02
"Handa ka bang makasaksi ng demonyo araw-araw?"Hindi alam ni Nelvie kung matatawa ba siya o maaawa sa amo nitong si Grasya. Kanina niya pa kasi ginagamit ang salitang 'demonyo' imbes na boss o amo. Gano'n ba talaga kasama ang amo nito para tawagin niyang amo?"Grabe ka naman, ate." Natatawang binaba niya ang baso na may laman na orange juice. "Sobrang sama ba ng amo mo? O baka palpak lang kayo kaya laging galit?""Papasok palang kami sa opisina niya, dama mo na ang galit niya," para siyang takot na nagkukwento nang kaniyang karanasana kay Nelvie. "Alam mo 'yong wala ka namang ginagawa, humihinga ka lang at manghihingi ng pirma at approval niya, pero galit agad siya? Gano'n si Sir Diaz! Galit ata 'yon sa mundo tapos sa amin binubunton.'Boss Diaz? Siya ba ang amo nila? Hmm, parang amoy mayaman nga.' Ani Nelvie sa isip niya."Gwapo naman?" Hindi alam ni Nelvie bakit niya iyon tinanong."Oo, sobra! Kaso nga lang ayun, galit sa mundo lagi." Tila dismayado na sabi ng kaharap niya. "Bakit mo naman natanong kung gwapo?""Wala lang." Nagkbikit balikat siya. "Gano'n naman sa mga teleserye, 'di ba? Kapag gwapo ang amo o boss, kadalasan masama ang ugali, maarte at parating galit. Baka akala ng boss mo nasa teleserye siya."Natawa sila pareho."Gaga ka! Ni hindi ko nga siya nakikitang nanonood ng tv," sabi ni Grasya. "Puro cellphone, laptop at tablet lang ang ginagamit no'n pati na rin ang mga mamahalin niyang relo.""Baka iba pinapanood."Mas lalo silang natawa dalawa."Ano? Tatanggapin mo ba?" pagbabago ng topic ni Grasya. "Kakayanin mo ba si sir? Kung susubukan mo, huwag mong kalimutan na binalaan kita ha? Huwag kang lalapit sa akin na parang sawi kasi hindi kita binalaan. Laging gano'n kasi ang eksena ng mga sumusubok na maging sekretarya ni sir. May iba pang lumuluha at nanginginig sa takot after nilang makausap si sir."Natahimik si Nelvie. Actually hindi siya natatakot. Mas naging excited nga siya sa gano'ng tao. Hindi rin naman kasi siya mabait. May pagkasuplada at maarte siya lalo na kung hindi niya tipo ang kausap. Hindi siya anghel o kung anomang tawag sa may mabuting loob. Sadyang mahal niya lamang ang lolo't lola niya kaya siya naghahanap ng trabaho ngayon."Ay shete! Tapos na ang break ko!" Mabilis na tumayo si Grasya at dinampot ang hindi niya naubos na juice. "Bumalik ka rito bukas ng umaga. Maagang-maaga ha? Ayaw no'n sa late. Tapos ako na maghahatid sa iyo papunta sa opisina ni sir."Tumango si Nelvie at tumayo rin."May dapat ba akong dalhin?"Umiling si Grasya. "Wala, sarili mo lang sapat na. Basta ihanda mo ang sarili dahil hindi basta-basta tao ang makakaharap mo bukas."'Handa naman ako ngayon palang.' Sabi ni Nelvie sa isipan.Ngumiti siya sa kaharap. "Maraming salamat, ate, ha?""Huwag ka munang magpasalamat, hindi ka pa natatanggap."Natatawang saad nito." Kung matatanggap ka, huwag kang mag-alala, gagabayan kita. Mauna na ako, Nels. Mag-iingat ka. ""Salamat pa rin, ate!" Sigaw niya at kinawayan ang papalayong babae.Kumaway rin si Grasya bago patakbong tinahak ang daan patungo sa elevator. Pinanood ni Nelvie ang pagpasok ng babae at ang pagsarado ng elevator."Sa wakas may trabaho na ako!" masayang bulong niya sa sarili.Kinabukasan ay maaga siyang nagising. Hindi nga siya nakatulog nang maayos dahil iniisip niya kung maaga ba siyang magigising o hindi. Hindi naman kasi siya iyong tipo na maaga magising. Mahirap din siya gisingin dahil tulog mantika siya. Kaya kinabahan bago natulog pero heto siya't dilat na dilat. Madilim pa lang ay gising na ang kaniyang diwa.Martes ang araw na iyon kaya panigurado marami siyang kasabayan na mga nagtatrabaho rin. Kung hindi siya aalis ng maaga ay baka maubusan siya ng masasakyang jeep at mahuli sa oras na sinabi ni Grasya. Ayaw niya naman maging late sa interview o kung interview nga ang gagawin nito.Mabilis siyang naligo at nagbihis para maaga umalis. Tamang-tama lang ang suot niya para sa araw na iyon. Tila isa na nga siyang ganap na office worker sa suot niya. Lumabas siya ng kwarto at hinanap ang salamin nila para maglagay ng light make up."Mas mabuti na iyong maganda kahit na bagsak sa interview, 'di ba?" Kausap niya ang sarili."Ang aga mo naman yata ngayon, apo."Napitlag siya at halos mabitawan ang hawak na lipstick. Napatingin sa lamesa kung saan nakita niyang nakaup at nagkakape ang kaniyang lolo."Nakakagulat namna kayo, lo." Aniya na napahawak pa sa dibdib. "Bakit gising na po kayo? May masakit po ba sa inyo?"Umiling ang kaniyang lolo. "Wala, apo. Maaga lang talaga akong nagising. May lakad ka ba? Ang aga naman masiyado, apo?""Trabaho po, lo." Pinatunog niya ang labi atsaka hinarap ang kaniyang lolo. "Mukhang magkakatrabaho na po ako. Sana talaga matanggap. Naalala niyo po si Ate Grasya? Iyong dating nakatira riyan sa tapat?""Si 'Ga ba?""Opo, lo, siya nga.""Oh? Anong mayroon sa kaniya? Bumalik na siya?""Hindi, lo, pero nagkita kami kahapon sa pinag-apply-an ko. At binigyan niya ako ng trabaho. Tutulungan niya pa ako ngayon para magkatrabaho na."Napangiti ang matanda. "Aba'y magandanga iyan para hindi ka na mapagod kakabalik sa bayan."Buong pag-aayos niya ay kausap niya ang kaniyang lolo. Mas naging motivate siya sa mga iniwang salita ng kaniyang lolo. Nagpaalam siya na aalis na para hindi maabutan ng traffic at maubusan ng masasakyan. Mabilis siyang nagtungo sa paradahan ng jeep na malapit lang sa kanila at agad na sumakay.Wala pang ala sais nang maratin niya ang bayan. Kailangan niya pang sumakay ng isa pang jeep para marating ang kompanya nila Grasya. Nahirapan siya sa pagsakay dahil punuan nga ang mga jeep. Mabuti na lamang ay may bumaba at agad siyang nakipag-unahan para makasakay. Kahit na parang upong-singko lang ang upo niya ay pinagtiyagan niya nalang para makapunta agad sa kompanya. Paano ba nama'y kalahati lang ng pwet niya ang nakaupo. Dosehan daw kasi ang jeep ni manong driver pero hindi para na silang sardinas sa sobrang siksikan.Pakiramdam Nelvie ay haggard na siya pagkababa ng jeep. Nilakad niya ang daan patungo sa gate nitong kompanya nila Grasya. Agad siyang hinarang ng gate nang makita siya."Saan po ang punta niyo, ma'am?" tanong nito. "At ano pong pangalan?""Good morning, kuya," nakangiting bati niya. "Mag-aapply po ako, kuya. Kilala po ako ni Ate Grasya.""Grasya?" 'tila napaisip ito. "Ah, ikaw po ba iyan, Ma'am Nels?"Natawa si Nelvie. Nickname niya kasi ang 'Nels' at ang mga kapitbaha niya lang ang tumatawag sa kaniya no'n."Opo, kuya, ako po si Nelvie Salsado o mas kilala sa tawag na Nels po." Pakilala niya sa sarili. "Nandiyan ba si Ate Grasya sa loob?"Tumango ang guwardiya. "Opo, ma'am, kakapasok lang din po. Pasok na po kayo."Ngumiti si Nelvie at tumango. Papasok na sana siya nang may naalala at muling hinarap ang guwardiya."Kuya, may banyo po ba rito malapit? Mag-aayos lang po sana ako saglit.""Yes, ma'am," bigla niton tinuro ang kaliwang side ng building. "Dumiretso lang po kayo diyan, ma'am. May makikita po kayong parking lot tapos diretsuhin niyo po 'yon at makikita niyo ang cr.""Salamat, kuya."Sinunod niya ang sinabi ng guwardiya. Agad niyang nakita ang palikuran na sinasabi nito. Mabilis siyang pumasok at nag-ayos ng sarili."Dapat maganda ka, Nels." Kausap niya ang sarili sa salamin. "Para naman hindi ka tanggihan ni boss Diaz." Natawa siya sa tawag. "Taray! Boss Diaz, hindi pa nga natatanggap at nakikita."Inayos niya ang make up at ang buhok niya. Ilang ulit siyang umikot sa salamin para tignan kung ayos na ang suot niya. Nang makitang ayos na ang sarili niya ay mabilis siyang lumabas."Ay palaka ka!"Nagulat siya nang may nabangga siyang tao pagkalabas niya. Napapikit siya at napahawak sa noo nang tumama iyon sa taong nakabunggo niya. Sumakit ang noo niya at tila namula dahil parang sa bato siya tumama."Are you okay, miss?""Hindi ka ba marunog tumingin—"Natigilan si Nelvie nang makita ang hitsura nang nakabungguan niya.'Totoo ba ito?' tanong niya sa isipan. 'Nasa langit na ba ako?'Hindi sapat ang salitang handsome sa mukha nitong lalaking kaharap niya ngayon. Matangkad, moreno, mmagandang lalaki at... at hot ang kaharap niya. Even though she can't see his whole body because of the suit he's wearing, Nelvie can tell he has a good body shape. Pumuputok ang braso niya na akala mo'y mapupunit ang suot niya. Maliit rin ang bewang nito dahil naka-tuck in ang suot niyang - - - -"Are you okay, miss?" He snapped his finger in front of her face. "Miss?"Nagising ang diwa ni Nelvie at napaatras. Hindi niya maalis ang tingin sa mukha ng lalaki. Hindi pa rin siya makapaniwala sa lalaking kaharap niya. 'Tila nakakita siya ng artista."D*mn! Can't you hear me?! Are you mute or what?!" Naubos ang pasensiya ng lalaking kaharap niya dahil wala siyang ginawa kundi tumunganga at tignan lamang ito. "You're drooling while looking at me. Wala ka bang hiya?""A-Ano?!" utal na sagot niya. "Wow, mister! Sino kaya itong hindi tumitingin sa daan? Ikaw! And what are you doing here?" Tinignan niya ang likod bago muling tumingin sa kaharap. "Sinisilipan mo ba ako?!"Mas lalong kumunot at naging masama ang tingin ng lalaking kaharap niya."Are you in drugs?" malalim na saad nito. "In this early morning? Really?""Ano!" mas nainis siya. "Ang kapal mo naman! Sa hitsura kong ito? Mukha ba akong nagdadrugs?!""Well..." he scanned his whole body. "You can't tell if someone taking drugs by looking at his or her physical appearance.""Aba't!" Kumulo na talaga ang dugo niya. "Are you saying na I'm taking drugs talaga? Is that what are you implying to?""Ikaw nagsabi niyan," ngumisi lang ito saka siya nilagpasan. "Good bye, Miss Little Pony."Napahawak siya sa clip niya at agad iyong inalis. Doon niya lang napagtanto na nasuot niya pala ang paborito niyang clip na little pony ang tatak. Lucky charm niya kasi ito. Lagi niya iyong dala kung nasaan siya.Masamang sinundan niya ng tingin ang lalaki ngunit wala na ito."Baliw!" sigaw niya kahit wala na siyang kausap.Kinalma niya ang sarili bago tinahak ang daan sa entrance nitong building. Sinubukan niyang alisin ang sinabi ng lalaki sa isip niya ngunit nagpaulit-ulit lamang iyon."Tama nga si Grasya, may mga gwapo talaga rito na masasama ang ugali!" bulong niya sa sarili at umupo sa kung saan sila huling nagkita ni Grasya. "Nasaan na ba si ate?"Saglit siyang naghintay bago dumating si Grasya. Nagsign in pa kasi ito at mahaba ang pila kaya natagalan. Agad nilang tinungo ang elevator at agad siyang pinaalalahanan ni Grasya."Ang sinabi ko ha?" ani Grasya na akala mo siya ang ma-i-interview dahil mas kinakabaha pa siya kaysa kay Nelvie. "Sana talaga matanggap ka ni boss. Kaso kung matatanggap ka man, ilang araw ka kaya magtatagal sa kaniya?""Gano'n ba talaga siya kasama?" tanong ni Nelvie. "Ilang araw ang pinakamatagal na sekretarya niya?""Nitong nakaraan na nag-apply sa kaniya? Isa lang. " Sagot nito na ikinagulat ni Nelvie. "Wala pa nga atang isang araw iyon.""I-Isa?"Tumango si Grasya. "Hindi pa nga nag-iisang araw, sila na ang kusang nag-re-resign. Gano'n nakakatakot si boss. Kaya mo ba?"Natahimik si Nelvie. Kakayanin niya nga ba? Pero para sa kaniyang lolo't lola ang trabahong iyon. Kaya kahit na anong galit o demonyo ng sinasabing boss ni Grasya, titiisin niya— kakayanin niya."Kaya." Bulong niya.Bumukas ang elevator at lumabas sila pareho. Walang tigil sa pagpapaalala si Grasya na nagpapadagdag sa kaba ni Nelvie. Base kasi sa mga sinasabi ni Grasya, mukhang mahihirapan nga talaga siya. Makakapasok man siya, pero magtatagala kaya?Huminto sila sa pinakadulong pinto. Napansin din ni Nelvie na iyon ang pinakamalaki at mamahaling pinto sa lahat ng pinto na nadaanan nila."Dito na ang opisina ni boss." Sabi ni Grasya habang nakatingin sa pinto. Hinarap niya si Nelvie. "Handa ka na ba?"Tinitignan ni Nelvie ang pinto. Wala nang atrasan iyon. Nandiyan na siya kaya itutuloy niya na ang kung anong pinunta niya."Ready na, ate."Tumango rin si Grasya saka kumatok sa pinto."S-Sir..." tawag nito. Kinakabahan na sa pagkatok palang."Come in!" Mahina lamang nilang narinig iyon ngunit maawtoridad.Nagkatitigan sila bago tinanguan ni Grasya si Nelvie."Hindi na ako papasok kasi may gagawin pa ako," aniya. "Good luck, Nels."Nginitian niya ito. "Salamat talaga, ate."Tumango-tango ito. "Maiwan na kita ha?"Sinundan ng tingin ni Nelvie ang pag-alis ni Grasya. Huminga siya nang malalim bago tinignan ulit ang pinto."Kaya ko 'to!" bulong niya sa sarili.Buong puso niyang hinawakan ang door knob at pinihit iyon papasok. Halos hindi siya makahinga nang makita ang loob ng opisina. Tama nga si Grasya. Papasok ka palang, para ka nang tinutulak palabas.Nakita niya ang lalaking nakaupo. Nakatalikod ito kaya hindi niya makita ang hitsura nito. Ngunit dama niya na agad ang presensiya nito. Ang nakatatakot... nakakakaba..."G-Good morning po, sir..."Sinarado niya ang pinto at dahan-dahan na humakbang palapit sa lalaki. Kabog ang dibdib niya habang hindi inaalis ang tingin."I'm Nelvie Salsado po..." saad niya. "I'm applying to be your secretary." Tumayo siya sa tapat ng table nito. "What can you say, sir?""Well..."Dahan-dahan itong umikot paharap sa kaniya. Tila siya nalagutan nang hininga habang hinihintay ang pagharap ng lalaki.At gano'n nalang ang panlalaki ng mga mata niya at pagbuka ng bibig nang makita ang amo nila Grasya."I-Ikaw?""Good morning, Miss Little Pony." Ngumisi ito at saka mapaglarong tinignan siya. "Good to see you again."Written by DBardz03"N-No way..."Napaatras si Nelvie nang makita kung sino ang kaharap niya ngayon. Hindi siya makapaniwala na ito ang amo na sinasabi ni Grasya. At ngayon niya masasabi na tama nga ang mga nilahad ni Grasya sa kaniya. Na masama nga talaga ang ugali ng kanilang amo."Can't talk again, huh?" Tumayo bigla ito at pumuwesto ang sarili sa likod ng swivel chair na inupuan niya kanina. "Shock to see me? Or I caught your heart?"Inayos niya ang sarili at saka sinamaan ng tingin itong lalaki sa harap niya. Ni hindi niya inakala na ito pala ang amo nila. Hindi pa rin niya ma-process ang lahat.Napansin niya ang pangalan nito na nakasulat sa may harapan ng table. 'Chivan Diaz.' Basa niya. 'Siya nga ang boss?' "I-Ikaw ang boss?""No other than." He then smile widely. "Did you expect someone else? Or perhaps your friend warned you about me already?"'A-Anong...' Bigkas niya sa isipan. 'Paano niya nalaman iyon?'"Am I right, right?" Hindi na talaga siya makasagot. Ang bilis masiyado nang pangyay
04"Repeat this! This, too! Give it back this, too!"Nagliliparan ang mga soft copy na mga pinasa kanina ng iba't ibang team sa harap ni Nelvie. Ni wala pang na-a-approve sa mga pinasa. Hindi niya alam kung galit ba ang amo niya sa kaniya o mali lang talaga ang mga gawa? O baka hindi niya nagustuhan?Dinampot niya lahat ng mga papel na tinapon ng kaniyang amo. Inis na siya at napipikon na dahil sumasakit na ang kaniyang balakang sa pagdampot at tayo para kuhain ang mga papel. Kung saan-saan ba naman kasi niya tinatapon ang mga papel kaya kung saan-saan din siya nadampot.Lumabas siya dala ang anim na soft copy na tinapon. Agad siyang nagtungo sa kabilang kwarto kung saan niya inaabot ang mga rejected na papel."Nakakapagod 'no?" Sabi ni Kristal, ang babae na kumukuha ng rejected paper at nagdadala sa mga team. "Parang hindi naman binabasa ni sir ang mga ito." Kinuha niya kay Nelvie ang mga rejected papers."Baliw ba 'yong amo niyo?" gigil na bulong nito."Amo na'tin." Pagtatama nito,
05Linggo ngayon at walang pasok si Nelvie. Hindi niya namalayan na limang araw na pala siyang pumapasok bilang isang secretary. Hindi niya alam paano niya natiis ng limang araw ang ugali ng kaniyang amo. Napaayos siya ng upo sa kama nang tumunog ang messenger app sa cellphone niya.GRASYA: 1PM nalang daw tayo magkita-kita kasi may pupuntahan pa si Rein mamaya.Mabilis na nagtipa ng reply si Nelvie.NELVIE: Sige, ate.Kahapon bago sila magkaniya-kaniyang uwi, nagplano silang pupunta sa mall para naman i-celebrate ang pagiging empleyado ni Nelvie sa kompanya. Pa-welcome party nila sa kaniya. Dahil wala pa silang mga sweldo ay nagpasya nalang sila na mag-mall. Napatingin siya sa oras sa cellphone. It's already 10 in the morning. Nag-unat siya ng katawan bago tumayo at niligpit ang higaan. Sisipol-sipol at kakanta-kanta siyang lumabasng kwarto at tinungo ang lamesa kung saan nagtatanghalian na ang kaniyang lolo't lola. Maaga talaga siyang gumising, natulog lang ulit dahil sa pagod."Gi
06"Ang bait ni sir today, ah? Ano kayang nakain niya?"Nakatanggap ng hampas si Kristal mula kay Helen."Baka marinig ka, ano ka ba!" Sita nito. "Pero oo nga. Ano kayang mayroon bakit tayo sinama ni sir?""Bakit? Ngayon niya lang ba ginawa ito?" tanong ni Nelvie.Naglalakad na sila papasok sa isang maingay at mamahaling bar. Medyo malayo sila sa kanilang boss dahil nahihiya pa rin sila. At naninibago dahil sa biglaang pag-anyaya nito sa mga empleyado."Oo, 'te," sagot ni Rein. "Ikaw ba, Kristal? Ngayon ka lang niyaya ni sir? 'Di ba mas malaki ang chance na makasama mo siya kasi malapit lang ang silid mo sa opisina ni sir."Umiling-iling naman si Kristal."Hindi pa. Ni minsan ay hindi niya ako tinanong para sumama sa kaniya." Sagot ni Kristal at tinignan ang boss nilang may kausap na na mga naglalakihan mga kalalakihan. "Ayaw niya kayang ginagawa iyon. Ayaw niyang may sumusunod o sumasama sa kaniya. Kaya nagulat din ako kanina.""Wow, ha, sa sobrang gulat mo nasa loob ka na ng sasakya
07"And this is Nelvie, my new secretary." Nakaupo na si Ivan nang ipakilala niya ang mga emplyedo sa mga kaibigan niya. Nag-bow si Nelvie sa tatlong naggagwapuhan at mga makikisig na lalaki na kaharap niya. Her boss introduced them to his friends. Pagpasok palang ni Nelvie at nang tumama ang mga mata niya sa mga ito, alam niya na agad na katulad ito ng kaniyang boss na mayayaman din."Good evening sa inyo." Sabi niya at umayos ng tayo. "Bagong secretary lang ako ni sir. Nice to meet the three of you."Ngumisi si Hell, ang may-ari ng bar na kaibigan ni Ivan. He's wearing a black polo. Halos hindi niya nakabutones ang polo nitong suot dahil lantad na lantad ang maganda nitong katawan."You look gorgeous, Nelvie." Nakangiting saad nito. "By the way, Hell is my name. I'm the owner of this bar. How old are you? You look underage. Baka minor ka pa, ah?" Tumawa ito sa sariling biro niya. Sumama naman ang tingin ni Ivan sa kaibigan. Anong ibig sabihin nito sa sinabi niya? Ibig niya bang sa
08"ANONG NANGYARI?!"Mabilis na tinakpan ni Nelvie ang kaniyang katawan gamit ang nakuha niyang damit sa ibabaw ng kama na hinigaan niya. Hindi niya akalain na paggising niya'y wala siya sa bahay nila. Ang sarap pa naman nang kaniyang pagtulog dahil napaginipan niya ang kaniyang iniidolo ngunit mababawi rin pala agad pagkagising niya.Gulat, kaba at takot ang naramdaman ni Nelvie habang inaalala ang mga pangyayari bago siya nauwi sa gano'ng sitwasyon. Sa pagkakatanda niya ay sinama sila ng kaniyang amo sa bar ng kaibigan nito. Nakilala niya ang apat na kaibigan ng kaniyang amo at saka sila uminom.Tama!Uminom sila kaya siguro ay masakit ang ulo niya pagkagising. Ngunit hindi naman gano'n kalala ang sakit.Muling napatingin si Nelvie sa lalaking nasa tabi niya sa pagtulog nang gumalaw ito. Wala itong saplot pang itaas. Kitang-kita niya ang maganda nitong katawan. 'Tila nabusog siya sa nakikita at nawala rin ang sakit ng ulo niya.'Hindi!' Sabi niya sa sarili. 'Umayos ka, Nels! Hindi
09"You can drop me off here." "Is that your house?" "No." Sagot ni Nelvie. "Dito mo na lang ako ibaba, kaya ko na ang sarili ko." Ivan looked at her while still driving slowly because of how small the way to her house. "What, sir?" Ani Nelvie. Why did they ended up inside Ivan's car though? After they had their breakfast, Hell offered them to drop them off to their houses. Bilang pasasalamat daw nito at paghingi ng sorry dahil nilasing sila. Pumayag naman ang mga kaibigan ni Nelvie. But Ivan took the initiate that he'll the one to drop them off. At dahil si Nelvie ang may pinakamalayong bahay sa kanilang lima, siya ang huling kasama ng boss niya. Bababa na nga sana siya pagbaba ni Grasya but Grasya told their boss na hindi siya roon nakatira. And Nelvie didn't know why he's concern to that. She didn’t expect he'll still bring her to her house."You can stop the car. Dito na lang ako." Nelvie started to remove the seat belt. "Itabi mo na lang diyan sa gilid para hindi nakaharang
10"Revise this again!"Two days had passed after they went to Hell's bar and everything went back. Nelvie thought her boss became, even a little bit, kind after their bar and hatid experienced but she was wrong. Maling-mali siya. Dahil bumalik sa ugali nito ang boss niya na akala mo'y laging may kaaway."Fine!" Pangatlong soft copy na iyon na ibibigay niya kay Kristal.Bago pa siya makalabas ng pinto ay muling nagsalita si Ivan."Brew me a coffee." Utos nito. "And move quick! You're so slow!"Umirap lang si Nelvie at lumabas ng opisina nito."Ang sungit talaga!" Inis na sabi niya at binigay kay Kristal ang pina-revise nito. After niya ibigay kay Kristal ang document ay dumiretso siya sa 1st floor kung nasaan ang coffee maker at ginawan ng kape ang boss niya. Kahit papaano ay nakakapag-adjust na si Nelvie sa trabaho niya. Alam niya na ang pasikot-sikot ng kompanya.At mas lalong alam niya na ang takbo ng utak ng kanilang boss.Pansin niya na talagang mainitin at tila parating galit a
TWENTY-SEVEN Marahan na pumikit ang mga mata ni Nelvie, dinarama ang pagtama ng sariwang hangin sa katawan. For her, the sound of waves, birds singing and the entire place give me comfort. It's giving her some kind of relaxation.“Do you like the place?" She felt Ivan's breath touch her nape, his hands encircled on her stomach as he put his chin on her left shoulder. “Aren't you tired? Or hungry? Wala pang isang oras nang dumating tayo rito, don't you want to rest first?”Dumilat si Nelvie at tinignan siya. Ang gwapo niyang mukha ang bumungad sa dalaga. Ngumiti si Nelvie at hinawakan ang mga kamay ni Ivan nakayakap sa tiyan nito. “I like this place," sagot ni Nelvie. “And I'm not hungry.”“Hmm. Then what do you want to do?" Tanong niya, mas humigpit ang yakap sa dalaga.“Tour the place?" She's not sure what she wanted to do right now either. “Mas masaya siguro kung aalamin muna natin ag lugar na ito then we can go back to our room later.”“I will be your tour guide then."Gulat na n
CHAPTER TWENTY-SIX“You okay?” tanong ni Ivan sa katabi. It’s ten in the evening and they are already on the plane, going to Palawan to have their staycation. “Tired?” tanong ulit ni Ivan.Umiling si Nelvie, nakadungaw sa labas ng bintana. “Nag-aalala lang ako kay lolo. Medyo hindi maganda ang lagay niya kanina eh,” may lungkot sa tono ni Nelvie. Nagpaalam si Nelvie sa lolo at lola at napansin na may nararamdaman na sakit ang kanyang lolo. Hindi mapalagay ang loob gayong nasa malayo siya at hindi ma monitor ito. Pag-aalala ang bumalot kay Nelvie.Ivan sighed. Inabot niya ang kamay ng nobya at marahan iyong pinagsaklob sa kamay niya.“Don't worry. We'll get an update from Julie about them, okay?” paniniguro ni Ivan. Si Julie ang iyong caregiver na hinire niya para bantayan ang lolo at lola ni Nelvie. “She will update us from time to time.”Bumaling ang tingin ni Nelvie, hindi pa rin mawala ang kaba sa kalooban. Marahan na inabot ni Ivan ang ulo niya at iginaya para isandal sa bali
CHAPTER TWENTY-FIVE “May kailangan ka? Bakit mo ‘ko pinatawag kay Kristal?” Tanong ni Nelvie nang pumasok siya sa opisina ni Ivan. “May ipapagawa ka ba?”Ivan shook his head.Kumunot ang noo ni Nevie habang lumalapit sa table ng nobyo. “Oh eh bakit mo ko pinatawag?”“Just…” Tumitig siya sa mga mata ni Nelvie. ”I just miss you.” Natawa si Nelvie. “Ano ka ba! Magkasama lang naman tayo. Nasa labas lang ako ‘no? Miss ka riyan.”Ivan pouted, acting sad. “You're busy. So busy to the point you can't enter my office.”Natatawa na umiling si Nelvie sa inaakto ng lalaki. Totoong abala sila nitong mga nagdaan na araw dahil sa daming paperworks. Marami ring meeting and such na kailangan asikasuhin kaya hindi na siya madalas pumapasok sa opisina ng nobyo, kung kinakailangan siya. She walked towards him, smiling widely. Ang cute cute kasi magtampo ng boyfriend niya! Umupo siya sa table at tiningnan ang kapareha.“Seriously, baby?” Tumango si Ivan, inaabot ang bewang ni Nelvie. “Let’s have a di
CHAPTER TWENTY-FOUR“Kami na.”Kanya-kanyang sigaw at tili ang mga babaeng kaibigan ni Nelvie nang marinig ang sinabi niya. Lahat ng tao sa mall na malapit sa kanila ay hindi napigilan na tignan sa dahil sa ginawa nilang ingay.“Iba ka talaga, Nels,” masayang komento ni Grasya. “Congrats sa inyo. Grabe! I can't believe na kayang umibig ni sir!”“Kaya pala nag-iba ang araw ni sir nitong mga nagdaang araw. Pumapag-ibig naman pala.” Saad ni Kristal.“Thank you, Nelvie. Ikaw ang naging susi para pakalmahin ang amo natin.” Natatawa na sabi ni Helen.“Iba ang kamandag mo, gurl!” makulit na sabi ni Rein.Masaya silang nakinig sa kwento ni Nelvie. Tuwang-tuwa sila at hindi mapigilan ang kilig at tuwa. Kinuwento niya kung paano sila nagkatuluyan at ang mga kakakilig na momento niya kay Ivan. Habang nagkukwento, hindi niya maiwasan na kiligin kaya pati ang mga kaibigan niya. Hanggang sa matapos ang break at bumalik sila sa kanya-kanyang trabaho, hindi pa rin mawala ang kilig nila sa sinalaysay
CHAPTER TWENTY-THREE“Lo, ano pong gusto mo sa birthday mo? Gusto mo po bang gumala tayo nila lola sa mall? O maghanda nalang po tayo?” tanong ni Nelvie habang kumakain siya ng agahan kasama ang kanyang lolo at lola sa hapag ng araw ng biyernes. “Kahit huwag na, apo. Gastos lamang iyon.” Sagot ng kanyang lolo. “Masaya na ako kahit na walang handaan dahil maswerte pa rin ako na kasama kayo.”Malungkot na pinagmasdan ni Nelvie ang lolo.“Hindi naman pwede iyon, lo. Maghanda na lang po tayo kahit simpleng salo-salo,” aniya. “May importanteng sasabihin din po kasi ako sa inyo sa araw na iyon.”Matagal nang tago ang relasyon niya kay Ivan, ang kanyang amo, kaya naman napag-isipan niyang ipaalam na sa mga tumayong magulang niya ang relasyon niya kay Ivan. Nakausap niya na si Ivan tungkol doon at pumayag naman ito sa kaniyang desisyon. Lumipas ang mga araw na nagplano si Nelvie sa darating na kaarawan ng kanyang lolo. Ipinaalam niya iyon kay Ivan kaya tumulong ito sa mga gagastusin niya.
CHAPTER TWENTY-TWOWARNING!READ AT YOUR OWN RISKS. P. G. AHEAD!AFTER TWO DAYS, they went back to the company and to their own life but something already changed. They become secretly dating each other withkut no one noticing about their sweet gestures in the company. Though sometimes Ivan can't keep his hand on his own and keep touching Nelvie.Ngumiti ng pilit si Nelvie sa lalaki na kanina pa makulit ang kamay. Magkatabi sila na nakaupo habang nagpapresent sa unahan ang isa sa empleyado ng kompanya. Kanina pa tinitiis ni Nelvie na hindi sigawan at hampasin ang malikot na kamay ng lalaki. Ayaw niyang mapansin sila ng ibang kasama sa meeting kaya naman marahan at sa ilalim ng lamesa niya kinukurot ang kamay ni Ivan para patigilin. Muli niyang tinabig ang kamay nito at bahagyang umusog malapit sa lalaki upang bumulong.“Sir, I am begging you. Keep your hand on yourself,” mariin na bulong niya habang ang nga nata ay nasa lalaking nagsasalita. “For the sake of this meeting, please, c
CHAPTER TWENTY-ONEWARNING!READ AT YOUR OWN RISKS. P. G. AHEAD!Tumirik ang mga mata ni Nelvie nang muling paglaruan ni Ivan ang mga dibdib niya. Baliw na baliw siya na hindi alam kung saan ba hahawak ang mga kamay niya sa sobrang sarap na nararamdaman. Buhat buhat siya ni Ivan habang naglalakad ang lalaki ng mabagal patungo sa silid. Hindi siya tinigilan nito kahit na nasa ere.“H-Hmm! Argh! I-Ivan! S-Shit!” Mariin na kinagat ni Nelvie ang ibabang labi para pigilan ang malakas na tunog sa kanyang bibig. She's trying her best not to moan loudly to respect their neighbors. Ngunit sadyang malikot ang bibig at dila ni Ivan. He licked, sipped and even bit her breast. Na dahilan upang lalong malulong si Nelvie sa kasarapan.“Oh! Goosshhh! Y-You… you are doing so gooood! Goshhh! Ohhh!”Dahan-dahan siyang binaba ni Ivan sa kama habang subo-subo pa rin ang kaliwa niyang utong. Nang maramdaman ang kama, agad na kumapit ang mga kamay ni Nelvie sa bedsheet para bigyan suporta ang kanyang kata
CHAPTER TWENTYWARNING!READ AT YOUR OWN RISKS. P. G. AHEAD!“Did you have fun?”Tinignan ni Nelvie ang lalaki na nagmamaneho. He became more and more handsome in her eyes. A smile appeared on her lips as she stared at Ivan. She still can’t believe that he’s dating her boss. Parang dati ay aso’t pusa sila kung magbangayan tapos ngayon ay nag-iibigan na. Hindi talag biro maglaro ang tadhana. Fate really amazed her. “Sobra.” Sagot niya sa tanong ng boss. “Sobrang nag enjoy ako.”Napangiti si Ivan sa narinig. Saglit niyang sinulyapan si Nelvie bago muling itinuon ang mga mata sa daan. “There’s more.”Tumaas ang kilay ni Nelvie ngunit ang ngiti sa mga labi ay hindi mawala. “Talaga? Wow, ah! Sinulit mo talaga. Saan naman tayo this time?”“Heaven.” Biro na sagot ni Ivan at tumawa.Natulala naman si Nelvie. Agad na pumasok sa isipan niya ang mga maduduming scenario. Namula ang mukha niya at agad ng iwaksi ang kung anong iniisip. Habang si Ivan ay tuwang tuwa sa sariling kalokohan. Kitang-k
CHAPTER NINETEEN“You're clingy. Stop. Nakakakiliti.”Sinusubukan alisin ni Nelvie ang mukha ni Ivan sa leeg niya ngunit mas sinisiksik lang ng lalaki ang mukha. Pagkagising nila, agad yumakap si Ivan at sumiksik sa kaniya.“Stop already.”Tinakpan ni Nelvie ang bibig ng lalaki para hindi na siya halikan nito sa leeg. He kept coming back, which made Nelvie ticklish even more. It's too early to act lovey-dovey with each other but they don't care. After what happened last night in the plaza, they become more and more clingy to each other. Ni hindi maalis ang katawan ng isa sa isa. Para silang magnet na dikit na dikit sa isa't isa. Mas humigipit ang pagkakayakap ni Ivan sa kay Nelvie nang subukan nitong tumayo. “Don't.” Pigil ni Ivan. “Let's cuddle more.”Tumawa si Nelvie. He just acts cutely right now. Nakapikit ang mga mata nito ngunit nakanguso ang mga labi. “Fine.” Muling humiga si Nelvie paharap kay Ivan at yumakap sa lalaki. She rested her head on his naked chest and felt his