Tuwang-tuwa si Blake nang magsimulang pumayag si Blake. Bilang dalawang kilalang babae, mga Diyosang may magagandang mukha, maraming tao ang kadalasang sumusubok na magpapansin sa kqnila. Di niya inakala na magkakaroon siya ng pagkakataon na maihiga sa kama ang dalawang babaeng ito. Pinakawalan niya ang mga ito nang pumayag ang mga ito at sinabi, "Mabuti at nauunawaan niyo. Ngayon maghubad na kayo!" Naiilang si Tianna pero wala siyang magagawa. Ang magagawa lang niya ay buksan ang butones ng kanyang damit. Si Magnus na medyo nakainom ng alak ay lalong nagalak sa kanilang makinis na mukha. Sinabi niya nang naiinip, "Ang bagal niyo! Tulungan ko na kayo!" Tapos tinignan niya si Blake na nqsa tabi niya at sinabi, "Ikaw din, ihubad mo din ang damit mo!" "Tulong!" Nagkaskasan ang mga ngipin ni Blake at sumigaw. Di niya mapigilan ang mga naiisip niya sa kanyang puso at tumakbo palabas. "Gusto mo bang mamatay? Ang kapal ng mukha mong suwayin ako?" Di inakala ni Magnus na ganito
"G*go, anong ginagawa mo dito?!" Nagalit di Magnus nang makita niya si Fane. Tinignan niya si Fane at sinabi, "Ito ang bakuran. Lasing ako at nandito ako para magpahinga. Anong ginagawa mo at nanghihimasok ka dito?" "Lumabas ka at isara mo ang pinto! Tapos di na kita pagbabayarin dito!" Pinagbantaan ni Magnus si Fane nang may galit na mukha. Isinara ni Fane ang pinto pero nakatayo pa rin siya sa loob ng kwarto. "Ikaw… sinasabi ko sa'yo na umalis ka na!" Nanggigigil si Magnus. May problema ba sa utak ang batang ito? Di ba siya nakakaintindi ng simpleng salita? "Haha, mukhang maganda ang timpla ni King of War Sutherland ngayon. Kayong magagandang dalaga na mukhang mga sikat na artista, hayaan niyong samahan ko kayo habang nagpapahinga kayo. Sasabihin ko lang, talagang hinahangaan ko kayo! Pero mukhang di naman kayo lasing!" Tumawa si Fane at sinabi. "Bata, talagang gusto mong mamatay! Dahil masyado kang matapang para guluhin ako, papatayin kita dito mismo, ngayon na! Atsaka, il
"Di ako nagsisinungaling sa'yo, kapatid. Salamat sa kabutihang-loob mo pero di ka na dapat pumunta!" Hindi na ito mapigilan ni Blake. Tumulo ang luha sa kanyang mukha mula sa sulok ng mga mata niya. Hindi pa siya kailanman nagipit nang ganito. Hindi niya kailanman naramdaman na mas mabuti pa.g mamatay kaysa mabuhay, tulad ng nararamdaman niya ngayon. "Hay, pero nandito ka. Di pa ako nakakita ng isang taong manghihingi ng tulong kung pumunta sila dito dahil gusto nila! Nag-aalinlangan ako kanina noong pagdating no dito dahil wala akong ideya kung anong nangyayari, pero ang salitang 'tulong' ang nagsabi sa akin na napipilitan lang kayong gawin ito!" Sinabi ni Fane nang bukas-palad, "Sabihin niyo sa akin ang totoo, talaga bang pinilit kayo ng lalaking ito? Kung ganon, papatayin ko siya para sa inyo!" "Bata, nagbibiro ka ba? Isa ka lang karaniwang sundalo, ang kapal naman ng mukha mong magbalak na pumatay ng isang King of War? Nakakita na ako ng napakaraming tangang tao pero di pa ak
Lumapit si Fane at kinuha ginamit ang pagkakataon na umatake. Mabilis siyang kumilos at lumitaw sa harap ni Magnus at inatake ito gamit ng isang mabilis na suntok. "Ano?!" Nabigla si Magnus. Napakabilis ni Fane. Hindi siya handa na gamitin ang kanyang boxing set at walang magawa kundi itaas ang kanyang kamao para salubungin ang atake ni Fane. Boom! Ang tunog ng pagtama ay napakalakas at ang pwersa ng suntok ay pinatalsik si Magnus. "Ah!" Hinawakan ni Magnus ang kanyang kaliwang kamay gamit ng kayang kanan. Nararamdaman niya na nabali ang kanyang kanang kamay sa suntok. "Sino… sino ka? Ako ang King of War. Kapag pinatay mo ako, di ito palalampasin ni God of War Haays!" Natakot nang sobra si Magnus na wala siyang magawa kundi magkaskasan ang ngipin at takutin si Fane gamit ng pangalan ni Ethan Haays. "Haha, siya?" Ngumiti nang walang bahala si Fane matapos marinig ito. "Iniisip ko kung gaano siya madidismaya kapag nalaman niya na ang pinakamalakas na sundalo sa pamumuno niy
Bumukas ang pinto sa sandaling ito at natakot si Blake at Tianna. Tumingin si Fane dito pero nagpatuloy sa paninigarilyo na parang wala siyang nakita. Pagsara niya ng pinto sa likuran niya, tinignan ni Dennis ang sahig nang gulat. Tinignan niya ang dalawang babae at sinabi, "Di ko alam na gagawin ni Magnus Sutherland ang ganitong bagay!" "Oo, isang tao na ganito ay walang karapatang mabuhay!" Tumango si Fane at nagpatuloy. "Tatawagan ko si Ethan at ipapaliwanag ko ang lahat." "Hindi iyan ang problema!" Ngumiti si Dennis nang nanlulumo at nagpatuloy. "Diba mahirap na itago ang pagkatao mo kapag nangyari yun? Ano nang gagawin natin sa kanila?" "Di kami magsasalita!" "Tama, tama… ikaw ang tumulong sa amin kaya bakit namin ikakalat ang balita?" Natakot si Blake at Tianna at naisip na baka patayin sila ni Dennis para lang mailihim ito. "Wag kayong mag-alala, di ko kayo papatayin. Atsaka, iniligtas ko kayo! Kung hindi, edi para lang ito sa wala?" Ngumiti si Fanre. "Mabuti at ma
Uniinom pa rin sila Xan sa labas. Walang nakapansin na palihim na umalis si Fane at Dennis. "Ang dalawang yun ay pumunta sa banyo kanina lang!" Di nagduda ang mga taong nasa iisang lamesa ni Fane at Dennis. Uminom sila ng wine at ito ay itinuring na isang masayang inuman hanggang sa mahilo sila sa kakainom. Sa sandaling ito, isang sports car ang dumaan at pumarada sa pasukan. Bumaba si Lana at pumasok sa loob. "Goddess of War!" Ilang mga magagandang mga usher ang nakatayo sa pinto at nababagot. Bigla silang napahinga nang makita nila ang isang magandang babae na bumaba sa kotse. "Diyos ko, ang Goddess of War nga talaga ito!" "Mabuti yan, maging ang Goddess of War ay nandito. Ant aming Carefree Villa ay itinadhana na sumikat. Di lang dalawang King of War ang nandito, maging ang Goddess of War ay nandito rin!" Ilan sa mga babaeng usher ang natuwa nang sobra na di nila alam kung anong gagawin nila. Isa sa kanila ang kumibo at sinabi, "Dalian niyo at ipaalam niyo sa master. M
Naramdaman na ni Master Miller na parang may kakaiba. Nakakapagtaka na pumasok ang Goddess of War matapos sabihan ang iba na magpatuloy sa pag-inom nang di man lang nagsasalita pagdating niya. "Di kaya nabunyag na ang tungkol sa bagay na ito?" Kaagad niyang naisip ang posibilidad na ito. Kung di pa nabubunyag ang tungkol sa bagay na ito, bakit tutungo dito ang Goddess of War? Di naglakas-loob ang iba na galitin si Magnus pero iba ang Goddess of War. Walang laban si Magnus sa Goddess of War, may posibilidad na patayin siya nito kapag hindi ito natuwa. Atsaka hindi sisisihin ni God of War Ethan Haays si Goddess of War Lana Zechs kapag nalaman niya ang buong pangyayari. Naisip niya ito at nagkaroon ng komplikadong pakiramdam. Susundan na niya ito at pipigilan. "Hoy Master Miller, anong ginagawa mo? Di mo ba narinig ang Goddess of War? Sinabihan niya tayo na magpatuloy lang sa pag-inom!" Walang ideya si Xan na hihilahin siya ni King of War Hayes pabalik at sinabi, "Ang mga salita
Kaagad na tumayo sila Quin matapos marinig ang tunog na nagmula sa bakuran. "Lagot na!" Napahinga nang malalim si Xan. Nagsimula na silang maglaban. Naglaban na ang King of War at Goddess of War. Siguradong walang laban sa kanya anh King of War. Baka tapos na siya kapag nabunyag ang tungkol dito. Noong una maganda ang baraha niya. Di niya alam kung saan siya nagkamali. Sa sandaling ito, lumabas si Fane at Dennis ng kwarto at tumigil na ang laban. Di nagtagal, nakita ng lahat si Lana na naglalakad palabas ng kwarto habang hinihila ang katawan ni Magnus gamit ang isang kamay. Dalawang mga kawawang artista ang sumunod sa kanya at ito at si Blake at Tanya na nagtanghal sa kanila kanina lang. "Paano nangyari ito? Napatay ang King of War?" "Bakit? Diba nalasing ang 7-star King of War kaya natulog siya? Bakit siya pinatay ng Goddess of War?" "Tignan niyo ang kagipitan sa mga mukha ng mga artista. May bakat ng palad sa mukha si Blake at may dugo sa sulok ng kanyang bibig. Di kaya
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin