Concert
"Andreaaa! ang swerte mo!" sabi ni Fatima kaya inis akong tumingin sa kanya."Saan ang maswerte dun!? chix boy yun!" inis na sabi ko sa kanya habang niyakap ang unan ko, nakaupo lang siya sa gilid ng kama ko habang tiningnan ako."Chix boy nga," kalmang sabi niya at nagtakang tumingin sa akin. "Hindi mo yun kilala diba? Paano mo nasabi na chix boy yun?" Taas kilay niyang tanong.Nagtaas rin ako ng kilay sa kanya, siya na nga nagsabi na famous yun."Bago ako nalasing may narinig akong mga babaeng nauusap na may naka one night stand daw yun na model," sabi ko habang walang reaction ang mukha ko dahil hindi ko gusto ang nangyari ngayon."Oh! yun naman pala bakit nagpatusok ka sa kanya kung ganun!" sabi ni Fatima kaya sinamaan ko siya ng tingin."Lasing nga ako! wala ako sa sarili! at hindi ko rin yun nakilala," sabi ko.Umiling iling siya sa akin parang desmayado kaya ngumuso ako dahil alam ako rin naman na mali pero wala na akong magagawa, it's part of my life now."Alagaan mo ang sarili mo Andrea," sabi niya ng seryoso kaya tumango ako."Yun lang naman eh!" sabi ko habang ngumuso."Kahit na! mabuti nga si Zantyr yun no! hindi ka masyadong lugi!" sabi niya kaya hinampas ko siya, siya naman panay tawa sa akin."Kainis ka!" sabi ko, tumawa siya."Kaysa naman mukhang unggoy yung naka one night stand mo," malakas na tawa niya, natawa rin ako at umiling sa kanya."Wag mo nalang sabihin sa iba, I guess hindi rin yun matandaan ng idol mo," sabi ko kaya tumango siya."Yun nga sabi nila," sabi niya.Hayst. Nasa playboy ko pa binigay ang akin."Pumunta nalang tayo ng concert!" sabi niya kaya nagisip naman ako."Kailan?" tanong ko."Mamayang 4:00PM," sabi niya kaya tiningnan ko ang cellphone ko.10:00 AM palang."Masakit?" tanong niya."Masakit nga kung maglakad ako!" sabi ko habang nakanguso sa kanya, ngumisi siya sa akin."Masarap ba sa feeling!? naunahan mo pa ako na ako yung maraming naging boyfriend! ikaw na NBSB," sabi niya sabay tawa kaya hinampas ko ulit siya."Tumahimik ka nga! kasalanan mo yun no!" sisi ko sa kanya kaya tumawa siya ng malakas sa amin."Kasalanan ko? Ako ba yung nagutos na magpatusok ka?" natatawang sabi niya kaya inis ko ulit siyang hinampas dahil sa ginamit niyang words.Tusok? tangina talagang babaeng to!"Tumahimik ka," sabi ko at binaon ang mukha sa unan."So punta tayo sa concert" sabi niya, tumango nalang ako para hindi ako mabaliw dito magisa kakaisip sa nangyari sa bar.Hayst!"Sige," sabi ko kahit hindi ko alam kung saan basta gusto kong iwasan maisip ang nangyari kaya ayaw kong buong araw ako dito sa condo."Himala! hindi na kailangan pilitin, kanta kanta pa naman yun, ayaw mo ng ganun diba?" tanong niya kaya tumango ako pero nagkibit balikat nalang din sabkanya."Oo pero hayaan mo na kaysa naman dito lang ako magisa mabaliw sa kakaisip sa nangyari," sabi ko kaya tinawanan niya ulit ako."Hindi ko alam kung maiingit ba ako sayo o hindi pero bagay kayo!" Nakangising sabi niya kaya inirapan ko siya at hinayaan siyang magsalita. "Makulit yun eh at ikaw suplada.. diba perfect match?" pang-aasar niya sabay tawa kaya peke akong tumawa sa kanya bago siya hampasin ng unan.Kainis naman isang to."Tuwang tuwa ka pa talaga!" inis na sabi ko kaya mas lalo siyang tumawa tsaka nag seryoso."Umamin ka nga saakin bakit mo binigay agad ang sarili mo? gusto mo ba siya?" seryosong tanong niya."Hindi no!" agad na sagot ko na parang ang defensive ko, nagtaas siya ng kilay."huy, Andrea ang dami mong ni reject na lalaki tapos isang gabi binigay mo agad sa lalaking yun!" sabi niya kaya ngumuso ulit ako sa kanya at niyakap ulit ang unan.Oo nga no? pero hindi ko siya gusto! hindi ko nga iyun kilala."Hindi ko siya gusto," simpleng sabi ko kaya tumango siya sa akin."Okay sabi mo eh pero pag gusto mo yun Andrea ito lang masasabi ko magingat ka, palagi niyang sinasabi sa public na may gusto siyang babae at seryoso siya sa babaeng yun, if mabibigyan siya ng chance na mapasakanya ang babaeng yun papakasalanan niya agad," seryosong sabi niya kaya kumunot ang noo ko sa kanya."Hindi ko siya gusto," yun lang sinabi ko pero inisip ko ang sinabi niya dahil ang lalaking yun ang nakauna sa akin at pangarap ko dati na kung sino ang una yun na ang panghuli."Hindi nga pero alam ko ang inisip mo. Dati sinabi mo na ibigay mo lang yan sa taong mahal mo tapos ganito ang nangyari, kilala kita Andrea alam kong pinigilan mo lang na umasa sa lalaking yun," sabi niya kaya ngumuso ako."Anong gagawin ko?" tanong ko pero umiling lang siya."Wag mo na siyang isipin, magbihis ka mamaya ha may concert tayong pupuntahan," pagiiba niya ng usapan."Okay, may lakad ka ngayon?" tanong ko.Tumango siya kaya tumango na rin ako at hindi na nagtanong, ilang sandali pa umalis na siya para sa lakad niya at sabi niya pupuntahan niya ako rito mamaya dapat nakabihis na ako, tumango nalang ako sa kanya.Dahil sa walang magawa nanuod lang ako ng K-drama, pero walang pumasok sa utak ko dahil palagi kong inisip ang nangyari kagabi.Hindi ko alam kong magsisi ba ako sa nangyari o hindi. Hindi ko alam ang naramdaman ko ngayon dahil habang nagisip sa nangyari alam kong may part saakin na ginusto rin ang nangyari kahit lasing ako, at tama si Fatima umaasa akong makilala ako ng lalaki at matandaan niyang wala akong karanasan nong gabing iyun sana naman hindi niya balewalain iyun dahil mahalaga rin sa akin ang pagkababae ko, sana maisip niyang iniingatan ko yun.Anong gusto mong gawin niya Andrea?mag habol sayo?Ngumuso ako habang inisip yun, parang ganun nga ang gusto ko, gaya ng sinabi ni Fatima hindi na ako aasa dahil may gustong iba nga yung lalaking yun.Natakot lang ako na walang tatanggap sa akin na lalaki pag nalaman nilang may nakauna na sa akin.Nakatulog ako sa pagiisip at nagulat lang ako at nagising ng tumunog ang cellphone ko, kinuha ko ito para tingnan kung sino ang tumawag.Si mommy, sinagot ko ito at nilagay sa tainga ang cellphone habang niyakap ang unan at pumikit at handang makinig sa sasabihin ni mommy."Hello Andrea anak kumusta," paunang salita ni mama, napangiti ako.Mom kung pwede lang sabihin ko sayo ang nangyari sinabi ko na, pero ayaw kung mag-alala ka at pipilitin niyo yung lalaking panindigan ako."Okay lang mom, kayo po ni daddy?" tanong ko pabalik."Okay lang kami anak, sinabi kasi ng kapatid mo na lumabas kayo ni Fatima kagabi," sabi niya, tumango ako kahit hindi niya ako makita."Yes mom," nasabi ko lang at pinigilang magsumbong sa kanya."Okay lang naman siguro kayo diba?" tanong niya, tumango ako."Super okay mommy," sabi ko."Mabuti anak. tumawag lang ako para kamustahin ka baka may nangyari sainyo," sabi niya kaya natigilan ako. "Sige anak magingat ka palagi diyan bye," paalam niya, dali dali akong sumagot."Bye mom magingat rin kayo ni Daddy I love you both," sabi ko at pinatay ang tawag.Hindi tatawag si monmy pag lalabas kami ni Fatima ngayon lang, naramdaman niya bang may problema ako? haystt I love her so much.Tiningnan ko ang oras, tumayo na ako para kumain pagkatapos bumalik sa paghiga at natulog ulit, iniiwasang mapaisip sa nangyari kagabi.FAST FORWARD"Huy andrea! Bakit tulog kapa diyan!" rinig kong sabi ni Fatima, napilitan akong gumising at tiningnan siyang nakabihis na, iba na yung suot kanina."Hmmm," sagot ko lang sa kanya."Mabuti maaga akong pumunta dito baka ma lalate na naman tayo! tumayo ka na nga diyan!" sabi niya kaya ngumuso ako at tumayo na at dumiretso sa cr para maligo.Ilang sandali pa lumabas na ako para maghanap ng damit na masusuot, tiningnan ko ang suot ni Fatima at ganun nalang din ang sinuot ko. Hindi ko kasi alam kung anong susuotin sa concert hindi pa ako pumunta ng ganito dati dahil hindi ako interesedo.Nagbihis ako at naglagay ng kunting makeup sa mukha, tiningnan ko si Fatima na nasa cellphone niya."Kaninong concert ang puntahan natin?" tanong ko sa kanya, nilingon niya ako at nagtaas siya ng kilay sabakin at ngumisi."Akala ko alam mo" Sabi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay."Hindi ako magtatanong kung alam ko dzuh," sabi ko kaya tumawa siya at lumapit sa akin."Edi mamaya malalaman mo," sabi niya habang nakangisi kaya inirapan ko nalang siya at pinagpatuloy ang ginawa.Pagkatapos ko sa ginawa umalis na kami dahil mahaba pa ang byahe dahil malayo ang arena dito, napakasikat siguro nitong nag concert kasi arena talaga at narinig kong nabanggit ni Fatima kanina na ubusan daw ng ticket at mabuti nakakuha siya ng VIP seat."Alam mo excited ako kahapon pero mas excited ako ngayon dahil kasama kita," nakangising sabi niya kaya hinampas ko."Ano naman meron dun?" taas kilay na tanong ko kaya tumawa siya."Secret no clue," sabi niya kaya inirapan ko nalang siya.Nagdala siya ng driver dahil malayo ang pupuntahan namin ayaw niyang mag drive at mapagod.Zantyr's POVNaramdaman kong tumayo siya galing sa paghiga pero hindi ako gumalaw para hindi nila mahalatang gising na ako kanina pa, hinintay ko lang na magising siya.Last time may nangyari sa amin ng girlfriend ko na model na hindi ko na hindi ko matandaan kong paano yun nangyari dahil lasing ako at wala ako sa sarili ko, iniwan ko siya agad ng bumalik ako sa katinuan ko.Ayaw ko ang nangyaring yun dahil parang kataksilan yun kahit alam kung hindi pa kami ni Andrea.Binuksan ko ang mga mata ko ng marinig ko ang pagsirado sa pintuan, hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa nangyari o magagalit sa sarili.Hinayaan akong lamunin sa init ng katawan kagabi, hindi ko mapigilan ang aking sarili. Andrea Zeyn Ellias is my long time crush and I think I'm secretly in love with her. Nag-alala ako sa iisipin niya ngayon na hindi na siya lasing, baka mas lalo siyang lalayo sa akin. Imbis na lumapit ako kagabi sa kanya dahil naiinis sa mga kasayaw niya, ganito ang kinalabasan.'Please Andrea wag ka
Band"Hello babies!" bungad agad ng manager ko ng makita niya ang tatlo samantalang sila, peke lang ngumiti sa kanya, natawa ako habang nasa likod ng manager ko."Madam kanina pa sila excited na makita ka," nakangising sabi ko sa manager ko kaya sinamaan nila ako ng tingin.Alam ng manager ko na hindi totoo ang sinabi ko sadyang siraulo lang talaga siya."Talagaaa!" natutuwang sabi niya sabay takbo palapit sa tatlo."Hi madam," napipilitang bati ni Nathan ng lumapit sa kanya ang manager ko at nag beso ganun rin ang dalawa sa kanya."Bakit ang tamlay niyo?" nagtakang tanong ng manager ko."Gusto daw nila ng kiss galing sayo," natatawang sabi ko, sabay sabay silang lumingon at sabay ring tumayo at sumigla ang kanilang mga mukha sa sinabi ko, tumawa ako ng malakas."Hindi kami matamlay!" masiglang sabi ni Lucas at palihim na sumama ang mukha sa akin, ngumisi ako sa kanya."Akala ko ba maaga tayo?" masiglang ring tanong ni Erik sabay tingin sa akin ng masama."Ayaw niyo akong ikiss?" kunwa
Andrea"Lakas ng amats mo Lucas" Natatawang sabi koHindi nga rin ako nakauwi kagabi."Anong ihatid? Pati yan hindi nakauwi kagabi nagtanong ako sa guard" Sabi ng manager ko kaya taka silang tumingin saakin pero nagkibit balikat lang ako"Akala ko umuwi siya kasi nakita niya si Andrea na may kasayaw na lalaki" Wala sa sariling sabi ni Nathan kaya napalingon ako kay Madam na ngayoan tumaas kilay sa sinabi ni Nathan"Andrea?" Taas kilay niyang tanongHindi niya alam pero parang malalaman na niya ngayon.. ang ingay talaga ng isang toHindi ako pinagbawalan ng manager ko sa ganyang bagay pero sinabihan niya akong mag ingat dahil possibleng yan ang magiging dahilan para mawala saakin ang pinaghirapan ko..Okay lang mawala kung si Andrea ang kapalit. Pangarap ko rin si Andrea matagal na, walang papantay sa pangarap ko na yun.. hindi lang nila alam.Akala ng manager ko nag bibiro lang ako pag sinabi ko sa isan
Cheska"Kung saan ka masaya Zantyr" Nakangiting sabi ni madam kaya ngumiti ako ng tipid.. alam kung malulungkot siya kasi pinaghirapan namin ang lahat ng to.Gagawin ko ang lahat para walang masayang.. sa ngayon iisipin ko muna ang concert.. lumabas muna ako at dumiretso sa likod ng stage para silipin ang mga tao.Actually ngayon ko lang to gagawin.. sisilipin ko lang kung saan umupo si Andrea.Si madam kasi umalis muna ang tatlo naman nawala rin ewan kung saan nag suot2Nakita ko si Andrea na nasa VIP seat kaya nakita ko agad siya.. kausap niya si madam at ang Kaibigan nito.Itong si madam hindi man lang ako sinama.Nagtawanan sila kaya nakangiti kong pinagmasdan si Andrea na tumatawa rin kasabay nila madam.Hindi ko napansin na may nakakita na pala saakin kaya nagsigawan na sila."Zantyyyrrrr!!" Sigaw ng kababaehan"We love you Zantyr!" Sigaw rin ng isang groupo ng mga babae"Wahhh!! Zantyr!!" Sigawan nila.Lumingon silang tatlo sa banda ko.. sumigaw rin ang kaibigan ni Andrea habang
Concert"Kaya ngayon palang ayusin mo na ang dapat ayusin para wala kang magiging problema" Sabi ni madam saakin pero nagkibit balikat lang ako sakanya"Hindi yan" Mayabang na sabi koMaraming nagmamahal saakin kaya kung sino man ang mamahalin ko alam kung mamahalin rin nila iyun at hindi nila sasaktan."Curious ako kung sino ang maswerteng babaeng yan" Sabi ng nag-aayos saakin"Abangan" Sabi ko nalang kaya humahagikgik siya at pinagpatuloy ang pagyos na ang buhok ko.. "Anong kakantahin mo mamaya?" Tanong ni madam kaya natawa ang nag-ayos saakin"Ang weird niyo talagang dalawa, ngayon lang ako nakarinig na hindi alam ng manager ang kakantahin ng alaga niya" natatawang sabi niya"Depende lang daw sa mood ko" Sagot ko kaya natawa siya at napailing saaming dalawa ni madam"Kaya nga maraming humanga sa alaga ko kasi natural lang daw lahat ng concert niya.." Proud na sabi ni madamTumango naman ang
Andrea's POV10 seconds bago lalabas si Zantyr na kanina ko lang nalaman siya pala ang mag coconcert.. inis na inis ako kay Fatima nong nalaman kong si Zantyr pala, bakit ko nga ba hindi naisip yun? Ganun ako kalutang dahil sa nangyari nong gabing yun? pagkakita ko kay Zantyr dun ko pa naalala na kumuha pala ng dalawang ticket si Fatima sa concert niyaKanina pa ako nakasimangot habang ang katabi ko kanina pa tuwang tuwa.. pumunta rin dito kanina ang manager daw ni Zantyr sabi ni Fatima nong umalis ito.. "Five!" Sigaw ng lahat kasali na dun si Fatima.. ako lang ata ang hindi sumigaw at hindi excited na lumabas si Zantyr."Four!" Pagpatuloy nila sa pagbibilang pero si Fatima nasa akin na ang attention kaya tinaas ko agad ang kilay ko kasi feeling ko hindi ko gusto ang maaring sasabihin ng babaetang to."Hindi ka ba excited na lalabas yung fir—" Hinampas ko agad siya kaya hindi niya natuloy ang maari niyang sasabihin.Sa
AutographMaingay ang mga tao kasama na dun si Fatima hanggang sa matapos ang concert habang ako rito pinigilan na purihin ulit siya at wala sa mood lalo na panay sigaw rin ng girlfriend ni Zantyr naiinis siya ng hindi niya alam ang dahilan.Palabas na kami pero tahimik lang ako habang panay kwento ni Fatima sa nangyari concert kahit alam ko na naman talaga yun."Alam ko" Sabi ko ng sabihin niyang na magiging banda na sila"Interestedo ka sakanila no?" Nakangising tanong niya kaya napairap ako sa kawalan kaya humahagikhik siya sa tuwa saakin"Kasama mo ako sa concert syempre naririnig ko kanina" Bored kong sabi kaya tumango tango siya at biglang kumaway kaya tiningnan ko ang taong kinawayan niyaOh manager ni Zantyr"Madam!" Tawag ni Fatima sakanya kaya malaki ang ngiti nitong lumapit saakin.. ngumiti siya saakin kaya tipid akong ngumiti sakanya"Uuwi na ba kayo?" Tanong ng manager ni Zantyr na tinawag ni Fatima
Merliya's BarPapunta na kami sa van nila.. nauna ang mga lalaki habang kaming tatlo ng manager nila nasa likod pero nasa unahan namin si madam"May trabaho ako bukas" Sabi ko Fatima.. kanina ko pa siya pinagsasabihan pero wala siyang pakealam sa sasabihin ko!"Wag kang uminom" Sabi niya hinampas ko siya ng mahina"Nakakainis ka talaga! hindi mo man lang ako inisip!" Inis kong sabi kaya narinig kong tumawa siya"May trabaho rin ako bukas kaya hindi tayo iinom" Sabi niya kaya umirap ako sa kawalan "Inisip kita kaya nga tayo sumama" Mahinang bulong niya saakin sa huling sinabi niya kaya sinamaan ko siya ng tinginSabi ko na nga ba!"Edi salamat kasi inisip mo pa ako!" Sarcastic kong sabi kaya tumawa siya at ngumuso sa harap kung nasan ang van nila nandun ang mga lalaki pati si madam naiwan lang kami kasi nag-asaran pa."Parang naalala niya ang nangyari" Sabi niya kaya mahina ko soyang hinampas"Tumahimik
Ilang oras silang nasa labas, hindi pa rin mapakali si Nathan, hindi rin umupo kahit isang minuto lang, nag-aabang lang siya parati sa pintuan, naghihintay na lumabas smang doctor."Bakit ang tagal?" tanong ni Nathan. Natutuwa naman sila Erik at Lucas na asarin si Nathan."Hala! baka may nangyaring masama," kunwaring kinabahan na sabi ni Lucas."Baka nga, sabi ng lolo ko, matagal daw lalabas pag hindi maganda ang kinalabasan," sabi naman ni Erik. Halatang nang-aasar lang ang dalawa pero si Nathan hindi ata napansin dahil mas kinabahan siya sa pinagsasabi ng dalawa."Ano bang mangyayari madalas pag matagal?" kinabahan na tanong ni Nathan sa dalawa, paniwalang paniwala sa sinabi nila. Pilit ng dalawa magseryoso at hindi matawa sa reaction ni Nathan. Ang iba nilang kasama nakikinig lang at pilit din hindi matawa sa sitwasyon."Pag nahihirapan manganak si misis," sagot naman ni Lucas."Nakita ko sa TV pag nahihirapan manganak, it's e
Tarantang taranta si Nathan habang dinala niya ang kanyang asawa sa hospital habang si Fatima naman, nagawa niya pang tawanan si Nathan na parang natatae na sa taranta."Ang panget mo!" sigaw ni Fatima kay Nathan at ng maramdaman na niya naman ang sakit pumikit siya at sumigaw. Mas lalong kinabahan si Nathan."Bilisan mo panget!" sigaw ni Fatima ng hindi na tumigil ang sakit ng kanyang naramdaman. Hindi pinansin ni Nathan ang pagtawag nitong panget dahil ang attention niya ay nasa kalsada nagiingat parin kahit mabilis itong nagpapatakbo."Wait! malapit na tayo!" sigaw rin ni Nathan. Nag drive ng mabilis si Nathan hanggang sa dumating siya sa hospital."Wait!" sabi nito kay Fatima at agad tumakbo palabas papasok sa hospital at doon nang gugulo sa mga doctor."doc! doc! manganganak na ang asawa ko!" kinabahan na sabi ni Nathan sa doctor na hinawakan niya."Nasaan siya?" mahinahong tanong ng doctor."Nasa sasakyan, bilisan niyo doc! nasasaktan na siya!" taranta paring sabi ni Nathan sa d
Papasok na sana si Amadeus pero naka lock ang kwarto ng kanyang kapatid. Kumatok siya at tinawag si Amara sa loob."Amara!" tawag nito sa kanyang kambal pero hindi ito sumagot kaya tinawag niya ulit ito ng dalawang beses. "Bakit!?" sigaw na tanong ni Amara galing sa loob ng kwarto niya."Buksan mo," malumanay na sagot ni Amadeus sa kanyang kambal."Hindi dito ang kwarto mo kambal!" sigaw ulit ni Amara para marinig ng kuya niya."Gusto kitang kausapin, please?" sabi naman ni Amadeus sa kanyang kapatid. Hindi sumagot si Amara pero tumayo na ito ng marinig niya ang salitang 'please' sa kanyang kambal. Hindi rin matiis ni Amara ang kanyang kambal kaya lumapit siya sa pintuan para buksan ito "Ano bang pagusapan natin kuya?" tanong ni Amara ng mabuksan ang pintuan. Nakita niya si Amadeus na nakatayo doon, hinintay ang pagbukas ng pintuan.Naglakad ulit si Amara papunta sa kanyang kama habang si Amadeus pumasok at sinirado ang pintuan at nilock ito."Nagtatampo ka," sabi ni Amadeus matapos
Third Person POV10 Years Later..Agad tumakbo sa itaas si Andrea ng marinig niya ang iyak ng anak niyang babaeng kambal."Wife! careful!" sigaw ni Zantyr ng makitang hindi ito nagiingat. Natatakot si Zantyr dahil buntis ito baka mapano pa dahil sa hindi nagiingat."Zantyr! sumunod ka dito!" sigaw ni Andrea ng napansin niyang hindi sumunod si Zantyr sakanya.Nilapitan niya ang 8 years old niyang anak na babae."What happened baby?" nag-alalang tanong ni Andrea dito habang pinahid ang mga luha sa mata ng anak niya."Kuya is bad!" sumbong ng anak nito. Hinanap sa mata niya ang kambal ni Amara."Amadeus!" tawag ni Andrea sa anak ng hindi ito makita sa kwarto. Pumasok naman ito pero kasama na ang Daddy niya, nakayakap ito sa binte ng Daddy niya parang nagsusumbong din."Anong ginawa mo?" malumanay na tanong ni Andrea kay Amadeus. Ayaw niya naman magalit dito ng hindi niya pa alam ang totoong nangyari."Wala akong ginawa Mommy!" Nakangusong sabi nito Amadeus."Why are you crying Amara?" ta
OFFENSIVE DOWNFALLAndrea's POV"Sapat na lahat ng naitulong mo kay Zantyr nong wala ako, salamat sa palaging nandiyan sakanya sa panahong wala ako sa pangalawang pagkakataon ikaw na naman ang tumulong sakanya," sabi ko kay Cheska. Nakita ko ang gulat sa mata niya pero hindi niya ito masyadong pinahalata.Yes, malaki ang pasalamat ko sakanya dahil siya palagi ang nandiyan kay Zantyr. Kung hindi ako mahal ni Zantyr tatanggapin ko na mapunta siya kay Cheska dahil alam kong maalagaan siya ng maayos. Pero parang nakatadhana ang lahat. Nakatadhana na hindi magiging sila ni Zantyr dahil may taong magmamahal sakanya. Yun ay si Andrew.Unang tingin ko sa dalawa alam kong medyo naging okay na ang relasyon nila. Sana nga para tuluyan ng maging masaya si Andrew.Umalis kaming tatlo ni Fatima at Andrew dun para mag-usap. Tiningnan ko ang sa sala, nakita kong nag-usap na rin sila, nakita kong masaya sila, at napansin kong close rin ng tatlo si Cheska hindi lang si Zantyr. Unang babaeng inaalagaan
Sorry"Yes," sagot ko. Tumawa ulit siya ng malakas."Tama talagang ginawa ko yun, para sayo yun pinsan!" tumawa ulit niyang sabi. May napansin ako sakanya, ngayon lang."Ano bang ginawa mo?" tanong kunwari kuryoso."May bata akong pinalapit kay Andrea at sinabing ama niya si Zantyr," sabi niya sabay tawa ng malakas. Pumikit ako ng mariin."Huh? talaga? paano mo ginawa yun?" kunwari nagugulat kong tanong sakanya."Mahabang storya," natatawa niyang sabi."Alam ba nila na ikaw ang gumawa?" tanong ko para hindi ako paghinalaan."Pinaghandaan ko lahat Cheska kaya wala silang mahanap na ebidensya na ako ang gumawa," natutuwang sabi niya. "Mabuti," tipid na sagot ko. Hinintay ko kong sabihin niya kung nasaan ang bata, hindi ko siya tatanungin para hindi siya maghinala."Bakit ka pala tumawag?" tanong niya. Kinabahan akong tumingin kay Andrew."Para ikwento sayo ang nabalitaan ko, baka hindi mo alam," simpleng sabi ko."Mas nauna ko pang nalaman Cheska," natatawang sabi niya. "Ngayon hinanap
SecretHindi namin tinapos ang party gaya ng palagi naming ginawa ni Andrew, kahit kaibigan ko yun at okay lang sakanya na nandun kami, ayaw ko parin ang mga tingin ng iba saamin, at ayaw kong pati ang kaibigan ko sisiraan nila dahil malapit kami sa isa't isa.Bumaba na kami at tiningnan ko ang nakita namin kanina sa inuupuan niya kanina.Nandun siya! naglasing!"Uuwi na tayo?" tanong ni Andrew, hindi pa ata nakita ang nakita ko. Nang hindi ako sumagot bumaling siya saakin at tingnan ang tiningnan ko. Tumingin ako kay Andrew at ganun rin siya saakin."May problema ba siya?" takang tanong ni Andrew. Nagkibit balikat ako pero may kaba akong naramdaman. Iba ang pakiramdam na to, parang may nangyaring masama!"Lapitan natin," seryosong sabi ko."Baka magalit?" agad namang sabi ni Andrew. Umiling lang ako at nauna ng maglakad palapit kay Zantyr na lasing na lasing na. "B-bigyan ek mo p-pa akoo!" Lasing na sigaw niya sa bartender."Sir, lasing na po kayo," Magalang na sabi ng bartender.T
Cheska POVAng daming nangyari sa nakaraang buwan.Hate.Everyone hates me and I think I really deserve the hate. Nabulag ako sa pagmamahal ko sakanya. Hindi ko inisip ang ibang nasasaktan.Nong nalaman kong binigyan niya kami ng second chance. Alam ko na kung bakit mahal siya ni Zantyr. Madaming nagsabi na suplada siya at totoo naman talagang suplada siya pero mabait.May nagbago rin saamin ni Andrew. Naramdaman kong umiwas siya minsan pero minsan din hindi. Parang pinigilan niya lang ang sarili niyang mapalapit ulit saakin. Naintindihan ko naman siya sa ginawa niya.Ngayon bumisita si Andrew dito sa condo ko. Minsan siyang bumisita dito sa condo kaya nasasabi kong minsan hindi siya umiiwas. Umiiwas lang siya ng maramdaman niyang napalapit ulit kami. Ngayon nandito siya dahil pareho kaming imbitado sa isang party sa isang bar. Nandito siya para pareho naming pagusapan at pagisipan kung pupunta ba kamo sa party."Saan nga ang party?" tanong ko kay Andrew. Nandito kami sa sala. Nasa p
DreamKahapon bumalik ako sa paghahanap sa bata at isang evidence ka kakalaban kay Hope.Nagpahinga na nga ako galing pero hindi ko hinayaan sila mommy na gumawa ng trabaho ko. Kahit anong pilit nila saakin hindi parin ako pumayag at pinapahinga ko rin ang mga kaibigan ko na nadamay sa problema ko.Kahapon hindi ako nagsabi na nagsimula na ako maghanap pero nalaman pa rin nila dahil kay Jayson. Kailangan kong magpatulong kay Jayson. Babayaran ko lang siya ng malaki pagkatapos nito, para sa nagawa niya ngayon."Hindi mo parin nakausap si Andrea?" tanong ni Nathan saakin. Hindi ko siya tiningnan dahil nasa computer ang tingin ko."Hindi," tipid kong sagot."Pinuntahan mo ba?" tanong rin ni Lucas saakin.Araw-araw akong pumunta dun, bago ako didiretso sa bahay ni Jayson, dumaan muna ako sakanila para kakausapin siya pero hindi siya lalabas ng kwarto pag nandiyan ako sabi ni tita. Umalis na lang ako para makakain siya ng maayos."Yes," Tipid paring sagot ko. Alam ko halata na sa itsura ko