Hinawakan ni Jed ang balikat ni Dwight at nababahalang nagtanong, "Anong nangyari? Nagawa mo na ba ang daan natin palabas?" Lalong sumama ang mukha ni Dwight sa dami ng tanong. Nanginginig ang kanyang mata at labi na para bang nag-iisip kung paano sasagot. Nataranta ang iba nang makita nilang ganito ang kinikilos nito. Lumapit rin si Fane at tinitigan ito nang nakakunot ang noo. Huminga nang bahagya si Dwight at kumumpas. "Pumasok muna tayo at sasabihin ko sa inyo ang lahat ng tungkol dito." Tumango sila at kahit na nababahala sila sa sagot, wala silang magagawa kundi pumasok sa kuweba. "Natuklasan ko kung anong ginagawa nila sa mga array flag at imposibleng makaalis tayo ngayon," sinabi ni Dwight pagkatapos tingnan ang walang malay na si Albion. Nagbago ang mukha ng lahat at hinablot ni Jed ang braso ni Dwight. Tinaasan niya ang kanyang boses at nagtanong, "Anong nangyari? Bakit hindi tayo pwedeng lumabas? Sabihin mo sa akin anong nangyari! Nakasalubong mo na naman ba sila?"
Umiling si Fane. Hindi niya rin alam. Imposibleng makalabas sila nang ligtas bukod ma lang kung makakarating sa Dual Sovereign Pavilion ang balita tungkol sa pagkaipit nila. Hindi nila alam ang susunod na gagawin ng mga disipulo ng Corpse Pavilion. Hahalughugin ba nila ang lugar kung nasaan sila? Kapag ginawa nila ito, siguradong mabubura sila Fane. Nang makita ang itsura ng lahat, inisip ni Dwight kung dapat bang magpatuloy siya sa pagsalita at napagpasyahan niya sa huli na magsalita pa rin dahil may kailangan pa siyang sabihin. Huminga siya nang malalim at sinabi, "Habang nandoon ako, marami akong nakitang bangkay. Halos lahat sila ay mga katawan ng mga disipulo ng Thousand Leaves Pavilion at ang ilan sa kanila ay mga cultivator na walang panig. Mula sa mga sugat sa katawan nila, mukhang sandata ang nakapatay sa kanila at hindi halimaw."Mas pinalala ng balitang ito ang sitwasyon. Nakumpirma nito ang hula ni Fane na kahit sino ay papatayin kapag nahuli ng mga disipulo ng Corpse
"Alam nating ang pinakamagagawa natin ngayon ay humanap ng daan palabas pero paano natin ito magagawa kung ang dami ng mga disipulo ng Corpse Pavilion?" tanong ni Dwight pagkatapos tingnan ang mapa. Pagkatapos ay tinuro niya ang nakabilog na lugar kung nasaan sila. "Walang ibang lugar na pwedeng pagtaguan dito bukod sa kuwebang ito. Ang tanging lugar na mapupuntahan natin ay ang bangin na ito dito pero mamamatay tayo kapag dumaan tayo sa pader niyo kaya mas mabuting maghintay na lang tayo dito." Nagipit siya pagkatapos sabihin ito. Si Dwight ay hindi isang taong madaling sumuko kapag mahirap ang mga bagay ngunit sa pagkakataong ito, napagtanto niyang nagigipit na siya. Kahit na ligtas pa sila sa ngayon, hindi siya sigurado kung hanggang kailan. Pagkatapos ay biglang umilaw nang pula ang maliit na defense array ni Fane. Kaagad niyang inilapag ang mapa at lumapit sa board upang gumamit ng ilang hand seal. Naging puti ang ilaw nito at isang imahe ang lumutang sa ibabaw ng board. K
Nanikip ang dibdib ng lahat nang marinig nila ito at magsimulang manginig ang mga kamay nila. Ang cyclops canine ay naghahanap ng tao gamit ng pagsunod sa naiwang true energy nito. Kapag gumagamit ang isang tao ng martial skill, mag-iiwan ito ng true energy sa mga bagay na ginamit nila. Ang true energy na ito ay hindi nasasagap ng tao, pero kaya ng cyclops canine. Kahit na sobrang hina ng true energy sa damit na ito. Sa malaking mata ng cyclops canine, napapalaki nang maraming beses ang true energy nito. Sa sandaling ito, gumising si Albion at dahan-dahang bumalik ang kulay sa kanyang mukha. Malinaw na ang spirited herb na ginamit sa kanya ni Dwight at Jed kanina ay tumalab. Ngunit kahit na ganito, wala silang ganang magdiwang. "Kainis!" nagkaskasan ang ngipin ni Fane habang tumitindi ang kaba niya, dahil napansin niyang mukhang nahanap na ng cyclops canine ang pakay nito at gumagalaw ang buntot nito at nakatingin sa kanilang direksyon. Para nang may taning ang buhay nila nito. Bum
”Isang daang yarda ang layo nila sa atin. Hindi magtatagal at aabutan nila tayo. Kailangan na natin umalis ngayon pero hindi tayo pwedeng tumakbo na lang ng basta-basta. Kapag ginawa natin yun, tiyak na mamamatay tayo kaya isang bagay na lang ang magagawa natin. Sundan niyo ko!” Malamig at desididong sinabi ni Fane.Mabilis niyang hinila si Nash at nagtungo sa bukana ng kuweba. Parehong nag-alangan sandali sila Dwight at Jed, pero sandali lang. Wala na silang maisip at kahit na hindi nagpaliwanag si Fane, siya pa din ang pag-asa nila. Nagpalitan sila ng tingin at mabilis na sinuportahan si Albion at sinundan si Fane. Ang bukana ng kuweba ay nakaharap sa timog at sa kanan, kung gusto nilang tumakas, dapat ay pumunta sila ng hilaga o silangan, ngunit hindi, pinili ni Fane na pumunta ng timog. Higit pa dun, ang daan na kung nasaan sila ay masyadong liblib. Base sa makapal na mga halamang ligaw sa paligid, kahit ang mga hayop at halimaw ay hindi madalas dumadaan dito. Ang kanilang daana
Dumilim ang mukha ni Dwight pero hindi siya nagsalita; tinitigan lang niya si Fane. Bumuntong hininga si Fane at lumingon para tingnan ang paligid na nababalot ng makapal na hamog. Ayon sa mapa, isa pang sampung yarda at makakarating na sila sa Cliff of Sorrow. Walang nakakaalam kung gaano kataas ang bangin at napangalanan ito dahil sa wala sinuman ang nakabalik ng buhay kapag bumaba na sila ng bangin, na dahilan para mapuno ng pagdurusa sa mga puso ng mga nangulila. “Pinasadahan ko ang lahat ng mga delikadong lugar bago ako pumunta ng Mount Beasts kaya pamilyar ako sa Cliff of Sorrow. Isang bagay lang ang sinang-ayunan ng mga klasiko at ng iba pang mga disipulo na hindi ka mamamatay mula sa Cliff of Sorrow,” dahan-dahan na paliwanag ni Fane.Napangiwi si Dwight, hindi niya mapigilan na sabihin, “Hindi mo kailangan sabihin sa amin ang bagay na yun. Alam naman ng lahat na ang isang cultivator ay kayang gamitin ang kanyang true energy para suportahan ang kanyang katawan habang pabab
Makakalabas pa ba sila dito ng buhay? Narinig ni Fane ang boses ni Dwight nung iniisip pa lang niya ang tungkol dito. “Paano naman siya nakatitiyak na ang ancient array sa ibaba ng Cliff of Sorrow ay isang trap array at hindi isang kill array? Hindi naman sa kaya mo itong tukuyon sa pamamagitan lang ng hamog sa paligid natin.”Minulat ni Fane ang kanyang mga mata at tiningnan ang paligid bukod sa kay Dwight. “Ang totoo ay pitumpung porsyento lang akong sigurado tungkol dito.”“Kung ganun saan mo ibinase ang pitumpu o walumpung porsyento an ito?” Hanada si Dwight na magtanong ng maraming beses dahil kailangan niya na makarating sa puno’t dulo nito at ito ang uminis kay Fane ng konti. Ang totoo, isang daang porsyento na sigurado si Fane na ang ancient array sa ibaba ng bangin ay isang trap array at hindi isang kill array dahil may nakasalubong na siyang ganitong uri ng trap array noon, hindi nga lang sarili niyang mga mata ang nakakita nito. Subalit, sa alaala na iniwan ng ninuno,
Napatingin na lang si Dwight kay Jed. “Kahit na maghintay tayo dito, mapipigilan ba sila nito mula sa paghahanap sa atin?” Sinusubukan ni Jed ang lahat ng posibilidad sa oras ng peligro at hindi nag-iisip ng maayos. Gusto niyang gumawa ng gulo nung nakita niya na nag-uusap lang sila. Ang sinabi ni Dwight ang kaagad na pumigil kay Jed na magsalita. Sa sobrang hiya ni Jed ay namula ang kanyang mukha at leeg pero hindi niya magawa na sagutin pabalik si Dwight.Tulad ng sinabi ni Dwight, maiiwasan ba nila na mahuli sila ng kalaban kapag nanatili lang silang tahimik at nakaupo lang doon habang nagme-meditate para mabawi ang kanilang hininga? Sa katunayan, ang kanilang sitwasyon sa ngayon ay kagaya na sa pagpapaubaya sa kanilang mga buhay sa mga diyos. Ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya at kung hindi pa din sila na makatakas, patunay lang ito na oras na nila para mamatay.Lumingon si Dwight para tingnan si Fane, na mahinahon lang sa buong oras na ito. “Hindi ko inaasahan na napakak
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin