DOC LIAM POV Kasalukuyan akong nagrereview ng medical records nang biglang pumasok si Madeline sa clinic ko. Sa unang tingin pa lang, alam kong may iniisip siya. Tahimik siyang umupo sa harapan ng mesa ko, hawak-hawak ang cellphone niya na parang hindi mapakali. “Madeline, okay ka lang ba?” tanong ko, iniangat ko ang tingin mula sa mga papeles. Huminga siya nang malalim at tumingin sa akin, seryoso ang mukha. “Liam, kinausap ko na sina Mommy at Daddy tungkol sa atin.” Natigilan ako. Alam kong balak niyang sabihin ito, pero hindi ko inaasahan na ganito kabilis. “anong naging reaksyon nila?” tanong ko, nag-aalangan. Napabuntong-hininga siya. “Sa totoo lang… galit sila. Hindi nila matanggap na biglaan ang pagpapa-kasal natin. Tapos, hindi pa nila kilala nang personal si Rainiel, yung ex-fiancé ko, at ngayon ikaw na naman ang pinakasalan ko! Na wirduhan ata sakin sila Mommy” Napakagat ako sa labi. Hindi naman ako nagulat, pero iba pa rin palang marinig ito mula kay Madeline. “So… an
Ang unang araw namin sa Siargao ay dapat maging masaya-hindi ko inasahan na magbabago ang tingin ko kay Madeline, at higit pa doon, mararamdaman ko kung gaano ako kaswerte sa kanya. Pagdating pa lang namin sa isla, ramdam ko na ang kakaibang aura nito. Ang hangin ay amoy dagat, ang tanawin ay parang postcard—lahat ng sulok ay maganda. Pero mas naintriga ako nang makarating kami sa property nila. “Malapit na tayo,” sabi ni Madeline nakangiti siya habang hinahawakan ang kamay ko. “Excited na ako,” sabi ko, habang nagmamasid sa paligid. Simple at payapa ang isla, at parang di tugma sa inaasahan kong bahay ng isang babaeng gaya ni Madeline, na mahilig sa city life. Pero nagkamali ako. “Madeline,” bulalas ko, nanlaki ang mga mata ko. “Ito… ito ba ang bahay ninyo?” Tumawa siya at pilit na pinipigil ang hagikgik. “Oo naman. Bakit gulat na gulat ka?” “Gulat? Hindi, Madeline,” sabi ko, nagbibiro. “Parang gusto kong umatras. Grabe!” Tumawa siya nang malakas, tinampal pa ang braso ko. “T
MADELINE POV Habang binabaybay namin ang kalsada papunta sa bahay, kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Mommy. Alam kong matutuwa siya na makabalik na kami ni Doc Liam. "Mommy, nandito na kami sa bahay," sabi ko, ang boses ko puno ng kaligayahan. "Pasensya na po kung napaaga kami ng dating. Biglaan po kasi dahil ngayon lang din ang available kami kaya nag book ako kagad ng flight pauwi ng pinas." sabi ko pa kay Mommy."Ah, okay lang, anak," sagot ni Mommy. "Si Daddy, nasa business trip pa. Baka bukas pa kami makakauwi. Nagkaruon ng urgent meeting ang daddy mo kaya pumunta kami. Magpahinga na muna kayo ni Liam, or kung gusto niyo ay maglaboy laboy na kayo muna. " excited na sabi ni Mommy. "okay po Mommy baka lumabas na lang kami mamaya , magpahinga muna kami ng konti" sagot ko kay Mommy. "Sige sasabihan ko Daddy mo nasa conference room pa siya ee. Kamusta naman ang biyahe niyo?""Okay naman po, Mommy," sagot ko, habang napapatingin kay Liam na katabi ko . "medyo nak
Kinabukasan, maagang dumating sina Mommy at Daddy. Habang naririnig namin ni Doc Liam ang tunog ng kotse nila mula sa driveway, ramdam ko ang kaba sa dibdib niya. Nakaayos na kami sa sala, at panay ang dampi ng kamay niya sa buhok niya. “Relax ka lang,” pang aasar ko sa kaniya hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil ito ang unang beses na nakita ko siyang kinakabahan “Hindi ka papasok sa interrogation room.” “Wala ng asaran,” sagot niya, ang boses may halong kaba at tawa. “Ikaw rin naman tahimik ka din. Kabado ka rin ba para sa’kin?” Ngumiti ako, pinanatiling kalmado ang boses ko. “Kabado? Ako? Hindi ah. Sigurado akong magugustuhan ka nila. Pero kung may magtanong sa’yo ng tungkol sa ex....” “Walang ex-ex na usapan,” sagot niya agad, halatang tensyonado. “Focus tayo sa present at future. At alam ko na sasabihin ko if ever magtanong sila tungkol sa hung hang mong ex fiance which is nagpapasalamat ako sa pagiging ganun niya. Kung hindi siya nagloko hindi mo ako hahablutin para ma
Hindi naman talaga perkpekto, minsan mag-iinit ang ulo ninyo, minsan magkakaruon kayo ng kahit na maliliit na bagay na pagtatalunan pero maging open kayo. Sabihin niyo kung ano ang mga ayaw at gusto niyo. Hindi naman siguro kayo manghuhula kung ano ang kinakagalit ng bawat isa. Matuto kayong mag adjust sa mga gusto ng bawat isa gayundin sa ayaw ninyo. Kung sakaling dumating naman kayo sa puntong may mapagtataluhan na kayo , matutong magpakumbaba ang isa. AT huwag na huwag kayong hihingi ng tulong o magpapa comfort sa kahit na kanino , kaibigan niyo man yan o magulang hanggat kaya niyo pang ayusin . Huwag kayong magbibitiw ng masasakit na salita laban sa isa't isa kung galit kayo kasi kahit magkaayos kayo hindi kapag kayo ay nagkaayos na , ang lahat ng mga sinabi niyo ay hindi na mawawala sa isip ninyo." seryosong payo ni Mommy "hayst, Madeline. oh siya bago pa ako maiyak kumain na tayo." pag-aaya ni Mommy. Nagkatawanan kami parehas. Habang kumakain ay masaya kaming nagku-kwentuhan.
Pagkatapos naing pagsalu saluhan ang hapunan, nagpaalam si Mommy na maghahanda ng kape, habang si Daddy naman ay nagyaya sa veranda. Alam kong may plano silang magtanong nang mas malalim kay Liam, kaya bago pa man sila magsimula, hinawakan ko ang kamay niya bilang suporta. “Relax ka lang Liam,” bulong ko. “Huwag kang matatakot. Mukha lang seryoso palagi si Daddy pero mabait yan. Hindi ka naman nila kakatayin." nakangiti kong sabi sabay kindat. Tumango siya, pero halata pa rin ang kaba sa mga mata niya. Napangiti na lang ako. This is it. Nang makaupo na kami, nagsimula si Daddy. “So, Liam, matanong ko lang, ano ba talaga ang intensyon mo kay Madeline? Narinig naman namin ang sinabi mo kanina na mahal mo ang anak namin, pero depper with that?" panimulang pagtatanong ni Daddy! Agad tumuwid ang upo ni Liam, parang nagulat sa biglaang tanong. Pero hindi siya nagpatinag. Magiliw niya itong sinagot habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Daddy “Sir, ang intensyon ko po ay maging katu
DOC LIAM POV Grabe ang kaba na naramdaman ko nang una kong makilala ang mga magulang ni Madeline. Sa totoo lang, pakiramdam ko’y nakipag-sparring match ako sa isang championship fight—nakakapagod, pero fulfilling. Pero ngayon, ibang lebel na naman ng pressure. Natutuwa ako dahil sa ilang araw namin ni Madeline dito sa Siargao ay naramdaman ko ang pagmamahal nila sa akin. Naramdaman kong tanggap nila ako bilang asawa ng kanilang anak at napakasarap nuon sa pakiramdam. Hindi ko inaasahan na ang isang kontrata ng kasal ay mauuwi sa isang magandang pagsasama na kagaya nito. Nagkasundo kami ni Madeline na pagtagpuin ang mga magulang namin. Bakit nga ba hindi? Kung seryoso ako kay Madeline—at alam kong ganoon din siya sa akin—dapat tanggapin din ng mga pamilya namin ang isa’t isa. Kaya nang magpahayag ang parents niya na gusto nilang magbakasyon sa London at makita ang pad niya, nagpasya kami ni Madeline na sabay-sabay kaming babalik. “Are you sure about this, love?” tanong niya sa akin
MADELINE POV Excited ako sa gabing ito. Pagkatapos ng mga linggong pagpaplano, sa wakas ay magkikita na rin ang mga magulang namin ni Liam. Mahalaga ito para sa aming dalawa dahil gusto naming makita ang suporta ng aming pamilya. Ngayon pa na parehas naaman maayos ang naging paghaharap namin sa kaniya kaniya naming magulang. Si Liam ay tahimik habang inaayos ang kanyang relo. “Madeline, sigurado ka ba dito? Hindi mo ba napansin na parang tense sina Mommy at Daddy noong nabanggit ko ang mga pangalan ng parents mo?” Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti. “Liam, baka nagkataon lang ‘yun. Ngayong magkikita na sila, sigurado akong magiging maayos ang lahat. Saka bakit naman sila magiging tense ee ito ang unang beses na magkakaharap sila, pero siguro normal lang yun lalo na at mahalaga tayo para sa kanila." mahinahon kong sagot Ngunit sa kabila ng mga salitang iyon, hindi ko maiwasang kabahan. Nakita ko din ang reaksyon nila ng banggitin ni Liam ang pangalan ng parents ko. Pagd
"Hon, patawarin mo ako. Matinding galit ang naramdaman ko noon kaya nagpadala ako sa mga taong gusto lang sirain tayo, imbes na magtiwala sa’yo bilang asawa ko. Mali ako. Hindi ko ginusto ang mga nangyari. Habang nasa mansion pa ako, ang dami nang nangyari. Ang mommy mo at si Annie, laging kinakampihan si Pearl. Nang masampal ko siya, hindi ko iyon sinadya. Nabigla lang ako. Sinabi nilang umamin ka raw kay Pearl na mas mahal mo siya kaya nananatili siya sa mansion kahit hiwalay na sila ni Jeff.“Dahil sobrang nasasaktan na ako, napagdesisyunan kong pumunta sa US para sundan ka. Miss na miss na kasi kita, kaya binalewala ko ang pride ko. Pero pagdating ko, nakita kita sa kama na may ibang babae. Napakasakit nun, Hon! Pero imbes na kausapin ka, umalis ako at dumiretso kina Mommy. Hindi ko inaasahan na sa pagbisita ko, mas malaking kawalang-hiyaan pa pala ang gagawin nila Jasmin sa akin."Malungkot ang naging reaksyon ni Haime. "Hon, sorry. Hindi ko rin alam kung paano napunta ang babaeng
“Okay. Tungkol ito kay Pearl at Jessie, ‘yung babaeng kasama niya sa restaurant na nakuhaan mo ng picture. Si Jessie ay nakababatang kapatid ni Pearl na lumaki sa Amerika. Isang kaibigan niya ang nagkumpirma na lahat ng nangyari kay Haime at Jessie ay pinagplanuhan. Sinundan ni Jessie ang bawat galaw ni Haime, mula sa disco bar hanggang sa makuha niya ang tiwala nito. Sinadya niya itong akitin dahil sa utos ni Pearl. Pati ang pagkuha ng litrato sa kwarto kasama si Haime ay plano nila para tuluyan mo siyang hiwalayan,” paliwanag ni Detective.“Sabi ko na nga ba, Natalie. Kilala ko si Haime. Hindi niya kayang gumawa ng ganitong kasamang bagay,” sabi ni Nicholai.“Kaya pala may pagkakahawig ang dalawang bruha! Sarap sabunutan,” inis na sabi ni Ryan.Ramdam ko ang galit na unti-unting lumalabas. Puno na ako ng inis at pagkadismaya sa nalaman ko. Ngunit iyon pa lang ang magandang balita. Kailangang maghanda ako sa masamang balita.“Ano naman ang masamang balita, Detective?” tanong ko, kina
Napasulyap ako kay Annie, na tila naintindihan ang tingin ko.“Kuya, wala kaming pinalayas. Kusa siyang umalis! Sinampal pa niya si Pearl bago siya umalis. Narinig ko rin sa mga kaibigan ko na nakatira na raw siya sa condo ni Mark,” sabi ni Annie habang si Pearl ay tahimik na nakatayo sa likod niya.“Annie, tigilan niyo na ang kakagawa ng kwento tungkol kay Natalie,” mariin kong sabi, napapadiin ang mga bagang ko.“Hindi kami gumagawa ng kwento. Tawagan mo si Mark para malaman mo,” sagot niya nang matapang. Hindi siya natatakot kahit galit na galit na ako.“Sige, tawagan mo, Haime. I-loud speaker mo para marinig ng lahat ang katotohanan,” dagdag pa ni Mommy, tila naghahamon.Kahit galit na galit ako, kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Mark. Sinunod ko ang gusto nila at niloud speaker ito.“Hello, Haime? Napatawag ka?” tanong ni Mark sa kabilang linya.“Mark, may gusto akong malaman. Sabihin mo sa akin ang totoo. Nakatira ba sa condo mo ang asawa ko?” tanong ko, puno ng tensyon
HAIME POVSa wakas, natapos din ang back-to-back meetings at branch visits namin dito sa US. Finally, makakauwi na rin ako. Makikita ko na si Natalie. Magkakausap na rin kami tungkol sa mga isyung nagdulot ng gulo sa amin, pati na rin kung bakit halos isang buwan na niyang hindi sinasagot ang mga tawag at mensahe ko.Habang naglalakad ako papunta sa lobby para isauli ang keycard ng hotel, naramdaman ko ang mga tingin at bulungan ng mga receptionist na kapwa Pilipino. Parang may gustong sabihin, pero hindi ko na sila pinansin. Gusto ko na lang talaga makauwi. Nang papaalis na ako, isa sa kanila ang mahina akong tinawag.“Sir, may gusto lang po sana kaming sabihin,” alanganing sabi ng receptionist. Nagtinginan pa sila at nagtuturuan kung sino ang magsasalita.Dahil sa pagkamausisa ko, napahinto ako. Lagi ko silang nakikitang nagbubulungan tuwing dumadaan ako, kaya hindi ko napigilang bumalik sa harapan nila.“Yes? Ano ’yun, Miss?” tanong ko sa babaeng receptionist.“Sir, kasi po, last m
malakas na tumawa si Jeff. "Kapatid ko si Haime, I'm his older brother," sagot niya, sabay tawa. "So you mean yung boss na sinasabi mong naiinis ka ay si Natalie?" tanong pa niya."MY GAWD! I think I'm in trouble!" sabi ko, napayuko sa gulat.Itinaas ni Jeff ang mukha ko para mawala ang pagkahiya ko. "It's ok. Hindi naman ako close sa hipag ko, at yung kapatid ko, dating live-in partner yun ng asawa ko. Ngayon finally na annuled na ako dahil kay Haime. Ayun, nagpapakasaya na naman ang malanding babaeng yun sa mansion." Mahabang paliwanag niya, hindi ko alam kung lasing ba siya o nagsasabi ng totoo.Napatingin ako sa kanya, hindi ko alam kung anong mangyayari. Sa tagal ng pagkakaibigan namin ni Natalie, hindi niya naikwento sa akin ang mga bagay na ito. Kaya siguro siya umalis sa bahay ng mga Rodriguez."Wohhhh! Cheers natin yan! Parehas pala tayong bwisit sa buhay!" nag-toast kami. Tapos may inilabas si Jeff na parang sigarilyo."Ok lang bang mag-smoke ako dito sa loob ng cubicle?" ta
JASMIN POVNakakainis talaga si Natalie, ang yabang, akala mo kung sino na. Akala niya kasi dahil nakapang-asawa ng mayaman, may karapatan na siyang magmataas. Kung hindi lang dahil kay Haime, hindi siya makikilala ng mga malalaking tao. Hindi siya dapat nandiyan, lumalago lang ang negosyo dahil sa tulong ng asawa niya. Tapos ngayon, ganyan ang mga ugali. “Bakit, nagagalit siya kasi hindi ko siya pinatira sa bahay nung tumawag siya? Aba, kasalanan ko ba na ang buong pamilya ko nakatira sa amin? Akala ko hindi na siya magche-check ng mga finances, kaya nga nila ako kinuha. Naiirita na talaga ako. Isa pa tong si Brett, puro abala na lang sa buhay ko. Bwisit na buhay!” naiinis kong bulong habang papasok sa office.Pinatawag ko ang isa sa mga tauhan ko at nagpaalam na uuwi muna ako, sila na lang ang bahala sa office. Ayokong dagdagan pa ang stress ko. Pero naiisip ko lang, bakit sila Natalie naging maayos ang buhay? Tapos ako, eto, ang daming problema. Naisipan kong dumiretso sa paborit
POV NATALIEIlang minuto lang ang nakalipas at dumating na ang doktor at ibinigay sa akin ang discharge papers. Mali ang pagkakakilala ko kay Mr. Tan—akala ng lahat, isa siyang babaero. Pero nagulat ako sa naging kilos niya nang maaksidente ako. Mabait pala siya at marunong rumespeto sa isang relasyon. Alam niya kung saan siya lulugar. Simula nang pumayag akong mangupahan sa isa niyang condo unit, ni minsan ay hindi siya pumunta rito. Malaya akong nakakagalaw at walang nararamdamang pressure mula sa kanya.Iniwasan ko ang pamilya ni Haime, pati na rin siya mismo. Kahit si Mayet na paulit-ulit na nangangamusta, hindi ko pa rin sinasagot ang mga tawag at emails ni Haime. Tuwing binabasa ko ang mga mensahe niya, wala man lang akong nakikitang paghingi niya ng tawad. Siguro, hindi niya alam na nahuli ko siya noong araw na iyon—o baka naman, nalason na ng pamilya niya ang isip niya.Ayos lang naman ako, lalo na ngayon na nalaman kong magkaka-baby na ako. Kaya ko namang buhayin mag-isa ang
Pagdating namin sa ospital, agad na sinuri ng doktor si Natalie."Doc, kumusta na siya?" tanong ko habang pinupunasan ang sarili kong basang damit dahil sa ulan. Ramdam ko ang pag init ng katawan ko, tila sinamaan ako dahil naulanan ako pero hinayaan ko na lang."Mabuti naman siya, Mr. Tan," sagot ng doktor. "Buti na lang at nakasuot siya ng seatbelt nang mangyari ang aksidente. Bibigyan na rin kita ng gamot para sa sipon mo, baka lumala pa."Habang nag-uusap kami ng doktor, unti-unting dumilat si Natalie. Napatingin siya sa suwero na nakakabit sa kanya, tapos nilinga-linga ang paligid na tila naguguluhan. Halata sa mukha niya ang pagkalito kaya nilapitan ko siya para pakalmahin."Natalie, nasa ospital ka. Nakita ka namin sa kalsada kanina at naaksidente ka," mahinahon kong paliwanag."Ahhh... salamat," sagot niya nang may halong pagkalito.Nagpatuloy naman ang doktor sa pagsasalita. "At isa pa, Mr. Tan, mabuti na lang at hindi naapektuhan ang sanggol sa sinapupunan niya. Malakas ang
Kaagad kong ini-start ang makina ng kotse at pinaharurot ito sa kalsada. Sa totoo lang, wala akong ideya kung saan ako pupunta. Naibenta ko na ang townhouse ko, at ang condo ni Haime na dati naming tinirhan ay okupado na ng mga estudyante. Wala akong ibang matakbuhan kaya naisipan kong tawagan si Jasmin."Jasmin, pwede ba akong humingi ng pabor?" Pilit kong pinipigilan ang aking luha, ayokong malaman niya agad ang pinagdadaanan ko."Ano yun, Natalie?" tanong niya, may bahid ng pag-aalala sa boses niya."Pwede bang makituloy muna ako sa inyo?" mahina kong tanong."Bakit? May problema ba? Okay lang naman, kaya lang nandito rin ang pamilya ni Ate ngayon. Di ba nasunugan sila? Siksikan kami dito sa bahay. Okay lang ba sa'yo?" paliwanag niya."Aah, ganun ba? Sige, wag na lang, magho-hotel na lang ako para hindi ako makadagdag sa abala, nakakahiya din sa Ate mo. Nandiyan pala sila ngayon." sagot ko, pilit na pinapatawa ang sarili."Sigurado ka, sis? Ayos ka lang ba?" tanong niyang muli, ram