INIKOT ni Zariyah ang tingin sa restaurant na pinagdalhan sa kanya ni Mr. Fontanilla. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakakain siya sa isang mamahalin restaurant. She even had difficulty sa pagpili kanina sa menu. Good thing Mr. Fontanilla was there at ito na mismo ang um-order ng makakain nila.
“Thank you,” nakangiti niyang sabi sa lalaking nagdala ng mga order nila.
Mabuti na lang at dito siya dinala ni Mr. Fontanilla at kampante siyang hindi niya makikita ang mga katrabaho rito. Kung makikita siguro siya ni Nadia ay baka kanina pa siya nabatukan nito. To think that she even said no nang ayain siya ng kaibigan na sumama sa company dinner. And yet, here she was, nasa isang mamahaling restaurant at kumakain kasama ang ama ng lalaking gusto niya.
“I was actually surprised nang malaman kong wala ka na sa dating kumpanya na pinapasukan mo,” Mr. Fontanilla started.
“I resigned from there since hindi na tumataas ang sahod ko. Four years and there’s still no growth.”
Minabuti na rin niyang umalis na rin doon dahil masyado ng toxic ang environment. Ang dami na niyang isipin sa buhay niya at ayaw niyang pati ang trabaho ay makadagdag sa stress niya.
“If I have known you left that company, kinuha na sana kita. Ayos naman ba ang bagong kompanya na pinapasukan mo?”
She nodded. “Yes, Mr. Fontanilla. Maayos ang salary at benefits pati na rin ang mga co-workers ko. Even my boss is nice,” nakangiti niyang sagot.
“Mr. Fontanilla?” Nakakunot noo nitong tanong. “As far as I remember, tito ang tawag mo sa akin. Since when did we become so formal to each other?”
“I… uh,” was all she could say. Hindi niya alam kung paano sasabihin dito na she felt awkward calling him tito after all this time. Ilan taon na rin yata ng huli silang magkita nito. Was it three years ago?
“You can still call me Tito Dan. I wouldn’t mind it, okay?”
Hindi siya kumibo at sa halip ay bumaba ang tingin niya sa pagkain sa harapan niya. Kanina pa niya iniisip ang dahilan kung bakit bigla siya nitong pinuntahan. Could it be about Kylian? Nais ba nitong ibalita sa kanya na engaged na ang anak nito? Well, he didn’t have to do that dahil alam niya na kagabi pa.
“Well, how’s Kylian, by the way?” she asked. Nag-angat siya ng tingin ng wala siyang narinig na tugon mula rito. And to her confusion, nakita niya ang pagdilim ng mukha nito.
“You know, Zariyah,” he started. Inabot nito ang wine glass at ininom ang laman nun. “Utang ko sa’yo ang buhay ng anak ko. And even if twenty years had already passed, I’m still grateful to you. Kung hindi dahil sa’yo ay baka wala na ang nag-iisa kong anak.”
“Matagal ng lumipas ang panahon simula ng insidente na yun, Mr. Fon… I mean, tito,” aniya. She was five years old nang mangyari ang kidnapping incident. And it was because of that incident kaya nakalimutan siya ni Kylian.
Twenty years and yet, malinaw pa rin sa kanya ang mga nangyari na akala mo ay parang kahapon lang nangyari. Ayun sa kanyang ama ay si Kylian ang target ng mga kumidnap dito pero dahil kasama siya ni Kylian ng mga oras na yun kaya pati rin siya ay nadamay. It was traumatic for her that she even had to undergo therapy to help her cope. Pero alam niyang mas labis ang naging epekto ng insidente kay Kylian lalo na’t sa harap siya mismo nito nabaril.
“He still doesn’t remember me, does he?”
Mr. Fontanilla shook his head. Mapait siyang napangiti. Well, that didn’t surprise her. Kahit siguro siya ay hindi na gugustuhin pang maalala yun. At kung sakaling naalala na siya nito ay matagal na sana siyang hinanap ni Kylian.
“Zariyah, hija. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Will you do me a favor?”
Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. What could he possibly need from her? “What favor?” she asked.
Mr. Fontanilla was silent for a moment. While she waited anxiously for what he was going to say next. He looked serious. After a few moments, Mr. Fontanilla spoke. But what she heard next almost made her jaw drop.
“Marry my son, hija,” anito. Kung hindi lang sa seryosong tono ng boses nito ay aakalain niyang nagbibiro lang ito.
“I…” she started, shaking her head. Iniisip niya kung tama ba talaga siya ng pagkakarinig sa sinabi nito. “I don’t understand why you want me to marry Kylian. Hindi ba’t engaged na ito sa kasintahan nitong artista?”
“Oh, that woman! Hindi ko ito gusto para sa anak ko. There’s something about her that I don’t like.”
She gave a little chuckle. Para itong isang ina sa tinuran nito. “I don’t think I can do that,” wika niya. Though she found it very tempting.
“Why, Zariyah? I’m giving you a chance to be with him. If you turn this down, there won’t be next time.”
Nakagat niya ang labi. Ang sabi ng puso niya ay tanggapin ang alok nito pero ang isip naman niya ay labis ang pagkontra.
“Why… Why me?” Hindi niya maintindihan kung bakit hindi nito gusto si Lexie. Lexie was… she was gorgeous, a famous personality, rich and so on. Malayong-malayo kung ikukumpara sa kanya. She was just average.
“I owe you my son’s life.”
She frowned at him. “Matagal ng panahon yun, tito. Malaking bagay na ang tulong na naibigay mo sa amin. And yes, thanks to your help at nakapagtapos ako ng pag-aaral. But this… I’m not asking for Kylian bilang kabayaran sa nangyari. I was young back then. Do you even know what you’re doing, tito?”
“Yes, I do.”
“Then why? May sarili ng pag-iisip si Kylian. Hindi tamang diktahan mo kung sino ang makakasama niya sa panghabangbuhay.”
“You still like him, right?”
Natahimik siya bigla sa tanong nito at hindi kaagad nakasagot.
“It’s okay if you can’t give your answer right now. Pwede mo pa naman pag-isipan, hija.”
Hindi na niya kailangan pang pag-isipan iyon. Her answer would still be no.
“Huwag mong sayangin ang pagkakataon na ‘to, Zariyah. Don’t you want to be by his side?”
“DON’T you know what time it is already?” Zariyah nearly jumped out of her skin when she heard Grey’s voice. Abala siyang tapusin ang pinapagawa sa kanya ni Mr. Laxamana kaya siguro hindi niya napansin ang pagdating nito. “I really admire your dedication in your work but Ms. Castañeda you shouldn’t overwork yourself. It’s already lunch time.” She glanced at her wristwatch and gasped when she saw it was already twelve in the afternoon. Sa sobrang busy niya ay hindi niya namalayan ang paglipas ng oras. “Anyway, what brings you here Mr. Grey?” pormal niyang tanong dito. Hindi niya pinansin ang nauna nitong sinabi. “Wala dito ang ama mo. He’s in a meeting.”
ABALA si Kylian sa pagbabasa ng ilang dokumento nang marinig niyang bumukas ang pintuan ng office niya. Napaangat ang tingin niya at ang kaibigan na si Dylan ang nakita. He frowned at him, “What are you doing here?” he asked. Tumuloy-tuloy ito ng pasok sa loob ng office at naupo sa couch na nasa harapan ng desk niya. “And what do you think? Binibisita—damn! Why do you have dark circles under your eyes? That’s not the kind of look I was expecting from someone who just got engaged.” He looked at Dylan with his eyebrows raised questioningly, “What kind of look should I have?” Ikinibit nito ang balikat. “I don’t know. Siguro yung mukhang motivated man lang. Not unlike your look right now. Dinaig mo pa ang kakaga
NERVE WRACKING—that’s what Zariyah was feeling right now. Kaya kanina ay nagpunta siya sa powder room ay para pakalmahin ang sarili niya. She was able to but only for a bit. Hindi niya inaasahan na sa pagbalik niya sa mesa nila ay naroon na si Kylian. Inilahad niya ang kamay rito. “Hi, I’m Zariyah,” she greeted with a smile on her face. May ilang sandali nitong tinitigan ang kamay niya bago tinanggap iyon. She could her own heart pounding fiercely out of her chest as she took the seat beside him. When Mr. Fontanilla called her early this morning at inaya siya nitong kumain sa labas kasama si Kylian ay hindi na siya nagdalawang-isip pa. Isang mabilis na oo ang ibinigay niya. She was excited at nagpaalam pa siya kay Mr. Laxamana na mag-u-undertime siya. “By the way, I already ordered Zariyah. Maya-maya ay darating
PINATAY ni Kylian ang makina ng sasakyan at napasubsob sa manibela. He had never been this exhausted before. Right now he just wanted to take a rest without his dad bothering him. And there’s only one place he thought he could go to. He took out his phone from his pocket and called the first person in his contact. Nakaka-dalawang ring pa lang ay agad din sinagot ang tawag niya. “Hey,” bati niya. “I hope I’m not disturbing you.” Lexie chuckled softly on the other line, “Why, of course no. You know I’ve always looked forward to your calls.” Napangiti siya sa sinabi ng kasintahan. For a moment he was silent at nanatiling nakatitig lang sa gate. But his sudden silence made Lexie worry, “Kylian, are you still there? Did something happen?” “No, nothing,” he replied, shaking his head. “I… I’m in front of your house right now.” “Wait, you are?” “Yes.” Ibinaba agad ni Lexie ang tawag niya. Ipinatong naman niya sa ibabaw ng dashboard ang phone niya. He clos
“THIS is not the file that I asked for, Zariyah.” Inihagis ni Mr. Laxamana sa ibabaw ng conference table ang file na dinala niya. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? I said I need the file of Legazpi Mall pero ibang file naman itong dinala mo. What is wrong with you? Kanina ka pa nagkakamali.” Zariyah bit her lip at nakaramdam ng matinding pagkapahiya. Bukod sa kanilang dalawa ay naroon din sa loob ng conference room ang ilan sa architect at engineers nila. “I’m sorry, Mr. Laxamana. I’ll bring the file right away.” She hurriedly left the room to look for the file of Triangle Heights. Nang mahanap ay bumalik agad siya sa conference room at inabot kay Mr. Laxamana ang hinahanap nito. It was forty-five minutes later when the meeting was adjourned. Isa-isang nagsilabasan ang mga empleyado sa conference room at tanging sila na lang ni Mr. Laxamana ang naiwan. Abala siya sa pagsasalansan ng ilang mga gamit nang tinawag siya nito. Isang malalim na buntong-hininga
RAMDAM ni Lexie ang mga matang nakatingin sa kanya. Ang ilan naman sa napapadaan sa hotel lobby ay napapalingon sa direksyon niya. Inayos niya ang suot na sunglasses at tiningnan ang suot na relo. Since she didn’t have any schedule for today, nagpasya siyang bisitahin ito sa opisina nito para na rin yayain kumain sa labas. She decided to wait for him at the lobby at tutal naman ay malapit na rin ang lunch break nito. “H-Hello.” Napatingin siya sa babaeng nasa harap niya. Isang alanganin ngiti ang ibinigay nito sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa kamay nito na hawak-hawak ang phone. Napansin rin niya ang dalawang babae sa gilid nila na sa tingin niya ay kasama rin nito. “You’re Lexie Cuenca, right?” She nodded. The woman squealed, then she turned to look at her two friends who were also thrilled seeing her in the flesh. “Can I take a picture with you?” “Sure, why not,” she replied, smiling sweetly at her. Tinanggal niya ang suot na sun
KYLIAN slammed his hand down on the table, thus drawing his dad’s attention. “Why did you tell Lexie about the marriage?” he asked, anger burning through him. His dad looked up at him; his gaze was calm and steady. “Why not? She would eventually learn about it. Anong pinagkaiba ng ngayon niya malaman o sa susunod na araw?” “But still, ako dapat ang nagsabi sa kanya noon,” he said through gritted teeth. Hindi niya gustong pinangunahan siya ng kanyang ama. “Why do you do things without asking me first? Wala na ba akong karapatan magdesisyon?” “Did she break up with you?” his dad asked instead, ignoring what he just said.
TAHIMIK na tinanggal ni Zariyah ang ipit ng buhok niya at hinayaang bumagsak ang alon-alon niyang buhok. Sa gilid ng mga mata ay nakita niyang tinanggal ni Kylian ang suot nitong tuxedo. “It’s funny how in just a short amount of time, dad was able to prepare these things—starting from the wedding venue, lists of guests, the invitations. Walang pinalagpasan na kahit anong maliit na detalye. He even booked a nice place for our honeymoon.” Humarap si Kylian sa kanya at ang tingin nito ay tila ba nang-aakusa. “Hindi ko tuloy maiwasan mag-isip na para bang matagal ng naka-plano ito.” Muli ay hindi siya nakakibo. Hindi alam kung anong maaaring sabihin dito. Kumuha si Kylian ng damit at pumasok ng banyo. Pagkalabas ay isang puting t shirt at ripped jeans ang suot na nito. “T-teka, sandali.” Hinawakan niya ang braso nito. “Saan ka pupunta?” Hinigit nito ang braso mula sa pagkakahawak niya. “It’s none of your business.” “But it’s our honeymoon!” Ipinagdiinan pa n
A LIGHT knock on the door made Kylian stop from reading for a moment. Napakunot-noo siya nang si Dylan ang pumasok sa loob ng office. “What’s up?” Kylian shook his head in dismay. “You sure have a lot of freedom,” he commented. Dylan plopped down on the sofa. A frown quickly wipe away his smile. “Bakit naman ganyan ang mukha mo? Parang hindi mo yata ako gustong makita.” Muli niyang ibinalik ang atensyon sa binabasa na article sa laptop. “What brings you here?” tanong niya na hindi man lang ito tinitingnan. “Wanna chill out?” “Maybe next time.” Napabuga ito ng hangin. “Come on, Kylian. I think you need to relax for a bit especially with what’s going on right now. Nabasa mo na ba ang ilang mga komento ng mga tao sa’yo?” He rubbed his face with a heavy sigh and leaned back in the swivel chair. “I know,” he muttered. In fact, iyon nga ang kasalukuyang binabasa niya ngayon sa laptop niya. Sa kanilang tatlo, siya
“I SAW that from the news last night. I was actually shocked. Akala ko namamalikmata lang ako. I even had to search for it on the internet.” Zariyah gazed up at her wide-eyed. She was too shocked to speak. She rarely watched the news kaya wala siyang ideya. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit ganun na lang ang tingin ng mga katrabaho niya sa kanya kanina. “Is it true? Are you really married to Kylian Fontanilla?” Hindi siya sumagot. Rather, she didn’t know what response she’d give. Pero hindi ba’t ito naman ang gusto niya? Ang malaman ng lahat ang tungkol sa kanila ni Kylian.
GREY’S gaze fell sternly on Zariyah’s face. “Is there something you’re hiding?” Her lip began to tremble. Napalunok siya. “No. I’m not hiding anything,” she answered. Hopefully her voice sounded more composed than she felt. Grey studied her face with mocking eyes, and his mouth twisted into a humorless smile. “Nothing, huh?” he mumbled. Ibinalik ulit nito ang tingin sa tv. Hindi na ang asawa niya at si Lexie ang nasa tv screen. Tapos ng ibalita ang tungkol sa dalawa. “I thought
ZARIYAH bit her lower lip. Matiim ang tingin sa kanya ni Grey. She looked away, feeling uncomfortable under his steady gaze. “Ano na naman bang kalokohan ang pinagsasabi mo? Is this another trick again?” Grey leaned toward her and asked, “What tricks?” He pondered for a few moments then laughed softly. “I’m not playing any tricks on you. I am… intrigued by the sadness within your eyes. Could it be because of that man?” “Whether it is because of that man or not, it has nothing to do with you,” she answered icily. Tinalikuran niya ito at muling naglakad. She took a deep breath. Her chest
SANDALING napahinto mula sa pagtitipa si Zariyah at napasandal sa kinauupuan. She checked the time on her computer. It’s already lunch time. Marahas siyang napabuga ng hangin at bumalik muli sa ginagawa. She wanted to finish the meeting minutes first before grabbing her lunch. “Hey! Hindi ka pa kakain?” Mula sa ginagawa sa computer ay nag-angat ng mukha si Zariyah. It was Nadia. Nakaangat ang kilay nito na nakatingin sa kanya. Bahagya siyang natawa. “Mauna ka na. Tapusin ko lang ito.” “Seryoso ka ba, Zariyah? Nakikita mo ba ang oras? It’s already our break. Tama na yan pagiging workaholic mo at kum
INALOG-ALOG ng batang si Kylian ang balikat ng batang babae na nakasandal sa kanya. Namamasa pa ang gilid ng mga mata nito. “A-andyan na ba si tatay? Makakauwi na ba tayo?” Kylian opened his mouth to say something pero naudlot iyon ng biglang nabalot ang buong warehouse ng mga hiyawan ng mga lalaking dumukot sa kanila. The little girl beside her trembled in fear. Napalingon siya sa direksyon ng mga ito na abala sa pag-iinom at paglalaro ng cards. “Gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng makita si tatay,” naluluha nitong sabi. And once again, sinubukan niya ulit makawala mula sa pagkakatali nila but failed. “Set us free!” hiyaw niya sa mga lalaki. Pero tila ba bingi ang mga ito at dinedma lang ang pagsisigaw niya. He closed his eyes. Gusto na niyang makauwi. Nasaan na ba kaya ang daddy niya? Hinahanap na ba siya nito ngayon? O baka naman ay mas abala pa rin ito sa trabaho nito? Iminulat niya ang mga mata at ang scenario sa paligid niya ay nagbago. There was c
ZARIYAH bit her lip as she kept on pacing back and forth in her room. Kulang pa yata ang isang glass ng wine na ininom niya para kumuha ng sapat na lakas ng loob para gawin ang binabalak. Maybe she really needed to get drunk. Humarap ulit siya sa salamin at pinagmasdan ang kanyang repleksyon. She’s already wearing the negligee she bought. Halos lumagpas lang sa suot niyang undies ang haba nun. “I doubt that Kylian still has time to meet that woman. He’s busy right now. Sa kanya ko ipinagkatiwala ang acquisition ng Rosewood Hotels & Resorts. He’s probably stressed right now. Samantalahin mo na yun. hija. As his wife, you already know what to do, right?” “Will this really work?” nag-aalala niyang tanong kay Daniel. Ngumiti ito sa kanya. “Why, of course it will. I’ve already done my part, hija. Now it’s up to you.” She let out a long sigh. Inayos niya muna ulit ang buhok at saka lumabas ng kwarto. Her heart was pounding in her chest as she made her way to the ot
NAPANGIWI si Zariyah habang tinitingnan ang mga lingerie na naka-display sa loob ng underwear store na pinasukan nila ni Nadia. Napalingon siya kay Nadia na abala sa pagtingin ng mga undergarments. “Did you just bring me here to accompany you sa pagbili mo ng undergarments?” she asked in disbelief. Ibinaba ni Nadia ang hawak na lingerie at tumingin sa kanya. “Why, of course no,” natatawa nitong sabi. Dinampot nito ang isang lace garter lingerie at inabot sa kanya. “We are here to buy you some lingerie. So what do you think of this?” She shook her head. “No. I… I don’t think this would suit me.” “Oh, is it too much for you?” Kinuha nito ang lingerie sa kamay niya at ibinalik ulit sa clothes rack. “Do we really have to buy lingerie?” Nagpatuloy sa pag-iikot sa loob ng store si Nadia habang siya ay nakasunod lang dito. “Huwag mong sabihin ay nagsusuot ka rin ng ganito?” Nadia shrugged her shoulders and glanced at her. “Why not? Wearing one makes me fee
“EARTH to Zariyah! You still there?” Ang tinig ni Nadia ang nagpabalik kay Zariyah sa kasalukuyan. She glanced up at her frowning face. “Oh, sorry. May sinasabi ka ba?” Ngumuso ito. “Kanina pa ako nagsasalita dito pero di ka naman nakikinig. Para lang ako nakikipag-usap sa hangin.” Napakamot siya ng ulo. “Pasensya na. May iniisip lang,” paliwanag niya. Nadia leaned forward, her face filled with curiosity. “May problema ba? Care to share?” She bit her lip. Pinaglaruan niya ang pagkain sa plato gamit ang tinidor na hawak. “Nadia, alam mo ba kung… kung paano mang-akit?” tanong niya na halos pabulong. “Anong sabi mo? Paano mang-ano? Lakasan mo naman boses mo,” reklamo nito. She cleared her throat, her cheeks burning red. “Ang sabi ko alam mo ba kung paano mang-akit?” pag-ulit niya. Sa pagkakataon ito ay nilakasan niya ang boses sapat para marinig nito ang sinabi niya. Mabuti na lang at walang naki-share ng table sa kanila ni Nadia. “Oh, wow,” anas nit