“GOOD morning,” bati ni Jacob sa asawa nang dumulog ito sa hapag kinaumagahan.Bumalik na ulit sa dati ang lahat. Sa pagitan nilang mag-asawa matapos ang nangyari noong nagdaang araw. He decided to let it slide just like what his wife wished. Subalit titigil lang si Jacob sa harap ni Adelyn. Wala sa bokabularyo niya ang basta na lang isuko ang laban na iyon sa mga kapamilya nito.“Hindi ka ba papasok sa trabaho?” tanong ni Adelyn sa kanya habang nagpapalaman ng tinapay.“Papasok ako.” Naupo siya sa silyang katapatan nito. “Pero pagkatapos nating mag-almusal.”“Baka ma-late ka. Okay lang naman sa akin na kumaing mag-isa.” Sinipat nito ang orasang nakasabit sa dingding ng sala. “Tinanghali pala ako ng gising.”“It’s okay.” Inabot niya ang pisngi nito at bahagyang kinurot iyon. “Gusto ko rin naman na makasalo ka sa agahan. Madalas kang busy sa trabaho sa gabi. Oh, I suddenly remember na may utang pa nga pala ako sa iyong dinner date.”“I-save mo na lang ang dinner date na iyon para sa wed
ISINAMA ni Lilibeth si Jacob sa isang stall ng luxury items sa mall matapos ng working hours nila sa opisina. Dahil hiningi niya ang tulong nito na bumili ng regalo para sa kanyang asawa, hinayaan lang niya ang babae sa kung ano ang mga suhestiyon nito. Jacob ended up purchasing a luxury bag and designer dress for Adelyn. Noong sandaling iyon pa lang ay nakikinita na niya agad kung ano ang magiging hitsura nito kapag sinuot na ang bestidang iyon. Nasisiguro niyang lalo pang lalabas ang kagandahan ng kanyang asawa.“She always looks beautiful anyway,” usal niya habang hawak ang paper bags ng mga pinamili. Balak niyang iwan muna iyon sa mansiyon ng kanyang lolo para doon itago.“I have one more suggestion kung ano pa ang magandang iregalo sa asawa mo,” ani Lilibeth nang makalabas na sila ng stall.Nilingon niya ito.“Ano pa?”“Come, follow me.”Nagpatiuna na si Lilibeth sa kanya at kaagad naman siyang sumunod hanggang sa makarating sila sa isang stall na nagtitinda ng mga alahas. Magiliw
MALAYO pa lang sa gate nagpatay na si Jacob ng makina ng kanyang motor at inakay na lang iyon hanggang sa makarating siya sa kanilang bakuran. Nakabukas nang bahagya ang main door, pero hindi niya natatanaw ang asawa sa sala o sa may dining table kung saan ito madalas pumuwesto tuwing nagtatrabaho sa kanilang bahay. Dahan-dahan siyang pumasok, at noon niya napansin na malinis ang buong kabahayan. Naglinis si Adelyn, at mukhang nauwi iyon sa general cleaning dahil maging ang mga kurtina at punda ng throw pillow ay napalitan na. Sa sobrang busy nilang mag-asawa sa trabaho bibihira iyong mangyari at nagagawa na lang tuwing may espesyal na okasyon.And then he was suddenly reminded about their wedding anniversary. Sa malamang ay iyon ang dahilan ng paglilinis ng kanyang asawa. May binabalak kaya ito? He hoped there was none. May mga plano na siya para sa araw na iyon at hindi naman niya maaaring sabihin dahil baka ma-spoil pa ang surprise niya para rito.“Adelyn?” tawag ni Jacob habang nag
NAG-ANGAT ng tingin si Jacob nang marinig ang pagbukas sara ng pinto ng kanyang opisina. Pumasok ang assistant ng kanyang lolo na si Anton.“Anton,” bati niya rito nang makalapit sa kanyang mesa.Ngumiti si Anton at ibinaba ang isang brown envelope sa ibaba ng kanyang mesa na kaagad naman niyang dinampot at tiningnan ang laman. Naroon na ang kanyang passport na ipinakisuyo niya rito kasama na ang lahat ng mga dokumentong kakailanganin nila ni Adelyn.“Thank you,” he mouthed, putting the envelope inside the drawer.“Nabanggit ko nga pala kay Don Juan ang tungkol dito,” mayamaya ay sabi ni Anton. “Pero huwag kang mag-alala dahil hindi naman nagalit ang lolo mo noong malaman niyang magbabakasyon kayong mag-asawa. Ang totoo nga niyan natuwa pa siya. Iyon nga lang…”“Iyon nga lang?” Napakunot ang kanyang noo.“Gustong sumama ni Don Juan sa cruise.”“Pinigilan mo?”“Hindi ko na rin naman kailangan pang pigilan ang lolo mo dahil ang doctor na mismo ang nagsabi na hindi siya pwedeng mag-aalis
NAPANGITI na lang si Jacob nang maabutan niya ang asawang masayang nag-eempkae ng mga dadalhin nito sa kanilang bakasyon. Pakanta-kanta pa si Adelyn ng paborito nitong love song, kaya naman kahit hindi ito ganoon ka-vocal sa nararamdaman nang sandaling iyon alam niyang masaya ito.Iyon ang unang beses na makakapag-out of town trip silang mag-asawa. Bagay na pangarap nilang gawin noon pagkatapos ng kanilang kasal ngunit hindi na sila nagkaroon po ng pagkakataon at pera para gawin iyon. Sa makatuwid, para silang inalisan ni Adelyn ng karapatang mag-enjoy simula nang ikasal sila dahil wala namang ginawa ang pamilya nito kundi ang maliitin siya at pahirapan. Kung hindi pa dumating si Don Juan sa buhay niya ngayon baka nasa kangkungan pa rin silang mag-asawa. At ang lahat ng iyon ay hindi ganoon kadaling ibaon sa limot. Determinado si Jacob, isang libong beses man niyang ulitin sa sarili. He would get even no matter what it cost.“Kung iyong ipinapanood mo sa akin diyan naghahanda ka na rin
NAGPAIWAN si Adelyn kasama ng babaeng sumalubong sa kanila nang ipasok ni Jacob ang kanilang mga dala-dalahan sa loob ng cabin. Pasimple niyang inobserbahan ang babae. Wala naman siyang balak na kung ano roon. Ang gusto lang niya ay kilatisin ito. Bigla kasing sumagi sa isip niya ang sinabi ni Veronica sa kanya noong tinawagan siya ng dalaga nang araw na nakita nito si Jacob na may kasamang babae. Sa palagay niya si Lilibeth ang tinutukoy nito nang sandaling iyon.“May problema ba, Adelyn?”Napakislot siya nang biglang marinig ang tanong na iyon ni Lilibeth. Mukhang napansin na nito ang ginagawa niyang pagtitig dito.“A-ah…” She took a deep breath and smiled at her. “Wala naman. Meron lang akong biglang naalala.”“Oh.” Gumanti ng ngiti sa kanya si Lilibeth. “So. Gaano na kayo katagal ni Jacob?”Napakunot ang noo niya. Wala namang masama sa pagtatanong nito, pero ewan ba niya kung bakit hindi niya iyon nagustuhan. Gayunman, sinagot pa rin niya ang tanong.“Matagal na rin kami ni Jacob k
NAUPO sina Jacob at Adelyn sa upuang katapatan nina Anton at Lilibeth para saluhan ang mga ito sa pananghalian. Magiliw naman ang naging pagtanggap ng dalawa sa kanyang asawa na labis niyang ikinatuwa, kahit paano ay naibsan ang mga alanganin niya.“Nabanggit sa akin ni Adelyn na naipakilala na raw kayo ni Lilibeth sa isa’t isa,” aniya kay Anton mayamaya.“Ah, yeah,” nakangiti namang tugon ni Anton.“At nabanggit din nila sa akin kung gaano ka kasipag sa opisina.” Bigla siyang napabaling ng tingin sa asawa at natagpuan itong nakatingin na rin sa kanya. “Hindi mo man lang nabanggit sa akin na maganda pala ang posisyon mo sa kumpanya.”Biglang nanlaki ang kanyang mga mata. Ano kaya ang sinabi ng dalawa kay Adelyn kanina? Pero napag-isip-isip ni Jacob na hindi naman siya ilalaglag ng mga ito sa kanyang asawa dahil alam naman ng mga ito ang sitwasyon niya.He cleared his throat afterward.“I—”Naudlot ang sasabihin niya nang biglang ginagap ni Adelyn ang kanyang kamay.“Masaya akong malama
“JACOB—”Natigilan si Adelyn nang sa pagpasok niya sa cabin nilang mag-asawa ay una niyang natanaw ang may kalakihang kahon sa ibabaw ng kama na may katabi pang maliit na kahon. Mayamaya pa ay nagbaling siya ng tingin kay Jacob na noon ay malapad ang ngiti habang namumungay ang mga mata.Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa kama na hindi nag-aalis ng tingin dito. Pinaraanan niya ng mga daliri ang ibabaw ng malaking kahon.“What’re these, Jacob?” tanong niya makalipas ang ilang sandali.“Bakit hindi mo buksan para malaman mo?” her husband countered.Adelyn did what she was told. Slowly, she opened the box. Tumambad sa kanya ang isang bagong sapphire dress. Dinampot niya iyon. Spaghetti strap pa ang napili ng kanyang asawa na may kababaan ang neckline, at ang likod ay may pagka-revealing din. Sunod naman niyang binuksan ang maliit na kahon na naglalaman naman ng pares ng silver stilletos. Kagaya ng dress ay bago rin iyon. Her new pair of sandals and dress were branded.“Jacob… hindi bi
“KUMUSTA ka naman, Marie?” tanong kaagad ni Adelyn sa kaibigan nang dumating ito sa kanilang farmhouse para sa reunion.Mas maaga itong dumating kysa sa iba dahil na rin sinabihan niya ito nang sa ganoon ay may makatulong siya sa pag-aayos.“I’m fine now,” nakangiting tugon nito.Her friend wasn’t lying. Bakas naman sa mukha nito na mas maayos na nga ang lagay nito mula noong huli silang magkita.“I’m glad to hear that.”“Inaayos na namin ang annulment. It’s a bit tough for me and the kids, pero kinakaya ko.”“`Wag kang mag-alala… nandito lang kami para sumuporta sa `yo. Sabihin mo lang kung kailangan mo ng tulong.”“Thank you.”“Halika na sa loob at nang makapag-design na tayo.” Iginiya niya ito papasok sa loob. “At sabi ni Jackielyn on the way na sila ni Caroline, pero hindi na natin sila mahihintay dahil baka magahol na tayo sa oras. Baka mamaya isa-isa nang magdatingan ang iba.”“Pero hindi mo nabanggit sa amin na may ganito kalaking property na pala kayo ng asawa mo,” ani Marie n
NAKATAYO si Adelyn sa harap ng gate ng bahay na ipinamana sa kanya ng lola niyang si Donya Maria. Nakatirik ang bahay na iyon sa isang bahagi ng sampung ektaryang lupain. It was a farm located in Quezon province. May mga nagsasaka roon na tauhan ng kanyang lola isang mag-anak na nagsisilbing caretaker sa lugar.Mayamaya ay lumapit sa kanya si Jacob pagkatapos nitong makausap ang mag-anak na caretaker.“Hey.” He wrapped an arm around her waist. “Nakausap ko na ang mag-anak na caretaker. Sinabi ko na rin sa kanila na wala naman tayong balak na palitan sila.”Nagbaling siya ng tingin dito.“Am I dreaming, Jacob?” Dinala niya ang kamay nito sa kanyang pisngi. “Tampalin mo nga ako.”Ginawa naman nito habang tumatawa ngunit mahina lang iyon.“You still can’t believe it, huh?”“Ang hirap paniwalaan.”Just like that binigyan siya ng ganoong kalaking property ng kanyang lola na walang dahilan. Pero gaya nga ng sabi ng kanyang asawa, kulang pa iyon bilang kabayaran sa lahat ng oportunidad na na
ABALA si Adelyn sa trabaho kaya hindi niya napapansing ilang beses na palang nagba-vibrate ang kanyang cellphone. Kung hindi pa nasabi sa kanya ni Lovely na may tumatawag ay hindi pa niya masasagot iyon.Napakunot ang noo niya nang makitang galing sa isang unknown number ang tawag. Hindi niya sana iyon sasagutin kaya lang ay ilang beses na pala iyong nag-missed call sa kanya nang magkakasunod kaya naisip niya baka mamaya ay may emergency. Hindi tuloy niya naiwasang hindi kabahan.Kinakabog ang dibdib ni Adelyn nang sa wakas ay sagutin niya ang tawag.“Hello, who’s this?” kaagad na tanong niya nang dumamtay ang aparato sa kanyang tenga.“Hi, is this Adelyn Wilson-Cortez?” tanong ng boses lalaki sa kabilang linya. Base sa assessment niya sa timbre ng boses nito, halos kasing edaran ito ng kanyang ama.Mas lalo tuloy kinabog ang dibdib niya.“Y-yes, ako nga. Sino ito at ano ang kailangan mo sa akin?”Sumenyas siya sa mga kasama at lumabas muna ng opisina. Nagtungo si Adelyn sa may fire e
NAGMAMADALI si Jacob na matapos ang mga pinipirmahan niya para makababa na at sabayang kumain ng pananghalian ang kanyang asawa. Subalit kung kailan iilang pahina na lang ang kailangan niyang pirmahan, bigla namang bumukas ang pinto at sinabihan siya ng sekretarya niyang may dumating na bisita.Wala na siyang nagawa nang pumasok doon ang dati niyang kaklaseng si Christine.“O-oh, Christine.” Bigla siyang napatayo. “What are you doing here? Paano mo nalamang dito ako nagtatrabaho?” nakakunot ang noong tanong niya.“Grabe ka naman sa akin, Jacob. What do you think of me? Of course, I did my research.” Hindi pa man niya ito inaanyayahang maupo ay naupo na ito sa visitor’s chair sa harapn ng kanyang mesa. “Siyempre tinanong ko ang closest friends mo kung saan kita matatagpuan. Nabanggit ni Zyrus sa akin na dito ka nagtatrabaho. At nabanggit din pala ni Zyrus na dito na rin pala nagtatrabaho ang asawa mo. I thought doon siya nagtatrabaho sa family firm nila, but it turned out isinama mo na
WALA na ang lola ni Adelyn nang bumalik si Jacob sa sala dala ang tray ng mga inumin at pagkain. Ang kanyang asawa na lang ang naiwan doon, tulala.“Nakaalis na kaagad ang lola mo, hindi man lang umabot itong dala ko.” Ibinaba niya ang tray sa mesita at tinabihan ang asawa. “What happened? Bakit natulala ka na diyan, hmm?”Dahan-dahang nagbaling ng tingin sa kanya si Adelyn.“Jacob…”“Yes?” Dinampot niya ang tasa ng kapeng para sana sa lola nito at humigop.“G-gusto ni Lola na bumalik ako sa firm…”Muntik na niyang maibuga ang iniinom na kape.“What? That’s—”“Pero sinabi niya sa aking hindi ko naman kailangang mag-breach ng contract sa El Nuevo. Since outsource worker pa lang naman ako, ang sabi niya tapusin ko na lang muna ang project at saka ako bumalik.”Jacob heaved a deep sigh.“Pababalikin ka niya sa firm na iyon. Pagkatapos?”Nai-imagine na kaagad niya kung paano na naman ito pahihirapan ni Neil sa oras na bumalik ito sa firm. Nasisiguro rin ni Jacob na hindi nito tatantanan a
ANG nakangiting mukha kaagad ni Jacob ang sumalubong kay Adelyn nang magmulat siya ng mga mata nang umagang iyon. Hindi natupad ang sinabi nitong pipiliting makauwi nang maaga para masabayan siyang maghapunan. Malalim na ang gabi nang dumating ang asawa niya at natutulog na siya noon. Naalimpungatan lang siya nang tumabi si Jacob sa kanya sa kama at ilang sandali lang ang lumipas at nakatulog na uli siya.Idinantay niya ang palad sa pisngi nito.“Hinintay kita kagabi, pero hindi ka naman dumating…” nakalabing saad niya.“I’m sorry…” Ipinaikot ni Jacob ang braso sa baywang niya at kinabig siya nito palapit. “Naipit na ako sa traffic noong rush hour kaya hindi na ako umabot sa hapunan. Maaga ka yatang nakatulog kagabi.”“Hm…” Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. Her husband always slept half-naked, so she could always feel his warmth and sniff his scent.“Let me make it up to you, hmm?” ani Jacob habang pinapasadahan ng haplos ang likod niya. “Let’s talk a bath together—” Ngunit hin
WALANG sinayang na sandali si Jacob, umalis siya kaagad para makausap ang ama ni Adelyn nang makompirma niya kung ano ba talaga ang katotohanan. Pero dahil hind inga ito sumasagot sa mga tawag niya, hindi niya alam kung saan ito makikita. Para makasiguro, inuna na lang niyang puntahan building na pag-aari ng pamilya nito at hinanap ito sa opisina.“Hi,” bati niya sa receptionist. Bagaman asawa siya ni Adelyn hindi pa rin siya basta-basta nakakapasok doon dahil na rin sa kagagawan ng lola nito.“Yes, Sir?” nakangiting tugon sa kanya ng receptionist.“Nandiyan ba si Papa?” Bahagya siyang napangiwi nang marinig ang sarili na tinatawag itong ganoon. Hindi siya sanay dahil bibihirang pagkakataon na i-address niya ng ganoon ang kanyang father-in-law. “Baka p’wedeng pakitawagan ang office niya at pakisabing gusto siyang makausap ng manugang niya. Please, importante lang.”“Ah, wait a minute, Sir.”Kaagad naman nitong tinawagan ang opisina ng biyenan niya gamit ang intercom. Sinabi ng recepti
HINDI umuwi sa bahay si Adelyn nang nagdaang gabi dahil sinamahan nito ang kaibigan. Wala namang kaso iyon kay Jacob dahil alam naman niya kung nasaan ang asawa. Umaga na nang umuwi ito, eksaktong namang kadarating lang din niya galing sa pagja-jogging. Binigyan lang niya ito nang isang mabilis na hlik bilang pagbati dahil amoy pawis siya.Magkasabay naman silang pumanhik nito sa kanilang silid.“How’s Marie?” tanong niya nang makapasok sila sa banyo.Binuksan kaagad ni Adelyn ang gripo sa bathtub.“She caught her husband cheeting on her,” tugon nito habang naghuhubad ng gown.He helped him get rid of it.“That’s… foul. Kung titingnan mo mukhang ang ganda naman ng pagsasama nilang mag-asawa.” Npabuntong-hininga na lang si Jacob.“Matagal na pala niyang pinagdududahan si John.” Naglublob ang asawa niya sa bathtub.He decided to join her instead of going to the shower.“I guess a woman’s instinct is always right.”Bigla tuloy siyang kinabahan. Pinagdududahan na rin kaya siya ni Adelyn?
PUMASOK si Adelyn sa loob ng mansiyon para magpunta sa powder room, at nang sa ganoon ay makaiwas na rin sa kanyang pinsan. Subalit sa kasamaang-palad nakasalubong naman niya ang fiancée ni Neil. Hindi na siya magtataka kung bakit naroon ito. They always come in pair.“Oh, hi, cousin!” nakangising bati sa kanya ni Veronica.Pakiramdam ni Adelyn mas lalong sumama ang timpla niya nang sandaling iyon. The audacity of this woman to call her that when they weren’t even close. Hindi pa nga ito naikakasal sa pinsan niya kaya wala pa itong karapatang tawagin siya noon.“Hi, Veronica,” walang ganang bati niya rito.Nilagpasan na niya ang babae, pero nakakailang hakbang pa lang si Adelyn nang maramdaman niya ang paghawak nito sa kanyang braso.“Sandali lang, Adelyn. Bakit naman aalis ka na kaagad ni hindi pa tayo nakakapag-usap.”Nagbaba siya ng tingin sa kamay nitong nakahawak sa braso niya pagkatapos ay sa mukha nito.“I’m going to the powder room—”“Mas importante pa ba ang pagpunta mo sa po