Dumaan na naman ang dalawang araw at nakasalubong nina Fane at ng iba ang mga miyembro mula sa Lancaster family at Cabello family sa daan na nagpalaki sa grupo. Hindi nagpigil sina Fane at ang grupo niya nang inatake sila ng mga miyembro ng Hunt family, Church family, at Lagorio family. Kinuha ni Fane ang apatnapung porsyento ng mga nakuha nilang gamit habang tig-tatlompung porsyento naman ang nakuha ng mga Lancaster at mga Cabello. ...Sa sandaling iyon, nakita ng lahat ang pagbabago sa malaking kulay asul na balot ng ilaw mula sa labas niya. "Nakita mo ba yun? Mga nasa dalawandaang tao ang nasa grupo na yun, ano? Patuloy nilang pinapatay ang mga ilaw at lumalaki pa ang bilang nila!" Isang elder mula sa isa sa mga pamilya ang hindi napigilang bumuntong-hininga. "Sa sandaling iyon, kakaunti lang ang mag-isang kumikilos; nagsama-sama sila sa mga grupo na binubuo ng ilang dosenang tao. Gayunpaman, mayroon lang dalawang grupo na may napakalaking bilang ng tao!" "Tama. Saang pam
Sa taguan, daan-daang miyembro mula sa Woods family ang nagawa nang makita nila si Fane at ang iba pa. Nagtago sila sa tuktok ng mga puno at bumaba lang nang makita nila si Fane at ang mga kasama niya. "Magaling. Marami pa ring mga miyembro ng Woods family ang naghihintay dito!" Medyo nakahinga nang maluwag si Fane nang mapansin niya ang may kalakihang bilang ng mga henyo mula sa Woods family. Natatakot siya kanina na baka marami sa pamilya niya ang namatay sa mga labanan. Mga nasa halos isang daan naroon. Para naman sa ibang miyembro ng Woods family, sinong nakakaalam kung gaano karami sa kanila ang nakakalat sa iba't-ibang lugar? Pinag-isipan ito ni Yule at tinanong si Fane, "Kuya Fane, ano nang gagawin natin ngayon? Kailangan pa rin ba nating magpatuloy na maghintay dito?" "Oo, maghintay pa tayo ng dalawa pang araw. Lalo na't malamang ay marami pang miyembro ng Woods family ang papunta na rito," sagot ni Fane nang makapagdesisyon siya. "Oh Diyos ko. Naghihintay ang mga tao
"Mukhang naging mga masunuring tigasunod ng Hunt family ang mga tao mula sa Church family!" Lumipad din si Helena, pero hindi niya hinabol si Fane dahil alam niyang kaya niya silang labanan nang mag-isa. Sa paligsahang ito, ang tanging taong kayang lumaban sa kanya ay ang first young master ng Hunt family, si Cloud Hunt! "Kayong lahat, dali. Bilisan niyo! Bilis! Mayroon pa rapat na mga miyembro ng Woods family sa harapan dahil sinabihan sila ni Young Master Fane na maghintay doon. Magpatuloy tayong lumipad; makakaligtas tayo kung mayroong mga miyembro ng Woods family roon!" Ang dalaga na lumilipad sa harapan ay may lakas na nasa final stage ng semi-god level. Maituturing na kamangha-mangha ang ganitong lakas. Gayunpaman, nabalot ng dugo at pawis ang kanyang mga braso at noo. Bahagya siyang namumutla, isang malaking sinyales na sugatan at pagod na siya. Mayroong pito hanggang walong tao sa likuran niya. Ilan sa kanila ay nga Lancaster habang ang natitira ay mula sa Woods family.
Bahagyang nabigla at natakot si Aiden nang sabay. Inisip niya na bumalik ang isa sa mga kasamahan niya na tumakas para hanapin siya. Naantig ang damdamin niya pero kasabay nito, pakiramdam niya ay isang hangal ang taong ito. Hindi ba dadagdagan niya lang ang mamamatay? Hindi nagtagal nang mapansin niya na napakapamilyar at matikas ang anyong iyon. "Si Young Master Fane!" Hindi nagtagal ay nakilala niya si Fane at napuno siya ng saya. Si Fane ay isang master na nasa intermediate stage ng true-god level. Kahit na hindi gumamit ng kahit na anong martial skill si Fane, hindi mahirap para sa isang master na nasa lebel niya ang saluhin ang atake mula sa isang tao na nasa final stage ng semi-god level. Thoom!Gayon na nga, madaling masira ni Fane ang suntok ng Chi mula sa kalaban pagkatapos marinig ang isang nakakatakot na pagsabog. "Bw*sit! Sino yan?" Sa takot, kaagad na huminto ang mga miyembro ng Church family sa panghahabol sa kanilang mga kalaban pagkatapos nilang makita ang n
“Young Master Woods, maraming mga kalaban doon. Atsaka, ang young master namin ay nasa intermediate stage ng true god status, at hindi sila sumugod para paligiran siya. Ito ay dahil sa ang Lagorio family ay may tatlong miyembro na nasa intermediate stage din ng true god realm, at may ilan silang nasa beginning stage ng true god realm. Hindi ko alam kung tatagal ba ang young master!” Habang nasa flying sword, inilahad ng babaeng mula sa Lancaster family ang pag-aalala nito. Naantig siya sa kung paanong nag-aalala si Fane para sagipin ang kanyang young master, ngunit masyadong padalos-dalos ang sumugod ito nang mag-isa. “‘Wag kang mag-alala. Mag-isa akong pupunta. Magsasayang tayo ng oras kapag nagsama tayo ng iba. Ikinalulungkot ko na kapag pinatagal pa natin ito, tapos na ang young master mo!” Ngumiti nang malungkot si Fane. Pagkatapos lumipad sandali, narinig niya ulit ang ingay ng laban. “Dito sa direksyong ito ‘yun diba?” Itinuro ni Fane ang pinanggagalingan ng tunog. “O
“Young Master, tingnan mo! May paparating!” Sa sandaling ito, biglang napansin ng isang lalaki mula sa Lancaster family ang dalawang taong nakatayo sa ibabaw ng isang flying sword na sumusugod patungo sa direksyon nila. Napatalon sa pag-asa ang puso ni Randall nang marinig niyang may parating. Nang makita niyang dalawang tao lamang ito, kaagad na nanigas ang kanyang ngiti. Anong magagawa ng dalawang tao? “Baka dadaan lang sila!” Ngumiti nang nanlulumo si Randall at nagsalita nang malungkot. “Si-Si Master Woods ‘yan!” Kaagad na nakilala ng isang lalaki si Fane habang mukhang masaya. “Talaga? Mabuti ‘yan. Nasa intermediate stage siya ng true god status!” Nang marinig niyang si Fane ito, kaagad na naglaho ang dismaya ni Randall at nagalak siya. “May flying sword siya. Kapag nakasugod siya, magagamit natin ito para tumakas. Mabuti na kahit kalahati lang sa atin ang makatakas!” Nanumbalik ang pag-asa sa isang babae nang maisip niya ito. Kumirot nang bahagya ang sulok n
Nasa intermediate stager ng true god realm si Fane, ngunit sa sandaling iyon, pakiramdam ng lalaking mula sa Church family na para bang kaharap niya ang isang taong nasa advanced stage ng true god realm. Isa iyong matinding pwersa. Sa paningin ng tao sa tabi, gumamit ang dalawa ng mga simpleng atake, ngunit natalo siya. “Malakas ang mokong na ito. Tutulungan kitang patayin siya. Kayong lahat patayin niyo ang mga miyembro ng Lancaster at Woods family. Lubos nang napuruhan sila Randall. Hindi na sila tatagal!” Isang lalaki mula sa Church family, na nasa intermediate stage ng true god realm ang nakaramdam kung gaanong nakakatakot si Fane. Lumipad siya palapit at tumayo sa tabi ng kanyang kasamahan. “Magpahinga ka lang sa tabi!” Lumingon si Fane para tingnan ang babaeng mula sa Lancaster family sa likuran niya at sinabi dito. “Sige!” Medyo nabigla ang babae, ngunit totoong sugatan siya at naubos na niya halos ang kanyang Chi. Pinag-isipan niya ito bago lumipad sa tabi at magl
“Ang galing. Patayin niyo silang lahat!” Kaagad na sumigla si Randall nang makita niya ang nangyari. Ngayong patay na ang dalawang fighter, isa na lamang ang nasa intermediate stage ng true god status sa panig ng kalaban, at siguradong manlulumo ito. Sa sandaling ito, nagawa nilang baligtarin ang sitwasyon! “‘Di maaari. Kung ganoon, masisira na ang mga plano natin!” Ang lalaki mula sa Lagorio family na nasa intermediate stage ng true god realm, ay nakitang walang laban kay Fane ang dalawang intermediate stage fighter at namatay. Bigla siyang natakot, at napansin niyang nawalan na rin ng lakas ng loob ang mga kakampi niya. Itinikom niya ang kanyang bibig at tumalikod, naghahandang tumakas. Ngunit hindi niya inakalang sa sandaling tumalikod siya, nakatayo na si Fane sa harapan niya habang may malaking ngiti. “Young Master Fane, matagal nang may magandang relasyon ang Lagorio family at Woods family. Kahit na nagkaroon ng hidwaan dahil sa nangyari kay Young Mistress Lily, hindi m
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin