Share

Kabanata 4:

Author: justherhighness
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Kabanata 4

Manang

Habang lumalalim ang gabi ay parami na rin ng parami ang naiinom ko. Alam ko namang nangako ako sa sarili kong hindi na muling mag-iinom kaya lang hindi ko mapigilan ngayon lalo na at nagkakatuwaan na kami.

Natutuwa pa nga ako kay Rayanne na panay ang kwento sa akin ng kung ano-ano. Minsan ay nagkikwento rin ako pero madalas ay siya ang nagkikwento.

Panay din ang panghihila sa akin ni Gail at Jennisa papunta sa dancefloor. Kung hindi lang ako naaliw sa pinag-uusapan namin ni Rayanne ay baka sumama na nga ako.

Mukhang hindi naman strict na asawa si Sir Hessandro dahil hinahayaan niya lang si Rayanne na mag-inom kasama ako. May sariling mundo ang magkakaibigan, pati ang mga kaibigan ko rin na ngayon ay puro nasa dancefloor na.

Hindi ko na rin mabilang kung nakailang shot na ako. Kaya naman ng tumayo ako para magpaalam kay Rayanne na susunod sa mga kaibigan ko ay para na akong mabubuwal. Natawa ako sa nangyari. Kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Rayanne pero hinayaan ko na lang at dire-diretsong umalis doon.

Hinanap ko sina Kira sa dancefloor. Mabuti na lang ay hindi naman ako nahirapan sa paghahanap sa kanila. Tawang-tawa ako ng makitang sumasayaw na akala mong wala ng bukas si Kira. Sinusubukan siyang sabayan ni Jennisa pero iba pa rin talaga si Kira.

Mabilis akong lumapit sa kanila at nakisayaw na rin. Hindi ko na nga alam kung anong mga pinaggagawa namin doon.

"Ikaw naman Gail. H'wag kang killjoy. Walang gan'yan sa atin," sigaw ni Kira. Hindi kasi sila magkakarinigan kung hindi sisigaw si Kira.

Napipilitan man ay panay ang tawa ni Gail ng siya naman ang sumayaw sa gitna namin. Mukhang napansin iyon ng dj dahil tinapatan ng ilaw si Gail. Hiyang-hiya tuloy ang kaibigan ko.

Pare-pareho naman kaming napangiwi ng mapalitan ng malalaswang tugtog ang kaninang pang party na tugtog. Iyong may mga partner ay nanatili sa dancefloor. Susunod na rin sana ako kaso may hudyong humila sa pulsuan ko at kinaladkad ako pabalik sa dancefloor.

Nang bitiwan niya ako ay galit na hinarap ko ang hombre at gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita kung sino iyon. It was Luther. Lumunok at halos matuyuan ng laway ng makita siyang magsimula sa pagsasayaw sa harapan ko. Laglag ang panga ko.

Nakita ko ang ngisi ni Luther ng makita ang reaksyon ko. Ilang ulit akong kumurap kurap bago natauhan. Kinuha niya ang parehong kamay ko at dinala sa kan'yang balikat. Hinila niya ako at mas idiniin sa katawan niya kaya wala akong ibang nagawa kung hindi ang mas lumapit pa sa kan'ya. Naramdaman ko naman ang kamay niya na nakapalibot sa beywang ko.

He started dancing with me. Our chests were clashing. Ramdam na ramdam ko ang init niya. Ginaya ko ang pagsasayaw sa akin ni Luther. Hindi naman ako kagalingan pero bigay todo pa rin ako nakakahiya naman sa kasayaw ko.

Out of nowhere, may ideyang biglang lumitaw sa isip ko. Bahagya pa akong natawa sa naisip na kapilyahan. I turned my back on him and start grinding my ass over his groin. Habang nagtatagal ay unti-unti kong nararamdaman ang pagkabuhay ng kaibigan niya. When I heard him groaned. I smiled like a moron. I like how I can affect him. Titigil na sana ako at kuntento na sa nagawa ay hindi naman ako hinayaan ni Luther. He clutched me and pulled me closer to his now erect manhood.

"You're turning me fucking on, Dionne," bulong ni Luther sa tenga ko. Napalunok ako. Nagpatuloy si Luther sa pagsasayaw sa akin sa saliw ng musika.

I turned around him and stared at him intently. Kita ko ang mariin na pagkakatiim ng kan'yang panga. I unconsciously bite my lower lip and start dancing again in a seductive manner. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa alak pero gustong-gusto kong sumayaw sa harapan ni Luther.

"Let's go back to our table," muling bulong sa akin ni Luther at 'saka hinila na ako pabalik kung nasaan ang mga kaibigan ko.

Hindi ko pinansin ang mga tinginan sa akin ng mga kaibigan ko. Alam kong nakita nila ang ginawa namin ni Luther dahil hindi naman nalalayo ang sofa namin mula sa dancefloor.

Maging si Sir Hessandro at Rayanne ay masayang nakatingin sa paglalakad naming dalawa ni Luther. Pasimple akong umirap at nagmamadaling nauna ng lakad kay Luther pero wala pa rin palang kawala dahil kung saan ako umupo ay roon din siya pumwesto sa malapit sa akin.

"Let's play a game," ani Adam. Wala namang reaksyon ang lahat ay nagpatuloy pa rin si Adam. Akala kung anong laro na ang gusto niya. Spin the bottle lang pala.

"Architect Ambrose? Anong ginagawa mo rito?" halos maisigaw ko na dahil sa pagkakagulat. Natatawa naman akong binalingan ni Architect.

"Wala tayo sa opisina kaya Ambrose lang, Dionne," aniya. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito siya ngunit ng makita ko kung sinong nasa tabi niya ay natahimik na lang ako. Magkatabi sila ni Gail.

"Nanliligaw ka ba sa kaibigan namin, Ambrose?" kuryosong tanong ko ng hindi na talaga nakapagpigil.

"Yes," seryosong sagot nito. Ngumiti naman ako at hindi na nagtanong. Sapat na iyon.

Kalaunan ay nagsimula na rin si Adam sa pagpapaikot ng bote. Ang unang tinapatan niyon ay si Kira. Ekseheradang tumili naman si Kira.

"Buena mano ah? Truth or Dare, Kira?" si Adam.

"Truth."

"Sinong crush mo?"

"Si papa Luther!" sigaw ni Kira. Humarap pa si Kira kay Luther at nagfinger heart.

"Oh, damn," nangingiting ungot ni Luther at 'saka nagtago sa likod ko. Nagulat ako sa ginawa niya ngunit natawa rin naman kalaunan. Mukhang natakot yata kay Kira.

"Next na," si Jennisa. Tumango naman si Adam at muling ipinaikot ang bote. Nang tumigil iyon ay kay Ambrose naman.

"Truth or dare, papa Ambrose?" si Kira na ang excited na nagtanong.

"Truth din."

"Bakit mo naman nagustuhan si Gail? Okay, maganda ang kaibigan kong si Gail pero mas maganda pa rin ako sa kan'ya. Kaya bakit hindi ako ang nagustuhan mo?"

"I like her simply because she's Abbygail De Silva. Ayos na bang rason 'yon?"

Tumango naman si Kira at hindi na nakapagsalita sa sagot ni Ambrose. Pinaikot ng muli ni Adam ang bote hanggang sa akin na iyon huminto.

"Truth or dare?" si Adam ang nagtanong sa akin.

"Truth..."

"Kayo na ba ni Luther?" diretsahang tanong ni Adam.

"Hindi," mabilis kong sagot naman.

"Paanong magiging sila eh may boyfriend naman 'yang si Dionne," ani Kira. Kita ko ang paglaglag ng panga ng mga kaibigan ni Luther.

Naramdaman kong natigilan ang lalaking nasa tabi ko. Mukhang hindi rin yata makapaniwala.

"The hell!" si Sir Hessandro. 

"Kung may boyfriend ka bakit nakikipagsaway ka ng gano'n kay Luther?" si Rayanne naman ngayon. Malalim akong bumuntong hininga. Nakaabang sila sa isasagot ko, syempre bukod sa mga kaibigan kong alam ang tunay na rason.

"Because I have no choice? Ipinagkasundo lang kami ng mga magulang namin to make sure na malakas ang intact ng kompanya ng pamilya ko at sa kan'ya," sagot ko.

"Hindi mo mahal? Eh 'di pwede ka rin palang makipagbreak sa kan'ya?" si Rayanne ulit.

"Nope. Ayoko at hindi p'wede. Mapapagalitan ako ng mga magulang ko at ayokong mangyari 'yon," muling tugon ko.

"Next na..." pag-iiba ni Gail. Napangiti naman ako sa kaibigan. Nagthumbs up sa akin si Gail kaya alam ko ang ginawa niya. Alam niyang ayaw ko ng pag-usapan pa iyon kaya iniba na lang niya.

Ilang oras pa ang itinagal namin doon hanggang sa wakas ay nagyaya na si Rayanne na umuwi na. Mabilis naman akong sumang-ayon sa kan'ya. Pagod na pagod na ako at ang gusto ko na lang ay makapagpahinga at matulog sa kama ko.

Mabuti na lang ay hindi naman nalasing si Luke kaya ito na ang umalalay sa amin papasok sa kotse niya. Nagpasalamat ako sa kaibigan ko bago tuluyang makatulog.

Kinabukasan ay tanghali na akong nagising pero kahit na gano'n ay ako pa rin ang kauna-unahang nagising sa aming magkakaibigan. Si Gail at Jennisa ang katabi kong matulog sa kama. Ang damit ko ay 'yong suot ko pa rin kagabi. Ngumiwi ako at kumuha na ng pamalit sa closet ko at 'saka naligo.

Nang matapos sa mga morning rituals ko ay lumabas na ako ng kitchen para makapagluto ng makakain namin. Alas dose na ng tanghali. Nagsaing muna ako bago magprepare ng mga ingridients para sa lulutuin kong nilagang buto-buto. Pare-pareho kasi kaming may hangover at sigurado akong mas hahanapin ng mga kaibigan ko ang pagkaing may sabaw.

Habang pinapalambot ko ang buto-buto ay nagtimpla naman ako ng kape at nagtoast ng garlic bread. Mamaya ay magogrocery na ako dahil paubos na ang mga stocks ko ng pagkain.

Nang medyo kumulo na ang buto-buto ay nilagyan ko na 'yon ng onion, celery, pepper, pork cubes, mais, at fish sauce. Tinakpan kong muli at hinayaang kumulo iyon hanggang sa lumambot ang buto-buto.

Pinagpatuloy ko na ang pagkakape. Maya-maya lang ay nagising na rin si Gail at Jennisa.

"Ang sakit ng ulo ko," reklamo ni Gail. Natawa ako. Pumunta ako sa coffe maker ko at ginawa na ng kape ang dalawa. Inutusan ko naman si Jennisa na magtoast na lang din muna ng garlic bread habang hindi pa ako nakakatapos sa pagluluto ng nilaga.

Lumapit akong muli sa stove para i-check ang niluluto. Gamit ang tinidor ay tinusok-tusok ko ang meat para malaman kung malambot na. At nang makasigurdong malambot na ay inilagay ko na ang saging na saba at kamote. Paboritong putahe ko talaga ang sinigang na baboy at nilagang buto-buto kaya sa tuwing magogrocery ako lagi kong sinisigurado na nakakabili ako ng mga ingridients na pang sinigang at nilaga. Bawal mawala 'yan sa listahan ko.

"Good afternoon," bati ni Kira. Nagkukusot pa siya ng mata ng makapasok sa kitchen. Kasunod naman niya si Luke. Sa guestroom silang dalawa natulog.

Hinayaan ko muna ang niluluto ko. Muli akong lumapit sa coffee maker para igawa naman ng kape si Kira at Luke. Si Jennisa naman ay muling nagtoast ng garlic bread.

"Hayan na muna ang kainin niyo habang nagluluto pa ng ulam si Dionne. Mabuti na lang talaga marunong magluto si Dionne," ani Gail.

"Masarap pang magluto, no?" natatawang singit ko. Inirapan lang ako ng kaibigan ko. Ipinagpatuloy ko na rin ang pagluluto dahil sabi ni Kira ay hindi siya mabubusog sa tinapay lang at kape.

Nang lumambot na ang saging na saba at kamote ay nilagay ko na rin ang pechay at repolyo. Saglit na lang naman ang hihintayin ko bago maluto ang nilaga ay inutusan ko na silang ayusin na ang mesa habang abala naman ako sa paggawa ng sawsawan. Mas masarap ang nilaga kapag may patis, sili, at kalamansi. Mas maanghang, mas masarap.

Tumulong na rin si Gail sa pagsasandok ng kanin sa malaking bowl. Ako naman ay naglagay na rin ng nilaga sa isang bowl din. Nilagyan na rin ni Gail ng kanin ang mga plato namin kaya naglagay na rin ako ng nilaga sa mga tasa namin. 

"So anong plano mamaya?" si Kira.

"Anong plano?" nagtatakang tanong ko. "Aba! Lunes na bukas, ayokong pumasok na may hangover," reklamo ko.

"Ako rin. Nakakahiyang pumasok ng may hangover," si Gail.

"Asus! Sabihin mo na lang ayaw mong makita ka ni Ambrose na may hangover at amoy alak," tudyo ni Kira. Natatawang sinundot-sundot pa ni Kira ang tagiliran ni Gail.

"Kailan mo sasagutin si Ambrose, Gail?" tanong ni Jennisa.

"Hmm? Hindi ko pa alam..."

"Pero gusto mo rin?"

"Syempre! Hindi naman ako papayag magpaligaw kung wala rin akong nararamdaman."

"Mabuti kung gano'n. Support ka namin dyan... Ayos din sana si Luther at Dionne, may chemistry... hiwalayan mo na kasi si Tyrone," si Kira.

"Hindi p'wede, Kira... Kay ate Dom niyo na lang iparehas si Luther. Ate Dom likes him."

"Anong hindi p'wede? Bakit kasi hindi mo ipaliwanag sa mga magulang mo na hindi ka na masaya sa relasyon niyo ni Tyrone. Wala naman sigurong magulang na hindi gugustuhin ang kaligayahan ng anak nila?" si Jennisa.

"Hayaan niyo na lang ako, please."

"Kay ate Dom na lang daw iparehas pero kung makipagsayaw naman kagabi kay Luther," si Kira. Inirapan niya ako.

"Yeah, Dionne. I think Luther had hots for you... I saw his hot stares on you," si Luke.

"See?" Kira.

"Tumigil na nga kayo. Napaka-imposible niyang sinasabi niyo. Sige na. Tapusin na natin ang lunch at magogrocery pa ako maya-maya. Kayo naman ay magsi-uwian na."

After lunch, nagpresinta si Gail na siya na ang maghuhugas ng pinagkainan namin. Nilinis ko naman muna ang kitchen bago ako lumabas. Abala naman ang mga kaibigan ko sa pag-aayos ng mga gamit nila para sa pag-uwi.

Sumabay na rin ako sa kanila sa pagbaba nila sa lobby. Nagpupumilit pa nga si Kira na sasama raw sila sa akin maggrocery bago sila tuluyang umuwi dahil wala rin naman daw silang gagawin kaya hinayaan ko na lang. Wala rin naman kasi akong magagawa sa kakulitan ng mga kaibigan ko.

Fifteen minutes ang dinrive ko bago makarating sa pinakamalapit na grocery store galing sa condo ko... Nang makapasok kami sa loob ay kaagad akong naghila ng push cart. Inilabas ko na rin ang phone ko at pumunta sa notes ko para tignan ang mga bibilhin na inilista ko.

Ayos din pala na kasama ko sila dahil tinulungan ako ni Gail at Jennisa sa pagkuha ng mga kailangan ko. Si Luke at Kira naman ay namili na rin ng kanila.

May ilang stuff ng grocery store ang nag-alok sa amin ng mga pagkain. For free taste raw. Syempre, hindi namin pinalagpas 'yon.

"Ano ng sunod sa listahan?" tanong sa akin ni Gail ng makabalik siya bitbit ang dalawang malaking roll ng paper tissue.

"Sanitary napkin..." nakangiwing sagot ko.

"Anong brand gamit mo?" tanong niya. Sinabi ko sa kan'ya ang brand ng sanitary napkin na ginagamit ko bago ko tinulak ang push cart papunta sa meat section. Kumuha ako ng tig-da-dalawang kilo ng baboy at manok. Kumuha rin ako ng bangus, tilapia at galunggong. Nang makakita ako ng shrimp ay mabilis akong kumuha ng ilan niyon. Bigla kong naisip na magluto ng Buttered Shrimp mamaya para sa hapunan ko. Bigla tuloy akong na-excite.

"Dionne? Ikaw ba 'yan?" Mabilis akong nag-angat ng tingin sa tumawag sa akin.

"Mira?"

"Yes... grocery?"

"Oo," maikling sagot ko at napatingin sa kasama niya. Gano'n na lang ang gulat ko ng makita kung sino iyon. Oh, yeah! Men and their needs. Hindi na ako magtataka pa.

"Oh. Uh. Boyfriend ko nga pala, Luther Dela Merced..."

"Hi," nahihiyang bati ko kunwari. Tumango lang si Luther.

"Kaibigan ko nga pala, babe, si Dionne Sy..." Pakilala sa akin ni Mira. Masungit na tumango lang si Luther.

"Kumusta?" tanong ko. Nagfifeeling close. Hindi ko naman talaga ka-close 'yang si Mira. Kaklase ko siya ng college at ang grupo niya ang pinakakinaiisan ko sa lahat. Tipikal na mga spoiled brats.

"Ayos lang... Wala ka pa ring boyfriend? Still the same manang, huh?" patuya niyang ani. Ikinuyom ko ang aking mga kamao at sinusubukang magtimpi.

"Kailangan bang may boyfriend? Hindi ko naman alam na required pala 'yon," nakangiting sagot ko sa kan'ya.

"Oh well~ Once a manang, always a manang nga naman," sarkastikong sagot niya.

"Basagan ko na ba ng bote sa bungo niya 'yan?" bulong ni Kira. Nagulat ako sa presensya niya.

"Hayaan mo na gan'yan lang talaga 'yan, sanay na ako," mahinang bulong ko lang din. Humarap ako kay Mira at matamis na ngumiti sa kan'ya.

"Wala ka na bang ibang sasabihin pa, Mira? Mauuna na ako, ah? Kailangan ko na kasing tapusin itong pamimili ko at kailangan ko pang bumalik sa condo ko naghihintay na kasi sa akin ang FIANCE ko at kailangan ko pang magluto ng dinner namin," pagpapaalam ko sa kan'ya. Mabilis akong tumalikod sa dalawa at kinaladkad na si Kira papunta sa cashier.

"Ang taray mo roon ah? May fiance ka na?" natatawang tanong sa akin ni Kira.

"Baliw! Sinabi ko lang 'yon para manahimik na iyong si Mira. Akala mo naman kasi kung sino. Ang yabang."

"Eh bakit sila magkasama ni Papa Luther?"

"Boyfriend niya raw."

"Huh? Sigurado ka? Luther Dela Merced doesn't do girlfriends..."

"Iyon ang sinabi ni Mira at hindi naman itinanggi ni Luther kaya baka nga?"

Ipinagpapasalamat ko ng sa wakas ay makatapos na rin ang cashier sa mga binili ko. Binayaran ko rin 'yon agad at mabilis na tinawag ang mga kaibigan ko para makaalis na kami. Mabuti na lang at kasama namin si Luke kaya siya na ang naglagay ng mga pinamili ko sa compartment ng sasakyan ko.

Ang dami ko rin palang pinamili. Naisip ko tuloy kung paano ko iyong bubuhatin lahat pataas sa condo unit ko... magpapatulong na lang ako sa mga guards sa lobby.

Nang makatapos si Luke ay isa-isa na silang b****o sa akin at nagpaalam ng aalis na.

"Mag-ambag kayo sa gasolina ah? Ang mahal na ng gasolina ngayon tapos ang bibigat niyo pa," reklamo ni Luke. Tinawan lang namin siya dahil alam naman naming biro niya lang iyon.

Hinintay ko pa munang makaalis sila bago ako tuluyang sumakay sa kotse ko. Pinatunog ko ang alarm at akmang papasok na ng may pontio pilatong humila sa pulsuan ko. 

Galit akong lumingon sa kung sino mang iyon na humila sa akin. Nagulat ako ng makita si Luther na masamang-masama na nakatingin sa akin. Anong problema nito? Wala naman akong ginagawa sa kan'ya, ah? Napalingon pa ako sa magkabilang side niya at hinahanap ang kasama niyang si Mira pero wala roon.

"Nasaan si Mira?" tanong ko.

"You had a fiance waiting for you at home?" Imbes na sagutin ang tanong ko ay binato niya rin ako ng tanong.

"Eksena ko lang 'yon kanina. Narinig mo ba iyong patuya sa akin ni Mira kanina? Sinabi ko lang na may fiance na ako para tigilan na niya ako," sagot ko na hindi ko alam kung para saan. Bakit kailangan ko bang magpaliwanag sa kan'ya.

"Really?"

"Ay naku! Tigilan mo nga ako. Hindi ko kailangan magpaliwanag sa'yo. Sino ka ba?"

"I'll send you home. I wanna check if you are telling the truth or not," maangas niyang wika. Sumimangot ako.

"At para saan pa? Ako nga Luther eh tigil-tigilan mo."

"Manahimik ka na lang. At sinong magtataas ng mga pinamili mo kung hindi kita tutulungan?"

"May mga guards naman sa lobby ng condo ko, p'wede akong magpatulong sa kanila."

"At gagambalain mo pa sila?"

"I'll pay for them, then."

"Huwag na. Kaya nga ako sasama eh."

"Bahala ka nga sa buhay mo," sagot ko na lang para matapos na. Ngunit mas lalong nag-init ang ulo ko ng hinablot niya sa akin ang susi ng kotse ko at naupo na sa driver's seat. Letse naman 'to oh! Umikot na lang ako at sumakay na rin sa passenger's seat para makauwi na.

Habang nasa daan ay inaarok ko ang utak ko kung bakit ako pumayag na magpahatid sa gagong 'to! Hindi naman na kailangan pero talagang pumayag pa ako. Sa inis ko ay kinutusan ko ang sarili ko pero mahina lang. Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa ni Luther. Nakita niya ba ang ginawa ko? Ay bahala na nga! Bwisit!

Napalingon naman ako kay Luther ng ang mumunting ngiti niya kanina ay nauwi sa malaking pag-ngisi. Pasimple ko kasi siyang tinitignan kanina kaya mabilis kong nakita ang pagngisi niya para akong nahipnotismo bigla. Mas gwapo siyang tignan ng makita kong nakangiti na siya hindi kapares ng kapag seryoso. Gwapo pa rin naman pero mas masarap titigan ang Luther na nakangiti.

Abala ako sa paninitig sa kan'ya ng biglang tumunog ang cellphone ko. Napatalon ako sa gulat at kaagad na kinalkal ang bag ko. Nang makuha iyon ay nangunot ang noo ko ng makitang si ate Dom ang tumatawag.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Trina Pacheco
next please
goodnovel comment avatar
Ellise Mondragón
next po please
goodnovel comment avatar
Ellise Mondragón
paktay ka luther may higad na gagapng s iyo jeje
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Oasis of Serenity   Simula:

    Simula"Don't be a pussy, Dionne! Nangako kang maglalasing tayo ngayong gabi! Kaya magmove-on ka na sa ex mong pinagpalit ka sa higad!" Halos sigawan na ako ng kaibigan kong si Gail ng sabihin niya iyan. Nakangiwi akong tumango sa kan'ya. Hindi man alam kung paano sumayaw ay sinubukan ko pa ring sundan ang trip ng mga kaibigan ko. Feeling ko nga bulate akong binudburan ng asin. Hindi ko na alam kung anong klase ng pagsayaw ang ginawa ko."At mas masarap makalimot kapag may alak na kasama!" pasigaw ding turan ni Kira. Ang bakla kong kaibigan. Mabilis akong tumango sa kan'ya. "Simulan na natin 'yan!" sigaw ni Jennisa at inabutan na ako ng shotglass na may lamang alak. "Unang tikim, blowjob agad!" dagdag pa niya. Nagsigawan naman ang mga kaibigan kong ngayon ay nakapalibot na sa akin at sabay-sabay akong chinecheer. "H'wag ka ng pa-virgin pa, Dionne! Inumin mo na 'yan!" si Luke. Inirapan ko siya at nagfo

  • Oasis of Serenity   Kabanata 1:

    Kabanata 1Proposition...Late na late na ako kung papasok pa ako sa trabaho ko. Kaya mas pinili ko na lang na umuwi sa condo ko para makapagpahinga. Masakit pa rin kasi ang pagkababae ko. May sa ilang pulgada ba naman ang paulit-ulit na umararo sa akin kagabi kaya hindi nakakapagtakang paika-ika akong naglalakad ngayon. Peste! Kung alam ko lang na magiging parang embalido pala ako pagkatapos makipag-sex sana pala pinag-isipan ko munang maigi iyon kagabi bago ako bumukaka sa harapan ng Luther na 'yon. Ang sakit-sakit talaga! Nang makababa sa lobby ay mabilis akong pumara ng taxi para makapagpahatid na sa condo ko. Nang makarating ay nagbayad na ako kay manong driver at 'saka paika-ikang naglakad papasok. "Oh. Miss Sy? Ayos lang po ba kayo? Gusto niyo po bang samahan ko kaya paakyat sa unit niyo? Paika-ika po kayo," salubong sa akin ni manong guard. Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi dahil sa huling sina

  • Oasis of Serenity   Kabanata 2

    Kabanata 2AlmostNauna akong makabalik sa opisina. Nagtagal pa sina Kira sa baba dahil hindi kaagad sila nakasunod sa akin. Wala namang problema sa akin iyon. Muli akong nagpatuloy sa trabahong ginagawa. Ilang minuto lang ay tumaas na rin sina Kira, Gail, Luke at Jennisa. Automatic naman na tumaas ang kilay at presyon ko ng makita kung sino ang nakasunod sa kanila. Huminga ako ng malalim at inisip na lang na wala siya sa paligid ko kahit na kaninang-kanina pa ako naapektuhan ng presensya niya. "Kahit wala ng gift basta nandoon ka ay ayos lang," narinig ko ang malinding bulong na iyon ni Kira. Nag-angat ako ng tingin. Si Kira panay ang haplos sa dibdib ni Luther. Malandi talagang bakla. "Anong oras kayo tutulak sa club?" tanong ni Luther na ngayon ay nasa akin na ang paningin. Nagbaba ako ng tingin at nakinig na lamang sa pinag-uusapan nila pero nakatutok naman ang mga mata ko sa design kong nasa computer sa ha

  • Oasis of Serenity   Kabanata 3

    Kabanata 3FamilyWala akong pinagsabihan sa nangyari. Ayoko ng may ibang makaalam. Totoong natakot ako sa ginawang 'yon ni Tyrone pero may kasalanan din naman ako. Dapat una palang hindi na ako pumayag kung hindi ko rin naman pala kayang panindigan. Nagtataka lang ako kung bakit ang dali kong pumayag nung sa amin ni Luther ang may nangyari. Hindi ko alam kung dahil ba sa lasing ako nang gabing iyon o baka dahil sa init na naramdaman ko dahil sa mga halik at bawat paghaplos niya sa katawan ko. Nakainom din naman ako nang pumayag ako sa gusto ni Tyrone. Naguguluhan ako. Naging distant ako kay Tyrone simula ng gabing iyon. Nararamdaman kong gano'n din naman ang ginagawa niya ngayon. Hindi na niya ako tinetext o tinatawagan para mangulit pero hindi naging lingid sa kaalaman ko ang mga pambababae na ginagawa niya. Hindi na lang ako nagkomento at hinayaan na lang siya sa gusto niya. Wala naman akong magagawa eh. As long as hindi pa nakakara

Pinakabagong kabanata

  • Oasis of Serenity   Kabanata 4:

    Kabanata 4ManangHabang lumalalim ang gabi ay parami na rin ng parami ang naiinom ko. Alam ko namang nangako ako sa sarili kong hindi na muling mag-iinom kaya lang hindi ko mapigilan ngayon lalo na at nagkakatuwaan na kami. Natutuwa pa nga ako kay Rayanne na panay ang kwento sa akin ng kung ano-ano. Minsan ay nagkikwento rin ako pero madalas ay siya ang nagkikwento. Panay din ang panghihila sa akin ni Gail at Jennisa papunta sa dancefloor. Kung hindi lang ako naaliw sa pinag-uusapan namin ni Rayanne ay baka sumama na nga ako. Mukhang hindi naman strict na asawa si Sir Hessandro dahil hinahayaan niya lang si Rayanne na mag-inom kasama ako. May sariling mundo ang magkakaibigan, pati ang mga kaibigan ko rin na ngayon ay puro nasa dancefloor na. Hindi ko na rin mabilang kung nakailang shot na ako. Kaya naman ng tumayo ako para magpaalam kay Rayanne na susunod sa mga kaibigan ko ay para na akong mabubuwal. Natawa a

  • Oasis of Serenity   Kabanata 3

    Kabanata 3FamilyWala akong pinagsabihan sa nangyari. Ayoko ng may ibang makaalam. Totoong natakot ako sa ginawang 'yon ni Tyrone pero may kasalanan din naman ako. Dapat una palang hindi na ako pumayag kung hindi ko rin naman pala kayang panindigan. Nagtataka lang ako kung bakit ang dali kong pumayag nung sa amin ni Luther ang may nangyari. Hindi ko alam kung dahil ba sa lasing ako nang gabing iyon o baka dahil sa init na naramdaman ko dahil sa mga halik at bawat paghaplos niya sa katawan ko. Nakainom din naman ako nang pumayag ako sa gusto ni Tyrone. Naguguluhan ako. Naging distant ako kay Tyrone simula ng gabing iyon. Nararamdaman kong gano'n din naman ang ginagawa niya ngayon. Hindi na niya ako tinetext o tinatawagan para mangulit pero hindi naging lingid sa kaalaman ko ang mga pambababae na ginagawa niya. Hindi na lang ako nagkomento at hinayaan na lang siya sa gusto niya. Wala naman akong magagawa eh. As long as hindi pa nakakara

  • Oasis of Serenity   Kabanata 2

    Kabanata 2AlmostNauna akong makabalik sa opisina. Nagtagal pa sina Kira sa baba dahil hindi kaagad sila nakasunod sa akin. Wala namang problema sa akin iyon. Muli akong nagpatuloy sa trabahong ginagawa. Ilang minuto lang ay tumaas na rin sina Kira, Gail, Luke at Jennisa. Automatic naman na tumaas ang kilay at presyon ko ng makita kung sino ang nakasunod sa kanila. Huminga ako ng malalim at inisip na lang na wala siya sa paligid ko kahit na kaninang-kanina pa ako naapektuhan ng presensya niya. "Kahit wala ng gift basta nandoon ka ay ayos lang," narinig ko ang malinding bulong na iyon ni Kira. Nag-angat ako ng tingin. Si Kira panay ang haplos sa dibdib ni Luther. Malandi talagang bakla. "Anong oras kayo tutulak sa club?" tanong ni Luther na ngayon ay nasa akin na ang paningin. Nagbaba ako ng tingin at nakinig na lamang sa pinag-uusapan nila pero nakatutok naman ang mga mata ko sa design kong nasa computer sa ha

  • Oasis of Serenity   Kabanata 1:

    Kabanata 1Proposition...Late na late na ako kung papasok pa ako sa trabaho ko. Kaya mas pinili ko na lang na umuwi sa condo ko para makapagpahinga. Masakit pa rin kasi ang pagkababae ko. May sa ilang pulgada ba naman ang paulit-ulit na umararo sa akin kagabi kaya hindi nakakapagtakang paika-ika akong naglalakad ngayon. Peste! Kung alam ko lang na magiging parang embalido pala ako pagkatapos makipag-sex sana pala pinag-isipan ko munang maigi iyon kagabi bago ako bumukaka sa harapan ng Luther na 'yon. Ang sakit-sakit talaga! Nang makababa sa lobby ay mabilis akong pumara ng taxi para makapagpahatid na sa condo ko. Nang makarating ay nagbayad na ako kay manong driver at 'saka paika-ikang naglakad papasok. "Oh. Miss Sy? Ayos lang po ba kayo? Gusto niyo po bang samahan ko kaya paakyat sa unit niyo? Paika-ika po kayo," salubong sa akin ni manong guard. Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi dahil sa huling sina

  • Oasis of Serenity   Simula:

    Simula"Don't be a pussy, Dionne! Nangako kang maglalasing tayo ngayong gabi! Kaya magmove-on ka na sa ex mong pinagpalit ka sa higad!" Halos sigawan na ako ng kaibigan kong si Gail ng sabihin niya iyan. Nakangiwi akong tumango sa kan'ya. Hindi man alam kung paano sumayaw ay sinubukan ko pa ring sundan ang trip ng mga kaibigan ko. Feeling ko nga bulate akong binudburan ng asin. Hindi ko na alam kung anong klase ng pagsayaw ang ginawa ko."At mas masarap makalimot kapag may alak na kasama!" pasigaw ding turan ni Kira. Ang bakla kong kaibigan. Mabilis akong tumango sa kan'ya. "Simulan na natin 'yan!" sigaw ni Jennisa at inabutan na ako ng shotglass na may lamang alak. "Unang tikim, blowjob agad!" dagdag pa niya. Nagsigawan naman ang mga kaibigan kong ngayon ay nakapalibot na sa akin at sabay-sabay akong chinecheer. "H'wag ka ng pa-virgin pa, Dionne! Inumin mo na 'yan!" si Luke. Inirapan ko siya at nagfo

DMCA.com Protection Status