Share

Kabanata 1521

Author: Moneto
Tumalsik palayo ang Third Elder sa suntok ni Fane, sa sobrang lakas ay umabot ito ng 100 metro bago ito makatayo nang maayos.

“Ah!” hinawakan ng Third Elder ang kanyang kanang kamay gamit ng kanyang kaliwang kamay. Ang kanyang kanang braso ay nabali dahil sa lakas ng pwersa at nadurog ito.

“Paanong nangyari ito? Nasaktan ang Third Elder!”

“Mukhang nabali ang braso niya, tama? Tsk, tsk! Baka gumaling lang siya pagkalipas ng walo hanggang sampung araw, kahit na uminom pa siya ng gamot para pagalingin ang mga sugat niya!”

“Hala… Ano ba ang fighting prowess ng batang ‘yan? Ang Third Elder ay isang master na may mas mataas na combat power sa ating ancient clan, ngunit madali siyang natalo ng binatang ito? Ang combat power niya ay isa sa pinakamataas sa mga elder na nasa peak stage ng true-god level!”

Nabigla nang sobra ang mga disipulo mula sa Pavilion of Soaring Eagles na halos malaglag na ang mga mata nila. Talagang nagbago ang paniniwala nila sa nangyari.

Sa pananaw nila, imp
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1522

    Nagawa ng master ng Pavilion of Soaring Eagles na makatayo nang maayos nang nahihirapan bago ihawi nang mapwersa ang kanyang namamanhid na kamay. Mukhang malagim at matigas ang kanyang mukha. Kahit na ginamit niya ang kanyang Chi kanina, tumalsik pa rin siya sa ere. Napatunayan nito kung gaano kalakas si Fane, at ang enerhiya rin niya ay sobrang nakakatakot.Sa huli, umami nang pansamantala si Griffen. Nginitian niya si Fane nang walang-bahala at sinabi, “Kung ganoon, sabihin mo sa amin kung anong kasunduan ba ang mas maganda sa sitwasyong ito, bata. Napakaraming mga pwersa dito, at magiging mahirap na maghiwalay. Iminungkahi namin ang planong ito nang isinasaalang-alang ang mga reclusive family, kaya huwag mong sabihing hindi ko kayo binalaan kapag maraming namatay sa inyo pagpasok niyo sa delikadong lugar, dahil lang sa hindi niyo napansin ang ginawa namin.” Maraming mga miyembro ng reclusive family ang nagtaka. Sobrang lakas ni Fane, at nakakatakot ito. Ang pavilion master ng P

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1523

    Tumango rin ang dalawa. Walang magawa sila Fane kundi tumango pagkatapos nilang magtinginan. “Sige, pupunta pala kami sa Bright Snow Mountain at Black Windy Island.” “Umalis na tayo.” ang mga tao mula sa tatlong ancient clan ay umalis sa lugar habang kumakaway. Pagkaalis nila, galit na sinabi ni Quentin, “Gusto lang talagang pahirapan ng mga tusong ‘yun ang lahat ng nandito!” “Tama. Sa mga delikadong lugar, ang Night Forest at Dragon Head Black Mountain ay hindi masyadong mapanganib tulad ng Bright Snow Mountain at Black Windy Island. Ang mga pangit na ‘yun ay nag-iwan ng dalawang mapanganib na lugar para sa atin!” isa pang elder mula sa Hunt family ang mukhang galit na galit. “Matuwa ka na lang. Kung hindi dahil sa mataas na combat power ni Brother Fane at pakikipaglaban niya para sa dalawang delikadong lugar, isa lamang ang makukuha natin!” sinabi ni Master Ximenes nang may malungkot na ngiti. “Paano natin ibabahagi ang mga lugar kasunod nito?” “Paano kung ganito? Nasaksi

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1524

    “Kalokohan. Makakatanggi ba kami? Mukhang pinili ng kaluluwa mong sumama sa kanya! ‘Wag mong akalaing hindi ko alam: ikaw ang talagang may gusto kay Fane habang ang ate mo ay nagpapanggap lang!” reklamo ni Alejandro habang tinititigan niya nang masama si Daniella bago lumipad patungo sa kanila Fane. “Paanong nangyari ‘yun? Diba may hinanakit ang mga Cabello sa Woods family? Paanong naging magkaibigan sila nang ganito kadali?” ilang mga tao mula sa reclusive family ang nag-usap-usap nang makita nila ang eksenang ito.“Haha… Ang mga hinanakit na iyon ay matagal nang nangyari. Anong hinanakit ba ang hindi natin pwedeng palagpasin makalipas ang napakaraming taon? Bukod pa riyan, ang Eldest Young Mistress Cabello ay kasintahan ni Fane. Nagsasama silang dalawa, na nangangahulugang maaari silang ikasal sa hinaharap. Mukhang tuluyan nang nagkasundo ang dalawang pamilyang ito!”Isa pang family master ang ngumiti at sinabi, “Ang mga taong nasa Woods family at Cabello family ay hindi mahina k

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1525

    “Hindi ito nangangahulugan na mas malakas si Fane sa kanila. Kahit anong mangyari, nagbanggan lang sila ng normal na atake doon, hindi gamit ng mga martial technique. Kung talagang ibinuhos nila ang lahat, tingin ko hindi mananalo si Fane!” hindi pa rin kumbinsido si Trenton. Gusto niyang umasa sa Skies Pavilion para burahin ang Woods family, at sobrang saya niya noong atakihin ni Joel si Fane, ngunit hindi niya inakalang patatalsikin ni Fane si Joel sa ere. Nahiyang kumilos si Joel dahil napakaraming miyembro ng reclusive family ang nakatingin sa kanila. Ito ay maipapaliwanag kahit paano. Ngunit hindi mahina ang Hunt family, at mas mabuti kung kinalaman ng mga Hunt ang Woods family. “Oo, pero hindi ako sigurado sa bagay na ito. Ang binatang iyon na mula sa Woods family ay mas kapangyarihan na higit sa inaasahan natin. Ngunit maaari natin siyang mapatay kung mayroon tayong limang taong umaatake sa kanya nang sabay-sabay,” paliwanag ni Quentin pagkatapos niya itong pag-isipan. “

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1526

    “Wala akong tiyansa na manalo laban sayo kung maglalaban tayo para sa bola.” tinignan ni Alejandro si Faneat mapait na ngumiti. “Nakita ko na ang iyong combat power kanina, at sigurado ako na wala akong laban sayo.”Marami ang nagulat ng marinig nila ang mga salita ni Alejandro. Lalo na, siya ang master ng Cabello family, isang master ng isang first-class aristocratic family. Ang lakas ni Fane ay marahil kamangha-mangha para purihin ito ng isang master ng ganito. Ng may tipid na ngiti, isang family master ng isang second-class aristocratic family, na nasa final stage ng true-god level, ay iminungkahi, “Sa aking palagay, magkakaroon lang tayo ng pagkakataon kung maglalakbay tayo ng hiwalay. Kapag nagkanya-kanya tayo ng pupuntahan at wala tayong iba opang kasama, ang mga taong may mas mababang fighting prowess kagaya namin ay magkakaroon ng pagkakataon na makuha ang bola kapag nakita namin ito.” Isa pang family master ang kumontra, “Hindi ba malalagay tayo sa panganib kapag naghi

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1527

    Nagulantang si Master Ximenes sa teorya ni Fane, pero habang pinag-iisipan niya ito ng mabuti, unti-unting nabalot ng gulat ang kanyang ekspresyon. Tumango si Fane. “Ang mga stone balls ay hindi isang spirited grass o spirited fruit, at nakita na din ng lahat na hindi ito isang martial art technique. Dahil dito kaya sigurado ako na walang tayong mapapala kung isang stone ball lang ang pag-aaralan natin, kahit na kanino pa ito mapunta o kung ilang taon mo pa ito pag-aralan. May posibilidad pa nga na kapag hindi mo makuha ang lahat ng pitong stone balls, walang sinuman ang may matututunan mula dito!” “May katwiran ang mga sinasabi mo. Mas mainam kung susubukan natin na bawasan ang mga buhay na masasakripisyo. Lalo na, wala naman na may gusto na marami mula sa kanilang pamilya ang mamatay sa lugar na iyon, tama? Sa pagkakataon na ito, baka may ilang pwersa na magkaroon ng malaking kawalan kung hindi sila magpaplano sa simula pa lang. Tignan niyo ang Pavilion of Gods and Kings—nawalan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1528

    Tinignan ni Fane ang mga family masters ng iba pang first-class aristocratic families at nakangiting tinanong, “Paano kung ganito? Master Cabello, Master Ximenes, ano sa tingin niyo?” “Haha… Wala namang problema dun! Kung talaga ngang isa itong martial arts technique, pwede naman natin itong ipamahagi sa lahat. Lalo na, para ito sa ikabubuti ng lahat! Kailangan natin na gawin ang ating makakaya na makabuo ng isang alyansa para sa ikabubuti ng lahat.” tumawa si Alejandro at napa-tango sa tuwa, habang hinahangaan na ngayon ang panginglatis ng kanyang anak. Aminado siya na isang henyo si Fane. Hindi lang siya talentado, mabait pa siya. Mahalaga sa lahat, matalino siya at alam niya kung paano makukuha ang loob ng mga miyembro ng second-class at third-class aristocratic families. Baka subukan pa nga ng mga miyembro mula sa second-class at third-class aristocratic families na kaibiganin o kaya kunin ang loob ng Woods family pagkatapos ng sinabi at ginawa ni Fane. Kapag nagpatuloy ito,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1529

    “Ang kasalukuyan nating taas ay halos isang libong metro sa taas ng karagatan. Hindi tayo madaling mahahanap ng mga pangkaraniwang halimaw habang mga halimaw naman na may mababang fighting prowess ay hindi kayang lumipad dito, kaya wala kayong dapat alalahanin,” sabi ng First Elder ng Cabello family, na si Kevin Cabello, sa mga tao habang nakatingin sa mga ito mula sa itaas. “Nakarating na ako sa ibang mga isla sa karagatan na ito ilang beses na din, sa paghahanap ng mga materyales na ginagamit sa paggawa ng mg pills, at pamilyar na ako sa ilang mga bagay tungkol sa karagatan na ito!” Tinignan ni Fane ang First Elder na nakatayo sa may flying carpet at sinabi, “First Elder Cabello, interesado ako sa inyong ancient tome. Dahil may oras naman tayo at mahaba ang ating lalakbayin bago tayo makarating sa Black Windy Island, pwede ko bang makita ang ancient tome mo?” Nanigas ang ngiti sa mukha ni Kevin habang nanginig naman ang mga kanto ng kanyang labi. Ang lakas naman ng loob ng batan

Pinakabagong kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status