Home / All / One Best Mistake / Chapter 5: Mistress

Share

Chapter 5: Mistress

Author: Lai
last update Last Updated: 2021-03-18 17:50:32

Tahimik.

Isang buwan ang lumipas at natahimik ang buhay ko. Tinigil ko ang pag-aartista at nag focus ako sa bagay na talagang gusto ko---ang painting.

I'm staying at my parent's house kahit wala si Dad. He was too busy and I'm tired of begging him to stop doing his work. Ni hindi na nga namin siya nakasama noong birthday niya. Matanda na siya at alam na niya ang ginagawa niya.

"Mom, are you going to work?" Inilapag ko ang paint brush na hawak ko at tinanggal ang apron na suot ko. Inilapag ko rin 'yon sa maliit na table.

She looked at me and nodded. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. "Anong oras ka po uuwi? I'll cook for you," I said as I fixed my hair. Inilagay ko ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga.

"You don't have to do that, Kae. Baka bukas pa ako makakauwi." She said as she caressed my face. Ngumiti siya.

"Bukas? Saan ka matutulog?" tanong ko habang nakakunot ang noo.

"At your Dad's place. Don't worry, I'm safe. We'll be back tomorrow morning. Love you." She then kissed me and did not wait for my response.

I inhaled a large amount of air. Muli akong tumingin sa pini-paint ko. It's a girl and it's my Mom. I automatically smiled and continued what I was doing a while ago.

My phone rang so I took it on the table and it was from Ariana. Sinagot ko 'yon at napag-alaman kong lasing siya because of her voice. "Where you at? I'll fetch you." I said in a cold tone. Bakit ba nagiging hobby na niya ang pag-inom?

She laughed crazily. I was just silent while listening on the phone and she was just laughing crazily. What happened to my bestfriend? "K-kae..." she laughed again.

"Nasaan ka ba? You're drunk, Ariana. Baka kung ano pang mangyaring masama sa'yo." I said.

Hindi ko talaga maiwasang hindi mainis sa kanya sa tuwing naglalasing siya. She's still an actress and the most important thing is, she's a girl. Baka mabastos lang siya.

"I'm gonna fetch you, Yana. Tell me your address." I said as I stood up. Malapit na rin namang matapos ang pini-paint ko at pwede ko itong tapusin bukas. I just wanna make sure that my bestfriend is okay.

I took my key in my pouch and went out. Binuksan ko ang kotse ko habang hinihintay pa rin si Yana na magsalita.

"Kae..." she laughed for the nth time.

"Ariana, tell me where—"

"Stop it, Kae. Stop it." She said in a serious tone and that made me stop. What does she mean?

"Stop what?" I asked out of curiosity.

She did not answer me and she just laughed again crazily. Nabaliw na ba ang kaibigan ko o lasing lang talaga siya? Geez. She's creeping me out. Nakakakilabot ang boses niya.

"Ariana..." I said, almost whispering. Even myself didn't hear what I've said.

"Kae..." she called me back. Napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa tawa niya. Parang nasiraan, e.

"Where are you?" I repeated.

"I'm fine. I'm not drunk don't worry. I'm just tipsy. Huwag mo na akong puntahan, kasama ko naman si Brylle. We're okay. Just take a rest."

"Are you sure? Nasa kotse na ak—" she cut me off.

"Yes! Sige na 'wag ka na pumunta rito." The last word she said at naputol na ang linya.

Anong mayroon at umiinom na naman siya? Napailing na lang ako at muling kinuha ang susi ko at bumaba ng kotse. Kapag si Brylle na ang pinag-uusapan, nananahimik na ako. Galit pa rin ako sa kaniya at hindi ko alam kung kailan ko siya mapapatawad dahil sa ginawa niya sa akin.

Tinapos ko ang ginagawa kong painting. I was just smiling while looking at my work because it's my mother. Ilalagay ko muna 'to sa kwarto ko bago ko idikit sa dingding rito sa bahay.

I took a bath, dried my hair and wore a gray Balenciaga big sweater, fitted jeans and a pair of gray Balenciaga sneakers. I then tied my hair up and it looks like a messy bunn. Bago ako lumabas ay kumuha ako ng lollipop.

Mabuti na nga lang at nanahimik na ang mga tao tungkol sa issue sa akin kasi syempre, may panibagong issue na. Pero may parte pa rin sa kanila na kung tingnan nila ako ay nandidiri sila sa akin.

Sumakay ako sa kotse at pinaandar 'yon papunta sa drive thru. Wala naman akong ibang gagawin. Marami akong binili dahil mag-iikot ako sa Manila. Gusto kong bigyan ng pagkain ang bawat namamalimos para mabuhay.

I was smiling while giving them foods. Nakakatuwa dahil sobrang saya nila, parang sa ganoon lang, buo na ang araw nila and that is what I want—-to make them happy.

Binisita ko sila Carla and Carlo pati na rin ang Mama nila and I'm glad they're fine. Maayos na sila.

Nakakatuwa sila kasama dahil ang saya saya nila. Kapag nasa bahay ako, hindi ako makatawa ng ganito dahil si Mom lang naman ang nakakasama ko—-busy pa siya dahil kay Dad.

We were talking and laughing when Carlo suddenly spoke. "Ate, bakit niyo po kami tinulungan?"

And that made me look at him. Bakit ko nga ba sila tinutulungan? Wala. Gusto ko lang. Hindi naman ako humihingi ng kapalit, e.

"Gusto ko lang." I shrugged.

Natahimik sila at ngumiti. "Ate, saang paraan ba kami makakabawi sa'yo?" Carla asked me.

Mabilis akong umiling. "Hindi ako humihingi ng kapalit, Carla. Gusto ko lang kayo mapasaya. Gusto ko lang kayo tulungan." I smiled at her.

I don't know how my day ended. Basta natagpuan ko na lang 'yong sarili ko na bagsak sa kama. The day was tiring yet fun. Bukod kasi sa nakatulong ako, natawa pa ako sa mga jokes ni Carla at Carlo.

Hindi pa ako nakakapagbihis. Nakatulala lang ako sa kisame at hindi ko na alam ang gagawin. Wala si Mom dahil nag stay siguro siya sa condo unit ni Dad.

I can't sleep and I want to do something. Naboboring ako. Sanay na akong mag-isa at tahimik pero naboboring ako ngayon. Siguro dahil nasanay ako na laging nasa taping? I don't know.

Tumayo ako at naglakad-lakad. Nakalabas na ako ng village at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Naglalakad lang ako hanggang sa binuksan ko ang cellphone ko dahil may nag text and it was from a stranger again.

Napakunot ang noo ko dahil hindi ito ang nag te-text sa akin. Sino naman ito ngayon? Should I change my cellphone number? Mukhang marami na ang nag te-text sa akin.

I opened her or his message and my forehead creased again. Sorry? Bakit humihingi siya ng tawad? Na wrong send ba siya o talagang para sa akin 'to?

I just shrugged my shoulders. Hindi ko naman alam kung para sa akin ba 'to at isa pa, baka nagkamali lang siya. Nananahimik na ang buhay ko ngayon at wala akong alam na may atraso sa akin maliban na lang kay Brylle.

I know Brylle and he'd never do this. Kung mag sosorry siya, kukulitin niya ako. Hindi 'yong dadaanin niya pa sa ganito.

Pumasok ako sa convenience store at inilagay ang cellphone ko sa likod ng bulsa ng jeans na suot ko. Kumuha ako ng C2 at ibinigay 'yon sa counter. Ramdam ko ang pagka-ilang sa akin ng babaeng nag-aasikaso sa binili ko pero ipinagsawalang bahala ko na lang.

"Thank you." I said and smiled at her but she did not response. It's okay.

Binuksan ko ang C2 at nagsimulang inumin 'yon habang papalabas ako ng convenience store at napaatras ako nang may bumangga sa aking lalaki. Nagulat ako sa nangyari kaya saglit akong natulala dahil natapon ang iniinom kong C2 sa suot ko at ngayon ay basa na ako.

Napatingin ako sa nakabanggaan ko at nakita ko ang isang lalaking naka suot ng kulay itim na fitted t-shirt at pantalon. He did not look at me and he just continued walking away from me. Natahimik ako.

Hindi man lang ba siya mag sosorry?

Napatingin ako sa paligid at nakita ko ang titig sa akin ng mga tao. Hindi na ako naka-imik pero tumingin ulit ako sa lalaking papalayo sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako at humingi ng tawad sa mga nasa counter pati na rin sa guard dahil sa kalat ko. Lumabas na ako at nag decide na umuwi na lang.

What's with that man? Bakit hindi man lang siya nag sorry? Nagmamadali ba siya?

I shook my head. Kinabukasan ay bumungad sa akin ang balitang si Ariana na pala ang pumalit sa pwesto ko. Siya na ang bida...

Natigilan ako. Ang naaalala ko ay ayaw tanggapin ni Ariana 'to dahil magkaibigan kami at tama siya, ang pangit tingnan. Why did she accept the offer?

"Oh, c'mon, Mikaela!" napasapo ako sa noo ko. Wala namang masama kung tinanggap niya 'yon, walang kaso sa akin—pero bakit sinabi niya noon na hindi niya tatanggapin ang offer na 'yon?

She should not have said that. Dapat ay sinabi na lang niya na pag-iisipan niya but it's okay. Wala naman akong interest sa pag a-artista kaya ayos lang na siya na ang pumalit sa akin kesa ibang tao.

Napangiti ako nang makita siya sa T.V. Nakangiti rin kasi siya.

I took my phone and dialed my Mom's number. Gusto ko lang malaman kung uuwi ba sila ni Daddy.

"Kae!"

"Mom? Uuwi po ba kayo?" I asked her.

"Yeah. I'm with your Dad. Uuwi kami ngayon." Kahit hindi ko nakikita ay alam kong nakangiti si Mommy.

"Alright, Mom. Take care. I'll cook for you." I said. Naputol na ang linya. I did my morning routines and started to cook for my parents.

Himala naman na uuwi si Daddy?

After an hour ay natapos akong magluto at saktong dumating si Mommy pero napakunot ang noo ko dahil mag-isa lang siya. She's not even smiling.

"Mom...?" I walked towards her. "Where's Dad? I thought—-"

"Something came up, anak. It's okay. Importante talaga para sa kanya ang trabaho niya. What did you cook? Let's eat." She forced a smile.

"Hindi po ba siya makakahabol sa breakfast natin?" My voice lowered.

Hindi agad siya nakasagot. Ano bang nangyayari sa mga magulang ko?

"Mom?" I called her because it looks like she did not hear me but still, I didn't receive a response from her.

Instead of calling her again, I just hugged her and that made her cry, she burst out in tears. Hearing her cry breaks my heart. Parang gusto kong luhuran na lang lahat ng Santo at magmakaawa sa kanila na sana ako na lang 'yong nasasaktan huwag lang umiyak 'yong nanay ko.

Oh, God. Heal my mother.

"What happened? I'm your daughter, Mom. Sabihin mo sa akin bakit gano'n si Daddy?" Hinagod ko ang likod niya.

"I'm sorry, Kae. I'm so sorry!" paulit-ulit na sigaw ni Mommy.

Kinakabahan ako.

Bakit parang...

W-wala na ba si Dad?

"Oh shoot!" nabigla ako sa pumasok sa isip ko kaya natigilan si Mom. She looked at me.

"M-mom, what happened? Anong nangyari kay Dad? May nangyari bang masama sa kanya?" Tuloy-tuloy na tanong ko. Hindi na ako mapakali.

"Calm down, Kae. Your Dad is fine." Napahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Mommy. "Ano po bang nangyari?"

Pinunasan niya ang mga luha niya at tinitigan ako. She then caressed my face. Saglit akong napapikit nang inilapit niya ang mukha niya sa akin at hinalikan ang noo ko.

"I love you and I'm glad that you are my daughter, Mikaela." Pinagdikit niya ang mga noo namin at ngumiti. "I'm glad that I have you." She added.

Inilayo niya ang mukha niya sa akin at hinaplos ang buhok ko. "Mom..." I said. "Where's Dad?" humina ang boses ko.

"Kae, maybe this is the right time..." she smiled again. Parang sa mga ngiti na 'yon ay pinapagaan niya ang loob ko pero kinakabahan ulit ako.

"Spill it, Mom."

"Y-your Dad... he has a mistress..."

Nalaglag ang panga ko at parang nabingi ako sa narinig ko. M-mistress?

"Our wedding was planned by our parents and... he didn't really love me."

Pakiramdam ko ay nabasag ako. Nagtuloy-tuloy sa pagbagsak ang luha ko at natulala na lang ako. "May girlfriend ang Daddy mo noong ikinasal kami. He got me pregnant even though he didn't love me. I'm sorry, Kae. I love you. Mahal na mahal kita..." niyakap niya ako pero nakatulala pa rin ako.

Daddy...

All this time, nasasaktan pala 'yong nanay ko. All this time, sakit lang pala ang dinala ni Dad sa kanya. Damn it.

Tumitig si Mom sa mga mata ko. "I'm sorry, Kae. I'm really really sorry. Nasa pangalawang pamilya ang Daddy mo kaya hindi siya umuuwi rito d-dahil... hindi naman niya ako mahal." Pahina ng pahina ang boses ni Mommy... nakakadurog.

"M-may... may pamilya siya... may anak sila..."

Nabingi na yata ako. Kahit naririnig ko ang sinasabi ni Mommy ay wala na akong maintindihan. Parang tinakasan ako ng lakas. Dad, how could you do this to a woman? Bakit  nagawa mong saktan si Mommy ng ganito katagal?

I hugged my Mom. If I could take the pain away from her, I would take it. Kaya kong maramdaman ang kahit anong klase ng sakit basta ayokong nakikita si Mommy na ganito... nadudurog ako.

My Mom is my weakness...

"It's not your fault, Mom. Don't worry, I will never leave you." I kissed her forehead. "Anong nangyari sa mga pasa mo?" I asked her, angrily.

"He... he hurt me..."

Women should not be treated this way. They must be loved and upheld.  The day you raised your hand to a woman, that's the day you're no longer a man but an animal. He's my father but he is the person I hate the most.

Related chapters

  • One Best Mistake   Chapter 6: Congratulations

    "Is this still available?"Pinasadahan ko ng tingin ang diamond necklace na ibibigay ko para sa nalalapit na birthday ni Mommy. Next month pa naman ang birthday niya pero gusto ko na siyang bilhan ng regalo."Yes, ma'am." The lady smiled at me and I was shocked because she just smiled. I mean—-lahat sila ay galit at nandidiri sa akin pero ang babaeng ito ay ngumiti?"A-ah. I want to buy this one." I pointed my index finger on the necklace I wanna buy.She smiled again sweetly. "Sure, ma'am." Natulala na lang ako sa kanya nang kinindatan niya ako. What was that for?Pinagmasdan ko ang sales lady na inaasikaso ang napili kong diamond necklace. Ramdam ko ang titig sa akin ng mga tao pero ipinagsawalang bahala ko na lan

    Last Updated : 2021-03-18
  • One Best Mistake   Chapter 7: Don’t Try Me

    Nagising ako dahil sa walang katapusang pagtunog ng cellphone ko. Inaantok kong kinusot ang mga mata ko at kinuha ang phone ko. "Mom? Why?" I asked my mother as I looked at my wall clock. It's 6 in the morning."Goodness, Kae!" I got up because of my Mom's voice. It was cracking. Ano na naman bang nangyari?"Mom, what happened?" Nakakunot-noong tanong ko."Anak, kumakalat ulit ang... Goodness! How should I say this?" ilang sandali siyang natahimik at hindi ako makapagsalita dahil kinakabahan ako. "Kae, your n-nudes..."Pakiramdam ko ay nabuhusan ako ng malamig na tubig. N-nudes? Wala akong nude photo! My God! Sinong nagpakalat no'n? Totoo bang sa akin 'yon? My Goodness!"Mom! That's not mine! Wala po akong nude pho---"

    Last Updated : 2021-03-18
  • One Best Mistake   Chapter 8: Deal

    Sunod-sunod ang pagmumura ko nang maalala ko ang mukha ni Mr. Delavergne. I hit his car! Kaya pala pamilyar siya kagabi dahil siya rin 'yong lalaking nabunggo ko.The world is indeed a small place, huh?But my decision is final. Wala akong pakialam kung sino siya basta gusto kong gumanti. Gusto kong mang-iwan, gusto kong iparamdam sa iba 'yong pinaramdam sa akin.Hindi ko alam. Hindi ko na yata kilala ang sarili ko. Hindi ko gawain ang maghiganti pero ano itong nasa isip ko? I badly want to take revenge. Palaging ako ang naiiwan."Rogue Jeremiah Delavergne!"I smiled at him but he didn't do the same. Kumaway ako sa kanya pero walang gana niya lang akong tiningnan. I'm here

    Last Updated : 2021-03-18
  • One Best Mistake   Chapter 9: Death

    "What do you want?"Naiirita ang mga mata niyang nakatingin sa akin. His forehead creased as I smirked. Natatawa ako dahil ramdam ko ang pagkairita niya sa akin."Your attention... and you..." I fold my arms across my chest, waiting for his response."Are you that desperate?" sumeryoso ang mukha niya."Why? Do you have a girlfriend?" I asked out of nowhere. Bakit naman napunta sa ganitong tanong, Kae?My forehead creased because he just walked away. He didn't even give me an answer to my question. Ang hirap naman kausapin nito. Meron at wala lang naman ang sagot tapos tinalikuran agad ako?"Yah!" (Hoy!) I shouted while following him.

    Last Updated : 2021-03-18
  • One Best Mistake   Chapter 10: Deal

    Death? How could he say that in front of my face? Mr. Delavergne, who are you really?—No. What are you? You're scaring the shit out of me.Pero nandito na ako, e. Hindi naman ganoon kasama si Rogue para patayin ako nang wala naman akong ginagawang masama sa kanya 'di ba? Right.I brushed my hair using my fingers when I saw Dabria walking towards me. She was holding an iPad and I wonder what she's thinking right now.She sat beside me as she came closer to me. "You know what," she bit her lips and looked at the ceiling. She's really thinking of something."What?" I asked.She suddenly looked at me and the corner of her lips went up. "Aish!" sigaw niya at pinadyak ang i

    Last Updated : 2021-03-18
  • One Best Mistake   Chapter 11: You

    "Nasaan ka na ba, Kae?"Inayos ko ang earpiece sa tainga ko habang nagmamaneho. "Malapit na ako. Is he still there?" Tanong ko at kumanan."Yeah."Pinutol ko na ang linya. Sino ba kasing naghihintay sa akin sa bahay? Curiosity is killing me right now.Tinodo ko na ang speed. Mabuti at mabilis akong nakarating sa bahay. Pagbaba ko sa kotse ay nakita ko ang isa pang kotseng nakaparada. Binilisan ko na ang paglalakad papasok sa bahay."Dabri—"My jaw dropped when I saw a familiar face in front of me. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa galit. "Get out." The first word I said to him when I saw his fac

    Last Updated : 2021-03-18
  • One Best Mistake   Chapter 12: I’m Here

    "You, Yzobelle."I suddenly stopped laughing because my jaw dropped. Kumurap-kurap ang mata ko at parang lalabas ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito. What did he just say?"You... what's your happiness?"Natauhan ako bigla nang marinig ko ulit ang seryosong boses niya. Seryoso siyang nakatingin sa akin na para bang hinhintay ang sagot ko. Napalunok ako.I thought—nevermind."Uhm," I faked my cough. Kinapa ko na ang sagot ko bago pa ako tuluyang matulala sa kaperpektuhan ng mukha niya."My Mom's happiness is also my happiness, Mr. Delavergne." I said and looked away."You really love your Mom?" He asked. Teka nga.

    Last Updated : 2021-03-18
  • One Best Mistake   Chapter 13: Cold

    I don't know but I can't speak. I was stunned. Tulala akong nakatingin sa bewang niyang dumudugo. Dumudugo... patuloy na dumudugo.Muli ko na lang ipinikit ang mga mata ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. What's happening right now? Sino ang mga humahabol sa amin?Humigpit ang hawak ko sa seatbelt dahil mas naramdaman ko ang pagbilis ng sinasakyan ko. Hindi pa naman ako mamamatay, 'di ba?Makalipas yata ang kalahating oras ay tumigil na ang kotse. Hindi ko maidilat ang mga mata ko dahil kinakabahan ako. Natatakot ako sa mga oras na 'to."Open your eyes."I bit down my lip. I took a deep breath and opened my e

    Last Updated : 2021-03-18

Latest chapter

  • One Best Mistake   Epilogue

    "Fuck!"I gripped my head because of what's happening right now. "Who's this?" I asked Parker. He was busy with something."Sino? Ah, 'yan? Si Mikaela Luxury. Artista 'yan, e. Bakit 'di mo kilala?"My eyes widened and looked again at my phone. She's trending. She's in the news and I know that I was the man in her scandal."Fuckshit," I cursed.I don't know what to do. Should I tell her that I was with her last night?"No! Fucking no!" I shook my head. "Princess would get mad if I—wait. What do I care?" my forehead creased. "Whatever! She left me and went with another man!" I said in a frustrated ton

  • One Best Mistake   Chapter 45: Happiness

    "Ross!"Hingal na hingal na ako kakahabol sa kaniya. Ang tigas talaga ng ulo. "Come here, little boy!"Napatigil siya dahil sa tinawag ko sa kaniya at masama akong tiningnan. "Ma, I'm a big boy!" napangiti na lang ako."Fine. Come here, big boy!" hinihingal ko pa rin na sabi.He's just 10 years old but he acts like he's 18 years old."Ma, I don't want to study. Please." Pagod nitong sambit."Ross, you need to study. Come here! I'll drive you to your school," hinawakan ko na ang kamay niya kaya wala na siyang nagawa."Transfer na naman k

  • One Best Mistake   Chapter 44: Thank You

    Pagkatapos mag beach ay niyaya ako ni Rogue umalis. Saan niya kaya ako dadalhin?Pinagsuot niya pa ako ng dress. Mukhang pormal na lugar ang pupuntahan namin. He's wearing a black long sleeve polo while I'm wearing a white formal dress.Tahimik kami sa byahe kaya naisipan kong buksan ang stereo at ang kanta ay Passenger Seat by Stephen Speaks.What is this? Bakit pamilyar 'to? Bakit parang nangyari na 'to?Nakakunot lang ang noo ko habang nakatingin sa labas. Pamilyar ang kanta na 'to... parang nangyari na talaga ang tagpong ito.Napahawak ako sa ulo ko nang sumakit ito."Hey, are you okay?" tinabi ni Rog

  • One Best Mistake   Chapter 43: I’ll Be With You

    WARNING: R-18. Read at your own risk.—"Let's swim, Kae!"Pilit akong hinahatak ni Lyca pero tumatanggi ako. Hindi ko naman kasi alam kung marunong ba ako lumangoy o hindi."M-mamaya na lang," nahihiyang sagot ko."Bakit? Ayaw mo ba? Ang ganda ng dagat, oh!" excited na sabi niya at muli akong hinatak."Mamaya na lang, Lyca," sambit ko pero hinatak niya pa rin ako hanggang sa nakarating na kami sa dagat. Napabuntong-hininga ako.Hanggang tuhod ko pa lang ang tubig. Tahimik na nag fofloating si Justine habang nag haharutan si Sam, Lyca at Lennox. Parang mga bata.

  • One Best Mistake   Chapter 42: You’ll Be Safe Here

    Nakakailang.Kung kausapin nila ako, para bang kilalang-kilala nila ako.Hindi ko alam kung paano sila tutugunan dahil hindi ko sila kilala."Don't worry, Kae. We'll help you," sabi ng lalaking madaldal."Sabi naman ng Doctor, temporary amnesia lang 'yan. Fighting, Kae!" sabi ng mestiza."Yeah, don't worry." Sabi naman ng babaeng morena.Mahina akong napabuntong-hininga. Sumandal ako sa sofa at pinagmasdan ang lalaking sinasabi nilang boyfriend ko. Nasa harapan ko siya at seryoso lang na nakatingin sa akin na para bang pinag-aaralan ang mukha ko.In fairness, gwapo siya. He looks like an international model. Girlfriend niya ba talaga ako?"Paano natin siya tutulungan kung nagtititigan lang kayo?" sabat ng lalaking tahimik na kanina pa naglala

  • One Best Mistake   Chapter 41: I Don’t Know

    "Let's get married after this battle,"Napatingin ako sa kamay niya nang hinawakan niya ang kamay ko. Siya na talaga ang pang habang buhay ko.Kakabati lang namin kanina, at ito na agad ang sinabi niya."Yes, Rogue. Let's get married. Let's do that." I said and smiled.Masarap ang luto ni Lennox. Akala ko puro katarantaduhan na lang ang alam niyang gawin pero may pagka-romantiko rin pala siya."I love you, Yzobelle. Forever."Mas lalo akong napangiti."I love you, too, Rogue. Forever."

  • One Best Mistake   Chapter 40: Break the Rules

    "Ganito kasi 'yan,"Biglang tumayo si Lyca, Samantha at Justine. "Hays! Walang kwenta 'yan," ani Lyca at pumasok na sa kwarto."Stand up, Kae. Don't waste your time." Ani Sam at hinatak ako patayo.Hindi na nagsalita si Justine at pumasok na lang. "Teka lang, baka maganda ang sasabihin niya." Sabi ko at tiningnan pa si Lennox."You'll regret hearing his advice. C'mon." Hinila pa ako ni Sam pero umiling ako."Ano 'yon, Lennox?" tanong ko."Give him a roses. Gusto ng mga lalaki na binibigyan sila ng rosas, e. Tapos sayawan mo, sexy dan—""WHO DO I NEED TO HEAR THIS? MY EARS!" binitawan ako ni Sam at pumasok na sa kwartong pinasukan ni Lyca.Napatingin ako

  • One Best Mistake   Chapter 39: We Will Fight

    I lost my child on my own birthday."I'm sorry..."Nakatulala lang ako.Traumatized.Wala akong maramdaman kundi sakit.Nasasaktan ako pero wala nang luhang bumabagsak mula sa mata ko."Baby, I'm sorry." He tried to hold me so I spoke. "Don't touch me." Nakatulalang sambit ko sa kawalan.Hindi ako galit sa kaniya. Nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko naprotektahan ang anak namin. Hinding-hindi ako magagalit sa kaniya dahil kung nandoon siya, alam kong gagawin niya ang lahat maprotektahan lang kami. Pero noong mga oras na 'yon, ako ang nando'n. Ako ang dapat nag protekta.Ngayon, hiyang-hiya ako kay Rogue. W

  • One Best Mistake   Chapter 38: Tragedy

    Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Naguguluhan ako. Ang daming nangyari. Nakakapanghina ang lahat.My whole life was a lie.Nagalit ako kay Daddy dahil akala ko tinalikuran na niya kami ni Mommy pero lumayo lang siya sa amin para protektahan kami dahil pinagbabantaan ni Charlotte ang buhay namin.And now, he's lying on his bed... fighting for his life.Charlotte Verezo ruined my life, she ruined my family... she ruined our lives. Lahat ng pagmamalupit ni Dad ay arte niya lang dahil mas pipiliin niyang masaktan kami ni Mommy kesa tuluyang patayin.Kaya pala, kaya pala galit na galit si Mommy nang malaman niyang ipapakulong ko si Daddy. Alam

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status