JAMES POV Nagmamadali na kami ni Kate sa pag-aayos ng aming sarili, dadaan pa muna kami sa bilihan ng bulaklak bago kami magtungo sa airport para salubungin sila Mommy. Nang kami ay makarating sa flower shop ay nagpaiwan na si Kate sa sasakyan, hindi ko na ito pinababa dahil sa mabilis lang naman ako . Namili na ako ng magandang bulaklak na maaring ibigay kay Mommy, ng sa aking paglabas ay naabutan ko si Kate na abala sa pagkalikot ng kanyang laptop para mag chekc ng mga emails para sa kanyang trabaho. Isang bagay na hindi ko mapaigilang gawin niya. Ilang beses ko man siyang sabihan na huminto na sa kaniyang pagtatrabaho ay hindi ko ito mapigilan, tanging bagay na hiniling ni Kate sa akin. Ito ang dahilan kung bakit lalo akong nahuhulog kay Kate. Hindi ko man aminin sa kanyang harapan ay alam ko sa aking sarili na hulog na hulog na ako para kay Kate. Hindi siya umaasa sa kahit na anong yaman ko. Dahil sa pagiging abala nito ay hindi niya namalayan ang aking dala-dala. Binuksan ko a
"napagkasunduan po kasi namin ni James Mommy na hindi ako hihinto sa pagta-trabaho ayoko po kasing iasa sa kaniya ang lahat ng pangangailangan ko. Gusto ko din pong paghirapan lahat ng maabot ko sa buhay. Ayoko po kasing isipin ng mga tao na kaya lang ako napunta sa mataas na posisyon ay dahil sa asawa ko si James. Kaya ng apo hindi namin kaagad piangsabi ang tungkol sa aming kasal." sagot naman ni Kate kay Mommy. Seryoso ito sa lahat ng salitang kaniyang binitawan. "kaya naman bilib talaga ako sa iyo iha! sa totoo kung iba lang yan aabusuhin niya na ang mayroon ang si James. Kaya siguro humaling na humaling sa iyo itong si James." sagot naman ni Mommy. Sa pagkakataong ito tila bumaliktad ang sitwasyon. Mukhang ako naman ang malalagay sa hotseat kaya naman binago ko ang aming usapan. "Mommy mamaya after ng lunch natin mga 5 or 6 pm pupunta tayo sa Mubarakiya, yung mga bilihan ng gold na binaggit ko sa inyo. May avaiable din silang gold bar para sa koloksyon mo" sabi ko dito. Nap
Tuluyan ng lumaglag ang aking luha, nag-uunahan na itong pumatak sa aking mukha. Napayuko ako sa sobrang hiya sa Mommy ni James. Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniyang mga mata. Hindi ko alam kung anong eksplenasyon ang aking gagawin , alam kong nagsimula kami sa hindi tama pero gusto ko na si James ngayon aminin ko man o sa hindi."Iha! Iha! (kinapitan niya ang aking baba upang iangat ang aking mukha, pinahidan ng mga daliri ni Mommy ang aking mga luha) wag kang matakot, wala kaming gagawin. Sa totoo lang ang gusto naming mangyari ay ipagpatuloy mo ang pagiging asawa kay James, nakikita kong puno na kayo ng pagmamahal para sa isa't isa. Kung maaring lang iha na gawin na ninyong totoo ang inyong kasal alam kong isa kang mabuti asawa at magiging responsableng ina para sayong pamilya. Bilib ako sa dedikasyon mo sa pagkakaruon ng sariling kinikita kahit na hindi mo naman kailangan. (kinapitan niyang muli ang aking kamay). Nadadala mo sa maganda si James ngayon ay nagkaka-dereskyon n
KUWAIT MUBARAKIYAJAMES POVNanginginang ang mga mata ni Mommy ng magpunta kami sa sikat na gold shop town sa Kuwait , ang Mubarakiya. Makikita ang hele-helerang shops ng mga ginto. Mula maliit hanggang sa sobrang malalaking tipak ng ginto ay matatagpuan dito.Pagpasok namin sa suki kong tindahan ay hindi magkandamayaw ng pagpili si Mommy sa mga alahas na nais niyang bilhin.“Kate tignan mo nga ito, isukat mo nga!” Inabot ni Mommy ang isang set ng jewerly na may mga diyamante. Hindi naman makatanggi si Kate dahil pinatalikod na siya ni Mommy. “Ayan bagay na bagay sayo. Pakidagdag to sa kukuhain ko.” Casual na pagkakasabi ni Mommy“Mam yun pong gold bar na request niyo kinukuha lang po sa volt maya-maya din po ilalabas na yun ng boss namin” sabi ng sales lady, nilatagan naman niya pa ng iba’t ibang klaseng alahas si Mommy. Halos lahat ng ipakita sa kaniya ay kinukuha niya. Hindi na ako magtataka kay Mommy dahil mahilig talaga siyang mangolekta ng mga alahas.“James sobra naman ata tong
KATE POV Ito ang unang beses na nakapasok ako sa loob ng unit sa Burj Khalifa , manghang mangha ako sa ganda nito sa loob. Sa ilang taon kong nanirahan sa Dubai ni minsan ay hindi pumasok sa isip ko na balang araw ay magkakaruon ako ng isang unit sa loob nito. At hindi lang basta unit dahil pagmamay-ari ni James ang isang penthouse dito. Laking gulat ko ng i-check ko ang presyo ng penthouse na ito, nakakalula ang presyo nitong humigit kumulang 216-220 million pesos ang halaga . Pero talaga namang kaaya-aya ang itsura nito kaya siguro ito ganon kamahal . Napaka-unique ng lay-out nito mula sa loob, mayroong 4 bed rooms, 6 bath rooms, may sarili din itong pool at gym ang aming unit at may sukat ito na 16,600 sq. ft, sa lawak nito ay wala kang makikitang mga haligi kaya naman lalong lumawak ang itsura nito. Pagpasok pa lang ay bumungad na sa amin ang napaka-gandang tanawin ng UAE, ang buong unit namin ay napapalibutan ng full size wall window, halos puti at brown ang motif ng unit ni Ja
THE PROPOSAL JAMES POV Mula sa isang sikretong silid na hindi nakikita ng mga bisita ay malaya kong pinagmamasdan si Kate, napaka ganda talaga niya lalong lumabas ang hubog ng kaniyang katawan sa hinanda kong damit para sa kanya mula sa itim na Gucci Crystal Bow gown na kaniyang suot suot, lumitaw ang pagkabilog ng kaniyang dibdib mula sa malalim na V-Neckline na may palamuting mga swarovski na bato sa neckline, braso at pababang linya ng mga makikinang na kristal, mayroon din itong bow brooch na may nagkikinangan ding mga kristal. Tinernuhan niya ito ng set ng rare pearl drop earrings and double pearl necklace, kuminang ang kanyang ganda ng mga sandaling ito. Dumako na ang host sa huling bahagi ng event . Bago pa man magsimula ay naabisuhan ko na siya sa mangyayari makalipas ang ilang minuto! Kinakabahan ako para sa huling parte ng event na ito dahil ito na ang oras na pinakahihintay ko. Kukuhain ko na ang pagkakataong ito para sa malaking bagay na aking iaanunsyo. Sa Kuwait pa l
KATE POVHanggang ngayon ay lumulutang pa rin ako sa alapaap!. Tinatanong ko ang Diyos ano ba ang nagawa kong maganda sa buhay ko at tila binubuhos niya lahat ng pagpapala sa akin. Biniyayaan ako ng mababait na byenan at maalagang asawa. Tila ako Prinsesa kanina sa ginawa ni James na pag-0o-propose sa akin. Hindi ko inaasahang gagawin iyon ni James sa harapan ng maraming tao, mga hindi basta bastang tao dahil parte lang naman sila ng Royal Family. Hindi ko din inakalang naka ere na pala sa balita sa buong middle east ang ngyaring proposal. Oo nga naman, panong hindi maeere iyon . Puro Hari at Reyna nga pala ang kasama namin sa Auction. Napaka magical ng sandaling iyon. Pakiramdam ko huminto ang lahat ng nasa paligid ko simula pa lang ng makita kong tumutugtog si James ng Piano sa harapan naming lahat. Lalo na ng bigla soyang lumuhod sa aking harapan. Hindi ko na napigilan ang tuluyang pagpatak ng aking mga luha.Nakareceive ako ng napakaraming mensahe mula sa aking mga staff at mga k
Nahiga ako sa aming kama at malandi ko itong pinapalapit sa akin gamit ang aking daliri. Nakangiti naman siyang lumapit sa akin. Inamoy niya ang aking buhok pababa sa aking katawan. Nagsimulang gumapang ang mga kamay ni James sa aking katawan, ang bawat paghaplos niya ay nagbibigay ng kakaibang sensasyon sa aking buong sistema. Pakiramdam ko ay may mataas na boltaheng dumadaloy sa aking mga kalamnan ng haplusin ni James ang gitna ng aking perlas, napapa-iktad ang aking katawan sa kiliting dulot nito. Mabagal kong hinubad isa-isa ang aking mga damit. Napapakagat labing lumapit sa akin si James, tumuntong na din siya sa aming kama. Tinitigan muna niyang mabuti ang buo kong katawan, hinimas himas niya ang dalawa kong bundok saka niya sinimulang laruin ng kaniyang daliri ang aking pasas. Muli na naman kaming nagpalitan ng laway, pinagsawa namin magbabad ang aming mga labi sa labi ng isa't isa sa pagkakataong ito mas maalab at nag-iinit ang aming paghahalikan. Muli siyang bumitiw sa pagdid
MADELINE POVPagkalipas ng ilang araw, nagsimula na ang paglilitis. Halos mapuno ang courtroom sa dami ng taong nais masaksihan ang kaso. Ang bawat kilos ng mga nasasakdal—sina Jasper, Bridget, at Nicole—ay nakatuon sa lahat ng mata. Sa gitna ng mahigpit na seguridad, tahimik akong nakaupo sa likuran, hawak ang kamay ni Liam. Ramdam ko ang tensyon sa paligid, lalo na nang magsimula ang mahabang balitaktakan ng mga abogado.Hukom: "Tayo'y magsimula. Atty. De Guzman, pakipresenta ang inyong mga unang tanong."Atty. De Guzman (Prosekusyon): "Maraming salamat,your honor. Unang tanong ko sa saksi, si Aaron. Aaron maaari mo bang ilarawan ang iyong relasyon sa mga akusado, sina Bridget at Nicole?"Aaron: "Oo, ako ay matagal nang nakatrabaho sina Bridget at Nicole. Kami ay magkaibigan, at sa simula, nagkakasundo kami sa mga desisyon. Ngunit, nang magtagal, napansin ko na may mga bagay silang ginagawa nang lihim na hindi ko alam. Hindi lang sila kundi ang boss kong si Jasper"Atty. De Guzman:
MADELINE POV Tahimik akong nakamasid sa gilid habang binibitbit ng mga pulis sina Bridget at Nicole. Nakaposas ang kanilang mga kamay, at kahit pilit nilang itinatago ang kaba, bakas sa kanilang mga mukha ang galit at takot. Lahat ng ito ay nag-ugat sa ginawa ni Jasper, hindi nagtagal ang pag-interrogate kay Jasper ay tinuro niya at sinabi niya ang lahat ng kaniyang ginawa. "it's okay Love, ito na yun oh!, matatapos na ang lahat, pagkatapos nito i think you deserve a big vacation." malambing na sabi ni Liam sa akin "oo Love, salamat. " bumaling ako sa kaniyang balikat.Sa hindi kalayuan, nandoon si Jasper. Tahimik siyang nakamasid, pero kitang-kita sa kanyang mga mata ang kawalang-awa. Walang bahid ng pagsisisi ang kanyang mukha ni isang pag-alala sa pagkakaibigan nila nina Bridget at Nicole. Para sa kanya, tapos na ang lahat. Tatawa-tawa siyang nakangiti habang pinagmamasdang ipasok ang dalawang kasabwat niya, binanggit din niya ang tungkol sa pakikipagsabwatan ng mga
ILANG LINGGO ANG NAKALIPAS MADELINE POV "love, sorry fro bringing your family into our family's mess." malungkot kong sabi kay Liam. "hey!" malambing niyang sabi habang hawak ang aking pisngi "Don't be like that, hindi lang inaasahan na ang pamilya nating ay may mga nakaraang hindi pa rin naghilom, mabuti nga at satin na iyon sumabog dahil alam kong kaya nating malutas ang kasong ito! magtutulungan tayo Love, kaya natin to. I love you Madeline and i like how your family handle this problem." nakangiti niyang sabi sa akin. "thank you for understanding. Siguro kung ibang lalaki lang yan, dahil sa gulong ngyayari sa pamilya namin, sigurado akong iniwan na ako" sagot ko sa kaniya Bigla niya akong hinila papalapit sa kaniya sabay bulong sakin "ahhh... ahhhh... at yun naman ang hindi ko gagawin kahit kailan." sabay kindat niya sa akin. Natawa ako at malambing ko siyang hinalikan sa kaniyang mga labi. Sa piling ni Liam pakiramdam ko ay ligtas na ligtas ako. Alam kong hindi ako mapapano
Hindi makapaniwala si Tita Amara nang malaman niya ang patuloy na galit at plano nina Jasper, Nicole, at Bridget laban sa aming pamilya. Hindi niya maitanggi ang kaba at galit na bumalot sa kanya. Agad niyang kinuha ang telepono at tumawag kay Lola Kate, ang pinakamatanda at pinakamataas na kinikilala sa aming pamilya. “Hi Mommy, nangyayari na ang kinakataukan ko. Sila Madeline na ang inabutan nito. Kailangan nating mag meeting, ngayon din,” madiing sabi niya sa linya. “Hindi na ito pwedeng palampasin.” Sa kabilang linya, alam ni Lola Kate na hindi na ito simpleng problema lamang. “Sige, Amara. Ipagbibigay-alam ko sa lahat. Maghanda ka.” Kinabukasan, nagtipon ang buong pamilya sa ancestral house ng pamilya. Ang mansyon, na karaniwang puno ng tawanan at masayang kwentuhan, ay tila may bigat ngayon na hindi maitatanggi. Ito’y parang isang reunion, ngunit sa pagkakataong ito, hindi para magdiwang kundi para pag-usapan ang masalimuot na sitwasyon na hinaharap namin. Unang dumating si L
Madeline POV Tahimik akong nakaupo sa gilid ng sala habang pinagmamasdan si Tita Amara. Ang bawat salita niya ay bumabasag sa katahimikan, hinuhubaran ang mga nakatagong lihim na tila napakatagal nang iniingatan. Sa bawat kwento niya ay parang may bumabalik na pait mula sa nakaraan na hindi ko akalaing may kinalaman sa buhay ko ngayon. “Si Don Eduardo,” panimula ni Tita Amara, mahigpit ang hawak sa isang lumang photo album na may bakas ng panahon. “Siya ang puno’t dulo ng lahat ng ito. Sigurado ako, hindi niya kailanman mapapatawad ang pamilya natin. Lalong lalo na ako.” Napakunot ang noo ko, ramdam ang bigat ng kanyang boses. “Galit? Bakit siya galit sa’yo, Tita?” Napabuntong-hininga si Tita Amara, halatang mabigat ang alaala niya sa nakaraan, kahit na nabanggit sakin ni Mommy ang tungkol dito ay hindi ganuon ka detalyado ang nasabi niya sa amin. “Galit siya dahil mas pinili ko si Mommy Kate kaysa sa tunay kong ina na si Mommy Charlotte. Hindi niya matanggap na mas minahal ko
MADELINE POV Isang araw habang nasa ospital si Doc Liam at ako naman ay nasa bahay lang . Naupo ako sa harap ng laptop ko at pinilit alalahanin ang bawat detalye ng mga nakita ko sa email ko bago tuluyang nawala ito. Paulit-ulit na nag-replay sa isip ko ang mga pangalan - Eduardo, Bridget, at Nicole. Hindi ko maintindihan kung bakit tila pamilyar ang mga ito para sa akin, pero alam kong may kahalagahan sila sa kung anuman ang gusto naming malaman. Kasama si Doc Liam, sinubukan naming ibalik ang mga na-delete na file gamit ang iba’t ibang recovery tools, pero mukhang sobrang bihasa ang hacker. Kahit ang mga screenshot na inisip naming ligtas na, tuluyan na ring nawala. Habang tahimik akong nag-iisip, bumabalik sa akin ang mga alaala ng ilang pagkakataon kung saan narinig ko ang mga pangalang iyon. Hindi ko matiyak kung saan o kailan, pero alam narinig ko na yun walang duda. Hanggang sa naalala kong nagkuwento sa akin noon si Mommy tungkol sa paghihirap nila Tita Amara sa relasyon n
MADELINE POV Dalawang buwan na ang mabilis na nagdaan ngunit ang bigat ng nakaraan ay parang kahapon lang nangyari. Akala ko, kapag tinanggap na kami ng mga magulang namin, unti-unting magiging maayos na ang lahat. Pero hindi pala ganoon kasimple. Kahit tanggap na nila Mommy at Mommy ni Doc Liam ang relasyon namin ay hindi maikakaila na may bahagi pa rin ng pagsasama namin na hindi mabuo. Isang malaking katanungan ang bumabagabag sa amin—sino ang tunay na dahilan kung bakit nasira ang mga pamilya namin nuon. Nasimulan na namin ang mag-imbestiga kaya naman hindi na kami papayag na mahinto pa ito. May buhay ng naibuwis ng dahil sa mga taong nasa likod nito at patunay lang ito na sa tagal ng panahon ay hindi pa rin sila tumitigil kaya nakakatakot. Ngayong araw, tulad ng dati, nagpasya akong hintayin siya sa clinic, sa tuwing may duty siya at kahit na nakaleave ako ay palagi pa rin akong pumupunta sa ospital, mas panatag kasi ang kalooban ko sa tuwing magkasama kami. Pagdating ko ay
Matapos ang mahabang araw ng usapan at pagsasaliksik kasama ang aming mga pamilya, nagkaisa kaming lahat sa isang desisyon—kailangang makausap nila Mommy si Lorraine. Gusto nilang malaman ang buong detalye tungkol sa mga taong nasa likod ng iskandalong sumira sa aming mga pamilya. Para sa aming lahat, si Lorraine ang susi sa pagkakabuo ng kabuuang kwento. Sa kabila ng takot na baka may panganib pa, determinado kaming magpatuloy. Kinabukasan, bumalik kami ni Doc Liam sa bahay ni Lorraine at dahil weekends wala kaming shift sa ospital. Tahimik kaming nagmaneho papunta roon, kapwa iniisip ang magiging takbo ng usapan. Ngunit sa aming pagdating, bumungad sa amin ang hindi namin inaasahan. Ang buong lugar ay napapalibutan ng mga pulis. May mga caution tape na nakapalibot sa bahay, at sa gilid nito ay may nakaparadang ambulansya, ang mga ilaw nito’y kumikislap pa rin sa ilalim ng araw. Napahinto kami at natulala sa eksena. Agad naming naramdaman ang bigat ng sitwasyon. Ang kaba sa aking d
Halos isang linggo din ang paghihirap namin sa paghahanap kay Lorraine. Sa laki ng London swertehan na lang talaga na matagpuan namin siya. Its either bangkay na siya o pwede ding nasa pinas na siya ngayon. Daig pa namin ang mga detective na inupahan ni Doc Liam . Sa bawat araw na lumilipas, ramdam namin ni Doc Liam ang bigat ng tensyon sa pagitan ng aming mga pamilya. Tumagal ng halos isang linggo bago nagkaruon na lead ang detective at sa kabutihang palad ay nandito pa rin siya sa London. Matagal din bago namin natunton ang matagal nang nawawalang sekretarya. Sa wakas, natagpuan namin siya sa isang tahimik na bayan, malayo sa ingay ng lungsod. Nakita namin siya sa isang maliit na bahay na gawa sa bato at napapalibutan ng mga halaman sa gitnang palayan. Nang kumatok kami, isang babaeng nasa edad singkuwenta ang nagbukas ng pinto. Si Lorraine - matangkad, may mahinang kilos, ngunit may mga matang tila laging nakabantay. Kitang-kita sa kanyang mukha ang kaba at alinlangan nang maki