Kabanata 12"My dear brother, nandiyan ka na pala! Kumusta ang lakad mo? May ihaharap ka na ba kay papa bukas?" tanong ni Jamison habang naglalakad palapit sa kaniyang Kuya Jackson.Matapos manggaling sa Jones Groups of Companies ay agad na dumiretso si Jackson sa isa sa mga condo unit niya para maligo. Sukang-suka siya sa amoy ng pabango ng mag-ina. He even scrubbed his body well dahil niyakap siya ng mga ito."Saan ka ba nagpunta? Bakit bigla kang nawala? Akala ko ba hihintayin mo akong makabalik sa sasakyan? Dala-dala mo pa ang susi noong umalis kang gàgo ka! Mabuti na lang at may duplicate key ako." Pinatay ni Jackson ang telebisyon. Sinalinan niya ng tsaa ang kaniyang tasa."Nagtanong ako pero sinagot ako ng tanong din. Iba ka talaga, my dear brother." Umupo si Jett sa tabi ni Jackson. Kinuha niya ang remote at binuhay ang telebisyon pero ilang saglit pa ay inagaw ng kaniyang kapatid ang remote sa kaniya. Pinatay nito ang telebisyon. "Anak ng!"Ngumiti si Jackson bago niya sinimu
Kabanata 13"Set, halika." Pinaglaruan ni Don Vandolf ang kaniyang tungkod habang sumisipol."Bakit po, senior?" mabilis na tugon ni Set."Alamin mo ang pangalan ng babaeng hinabol ni Jackson sa may expressway," ani Don Vandolf."P-Po?" gulat na sambit ni Set."Tumawag sa akin ang aking kaibigan. May record ng over speeding ang isa sa mga sasakyan ni Jackson. I didn't believe him at first dahil alam kong maingat magmaneho si Jackson. I asked him to view the footage for me. It's the only way to know why my son carelessly did it." Itinuon ni Don Vandolf ang kaniyang baston at sinubukang tumayo pero nabigo siya. Agad naman siyang inalalayan ni Set."Confirmed na po ba senior na kay Sir Jackson talagang sasakyan ang nag-over speed?" kunot-noong tanong ni Set.Tumango si Don Vandolf. "My friend spotted another car. Sa tingin niya ay iyon ang hinahabol ni Jackson dahil na rin sa mga kilos ni Jett. He tried his best to come closer to that car pero nabigo siya. The thing is, that another car
Kabanata 14"Anong ginagawa mo rito sa jacuzzi ? Hindi ka rin ba makatulog?" Umupo si Jett sa tabi ni Jackson."Ikaw? Bakit gising ka pa?" Nagsalin ng whiskey si Jackson sa wine glass at diretsong ininom iyon."Alam mo palagi kang gan'yan. Gan'yan ka rin ba sa ibang tao o sa akin lang?" Inagaw ni Jett ang wine glass sa kaniyang kuya. Sinalinan niya iyon ng whiskey at saka nilaklak ng diretso tulad nang ginawa ng kapatid niya."Ano na naman bang problema mo sa akin?" kunot-noong tanong ni Jackson."Sa tuwing tatanungin kita, tinatanong mo rin ako. Hindi ba p'wedeng sumagot ka muna bago ka magtanong sa akin?" Tumalon si Jett sa jacuzzi. Napasigaw siya. "Shít! Ang lamig ng tubig! Bakit patay ang heater nito?"Tumawa nang malakas si Jackson. "Nasira ang heater, kanina lang. Don't worry. Bumibili na sila ng bago. Sarap maligo 'no?""Tuwang-tuwa ka ah." Tumingin si Jett sa baba. "Paano pa 'to titigas mamaya? Umurong na dahil sa lamig ng tubig," bulong niya."Ibilad mo sa apoy," sarkastikong
Kabanata 15"Nasaan na kaya si Eya? Okay lang kaya siya?" Hindi mapakali si Sevi habang nilalaro ng kaniyang isang kamay ang kaniyang bagong iPhone. "Hindi niya sinasagot ang mga texts ko maging ang mga tawag ko. Nasaktan ko talaga siya ng sobra. Hindi ko alam kung mapapatawad pa niya ako." Isinara ni Sevi ang kaniyang laptop. Kinuha ang kaniyang body bag at inayos ang kaniyang sarili. Tumayo siya at naglakad patungo sa may pinto. Natigilan siya nang nasa harapan na niya si Cindy."Where are you going?" Cindy asked."Ah. Balak sanang kitang sunduin sa bahay. Nandito ka na naman kaya babalik na lang ako sa loob," palusot ni Sevi."Ang sweet naman ng husband to be ko." Hinawakan ni Cindy ang dibdib ni Sevi at saka pinaglaruan iyon.Napapikit si Sevi. "B-Babe, we're at the company. Please don't turn me on," he pleaded.Tumawa nang malakas si Cindy. "Mabuti naman at apektado ka pa sa ginawa ko. Akala ko hindi na eh."Hinawakan ni Sevi ang isang kamay ni Cindy. Hinalíkan niya iyon. Ilang
Kabanata 16"She's late." Hindi maipinta ang mukha ni Diana habang paulit-ulit na tinitingnan ang oras sa kaniyang smart watch. 7 A.M. ang usapan pero 7:22 A.M. na! "That bítch! Umalis na kaya ako at hayaan siyang mapahiya sa harap ni papa?" Hinilot ni Diana ang kaniyang noo. "No. Jett will be mad. I need him para mapapayag ang kaibigan ko na mag-invest sa new clothing line ko. Patience, Diana. Patience."Sunod-sunod na buntong-hininga ang pinakawalan ni Diana. Walong minuto pa ulit ang lumipas at ni anino ni Merella ay hindi niya maaninag."Dàmn it! She's getting on my nerves already! Gaano ba siya kaganda para ma-late ng thirty minutes? Sa pagkakatanda ko, walang sinabi ang ganda niya sa ganda ng Ate Mereya niya. Speaking of, nasa'n na kaya si Mereya ngayon? Mas gusto ko pa siya kaysa kay Merella." Kinuha ni Diana ang isang bubble gum sa bulsa ng Louis Vuitton bag niya at nginuya iyon. "Ang sarap sabunutan ng babaeng 'yon. Sinasayang niya ang oras ko," bulong niya."Ate Diana!" siga
Kabanata 17"I'm sorry, misis. You can't fit that dress. This is too expensive." Pinasadahan ng sales lady ang ginang mula ulo hanggang paa. Tumawa siya nang mahina at pagkatapos ay marahas na kinuha ang dress dito. "Don't touch anything that you can't afford. Kapag nadumihan mo ito, kailangan mo na itong bayaran IN CASH or else, ipapadampot kita sa mga pulis," aniya.Pigil-pigil ni Merella ang kaniyang pagtawa sa loob ng fitting room. Saan naman nga kukuha ng pera ang dating kasambahay nila?Mahinahong nagsalita ang ginang. "Pasensya ka na, miss." Binasa niya ang pangalan na nakasulat sa nameplate ng sales lady. "Pasensya ka na, Miss Mary. Gusto ko talaga ang dress na 'yan. Kung kailangang bayaran ko muna ang dress sa counter, gagawin ko. Pwede bang ibigay mo na ulit sa akin ang dress?" Tumaas ang dalawang kilay niya at saka ngumiti.Napahawak sa kaniyang tiyan ang sales lady habang tumatawa nang malakas. Muli niyang tiningnan ang presyo ng dress na hawak niya. "Do you think, I am go
Kabanata 18"Mama, pick up your phone." Merella was on her way to the hotel. She's driving her new Mercedes Benz car. It was a gift from her ex-fiancé, a way of saying thank you for ruining their wedding. "Dàmn it!"Mas pinabilis pa ni Merella ang kaniyang pagmamaneho nang makita niyang tumatawag na si Jackson."Mas kinakabahan pa ako sa pagbabalik ni Tita Nadia kaysa sa pagharap ko sa papa ni Jackson eh! Worst, bff pa pala ni Ate Diana si tita. Nakakaloka ang umagang ito. Bakit ba kasi hindi sinasagot ni mama ang tawag ko!" inis na sigaw ni Merella.Makalipas ang sampung minuto ay nakarating na si Merella sa Escueza. Namangha siya sa istraktura ng hotel. Napakataas ng gusali at ang exterior design nito ay kakaiba at nakakaakit."Kapag ikinasal na kami ni Jackson, magiging parte na ako ng marangyang hotel na ito," nakangiting bulong ni Merella habang naglalakad papasok sa entrance ng hotel.Magalang na binati ng mga staff ng hotel si Merella. She grew up being a people pleaser. She pl
Kabanata 19"ANO? BAKIT NGAYON MO LANG SINABI?" Itinapon ni Cindy ang kaniyang bag sa kama. Nakabalik na ang mag-inang Cindy at Merella sa mansyon samantalang si Sevi naman ay dumiretso sa Jones Groups of Companies."Hindi ko sinabi kanina at baka magwala ka sa Escueza." Umupo si Merella sa sofa. Ipinatong niya ang kaniyang bag sa mesa at pagkatapos ay itinaas ang kaniyang mga paa sa sofa."Matagumpay na si Nadia sa France. Bakit bumalik pa siya ng Pilipinas?" Hinubad ni Cindy ang kaniyang stockings."Hala ka, mama! Baka nagkaroon ng interest si Tita Nadia sa business ng kapatid niya." Kilig na kilig si Merella habang nag-cha-chat kay Jen. Ikinukuwento niya rito ang nangyari kanina sa Escueza. "Aray!" Napahawak siya sa kaniyang ulo nang batuhin siya ng mama niya ng unan."Namomroblema na nga ako, abot-langit pa ang ngiti mo riyan! Sino ba 'yang kapindutan mo riyan? Si Jackson ba 'yan? Ayain mo nang magpakasal at baka mauntog pa. Ikaw rin. Kawawa ka." Matapos magbihis ng damit ni Cind
Kabanata 60.2 - Ang Wakas Pasan ni Jackson si Baby Sonya habang binibigyan ng lilom si Mereya. Nagtitirik ngayon ng kandila sa puntod ni Linda ang kaniyang asawa. Tumayo si Mereya matapos niyang magsindi ng kandila. “Aling Linda, nais kong malaman mo na napatawad ka na namin nina mommy, Tita Nadia at lolo. Maraming salamat dahil iniligtas mo ang buhay ko. Kung saan ka man naroroon, sana maging masaya ka. Huwag kang mag-alala, kami na ang bahala kay Yuna. Nasa Paris nga pala siya ngayon. Inaasikaso niya ang company na ipinamana mo sa kaniya. Pasensya ka na kasi sinabi namin sa kaniya ang totoo. Deserve niya kasing malaman ‘yon. Huwag kang mag-alala, hindi na siya galit sa'yo. Nagpapasalamat siya dahil kahit saglit ay pinuntahan, kinausap at niyakap mo siya. Hindi naging madali sa kaniya ang lahat. Isang taon din siyang hindi nagparamdam sa aming lahat. Isang taon niyang hinanap ang kaniyang sarili at isang taon ka rin niyang paulit-ulit na dinalaw rito. Masaya na siya ngayon, Aling
Kabanata 60.1“Nasaan si Yael?” tarantang tanong ni Jett kina Set at Jun. Magkakasama silang kumakain kanina nang magpaalam ang kaniyang pamangkin na pupunta sa banyo. Halos sampung minuto na ang dumaan ay hindi pa ito bumabalik kaya napilitan silang sundan ito. Laking gulat ng tatlo nang hindi nila ito nakita sa restroom.“Baka po namamasyal lang?” ani Jun.“Namamasyal? Hindi aalis ang batang ‘yon nang hindi nagsasabi sa akin. Dàmn!” Napatingin si Jett sa kaniyang relo. “Malapit nang mag-umpisa ang kasal nina kuya. Kailangan na nating mahanap si Yael. Maghiwa-hiwalay tayo. Tawagan niyo agad ako kapag nakita ko na siya, maliwanag ba?”“Sige po, Sir Jett,” magkasabay na tugon nina Set at Jun. Umalis na silang dalawa. Tulad ng panuto ni Jett, naghiwalay sila ng direksyon.Sa pagkataranta ni Jett ay hindi na niya naisipang i-check ang kuha ng security cameras sa paligid. “Mapapatay ako ni Hakob kapag may nangyaring masama kay Yael. Tang.ina! Napakalawak ng resort na ito. Saan ako mag-uum
Kabanata 59.5“Ikaw ba si Yuna?” nakangiting tanong ni Linda matapos niyang lumapit dito. Nasa restroom sila habang kapwa nag-re-retouch ng kanilang make-up.Kumunot ang noo ni Yuna. Tiningnan niya nang matagal sa mukha si Linda. “Ako nga. Do you know me? ‘Coz, I don't know you.” Bumalik siya sa kaniyang ginagawa.“Ku-Kumusta ka? Ano kasi. Matalik akong kaibigan ng iyong lola. Isa ako sa mga natulungan niya dati. Masaya akong makita ka ngayon. Napakabata mo pa noong huli kitang nakita,” naluluhang sambit ni Linda. Nagdesisyon siyang hindi na magpakilala kay Yuna bilang ina nito dahil ayaw niyang kamuhian siya nito. Isa pa, ayaw niyang maging pabigat dito. Ayaw rin niyang bansagan ito ng ibang tao na anak ng isang kriminal. Nakausap na niya ang witness na tinutukoy ni Jackson. Hindi na siya tumanggi sa kasalanan niya dahil ayaw na niyang dagdagan pa ito. Hindi na rin siya maghahabol sa yaman ng mga Wrights dahil napag-alaman niyang ang witness na ito pala na dating hardinero sa mansyon
Kabanata 59.4“Anak…”“Ikaw? Ikaw ang tunay kong ina?” wala sa sariling tanong ni Mereya.Tumango nang marahan si Noemi. “Ako nga, anak.” Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kaniyang mga luha.Tinitigan nang matagal ni Mereya ang kaniyang ina. Panay ang lunok niya. Hindi niya mawari kung bakit hindi siya makaalis sa kaniyang kinatatayuan. Maya-maya pa ay naramdaman niyang basa na ang kaniyang mga pisngi.“Masisira ang make-up mo, anak. Huwag kang umiyak,” mahinang sabi ni Noemi.“Unang beses kitang nakita. Kamukha pala kita? Hindi ko alam kung tama ba ang mga sinasabi ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa'yo.” Pinahid ni Mereya ang kaniyang mga luha.Mabilis na lumakad si Noemi palapit kay Mereya at niyakap ito nang mahigpit. Walang salitang lumabas sa kaniyang bibig. Tanging paghikbi lamang nilang dalawa ang maririnig sa silid.Pumikit si Mereya at ninamnam ang unang yakap mula sa kaniyang tunay na ina. Hindi niya akalaing ganoon pala iyon kasarap sa pakiramdam. Ti
Kabanata 59.3“Malapit nang mag-umpisa ang seremonya. Handa ka na ba, anak?” nakangiting tanong ni Don Vandolf.Pagkarating na pagkarating nina Jackson ay agad silang nag-ayos at nagbihis. Naroroon na rin ang pastor na magkakasal sa kanila ni Mereya. Humingi siya ng dalawampung minutong palugit para pagbigyang makipag-usap sina Noemi at Mereya.“Kinakabahan ako, papa. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman pero sobrang saya ko. Kahit yata maghapon akong maghintay rito eh ayos lang sa akin. Miss na miss ko na agad ang mag-ina ko, papa,” maluha-luhang sambit ni Jackson.Tinapik ni Don Vandolf ang balikat ng kaniyang anak. “I am so glad that you became the man I pray you to become. Nakikita at ramdam ko kung gaano mo kamahal ang iyong mag-ina. Just a heads up, anak. Hindi araw-araw ay magiging maayos ang samahan niyong mag-asawa. May mga araw na mararamdaman mong parang nababawasan ang pagmamahal mo sa kaniya. May mga araw na mag-aaway o magkakatampuhan kayong dalawa at may mga ara
Kabanata 59.2“Kumusta si papa?”“Okay naman po ang vital signs niya. Mamaya raw po ay malaki ang chance na magkaroon na siya ng malay,” ulat ng tauhan ni Nadia.“Huwag niyong hahayaang makalabas ng hospital si papa. Ano palang balita sa port? Wala pa sina Jackson?” Nililinis ni Nadia ang kaniyang bariL.“Kanina pa pong dumating ang yate nila. Anytime po ay parating na sila rito.”“Good. Tell our people to standby. Pumwesto na rin kayo sa inyong mga lugar. Siguraduhin niyong walang makakapanggulo sa kasal ng aking pamangkin. Everything should went smooth hanggang sa makaalis ang bagong kasal,” turan ni Nadia.“Opo, Miss N. Makakaasa po kayo.”“Another thing, tandaan niyong si Linda ang target natin. Alam niyo na naman ang hitsura niya dahil matagal ko rin siyang nakasama. Siya lang ang kailangan niyong kidnapin pagkatapos ng seremonya. Huwag na huwag niyong sasaktan ang iba lalong-lalo na ang mga mahal ni Eya.” Ngumiti si Nadia. “Ayan, makintab na.” Itinutok niya sa pader ang kaniyang
Kabanata 59.1“Ang ganda-ganda mo, babaita! Sigurado akong mahuhulog ang brief ni Fafa Jackson kapag nakita ka niya mamaya! Grabeng ganda naman ng buntis na ito!” pumapalakpak na sabi ni Yuna habang pinagmamasdan ang kaniyang pinakamatalik na kaibigan. Hindi pa ito tapos ayusan ng make-up artist at ng hairstylist nito pero litaw na litaw na lalo ang angkin nitong ganda!“Ikaw talaga, Yuna. Napaka overrated mo talaga mag describe,” natatawang sambit ni Mereya.“Ay nako, babaita! Hindi sa pagkukuwan pero napakaganda mo talaga today! Pak na pak!” Nakaayos na si Yuna at tapos na rin siyang magbihis. Hindi siya mapakali sa kaniyang silid kaya pumunta siya sa silid kung inaayusan si Mereya. “Nakita ko nga pala si Tita Nadia mo, ang ganda-ganda rin niya! Grabe kayong mga Wrights. Noong naghasik yata si Lord ng kagandahan eh sinalo niyo halos lahat!”Napatawa si Mereya. “Yuna, kumusta nga pala si lola? Okay lang ba siya? Saan ka nga pala naglagi noong nagkahiwalay tayo? Pasensya ka na ha. Nai
Kabanata 58.5“Jackson, senior, Set, maraming maraming salamat sa pagligtas niyo sa akin. Utang ko sa inyo ang buhay ko. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito,” ani Noemi. Lulan na sila ng yate at naglalakbay na patungo sa isla ng Pamalican.“Walang anuman, balae. Hindi ko akalain na halos kasing bata ka lang pala ni Mereya. Kahit sinong lalaki ay mapapagkamalan kang dalaga. Hindi halata ang edad mo sa hitsura mo.” Ngiting-ngiti si Don Vandolf habang nakatingin kay Noemi.Tumikhim si Jackson. “Papa, nakakahiya kay M-Mommy Noemi,” bulong ni Jackson. Katabi niya sa upuan ang kaniyang papa, katabi naman nito si Set.“Anong nakakahiya sa sinabi ko? Totoo naman ang lahat ng iyon. Huwag kang mag-alala, graduate na ako sa pagiging playboy. Isa pa, balae ko siya. Masyado yatang marumi ang utak mo, anak. Gusto mo bang hilamusan kita ng tubig-dagat para mahimasmasan ka?” pabirong turan ni Don Vandolf.Napatawa si Noemi.“Papa naman,” natatawang wika ni Jackson.Tiningnan ni Don Vandolf si Lind
Kabanata 58.4“Tita Nadia, ano pong ibig mong sabihin?”“Hindi si Jackson ang pumatay kay Kuya William. Siya rin ang una kong naging suspect pero it turns out that someone who's not even a lead became the perpetrator. I'm sorry, Eya. Nahihiya ako sa'yo, in behalf of papa rin, kasi nagpunta kami rito sa Palawan hindi para unattend ng kasal mo kung hindi para iligpit sana ang mapapangasawa mo. Nagpunta kami rito para ilayo ka kay Jackson. Patawarin mo kami, Eya.” Luluhod pa sana si Nadia sa harap ng kaniyang pamangkin nang pigilan siya nito.“No, tita. Hindi kayo dapat sa akin humihingi ng sorry. Kay Jackson dapat tayo humingi ng kapatawaran. Hindi ko kayo masisisi ni lolo kasi kahit ako, noong nalaman kong si Jackson ang salarin eh hindi man lang ako nagdalawang-isip na mag-imbestiga muna. I even made up my mind that I am not going to marry him. I even want to give him to the police. Worst, I even think to kill him. I'm so ashamed of myself. Now, I want to ask myself if I deserve him.