“Hayst, sinasabi ko na nga ba hindi na naman ako makakapag trabaho ng maayo ng dahil sa inyo. Alam kong , liligaligin ninyo ako ngayong araw. “ tumingin siya ng may tilim ngunit may halong pag ngiti sa kaniyang mga kaibigan “o it na, ramdam ko talagang dadating kayo ngayong araw kaya dinala ko na ang mga pasalubong niyo.” nilabas ni Natalie ang mga paper bag na tinago niya sa gilid ng drawer . Malaki ang opisina ni Natalie unlike sa office ni Maika na may kaliitan din pero hindi naman ito cubicle. Dahil si Natalie ang major stock holder ay siya ang final say ng lahat. “Ayan! gusto ko yang mga ganyan mo Natalie” humirit na sabi ni Jasmin .Isa-isa ng inabot ni Natalie sa kanila ang mga paper bag na dala nito. Kanya-kanyang bukas naman ang mga ito at nagpasalamat sa kanya. Nagustuhan nila ang pasalubong nito mula Maldives. Dahil alam niyang kukulitin lang siya ng mga ito. Nagpasya si Natalie na mag half day na lang, ganoon din si Maika. Niyaya na lang niya ang mga kaibigan mag lunch s
“Wala naman. Gusto ko lang malaman kung anong oras ka makakauwi. Baka pwede kitang sunduin. Para masigurado kong safe kang makakauwi mamaya”Napangiti si Natalie. Mula simula hanggang ngayon ay naging maalalahanin si Haime, bagay na nagpapakilig pa rin sa kanya kahit mag-asawa na sila.“Huwag na, love. Mag-ha-half day na rin ako. May lunch kami sa labas, pero pagkatapos nun, diretso na ako pauwi.”“Okay. Just text me kapag paalis ka na. Ingat ka, love.”“Ikaw din, love. Bye!”Pagkatapos ibaba ang tawag, muling bumalik ang atensyon ni Natalie sa kanyang mga kaibigan.“Ayieee! Ang sweet ni Mister!” pang-aasar ni Ryan, sabay irap na may kasamang tawa.“Alam niyo, nakakainis kayo!” sagot ni Natalie, pero halatang natutuwa rin sa asaran nila.Kinagabihan, habang nag-iisa sa bahay, pinag-isipan ni Jasmin ang offer nila Natalie sa knaiya. Alam niyang malaki ang responsibilidad na maging head ng finance department, ngunit sa kabila nito, alam din niyang kaya niya ang trabaho. Bukod pa rito, i
"Hon! Wear your comfortable clothes, sa office lang naman tayo pupunta ngayon," sigaw ni Haime mula sa kama habang inaayos ang kwelyo ng polo niya. Nagtataka na siya sa tagal ni Natalie sa dressing area."OK, Hon! Palabas na rin ako!" sagot naman ni Natalie, medyo aligaga sa pagpili ng tamang outfit. Sinabi kasi ni Haime na ipakikilala siya sa mga officemates nito, kaya gusto niyang maging maayos ang itsura pero hindi naman mukhang sobrang formal.Habang naghihintay, naisip ni Haime na paandarin na ang sasakyan para lumamig ang aircon. "Mauna na ako sa baba, Hon! Paandarin ko lang ang kotse.""Sige, Hon! Susunod na ako agad!" sigaw ni Natalie mula sa dressing area, sabay dampot ng kanyang bag.Nang matapos si Natalie, bumaba na siya at naabutan ang kanyang biyenang babae na nagtsa-tsaa sa veranda. "Mom, alis na kami ni Haime," paalam niya nang magalang."Mag-ingat kayo, iha. Enjoy ka sa office ng anak ko!" sagot naman ng biyenan habang kumakaway.Sa sasakyan, abala si Haime sa pakikip
"Hon?!" mahinang bulong ko kay Haime habang pilit kong pinipigilan ang sarili na mapahiya. Halos sumabog ang mukha ko sa hiya sa dami ng mga matang nakatingin sa amin sa loob ng conference room."It's okay, Hon. I will explain everything to you later sa office ko," sagot niya, tila kalmado ngunit ramdam ko ang seryosong tono sa kanyang boses.Halos lahat ng tao sa silid ay ngumiti sa amin, at bumati pa ng magalang. Tumayo pa ang ilan para magbigay-galang.“Nice meeting you, Ms. Natalie!”“Congratulations on your wedding, Mr. and Mrs. Rodriguez!”“Hi, Ms. Natalie, pleasure to meet you.”Sunod-sunod ang pagbati, at halos hindi ko malaman kung saan ilalagay ang sarili ko. Naiilang man, pilit akong ngumiti at nagpasalamat sa bawat isa. "Thank you," paulit-ulit kong sabi habang nararamdaman kong lumalalim ang kaba sa aking dibdib.Isa-isa rin akong ipinakilala ni Haime sa mga naroon. Sa bawat pangalan at titulo ng mga taong binanggit niya mula sa chief marketing officer hanggang sa chief f
Nakatayo si Natalie sa gitna ng kanyang bagong opisina, hindi maalis ang ngiti sa kanyang labi habang iniikot ang tingin sa paligid. Napakaganda ng espasyo ,parang sinadya ito upang magbigay ng inspirasyon sa kanya habang nagtatrabaho. Ramdam niya ang effort ni Haime sa bawat detalye, mula sa earth-tone na tema hanggang sa maingat na pagpili ng mga kagamitan.“Hon, napaka-ganda naman dito!” wika niya habang hinahaplos ang ibabaw ng wooden table.Tumayo sa likod niya si Haime, inihilig ang baba sa balikat niya, at malambing na hinalikan ang kanyang ulo.“Gusto mo ba? Sabi ko na magugustuhan mo ito,” sagot nito na may ngiti sa labi.“Of course! Parang ito na yata ang dream office ko!” sagot niya habang iniikot ang swivel chair na nasa harap ng mesa. “Thank you, Hon.”Naglakad si Haime papunta sa gilid ng malaking wooden cabinet na nasa likod ng mesa. Tumigil ito at lumingon kay Natalie, may makahulugang ngiti.“Come, hon. I'll show you something,” anyaya nito habang iniabot ang kanyang
Nahiga na sila sa kama at mabilis na pumat*ng si Natalie sa ibabaw ni Haime, ginilingan niya ang asawa, mahihinang ungol ang maririnig mula sa bibig ni Haime, Hindi na niya kayang tiisin ang bawat giling na ginagawa ng kanyang asawa, kaya naman hinila niya ito at pinahiga sa kanyang ilalim. Siya naman ang pumatong sa ibabaw nito at mabilis na binay*. Sabay silang nakara*s ng asawa."Ughhh!.... ughhh!…." mahinang ungol ni Natalie ng maramdaman niyang nilabas*n nadin si Haime.Pagkapasok ni Natalie sa malawak na mansyon, bumungad agad sa kanya ang kalmadong ambiance ng gabi. Maliwanag pa ang paligid kahit alas-sais na, ngunit sapat na ang liwanag ng mga ilaw sa mansyon upang magbigay ng kakaibang init sa kapaligiran. Dumiretso siya sa veranda kung saan naroon ang kanyang mga in-laws. Ang biyenan niyang si Carmi, si Annie, at ang hipag niyang si Pearl. Nagtatawanan ang mga ito habang nagkakape at nagmemeryenda sa gilid ng pool, nakaupo sa mga eleganteng ratan na upuan na parang hinugot m
“Dapat pala, Pearl, dumalas ang punta mo rito para turuan si Ate Natalie gumawa ng pistacio falvor cake,” biro ni Annie.Nagulat si Natalie sa sinabi ni Annie. “Ah, Pearl, dito rin pala kayo nakatira dati ni Kuya Jeff?” tanong niya habang kumukuha ng isang hiwa ng pistacio falvor cake. Mahilig siya sa matatamis kaya hindi na siya nagdalawang-isip tikman ang gawa ni Pearl. “Ah, oo, matagal na iyon. Mga lima o anim na taon na ang nakalipas,” sagot ni Pearl na tila napaisip sa saglit.“Ganoon ba? If you don’t mind, bakit kayo umalis dito sa mansion?” tanong ulit ni Natalie na puno ng inosente ngunit palasak na pag-uusisa.“Hmm, choice lang namin ni Jeff. Nagbuntis na rin kasi ako noon kaya mas komportable kami sa sariling bahay,” sagot ni Pearl na may bahagyang kaba sa boses.Bigla namang nag-iba ng usapan si Carmi, tila may ayaw nitong pag-usapan nang mas malalim.“Natalie, congratulations! I heard from Haime na marami kang bagong projects ngayon,” sabi nito na may pagmamalaki sa manu
"Steve, pakibaba na lang mga gamit ko. Pakilagay na yan sa office ko." matigas ang pagkakasabi ni Joseph sa kanyang driver."ok sir!" "Joseph ! dumating ka na pala." humalik si Carmi sa kanyang asawa."hi Dad!" bati naman ni Mayet sa ama."Carmi, can you come to my office?!" seryoso nitong sabi sa asawa"Anong ginagawa dito ni Pear?!." matapa
"Hon, patawarin mo ako. Matinding galit ang naramdaman ko noon kaya nagpadala ako sa mga taong gusto lang sirain tayo, imbes na magtiwala sa’yo bilang asawa ko. Mali ako. Hindi ko ginusto ang mga nangyari. Habang nasa mansion pa ako, ang dami nang nangyari. Ang mommy mo at si Annie, laging kinakampihan si Pearl. Nang masampal ko siya, hindi ko iyon sinadya. Nabigla lang ako. Sinabi nilang umamin ka raw kay Pearl na mas mahal mo siya kaya nananatili siya sa mansion kahit hiwalay na sila ni Jeff.“Dahil sobrang nasasaktan na ako, napagdesisyunan kong pumunta sa US para sundan ka. Miss na miss na kasi kita, kaya binalewala ko ang pride ko. Pero pagdating ko, nakita kita sa kama na may ibang babae. Napakasakit nun, Hon! Pero imbes na kausapin ka, umalis ako at dumiretso kina Mommy. Hindi ko inaasahan na sa pagbisita ko, mas malaking kawalang-hiyaan pa pala ang gagawin nila Jasmin sa akin."Malungkot ang naging reaksyon ni Haime. "Hon, sorry. Hindi ko rin alam kung paano napunta ang babaeng
“Okay. Tungkol ito kay Pearl at Jessie, ‘yung babaeng kasama niya sa restaurant na nakuhaan mo ng picture. Si Jessie ay nakababatang kapatid ni Pearl na lumaki sa Amerika. Isang kaibigan niya ang nagkumpirma na lahat ng nangyari kay Haime at Jessie ay pinagplanuhan. Sinundan ni Jessie ang bawat galaw ni Haime, mula sa disco bar hanggang sa makuha niya ang tiwala nito. Sinadya niya itong akitin dahil sa utos ni Pearl. Pati ang pagkuha ng litrato sa kwarto kasama si Haime ay plano nila para tuluyan mo siyang hiwalayan,” paliwanag ni Detective.“Sabi ko na nga ba, Natalie. Kilala ko si Haime. Hindi niya kayang gumawa ng ganitong kasamang bagay,” sabi ni Nicholai.“Kaya pala may pagkakahawig ang dalawang bruha! Sarap sabunutan,” inis na sabi ni Ryan.Ramdam ko ang galit na unti-unting lumalabas. Puno na ako ng inis at pagkadismaya sa nalaman ko. Ngunit iyon pa lang ang magandang balita. Kailangang maghanda ako sa masamang balita.“Ano naman ang masamang balita, Detective?” tanong ko, kina
Napasulyap ako kay Annie, na tila naintindihan ang tingin ko.“Kuya, wala kaming pinalayas. Kusa siyang umalis! Sinampal pa niya si Pearl bago siya umalis. Narinig ko rin sa mga kaibigan ko na nakatira na raw siya sa condo ni Mark,” sabi ni Annie habang si Pearl ay tahimik na nakatayo sa likod niya.“Annie, tigilan niyo na ang kakagawa ng kwento tungkol kay Natalie,” mariin kong sabi, napapadiin ang mga bagang ko.“Hindi kami gumagawa ng kwento. Tawagan mo si Mark para malaman mo,” sagot niya nang matapang. Hindi siya natatakot kahit galit na galit na ako.“Sige, tawagan mo, Haime. I-loud speaker mo para marinig ng lahat ang katotohanan,” dagdag pa ni Mommy, tila naghahamon.Kahit galit na galit ako, kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Mark. Sinunod ko ang gusto nila at niloud speaker ito.“Hello, Haime? Napatawag ka?” tanong ni Mark sa kabilang linya.“Mark, may gusto akong malaman. Sabihin mo sa akin ang totoo. Nakatira ba sa condo mo ang asawa ko?” tanong ko, puno ng tensyon
HAIME POVSa wakas, natapos din ang back-to-back meetings at branch visits namin dito sa US. Finally, makakauwi na rin ako. Makikita ko na si Natalie. Magkakausap na rin kami tungkol sa mga isyung nagdulot ng gulo sa amin, pati na rin kung bakit halos isang buwan na niyang hindi sinasagot ang mga tawag at mensahe ko.Habang naglalakad ako papunta sa lobby para isauli ang keycard ng hotel, naramdaman ko ang mga tingin at bulungan ng mga receptionist na kapwa Pilipino. Parang may gustong sabihin, pero hindi ko na sila pinansin. Gusto ko na lang talaga makauwi. Nang papaalis na ako, isa sa kanila ang mahina akong tinawag.“Sir, may gusto lang po sana kaming sabihin,” alanganing sabi ng receptionist. Nagtinginan pa sila at nagtuturuan kung sino ang magsasalita.Dahil sa pagkamausisa ko, napahinto ako. Lagi ko silang nakikitang nagbubulungan tuwing dumadaan ako, kaya hindi ko napigilang bumalik sa harapan nila.“Yes? Ano ’yun, Miss?” tanong ko sa babaeng receptionist.“Sir, kasi po, last m
malakas na tumawa si Jeff. "Kapatid ko si Haime, I'm his older brother," sagot niya, sabay tawa. "So you mean yung boss na sinasabi mong naiinis ka ay si Natalie?" tanong pa niya."MY GAWD! I think I'm in trouble!" sabi ko, napayuko sa gulat.Itinaas ni Jeff ang mukha ko para mawala ang pagkahiya ko. "It's ok. Hindi naman ako close sa hipag ko, at yung kapatid ko, dating live-in partner yun ng asawa ko. Ngayon finally na annuled na ako dahil kay Haime. Ayun, nagpapakasaya na naman ang malanding babaeng yun sa mansion." Mahabang paliwanag niya, hindi ko alam kung lasing ba siya o nagsasabi ng totoo.Napatingin ako sa kanya, hindi ko alam kung anong mangyayari. Sa tagal ng pagkakaibigan namin ni Natalie, hindi niya naikwento sa akin ang mga bagay na ito. Kaya siguro siya umalis sa bahay ng mga Rodriguez."Wohhhh! Cheers natin yan! Parehas pala tayong bwisit sa buhay!" nag-toast kami. Tapos may inilabas si Jeff na parang sigarilyo."Ok lang bang mag-smoke ako dito sa loob ng cubicle?" ta
JASMIN POVNakakainis talaga si Natalie, ang yabang, akala mo kung sino na. Akala niya kasi dahil nakapang-asawa ng mayaman, may karapatan na siyang magmataas. Kung hindi lang dahil kay Haime, hindi siya makikilala ng mga malalaking tao. Hindi siya dapat nandiyan, lumalago lang ang negosyo dahil sa tulong ng asawa niya. Tapos ngayon, ganyan ang mga ugali. “Bakit, nagagalit siya kasi hindi ko siya pinatira sa bahay nung tumawag siya? Aba, kasalanan ko ba na ang buong pamilya ko nakatira sa amin? Akala ko hindi na siya magche-check ng mga finances, kaya nga nila ako kinuha. Naiirita na talaga ako. Isa pa tong si Brett, puro abala na lang sa buhay ko. Bwisit na buhay!” naiinis kong bulong habang papasok sa office.Pinatawag ko ang isa sa mga tauhan ko at nagpaalam na uuwi muna ako, sila na lang ang bahala sa office. Ayokong dagdagan pa ang stress ko. Pero naiisip ko lang, bakit sila Natalie naging maayos ang buhay? Tapos ako, eto, ang daming problema. Naisipan kong dumiretso sa paborit
POV NATALIEIlang minuto lang ang nakalipas at dumating na ang doktor at ibinigay sa akin ang discharge papers. Mali ang pagkakakilala ko kay Mr. Tan—akala ng lahat, isa siyang babaero. Pero nagulat ako sa naging kilos niya nang maaksidente ako. Mabait pala siya at marunong rumespeto sa isang relasyon. Alam niya kung saan siya lulugar. Simula nang pumayag akong mangupahan sa isa niyang condo unit, ni minsan ay hindi siya pumunta rito. Malaya akong nakakagalaw at walang nararamdamang pressure mula sa kanya.Iniwasan ko ang pamilya ni Haime, pati na rin siya mismo. Kahit si Mayet na paulit-ulit na nangangamusta, hindi ko pa rin sinasagot ang mga tawag at emails ni Haime. Tuwing binabasa ko ang mga mensahe niya, wala man lang akong nakikitang paghingi niya ng tawad. Siguro, hindi niya alam na nahuli ko siya noong araw na iyon—o baka naman, nalason na ng pamilya niya ang isip niya.Ayos lang naman ako, lalo na ngayon na nalaman kong magkaka-baby na ako. Kaya ko namang buhayin mag-isa ang
Pagdating namin sa ospital, agad na sinuri ng doktor si Natalie."Doc, kumusta na siya?" tanong ko habang pinupunasan ang sarili kong basang damit dahil sa ulan. Ramdam ko ang pag init ng katawan ko, tila sinamaan ako dahil naulanan ako pero hinayaan ko na lang."Mabuti naman siya, Mr. Tan," sagot ng doktor. "Buti na lang at nakasuot siya ng seatbelt nang mangyari ang aksidente. Bibigyan na rin kita ng gamot para sa sipon mo, baka lumala pa."Habang nag-uusap kami ng doktor, unti-unting dumilat si Natalie. Napatingin siya sa suwero na nakakabit sa kanya, tapos nilinga-linga ang paligid na tila naguguluhan. Halata sa mukha niya ang pagkalito kaya nilapitan ko siya para pakalmahin."Natalie, nasa ospital ka. Nakita ka namin sa kalsada kanina at naaksidente ka," mahinahon kong paliwanag."Ahhh... salamat," sagot niya nang may halong pagkalito.Nagpatuloy naman ang doktor sa pagsasalita. "At isa pa, Mr. Tan, mabuti na lang at hindi naapektuhan ang sanggol sa sinapupunan niya. Malakas ang
Kaagad kong ini-start ang makina ng kotse at pinaharurot ito sa kalsada. Sa totoo lang, wala akong ideya kung saan ako pupunta. Naibenta ko na ang townhouse ko, at ang condo ni Haime na dati naming tinirhan ay okupado na ng mga estudyante. Wala akong ibang matakbuhan kaya naisipan kong tawagan si Jasmin."Jasmin, pwede ba akong humingi ng pabor?" Pilit kong pinipigilan ang aking luha, ayokong malaman niya agad ang pinagdadaanan ko."Ano yun, Natalie?" tanong niya, may bahid ng pag-aalala sa boses niya."Pwede bang makituloy muna ako sa inyo?" mahina kong tanong."Bakit? May problema ba? Okay lang naman, kaya lang nandito rin ang pamilya ni Ate ngayon. Di ba nasunugan sila? Siksikan kami dito sa bahay. Okay lang ba sa'yo?" paliwanag niya."Aah, ganun ba? Sige, wag na lang, magho-hotel na lang ako para hindi ako makadagdag sa abala, nakakahiya din sa Ate mo. Nandiyan pala sila ngayon." sagot ko, pilit na pinapatawa ang sarili."Sigurado ka, sis? Ayos ka lang ba?" tanong niyang muli, ram