Share

Chapter 97

Chapter 97

Cora POV

Pagkalabas namin ni Ace mula sa bahay, hindi kami nagpalipas ng oras. Diretso kaming bumalik sa sasakyan at agad na umalis sa lugar. Tahimik kaming dalawa habang bumabaybay sa kalsada, wala nang kailangang sabihin. Parehong alam namin na matagumpay ang misyon, at ang mga kalaban na balak saktan ang pamilya ni Dark ay wala na sa listahan ng mga banta.

"Good work," biglang sabi ni Ace, basag sa katahimikan. Tumango lang ako bilang tugon. Sanay na kami sa ganitong buhay—walang personal na attachments sa trabaho. Trabaho lang. Ang kaligtasan ng pamilya ni boss ang pangunahing layunin.

Habang papalapit kami sa warehouse kung saan namin iulat ang resulta ng misyon, hindi ko maiwasang mag-isip. Alam kong sa bawat misyon ay lumalapit kami nang lumalapit sa pagtatapos ng gulo, pero palaging may susunod. Palaging may bagong kalaban. Hindi natatapos ang ganitong buhay. Nakakapagod din, kahit na hindi ko ipinapakita.

Pagdating namin sa warehouse, bumaba kami ng sasakyan.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status