. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito,” ani Noemi. Lulan na sila ng yate at naglalakbay na patungo sa isla ng Pamalican.“Walang anuman, balae. Hindi ko akalain na halos kasing bata ka lang pala ni Mereya. Kahit sinong lalaki ay mapapagkamalan kang dalaga. Hindi halata ang edad mo sa hitsura mo.” Ngiting-ngiti si Don Vandolf habang nakatingin kay Noemi.Tumikhim si Jackson. “Papa, nakakahiya kay M-Mommy Noemi,” bulong ni Jackson. Katabi niya sa upuan ang kaniyang papa, katabi naman nito si Set.“Anong nakakahiya sa sinabi ko? Totoo naman ang lahat ng iyon. Huwag kang mag-alala, graduate na ako sa pagiging playboy. Isa pa, balae ko siya. Masyado yatang marumi ang utak mo, anak. Gusto mo bang hilamusan kita ng tubig-dagat para mahimasmasan ka?” pabirong turan ni Don Vandolf.Napatawa si Noemi.“Papa naman,” natatawang wika ni Jackson.Tiningnan ni Don Vandolf si Lind
Kabanata 58.4“Tita Nadia, ano pong ibig mong sabihin?”“Hindi si Jackson ang pumatay kay Kuya William. Siya rin ang una kong naging suspect pero it turns out that someone who's not even a lead became the perpetrator. I'm sorry, Eya. Nahihiya ako sa'yo, in behalf of papa rin, kasi nagpunta kami rito sa Palawan hindi para unattend ng kasal mo kung hindi para iligpit sana ang mapapangasawa mo. Nagpunta kami rito para ilayo ka kay Jackson. Patawarin mo kami, Eya.” Luluhod pa sana si Nadia sa harap ng kaniyang pamangkin nang pigilan siya nito.“No, tita. Hindi kayo dapat sa akin humihingi ng sorry. Kay Jackson dapat tayo humingi ng kapatawaran. Hindi ko kayo masisisi ni lolo kasi kahit ako, noong nalaman kong si Jackson ang salarin eh hindi man lang ako nagdalawang-isip na mag-imbestiga muna. I even made up my mind that I am not going to marry him. I even want to give him to the police. Worst, I even think to kill him. I'm so ashamed of myself. Now, I want to ask myself if I deserve him.