Napailing si Marion sa sinabi ng kaniyang anak. Kahit ilang beses na nagulo ang buhay nito dahil sa mga naghahabol na scout at agents ng mga entertainment company, hindi pa rin nito nari-realize kung gaano ito ka-ganda. Nakataas ang buhok ni Eclaire, itinirintas muna nito ang buhok bago ipinulupot para maging pugong. Nilagyan nito ng white gold na hairpin ang dulo noon para hindi iyon matanggal. Pero kahit ilang oras na silang nasa labas, lumaylay na ang ilang hibla ng buhok nito sa mukha, hindi nababawasan ang ganda nito. “Anak, kapag tumitingin ka sa salamin, anong nakikita mo?” Inayos niya ang towel na nakalagay sa likuran nito dahil bahagyang nahila paibaba ang kanang bahagi no’n. “Uh… Mukha ko po. Bakit?” Nakakunot pa ang noo nito na tila nagtataka sa kaniyang tanong. Muli na naman siyang napailing. Hindi niya alam kung nakikipagbiruan ito o sadyang naive lang talaga ito. Hindi niya rin alam kung normal na sa mag-ama ang ganoong klaseng atensyon kaya hindi
Ginugol nila ang buo nilang maghapon sa pagkukwentuhan. Bukod sa naiintindihan niya ang hirap ng buhay na pinagdaanan noon, natutuwa si Marion dahil nagkaroon pa sila ng bagong topic – ang mga kuwentong isinulat niya. Nagulat siya dahil kung tutuusin, wala naman siyang alam na mayroong mga foreign readers sa kaniyang platform. Ang gusto lang niya, magsulat ng mga masasayang bagay – malayo sa boring na cycle ng araw-araw niyang pag-exist sa mundo. “Ano po palang balak niyo sa deadline niyo? Buti po, hindi nagagalit ang editor niyo?” “Alam mo… Wala naman siyang magagawa kung hindi ang maghintay. Hindi niya ko pwedeng obligahin at kulitin dahil nagpaalam na ko sa kaniya noon pa man. Hiatus muna ako habang nagdadalang-tao ako at maraming inaasikaso.” Kinagatan niya ang piraso ng mansanas na hiniwa-hiwa ni Eclaire para sa kaniya. Kasama pa ang balat, kagaya ng nakasanayan niya. “Saka… Ka-close ko na rin naman siya. Tuwang-tuwa nga siya nang malaman na magkakaroon na ko ng
September 21, 2022. Araw ng myerkules. Mabilis na nakapag-adjust sina Marion at Eclaire sa bago nilang set up. Kapag pumasok si Eclaire sa school, naiiwan si Marion sa apartment kasama ang isang nanny. Paglilinis ng bahay, pamamalengke, at paglalaba ng mga damit ang trabaho nito. Si Marion naman ang nagluluto dahil mapili ito sa kinakain. Bago sila umalis sa isla, nag-celebrate muna roon si Marion ng 31st birthday nito. September 9, ang birthday ni Seojun at ngayong araw naman ang sa kaniya. Katorse na siya at kasalukuyang nasa ikalawang taon sa middle school. Tatlong linggo na simula nang magsimula ang klase nila pero ramdam niyang tinatamad pa rin siyang pumasok – kagaya ng iba niyang mga kaklase. Alas-otso ng umaga hanggang alas-kuwatro ng hapon ang klase ni Eclaire. Pagkatapos noon, balak sana niyang umuwi kaagad sa apartment pero kinukulit siya ni Hae won na gumala muna sandali kasama nito. Ayos lang sana sa kaniya iyon pero nang mapansin niyang nagbabadya ang m
Hindi sigurado si Eclaire kung sa bibig o sa ilong siya humihinga nang mga oras na iyon. Ang alam niya, nagiging issue sa kaniya na masyadong malapit si Kenneth sa kaniyang ‘personal space.’ Pero dahil sa sitwasyon nila, hindi naman siya makapagreklamo. Hindi naman niya kayang sabihin na magpakabasa na lang ito sa ulan para lang sa kaniya tutal basa na rin naman ito. Doon niya na-realize na may konsensya pa rin pala sa sistema niya. Nang makapasok sila sa apartment building, mabilis siyang humiwalay sa binatilyo na tila allergic dito. Kinuha niya ang panyo sa kaniyang bulsa at ipinunas sa nabasa niyang braso. Tila balewala naman sa kasama niya na basang-basa na pati likod nito. Si Hae won naman, tuloy-tuloy lang sa paglalakad papunta sa elevator na para bang doon talaga ito nakatira. “Hoy, Hae won! Baka gusto mo namang hintayin kami ni Kenneth.” Lumingon siya kaya niya napansin na nasa likod lang niya ang binatilyo. “Akin na pala ‘yong payong ko.” “Ito na…” Nak
Napansin ni Marion ang bahagyang pag-angat ng ulo ng kaniyang anak. Huminto ito sa pagsubo at diretsong tumingin sa katabi. “Bakit saan ka ba pupunta?” “Nag-iipon lang ako para makauwi ang Mama ko rito sa South Korea. Balak kong bumili ng bahay sa lugar na medyo malapit dito sa Seoul para mapuntahan pa rin kami ni Uncle Jang. Kawawa kasi ang Mama ko dahil wala siyang kasama sa America.” Pilit na ngumiti ang binatilyo at nagkunwaring hindi mabigat ang usapin na iyon. “Hindi naman sa nakikialam pero… Bakit naiwan siya roon? Nandoon ba ang Papa mo? O baka kasama niya ang maliit mong kapatid kaya hindi siya basta-basta makaalis?” Umaariba na naman ang pagiging taklesa niya pero curious talaga siya sa buhay ni Kenneth. Pwede itong maging materyal sa mga susunod niyang nobela kung sakali man. “A…” Napakamot sa batok ang binatilyo. “Ako at si Mama lang po ang magkasama sa buhay. Noong una, nakakaya naman po niya ‘yong gastos pero habang lumalaki ako at dumarami ang b
Wala nang oras si Seojun para tumingin sa salamin kaya hindi niya alam na magulo pa ang kaniyang buhok. Pero noong mga oras na iyon, si Marion ang focus niya kaya napansin niyang manipis lang ang sweater na suot nito. “Kaya mo pa bang maglakad? O gusto mong buhatin na kita?” “Hala… Pwede po bang mamaya na ko mag-flirt? Namumutla na po si Tita Marion…” Hindi napigilan ni Hae won ang pagiging mahadera nito. Napabungisngis si Marion ngunit muli rin itong napangiwi nang makaramdam ulit sa sakit. “Magulo pa ang buhok ng Tito Seojun mo, sandali lang…” Hinawi ng kaniyang asawa papunta sa kanan ang mga hibla ng kaniyang buhok, bahagya pa siyang yumuko para maabot nito ang bandang likuran ng ulo niya. “Diyos ko po… Oo na po. Kayo na po ang happy married couple. Pwede na po ba tayong umalis? Text na po kasi nang text si Eclaire, baka sumabog na po ang phone ko –” Biglang tumunog ang cellphone ni Hae won. Hindi na nila kailangan itanong kung sino iyon dahil mukhang lalong
Alas-otso y’ medya nang makarating si Peterson sa Seoul, sa mismong presidential suite na binayaran nito para kay Marion. May baon itong isang bouquet ng mga pink na rosas at isang basket ng iba’t ibang mga prutas. Hindi niya alam kung paano nagawa iyon ng Daddy niya sa maiksing panahon pero nandito na ito ngayon sa kaniyang tabi. Gusto sana niyang ngumiti nang husto sa pagdating nito pero ramdam niya ang kaba ng kaniyang asawa. “Welcome back sa Seoul, Dad. Kamusta ang flight niyo?” Pinakuha niya kay Seojun ang mga bulaklak na nasa mga bisig niya. “Pakilagay na lang ito sa vase, love.” “Sure. Sinabi ko nga pala kina Eclaire na pumunta muna sila sandali sa palengke para bumili ng mga ingredients na kailangan kapag nagluto ako mamaya.” Kapag nasiguro nila na walang sakit ang bata, makakaalis na sila mamayang hapon at makakauwi sa kanilang apartment. “No need. Mas maganda siguro kung sama-sama muna tayong kumain sa restaurant –” “Dad…” pagputol ni Marion
Tinapos nila ang hapunan nang halos hindi nag-uusap-usap. Inilagay na lang nila sa lababo ang mga platong ginamit nila bago umalis papunta sa kabilang unit ang mga bata. Bago umalis ang kaniyang Daddy, inaya niya ito sa kaniyang silid upang masabi ang lahat ng gusto niya na hindi kailangan intindihin ang kaniyang asawa na abala sa paglilinis ng pinagkainan nila kasama si Romeo. Dinala niya rin sa loob ng kuwarto ang baby niya, magbabakasakali siyang mapawi nang kaunti ang sama ng loob ni Peterson. “Dad… Alam ko naman na ikaw ‘yong tipo ng tao na gustong maging maayos ang lahat sa lalong madaling panahon. Pero sa ngayon, hindi lang ito basta tungkol sa amin ni Seojun… Damay na rin dito sina Eclaire at EJ, ang buhay ng mga anak namin.” Hinawakan niya ang pisngi ng sanggol. Sa mga oras na iyon, bumubuhos sa kaniya ang pagsisisi sa mga padalos-dalos niyang desisyon. Hindi niya inakala na ganoon kahirap magdesisyon, lalo na at lalaki nang walang ama ang baby niya kapag sinunod nila ang na
“Pasaway ka talagang bata ka…” Hinawakan ni Marion ang ulo ng kaniyang anak at masuyong ginulo iyon. “Pero seryoso, Mister Abel… Mas magiging maganda para sayo kung susunod ka sa hinihiling ko sayo. Sa ngayon, walang ibang pwedeng makatulong sayo kundi ako. Baka mamaya nga, ang alam ng Boss mo, isa ka sa mga nabaril sa pier ngayon.” “Huwag po kayong mag-alala. Sigurado naman na mas mabait ang Mommy ko kaysa sa kanila…” makahulugang sambit ni EJ. Tumingin siya sa anak at pasimpleng kumindat dito. Ramdam niyang gustong iligtas ng bata ang lalaking tumulong sa kanila kaya ganoon na lamang ang ginagawa niyang pagkumbinsi rito. Kung siya lang ang masusunod, balewala lang sa team nila Francis kung sakali mang mawala ang lalaking iyon. Pero para kay EJ, handa siyang magbigay ng excemption para kay Abel. “Alam mo kasi… Hindi ko masasabing naging perpekto ang security team namin kaya nga nagawang ma-kidnap ng grupo niyo ang anak ko. Pero ngayon, ikaw na lang mag-i
Nawalan na ng lakas si Marion magreklamo nang bigla siyang makatulog. Hindi niya akalain na mararanasan niyang makainom ng tubig na may halong pampatulog kahit bottled water ang ibinigay sa kaniya. Sa pelikula lang kasi niya nakikita ang mga ganoon, ginagamitan ng injection ang takip nito para mapasukan ng gamot nang hindi mapapansin ng biktima. Nang magising siya, nakasakay na siya sa eroplano at may dalawampung minuto na lang bago bumaba ng Macau. Medyo groge pa siya pero pinilit niyang bumangon. Kung hindi dahil sa announcement ng piloto, hindi pa siya magigising. Pumunta siya sa banyo na naroon sa malapit at sinubukang mag-shower para tuluyang mawala ang kaniyang antok. “Ang walang hiyang Romeo na iyon… Isusumbong ko talaga siya sa Daddy ko!” asik ni Marion. Kung tutuusin, dapat siyang magpasalamat sa ginawa nito dahil iyon lang ang paraan para mapakalma niya ang kaniyang sarili noong mga oras na iyon. Dahil kung mauuna ang init ng ulo niya, baka tuluyang m
Katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa hanggang sa bahagyang humagikhik si Romeo mula sa kabilang linya. Masigla ang naging halakhak nito ngunit kaagad din itong tumigil at pilit na pinakalma ang sarili. “Miss Marion, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo ngayon pero… Hindi ko matatanggap kung ngayon ka pa mawawalan ng tiwala sa ‘kin –” “Shut up. Hindi ka magaling magsinungaling. Nahuli na kita…” Marahas na nagbuga ng hangin si Marion. “Iniisip ko noon na samin ng Daddy ko, ako talaga ang may tama sa utak. Pero ngayon… I changed my mind. Siya lang ang kilala ko na kayang sumugal nang ganito para lang makuha ang gusto niya.” “Miss Marion, alam mo –” “Gusto kong magtiwala sa mga plano niyo ni Daddy pero… Hindi niyo naman maiaalis sakin na matakot ako, ‘di ba? You’re practically saying na isugal ko ang buhay naming mag-ina rito.” Namumuo na ang patak ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Pinipilit niyang maging malakas. Pero sa bawat segundo na tum
“A-Anong sinasabi mo bata? Wala kong alam diyan.” Naging malikot ang mga mata ni Berto, halatang may itinatago ito. “Huwag mo nang alamin. Gawin mo na lang ang gusto ng boss namin para makuha na namin ang pera. Ayaw mo bang matapos na kaagad ang lahat ng ito para makauwi ka sa inyo?” Lumapit si Abel sa upuan ni EJ at tumayo ito sa likuran. “Berto, bilisan mo na!” “Oo na… Oo na… Ito na nga…” Nagmamadaling lumapit si Berto sa camera at simpleng pinindot ang ilang button. “Ayan! Okay na!” Muling tiningnan ni EJ ang papel bago tumingin sa lente ng camera. “Mom… Dad…” panimula niya. “Nanghihingi sila ng five hundred million pesos kapalit ko…” Kumunot ang noo ni Abel. “Basahin mo na lang kasi –” “Kaso Eomma… May mali ka sa parteng ito. May pangatlong version ang kwento. Mukhang mahihirapan ka sa pagkakataong ito.” “T-teka! Ano bang sinasabi mo? Sundin mo lang ang nakasulat sa papel! Ano ba!” Napakamot si Berto sa ulo nito. “Ang tigas talaga ng ulo m
Nang maramdaman ni EJ na unti-unting bumabagal ang takbo ng bangka, bigla siyang naging alerto. Hindi pa rin siya gumagalaw o nagpumiglas man lang. Alam niyang sasayangin lang niya ang kaniyang lakas dahil nasisiguro niyang nasa kung saan sila at mas malaki ang tsansa niyang mabuhay kung susundin lang niya ang sinasabi ng mga ito. “Buhay pa ba ito? Bakit hindi man lang gumigising?” tanong ng isa sa mga lalaki. Lumapit ang isa pang lalaki sa puwesto ni EJ at itinapat ang daliri nito sa ilong niya. Nang mapansin nito ang kaniyang paghinga, walang kaabog-abog siya nitong binuhat sa balikat nito. “Tara na, kanina pa tayo hinihintay ni Boss.” “Ang weird naman ng batang iyan. Hindi man lang siya sumisigaw o umiiyak. Normal ba iyan?” Napailing-iling pa ang lalaki na payat ang katawan. “Akala ko kasi magwawala siya kaya binusalan ko na rin. Pero mukhang balewala lang sa kaniya ang nangyayari.” Ngumisi ang lalaking kalbo at balbas-sarado na bumubuhat kay EJ mula s
Mabilis na kinuha ni Marion ang bag na iyon. Binasa niya ang nakasulat sa memo pad. Nakasulat doon ang pangalan ng isang private hotel sa isang isla. Unti-unting kumurba ang ngiti mula sa kaniyang mga labi. “Salamat… Salamat dito sa note na iniwan mo sa tablet niya.” Ibinigay niya ang tablet kay Francis. “M-Miss Marion… Isa itong private island malapit sa Palawan.” Ibinaba ni Francis ang baril nito. “Anong balak niyo, Miss?” “Anong pangalan mo?” tanong ni Marion sa lalaking hostage nila noong mga oras na iyon. “Nag-iwan ng mensahe si EJ pero kami lang ang makakabasa no’n dahil sinanay namin siya na matuto ng Hangul (South Korean alphabet). Kaya alam kong ikaw ang nag-iwan ng note sa tablet na nakasulat sa ingles.” Awtomatikong napatingin si Francis sa estranghero. Magaling kasi itong umarte na parang wala sa sarili. Bahagya pa itong nagta-tantrums para magmukhang makatotohanan na hindi talaga ito ganoon katalino. Kinabahan si Francis kaya muli nitong tinutukan
Hindi nakapagsalita ang mga kausap ni Marion dahil sa pagkabigla. Nakatitig lang ang mga ito sa kaniya, halatang hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. Kahit ituring ng mga ito na isang biro ang mga salitang binitawan niya, hindi iyon nakakatawa. May kapangyarihan pa rin ang mga ito, lalo na sa mga lugar na sinasakupan ng mga ito. “Excuse me… Miss Viray,” si Mayor Enriquez ang unang nakabawi. “Baka nakakalimutan mo na hindi lang ikaw ang anak ng negosyante dito –” “Well, kung napapansin niyo, wala ako sa mood para makipagplastikan at i-filter ang mga sinasabi ko kaya didiretsahin ko na kayo… Maam/Sir.” Pilit na ngumiti si Marion. “Dahil sa hindi niyo pagsunod sa protocol ng security namin, nagkaroon ng isang insidente… Na sisiguruhin ko sa inyong magiging dahilan ng pagbagsak ng karera niyo sa pulitika kung hindi kayo makikipag-cooperate sakin.” “T-teka, Miss Marion. Narinig mo naman na siguro ang mga balita, di ba? Kailangan ko ng bodyguard na palaging kasama
“A-Ano?” Biglang bumalikwas ang mag-asawa nang marinig ang anak. Si Seojun ang unang tumayo at tinulungan si Marion na makabangon pero hindi nito tinanggal ang tingin kay Eclaire. “Paanong wala? Wala ba siya sa kwarto namin?” “Baka naman nasa banyo lang ang kapatid mo, o baka may hihiramin sa mga gamit mo kaya pumasok sa kwarto mo. Wala namang ibang pupuntahan iyon. At lalong hindi lalabas si EJ nang hindi kasama ang isa satin, alam mo naman na ayaw niyang nakikisalamuha sa ibang tao.” Nanginginig ang mga tuhod ni Marion. Hindi niya alam kung dahil iyon sa biglang pagtayo o dahil sa matinding takot na kaniyang nararamdaman. Napakamot si Eclaire sa buhok nito. “Mom! Dad! Hindi naman ako magsisisigaw dito kung nandiyan lang siya sa loob. Natural, tiningnan ko na ang banyo at lahat ng kwarto sa suite na ito pero wala siya. Bukod pa ro’n…” Tila may naalala ang dalaga at nagtatakbo papasok sa loob. Nagmamadaling sumunod sina Seojun at Marion. Dumiretso sila sa kuwar
“Salamat, hon. Mag-ingat kayo ni Ethan sa byahe… Ako na muna ang bahala rito.” Pinasadahan ni Marion ng mabilis na halik sa pisngi ang asawa. Iyon ang pinaka-gusto niya rito. Palagi itong rational mag-isip at tinitingnan ang mga bagay sa mas malawak na perspektibo. Pagkatapos ng mga laboratory tests na ginawa kay Peterson, dinala na ito sa VIP Suite ng ospital. Kailangan na lang nilang malaman ang sanhi ng pagsakit ng tiyan ng Daddy niya. Pero sa mga oras na iyon, nabigyan na ng pain reliever medicine si Peterson kaya kumalma na ito at nagsimulang makaramdam ng antok. “Bakit gising ka pa, Dad? Matulog ka na para bumalik ang lakas mo… Siguradong malalaman din natin ang laboratory results mo mamayang madaling araw,” untag ni Marion sa ama. Halata namang groge na ito sa gamot pero pilit pa rin nitong hinawakan ang manggas ng damit niya. “H-huwag mong hayaan na malaman ito ng iba, anak…” “I know, Dad. Huwag kang mag-alala. Nagpagawa na ko ng Non-Disclosure Agreement sa abogado natin. S