CHAPTER 4
Halos nawalan na ako ng gana pang kumain. Nawala na sa pananaw ko ang taong nag aapoy ang katawan at sunog na sunog ang mukha. Nagkagulobnaman ang mga kasamahan ko sa kusina. " Ano iyong amoy? Ang baho! Parang sunog na iwan na parang amoy patay na daga! Saan nanggagaling yon? Nasaan na pala ang pinatay mong ahas sir Carlo?". Tanong ni Paul. " Tinapon ko na sa malayo." Tapis na ba kayo. Bukas na natin linisin ang kusina. Pahinga na tayong lahat." sabi ko sa kanila. Nakatingin lang sila sa akin na parang nagtataka at natatakot. Nakatitig lang si Myla sa akin at hindi ito nagsasalita. Nagtataka ako bakit ganoon ang kanilang mga reaksiyon .
" May problema ba? Bakit ang talim ng mga titig niyo sa akin?" tanong ko agad sa kanila. Isa isa na silang nagsialisan at umakyat na sa taas at pumasok na pabagsak ang mga pinto ng kanilang mga kuwarto. Samantalang si Myla nakatingin lang sa akin na parang nagtataka ito. " Myla, bakit may problema ba? May dumi ba ako sa mukha? Magsalita ka naman! Hey! Sweetheart!" takang sigaw ko nito sa kanya ngunit parang wala pa rin itong naririnig. Hindi ko alam ano ang nangyayari sa kanya. Hindi siya nagsasalita. Kaya hinawakan ko ang kanyang kamay at hinila papasok ng kwarto namin. Saka siya pumipiglas sa pagkakahawak ko sa kanyang mga kamay.
" Ano nangyari saiyo? Bakit tulala ka sweetheart?" taka kung tanong kay Myla. " Hindi ko alam! Bakit ano nangyari?" takang tanong nito . " Ewan ko di ko rin alam nagtataka na lamang ako saiyo na nakatulala at nakatingin sa akin at hindi nagsasalita na para bang nakakakita ka nang multo!" Sabi ko nito sa kanya. " Wala akong naalala at wala akong alam . Basta ang alam ko kumakain tayo. Nasaan na pala ang mga pagkain? Nagugutom ako hindi pa tayo tapos kumain di ba?" tanong nito sa akin na nakataas ang mga kilay. " Nandoon pa rin hindi naman nailigpit ang mga pagkain . Tinakpan ko lang ang mga pagkain." sabi ko. " Samahan mo naman ako sweetheart. Nagugutom pa ako." hindi na ako naktanggi pa kaya tumayo nalang ako sa aking kinauupuan at hinawakan siya sa kamay at sinamahan ko na sa kusina. Halatang gutom na gutom ito. Hindi man lang ako inalok. Kain lang siya ng kain. Sarap na sarap. Pinanuod ko lang siya habang napapalunok ako na parang nakakaramdam ako ng gutom. Kaya nang hindi ko na napigilan ay kumuha na rin ako nang plato at kumain na rin ulit. Maya maya may kung ano akong narinig na kaluskos galing sa labas. Sarap na sarap naman sa pagkain si Myla. Hinayaan ko na lang ang aking naririnig upang hindi madisturbo sa pagkain ang aking kasintahan. Papalapit na papalapit ang kaloskos na aking naririnig. Nagsitayuan na ang aking mga balahibo pati ang buhok ko sa batok ay nanlalamig na din. Kaya bigla akong napatayo. Nawala na din ang naririnig kong ingay at kumakaluskos sa labas. Ang tagal matapos kumain ni Myla. Mukhang napasarap siya sa pagkain. Biglang bumaba sina Martin Azenti , Noel Luchi, Tom Quar, Paul Lambert.
" Sir Carlo? Kumakain pa rin ba kayo?" Takang tanong ni Paul sa akin na nakataas ang kanang kilay nito. Na mukhang nang aasar pa. " Nagyaya kasi si Myla. Ginutom ata at iyan kain ng kain. " nakangiti kong paliwanag sa kanila. " Saan ba kayo pupunta? Bakit kayo bumaba?" tanong ko sa kanila. " A ...e... nagyaya kasi itong si Noel na lumabas magpapahangin. Magyoyosi na rin kami sa labas." Sabay turo ng bitbit nitong isang kahon ng Marlboro. Natuwa na lang ako. Lumabas ang apat ng pintuan tanaw ko pa sila. Maya maya pa'y, isinara na nila ang pinto. Diko na maririnig ang kanilang mga boses. Tapos nang kumain si Myla. Agad nitong niligpit mga plato. Tinulungan ko siyang maglinis. At maghugas ng mga pinakainan kanina. Inilgay ni Myla sa refrigerator ang mga natitirang pagkain. Biglang sumakit ang aking tiyan. Nagpaalam ako na pumasok muna ng kwarto namin at magbabanyo lang ako. Tumango lang ang aking mahal. Agad akong umalis at pumasok nang banyo. Habang ako'y nasa loob ng banyo at nakaupo sa inodoro. May narinig akong isang malakas na sigaw at hindi ko alam kung saan nanggaling. Humihingi ito ng tulong dali dali akong lumabas ng banyo at hinanap ko kung saan nanggaling ang malakas na sigaw.
" Sweetheart! Ano nangyari saiyo?" takang tanong ni Myla habang sinasalubong ako sa may sala papalabas na ako ng bahay. " Saan ka pa ba pupunta? Matulog na tayo pagod na ako!. hila nito sa akin pabalik ng kwarto namin. Di na ako nakaimik. Kaya sumunod na lang ako sa kanya. Pangalawang gabi namin ngayon. Ngunit bakit parang hindi mabuti ang nararamdaman ko sa bahay na ito. Dami akong nakikita at naririnig. Sana makakatulog ako ngayon ng maayos.
" Maligo muna ako sweetheart , kanina pa ako naiinitan." sabi ko. " Magpunas ka nalang sweetheart! Pagod na pagod ang katawan mo. Maupo ka dito punasan na lang kita ng mainit na bimpo. Halika dito". tawag nito sa akin. Agad naman ako umupo sa kama. Kumuha siya ng bimpo at nagpunta ng banyo. Agad naman itong bumalik na may bitbit nang maliit na planggana na may laman na tubig. Maya maya pa'y dahan dahan nang pinunasan nito ang aking mukha at buong katawan Ang sarap ng pakiramdam kapag may nag aalaga sayo. Lalo na sa ganitong paraan. Ramdam ko ang totoo noyang pagmamahal sa akin.
" Tapos na sweetheart! Magbihis ka na at matulog na tayo. Antok na rin ako kanina pa. Nakabalik na ba sina Noel?. tanong nito sa akin. " Hindi ko alam, nasa labas pa sila. Nagpapahangin pa." Kwento ko sa kanya. " Hayaan na natin sila papasok din ang mga iyon." sabi ko. Tumango na lamang si Myla. Nahiga na kami. Maya maya pa'y nakatulog na agad si Myla. Antok na din ako. Kaya ipinikit ko na ang aking mga mata. Lingid sa aming kaalaman nagkakagulo na pala sa labas sina Noel. Dahil nawawala si Paul at hindi nila ito mahanap. Hindi nila mabubuksan ang pintuan kaya hindi sila nakapasok sa bahay at hindi rin namin naririnig kung ano ang mga ginagawa nila sa labas. Hindi rin nila dala ang kanilang mga phone. Hinanap nila si Paul ngunit wala ito.
" Nasaan na si Paul? Tawagin niyo si sir Carlo kailangan malaman nila ang nangyari. Saan na kaya nagpunta iyon? kinakabahan na sabi ni Tom. Katukin niyo ng malakas ang pinto." utos ni Martin. Agad na kinatok ng kinatok nina Tom ang pintuan hanggang sa narinig ni Myla ang mga katok. Agad na bumangon si Myla at binuksan ang pinto.
" Bakit ang ingay niyo? Ano ba nangyari sainyo?"takang tanong ni Myla sa kanila. " Kanina pa kami naghahanap kay Paul ngunit hindi namin mahahanap!". "Ano? Anong nangyari ? Nasaan na si Paul?". Agad akong naalimpungatan sa ingay nila sa labas. Dahan dahan akong bumangon at tinungo ang kinaroroonan nila. Nagulat ako nang sinabi nila na nawawala si Paul.
" Paanong nawala. Nasaan siya?"tanong ko sa kanila. " Hindi nga po namin mahanap sir e! Nagpaalam lang siya na iihi lang saglit doon sa may puno ng malaking mangga. Hindi na po siya nakabalik." kwento ni Tom. Samahan niyo ako puntahan natin kumuha ka ng flash light sa loob Noel . Magdala ka ng apat! Kumuha ka na rin ng itak sa loob ng kusina Martin. Bilisan niyo!" utos ko sa kanila. Kanina pa pala nawawala si Paul hindi man lang nila ginawan ng paraan . Puro lang sila sigaw nang sigaw wala naman may nangyayari. Agad na bumalik ang dalawa. Agad ko binigay sa kanila isa isa ang mga flash light at itak. Myla bumalik ka sa bahay. Umakyatbka sa taas. Sabihin mo sa mga babae na nawawala si Paul. Huwag na huwag kayo lumabas ng bahay. Sarado mo ang pinto. Tatawagan kita kapag dumating na kami upang mabuksan mo ang pinto. Nakakalungkot na nawala si Paul. Hindi puwede na hindi natin siya makikita!" Sabi ko sa mga tauhan ko.
"
Halos hindi na kumain si Carlo aa mga nangyayari. Lalo na si Myla. Nagsi akyatan na sa taas ng kwarto ang mga kasamahan nito. Dahil sa nakita nilang ahas na pinatay ni Carlo Tavez . Halos di makakibo si Carlo Tavez nang nakita niya muli ang taong nasusunog ang katawan at naagnas ang mukha. At sobrang masangsang ang amoy. Nagulat si Carlo Tavez sa mga kilos ni Myla at mga kasamahan nito. Kaya pinaakyat na lang nito sa taas. Nang bumalik na ang isip ni Myla ay agad ito nanghingi ng makain. Habang kumakain sila ni Myla bumaba naman sina Paul, Tom, Martin, at Noel. Nagpaalam ang mga ito na magpapahangin sa labas at magyoyose. Pumasok na sina Marlon sa kanilang kwarto at hindi nila alam na nagkakagulo na pala sa labas. Dahil nawawala si Paul at hindi nila ito mahanap
CHAPTER 5 Agad kaming lumabas ng bahay at hinanap namin si Paul sa malapit na kakahuyan. Tinawagan namin ang kanyang phone pero nagriring lang ito at walang sumasagot. Kaya tinawagan ko ai Myla upang tingnan kung nasa loob ba ng tinutulugan ni Paul ang kanyang celphone. " Hello sweetheart! Nandito ang kanyang mobile naiwan sa table. Ano gagawin natin? Nasaan na si Paul? Madilim ang paligid mahihirapan kayo na hanapin siya. Bumalik nalang muna kayo dito sa bahay at hihintayin nalang natin si Paul na babalik ." sabi ni Myla sa akin. " Tama ka nga, kasi dilikado para sa amin ang kagubatan hindi namin alam may mga ahas o anumang hayop na ikamamatay namin. Sige kausapin ko mga kasamahan ko. Bye sweetheart!" sagot ko kay Myla "Martin!
CHAPTER 6 "Nanghihina na si Paul, hingal na hingal na siya. " Paul, lakasan mo pa ang loob mo. Isipin mo ang mga anak mo at asawa na naiwan. Magpakatatag ka...hindi kita kayang buhatin mas malaki ka kaysa sa akin . Hintayin natin na dumating sila. Sino ang gumawa sayo nito? Sino? Sumagot ka Paul kailangan ko malaman. Please sumagot ka!" Hindi na nagsasalita si Paul hinihingal na siya. At nahihirapan na siyang huminga. Ang dami niyang sugat sa katawan. At ang ipinagtataka ko bakit mga katawan niya nahihiwa na parang gawin itong chop. Nauubos na ata ang dugo ni Paul. Tumayo ako ngunit may pumalakol sa aking ulo. Pinalo ako hanggang sa nawalan ako ng malay. " Malapit na tayo! Ito na may mga bakas na ng dugo!" Ika ni Martin. " Aaaaaaaaah! Isang malakas na s
Chapter 7 " Huwaaaaaaag! Huwaaaaaaag! Huwaaaaaag mong buksaaaaaaan!!! sigaw ko at agad kung hinawakan ang mga kamay ni Engrid. " Gutom na ako gusto kung kumain! Ano ba kayo! Sino naman ang gagaw niyan kay Paul? Pahingi isa lang naman ulam ko lang sa kanin!" Sabi nito. " Hindi nga puwede! Si Paul iyan! Di mo ba nakikita tingnan mo mabuti ang tatoo sa kanyang tiyan! Ayan dimo ba nakikita...paul love Dynah! Yong pangalan ng kanyang asawa!"itinuro ko at nanlaki ang kanyang mga mata! Hindi si Engrid makapaniwala at nanginginig ang kanyang buong pagkatao. Nasusuka na si Engrid at napatakbo na sa itaas. Halos hindi namin lahat masikmura ang pangyayari. Si Paul ay ginawang chop ang kanyang mga kalamnan. Yong kanyang belly. Ang ganda ng mga pagkakahiwa talaga. Kapag hindi mo tingnan mabuti
CHAPTER 8 Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa mga oras na iyon. Si Myla na napakahimbing ng tulog ay biglang napabangon. Sina Tricia , Engrid, Diane ay napasigaw na rin nang dahil sa takot. Agad silang kumatok sa kwarto namin ni Myla. Tuloy pa rin ang malakas na sigaw na sa pandinig ko ay papalapit na papalapit. At ang sigaw na iyon ay ang mahiwagang sigaw na lagi kong naririnig mula pa noong bata pa ako. Kaya hindi na ako nabigla pa. Binuksan ko ang pinto. Sina Engrid na nanginginig na sa takot. Kaya sabi ko tumigil na kayo. " Huwag kayo matakot. Hayop lang iyan dito sa kagubatan ! Ang gawin niyo magpakatatag tayo, magpapalakas, manalangin at mag isip ng paraan paano tayo makakabalik ng bayan. Hindi ko na makontak ang telepono ng boss natin. Lahat ng tatawagan ko walang signal. Kailangan gumawa tayo ng
CHAPTER 9 Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Hindi ko maaninag ang mukha ng lalaking dumukot kay Myla. Dahil nagtatakip ito ng isang mask. Na kung titingnan mo parang nasusunog. Siya ang lagi kong nakikita na umaaligid doon sa bahay na tinutuluyan namin. Kailangan kong mag isip ng mabuti kung paano ko mailigtas si Myla sa kamay ng misteryusong lalaking ito. Kumpleto sa sandata, mayroon pa siyang baril. Kailangan makakagawa ako ng paraan. Nagtatago ako sa mayabong na parti ng mga damo. Kailangan ko mabantayan at makikita kung ano ang kanyang gagawin kay Myla. Hindi pa rin ito nag iingay. Kinakahabahan ako , na baka kung ano na ang pinagagawa ng lalaking iyon kay Myla sa loob ng bahay. Naghintay ako ng matagal nang mapansin kung may malaking ahas pala nakamulupot sa puno ng kahoy na dinadapaan ko. Hindi ko alam kung
CHAPTER 10 " Sama sama kayo! Kahit na anong mangyari walang iwanan. Bantayan ang bawat isa. Dahil ayokong mabawasan pa tayo. Wala na si Engrid . Ayokong may madagdag pang mawala sainyo. Hahanapin ko at iligtas si Engrid. Pinapangako ko sainyo ibabalik ko siya dito na buhay katulad sa ginawa ko kay Myla. Maliwanang ba? Diane hawak kamay lang kayong tatlong babae. Kayong tatlong lalaki ang siyang magbantay ng maiigi sa mga babae natin. Kahit saan kayo magpunta magkasama kayong pito. Maliwanag ba? Dito lang kayo sa bahay . Doon kayo sa kwarto sa taas. Ikandado niyo ang pintuan at huwag na huwag niyo itong buksan hanggat hindi ako nakakabalik. Ihanda niyo mga bolo! Kutsilyo! Malaking kahoy na puwede niyo magamit pangpalo. Kahit anuman ang mangyari walang iwanan. Maipapangako niyo ba sa akin?"agad kung tanong sa kanila. " Ipinapangako nam
CHAPTER 11 Nagmamadali na akong makarating sa kinaroroonan ni Engrid. Nasa panganib na ang kanyang kalagayan. Halos iwanan ko na si Myla upang mapabilis ang aking paglakad. Pero kailangan ko siya. Upang makuha kona si Engrid at mailigtas. " Myla, pagdating natin doon, magpakita ka sa killer na iyon. Gumawa ka ng paraan kung paano mo malibang ang taong iyon. Upang mabigyan ako ng pagkakataon na mapasok ko ang kinaroroonan ni Engrid. Maliwanag ba. Nagkaintindihan ba tayo. Kailangan mailigtas na natin si Engrid. Nasa panganib na ang ang kanyang buhay. Diti ako dadaan sa likod at ikaw sa harapan upang mapansin ka kaagad ng lalaking iyon." bilin ko kay Myla. " Sige ! Maghiwalay na tayo dito. Basta mag ingat ka."habilin ko sa mahal kung kasintahan. Naawa ako sa kanya dahik simula ng naging kami ay nararamdaman kong
CHAPTER 12 "Hindi! Hindi totoo ang sinasabi mo! Hindi! Si Engrid! Huhuhu!!!" halos hindi sila makapaniwala sa kanilang narinig. At nakita nila mismo ang chop chop na katawan ni Engrid. Napaluhod sila at nakatingala sa langit! Agad ko silang inutusan. " Bilisan niyo may buhay pa tayo na dapat iligtas. Sa pagkakataong ito kailangan kong mabawi si Diane! Myla! Ikaw na ang bahala dito ! Ang bilin ko sainyo huwag na huqag kayo lumabas ng bahay! Maglock kayo ng kuqarto. Magdala kayo ng makakin niyo. Hintayin niyo ang aking pagbabalik. Kailangan kong makuha si Diane. Hayaan niyo na nakabukas ang oven. Pagbalik ko mamaya abo na yan!" Huwag na huwag kayo lalabas. Huwag kayo matakot sinasabi ko sainyo malalaman at malalaman din natin kung sino ang nasa likod nang nakakubling sunog na mukha! Bilisan niyo umakyat na ka
CHAPTER 21 Habang kinakatay namin ang nahuli kong baboy ramo. Saglit namin nakalimutan kung nasaan kami ngayon. Masaya kaming lahat habang naghahanda para sa aming tanghalian. Kanya kanyang tuka ang bawat isa. Mabilis namin nalinis ang karne. At agad kaming nag ihaw. Marami naman mga prutas nasa paligid namin kaya kanya kanyang pitas na din ng mga saging at apple..may oranges din at atis. Habang nag iihaw kami ..niyakap ako at hinagkan ni Myla. Nagulat pa ako dahil sa mga nangyayari sa amin nakakalimutan ko nang kasintahan ko pala si Myla. "Bakit ka nagulat"?takang tanong nito. " A..eh..nabigla lang po ako sweetheart. Sa mga nangyayari sa atin dito nawala sa isip ko na nobya pala kita."mahina kong nitong tugon. Napangiti lang ito ng bahagya at ipinagpatuloy na lang nito ang pag iihaw ng karne. Nakakaramdam ako ng hiya sa aking minamahal. Hindi ko naman ito sinasadya. Talagang nabigla lang ako. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang pagtatampo. Pero sabi ko sa aking
Chapter 20 Nagdadawalang isip ako kung ano nga ba talaga ang dapat kong gawin. Nag aalangan akong sundin ang sinasabi niya. Ngunit iniisip up din ang kaligtasan ng mga tauhan ko at si Myla. Agad kong kinuha ang bote at itinago ito sa loob ng dala dala kong bag. Bigla akong nagising. Agad akong bumangon at kinausap ko sina Myla na maghanda at Sumunod sila sa akin. Hindi na nagtanong pa si Myla ang babaeng aking minahal noon pa man. Ngunit hindi ko akalain kaya ako nitong samahan hanggang sa kaduluduluhan ng aking buhay. Napatulo na lamang ang aking mga luha. Agad naman nito napansin at niyakap ako ng mahigpit. " Kaya natin ito, huwag kang mawalan ng pag asa mahal. Nandito lang ako, hindi kita iiwan at pababayaan. Mahal na mahal kita. " sabay halik sa aking labi at niyakap ako ng marahan. Pinangunahan ko ang aming paglalakbay. Mga mayayabong na talahiban ang aming dinaanan. At iyon ay ayun sa nakikita ko sa aking panaginip. Natatandaan ko ang mga markang aking ginawa upang masundan
CHAPTER 19 " Teka muna, hindi kita maunawaan. Any ibig mo bang sabihin makakauwi sila na ligtas kung papayag akong maiiwan dito. At mag isa kong labanan ang halimaw? Hindi ko naman alam kong sino nag ba talaga ang kalaban dito. May OVEN! May Matandang lalaki na hindi ko alam kong ano ang tunay na pakay nito!"sagot ko sa matandang nagsasalita . "Katulad ng sinabi ko sayo, maiwan ka dito. At mag isa mong labanan ang halimaw!"wika nito. " Paano? Hindi ko alam kung saan at paano ako maniniwala sayo? " agad kong sagot nito. " Nasa mga kamay mo ang kaligtasan ng inyong mga kasamahan. Pay isipan mong mabuti ang sinabi ko habang hindi pa kayo nauubos. Pito (7) na lang kayo natira ngayon. Baka mamaya o bukas o makalawa mababawasan na naman kayo ng isa o dalawa!"wika pa nito . Nabahala ako ng husto. kaya pinag isipan ko nang maigi. Tama ang matanda. Pito nalang kami. Nawalan kami ng isa pa. At ayokong may mawala pa sa mga kasamahan ko. Kailangan ko magdesisyon. Sino ang matandang ito? Ba
Namangha kaming walo sa dami ng mga prutas na aming napitas. Ngunit bigla akong nagulat nang may napansin akong sumusunod sa amin. "Pssssssst! Huwag kayo maingay. Mauna na kayo susunod ako."yan ang sabi ko sa kanila ng mahina kung bulong habang tinitingnan ko sa unahan ang nakikita kung sumusunod sa amin. Nagtago ako sa isang mataas na talahiban at makapal na mga damo. . At inabangan kong susunod sa mga kasamahan ko ang kanina ko pang napapansin na tao. Nang makalayo na sina Myla. Nakita kong gumagalaw ang mga matataas na damo. Agad akong nag abang...pinaikot ikot ko ang aking paningin. Maya maya biglang tumahimik. Wala na akong naririnig na kaluskos. Kinabahan ako bigla. Naisip ko sina Myla baka napaano na sila. Dahan dahan akong tumayo at sinundan ko kung saan dumaan ang mga kasamahan ko. Nang bigla akong nakakarinig ng isang malakas na sigaw mula sa di kalayuan ng kinalalagyan ko. Hindi ako sumigaw bagkus pinakinggan kong mabuti kung saan nanggaling ang sigaw na yon at mukhang f
CHAPTER 17" Paparating na ang matanda. Maghanda na kayo. Magmatyag kayong lahat. Huwag tayo magtiwala kahit kanino. Nararamdaman kong nililinlang lamang tayo ng kagubatang ito. Isipin niyo. Unang mga pangyayaring kababalaghan doin sa resthouse na iyon. Tapos bigla na lamang tayo napadpad dito sa hindi natin alam na mga kadahilanan. At hindi nga natin kilala mga taong nakakasalamuha natin. Mukhang lahat ng mga kababalaghang nangyayari sa atin ay kasinungalingan.! Nililinlang lamang tayo ng kagubatang ito. Nandiyan na ang matanda. Huwag kayo maingay ako lang ang makikipag usap sa matanda."sabi ko sa kanila. " Opo sir! tumahimik tayo. Andiyan na ang matanda." ani naman ni Myla.Tumahimim ang lahat. Hinintay namin na makapasok ang matandang lalaki sa kubo niya. Nakangisi ito na parang nakakaluko." Wala na po ba ang mga aswang na iyon lolo?"agad kung tanong sa matanda ng pumasok na ng bahay. " " Wala na sila! magpahinga na muna kayo! May mga pagkain diyan sa loob ng mga box tingnan niyo
Chapter 16 Malayo na ang aking inikot ngunit akoy nagtataka mukhang pabalik balik lang ako sa aking dinadaanan. Nagulat ako ng may nakita akong liwanag sa bandang dulo sa kaliwa. Kaya agad akong naghakbang papunto roon. Biglang nawala ang takot na aking nararamdaman ng masipat kong parang may mga kubo sa bandang dulo. At may mga gaserang nakasindi sa labas ng bawat kubo nito. Nang akoy papalapit na sa lugar. Dinig na dinig ko ang sigawan. Palakpakan. Nakakarinig ako ng mga taong naghihiyawan. Mukhang may kasiyahan na ginaganap sa lugar na iyon. Kaya mas lalo ko pang binilisan ang aking paglalakad upang marating ko na ang kinaroroonan ng mga boses na iyon. Dali dali kong pinuntahan ang mga nakasinding ilaw kanina. Pahakbang na sana ako papunta doon sa mga tao ng may biglang humila sa akin at tinakpan ang aking bunganga at sabay sabi. " Huwag kang maingay! Tumahimik ka lang at huwag kang gumawa ng hakbang na makakagawa ng ingay!"mahinang wika nito sa akin. " Mamaya ka n
CHAPTER 15 Kakaiba ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Habang ako'y nakaupo malapit sa kusina. Biglang nagliwanag ang OVEN at biglang nag umpisa nang nangangamoy ang mga karneng nasa loob ng oven. Hindi ako tinatablan ng amoy. Maya pa ay nararamdaman kong may nagbubukas ng pintuan ng kuwarto. Kaya agad kong itong hinarang. " Huwaaaaaag! Di ba sabi ko huwag niyong buksan ang pinyuan. Baka papasok ang amoy at kayo ay malalason ! Bakit ba hindi kayo nakikinig ! Gusto niyo po ba na mamatay kayong lahat? Galit kung sigaw nito sa kanila. Walang kaalam alam si Myla dahil tulog pala ito kaya walang sumita sa isa sa mga kasamahan nila sa loob. "Huwag ! Na huwag niyo bibuksan ang pintuan hanggat maari.! Ilang beses ko nang bilin ito sa inyo! Bakit ayaw niyo makinig!" galit kong sigaw kung sino man ang nagtangkang buksan ang pintuan. Maya maya pa narinig kung may nagtatalo sa loob. Nag away away na pala sila sa loob. Narinig kung nagsisigaw si Myla. Hindi ko naman puwed
CHAPTER 14 " Carlooooo! Pumasok ka sa loob ng kuwarto! Magpahinga ka muna! Hindi kayo magagalaw dahil nandito ako! Pasok kana at matulog! Ako na ang bahala!" isang tinig na hindi ko alam kung saan nanggaling pero parang nasa tabi ko lang ...napakalamig na parang nasa ilalim ng lupa naggagaling. Kaya agad akong kumatok ng kwarto. At isinara ito. " Ano ang makain dito? Magpahinga na kayo. Kakain muna ako bago matulog. Huwag na huwag kayong lalabas kapag ako tulog! Huwag niyong subukan baka pagsisihan niyo! Matulog na po kayo kung tapos na kayo mag dinner. Kakain muna ako pagkatapos matulog na din ako. Myla sweetheart magpahinga kana."sabi ko nito. " Agad na nag ayos ng higaan namin ang pinakamaganda kung kasintahan. " Takpan niyo ang inyong mga mukha. Upang wala kayong maamoy kahit na ano galing s
CHAPTER 13 Nagtataka ako kung bakit may oras ang kaluluwang pumapasok sa katawan ko. Bakit may limitasyon ang kanyang oras. Paano mailigtas ang mga nabiktima nito kung paglampas ng alas dose ay umaalis na ito. Paano namin maipagtanggol ang bawat isa. Nahiwagaan talaga ako sa OVEN na ito. Maya maya pa'y nabigla ako ng umusok ang oven. Bigla itong umusok ng maitim na maitim at naririnig ko ang kakaibang mga hiyaw o sigaw nito na para bang nahihirapan! Nasasaktan ng sobra na parang kinakatay. Bumabalik sa aking alala ang mga naririnig ko noong hindi pa kami nakakarating dito sa kagubatang ito. Mga sigaw at ingay na sobrang sakit na sakit. Kaya ako nagtataka. Kaya unti unti akong lumapit sa Oven. Ngunit nabigla ako ng hinihila naman ako papalayo ng puting usok. Maya maya pa'y parang may sumabog sa loob ng Oven at biglang naw