"Hell, no!" malakas na sigaw ni Keith sa kapatid na si Blake Kent. Gusto nitong siya ang mag-ayos ng problema sa isang branch ng hotel nila sa Dubai.
Isang taon na, simula ng mag-merge ang Hotel de Astin sa Hernandez Group of Companies. Isa lamang sa nadagdag sa business nila ang hotel at casino. Halos lahat na yata ng business ay pinasok na nila.
"Dammit, Keith! Dalawang buwan lang ang hinihingi ko sa'yo! Hindi ko puwedeng pabayaan ang asawa ko na manganak ulit, na wala ako. Wala ako sa tabi niya nang ipanganak niya si Astin. Kaya sana maintindihan mo na gusto kong bumawi sa kan'ya sa ikalawang pagkakataon," may himig na pagmamakaawa ng kuya niya sa kaniya.
"Eh, 'di ako na lang ang magbabantay kay Kendra sa ngayon-"
"Fuck! Hanggang ngayon ba umaasa ka kay Kendra? Asawa ko na siya, Keith. Asawa ko na. Hindi ka mahal ng asawa ko, kaya nga hindi ka niya pinakasalan. Dahil ako ang mahal niya. Kaya tigilan mo na ang pag-iilusyon mo na 'yan! Marami pang babae d' yan. 'Wag mong isentro ang buhay mo sa asawa ko. Sa tingin mo ba matutuwa si Kendra kapag nalaman niya na hindi mo pa pala kmi tanggap? Hanggang kailan ka aasa, Keith? Kailangan mong mag-move-on. Malay mo sa Dubai mo makikilala ang babaeng para sayo. Tanggapin mo ng wala na kayong pag-asa ng asawa ko."
Natahimik siya sa sinabi ng kapatid, kasabay no' n ang pagkuyom niya ng kamao. Gusto niyang sagutin ang kapatid .
Oo, hanggang ngayon, si Kendra pa rin ang mahal niya. Umaasa pa rin siya. Anong magagawa niya kung tinamaan talaga siya kay Kendra. Siya ang unang nakilala nito, hindi ang kuya niya. Kaya dapat sa kan' ya lang si Kendra. Pero tama ang kapatid. Kailangan niyang mag-move-on.
Akmang aalis siya nang hawakan ng kuya niya ang braso niya.
"Please?" anitong nagmamakaawa.
"Pag-iisipan ko, kuya." Pinalis niya ang kamay nito at dali-daling naglakad paakyat ng hagdan.
Magdamag na pinag-isipan ni Keith ang pinag-usapan nila ng kapatid. Tatlong buwan ang pahinga nila ngayon ng kabanda. Kakabalik lang nila mula sa Thailand. Tatlong linggo ang inilagi nila doon. Ang buong akala niya makakapagpahinga siya. Hindi pala. Dahil heto, gusto ng kapatid na siya ang pumunta ng Dubai. Sinabi na ito ng ina at ama sa kan'ya. Hindi siya pumapayag.
Nag-research siya kung may ibang pagkaka-abalahan ba sa Dubai. Mukha namang maganda ang mga pasyalan. Tatlong araw lang silang namalagi sa Dubai noon para tumugtog sa mga high-end na hotel at bar doon.
Tuwang-tuwa ang kapatid nang sabihin niyang pumapayag siya. Maging ang magulang ay ganoon din. Ito ang pangalawang beses na magtatrabaho siya ng matagal sa kompanya nila.
Kaagad na nagpa-book ang kapatid ng ticket niya papuntang Dubai. Wala itong sinayang na oras, talagang kailangan na niyang umalis para matapos din kaagad.
*Note:
Ito na po ang hinihintay ng iba hehe, ang kuwento ni Keith Hernandez, na kapatid ni Blake Kent ng My Secretary Owns Me.
Mabilis na naligo si Thea para pumasok ng opisina. Inayos niya din ang mga babauning damit at pagkain. Pagkatapos kasi ng siyam na oras sa opisina, nagpa-partime cleaner din siya. Gusto niyang makaipon, para makabili siya ng sariling bahay. Para hindi na siya hamakin ng ina. Hindi pa sapat ang naipon niya. Nagde-deposit pa rin naman siya sa account ng magulang, bilang suporta sa mga ito. Kahit alam niyang may pera ang mga ito, galing sa sustento ng mga kapatid.Sa kabutihang palad, sinuwerte naman siya sa abroad. Ikalawang taon na niya dito sa Dubai ngayon.Yes, isa siyang OFW dito sa Dubai. Dahil lang naman sa kaibigan niyang si Vina kaya siya narito ngayon. At ang magulang niya ang naging dahilan kung bakit siya napapayag ng kaibigan na magtrabaho dito.Graduate siya ng BS Tourism, pero wala siya sa sariling field. Nasa isang construction firm siya ngayon nagtatrabaho bilang office staff. Pagkatapos ng graduation niya, nag-apply naman siya sa Pilipinas. Kaso hindi siya pinalad na ma
Natampal ni Thea ang dibdib pagkaalis ni KH sa ibabaw niya. Hindi pa siya maka-get-over sa ginawa nito. Hanggang ngayon, nag-aalburuto pa rin ang dibdib niya. Ang lakas-lakas ng kabog talaga.Sa kisame lang siya nakatingin. Dinig na dinig niya ang sunod-sunod na paghinga ng binata sa tabi niya."What's your name?" tanong nito sa kaniya.Napalingon siya sa binata. Sa kisame din pala ito nakatingin.Bumangon siya kapagkuwan. Sinundan siya nito ng tingin kaya nahigit na niya ang comforter na nakalaylay sa sahig. Ibinalot niya iyon sa sarili."Thea po," magalang na sagot niya habang pinupulot ang bag na nasa sahig din."Thea..." Ulit nito habang hindi inaalis ang tingin sa kan'ya."Pasens'ya na po kayo, akala ko po kasi walang tao ngayon dito. Ako nga po pala ang maglilinis ngayong gabi dito. Sige po," nahihiyang sabi niya at lumabas ng silid na balot pa rin ang katawan ng comforter.Sinabunutan niya ang sarili nang makalabas na ng silid nito. Hindi niya akalaing doon pala ang inoukupang
Napaayos si Thea ng tayo nang bumukas ang silid ni KH. May damit na ito."Sayang," bulong niya."Do you cook?" tanong nito sa kan'ya kapagkuwan. Palapit ito sa kinatatayuan niya.Napakunot-noo siya sa tanong nito. Bakit ba nito natanong iyon? H'wag nitong sabihing ipagluluto niya ito, imbes na ipaglinis ito?"Bakit po?" balik-tanong niya dito."Ako ang unang nagtanong, Miss Contreras. Yes or no lang ang sagot," anang binata sa masungit na himig.Napaawang siya ng labi. Hindi niya pinansin ang pagsusungit nito. Mas interesado siya sa kung paano nito nalaman ang apelyido niya."P-po?""Damn!" bulong nito pero dinig niya pa rin. "Marunong ka bang magluto?""O-opo," sa wakas ay nasagot niya."Good. You're hired," anito at iniwan siya.Natigilan siya saglit. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Anong hired ang pinagsasabi nito?Naguguluhang sinundan niya ito. Patungo ito ng kusina.Nang makarating ito ng kusina, nilingon siya nito. Akmang ibubuka nito ang labi para magsalita nang un
Tatlong araw na mula ng mangyari ang mainit na tagpong iyon sa pagitan nila ni Keith. Hiyang-hiya siya pagkatapos. Hindi man lang siya kumontra, bagkos ay tinugon ito. Ngayon niya lang napagtantong, sobrang rupok niya pala. Bakit kasi ganoon ang epekto ng binata sa kan'ya? Kontrol-kontrol din, 'pag may time! ani ng isang tinig sa isip niya.Pagkagaling sa opisina, dume-derecho na siya sa HDA. Inaabala niya ang sarili sa paglilinis sa tuwing lumalabas ng silid ang binata. Hindi naman niya totally maiwasan ito dahil amo pa rin naman niya. Panay ang utos nito sa kan'ya, kahit wala namang kuwenta ang mga pinapagawa nito.Puro mabibilis lutuin ang iniluluto niya. Kung kumakain man sila ng sabay, hindi niya ito kinakausap at binibilisan din niya ang pagkain. Kailangan, siya ang umiwas. Siya ang dapat kumontrol. Napatingin siya sa gawi ng sala nang makarinig ng pag-strum ng gitara. Malapit na siyang matapos sa niluluto. Napangiti siya nang marinig ang sunod-sunod na pag-tugtog nito. Pamil
Napangiti si Thea nang makitang nag-aayos na ang ibang katrabaho, para umuwi. Hindi niya pinahalata kay Clark na excited siyang mag-out ng opisina. Sabi niya kasi dito, wala siyang gusto kay Keith. At, alam na kasi nito, na nagtatrabaho siya sa gabi, bilang cook ng binata. Nakailang tanong pa ito kung wala ba talaga siyang gusto dito. Gusto lang talaga niyang panindigan ang sinabing, wala siyang gusto kay Keith. Natawa siya sa sarili nang maalala ang sarili kanina, hindi pa man time ng uwian ay panay na ang tingin niya sa orasan. Ilang beses pa siyang nagdasal na sana bumilis ang oras. Excited lang siyang makita ang binata at kung ano na naman ang gagawin nito. Parang gusto niyang matawa sa sarili. Para siyang teenager, hindi mawala-wala ang kilig. Kasi hanggang ngayon di mawala-wala sa isip niya ang ginawa ni Keith sa kan'ya. Una, tinawag siyang baby nito. Pangalawa ay hinalikan siya sa labi, at sa public pa. Pakiramdam niya, siya, ang pinaka-magandang babae ng mga sandaling iyon.
PANAY ANG TINGIN ni Keith kay Thea habang nagmamaneho. Ano ba ang naisip nito at uminom ng ganoon karami? Hindi naman pala kaya, iinom-inom. Paano kung pagsamantalahan ito ng iba doon? Napailing na lang siya. Pinuntahan niya ito sa apartment nito pero wala ito doon. Tinawagan pa niya isa-isa ang binigay ni Zoe na mga numero, na posibleng kasama ng dalaga. Si Clark lang ang sumagot sa mga ito. Pinuntahan niya kaagad ang bar na sinabi nito.Maingat na binuhat niya ang dalaga hanggang sa penthouse. Akmang ilalapag niya ito sa kama niya nang maupo ito. Mukhang nasusuka, kaya binuhat niya ito ulit. Hindi pa man siya nakakarating ng banyo ng magsuka na nga ang dalaga."God, Thea!" inis na sambit niya dito. Nadamay kasi ang damit niya, sinukahan nito. "You'll pay for this!" gigil na bulong niya.Napatingin siya sa dalaga nang sumagot ito ng, hmmn. Napailing siya bigla."Then, expect when you are sober, baby," masuyong sambit niya at hinalikan ito sa noo sabay tulak sa pintuan ng banyo.Na
Napadaing si Thea nang bigla siyang bumaling. Kasabay niyon ang pagmulat niya ng mata. Napatingin siya sa katabi. Natampal niya bigla ang sarili nang maalala ang nangyari sa kanila ni Keith. Ngayon lang rumagasa ang takot sa dibd*b niya. Wala namang kasiguruhan sa kanila ni Keith. Sinabunutan pa niya ang buhok ng ilang beses bago tumayo ng kama. Tulog na tulog ang binata. Kaagad na hinanap niya ang bag niya. Hindi siya umaalis ng apartment na walang extra, mula sa panloob hanggang sa damit. Napangiwi siya nang sumakit ang maselang bahagi niya ng masagi ng panty niya. Mas lalo na ng isuot ang leggings. Tinapunan niya ng tingin ang binata. Ganito pala ang pakiramdam na ma-divirginize, sarap sa una tapos sakit sa huli. Partida, pinagpala ang pa adonis na nakahiga sa malaking kama. Gumalaw si Keith kaya nagmadali siyang lumabas ng silid. Napatingin siya sa wallclock. Alas-kuwatro na pala ng umaga. Ano na lang ang sasabihin ng kan'yang mga kasamahan sa apartment. Kung saan-saan siya n
Excited na lumabas ng opisina si Thea. Nagtext na kasi si Keith, na nasa baba na ito at naghihintay sa kan'ya. Parang mapupunit na ang bibig niya kaka-smile. Hanggang ngayon kasi hindi siya makapaniwala na nobyo na niya ito. Nangako pa ito sa kan'ya na iimbitahin siya nito sa concert ng banda nito. Kaso mga tatlong buwan pa. May ticket na nga siya. Halos tatlong linggo na rin pala niyang kilala ang binata ng personal. At hindi lang basta kilala, nobyo na niya ito. Naka-dalawang linggo na rin sila.Nakaramdam siya ng lungkot ng maalalang isang buwan na lang ito dito sa dubai."Baby..."Napapitlag siya nang marinig ang boses ni Keith. Palapit na ito sa kan'ya. Hinapit siya nito kapagkuwan at mabilis na hinalikan sa labi."Madami ka bang ginawa? Mukhang biyernes santo ang mukha mo, eh." Sabay pa pisil ng pisngi niya."May naalala lang," sabi niya."Like?""Nothing. Saka na natin pag-usapan. Tara na, baka nagugutom ka na." Yakag niya sa nobyo."Okay, sabi mo, eh!" Inabot nito ang kamay ni
NAPATINGIN SIYA SA main door ng simabahan. Unti-unting binubuksan iyon. Namumuo na ang mga pawis sa noo niya, maging sa leeg. So, ganito pala talaga ang nararamdamn ng mga lalaking ikinakasal sa babaeng mahal? Grabe, sobrang nakakakaba. Hindi mo alam kung sisiputin ka ba o hindi. Though, alam niyang sisiputin siya ng asawa dahil kasal na sila. Nagpakawala siya ng hininga para pakalmahin ang sarili kasabay ng pagpunas ng pawis, na tumutulo na pala. Bumungad sa kan’ya ang liwanag. Hindi niya makita ang asawa kaya kinabahan siya. Kanina pa siya napapraning kahit hindi pa nagsisimula. Paano kung iwan ulit siya ng asawa kagaya ng ginawa nito? Tinampal niya ang dibdib kapagkuwan. Pakiramdam niya napakabagal ng mga sandaling iyon. ‘Yong excited ka ng makita ang mahal mo, saka naman binagalan ang oras. Ibinalik niya ang tingin sa pintuan ng sinimulang kantahin ni Kendra ang Destiny ni Jim Brickman. Hindi niya kilala ang magiging ka-duet ng kaibigan pero ang alam niya, nagtatrabaho iyon
KINABUKASAN, NAGISING SI Thea ng maramdaman ang init na hininga na bumubuga sa pagitan ng hita niya.Napamulat siya at tumingin sa baba niya. Napaawang siya ng labi. Si Keith, na sinasamba siya ng pagka-aga-aga.“Oh God,” hindi niya mapigilang mapa-halinghing ng simulan nitong himudin ang pagkabab*e niya. Awtomatikong napahawak siya sa buhok ng asawa dahil sa sensasyong dulot ng maiinit nitong dila.“Ohhh,” ungol niya. Kasabay niyon ang paggalaw ng mga hita niya.Hindi siya mapakali dahil sa sarap ng nararamdaman niya. Kumapit siya sa bedsheet para kumuha ng supporta.Hindi niya akalaing ganito bumati ang asawa niya sa umaga. Parang gusto niyang sagutin ng, ‘Good morning’ din. Napaliyad siya ng patigasin nito ang dila at nilaru-laro ang kanyang cl*t na lalong nagpainit sa buong katawan niya. Habang ang isang daliri nito ay naglabas-pasok na sa loob niya.Masyado namang ginagalingan ng asawa niya kaya liyong-liyo na siya. Hindi na niya alam kung saan babaling ng mga sandaling iyon.“
HINDI NA SIYA pinauwi ni Keith nang gabing iyon. Lahat ng gamit nila ay pinalipat na nito sa bahay nito. Hindi, sa bahay daw nila.Natulog siya sa tabi ng anak pero nagising siya na nasa tabi ng asawa. Paniguradong binuhat siya nito papunta sa silid nito. Yakap-yakap siya ng asawa nito. Akala mo naman aalis siya.Maaga siyang naligo dahil araw ng check-up niya ngayon. Baka mamaya naghihintay na sa kan'ya si Zoe.Magluluto sana siya nang mapansing meron na palang nakahain. Pumasok na lang siya sa silid ng anak.Nadatnan niya si Yaya na hinahawi ang malaking kurtina."Magandang umaga, Ate buntis.""Magandang umaga din." Nginitian niya ito kapagkuwan."Hindi daw makakapunta si Zoe,"Napakunot-noo siya sa sinabi nito. "Bakit? Sabi niya-""Si Sir Keith na lang daw po isama niyo.""So, pinagkaisahan niyo ako? Alam niyong si Keith-""Yaya,"Sabay silang napalingon ni Esang nang tawagin ito. Si Keith iyon. Gulo pa ang buhok nito pero hindi naman kabawasan ng kaguwapuhan nito. Narinig niyang s
KEITH'S POV...Nakailang silip sa Keith sa upuan kung saan dapat nakaupo ang asawa. Wala pa rin hanggang ngayon. Sinasadya na nga niyang ipa-delay ng kaunti ang simula ng concert. Kompleto na rin ang mga guests nila.Hinigit niya ang telepono niya para tawagan sana ito. Napakunot-noo siya ng nabasa ang mga mensahe nito."F*ck!" Bakit ba niya nakalimutang sunduin ang asawa sa labas? Hinintay siya ng asawa. Hinintay!Pinatawag niya ang coordinator ng event na iyon. Nanlumo siya ng sabihin nitong nagmadaling umalis ang asawa pagkatapos makita nito siya at si Miles, na inaalalayan ang huli na naupo.Na-check niya din ang CCTV. Totoo nga.Hindi naman kasi niya akalaing darating si Miles at magulang nila Thea. Naging abala siya kaka-entertain sa mga ito, samantalang, ang asawa ay matamang naghihintay. Tapos nakita pa nito sila ni Miles. Alam niya ang nasa isip ng asawa.Kahit hindi na bumalik ang asawa niya, nasabi pa rin niya ang matagal na niyang gustong sabihin sa madla. Na kasal siya sa
3 months later..."MISS D, MAGKANO ka kaya kapag binili?" Napatingin si Thea kay Tonton na noo'y nasa labas ng tindahan."Oo nga, Miss D para mapag-ipunan ko rin," ani rin ni Kiko na nasa upuan."Hoy, tigil-tigilan niyo si buntis!" sigaw ni Esang na kakapasok lang ng tindahan. Karga nito si Thor."Trillion, kaya niyo?" biro niya sa mga ito."Grabe! 3n1 na kape na nga lang d'yan. 'Yong twin pack, ha. Paki-lista na lang muna, Miss D. Wala pang pasahod si boss, eh." Nagkamot pa ito sa ulo.Bigla siyang natawa sa binata. Uutang lang naman pala ang dami pa'ng kuda.Pagkabigay niya ng kape ay nahiga siya sa duyan na nasa loob ng tindahan."Salamat, Miss D., hulog ka talaga ng langit!" nakangiting wika ni Tonton sa kan'ya. Tinanguhan niya lang ito."Hulog kasi tayo ng impiyerno," sabat ni Kiko na ikinatawa niya."Gag* ikaw lang. Hulog ako ng lupa," ani ni Tonton na binatukan pa ang kaibigan."Tingnan mo, tatanung-tanong kayo ng halaga ni Dorothy tapos ni pambili ng kape, wala kayo? Hay naku
NAPATIGIL SI THEA sa pagtayo mula sa kama nang maulalingan ang boses ng asawa sa veranda. Galit na naman ito. Kung hindi siya nagkakamali kausap nito ang ina.Nagpakawala siya ng buntong-hininga bago pumasok ng banyo. Tapos na siyang maligo pero nauulalingan niya pa rin ang asawa na may kausap. Mukhang hindi na iyon ang ina nito.Lumabas siya at tinungo ang silid ng anak. Naglalaro ito. Panaka-naka ang tingin nito sa TV na bukas. Ngumiti sa kan'ya ang yaya ng makita siya nito. Sinenyasan niya itong 'wag maingay dahil tumatawa ang anak.Nilapitan niya ito kapagkuwan. Hindi rin siya nakatiis dahil ang ganda ng tawa nito. Pinupog niya ito ng halik sa sobrang gigil. Pinagpapalo siya nito sa mukha dahil hindi ito makapanuod ng maayos.Hanggang sa paglabas ng silid ng anak ay dala-dala niya ang ngiti. Natigilan siya ng makita ang asawa, na lumabas mula sa malawak na verranda. Nagmamadaling pumasok ito sa silid nila. Pagpasok niya, nasa closet ito at naghahanap ng masusuot.“Aalis ka?” tanon
NAPALINGON SI THEA sa pinto nang bumukas iyon. Gumuhit ang ngiti sa labi niya nang makita ang asawa. Mukhang kulang ito sa tulog. Parang stress na stress din. Akala mo galing sa labanan. Gulong-gulo din ang buhok nito."K-kumusta si Miles?""I don't know if she's okay. Nainis ako. Iniwan ko na sila. Punong-puno na ako! I hate my parents! I hate them! Damn it!" Halata sa mukha ang galit nito.Kailangan nitong kumalma. Hindi siya magaling sa bagay na iyon pero susubukan niya.Marahas itong bumuntong-hininga saka naghubad sa harap niya.Nilapitan niya ito at ikinulong ang mukha nito sa mga palad niya.Tumitig ito sa kan'ya. Kita pa rin ang galit sa mga mata nito. Nginitian niya ito ng matamis. Mayamaya ay kumalma ang mga mata nito maging ang katawan na medyo nangiginig na pala sa galit."Relax, okay? Maligo ka muna para mawala ang init ng ulo mo. Mamaya na tayo mag-usap. I'll listen. Promise. We'll sort it out," kalmadong sambit niya.Tumangu-tango ito kapagkuwan sa kan'ya."Ipapainit ko
NAGMAMADALING LUMABAS SI Keith para tingnan ang istorbong bwisita niya. Ngayon pa nga lang siya bumabawi sa asawa niya tapos iistorbohin sila ng ganun-gano' n lang?Napaawang siya ng labi nang makita ang kapatid na si Blake Kent at Kendra na nakaupo sa sofa. Katapat ng mga ito si Caleb, at ang asawa nito. Naroon din ang mag-asawang Sebastian at Nikki.Si Caleb at Sebastian ay kababata at best friend ng kuya niya, na kalauna'y naging kaibigan niya din.Napatingin siya sa asawa ng kapatid niya, kay Kendra. Kinapa niya ang sariling damdamin para dito. Wala na siyang maramdamang kakaibang kabog.Hindi kagaya ng asawa niya, boses pa lang nito lumalakas na ang tibok ng puso niya. Hindi rin ito nawala sa isipan niya kahit ilang taon silang hindi nagkita. Minu-minuto gusto niyang makita.Si Kendra naman noon, ilang beses niya lang nakikita noon. Namimiss niya pero hindi ganoon katindi sa asawa niya. Kapag umuuwi lang siya galing sa kung saang lupalop ng mundo nakikita ito, hindi siya masyadon
"KEITH..." ANAS NIYA nang maramdaman ang kamay nito sa loob ng shirt niya."Yes, Baby?" nang-aakit nitong tingin sabay pikit ng mga mata. Dinadama nito ang tayong-tayo niyang bundok. Pinisil pa nito kaya medyo napadaing siya."M-mahal pa rin kita," sa wakas ay nasabi niya.Natigilan ito saglit pero bumawi din agad. Siya naman ang natigilan nang paulanan nito ng halik ang labi niya maging ang mukha niya."I know, baby. Gusto ko lang marinig mula sa labi mo. Hmmn." Kinagat pa nito ng bahagya ang ibabang labi niya. "And, I missed you're f*cking lips, too, Thea.""T-totoo ba ang sinabi mo kanina?" nauutal niyang tanong. Natigilan ulit ito sa pagdama ng kaliwang dibdib niya."Alin? 'Yong mahal kita?"Marahan siyang tumango.Hindi ito sumagot. Mayamaya ay naramdaman niya ang kamay nitong pilit na pumapasok sa panty niya.Napahawak siya sa balikat ng asawa nang maramdaman ang init ng palad nitong dumadampi sa balat niya, and it turns her on."Hindi ka ba naniniwala?" sagot nito habang naglul