Kaagad na napatingin si Yvonne sa ibaba para tignan kanyang katawan at napansin niya na nakasuot siya ng spaghetti strap pajamas. Napalanghap ng malamig na hangin si Yvonne. "Oh diyos ko… Hindi ot maaari. Paano ako nakauwi kagabi? Sinong naglinis at nagpalit ng damit ko? Kaagad niyang naisip na hindi si Tanya ang nagbuhat sa kanya pauwi, at bigla siyang natakot. "Huwag mo sabihing si Fane ang bumuhat sa akin pauwi.” Nagkataon na pumasok sa kwarto niya si Tanya sa sandaling yun. “Oh, gising ka na? Akala ko natutulog ka pa. Hindi ko inaasahan na matatalo ka kay Fane Woods sa inuman.” Nagulat si Tanya nang makita niyang nakaupo na si Yvonne. “Tanya, paano… ako nakauwi kagabi? Binuhat ba ako ni Fane Woods pauwi? Nag-taxi ba kami?” Natauhan kaagad si yvonne nang makita niyang pumasok si Tanya sa kwarto. Kaagad siyang nagtanong bago pa man niya maiayos ang kanyang isipan. “Malapit lang naman sa bahay mo ang lugar kaya hindi kami nagtaxi,” sabi ni Tanya bago bahagyang tumawa
Tanging mga mayayaman lang ang nakakatira sa Carefree Villa May magandang tanawin at payapang paligid ang villa. ang mga gusali ay gawa ayon sa desenyo ng mga sinaunang gusali. Mararamdaman kaagad ng mga pumasok dito na para bang nagbalik sila sa nakraan sa sandaling pumasok sila sa lugar na ito. Sa pangkaraniwang pagkakataon, ang pinakamaliit na halaga na magagastos dito ay 10 libo kada tao. Para makapagreserba ng isang buong villa ay aabutin ng 5 milyon sa isang araw. Samantala, kakaiba ang araw na yun. Binawasan ng may-ari ang kinakailangan na gastusin para makapasok sa loob at naghanda pa ito ng masasarap na pagkain at inumin para sa lahat. Nagtayo din siya ng pansamantalang stage at umupa ng mang-aawit para pang-aliw. Ang nagpareserba ng buong villa ay isang napaka importanteng tao. Siya ay si Magnus sutherland, isang King of War na may magandang battle record. Ang isang King of War ay mababa pa sa Supreme Warrior. Bukod pa dun, Magnus was a Seven-Star King of War.
Tumnago si Master Miller at tinigan ang kanyang relos. “Sige, malapit nang magsimula. Puntahan mo na ang iba pang mga chef at sabihin mo na ihahain natin ang lahat ng mga pagkain na to ng eksaktong alas dose. Wala dapat mangyayaring mali, naiintindihan mo?’ Inayos ni Master Miller ang kanyang kurbata at damit at lumabas na sa silid. “Lalabas na ako at titignana ang paligid. Marami na sigurong bisita sa labas. Nararapat lang na ipakilala ko ang sarili ko sa kanila.” Sa sandaling yun, dumating ng mag-isa si Fane sa harap ng Carefree Villa. “Maligayang bati po sa inyo. Ano po ang maitutulong ko sa inyo?” Isang hostess ang lumapit kay Fane at nagpakita ng magandang ngiti sa kanya. “Ako…” Natahimik saglit si Fane at nag-isip nang maisasagot. Pagkatapos ng ilang sandali, nagpatuloy siya sa pagsasalita, “Naparito ako para dumalo sa isang salo-salo. ‘Reminiscing the Memories of Battle’!” Ngumiti ang hostess. “Alam ko pong naparito kayo para sa salo-salo, Sir. Gusto ko pong malaman
Napansin ng babaeng Head Commander si Fane. Nginitian siya nito at pumasok na sa loob. Tumayo lang sa tabi si Fane, nagpapanggap na tinitignan ang mga halamang bonsai. Padami ng padami ang mga taong dumating sa villa. Tulad ng inaasahan, tansong badge lang ang natatanggap ng mga pangkaraniwang sundalo habang pilak na badge naman ang nakukuha ng mga Head Commander at ng mga assistant nito. Ilang minuto lang ang lumipas, isang lalake ang dumating. Ang lalake ay isang Major, ang ang ugali ng hostess ay naging mas malambing. Tinignan ni Fane ang commemorative badge ng lalake na dumaan; gawa ito sa ginto. Pareparehas lang ang disenyo ng mga badge, ang materyales lang na ginamit ang pinagkaiba ng mga ito. Ilang sandali pa ang lumipas, isang one-star King of War ang dumating. Bata pa itong tignan at masigla. Ang badge nito ay gawa sa platinum. Napailing na lang si Fane sa sama ng loob. Napagtanto niya na ang mga badge na binibigay sa kanila ay nakabase sa kanilang rango.
”Hmmm! Maraming salamat sa pag-aabala!” tumango si Magnus at ikinabit ang badge sa kanyang dibdib.Tumingin si Fane sa malayo at nasilaw ang kanyang mga mata dahil sa liwanag ng araw na nagmula sa repleksyon ng badge. Kaagad niyang napagtanto na ang badge ay gawa sa mamahaling materyales, ang ang ilalim na bahagi nito ay gawa sa white gold at ilang mga dyamante ang nakabaon sa itaas na bahagi ng badge.Natahimik si Fane habang napatingin sa kanyang badge na gawa sa tanso na suot niya. Napakalaki ng pagkakaiba. Kaagad na pumasok ang grupo ni Magnus Sutherland sa loob pagkatapos nilang mag-usap. “King of War Sutherland, sandali lang po. Sino po sila?” Isa sa mga hostess ang kaagad na napasimangot. Sabagay, ang kanilang amo ay inutusan sila na maghanda ng iba’t-ibang badges para mas madali nilang matutukoy ang rango ng mga tao sa militar. Sa pamamagitan ng mga badge, hindi sila magkakamali na makasama ng loob ng mga taong hindi nila dapat magalit. Pero, ang mga taong ito ay hindi
Medyo napangiwi ang bibig ni Fane nang marinig niya ang sinabi ng matabang mayaman. Ang lalaking ito ay magaling mangbilog ng ulo. Halatang natuwa si Magnus pagkatapos marinig ito dahil sa malaking ngiti nito. Kaagad niyang pinakalma ang sarili, itinapat ang hintuturo sa bibig, “Shhh… Kumalma lang kayo!”“Pumasok na tayo at tiganan ang loob! gusto kong malaman kung sino ang mga dumalo!”“Hindi na masama! Halos nasa isang daan ang mga taong dumalo. Mukhang ako, si Magnus Sutherland, ay may natitira pang dignidad!” Pagkatapos ay ikinumpas ni Magnus ang kanyang kamay at pumasok na sa loob kasama ang kanyang grupo. “Tulad ng inaasahan. Sino ang hindi gustong pumunta sa salu-salo na ito kung alam nilang ikaw ang naghanda, uncle!” Sagot agad ng kanyang inaanak.“Hindi natin pwedeng sabihin yun ng basta-basta. Dahil hindi natin ito ipinakalat sa lahat at lahat sila ay nagpunta ng kusa nang marinig nila ito. Hindi naman ako pwedeng magmakaawa sa mga tao para pumunta, diba?” Sabi ni
”Haha, King of War Sutherland, hindi kita binabastos. Siya ang gumamit ng pangalan mo at nagpanggap na makapangyarihan sa harapan nating lahat. Hindi mo siya pinagalitan kahit na nakakabastos ang kanyang mga sinasabi, pero ako napuna mo?”“Tut tut, sa pagkakaalala ko may maganda kang reputasyon nung nasa militar ka pa. Lahat ng tao ay sinasabi na isa kang mabuti at madaling pakisamahan na King of War na alam ang tama at mali. Hindi ko inaasahan na magbabago ka nang makabalik ka.” “O posible kaya na ang mga bulungan ng mga sun dalo tungkol sayo ay hindi totoo?” Tumawa si fane. Maganda talaga ang impresyon ni Fanme nung una kay King fo War Sutherland. Ngayon, mukhang magaling lang siyang itago ang kanyang tunay na pagkatao, o kaya’y naging isang corrupt pagkatapos makabalik mula sa lugar ng labanan. Walang masabi si Magnus nung marinig niya ang sinabi ni Fane. Hindi siya magaling magsalita at may katuturan ang sinabi ni Fane. Siya ngayon ay nasa isang delikadong sitwasyon. “Binata
“Manghingi ng tawad?” Lumingon si Quil sa gulat. Bakas sa mukha niya ang ‘Seryoso ka ba’ sa mukha niya. “Binata, mali ba ako ng pagkakarinig? Inuutusan mo ba ako na mag-sorry sayo?” “Haha, bobo ba siya?” “Tama ka. Hindi niya ba alam kung saan galing si Young Master Xenos?” Tut, tut, wala ba siyang takot?”Isa-isa, nagsimulang tumawa ang mga bodyguard ni Quil na para bang nakarinig sila ng isang biro. “Oo, alam mong mali ka. Ang uncle mo ang nagsabi na mali ka. Kung ganun, hindi ba dapat humingi ka ng tawad?” Nagpumilit si Fane, at walang bahid ng emosyon ang makikita sa kanyang mukha. “P*tang i*a, yabang mo rin ano. Pinatawad na kita bilang pagpapakita ng kabutihang loob ko, pero ayaw mo pa? Naisip mo na ba ang kahahantungan mo? Ayokong maging tuso kasi mabait akong tao pero ayaw mong palampasin ang bagay na to?!” Sa sobrang galit ni Quil ay nagkulay berde ang kanyang mukha. Ito ang unang beses na may nakilala siya na napakayabang na tao at nangangati na siyang ipagulpi si F
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin