CHAPTER 5
Agad kaming lumabas ng bahay at hinanap namin si Paul sa malapit na kakahuyan. Tinawagan namin ang kanyang phone pero nagriring lang ito at walang sumasagot. Kaya tinawagan ko ai Myla upang tingnan kung nasa loob ba ng tinutulugan ni Paul ang kanyang celphone.
" Hello sweetheart! Nandito ang kanyang mobile naiwan sa table. Ano gagawin natin? Nasaan na si Paul? Madilim ang paligid mahihirapan kayo na hanapin siya. Bumalik nalang muna kayo dito sa bahay at hihintayin nalang natin si Paul na babalik ." sabi ni Myla sa akin. " Tama ka nga, kasi dilikado para sa amin ang kagubatan hindi namin alam may mga ahas o anumang hayop na ikamamatay namin. Sige kausapin ko mga kasamahan ko. Bye sweetheart!" sagot ko kay Myla
"Martin! Makinig kayo. Ipagsabukas na natin ang paghahanap kay Paul. Sigurado nandito lang iyon. Dilikado para sa atin ang maghanap sa kanya sa ganitong oras. Sobrang madilim sa paligid ng gubat hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa atin. Tama ba ako?" tanong ko sa kanila. " Tama nga po kayo sir Carlo, pero ang problema ! Paano kung may nangyari nang masama kay Paul? Ano gagawin natin?" ika ni Noel." May punto ka rin Noel, pero paano din ang kaligtasan natin? Masyadong masukal ang gubat na ito at hindi natin alam kung anong panganib ang nandito sa loob na masasalubong natin. Pag isipan niyong mabuti. Hindi tayo basta basta papasok sa gubat na wala man lang tayong alam kung saan tayo maghanap."paliwanag ko sa kanila. Maghintay tayo na magliliwanag saka tayo maghanap. Balik muna tayo sa bahay." Bumalik na ako sa kung saan kami dumaan galing bahay. Nakasunod naman sila sa akin. May naririnig akong kaluskos di lang kalayuan sa pinagdadaanan namin kaya agad kong inilawan ito ng flash light. Ngunit wala akong maaninag kaya tuloy tuloy ang paglalakad ko. Pagdating namin sa bahay agad naman binuksan ng mga babae ang pinto.
" Ano balita? Nasaan na ba si Paul? sabay na tanong ng mga ito. " Hindi namin alam kung nasaan na siya . Mahirap ngayon na hanapin siya dahil madilim at masukal ang paligid. Napakadilikado para sa amin. Alam ko nandito lang siya. Kasama namin siya nakaupo diyan sa labas. Nagkwentuhan lang kami habang naninigarilyo. Maya maya nagpaalam na iihi. Kaya tumayo siya at nagpunta don sa tagiliran ng bahay sa likod. Nagtaka kami ang tagal niyang bumalik. Hanggang sa wala na nga. Hinanap namin sa likod pero wala kaming nakita." Kwento ni Martin. " Kanina kasi, habang kami ay nagkukwentuhan. May naririnig akong kaluskos sa likod. May nakita akong parang tao. Nakamasid sa amin. Di ko na pinansin kasi baka dahon lang o anong puno doon sa likod. Tapos nagpaalan na si Paul na magjijingle." kwento ni Tom. " Sa tingin mo ba tao talaga ang nakita mo?"takang tanong ni Martin. " Hindi nga po ako sigurado. Kaya sabi ko parang tao o puno lang. Hindi ko alam." dagdag pa nito. " Magpahinga na kayo, sino ang sasama s Akin magbabantay dito. Kailangan may gising. Sino ang sasama sa akin?"tanong ko sa mga kasamahan ko. " Ako sir Carlo, samahan kita magdamag . Baka darating naman si Paul. Baka namasyal lang siya sa loob ng gubat." wika ni Martin. " Sige, kayong lahat magpahinga na. Kami na bahala dito ni Martin." sabi ko sa kanila. "Sweetheart, pumasok ka na sa kwarto natin matulog ka na. Kami na bahala ni Martin dito. Huwag kang mag alala. Kilala mo ako at alam mo kung sino ako at ano ang pagkatao ko. " " Alam ko, pero natatakot ako sa mangyayari. Mag ingat ka mahal ko. Huwag mo iwanan ang celphone mo, para matawagan kita kaagad." sabay yakap sa akin at halik sa pisngi." Agad na pumasok ng kuwarto si Myla. Habang nasa sala kami ni Martin narinig ko ang isang napakalakas na sigaw na para bang kinakatay. Para bang pinapatay! Sinasaktan sobrang sakit ng kanyang sigaw.
" Sir Carlo! Napaano po kayo? Ano ! May narinig ba kayo?" tanong nito sa akin ni Martin. " Ssssshhh! huwag kang maingay. Patayin mo ang ilaw bilis. Dahan dahan lang. Kahit ano makita mo huwag kang maingay. Naintindihan mo ako."bilin ko nito kay Martin. Halatang nanginginig sa takot si Martin. " Ano ka ba Martin ka lalaki mong tao natatakot ka! Kknakabahan ka! Para ka namang bakla niyan! Relaks..huwag kang maingay.
Krrrrŕak...!krrrrrrrak!krrrrrrak!...isang malakas na ingay ang nanggaling sa kusina. Mukhang may pilit na binubuksan na kung anong gamit ang nandoon na matagal nang hindi nagagamit. Agad akong gumapang patungo ng kusina upang tingnan kung ano ang ingay na iyon. Nagulat ako sa aking nakita.
" Oh! My God! Whaaat the hill it is! Oh noooooo!" Napasigaw ako ng malakas kaya napatakbo si Martin sa kinaroroonan ko. " Sir Carlo bakit? Whats going on here? " agad nitong tanong. Nang aking tiningnan nawala na ang nakita ko kanina. Nagsara na ulit ang oven! Nanginginig ako sa takot. Halos hindi ko maigalaw ang aking mga paa.
"Sir Carlo! Ano ba ang nakita mo"? Paulit ulit na tanong ni Martin sa akin. " Wala Martin. Akala ko kasi may ahas iyon pala daga lang." Pagsisinungaling ko nito. " Tara balik na tayo sa sala! Saglit lang punta muna ako ng banyo!" sabi ko nito. " Bilisan mo lang natatakot ako dito. Puwede ba sasama na lang ako. " nagmakaawang sabi nito. Na parang bata na takot iiwanan. Kaya pinasama ko na sa loob ng kwarto namin. Agad ako na pumasok ng banyo. Samantalang si Martin naiwan muna sa labas ng banyo namin ni Myla. Habang nasa loob ako ng banyo naisipan kong sumilip sa maliit na bintana ng banyo. At makikita mo ang labas. Agad ako kumuha ng upuan at pumatong. Dahan dahan kung binuksan ang maliit na bintana ng banyo na crystal. Habang ako'y nagmamasid nakita ko ang isang lalaking nakaitim at hinila hila ang isang tao papasok doon sa masukal na bahagi ng kagubatan. Hindi agad ako nakakilos. Dahil kilala ko kung sino ang hila hila nang isang lalaking nakaitim. Bago paman maipasok sa masukal na bahagi ng kakahuyan ang lalaking hinihila. Ay agad ako napatakbo palabas ng banyo at kwarto dumeretso na ako sa labas ng bahay at sinundan ko ang lalaking nakaitim.! Hindi ko na pinakinggan pa si Martin at Myla na nagulat sa aking pagtakbo palabas. Hinanap ko ang taong nakaitim. Agad naman na dumating sina Myla at Martin. " Ano ba ginagawa niyo dito bumalik kayo ng bahay at isarado niyo ang pintò! Sabi ko sa kanila. Agad naman silang bumalik ng bahay saka ginising ang mga kasamahan. Nag alala sila sa akin dahil mag isa lang ako sa gubat. Hinanap ko ang taong nakaitim na may hinihilang tao at malakas ang kutob ko na si Paul iyon. Kaya dahan dahan akong naglalakad nagmamasid. Pinag aralan ko ang bawat dadaanan ko. Sa kaliwang bahagi may nakita akong parang nayemas na mga damo kaya kumaliwa ako at sinundan ang bakas na iyon. Wala akong nakita na kahit na anong bagay doon . Maya maya pa'y may narinig akong isa umuungol na tao na para bang namimilipit sa sakit. Agad akong umupo dumapa at pinakinggan kong mabuti kung saan banda ang ungol na iyon. Maya maya pa'y nagulat ako sa aking nakita.
" Paul! Paul! Ano nangyari saiyo? Si Paul nakita ko na. " Anong nangyari saiyo? Bakit duguan ka?" Agad kung naitanong sa kanya habang inaalalayan ko siyang makabangon. Halos hindi siya makapagsalita at makakilos. Ang dami niyang sugat sa katawan at may sugat din sa ulo. " Paul ! Andito ako si Carlo! Huwag kang matakot ano nangyari sayo?" tanong ko sa kanya ngunit hindi aiya makapagsalita dahil sa daming sugat ng katawan . Agad kung tinawagan si Myla.
" Pumunta kayo ngayon na mismo dito sa likod kayo ng bahay dumaan may mga marka diyan at putol na mga sanga sundan niyo iyan ako ang gumawa niyan bilisan niyo." sabi ko kay Myla. Agad kong ibinaba ang aking mobile.
Biglang nawala si Paul . Saan na nagpunta ang lalaki. Ano na ang nangyayari sa kanya. Bakit siya nawala. Hindi alam ng kanyang mga kasamahan kung ano na nangyari kay Paul. Agad nilang kinatok ang pintuan dahil naka lock pala iyon at hindi nila alam kung sino ang nagpadlock. Agad naman na binuksan nina Myla at Carlo ang pinto. Doon nila nalaman na nawawala na nga si Paul. Agad naman na lumabas si Carlo at tumulong sa paghahanap. Ngunit madilkm at napakadelikado para sa kanila ang paghahanap ng ganoong oras ng gabi dahil hindi nila alam ang pasikot sikot sa gubat at hindi rin nila alam kung anong panganib ang masasalubong nila. Kaya mas minabuti pa nilang bumalik nalang ng bahay at ipasabukas na ang paghahanap kay Paul.
CHAPTER 6 "Nanghihina na si Paul, hingal na hingal na siya. " Paul, lakasan mo pa ang loob mo. Isipin mo ang mga anak mo at asawa na naiwan. Magpakatatag ka...hindi kita kayang buhatin mas malaki ka kaysa sa akin . Hintayin natin na dumating sila. Sino ang gumawa sayo nito? Sino? Sumagot ka Paul kailangan ko malaman. Please sumagot ka!" Hindi na nagsasalita si Paul hinihingal na siya. At nahihirapan na siyang huminga. Ang dami niyang sugat sa katawan. At ang ipinagtataka ko bakit mga katawan niya nahihiwa na parang gawin itong chop. Nauubos na ata ang dugo ni Paul. Tumayo ako ngunit may pumalakol sa aking ulo. Pinalo ako hanggang sa nawalan ako ng malay. " Malapit na tayo! Ito na may mga bakas na ng dugo!" Ika ni Martin. " Aaaaaaaaah! Isang malakas na s
Chapter 7 " Huwaaaaaaag! Huwaaaaaaag! Huwaaaaaag mong buksaaaaaaan!!! sigaw ko at agad kung hinawakan ang mga kamay ni Engrid. " Gutom na ako gusto kung kumain! Ano ba kayo! Sino naman ang gagaw niyan kay Paul? Pahingi isa lang naman ulam ko lang sa kanin!" Sabi nito. " Hindi nga puwede! Si Paul iyan! Di mo ba nakikita tingnan mo mabuti ang tatoo sa kanyang tiyan! Ayan dimo ba nakikita...paul love Dynah! Yong pangalan ng kanyang asawa!"itinuro ko at nanlaki ang kanyang mga mata! Hindi si Engrid makapaniwala at nanginginig ang kanyang buong pagkatao. Nasusuka na si Engrid at napatakbo na sa itaas. Halos hindi namin lahat masikmura ang pangyayari. Si Paul ay ginawang chop ang kanyang mga kalamnan. Yong kanyang belly. Ang ganda ng mga pagkakahiwa talaga. Kapag hindi mo tingnan mabuti
CHAPTER 8 Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa mga oras na iyon. Si Myla na napakahimbing ng tulog ay biglang napabangon. Sina Tricia , Engrid, Diane ay napasigaw na rin nang dahil sa takot. Agad silang kumatok sa kwarto namin ni Myla. Tuloy pa rin ang malakas na sigaw na sa pandinig ko ay papalapit na papalapit. At ang sigaw na iyon ay ang mahiwagang sigaw na lagi kong naririnig mula pa noong bata pa ako. Kaya hindi na ako nabigla pa. Binuksan ko ang pinto. Sina Engrid na nanginginig na sa takot. Kaya sabi ko tumigil na kayo. " Huwag kayo matakot. Hayop lang iyan dito sa kagubatan ! Ang gawin niyo magpakatatag tayo, magpapalakas, manalangin at mag isip ng paraan paano tayo makakabalik ng bayan. Hindi ko na makontak ang telepono ng boss natin. Lahat ng tatawagan ko walang signal. Kailangan gumawa tayo ng
CHAPTER 9 Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Hindi ko maaninag ang mukha ng lalaking dumukot kay Myla. Dahil nagtatakip ito ng isang mask. Na kung titingnan mo parang nasusunog. Siya ang lagi kong nakikita na umaaligid doon sa bahay na tinutuluyan namin. Kailangan kong mag isip ng mabuti kung paano ko mailigtas si Myla sa kamay ng misteryusong lalaking ito. Kumpleto sa sandata, mayroon pa siyang baril. Kailangan makakagawa ako ng paraan. Nagtatago ako sa mayabong na parti ng mga damo. Kailangan ko mabantayan at makikita kung ano ang kanyang gagawin kay Myla. Hindi pa rin ito nag iingay. Kinakahabahan ako , na baka kung ano na ang pinagagawa ng lalaking iyon kay Myla sa loob ng bahay. Naghintay ako ng matagal nang mapansin kung may malaking ahas pala nakamulupot sa puno ng kahoy na dinadapaan ko. Hindi ko alam kung
CHAPTER 10 " Sama sama kayo! Kahit na anong mangyari walang iwanan. Bantayan ang bawat isa. Dahil ayokong mabawasan pa tayo. Wala na si Engrid . Ayokong may madagdag pang mawala sainyo. Hahanapin ko at iligtas si Engrid. Pinapangako ko sainyo ibabalik ko siya dito na buhay katulad sa ginawa ko kay Myla. Maliwanang ba? Diane hawak kamay lang kayong tatlong babae. Kayong tatlong lalaki ang siyang magbantay ng maiigi sa mga babae natin. Kahit saan kayo magpunta magkasama kayong pito. Maliwanag ba? Dito lang kayo sa bahay . Doon kayo sa kwarto sa taas. Ikandado niyo ang pintuan at huwag na huwag niyo itong buksan hanggat hindi ako nakakabalik. Ihanda niyo mga bolo! Kutsilyo! Malaking kahoy na puwede niyo magamit pangpalo. Kahit anuman ang mangyari walang iwanan. Maipapangako niyo ba sa akin?"agad kung tanong sa kanila. " Ipinapangako nam
CHAPTER 11 Nagmamadali na akong makarating sa kinaroroonan ni Engrid. Nasa panganib na ang kanyang kalagayan. Halos iwanan ko na si Myla upang mapabilis ang aking paglakad. Pero kailangan ko siya. Upang makuha kona si Engrid at mailigtas. " Myla, pagdating natin doon, magpakita ka sa killer na iyon. Gumawa ka ng paraan kung paano mo malibang ang taong iyon. Upang mabigyan ako ng pagkakataon na mapasok ko ang kinaroroonan ni Engrid. Maliwanag ba. Nagkaintindihan ba tayo. Kailangan mailigtas na natin si Engrid. Nasa panganib na ang ang kanyang buhay. Diti ako dadaan sa likod at ikaw sa harapan upang mapansin ka kaagad ng lalaking iyon." bilin ko kay Myla. " Sige ! Maghiwalay na tayo dito. Basta mag ingat ka."habilin ko sa mahal kung kasintahan. Naawa ako sa kanya dahik simula ng naging kami ay nararamdaman kong
CHAPTER 12 "Hindi! Hindi totoo ang sinasabi mo! Hindi! Si Engrid! Huhuhu!!!" halos hindi sila makapaniwala sa kanilang narinig. At nakita nila mismo ang chop chop na katawan ni Engrid. Napaluhod sila at nakatingala sa langit! Agad ko silang inutusan. " Bilisan niyo may buhay pa tayo na dapat iligtas. Sa pagkakataong ito kailangan kong mabawi si Diane! Myla! Ikaw na ang bahala dito ! Ang bilin ko sainyo huwag na huqag kayo lumabas ng bahay! Maglock kayo ng kuqarto. Magdala kayo ng makakin niyo. Hintayin niyo ang aking pagbabalik. Kailangan kong makuha si Diane. Hayaan niyo na nakabukas ang oven. Pagbalik ko mamaya abo na yan!" Huwag na huwag kayo lalabas. Huwag kayo matakot sinasabi ko sainyo malalaman at malalaman din natin kung sino ang nasa likod nang nakakubling sunog na mukha! Bilisan niyo umakyat na ka
CHAPTER 13 Nagtataka ako kung bakit may oras ang kaluluwang pumapasok sa katawan ko. Bakit may limitasyon ang kanyang oras. Paano mailigtas ang mga nabiktima nito kung paglampas ng alas dose ay umaalis na ito. Paano namin maipagtanggol ang bawat isa. Nahiwagaan talaga ako sa OVEN na ito. Maya maya pa'y nabigla ako ng umusok ang oven. Bigla itong umusok ng maitim na maitim at naririnig ko ang kakaibang mga hiyaw o sigaw nito na para bang nahihirapan! Nasasaktan ng sobra na parang kinakatay. Bumabalik sa aking alala ang mga naririnig ko noong hindi pa kami nakakarating dito sa kagubatang ito. Mga sigaw at ingay na sobrang sakit na sakit. Kaya ako nagtataka. Kaya unti unti akong lumapit sa Oven. Ngunit nabigla ako ng hinihila naman ako papalayo ng puting usok. Maya maya pa'y parang may sumabog sa loob ng Oven at biglang naw
CHAPTER 21 Habang kinakatay namin ang nahuli kong baboy ramo. Saglit namin nakalimutan kung nasaan kami ngayon. Masaya kaming lahat habang naghahanda para sa aming tanghalian. Kanya kanyang tuka ang bawat isa. Mabilis namin nalinis ang karne. At agad kaming nag ihaw. Marami naman mga prutas nasa paligid namin kaya kanya kanyang pitas na din ng mga saging at apple..may oranges din at atis. Habang nag iihaw kami ..niyakap ako at hinagkan ni Myla. Nagulat pa ako dahil sa mga nangyayari sa amin nakakalimutan ko nang kasintahan ko pala si Myla. "Bakit ka nagulat"?takang tanong nito. " A..eh..nabigla lang po ako sweetheart. Sa mga nangyayari sa atin dito nawala sa isip ko na nobya pala kita."mahina kong nitong tugon. Napangiti lang ito ng bahagya at ipinagpatuloy na lang nito ang pag iihaw ng karne. Nakakaramdam ako ng hiya sa aking minamahal. Hindi ko naman ito sinasadya. Talagang nabigla lang ako. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang pagtatampo. Pero sabi ko sa aking
Chapter 20 Nagdadawalang isip ako kung ano nga ba talaga ang dapat kong gawin. Nag aalangan akong sundin ang sinasabi niya. Ngunit iniisip up din ang kaligtasan ng mga tauhan ko at si Myla. Agad kong kinuha ang bote at itinago ito sa loob ng dala dala kong bag. Bigla akong nagising. Agad akong bumangon at kinausap ko sina Myla na maghanda at Sumunod sila sa akin. Hindi na nagtanong pa si Myla ang babaeng aking minahal noon pa man. Ngunit hindi ko akalain kaya ako nitong samahan hanggang sa kaduluduluhan ng aking buhay. Napatulo na lamang ang aking mga luha. Agad naman nito napansin at niyakap ako ng mahigpit. " Kaya natin ito, huwag kang mawalan ng pag asa mahal. Nandito lang ako, hindi kita iiwan at pababayaan. Mahal na mahal kita. " sabay halik sa aking labi at niyakap ako ng marahan. Pinangunahan ko ang aming paglalakbay. Mga mayayabong na talahiban ang aming dinaanan. At iyon ay ayun sa nakikita ko sa aking panaginip. Natatandaan ko ang mga markang aking ginawa upang masundan
CHAPTER 19 " Teka muna, hindi kita maunawaan. Any ibig mo bang sabihin makakauwi sila na ligtas kung papayag akong maiiwan dito. At mag isa kong labanan ang halimaw? Hindi ko naman alam kong sino nag ba talaga ang kalaban dito. May OVEN! May Matandang lalaki na hindi ko alam kong ano ang tunay na pakay nito!"sagot ko sa matandang nagsasalita . "Katulad ng sinabi ko sayo, maiwan ka dito. At mag isa mong labanan ang halimaw!"wika nito. " Paano? Hindi ko alam kung saan at paano ako maniniwala sayo? " agad kong sagot nito. " Nasa mga kamay mo ang kaligtasan ng inyong mga kasamahan. Pay isipan mong mabuti ang sinabi ko habang hindi pa kayo nauubos. Pito (7) na lang kayo natira ngayon. Baka mamaya o bukas o makalawa mababawasan na naman kayo ng isa o dalawa!"wika pa nito . Nabahala ako ng husto. kaya pinag isipan ko nang maigi. Tama ang matanda. Pito nalang kami. Nawalan kami ng isa pa. At ayokong may mawala pa sa mga kasamahan ko. Kailangan ko magdesisyon. Sino ang matandang ito? Ba
Namangha kaming walo sa dami ng mga prutas na aming napitas. Ngunit bigla akong nagulat nang may napansin akong sumusunod sa amin. "Pssssssst! Huwag kayo maingay. Mauna na kayo susunod ako."yan ang sabi ko sa kanila ng mahina kung bulong habang tinitingnan ko sa unahan ang nakikita kung sumusunod sa amin. Nagtago ako sa isang mataas na talahiban at makapal na mga damo. . At inabangan kong susunod sa mga kasamahan ko ang kanina ko pang napapansin na tao. Nang makalayo na sina Myla. Nakita kong gumagalaw ang mga matataas na damo. Agad akong nag abang...pinaikot ikot ko ang aking paningin. Maya maya biglang tumahimik. Wala na akong naririnig na kaluskos. Kinabahan ako bigla. Naisip ko sina Myla baka napaano na sila. Dahan dahan akong tumayo at sinundan ko kung saan dumaan ang mga kasamahan ko. Nang bigla akong nakakarinig ng isang malakas na sigaw mula sa di kalayuan ng kinalalagyan ko. Hindi ako sumigaw bagkus pinakinggan kong mabuti kung saan nanggaling ang sigaw na yon at mukhang f
CHAPTER 17" Paparating na ang matanda. Maghanda na kayo. Magmatyag kayong lahat. Huwag tayo magtiwala kahit kanino. Nararamdaman kong nililinlang lamang tayo ng kagubatang ito. Isipin niyo. Unang mga pangyayaring kababalaghan doin sa resthouse na iyon. Tapos bigla na lamang tayo napadpad dito sa hindi natin alam na mga kadahilanan. At hindi nga natin kilala mga taong nakakasalamuha natin. Mukhang lahat ng mga kababalaghang nangyayari sa atin ay kasinungalingan.! Nililinlang lamang tayo ng kagubatang ito. Nandiyan na ang matanda. Huwag kayo maingay ako lang ang makikipag usap sa matanda."sabi ko sa kanila. " Opo sir! tumahimik tayo. Andiyan na ang matanda." ani naman ni Myla.Tumahimim ang lahat. Hinintay namin na makapasok ang matandang lalaki sa kubo niya. Nakangisi ito na parang nakakaluko." Wala na po ba ang mga aswang na iyon lolo?"agad kung tanong sa matanda ng pumasok na ng bahay. " " Wala na sila! magpahinga na muna kayo! May mga pagkain diyan sa loob ng mga box tingnan niyo
Chapter 16 Malayo na ang aking inikot ngunit akoy nagtataka mukhang pabalik balik lang ako sa aking dinadaanan. Nagulat ako ng may nakita akong liwanag sa bandang dulo sa kaliwa. Kaya agad akong naghakbang papunto roon. Biglang nawala ang takot na aking nararamdaman ng masipat kong parang may mga kubo sa bandang dulo. At may mga gaserang nakasindi sa labas ng bawat kubo nito. Nang akoy papalapit na sa lugar. Dinig na dinig ko ang sigawan. Palakpakan. Nakakarinig ako ng mga taong naghihiyawan. Mukhang may kasiyahan na ginaganap sa lugar na iyon. Kaya mas lalo ko pang binilisan ang aking paglalakad upang marating ko na ang kinaroroonan ng mga boses na iyon. Dali dali kong pinuntahan ang mga nakasinding ilaw kanina. Pahakbang na sana ako papunta doon sa mga tao ng may biglang humila sa akin at tinakpan ang aking bunganga at sabay sabi. " Huwag kang maingay! Tumahimik ka lang at huwag kang gumawa ng hakbang na makakagawa ng ingay!"mahinang wika nito sa akin. " Mamaya ka n
CHAPTER 15 Kakaiba ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Habang ako'y nakaupo malapit sa kusina. Biglang nagliwanag ang OVEN at biglang nag umpisa nang nangangamoy ang mga karneng nasa loob ng oven. Hindi ako tinatablan ng amoy. Maya pa ay nararamdaman kong may nagbubukas ng pintuan ng kuwarto. Kaya agad kong itong hinarang. " Huwaaaaaag! Di ba sabi ko huwag niyong buksan ang pinyuan. Baka papasok ang amoy at kayo ay malalason ! Bakit ba hindi kayo nakikinig ! Gusto niyo po ba na mamatay kayong lahat? Galit kung sigaw nito sa kanila. Walang kaalam alam si Myla dahil tulog pala ito kaya walang sumita sa isa sa mga kasamahan nila sa loob. "Huwag ! Na huwag niyo bibuksan ang pintuan hanggat maari.! Ilang beses ko nang bilin ito sa inyo! Bakit ayaw niyo makinig!" galit kong sigaw kung sino man ang nagtangkang buksan ang pintuan. Maya maya pa narinig kung may nagtatalo sa loob. Nag away away na pala sila sa loob. Narinig kung nagsisigaw si Myla. Hindi ko naman puwed
CHAPTER 14 " Carlooooo! Pumasok ka sa loob ng kuwarto! Magpahinga ka muna! Hindi kayo magagalaw dahil nandito ako! Pasok kana at matulog! Ako na ang bahala!" isang tinig na hindi ko alam kung saan nanggaling pero parang nasa tabi ko lang ...napakalamig na parang nasa ilalim ng lupa naggagaling. Kaya agad akong kumatok ng kwarto. At isinara ito. " Ano ang makain dito? Magpahinga na kayo. Kakain muna ako bago matulog. Huwag na huwag kayong lalabas kapag ako tulog! Huwag niyong subukan baka pagsisihan niyo! Matulog na po kayo kung tapos na kayo mag dinner. Kakain muna ako pagkatapos matulog na din ako. Myla sweetheart magpahinga kana."sabi ko nito. " Agad na nag ayos ng higaan namin ang pinakamaganda kung kasintahan. " Takpan niyo ang inyong mga mukha. Upang wala kayong maamoy kahit na ano galing s
CHAPTER 13 Nagtataka ako kung bakit may oras ang kaluluwang pumapasok sa katawan ko. Bakit may limitasyon ang kanyang oras. Paano mailigtas ang mga nabiktima nito kung paglampas ng alas dose ay umaalis na ito. Paano namin maipagtanggol ang bawat isa. Nahiwagaan talaga ako sa OVEN na ito. Maya maya pa'y nabigla ako ng umusok ang oven. Bigla itong umusok ng maitim na maitim at naririnig ko ang kakaibang mga hiyaw o sigaw nito na para bang nahihirapan! Nasasaktan ng sobra na parang kinakatay. Bumabalik sa aking alala ang mga naririnig ko noong hindi pa kami nakakarating dito sa kagubatang ito. Mga sigaw at ingay na sobrang sakit na sakit. Kaya ako nagtataka. Kaya unti unti akong lumapit sa Oven. Ngunit nabigla ako ng hinihila naman ako papalayo ng puting usok. Maya maya pa'y parang may sumabog sa loob ng Oven at biglang naw