"Haha. Kahit na magalit pa sa'tin ang First Fortress Master o hindi, hindi ko pa rin naman siya bibigyan ng pill!" Tumawa si Fane at nagsabing, "Pagkatapos ng eleksyon, doon ko siya bibigyan ng pill, at natural hindi na siya magagalit sa'kin. At saka kaapg nalaman niya na isa akong third-grade premium alchemist, sobra siyang matutuwa!" "Totoo yun. Lalakas siya nang mabilis gamit ng pill. Basta't mataas ang cultivation level niya, siguro hindi na niya masyadong iisipin kung clan master siya o hindi!" Tumango sina Titus at ang iba pa sa sobrang saya. "Sige na. Hindi niyo na kailangang mag-alala. Marami rin tayong martial resources mula sa gubat. Hindi lang sa susunod na buwan—magiging sapat din ito para makapag-cultivate ang lahat sa susunod na dalawa o tatlong buwan. Kumalma muna kayong lahat para mapataas niyo ang cultivation levels niyo!" Mapait na ngumiti si Fane at nagsabi sa lahat. Tumango ang lahat. Hindi na sila masyadong nag-aalala at mabilis silang umalis para mag-c
Malinaw na medyo huli na nang nakarating sina Tomas at ang mga kasama niya. Hindi nila naabutan ang labanan ng Nine Armies, ni Fane, at ng iba pa laban sa Bloodshed Clan. Iyon ang dahilan kung bakit walang nakakaalam kung gaano kalakas si Fane at wala talaga silang pakialam sa kanya. Sa kabilang tabing bangin, galit na tumingin si Lily kay Lance. "Kahit na anong mangyari, Lance, gagawin ko ang lahat para sa'yo. At saka pinatay nina Nash ang lolo't lola mo at maraming tao mula sa lagorio family ang pinatay ng mga miyembro ng Woods family. Ayaw mo ba talaga kina Nash?" Malamig na ngumiti si Lance. "Wag kang mag-alala, Ma. Papatayin ko rin sina Fane at Nash. Nagpapakitang-tao lang ako sa kanila ngayon. May ginawa ka ring ilang bagay, Ma, pero sumbora si Nash. Sinira niya ang cultivation level mo noon. Hmph. Sa tingin ko hindi na rin anak ang tingin niya sa'kin. Si Fane na lang ang anak niya sa mga mata niya!" Natuwa si Lily nang narinig niya ito. Nagsalita siya nang may maliit na ng
"Pinapalakas mo lang ba ang interes namin ngayon, Fane?" Tinitigan siya nang masama ni Ella, pero mabilis siyang nagdagdag habang nakangiti, "Kahit na ganun, masaya talaga ako na buhay ka pa. Hindi naman sa hindi namin kayo sinubukang tulungan. Pinaalam namin sa First Fortress Master at sa iba pa ang tungkol dito, pero naisip namin na walang laban ang Nine Armies sa Bloodshed Clan kaya hindi nagtangkang kumilos ang First Fortress Master!" Dito, tinaas ni Ella ang kamay niya at nangako. "Ako, si Ella Lavigne, ay nangangako sa kalangitan na walang intensyon ang First Fortress Master na hindi kayo pansinin. Gusto lang nilang hintaying dumating ang Pavilion Billow Cloud bago kumilos. Lalo na't ikaw na mismo ang nakakita. Walang laban ang First Fortress Master namin sa Edward Gray na yun!" "Sige. Nakaraan na yun. Wala akong intensyon na sisihin kayo!" Mapait na ngumiti si Fane. Kahit na maraming tao sa Nine Armies, mas mahina nga ang kabuuang lakas nila kumpara sa Bloodshed Clan. Ku
"Tama, tama. Tama ka talaga, Miss!" Hindi napigilan ni Arthur na mapalunok nang nakita niya ang magandang mukha ni Daniella. Tinanong niya si Helena, "Oo nga pala. Silang dalawa ng nakababata mong kapatid pero sino ang pangalawa? At sino ang pangatlo?" Pinakilala sila ni Helena habang nakangiti, "Ito ang pangatlo sa'ming magkakapatid, si Daniella. Sa tabi niya ay ang pangalawa, si Venus." "Mukha talaga kayong mga anghel at maganda ang martial talent niyong tatlo. Hindi ko talaga naisip na may ganito kagagandang babae sa inabandonang mundo!" Nagsalita si Hendrick habang nakangiti. Medyo nailang siya dahil ito ang unang beses niyang makakita ng tatlong magagandang babae. Biglang hindi niya alam kung anong sasabihin. Nagkatinginan ang tatlong magkakapatid nang nakita nila ang direktang pag-uugali ni Hendrick at hindi nila napigilang matawa. Pagkatapos ng ilang sandali, nagsimula silang asarin ni Venus, "Oo nga. Palagi niyong binabanggit si Ms. Helena sa sandaling bumuka ang bi
Sa umaga, natatakot si Fane na baka malaman ng mga tao mula sa Nine Armies na gumagawa siya ng pills kaya nag-cultivate siya sa isang kwarto, nakasalampak sa lapag, at sinusubukang patatagin ang cultivation level niya. Mas lumaki ang chi pool sa katawan niya kumpara noon at tinutulungan nito si Fane na dahan-dahang pataasin ang cultivation level niya. Nagawa niyang gawing panatag ang sarili niya sa cultivation level na ito. Mukhang nakarating na siya sa intermediate stage ng seventh-grade ultimate god realm at malapit na siyang makarating sa advanced stage. Pagkatapos mag-cultivate sandali, binuksan ni Fane ang mga mata niya at napansin niyang hapon na. Bahagya siyang ngumiti. "Base sa bilis ng cultivation ko, kailangan ko lang mag-cultivate sa umaga nang lima o anim na araw at makakarating na ako sa eighth-grade ultimate god realm nang hindi gumagamit ng pill. Pagkatapos makakagawa na siguro ako ng third-grade premium pills. Kapag meron na akong third-grade premium pills, gagawin
Higit pa roon, tanging sa sapat na sangkap sa alkemiya at sa maraming pinagdaanang kabiguan sa paggamit ng alkemiya ay doon lamang gagaling ang isang tao at magiging isang higher-grade alchemist na kayang gumawa ng higher-grade pills. Inilahad ni Fane ang palad niya at kumuha ng ilang sari-saring sangkap pang-alkemiya. Pagkatapos ay kinuha niya ang kanyang alchemy stove at nagsimulang gumawa ng pills. Mabilis na lumipas ang oras. Sa buong gabi, sinubukan ni Fane na gumawa ng pills nang limang beses. Sa kasamaang palad, walang ni-isa rito ang nagtagumpay. Gayunpaman, inasahan na ito ni Fane. Napakahirap gumawa ng pills pero maswerte si Fane na gumaling siya nang sobra sa gabing iyon. Kuntentong-kuntento siya sa paglakas niya. Mabilis na lumipas ang mga araw at lumabas si Fane para maglakad-lakad sa umaga bago bumalik sa kwarto niya para mag-cultivate. Sa gabi, papakalmahin niya ang sarili niya para gumawa ng pills. Sa ika-anim na gabi, sa wakas ay nagtagumpay si Fane nang gu
“Magaling. Magaling. Nakalagpas na ako sa wakas!” Habang naghahanda si Fane na lumabas at maglakad, masayang lumapit si Selena. “Talaga? Magaling. Edi nasa intermediate stage ka na ng true god realm ngayon, Mahal?”Natuwa rin si Fane nang makita niya ang kagalakan ni Selena. Malinaw na bihira nang ngumiti si Selena mula noong masumpa siya, at laging mukha siyang malungkot. Ngunit mabilis na tumataas ang galing ni Fane sa alchemy at ang kanyang cultivation level. Mukhang mas may lakas na ng loob si Selena, at mas madalas na siyang ngumiti ngayon.“Kumusta na ang alchemy practice mo, Mahal? Umigi ba? Nakita kong bawat gabi sinasanay mo ang alchemy mo. Siguradong pagod ka. Magpahinga ka muna at ibalanse mo ang trabaho at pahinga, okay?” Nag-aalalang tiningnan ni Selena si Fane. “Kita mo, Mahal!” Tinaob ni Fane ang kanyang palad at inilabas ang isang pill at inilagay ito sa harapan ni Selena. Biglang kumislap ang mga mata nito. “Diyos ko. Napakakapal ng amoy nito. Mukhang
Yumuko si Fane at hinalikan sa labi si Selena. “Ang tagal na kitang hindi nahahalikan!” sinabi niya. Makalipas ang isang sandali, tinulak ni Selena si Fane paalayo. “May malaking itim na bakas sa mukha ko. Ang pangit! Ayos lang ba sa’yo ‘yun?” nahihiya ang kanyang boses. Natawa si Fane sa sinabi ni Selena. “Sa puso ko, ikaw ang pinakamagandang babae. Binigyan mo rin ako ng isang napakagaling na anak! Wala na akong isasaya pa!” “Talaga? Sa… Sa totoo lang, balak kong magkaanak pa sa susunod!” Tinikom ni Selena ang kanyang bibig at puno ng saya ang kanyang mukha. “Hahaha! Gusto ko ‘yan!” Tumawa nang malakas si Fane. Sa sandaling ito, si Josh Wallman—ang master ng Sword King Clan—ay dinala ang mga elder ng angkan upang dalawin ang master ng Crystal Cloud Clan. “Ako, si Josh Wallman, bilang pinuno ng Sword King Clan, kasama ang mga Elder ng Sword King Clan, ay naparito para makita ang head ng Crystal Cloud Clan!” Dumating si Josh at ang tao niya sa harap ng isang
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin