Kagat-kagat ko ang kuko ko habang naghihintay na pagbuksan ako ng pinto ni Morris.Nanginginig ako sa galit at inis. Hindi para kay Morris kundi para sa sarili ko.Malakas na sampal ang iginawad ko kay Morris ng buksan niya ang pintuan. Wala siyang kahit na anong sinabi. Hindi man lang siya nagtanong kung bakit ko siya sinampal.Inunahan ko siyang pumasok sa unit niya at hinintay siyang harapin ako."Paano mo nagawa sa'kin 'to, Morris?"galit na tanong ko sa'kanya."Sinugod ako ni Haven at ang sabi niya may nangyari sainyo? Totoo ba 'yun, Morris?"dagdag ko pang tanong sa'kanya.Napayuko naman siya at hindi umimik. Napanganga ako kasabay ng pagtubig ng mga mata ko. So, it means totoo na may nangyari nga talaga sa kanila.Napatalikod ako sa'kanya at pigil ang sarili kong huwag umiyak."I'm sorry"rinig kong sabi niya.Napatingin ako sa mga braso niyang yumakap sa beywang ko. Huminga ako ng hangin at tinanggal 'yon saka siya hinarap."Morris. If you love me, kahit ilang babae pa ang maghub
Ilang linggo na kaming hindi nagkikita ni Fergus. Hindi ko alam kung bumalik na ba ito abroad o nandito pa'rin sa Pilipinas.Hindi rin muna ako nakikipagkita kay Morris. Ayaw ko muna siyang makasama habang nararamdaman kong masama ang loob ni Fergus. Napapikit ako at gustong sabunutan at saktan ang sarili ko.Kung pwede lang akong maging dalawang ako--ginawa kuna. Para hindi masaktan sa kanila ang isa.Napatutop ako sa bibig ko at napahawak sa tiyan ng maramdam ng pagsusuka.Napatakbo ako sa banyo."Ano bang kinain ko, bakit ako nasuka?"nagtatakang sabi ko habang iniisip kong ano ang nakain ko ngayon.Nagbihis ako at naligo. Balak kung pumunta sa gym para mag exercise, mukhang tumataba na ako dahil palagi lang akong kumakain at tulog dito sa bahay."Mom. Alis muna ko, pupunta lang sa gym"paalam ko kay Mommy.Napangiti ako ng makita ang umbok sa tiyan nito. Tatlong buwan na 'yon."Sige, balik ka kaagad. Maagang uuwi ang daddy mo"nakangiting sabi niya.Mas lalo namang lumawak ngiti sa la
Hindi ako mapakali habang hinihintay si Morris na dumating. Sana maging maayos ang pag-uusap na 'to.Nagtaka ako ng dumating ito na may suot na black cap. Ngayon ko lang siya nakitang nagsuot na ganu'n. Ayaw niya bang mabalitaan ni Haven na magkikita kami?"Ano ang sasabihin mo?"kaagad na tanong niya ng makupo sa upuan na kaharap ko.Napanganga naman ako sa attitude nito. Kahit minsan hindi niya ako ganu'n tratuhin."Morris. Please don't do it, nalaman kong engage na kayo ni Haven. Bakit? Ipiliwang mo ang nangyayari?"nagtutubig ang mga matang tanong ko sa'kanya."Invited ka sa wedding. Gusto ni Haven na ikaw ang maging maid of Honor niya"saad niya.Napahawak ako sa bibig ko at tahimik na napahikbi. Hindi ako makapaniwala sa narinig mula sa lalaking mahal ko. Magpapakasal siya tapos ako pa talaga ang maid of Honor ng bride niya? Ano 'to? Pinaglalaruan ba nila ako?"Seryuso ba talaga 'to?"naguguluhang tanong ko.Pumapatak ang mga luha kong tumingin kay Morris."Morris. Please huwag mon
Napabalikwas ako mula sa kinahihigaan. Totoo ba 'yun? Kasal na si Morris kay Haven? Kaagad na pumatak ang mga luha ko.Napatingin ako sa pintuan ng bumukas iyon saka pumasok si Mommy. "Oh, ba't ka umiiyak?"nag-aalalang tanong niya.Lumapit siya sa kama ko at umupo sa gilid 'non. Umiñing ako sa tanong ni Mommy saka pinahid ang luhang umaagos sa pisngi ko. I want to know the truth! Gusto kung malaman kung natuloy ba ang kasal nilang dalawa?Hinawakan ni Mommy ang noo pagkuwa'y bumuntong hininga."Mabuti naman, wala kanang lagnat. Saan kaba pumunta kagabi bakit naglalakad kang mag-isa at basang-basa ng ulan? Iyan tuloy nagkasakit ka"saad ni Mommy.Napaawang ang mga labi ko. Di'ba nasa kasal ako ni Morris nang bumagsak ako at nawalan ng malay?"M-Mom. Natuloy po 'ba ang kasal ni Morris?"nakayuko ang ulong tanong ko sa kanya."Oo. Matutuloy 'yun, panigurado. Engagement party na nila mamayang gabi"tugon niya. Nag-angat naman ako ng mukha sa'kanya dahil sa narinig."E-Engagement party? Mama
"Baby? Wake up"Nagising ang diwa ko nang makilala ang boses ni Morris na ginigising ako. Sinabayan niya pa iyon nang marahan paghaplos sa hita ko at paghalik sa leeg ko.Unti-unti akong nagmulat ng mata. Kadiliman ang naaninag ko, mukhang nakalimutan kung sindihan ang ilaw kanina bago ako matulog."Baby---""Mo-Morris?"pagtatama ko sa lalaking katabi ko. Kinapa ko ang remote sa ibabaw ng bed side table at pinindot iyon kaya naliwanag ang buong paligid."Wala na tayong oras. Cza, we need to go. Itatanan kita"pahayag ni Morris.Kinuha niya sa'kin ang remote at pinindot ang off button kaya namatay ang ilaw kaya bigla na namang dumilim ang paligid."Anong ginagawa mo? Go back to your fiance, Morris"pangtataboy ko sa'kanya.Hindi ako nakapalag ng hawakan niya ang magkabilang braso ko."Baby. Please? Sumama ka sa'kin. Ipapaliwanag ko sayo ang lahat-lahat"pakiusap niya.Tumayo siya ng kama at hinila ako patayo."Saan ba tayo pupunta? Gabing-gabi na, Morris"saad ko."Itatanan nga kita, Cza.
Namamanhid na ang mga binti ko nang makarating kaming Quezon. Ilang minuto na lang madaling araw na. Maliwanag ang buwan kaya kitang-kita ko ang payapa at malawak na dagat mula dito sa balcony. Tanaw na tanaw 'din mula dito ang mga ilaw sa kabilang ibayo ng dagat. Siguro nagmumula ang ilaw na 'yun sa mga bahay at gusali na nandon. Parang gusto kung pumunta 'dun at mamasyal.Siguro mas maganda pa ang view dito bukas kapag sumikat na ang araw.Napayuko ako sa parteng tiyan ko nang may mga brasong pumalibot 'don. Nilingon ko si Morris mula sa likuran ko.Bumuga ako ng hangin at hinarap ko siya."Ipaliwanag mo nga sa'kin ang lahat ng nangyayari? Saka ako magde-desisyon kung mag s-stay ako sa'yo, Morris o aalis ako"seryusong sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya."At first. Pinagbataan ako ng pamilya ni Haven na kung hindi ko siya papakasalan. Pababagsakin nila ang negosyo ni Daddy. I swear, Cza. I didn't mean to hurt you. I want to be a good son kaya ko 'yun nagawa"paliwanag niya.Pi
Kaagad kaming nagpakasal ni Morris sa isang maliit na chapel bago kami bumiyahe pabalik sa Manila. Halos maglumpasay si Mommy nang malaman niya na kasal na kami ni Morris. Lalo na nang malaman niya na buntis ako. Wala namang nasabi sila Tita Maxine at Tito Well. "Sabi kuna nga ba, e. Mga tingin mo palang noon sa anak ko talagang alam kunang itatanan mo siya"hasik ni Daddy kay Morris. "Please, Dad"awat ko sa'kanya. "At ikaw naman, bakit ka kaagad nagpabuntis?"baling niyang sabi sa'kin. Napabuga ako ng hangin saka tiningnan si Morris na nakangiti sa'kin. Inirapan ko naman siya ng mata. "Naku, ikaw talaga Morris. Sakit ka talaga sa ulo namin. Itinanan, binuntis at pinakasalan mo ang anak namin bago sa'min isinauli! Walanghiya ka talaga"mangiyak-ngiyak na sabi ni Mommy. "I love you, baby"bulong sa'kin ni Morris. Napabuga naman ako ng hangin. Wala talaga akong kawala kay Morris Dylan Montefalco. [MORRIS POV] "Thank you, Sir for trusting me on this project"pagpapasalamat ko sa ka
SIMULA: Isang gabing pagkakamali 'yan ang nangyari kina Valerie Herrero at Russell Dylan Montefalco. VALERIE 'binuntis pero pinanagutan' HERRERO- Isang mabait at malakas na babae. Wala siyang ibang hangad kundi ang makapiling ang mga anak. Lahat kaya niyang isakripisyo para sa kambal. RUSSELL DYLAN MONTEFALCO- Isang lalaking responsable sa bawat decision na ginagawa niya. Galing sa mayamang pamilya at anak ng kilalang business tycoon sa bansa. Tatlong buwang buntis si Valerie 'nang iwan siya ni Russell para sundan ang girlfriend nitong nasa Germany at doon na ito nagpatuloy ng pag-aaral. Naiwan naman kay Valerie ang lahat ng responsibilidad bilang isang magulang. Nag-aaral sa umaga at nag-aalaga ng mga bata sa gabi. Iyan ang naging buhay niya sa limang taong pagiging ina. Sa mismong limang taong kaarawaan ng kambal ay umuwi si Russell para humihingi ng chance na maging ama sa mga bata. Kasama ba sa chance na ito ang panindigan si Valerie na ina ng mga anak niya? Yakap ko ang s