“Kumpadre, sigurado ka bang aalis ka na? Nagsisimula pa lang ang party…” tanong ni Oscar. “Oo. Tutal… Nakuha ko na ang gusto ko.” Bahagyang umismid si Peterson para lalong asarin ang kausap. “Ikaw? Hindi ka pa ba uuwi?” “A… Naisip kong mag-stay pa ng ilang oras. Ilang taon ko ring hindi nakita at nakasama ang mga kaibigan ko.” Itinaas nito ang baso na may laman na champagne. “Paano iyan? Ingat na lang…” “Sige… Sige…” Ikinumpas niya ang kaniyang mga kamay na tila hindi siya interesado. “Aalis na ko. Baka sakaling maabutan ko pang gising ang apo ko.” Nakatalikod siya sa kaniyang kausap dahil hinihintay niya sa may entrance ang sasakyan niya. Ilang sandali pa at dumating na ang itim na SUV, si Romeo mismo ang nagmamaneho. Nang huminto ito sa kaniyang harapan, pumasok na siya at hindi na hinayaan pang bumaba ang bodyguard niya. Bahagya niyang sinilip ang dati niyang puwesto pero wala na pala siyang kasama. Naglalakad na si Oscar pabalik sa loob ng pa
Kagaya ng nakagawian ni Diana, ginugugol niya ang kaniyang oras sa pagsa-shopping, pakikipagkita sa kaniyang mga kaibigan, o pagbabakasyon sa ibang lugar. Pero dahil sa board meeting na iyon, kinailangan niyang pumunta. Ang totoo, excited siya noong dumating dahil alam niya ang lahat ng mga plano ni Oscar. Pero sa pagtatapos ng pagpupulong, umalis na lang siya nang hindi man lang kinakausap ang kaniyang asawa. “Walang kuwenta… Hanggang ngayon, hindi pa rin kayang matalo ni Oscar si Peterson,” bulong niya habang naglalakad sa corridor papuntang elevator. “G-good morning, Maam,” bati ng isang empleyado. Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad. Kahit hindi naririnig ang bulungan ng ibang mga empleyado na nakapansin sa kaniya, alam niyang siya ang pinag-uusapan ng mga ito. Lalo tuloy sumasama ang timpla niya! Sino ba kasing mag-aakala na kayang baligtarin ng isang tao ang kaniyang mundo dahil lang sa simpleng existence nito? At ang kinaiinis pa n
February 14, 2023. Araw ng martes. Dahil hindi naman talaga naranasan ni Marion na mag-celebrate ng Valentines day bilang isang maybahay ni Seojun noong nakaraang taon, hindi siya nag-expect ng kahit ano. Pero nang mapansin niya ang maliit at kulay puti na envelope sa ibabaw ng side table, isang imbitasyon para sa isang dinner date ang huling bagay na nasa utak niya. Kahit kasi mag-asawa na sila, natutulog sa iisang kuwarto at kama, hindi sila intimate sa isa’t isa… Inakala niyang ganoon talaga kapag may anak na. “T-tayong dalawa lang ba rito?” Hindi niya mapigilan ang pagguhit ng matamis na ngiti sa kaniyang mukha. “Wala si Dad o ang mga bata?” “Oo naman. Para satin lang iyan.” Kakalabas lang ni Seojun sa banyo kaya naaamoy niya ang ginamit nitong shampoo sa loob ng kanilang silid. “Nakapagpaalam na ko sa Daddy mo. Ang sabi niya, siya na ang bahala sa mga bata habang wala tayo.” Sumingkit ang kaniyang mga mata dahil pakiramdam niya, may ‘catch’ iyon sa dulo at
Pagkatapos nilang pumunta sa salon, dumiretso naman sina Marion sa isang malaking department store. Ramdam kaagad nila ang VIP treatment nang papuntahin sila sa malaking showroom at doon inilabas ang mga damit na pwede nilang pagpilian. Wala siyang masyadong alam sa mga designer brands dahil si Emily ang pumipili ng mga susuotin niya. Sa huli, tila pumunta lang silang mag-asawa roon para mag-miryenda. “Hindi ba parang… sobrang dami naman yata ng mga binibili ni Emily?” bulong ni Seojun. Bahagya niyang inilapit pa ang kaniyang ulo upang sumagot. “Ganiyan talaga iyan. Sabi ko nga sa kaniya, kahit limang set na lang ang bilhin niya ngayon dahil ang daming stock sa closet. Iisa lang naman ang katawan ko kaya hindi ko maisusuot lahat iyan.” “Bakit pati mga suit at iba pang panlalaking damit, siya rin ang pumipili?” Hindi lang nito masabi nang diretsa na kung nasa bahay lang ito, mas kumportable ito na naka-sweater at pajama lang. Ganoon lang naman kasi ang suot nila
Pakiramdam ni Seojun, masyadong kaswal ang relasyon nilang mag-asawa. Paminsan-minsan, nagagawa niya itong halikan sa noo o hawakan ito sa kamay. Pero bukod doon, wala na. Alam naman niyang mas marami ang ginagawa ni Marion kaysa sa kaniya. Nagbibigay din ito ng oras kay Eclaire at EJ kaya kung sakali man na mauna itong matulog, hindi na siya nagrereklamo. Lalaki siya… May pangangailangang pisikal… Pero kahit mahigit isang taon na silang kasal ng asawa, hindi niya ito hinawakan nang walang permiso mula rito. Naiintindihan niya na kakaiba talaga ang takbo ng utak ng asawa niya. Kung para sa iba, madali lang na mahulog ang loob sa isang tao na palaging nakakasama, hindi ganoon si Marion. Masyado itong lohikal kung mag-isip kaya naman nahihirapan itong iproseso ang konsepto ng romance. Kagaya nga ng palagi nitong sinasabi, lahat ng mabubulaklak na mga salita na kayang sabihin ng isang manliligaw, nabasa na niya. Wala nang ‘kilig’ na hatid iyon sa kaniya. “Oo nga pala… N
Ramdam ni Marion ang sakit sa bawat subok niyang gumalaw kaya bumalik siya sa pagkakahiga. Kailangan niya ng stretcher o wheelchair kung gusto niyang makaalis mula sa kama na iyon. Mabilis naman ang reaksyon ni Seojun, tinulungan siya nitong makaupo man lang. Nilagyan nito ng unan ang kaniyang likuran bilang sandalan. “Sorry… Mukhang… Hindi ko na dapat ulitin iyon.” Para namang film sa pelikula na nag-flashback ang lahat… Gusto sana niyang sabihin na pareho lang sila na nadala sa temptasyon ngunit iba ang sinisigaw ng kaniyang balakang. “Siguro sa susunod… Maghinay-hinay din tayo.” “A! Ite-text ko nga pala si Emily. Sasabihin ko sa kaniyang hindi tayo makakapasok ngayon.” Muling kinuha ni Seojun ang cellphone nito. “Mabuti pa nga… Pero sabihin mo na lang na bigla akong nilagnat. Alam mo na… Ayoko naman na magkaroon ng weird na tsismis sa opisina o sa mansyon.” Hindi siya makagalaw nang maayos kaya lalo siyang naii-stress sa nangyayari. Nilalamig siya dahi
Muntik nang mabilaukan si Eclaire dahil sa kaniyang narinig. Limang taon nang kasal ang mga ito at halos nasa kuwarenta na rin ang edad ng mga ito pero para pa ring mga bata kung mag-asaran. Pinandilatan ni Seojun ng mga mata ang asawa nito pero tumawa lang si Marion sa ginawa nito. Hinawakan lang ng Mommy niya ang kamay ng Daddy niya at bahagyang pinisil. “What? Hindi ko getz...” Kinuha ni Seojun si Ethan at pinaupo ang bata sa pagitan ng mga hita nito. “Ano ba dapat ang ibig sabihin no’n?” “Ang ibig sabihin ng anak mo… Kailangan din nating bumili ng bagong damit. Minsan lang tayo ga-graduate sa college, ‘no? Dapat na mukha rin tayong presentable sa araw na iyon. Saka… Ang cute siguro, no’n… Kumpleto ang family natin sa graduation picture natin.” Iyon ang pinakamagandang aspeto ng pag-aaral nila sa iisang university. Hindi na kailangan mahati pa ang pamilya nila para pumunta sa graduation ceremony. “Saka, Dad… Dapat lang na mag-ayos ka ro’n… Ikaw ang dapat na
“Congrats sa graduation mo!” Binasa ni Eclaire ang chat mula kay Kenneth. Mabilis na gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi habang nag-iisip ng sasabihin pabalik. April 2, 2027. Araw ng byernes at graduation ni Eclaire. Nakasakay na ang buong pamilya niya sa isang SUV papunta sa kaniyang eskwelahan. Sa schoolgrounds gaganapin ang mismong graduation ceremony at sa school gym naman ang party. Sa loob ng kaniyang toga, suot na niya ang dress na pinili niya noong nakaraang linggo at silver na three-inch stilettos. Wristwatch, hikaw, at necklace na iisang kulay – diamond stud na may silver embellishment. Nagpaalam nang personal si Peterson sa kaniya na mahuhuli ito sa kaniyang graduation dahil manggagaling pa ito sa Davao. Sa apat na taon niya sa Pilipinas, unti-unti na ring lumambot ang loob ng matanda sa kaniya. Hindi na rin siya masyadong natatakot rito dahil habang lumalaki ang kapatid niyang si Ethan, nakita niya kung paano ito i-spoiled ng lolo nito. Iyon na rin si
“Pasaway ka talagang bata ka…” Hinawakan ni Marion ang ulo ng kaniyang anak at masuyong ginulo iyon. “Pero seryoso, Mister Abel… Mas magiging maganda para sayo kung susunod ka sa hinihiling ko sayo. Sa ngayon, walang ibang pwedeng makatulong sayo kundi ako. Baka mamaya nga, ang alam ng Boss mo, isa ka sa mga nabaril sa pier ngayon.” “Huwag po kayong mag-alala. Sigurado naman na mas mabait ang Mommy ko kaysa sa kanila…” makahulugang sambit ni EJ. Tumingin siya sa anak at pasimpleng kumindat dito. Ramdam niyang gustong iligtas ng bata ang lalaking tumulong sa kanila kaya ganoon na lamang ang ginagawa niyang pagkumbinsi rito. Kung siya lang ang masusunod, balewala lang sa team nila Francis kung sakali mang mawala ang lalaking iyon. Pero para kay EJ, handa siyang magbigay ng excemption para kay Abel. “Alam mo kasi… Hindi ko masasabing naging perpekto ang security team namin kaya nga nagawang ma-kidnap ng grupo niyo ang anak ko. Pero ngayon, ikaw na lang mag-i
Nawalan na ng lakas si Marion magreklamo nang bigla siyang makatulog. Hindi niya akalain na mararanasan niyang makainom ng tubig na may halong pampatulog kahit bottled water ang ibinigay sa kaniya. Sa pelikula lang kasi niya nakikita ang mga ganoon, ginagamitan ng injection ang takip nito para mapasukan ng gamot nang hindi mapapansin ng biktima. Nang magising siya, nakasakay na siya sa eroplano at may dalawampung minuto na lang bago bumaba ng Macau. Medyo groge pa siya pero pinilit niyang bumangon. Kung hindi dahil sa announcement ng piloto, hindi pa siya magigising. Pumunta siya sa banyo na naroon sa malapit at sinubukang mag-shower para tuluyang mawala ang kaniyang antok. “Ang walang hiyang Romeo na iyon… Isusumbong ko talaga siya sa Daddy ko!” asik ni Marion. Kung tutuusin, dapat siyang magpasalamat sa ginawa nito dahil iyon lang ang paraan para mapakalma niya ang kaniyang sarili noong mga oras na iyon. Dahil kung mauuna ang init ng ulo niya, baka tuluyang m
Katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa hanggang sa bahagyang humagikhik si Romeo mula sa kabilang linya. Masigla ang naging halakhak nito ngunit kaagad din itong tumigil at pilit na pinakalma ang sarili. “Miss Marion, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo ngayon pero… Hindi ko matatanggap kung ngayon ka pa mawawalan ng tiwala sa ‘kin –” “Shut up. Hindi ka magaling magsinungaling. Nahuli na kita…” Marahas na nagbuga ng hangin si Marion. “Iniisip ko noon na samin ng Daddy ko, ako talaga ang may tama sa utak. Pero ngayon… I changed my mind. Siya lang ang kilala ko na kayang sumugal nang ganito para lang makuha ang gusto niya.” “Miss Marion, alam mo –” “Gusto kong magtiwala sa mga plano niyo ni Daddy pero… Hindi niyo naman maiaalis sakin na matakot ako, ‘di ba? You’re practically saying na isugal ko ang buhay naming mag-ina rito.” Namumuo na ang patak ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Pinipilit niyang maging malakas. Pero sa bawat segundo na tum
“A-Anong sinasabi mo bata? Wala kong alam diyan.” Naging malikot ang mga mata ni Berto, halatang may itinatago ito. “Huwag mo nang alamin. Gawin mo na lang ang gusto ng boss namin para makuha na namin ang pera. Ayaw mo bang matapos na kaagad ang lahat ng ito para makauwi ka sa inyo?” Lumapit si Abel sa upuan ni EJ at tumayo ito sa likuran. “Berto, bilisan mo na!” “Oo na… Oo na… Ito na nga…” Nagmamadaling lumapit si Berto sa camera at simpleng pinindot ang ilang button. “Ayan! Okay na!” Muling tiningnan ni EJ ang papel bago tumingin sa lente ng camera. “Mom… Dad…” panimula niya. “Nanghihingi sila ng five hundred million pesos kapalit ko…” Kumunot ang noo ni Abel. “Basahin mo na lang kasi –” “Kaso Eomma… May mali ka sa parteng ito. May pangatlong version ang kwento. Mukhang mahihirapan ka sa pagkakataong ito.” “T-teka! Ano bang sinasabi mo? Sundin mo lang ang nakasulat sa papel! Ano ba!” Napakamot si Berto sa ulo nito. “Ang tigas talaga ng ulo m
Nang maramdaman ni EJ na unti-unting bumabagal ang takbo ng bangka, bigla siyang naging alerto. Hindi pa rin siya gumagalaw o nagpumiglas man lang. Alam niyang sasayangin lang niya ang kaniyang lakas dahil nasisiguro niyang nasa kung saan sila at mas malaki ang tsansa niyang mabuhay kung susundin lang niya ang sinasabi ng mga ito. “Buhay pa ba ito? Bakit hindi man lang gumigising?” tanong ng isa sa mga lalaki. Lumapit ang isa pang lalaki sa puwesto ni EJ at itinapat ang daliri nito sa ilong niya. Nang mapansin nito ang kaniyang paghinga, walang kaabog-abog siya nitong binuhat sa balikat nito. “Tara na, kanina pa tayo hinihintay ni Boss.” “Ang weird naman ng batang iyan. Hindi man lang siya sumisigaw o umiiyak. Normal ba iyan?” Napailing-iling pa ang lalaki na payat ang katawan. “Akala ko kasi magwawala siya kaya binusalan ko na rin. Pero mukhang balewala lang sa kaniya ang nangyayari.” Ngumisi ang lalaking kalbo at balbas-sarado na bumubuhat kay EJ mula s
Mabilis na kinuha ni Marion ang bag na iyon. Binasa niya ang nakasulat sa memo pad. Nakasulat doon ang pangalan ng isang private hotel sa isang isla. Unti-unting kumurba ang ngiti mula sa kaniyang mga labi. “Salamat… Salamat dito sa note na iniwan mo sa tablet niya.” Ibinigay niya ang tablet kay Francis. “M-Miss Marion… Isa itong private island malapit sa Palawan.” Ibinaba ni Francis ang baril nito. “Anong balak niyo, Miss?” “Anong pangalan mo?” tanong ni Marion sa lalaking hostage nila noong mga oras na iyon. “Nag-iwan ng mensahe si EJ pero kami lang ang makakabasa no’n dahil sinanay namin siya na matuto ng Hangul (South Korean alphabet). Kaya alam kong ikaw ang nag-iwan ng note sa tablet na nakasulat sa ingles.” Awtomatikong napatingin si Francis sa estranghero. Magaling kasi itong umarte na parang wala sa sarili. Bahagya pa itong nagta-tantrums para magmukhang makatotohanan na hindi talaga ito ganoon katalino. Kinabahan si Francis kaya muli nitong tinutukan
Hindi nakapagsalita ang mga kausap ni Marion dahil sa pagkabigla. Nakatitig lang ang mga ito sa kaniya, halatang hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. Kahit ituring ng mga ito na isang biro ang mga salitang binitawan niya, hindi iyon nakakatawa. May kapangyarihan pa rin ang mga ito, lalo na sa mga lugar na sinasakupan ng mga ito. “Excuse me… Miss Viray,” si Mayor Enriquez ang unang nakabawi. “Baka nakakalimutan mo na hindi lang ikaw ang anak ng negosyante dito –” “Well, kung napapansin niyo, wala ako sa mood para makipagplastikan at i-filter ang mga sinasabi ko kaya didiretsahin ko na kayo… Maam/Sir.” Pilit na ngumiti si Marion. “Dahil sa hindi niyo pagsunod sa protocol ng security namin, nagkaroon ng isang insidente… Na sisiguruhin ko sa inyong magiging dahilan ng pagbagsak ng karera niyo sa pulitika kung hindi kayo makikipag-cooperate sakin.” “T-teka, Miss Marion. Narinig mo naman na siguro ang mga balita, di ba? Kailangan ko ng bodyguard na palaging kasama
“A-Ano?” Biglang bumalikwas ang mag-asawa nang marinig ang anak. Si Seojun ang unang tumayo at tinulungan si Marion na makabangon pero hindi nito tinanggal ang tingin kay Eclaire. “Paanong wala? Wala ba siya sa kwarto namin?” “Baka naman nasa banyo lang ang kapatid mo, o baka may hihiramin sa mga gamit mo kaya pumasok sa kwarto mo. Wala namang ibang pupuntahan iyon. At lalong hindi lalabas si EJ nang hindi kasama ang isa satin, alam mo naman na ayaw niyang nakikisalamuha sa ibang tao.” Nanginginig ang mga tuhod ni Marion. Hindi niya alam kung dahil iyon sa biglang pagtayo o dahil sa matinding takot na kaniyang nararamdaman. Napakamot si Eclaire sa buhok nito. “Mom! Dad! Hindi naman ako magsisisigaw dito kung nandiyan lang siya sa loob. Natural, tiningnan ko na ang banyo at lahat ng kwarto sa suite na ito pero wala siya. Bukod pa ro’n…” Tila may naalala ang dalaga at nagtatakbo papasok sa loob. Nagmamadaling sumunod sina Seojun at Marion. Dumiretso sila sa kuwar
“Salamat, hon. Mag-ingat kayo ni Ethan sa byahe… Ako na muna ang bahala rito.” Pinasadahan ni Marion ng mabilis na halik sa pisngi ang asawa. Iyon ang pinaka-gusto niya rito. Palagi itong rational mag-isip at tinitingnan ang mga bagay sa mas malawak na perspektibo. Pagkatapos ng mga laboratory tests na ginawa kay Peterson, dinala na ito sa VIP Suite ng ospital. Kailangan na lang nilang malaman ang sanhi ng pagsakit ng tiyan ng Daddy niya. Pero sa mga oras na iyon, nabigyan na ng pain reliever medicine si Peterson kaya kumalma na ito at nagsimulang makaramdam ng antok. “Bakit gising ka pa, Dad? Matulog ka na para bumalik ang lakas mo… Siguradong malalaman din natin ang laboratory results mo mamayang madaling araw,” untag ni Marion sa ama. Halata namang groge na ito sa gamot pero pilit pa rin nitong hinawakan ang manggas ng damit niya. “H-huwag mong hayaan na malaman ito ng iba, anak…” “I know, Dad. Huwag kang mag-alala. Nagpagawa na ko ng Non-Disclosure Agreement sa abogado natin. S