Share

Kabanata 2024

Author: Moneto
last update Last Updated: 2023-02-19 19:00:00
Nanginig ang mga labi ni Fane nang narinig niya ang mapagmataas niyang mga salita. Mukhang gusto ni Wesley na magyabang tungkol sa lakas niya kahit na ano pa ang ginagawa niya. Para kay Wesley, hindi ang malakas na kapangyarihan ni Fane ang pumilit sa kanyang gawin ito. Sa halip, dapat ituring itong karangalan ni Fane na ginagawa niya ito.

Gayunpaman, nabigla sandali si Fane at para pa siyang matatawa sa mga salita ni Wesley. Kahit na ganun, hindi niya gustong magsayang ng oras kay Wesley sa ganitong importanteng sandali. Pagkatapos mabuo ng pangatlong bituin, nagdikitdikit at kinontrol ng tatlong bituin ang isa't-isa. Nagpatuloy silang umikot a tuktok ng isang metro kahabang espada at pinaikot ang enerhiya sa paligid hanggang sa maging maliit na ipo-ipo.

Nanlaki ang mata ng lahat sa eksena. Marami sa kanila ang nag-iisip kung kayang makipagsapalaran ni Wesley sa top 100 o pati sa top 80 na informal disciples nang isinagawa niya ang pinakamalakas niyang atake.

"Mukhang hindi para
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Margie Manglicmot
walang update bakir
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2025

    Sa sumunod na sandali, hinigop ng isang metro kahabang espada ang dugo ni Wesley. Samantala, bumilis ang ikot ng tatlong bituin sa espada. Sigurado si Fane na ito ang desperadong taktika ni Wesley. Sa sandaling ito, isang seryosong ekspresyon ang lumitaw sa mukha ni Fane at medyo kinabahan rin siya. Sa kabila nito, hindi siya pwedeng umatras kahit na nag-aalangan siya. Mula rito, patuloy niyang isinagawa ang seal gamit ng mga kamay niya at pumasok ulit sa dagger ang itim na ilaw. Ang dagger, kagaya kanina, ay naglabas ng isang sinag ng itim na ikaw, at ang pangatlong soul sword ay humalo sa itim na dagger. Para maging ligtas, naglakas ng loob si Fane at dinagdagan ang true energy niya. Kahit na kaya niyang paghaluin ang dalawang soul swords gamit ng kasalukuyan niyang kakayahan, mahirap pa rin para kay Fane na pagsamahin ang tatlong soul swords sa iisang subok. Ngunit hindi niya pwedeng pag-isipan iyon. Kailangan niyang pilitin ang sarili niya na pagsamahin ang mga espada kah

    Last Updated : 2023-02-20
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2026

    Narinig ng mga manonood ang pamilyar na pagsabog na ito habang isang anino ang tumalsik palabas ng bugso ng enerhiya. Tumama ito sa harang ng battle platform nang may malakas na kalabog. Ang taong ito ay si Wesley, at ang harang ang pumigil sa kanyang tumalsik palabas ng arena. Si Wesley na sobrang arogante ay nalagay sa ganitong nakakaawang kalagayan, mukha siyang nanggaling sa isang putikan. Dumulas siya pababa ng harang at bumagsak sa sahig nang may malakas na kalabog. Kumalat ang alikabok sa paligid habang nakahandusay si Wesley sa sahig nang nakataas ang kanyang braso't binti. Napunit ang kanyang damit. Ang madilim na liwanag ay bumalot kay Wesley na parang isang hamog. Tumulo ang dugo mula sa kanyang bibig habang ang kanyang mukha ay namilipit sa sakit. Sa huling atake, ang Seven Stars Meteor Cloud ni Wesley ay walang laban sa Destroying the Void. Pagkatapos ng Destroying the Void, na nakabuo ng tatlong spada, matalo ang Seven Stars Meteor Cloud, tumama ang natitirang lakas

    Last Updated : 2023-02-20
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2027

    Kahit na gaano pa kalakas ang loob ni Wesley, hindi niya napigilang sumigaw.Pagkatapos makita ni Ambrose ang nangyari, agad siyang namutla. “Tigil! Tapos na ang laban! Panalo ka na, Fane, kaya tigilan mo na ang ginagawa mo!”Hindi kayang manood ni Ambrose habang dinudurog ng atake ni Fane si Wesley. Kahit na nabasag ng suntok ni Fane kanina ang mga tadyang ni Wesley, hindi ito nagdulot ng mas malalang pinsala. Tumulo ang malamig na pawis pababa ng noo ni Ambrose sa takot na ipagpapatuloy ni Fane ang kanyang pag-atake, kahit na nakinig sa kanya si Fane. Kung sabagay, malalim ang hidwaan sa pagitan nila Fane at Wesley, at sinabi ni Wesley na lulumpuhin niya si Fane bago ang laban.Si Fane ang tipo ng tao na hindi basta makakalimot at magpapatawad. Kamangha-mangha din ang talento niya at wala siyang pakialam sa katotohanan na si Wesley ay nagmula sa isang maimpluwensyang pamilya. Sa di inaasahan, tumigil si Fane sa pag-atake pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Ambrose at dahan-d

    Last Updated : 2023-02-21
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2028

    Kaagad na inilagay ng mga runner disciple si Wesley sa stretcher. Ang bawat battle platform ay may lima o anim na runner disciple, at ang pangunahing tungkulin nila ay ang ipagamot ang mga nasugatang disipulo. Tumaas ang kilay ni Fane nang ibababa na ng mga runner disciple si Wesley at sinabi, "Huwag mong kalimutan ang taya namin. Ayon sa patakaran ng wager battle arena, kailangan mong ipadala ang mga utang mo sa loob ng tatlong araw. Kapag hindi mo ito nagawa sa loob ng tatlong araw, hindi ka lamang makukulong, baka mapalayas ka pa sa pavilion." Umubo ng dugo si Wesley sa sobrang galit nang marinig niya ang sinabi ni Fane. Namantsahan na ng dugo ang dibdib niya. Nanginig ang kanyang kamay dahil gusto niyang sumagot kay Fane. Ngunit natalo na siya at wala nang kwenta kahit ano pang sabihin ng isang talunan. Mamaliitin lamang siya ng iba. Pagkatapos mailayo si Wesley para ipagamot, dahan-dahang bumaba si Fane. Sa sandaling ito, nagbago ang tingin ng lahat kay Fane. Nang maipakit

    Last Updated : 2023-02-21
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2029

    Noong maisip niya ito, nagsimulang masabik si Ambrose sa gulat na ekspresyon sa mukha ni Zeph sa oras na mapakawalan siya.Samantala, biennale-wala ni Fane ang mga bulungan at kwento mula sa mga tao sa paligid niya, na pinag-uusapan siya, at bumalik siya sa upuan niya kasama ng ibang mga manonood. Naisip niya na makakabuti kung uupo siya at manonood sa laban ng iba dahil wala naman siyang importanteng gagain ngayong araw, lalo na’t wala na siyang natitirang contribution points sa mga oras na ito.Noong narinig niya na magkakaroon ng laban ang mga pormal na disipulo sa wager battle arena pagkatapos, tumingin si Brook kay Fane ng puno ng paghanga habang nakaupo siya, halos dumikit ang mga mata niya kay Fane.Hindi mapigilan ni Fane na kumibot ang kanyang mga labi, “Anong tinitingnan mo?”Umubo si Brook ng may pananabik sa kanyang mukha. “Napakalakas mo, Senior Brother Fane! Nagkamali talaga ako noong naisip ko na hindi mo kayang talunin si Wesley. Sinong mag-aakala na dudurugin mo si

    Last Updated : 2023-02-22
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2030

    Ang totoo, hindi pa sinabi ni Fane ang buong kwento. Lalo na, ang pinaka malalang atake ay hindi ang pagbasag ng tadyang ni Wesley. Sa halip, ito ay kung paano inatake ng natitirang enerhiya ng Destroying the Void ang kanyang katawan at nagdulot ng sugat sa kanyang kaluluwa. Ang iba ay hindi alam kung ano ang attribute na sinasanay ni Fane, pero alam ito ni Noel. Ng may mahinang boses, komento ni Noel, “Nagkaroon ba ng pinsala si Wesley sa kanyang kaluluwa base sa kung gaano siya namimilipit sa sakit? Kung ganun, mukhang hindi ito maganda…”Nagtaas ng kilay si Fane at tiningnan ng makahulugan si Wesley pagkatapos marinig ito, nakita niya kung gaano ka seryoso ang ekspresyon ni Noel at sumagot ng may parehong seryosong tono, “Sa tingin ko ay hindi naman ganun kalala ang pinsalang natamo niya. Kahit na ang ginamit kong martial skill ay malakas, ang Seven Stars Meteor Clouds ay di ganun kahina. Nakansela nito ang halos lahat ng atake, at maliit na bahagi lang ng atake ang nakapasok sa

    Last Updated : 2023-02-22
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2031

    Napukaw ng komento ni Noel ang atensyon ni Fane, at gulat siyang nilingon ni Fane, hindi inaasahan na alam ni Noel ang dalawang bagong salta na informal disciples na ito. Alam ni Noel ang dahilan ng pagkabigla ni Fane nung napansin niya ang mga mata nito. “Nagmula ako sa isang maharlikang pamilya. Kahit na hindi ito isang malaking pamilya, bihira para sa akin na may kilala na dalawang pambihirang batang disipulo?”Dahil dito, natawa si Fane at tumango ng bahagya, habang sinasabi, “Sigurado ka ba na ang dalawang iyon ay maituturing na pambihira?” Hindi ito sinabi ni Fane bilang pagyayabang, o kaya naman ay dahil sa minamaliit niya ang mga ito; sinasabi lang niya ang totoo. Nagsasalita si Fane base sa pangkalahatang tingin ng mga bagay-bagay. Lalo na, nagawa lang nilang pailawin ang apat na ilaw noong kasagsagan ng assessment. Ang ganung klase ng resulta ay hindi pambihira sa hanay ng lahat ng mga informal disciples, ngunit mukhang maganda ang pakiramdam ni Noel sa dalawang ito. Pagta

    Last Updated : 2023-02-28
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2032

    Mahinahon na sumagot so Gerald, ‘Kailangan namin ng pavilion contribution pointsn para sa mga gusto naming gawin. Kapag nanatili lang kaming dalawa sa loob ng pavilion, gaano karaming contribution points ang maiipon namin, kahit na magpakahirap kami? Sa halip, mas marami pa kaming makukuha sa pamamagitan ng pagpunta sa isang mas ligtas na lugar sa labas tulad ng Mount Beasts.”Ang lahat ng mga disipulo ay kailangan ng pavilion contribution points,. Kahit na ano pang gawin nila sa pavilion, kinakailangan ito ng malaking halaga ng pavilion contribution points. Kahit na nakatanggap si Fane ng 150 pavilion contribution points mula sa laban nila ni Wesley, ang points na ito ay maliit at hindi pa sapat kay para kay Fane. Maraming paraan para makakiha ng pavilion contribution points. Kadalasan, ang mga bagong informal disciples ay nananatili sa loob ng pavilion para gumawa ng mga gawain na ligtas at magbibigay sa kanila ng contribution points, tulad ng pagtapos ng ilang mga gawain para sa

    Last Updated : 2023-02-28

Latest chapter

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

DMCA.com Protection Status