"Third… Third-grade premium?" Para bang medyo nanginginig ang boses ni Fortress Master Whittemore. Alam na alam niya na napakabihira ng third-grade elementary alchemist. Ang ganitong mga alchemist ay kayang pabilis ang pagsasanay ng mga taong nasa ultimate god level. Talagang nakakatulong ito lalo na sa mga nasa First at Second-grade ultimate god level. Gayunpaman, ang mga ganitong pill ay walang masyadong gamit para sa kanya na nakarating nasa Ninth-grade ultimate god level at pumalpak nang dalawang beses para makarating sa First-grade soul-penetrating level. Lalo na't ang kapangyarihan ng isang hamak na third-grade elementary pill ay hindi pa sapat para hayaan silang makarating sa First-grade soul-penetrating level. Baka hindi sumapat ang enerhiya sa pinakaimportanteng sandali, at maapektuhan nito ang proseso ng paglakas bago ito magsanhi ng kanilang pagkabigo sa huli. Gayunpaman, ibang-iba ang third-grade premium pills. And enerhiya sa ganitong pills ay ilang beses na mas ma
"Paanong nangyari yun? Matagal ko nang napapansin ng talento ni Young Master Fane. Kaya mong pumatay ng taong nasa First-grade soul-penetrating level nang nasa Seventh-grade ultimate god level ka pa lang. Sino pa ba ang pwedeng maging pavilion master namin kundi isang henyong kagaya mo?" Kaagad na tumawa si Fortress Master Whittemore at pinuri si Fane, lahat ng iyon habang nakatingin sa pill na hawak ni Fane. "Pero, natatakot ako na baka hindi matuwa ang First Fortress Master. Paano kung ganito: ako lang ang boboto para sa kanya, pero ikaw ang iboboto ng mga kasamahan ko. Sa ganun, maitatanggi ko ang nalalaman ko kapag tinanong ako ng First Fortress Master kung anong nangyari. Sasabihin ko na ikaw ang gusto ng mga kasamahan ko. Maganda ba yun?" "Haha… Gagana yun. Basta't mananalo ako!" Tumawa si Fane at nilagay ang pill sa palad ni Fortress Master Whittemore. "Sige pala, aalis na ako." "Ingat ka, Young Master Fane. Hindi kita maihahatid palabas dahil natatakot ako na baka makita ta
"Haha! Magaling! Simple lang ang kailangan ko: kailangang ako ang iboboto ng mga fortress members mo." Tumawa nang malakas si Fane. Sa hindi inaasahan, nagmamadali ang fortress master ng Fortress Lavigne at kinuha ang pill nang hindi masyadong tumututol, pumayag pa siya sa kondisyon niya nang walang reklamo. "Sige, hindi magiging problema yan! Ayos lang ang lahat basta't makakarating ako sa soul-penetrating level," masayang komento ni Fortress Master Lavigne. Hindi nagtagal ay may naisip siya at kaagad na nagdagdag, "Siya nga pala, Brother Fane, wag mo kaming kalimutan kapag naging Fourth-grade alchemist ka sa hinaharap!" "Wag kang mag-alala. Tiyak na gagantimpalaan ko ang mga masisipag sa pagsasanay at sa pagtulong sa pavilion. Lalo na't hindi mahirap para sa isang alchemist na makakuha ng ganito basta't may materyales para makapag-cultivate ng pills." Sa puntong iyon, palihim na nagpaplano mag-isa si Fane. Kapag bumuo siya ng isang pavilion sa hinaharap, hindi ba magiging madali
Tumango si Selena at pinayuhan si Fane, "Sige. Wag mong masyadong pagurin ang sarili mo, naiintindihan mo? Kailangan mong magpahinga kapag oras na para magdahan-dahan." "Naiintindihan ko. Kakarating ko lang sa First-grade soul-penetrating level at kailangan ko lang magsanay sa umaga sa susunod na ilang araw. Titigil ako sa pagsasaliksik ng cultivation ng pills sa gabi at magpapahinga ako," sabi ni Fane nang nakangiti na para bang wala siyang magawa. "Hindi ko mapipigilan to—hindi tayo titigilan nang basta-basta ng Alliance Guard. Sigurado ako na may gagawin sila. Para pigilan ang isang masaklap na labanan sa pagitan ng dalawang partido, sa tingin ko hindi makikigulo ang mga pangunahing pavilion nang diretso. Nagpapadala sila ng ilang pwersa na nasa ilalim ng kontrol nila para bigyan tayo ng problema." "Ano palang dapat nating gawin? Hindi ba mamomroblema tayo? Baka mapunta tayo sa mapanganib na sitwasyon sa loob lang ng ilang araw." Nagsimula ulit na mag-alala si Selena nang narini
"Tama, tama, tama… Tama si Master Mackenzie. Hindi natin pwedeng idismaya ang mga pwersa na sumusunod sa mga yapak natin." Tumayo ang isang elder mula sa isa pang pavilion. "Syempre kailangan nating kumilos. Lalo na't may anim na pavilion ang Alliance Guard habang ang Anti-Alliance Guard ay meron lang limang main pavilions. Hindi kasing lakas ng atin ang kabuuang lakas nila at ang mga pwersang pinamumunuan nila ay hindi kasing dami ng atin. Hindi natin pwedeng tanggapin na lang ito at manahimik!" "Tama ka, hindi tayo pwedeng magdusa nang walang ginagawa. Bw*sit… Kailangan natin silang turuan ng leksyon!" sabi ng isa pang pavilion master na tumayo rin. "Dahil matapang sila na burahin ang isa sa mga pavilion natin, buburahin natin ang dalawa sa kanila! Buhay pa ang halos dalawandaang libo sa mga g*gong yun na nakapasok sa lugar na'to. Kapag binura natin ang dalawa sa mas maliliit nilang pavilion, bababa sa dalawandaang libo ang matitira sa kanila, tama? Haha! Gagana yun, tama?"Pinag-
“Sige, sige. Doon ako sa kung anong mapagpasyahan niyo. Gayunpaman, sinasabi ko lang ang opinyon ko, at umaasa akong hindi ito pagsisisihan ng lahat kalaunan.” ngumiti nang nanlulumo si Master Hackford. Alam niyang walang kwenta kahit anong sabihin niya. Maraming taong nandoon ay mga matataas na tao, at ito ang dahilan kung bakit pinapahalagahan nila ang karangalan. Sa pagkakataong ito, gusto nilang kumilos dahil pakiramdam nila nawalan sila ng dangal. Dahil halos lahat sila ay pumayag sa ideyang ito, hindi na mahalaga kung anong sinabi niya.“Para maging patas, mas mabuti kung itaas natin ang mga kamay natin at bumoto,” sinabi ni Master Loador pagtayo niya. “Paano kung ganito: ang mga pumapayag na kumilos tayo at ipadala ang mga pwersa natin para atakihin sila ay magtaas ng kamay. Ang mga hindi sang-ayon ay hindi na kailangang magtaas ng kamay.” Hindi nagtagal, nasa 80 pursyento ng mga taong nandoon ang nagtaas ng kamay. Isang masayang ngiti ang lumitaw sa mukha ni Master Loado
Ang anim na pinakamalaking pavilion ng Alliance Guard ay nagpadala ng mga tao para ipaalam ito sa ibang pavilion pagkatapos ng pagpupulong. Ang mga pavilion na ito ay naatasang ihanda ang kanilang sarili sa pag-atake sa dalawang pwersang nasa mensahe. Ang mga miyembro ng Alliance Guard ay kampante sa kanilang pag-atake. Napagpasyahan nilang ipakita sa Anti-Alliance Guard ang kanilang lakas at pahirapan ang mga ito. Ngunit wala silang ideya na ang pavilion master ng Pavilion Billow Cloud na si Tomas Lopez ay may ideya kinabukasan pagbalik niya. Kaagad niyang pinaalam sa mga miyembro ng Anti-Alliance Guard ang nangyari. Sa sandaling ito, sa isang malaking bulwagan sa kabilang bundok, miyembro ng mga limang pangunahing pavilion ng Anti-Alliance Guard ang umupo nang magkakasama para mag-usap. “Nakakagulat naman ito,” sinabi ng isa sa mga matanda pagkatapos malaman ang nangyari. “Magiging madali itong asikasuhin kung higit isang dosena o ilang daang tao ang pumasok. Kailangan lang n
“Tungkol dito…” kumunot ang noo ni Fane habang nag-iisip nang malalim.Bago pa makapagsalita si Fane, sinabi ni Austin, “May alok ako, Brother Fane. Ang lugar natin ay Nine Armies, at tingin ko mas mabuting magkaroon ng salitang ‘nine’ sa pavilion natin. Ano sa tingin mo?” Pinag-isipan ito ni Fane at sinabi nang dahan-dahan, “Pumasok kami dito sa lugar na ito para maghanap ng paraan para makarating sa ultimate god level. Kung pinili mo ang salitang ‘nine’, pipiliin namin ang salitang ‘god’. Paano kung ganito? Bakit hindi natin tawagin ang sarili nating Nine Gods Clan? Ano sa tingin mo?”Kumislap ang mga mata ni Austin sa sinabi ni Fane, malinaw na masaya ito.“Magaling! Ang gandang pangalan niyan!” ilang mga fortress master ang natuwa sa pangalan. Humakbang paharap si Austin at nag-anunsyo, “Kayong lahat, pagkatapos namin itong pag-usapan, napagpasyahan naming tawagan ang ating pavilion na Nine Gods Clan. Umaasa kaming magkakasundo nang matiwasay ang mga miyembro ng Nine Armies