Dahan-dahang tumayo si Lancelot nang nakangiti pagkatapos magsalita ni Fane. “Third Elder, talaga bang nakalagpas ka na?” nasabik si Nash nang marinig niyang nakalagpas na si Lancelot. Tiningnan niya ito nang nagagalak at gustong kumpirmahin kung totoo ba ito.Tumango si Lancelot nang harapin niya ang nagagalak na mga titig nito. “Hindi naging madali, lalo na at nabigo ako noon, pero nagtagumpay na ako sa wakas. Kung nagawa ko kaagad ito noong una pa lang, nasa third-grade ultimate god-level na sana ako tulad niyo!” “Dapat matuwa ka! Malakas na ang fighting prowess ng isang first-grade ultimate god-level! Hindi mo alam kung gaano karaming tao ang gustong-gustong makarating sa ultimate god-level. Higit pa rito, mabubuhay ka pa nang mas matagal kapag nakarating ka na ng ultimate god-level!” isang matandang lalaki mula sa Cabello family ang sumingit nang naiinggit. “Hay… tingnan mo ako. Nasa elementary level lamang ako ng true god-level sa ganitong edad. Hindi ko alam kung makakarati
"Haha… Ang problema ay hindi sa nagkamali sila; ang lahat ng tao ay maaaring magkamali. Sarili lang nila ang masisisi nila sa katangahan nila!" nakangiting sabi ng disipulo. "Tayo namang Bloodshed Clan ang magpapadala ng mga miyembro natin para bantayan ang lugar na'to. Pinipili nila kung sino sa'tin ang magbabantay sa simula ng taon. Sinong mag-aakala na papalpak ang dalawang yun!" Ngunit nanigas ang ngiti sa mukha ng binata sa sandaling natapos siya dahil nakita niya ang isang grupo ng higit sa isang libong tao sa harapan nila. Huminto sina Fane at ang iba pa. Nagulat rin sila nang napansin nila ang kabilang partido. "Bakit napakaraming tao rito?" Kumunot ang noo ng mataba sa harapan nila habang tinitigan niya sina Fane at ang mga kasama niya. Gulat na nagsabi ang mataba, "May mali rito. Hindi ko pa nakikita ang mga token nila noon!" May naisip ang isa sa mga babaeng disipulo at nagsabi, "Hindi tama to… Hindi mula rito ang mga taong ito. Baka mula sila sa inabandonang lugar!"
"Pigilan niyo silang lahat!" Nagulat si Fane sa sinabi ni Rowan. Kaagad niyang sinabihan ang lahat na kumilos sa isang kumpas ng kamay. Whoosh whoosh whoosh!Sinunod ng iba ang utos mula kay Fane. Kaagad silang lumipad para palibutan ang ilang dosenang mga disipulo ng Bloodshed Clan kabilang na si Rowan. Bahagyang nabigla sina Rowan at ang iba pa nang nakita nila ito. "Magaling. Mukhang kamakailan lang kaya nakapasok sa lugar na'to. Kung hindi, nakaalis na kayong lahat sa gubat na'to. Haha… Ang lakas ng loob niyong pigilan kami ngayong ilan lang sa inyo ang nakarating na sa first-stage ultimate god-level. Binibiro niyo ba kami?" Malamig na ngumiti si Fane. "Mga disipulo lang kayo mula sa Bloodshed Clan. Paano mo malalaman na wala kaming laban sa'yo kung di mo susubukan? Higit pa roon, malaking problema kung hahayaan naming bumalik ang mga tao mo at ipaalam ito sa iba para magpadala ng tunay na masters dito!" Kaagad na hinigpitan ng mataba ang kamao niya at bumugso ang Chi rito
"Imposible, nasa fourth-grade ultimate god-level na siya?" Nagkatinginan sina Alejandro at Nash sa pagkabigla. Inisip nila na nasa third-grade ultimate god-level pa lang si Fane kagaya nila. Sa hindi inaasahan, nakarating na sa fourth-grade ultimate god-level ang lalaking ito at bahagyang lagpas ito sa inaasahan nila. Pagkatapos mag-obserba at malaman na nasa fourth-grade ultimate god-level na talaga si Fane, nagsabi si Alejandro, "Baka magkaroon tayo ng pag-asa na mapatay ang kalaban kung nasa third-grade ultimate god-level siya, tama? Lalo na't malakas siya. Sa ganun, pwede pa rin nating tulungan si Fane pagkatapos nating mapatay ang iba. Sa pagkakataong ito, mukhang kaya nating manalo!" "Oo, magandang balita yun. Siguro nakarating sa tatlong lebel si Fane sa isang subok noon pero hindi niya sinabi sa'tin. Ngayon, payapa na ang puso ko!" Wala ring masyadong masabi si Nash. Niloko pa siya ni Fane at tinago ito mula sa kanya! "Haha… Isang taong may fighting prowess na fourth-grad
Boom!Nagkasalubong ang dalawang kamao at isang malakas na tunog ang narinig. Bumugso rin ang isang malaking alon ng enerhiya mula sa kung saan nagtagpo ang mga kamao nila. "Im-imposible!" May naramdamang mali si Rowan sa sandaling nakasalubong ng kamao niya ang kay Fane. Nakakatakot ang kapangyaring nagmumula sa kamay ni Fane at sa sobrang lakas nito ay hindi niya ito makayanan. Hindi talaga siya makapaniwala na ang lakas ng isang taong nasa fourth-stage ultimate god-level ay higit sa kanya na nasa sixth-stage ultimate god-level. Bang!Sa sandaling natapos siyang magsalita, hindi na ito nakayanan ni Rowan. Tumalsik siya paatras at lumipad ng halos tatlompung metro bago siya nakatayo nang maayos. Hindi niya napigilang malasahan ang isang matamis na lasa sa lalamunan niya at tumulo ang dugo mula sa bibig niya. Namutla nang todo ang mukha niya. "Masama ito, Senior Sister Rowan. Nasa third-grade ultimate god-level na ang ilan sa kanila!" Sa sandaling ito, nagsimula ring sumigaw
Hindi nagtagal bago natapos ang laban at ang ilang dosenang disipulo mula sa Bloodshed Clan ay napatay kaagad. "Mukhang halos lahat ng mga pormal na disipulo ng Bloodshed Clan ay nasa ultimate god-level. Buti na lang, hindi mataas ang fighting prowess nila at kaunti lang sila. Malaking problema kung may ilan sa kanila na mataas ang fighting prowess o kung mas marami silang tao!" Pinunasan ni Kenneth ang malamig na pawis mula sa noo niya at tinignan ang mga bangkay sa lapag. Bumaba rin si Fane at dinampot ang singsing ni Rowan bago nagsabi, "Meron kayang kahit na anong kayamanan sa singsing ng disipulong to?" Pagkatapos magtingin sandali, nakahanap siya ng isang napakagandang third-grade intermediate martial skill, ang Twin Dragons Fist! "Ayos! Kukunin mo ang martial skill na'to!" Itinabi ito ni Fane pagkatapos itong tignan sandali. "Bulatlatin niyo ang martial rings ng iba pang disipulo at tignan niyo kung merong nababagay sa inyo. Siya nga pala, tignan niyo rin kung merong kah
"Ayos! Sila Fane nga ito!" Sobrang nanabik sina Ethan at ang iba pang nang lumipad sila papalapit. "Ang galing! Buti na lang at walang nangyaring masama sa inyo!" Tinignan ni Fane ang mga pamilyar na mukha sa harapan niya at nasabik rin na nagsabi. "Oo. Nakarating na kami sa final stage ng true god level. Ang galing ng lugar na'to dahil hindi lang third-stage spirited grass ang meron dito, may fourth-stage spirited grass din. Malaki ang inilakas namin sa loob lang ng halos dalawampung araw ng pagpasok namin sa lugar na'to!" Sabi ni Sam nang nakangiti. Lahat sila ay mukhang tuwang-tuwa. "Ganun ba? Ang galing! Nakikita ko na lumakas nga ang lahat. Mabuti at nakarating na sa intermediate stage ng true god level sin Abner at Ethan!" Kuntentong tumango si Fane. Halatang malaki ang itinaas ng fighting prowess nila kumpara sa noon. Kung magpapatuloy sila na magsanay sa lugar na'to, magkakaroon sila ng pagkakataong makarating sa true god level sa susunod. "Lumakas ang lahat pero marami
Tumitingin rin paminsan-minsan si Hendrick na nasa kabila. Minsan, meron siyang nakakatawang ngiti sa mukha niya at halatang nahulog siya. "Haha… Sigurado ba kayo na walang mangyayaring masama?" Sa hindi inaasahan, ilang mga tao ang lumipad mula sa gubat sa harapan nila at hinarangan ang daanan nila sa sandaling ito. Sa harapan nila, may higit dalawampung disipulo mula sa Bloodshed Clan. "Masama ito. Bakit nagpunta rito ang mga disipulo ng Blood… Bloodshed Clan?" Nagdilim ang mukha ni Arthur at palihim na nagsabi na masama ito nang nakita niya na mga miyembro sila ng Bloodshed Clan. "Haha… Kakaiba ito. Hindi naman malayo rito ang Bloodshed Clan at isa rin itong lugar na pinaghahanapan namin ng kayamanan, bakit kami hindi pupunta rito?" Niyakap ng isang lalaking nakaputi mula sa Bloodshed Clan ang sarili niyang mga braso sa tapat ng dibdib niya at may mapagmataas na ekspresyon sa mukha niya. "Iniisip mo ba talaga na pagmamay-ari ng Nine Armies ang lugar na'to at hindi pwedeng pu
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin