"Congratulations, Master Taylor!" Bahagya siyang nginitian ng George Family Master, binigay kay Master Taylor ang regalo, at pumasok sa loob. "Fane! Buti naman at nakita kitang muli!" Isang nakakaakit na babae na nakasuot ng isang puting dress na bulaklakin ang lumitaw mula sa likuran ng master ng George family. Kaagad siyang tumakbo papunta kay Fane sa sandaling nakita niya siya. "Oh, na-miss talaga kita!" Bahagyang kumibot ang gilid ng bibig ng kanyang ama nang makita niya ang kanyang anak na sobrang nasabik nang makita nito si Fane. Wala siyang masabi. Hindi niya maintindihan kung bakit nahulog ang kanyang anak sa lalaking ito. Oo nga, magaling si Fane sa panggagamot at talentado rin siya sa marami pang bagay, pero mas matanda siya kay Sharon. At kung hindi pa sapat iyon, may asawa na siya at apat na taong gulang na anak. Ang kanyang anak, sa kabilang banda, ay pinanganak sa mayamang pamilya at napakaganda. Napakadali na makahanap ng isang nababagay na kandidato para ikas
"Mabuti na naisip mo ito sa ganitong paraan. Wag kang sumuko, Ms. Sharon; ang pagtitiyaga ang susi sa tagumpay. Naiintindihan mo ba?" Naisip ni Fiona na maiinis si Sharon sa nangyari, pero hindi niya inasahan na mayroong natatanging paraan si Sharon na isipin ang tungkol rito. Mas lalo lang natuwa si Fiona, umasa siya na pwede pa ring pag-isipan ni Fane na gawing second wife si Ms. Sharon. Hindi na sila mahirap kagaya dati, pero sino ang may sabi na sapat na ang pera na iyon? Kasabay nito, mabagal na nilapitan ni Michael ang dalaga habang nagpanggap siyang linisin ang kanyang lalamunan. "Ahem! Ms. Sharon, ang tagal na rin noon huli tayong nagkita," sabi niya. "Matagal na tayong magkakilala, pero hindi ko pa rin nakukuha ang number mo. Magpalitan tayo ng numbers para pwede nating matawagan ang isa't-isa, at iinom tayo kung kailan ka pwede!" Mabilis itong napansin ni Neil at kaagad na tumakbo papunta sa kanila. "Oo nga, tama, Ms. Sharon. Magpalitan tayo ng numbers at pwede tayong
"Diyos ko… Ma––Maski si King of War Skyler Celestino ay nandito!" Napahigop ng hangin ang isa sa mga assistant commander nang marinig niya ang anunsyo. "Tama. Hindi man lang dumalo si King of War Celestino sa pagtitipon ng mga veteran na dinaos ni King of War Magnus Sutherland; hindi ko rin inasahan na dadalo siya sa party na to!" Nagkusot pa ng mata ang isang regular na sundalo na nakatayo sa kanilang tabi bago tinignan ang lalaki na naglakad mula sa pintuan. Hindi sila nagkakamali; siya nga si Skyler Celestino. Isa itong 8-star King of War, ang kanyang posisyon at estado ay mas mataas kumpara sa ibang King of War. Maliban roon, marami siyang nagawang nakakamanghang bagay. Kahit na nasa harapan niya si Quin, kailangan niyang tawagin si Skyler na 'Big Brother'. Naipakita nito ang reputasyon ni Skyler sa mata ng madla. "Inaasahan na yan. Lalo na at darating ang Goddess of War. Hindi mahilig si Skyler Celestino sa mga salo-salo at siya'y mapag-isa, pero kailangan niyang respetu
Hindi na napigilan ni Selena na tumawa nang marinig niya si Fane. "Nagbibiro lang ako!" sabi niya habang tumatawa. "Bakit ako magagalit sa'yo? Naiisip ko ang mukha ko Ivan habang pinupunasan ang sapatos mo; nakakatawa siguro siyang tignan. Pero kakaiba lang. Bakit di mo kinuhanan ng picture gamit ng phone mo ang kaabang-abang na eksenang yun at pinakita mo sana sa'kin? Dapat pinakita mo man lang sa'kin!" "Hoy, nakalimutan ko lang gawin yun. Sa susunod kukuha na ko ng picture!" Tumawa si Fane at sinulak ang swing sa kanyang harapan kung saan masayang nakaupo si Kylie. Habang sabay na dinuduyan ng swing, pakiramdam ni Kylie ay lumilipad siya; na para bang isang ibon na masayang lumilipad sa langit. Sa wakas ay naranasan na ng batang babaeng ito ang pagmamahal ng kanyang ama. Wala nang magtatawag sa kanya na bastardo. Sa sandaling iyon ay may naisip si Selena. "Oo nga pala. Anong relasyon mo sa mayamang babae na yun? Pupunta ba talaga siya?" tanong niya. "Hindi ko alam na isa ka pal
Kaagad na umubo si Fane nang marinig niya ang sagot ni Selena. "Honey, di naman sa ganun. Binili ko yun kasi wala tayong sariling bahay, di ba?" ipinagtanggol niya ang kanyang sarili. "Maliban roon, nagkataon na nasa tapat ito ng mansyon ng mga Taylor, at pwede kang bumisita sa kanila kahit na kailan mo gusto! Higit pa roon, nasa gitna ito ng kindergarten ni Kylie at sa kung saan ako nagtatrabaho. Ang ganda ng lokasyon nito kaya binili ko!" …"Narito si five-star King of War, Xyle Walker para batiin si Old Master Taylor sa kanyang ika-pitompung kaarawan! Nagbigay siya ng…" Mas maraming tao ang pumasok. Hindi inasahan ng lahat na isa pang importanteng tao, isang 5-star King of War pa nga, ang darating. Malaki ang ngiti ni Old Master Taylor. Mayroong iilang mga King of War rito at mga major at marshal. Maliban roon, marami ring mga Head Commander at Assistant Commander ang dumating rito. Hindi lang iyon, narito rin ang nakakamanghang bilang ng mga first-class at second-class ari
Lumingon si Quin na nasa kanyang tabi sa kung saan siya nakatingin sabay tumawa. "Haha! Siya ba ang tinutukoy mo? Kilala ko siya: Siya ang son-in-law na kinasal sa Taylor family. Ang babae namang iyon ay si Selena Taylor. Siya ang kinahuhumalingan ng maraming mayayamang young master sa Middle Province at tinagurian bilang 'Number One Beauty' ng province. Pero, sa hindi ko alam na dahilan, kinasal sila!" "Paanong nangyari yun? Talaga bang isa lang siyang son-in-law na pinakasal sa pamilya ng asawa niya?" Kumunot ang noo ni Skyler. Hindi na niya makita ang mukha ni Fane dahil tumalikod ito. Pero, kumbinsido pa rin siya na masyadong magkapareho ang tindig ng lalaking ito sa tindig ng 'taong iyon'. "Oo, at nagkataon na isa rin siyang veteran. Limang taon siya sa army at isa lamang siyang ordinaryong sundalo. Pero hindi ako masyadong sigurado sa mga detalye. Mas pamilyar sa kanya ang dati kong kasama na si Dennis!" Simpleng dagdag ni Quin. "Limang taon?" Mas lalong kumunot ang noo n
Nagulat si Quin sa mga salita ni Skyler sa loob ng pito hanggang walong segundo. Sa huli, kumibot ang gilid ng kanyang bibig. "Sino ang si––sinabi mong kamukha niya? Ang Supreme Warrior?" "Oo, kamukhang-kamukha niya. Magkahawig ang likod at gilid ng mukha nila. Naalala ko na ganito ang itsura ng Supreme Warrior!" Tinignan ni Skyler si Fane na nakatayo sa hardin sa hindi kalayuan. Hindi nilubayan ng tingin ni Skyler ang anyo ni Fane sa sandaling may napagtanto siya––ang rebelasyon na magkamukha ang dalawang lalaking iyon. "Paanong mangyayari yun? Maraming tao sa mundo ang magkakamukha. Hindi nga ako makapaniwala na siya ang Supreme Warrior. Isa lang siyang ordinaryong sundalo!" Tumawa si Quin at tinapik ang balikat ni Skyler. "Sa tingin ko, nabaliw ka na kakaisip sa Supreme Warrior, pero naiintindihan kita. Gusto ko ring makita ang elegante niyang itsura sa personal!" "Quin Hayes, sabi ng lahat ay medyo mabagal ka raw mag-isip, at ngayon ay ganoon rin ang naiisip ko. Hindi mo ba
"Tama!" Sabi ni Quin habang tumatawa. Walang mangyayari kung manghuhula tayo rito, pero maipapangako ko sa'yo na hindi siya ang Supreme Warrior. Magkamukha lang talaga sila." Habang nag-usap ang dalawang lalaki, isang sportscar ang pumasok mula sa entrance papunta sa compound. Pumarada nito sa isang tabi at bumaba mula sa kotse ang isang magandang babae na may balingkinitang katawan na nakasuot ng isang tradisyonal na cheongsam. Sa kung anong dahilan, nakasuot ng mask ang babae at walang nakakaalam kung may sakit siya o takot lang siyang makilala. "Huy, sino yan? Humaharurot siyang pumasok rito!" Sigaw ni Ivan. "Hindi ba siya natatakot na makasakit ng tao?" Ang parehong Kings of War––amg dalawa na gusto sanang makita si Fane nang personal––at ang iba pang mga bisita ay nabaling ang kanilang atensyon sa bagong dating. Tumayo si Neil sa sandaling nakita niyang papalapit ang babae. "Fane, bakit hindi ka lumalapit? Nandito na ang mayamang gurang mo. Hindi ba dapat salubungin mo
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin