KATE POVPAKKKKK! Lumalagutok na mag-asawang sampal ang pinakawalan ko sa pisngi ng aking long time boyfriend at fiance na si Michael ng surpresahin ko ang aking pamilya . Mula sa aking pagbabalik bayan sa mahigit na dalawang taon kong paninilbihan sa Dubai bilang Showroom Supervisor sa kompanya ng pinakamalaking supplier ng mga baking items at ingredients ng mga bake shop sa buong Middle East."Hay*p ka Michael! (pinaghahampas ko ang kanyang dibdib sa sobrang galit, hinagis ko sa kanya ang dala kong maleta ) bakit si Charlotte pa? sa dinami-dami ng babaeng bubuntisin mo bakit ang kapatid ko pa? huhuhu ! (hagulgol kong panunumbat kay Michael) Napakawalang hiya ninyong dalawa." baling na sigaw ko naman pati sa aking kapatid nararamdaman ko naman sa aking pisngi ang walang tigil na pagpatak ng luha sa aking mga mata, sa tindi ng aking galit walang habas kong pinaghahampas si Michael ng aking dalang paper bag na pasalubong ko sana para sa kanya. “5 years Michael! 5 years ang sinayang mo
KATE POVSA BORACAY RESORTTugstugstugsNakakabinging tugtugin ang sumalubong sa akin ng magtungo ako sa isang beach front bar dito sa Boracay. Dito ako dinala ng aking mga paa matapos ang aking mga nalaman tungkol sa pagkabuntis ng aking kapatid na si Charlotte sa fiance kong si Michael. Sinasabayan ko ang malakas na tugtugin ng pagsaway ng sexy dance. Walang hiya kong ginilingan ang posteng nasa ibabaw ng entablado sa bar na nakapwesto sa gilid ng dalampasigan.Hindi ko alintana ang paghihiyawan at tinginan ng mga tao sa aking paligid dahil sa malandi kong paggiling na nakadagdag atensyon sa mga kalalakihan . Suot ko lamang ang manipis na telang tumatabing sa aking puting 2 piece. Kitang-kita ang hubog ng aking katawan sa tuwing sisipol ang hangin sa dalampasigan kasabay ng aking pagsayaw. Wala na akong pakielam sa lahat. Nagbakasyon ako para mag enjoy. Kaya hindi ko ito sisirain ng dahil lang sa mga taong pinagkatiwalaan ko ng husto ngunit ang mga ito din pala ang dudurog sa akin.
“Alam mo wag kang feeling okay?! Grupo mo lang ang pinaka maingay dito kaya talagang lahat ng tao mapapatingin sa inyo.” Pagpapalusot kong sabi sa kanya.“Okay Miss sabi mo eh! (Nakangiti naman nitong sagot sa akin) oo nga pala ako si James?! Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?!” Sabi naman niya sakin“Alam mo gusto kong mapag isa kaya pwede wag mo na kong idamay sa trip niyong magkakaibigan. Quota na ko ngayong araw sa sakit. Kaya kung pwede lang ibang babae na lang ang pagpustahan niyo, wala kang mapapala sakin.” sabi ko naman sa kanya. Tumungga lang ako ulit ng tequila at inirapan kong muli ito.“Miss hindi ka namin pinagpupustahan, nakita mo diba umalis na ang mga kaibigan ko! oh sige ganito na lang. Hayaan mo lang ako dito sa tabi mo makipag inuman sayo, at kung sino ang unang gagawa ng hindi magandang ikikilos ay siyang magbabayad ng lahat. (Sabi nito sakin) Waiter (pagtawag niya sa waiter, lumapit naman ito kagad samin.) ikaw ang saksi. Kung may gagawin akong masama sa magan
Nakaakbay ako kay James habang siya ay nakaalalay sa aking balakang .Pasuray-suray kaming naglakad patungo sa isang silid sa resort na aking pinuntahan. Kung saan - saan naman kaming napasok na silid , may isa pa kaming napasukan na nag se-s*x dahil hindi nito naisara ng maayos ang kanilang pintuan, matinding halakhakan naming dalawa hanggang sa mapagbuksan kami ng isa niyang kaibigan na Mayor, sa sobrang kalasingan ko ay medyo sinisinok pa ako habang nagsasalita. Nagkasiyahan kami saglit at nagsulat-sulatan sa isang papel. Hindi ko alam kung ano nga ba yun basta parehas kaming pumirma ni James , kasama nitong si William ang assistant niyang si Daniel , dahil sa lasing na ito kagaya namin ay may kinuha siya sa kanyang bag. Sinelyuhan niya ang papel na pinirmahan namin at umalis ito dahil ihuhulog niya daw ito sa mail box sa receptionist. Tawanan naman kami ng tawanan pag labas nito at nagpaalam na din kami sa kaibigan na Mayor ni James dahil ayokong makaistorbo sa kung ano mang balak
KINAUMAGAHAN SA HOTEL ROOM NI JAMESNapabalikwas ako ng bangon ng walang tigil na nag ring ang aking cellphone. Napasaplo naman ako sa aking ulo dahil pakiramdam ko ay parang binibiyak ito sa sobrang sakit nagulat pa ako ng pagbaling ko sa aking tagiliran na may lalaki akong katabi, agad kong sinilip ang aking katawan na nakatabong sa ilalim ng comforter. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita kong mayroon naman akong saplot. "Ohhhh Kate, ano na naman kayang katangahan ang pinaggagagawa mo kagabi?!" mahina kong bulong sa aking sarili bahagya ko pang hinampas hampas ang aking ulo dahil sa totoo lang wala akong maalala kung ano ang mga ngayari kagabi. Wala din akong ideya kung paano ako nakarating sa silid ng lalaking ito. Ang huling natatandaan ko lang nasa Beach Front Bar ako at mag-isang nagpapakalunod sa alak.Dahan-dahan akong kumilos at bumaba ng kama. Ayokong makalikha ng ingay para hindi ko magising ang lalaki sa aking tabi. Ayokong makita niya ako lalo na at hindi ko naman k
Kinabukasan ay sobrang galit na galit pa rin si Mama kay Ate Kate ,panay ang pagsigaw niya sa buong bahay dahil hindi man lang siya sinasagot ni Ate ang kanyang mga messages at tawag. "Bwis*t na Kate yan, hanggang ngayon ayaw pa rin akong sagutin sa tawag ko. Aba hindi siya nagpadala ng allowance para ngayong buwan at biglaan palang uuwi . Anong ipangbabayad natin sa mga bills ngayon! Ginigil talaga ako ng anak mong yan Arthur." sabi ni Mama Camilia“Ikaw nga tumawag diyan George baka sakaling sumagot yang kapatid mong magaling! Ang dami daming bayarin dito sa bahay hindi man lang nag iwan kahit magkano.”Sabi naman ni Papa“eeh kasi sinabihan mo pa si Ate na hindi niyo kailangan ang pera niya siya na nga itong niloko" pabulong kong sabi sa kanila"anong sinasabi mo George?" tanong sakin ni Mama"sabi ko anong sasabihin ko kapag sumagot na si Ate?!” Tanong ko naman sa kanila“Ikaw ng bahala magdahilan sabihin mo na din yung pang tuition ni Charlotte. Isa pa yun hindi naman pwedeng i h
Hindi naman nagtagal ay biglang nag ring ang aking cell phone. Si Ate Kate ang nasa kabilang linya. Bumubulong ito sa pagsasalita ng sagutin ko ang kanyang tawag. Hindi ko pa siya masyadong marinig pero sinabihan ko na siya sa nangyari kay Mama. "ate si Mama kasi, sinugod sa ospital." sabi ko kay ate Kate "bakit anong ngyari kay Mama?" tanong naman niya sakin "galit na galit kasi sayo si Mama kahapon pa. Tinatawagan ka daw niya hindi ka naman sumasagot." natataranta kong sabi sa kanya, narinig kong napabuntong hininga naman si Ate Kate mula sa kabilang linya." kaya ayon kanina biglang inatake sa puso, namumutla siya nung una hanggang sa hinimatay na siya ng tuluyan, susunod na din ako kila Papa sa ospital ngayon." sabi ko pa kay Ate. "umuwi ka na dito ate, pasensya ka na Ate pero kasi ang alam ko walang pambayad sila Mama sa ospital, kanina inaangal pa din niya ang pambayad sa kuryente, mapuputulan na daw tayo" nahihiya ko pang sabi sa kanya. "bakit nagpadala ako sa kanya nung naka
CHARLOTTE POVNakaupo ako sa may silya sa labas ng aming balkon. Napapangiti ako ng makaalis na si Ate Kate sa aming bahay. Mahal ko ang aking kapatid ngunit nagkataon lang na iisa ang taong minahal namin. Umakyat na din sila Mama sa kanilang kwarto sa sobrang galit kay Ate Kate. Nagkaruon na ako ng kutob na ngayong araw ang dating ni Ate para magbakasyon dito sa Pilipinas batay sa huling video call namin ng sabihin ko sa kanya ang tungkol sa last tuition fee na babayran ko. Finals ko na din kasi, ilang buwan na lang at pa graduate na ako. Kagaya ng napagkasunduan namin nila Mama at Papa hindi ko binanggit kay Ate ang tungkol sa aking pagbubuntis dahil siguradong hindi na ito magpapadala sa amin ng sustento lalo na kapag nalaman niya kung sino ang ama ng aking pinagbubuntis. Mag-dadalawang tatlong buwan na din ang dinadala ko sa aking sinapupunan. Hindi ko inagaw kay Ate si Michael. Una naman talaga kaming nagkakilala ni Michael bago pa man maging sila ni Ate ng biglaan, kasamahan ko
ETHAN POV Dumating na ang mga bisita isa-isa, at ang saya sa paligid ay hindi maipaliwanag. Ang mga halakhakan at kwentuhan ng mga tao ay nagbigay saya sa buong lugar. Nagsimula na rin ang program, at hindi ko akalain kung gaano ka-organized at ka-saya lahat ng mga planong ito. Lahat ng tao ay abala sa mga palaro at mga jokes ng host na nagpapatawa sa lahat. Tuwang-tuwa sila, at kahit kami din ni Kayline, masaya kaming nakikisali sa kakulitan ng aming host. Habang abala ang mga bisita, sinubukan kong mag-relax at tingnan ang lahat ng nangyayari, ngunit hindi ko maiwasang mapansin si Kayline. Ang saya sa mga mata niya, nakikita ko ang genuine na ngiti mula sa kaniyang mga labi. Nang dumating ang isang intermission number, nagulat ako sa nangyari. “Huh? Si Kayline, anong ginagawa nila?” tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa stage. Halos mapapalakpak ako sa tuwa. Sina Tristan, Lander at ang ilang mga kaibigan ni Kayline ay nagsimulang sumayaw, at biglang nagulat ako nang maki
Pagkatapos ng misa ay oras naman para sa pagkuha ng mga pictures. “Ethan, ito na talaga ‘yon. Magkasama na tayo… habang buhay.” habang nakatingin ako kay Ethan ang puso ko ay punong-puno ng saya. Ngumingiti naman si Ethan habang hawak ang mga kamay ko “Oo, Kayline. Sayo lang umiikot ang buhay ko.” Nagkaroon ng sandaling katahimikan habang nagkatinginan kaming dalawa. Napalapit ako kay Ethan, at sabay namin naramdaman ang hindi maipaliwanag na damdamin. Lumapit si Kayline sa akin at naglapat ang aming mga labi. Pagkatapos ng halik bilang mag-asawa “Parang ang tagal nating inantay ‘to, Ethan. I mean ang buhay na kakaharapin natin bilang mag-asawa” Tumango siya sa akin at punong-puno ng emosyon “Sobra, Kayline. Pero sulit ang lahat. Ngayon, ikaw at ako na talaga. Akalain mong matapos ang pinagdaanan natin sa huli ay humantong din tayo sa kasalan.” Naputol ang paglalambingan namin nang biglang nagsigawan ang mga bisita. “Wooo! Sana all!” “Mabuhay ang bagong kasal!” "congratula
Ngumiti siya sa akin, at naramdaman ko ang init sa puso ko. Kinuha ko ang singsing mula sa pari at marahang sinuot ito sa daliri niya. Habang ginagawa ko ito, tinignan ko siya at ngumiti. “Mahal kita, Ethan,” bulong ko Hinawakan ko ang singsing sa kamay ko, ramdam ang kabigatan ng bawat pangakong nakapaloob dito. Tumingin ako kay Ethan, at sa mga mata niya nakita ko ang pagmamahal na walang pag-aalinlangan. Huminga ako nang malalim at ngumiti. “ Ethan Anderson,” sabi ko, malumanay ngunit puno ng emosyon. “Kaya naman, Please wear this ring as a sign of my love and loyalty to you. For richer, for poorer, in sickness and in health, till death do us part. I, Kayline Eduardo are asking you to accept me as your lawfully wife?! Sa mata ng Diyos at sa nata ng tao?” Tumango siya, at biglang nagsalita ng malakas at malinaw. “I do!” sagot ni Ethan, punong-puno ng sigla at pagmamahal. Isinuot ko ang singsing sa daliri niya nang marahan, ramdam ang init ng kamay niya habang hinahawakan n
Ngunit paano? Paano ako kakalma kung narito sa harap ko ang babae ng buhay ko, papunta sa akin? Napailing ako, pilit pinipigilan ang namumuong luha, pero huli na. Pumatak ito, at hindi ko na nagawang itago pa. “Ang ganda niya,” bulong ko ulit, halos hindi ko marinig ang sarili ko. Ngumiti si Mommy, halatang naiiyak din. “Oo, anak. Ang ganda niya. At ikaw ang maswerteng lalaki na hinihintay niya sa altar. Masaya akong nakikita kang masaya” Nang magsimulang maglakad si Kayline, tumunog ang unang nota ng piano, at ramdam kong mas bumagal pa ang oras. Ang bawat hakbang niya ay parang sinadya para itatak sa isip ko ang araw na ito. Nakatingin siya sa akin, at sa mga mata niya, alam kong naroon ang parehong pagmamahal na nararamdaman ko. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Sa bawat hakbang niya papalapit sa akin, parang tumitigil ang oras. Ngumiti siya, at sa sandaling iyon, alam kong siya ang tamang desisyon. Hindi ko napigilang mapaluha ulit. Ito na iyon, sabi ko sa sarili ko. Walang
KAYLINE POV Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang kahapon lang, napakaraming pagsubok ang pinagdaanan namin ni Ethan. Pero ngayon, ito na—ang araw na pinapangarap ko. Araw ng kasal namin. Habang nasa loob ng sasakyan, naririnig ko ang tibok ng puso ko, parang kasing lakas ng tunog ng makina. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at nginitian ako. “Congratulations, anak,” sabi niya, puno ng pagmamahal ang boses. “Finally, ito na iyon. Napakaganda mo, at sigurado akong magiging napakaganda rin ng araw na ito para sa inyo ni Ethan. Wag kang kabahan, mag-relax ka lang.” Napangiti ako kay Mommy, kahit nararamdaman kong nangingilid ang luha ko. “Salamat, Mommy. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko alam kung kakayanin ko ang lahat ng ito.” Pinisil niya ang kamay ko nang mahigpit. “Kayline, karapat-dapat kang maging masaya. Ngayon, huwag mo nang isipin ang iba. Enjoyin mo ang araw na ito.” Tumingin ako sa salamin at inayos ang belo ko. Pinipigilan kong maiyak dahil ayokong masira a
ETHAN POV Ito ang pinakahihintay na araw sa buhay ko, pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko maalis ang kabang nararamdaman ko. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko. Kaninang umaga pa lang paulit-ulit kong tinitingnan ang cellphone ko. Tinawagan ko si Mommy ng maraming beses, pero palagi niyang binababa ang tawag ko. Hindi niya sinasagot kahit ang mga text ko. Huminga ako nang malalim at tumitig sa screen ng phone ko. Nabasa ko ang seen sa huling message ko: “Mommy, 4 PM sa St. Michael’s Church. Hihintayin kita, sana dumating ka.” Parang kinurot ang puso ko. Alam kong nasaktan siya sa mga nakaraang pangyayari, pero hindi ko maitatanggi na umaasa pa rin akong dadalo siya sa pinakamahalagang araw ng buhay ko. Pagdating ko sa simbahan, nauna akong bumaba ng kotse. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang tahimik na paligid. Madami na ding bisita ang nasa loob ng simbahan. "sir within 10 minutes magsisimula na po tayo" sabi sa akin ng
Kailangan kong protektahan si Kayline, lalo na sa mga banta ni Sofia. Pero alam ko rin na kailangan ko munang harapin ang mommy ko. Alam kong hindi magiging madali ang pag-uusap namin, pero hindi ko na rin kayang tiisin ang pananahimik niya tungkol sa mga ginagawa ni Sofia. Kinabukasan, sa bahay ng mommy ko Pagdating ko sa bahay, tahimik akong sinalubong ng kasambahay. “Sir Ethan, nasa veranda po si ma’am.” “Salamat,” sagot ko, saka ako dumiretso. Sa totoo lang, ayoko na talagang makipag-usap kay mommy tungkol sa gulong ito, pero kailangan kong malaman kung bakit tila siya kampi kay Sofia sa kabila ng lahat. Pagdating ko sa veranda, nakita ko siyang nakaupo habang iniinom ang paborito niyang tea. Napansin niya agad ang presensya ko, pero hindi siya nagsalita. “Mommy,” panimula ko, habang naupo sa harap niya. “Kailangan nating mag-usap.” Hindi siya tumingin sa akin. Patuloy lang siyang umiinom ng tea niya, pero halatang naghihintay siya sa susunod kong sasabihin. “Bakit
ETHAN POV Sigurado ako sa sarili ko. Hindi ako ang ama ng pinagbubuntis ni Sofia. Wala akong ginawa sa kanya noong gabing sinasabi niya. Pero syempre, mahirap ipilit ang katotohanan kung puro kasinungalingan ang binibigay niya. Kaya heto ako, dinala siya sa kaibigan kong doktor para matapos na ang lahat ng drama niya. Pagpasok pa lang namin sa clinic, halatang aligaga si Sofia. Panay ang hawak niya sa tiyan niya na parang gusto niyang magpaniwala agad na totoo ang sinasabi niya. Pati ang mommy ko, nasa tabi niya at mukhang nagdududa rin. “Ethan, ano ba to? Bakit mo pa kailangang dalhin dito? Hindi mo ba ako pinapaniwalaan?” ani Sofia, halatang naiinis. “Sinong maniniwala sayo , alam ko at sigurado akong walang ngyayari satin,” sagot ko nang diretso. “Isa pa gusto ko ng kasiguraduhan. Ayokong basta basta magpadaan sa kalokohan niyo.” Nagulat ako sa biglang pagdating ni Mommy “At ano naman ang gusto mong patunayan?” singit ni mommy, halatang kampi na kay Sofia. “Simple lang,
Hindi pa lumilipas ang ilang minuto nang makita ko siyang dumating sa opisina. Agad niyang napansin si Sofia na nakatayo roon. Tuwang tuwa ang mukha ni Sofia ng makita niya si Ethan, ang ngiti niyang nagpapakita ng kayabangan, na parang may laban siyang napanalunan na ako lang ang hindi nakakaalam. “Hi, Ethan,” bati ni Sofia sa kanya, matamis ang tono ng boses niya. Lumapit siya kay Ethan, pero nakikita kong mayroon siyang intensyon sa bawat galaw niya. Akmang yayakapin niya ito, ngunit agad kong nakita ang pagkakaiba sa reaksyon ni Ethan. Para siyang biglang naging yelo, malamig at puno ng galit. "baby anong ngyayari dito?" tanong ni Ethan sa akin na punong puno ng pagtataka. Tinitignan kong mabuti si Ethan pero nakita kong kahit siya ay naguguluhan sa maaring ginagawa ni Sofia sa loob ng opisina ko. Lumapit si Sofia kay Ethan na ngayon nakatayo sa gilid ko. Nilingkis ni Sofia ang balikat ni Ethan "ano ka ba naman, Ethan hindi mo ako dapat ini-stress. Buntis ako. Nung gabing ma