Idinagdag ni Trenton pagkatapos, na para bang nakita niya mismo ang laban, “Walang-duda, kinamumuhian ni Second Young Master Hunt ang anak mo dahil diyan. Malamang naglaban sila hanggang kamatayan kung nagkatagpo sila sa kalagitnaan ng kompetisyon. Kahina-hinala ang anak mo sa kasong ito!” “Kalokohan!” Naging kulay berde ang mukha ni Nash sa sobrang galit habang galit niyang isinisigaw, “Malakas ang anak ko, pero kakarating lang niya sa true-god intermediate stage nitong nakaraan, nitong nakaraang isang buwan. Kahit na hindi pa nakakalagpas si Second Young Master Hunt, hindi siya matatalo ng anak ko. Higit pa rito, narating na ni Second Young Master Hunt ang final stage ng true-god level. Paano siyang matatapatan ng anak ko?” Habang galit na galit, hindi hahayaan ni Nash na isisi ni Trenton ang pagkamatay ni Tyrell sa mga miyembro ng Woods family. Galit na galit din ang old master ng Hunt family at tumayo doon nang tahimik. Nagsalita siya nang makita niya ang galit ni Nash, “Tama
“Anong kalokohan ‘yan?!” Ibinaling ni Alejandro ang titig niya kay Trenton. “Master Lagorio, hindi mo ba naiisip na baka patayin kita kapag nagpatuloy ka pa sa kalokohang ito? Paano mo nasasabing ang anak ko ang pumatay nang wala man lang ebidensya? Ipakita mo sa amin ang ebidensya kung ganyan ka kagaling!” “Tama. Mas mabuti pang huwag kang nagbibintang sa iba nang walang ebidensya!” Ang Woods family at Cabello family ay may matagal na hidwaan, at dahil dito ay naging magkalaban sila. Subalit, ito ang unang pagkakataong kumampi si Nash kay Alejandro. “Tama ‘yan. Kakarating lang ni Fane sa true-god intermediate stage, kaya hindi masyadong malakas ang combat power niya. Atsaka, kahit totoong malakas ang anak ko, hindi magiging ganito kadali kung gugustuhin nilang patayin si Second Young Master Hunt. Tingin ko hindi nila ito mapapatay kahit magtulungan pa sila!” Galit na sagot ni Alejandro. “Haha… di natin masasabi. Paano kung nagpanggap ang anak mo na inaakit niya si Second Young
Kumirot ang sulok ng bibig ni Quentin nang marinig niya ito. Lumapit ang first elder ng Hunt family at tinitigan nang masama si Shelby habang nagsasalita, “Shelby, anong ibig-sabihin nito? Paanong naging pareho ito? Iyon ay ang anak ng master ng Hunt family namin, at ang second young master ay ang ipinagmamalaking anak ng aming family master. Hindi lang mahusay ang second young master, pero isa rin siyang second-grade elementary alchemist. Paano mo naikukumpara ang ganitong henyo sa henyo mo?” “Haha…! Mukhang hindi niyo kailanman binalak na itrato ang lahat nang patas!” Seryosong ngumiti si Shelby. “Kung ganoon, hindi niyo dapat hinayaan ang anak ng family master niyo na sumama sa laban!” “Tama ‘yan! Sinasabi niyo bang hindi tao ang mga anak namin?” “Sumosobra na kayo. Bakit ang mga anak namin pwedeng mamatay pero yung sa inyo hindi? Bakit pala kayo nagbigay ng ganitong patakaran para sa kompetisyong ito?” Isa-isang lumapit ang ilang mga elder mula sa mga third-class aristocrat
“Haha… Huwag kang mag-alala, pwede pa ring matalo ang Hunt family. Bukod pa riyan, bakit hindi natin susundin ang mga patakarang inilagay namin?” Tumawa si Old Master Hunt na para bang nakalimutan niyang ang apo niya ang namatay. Subalit, alam ng lahat na hindi babalewalain ng matanda ang pagkamatay ng kanyang apo. Kapag nalaman niya kung sino ang gumawa nito, sisirain niya ang buhay nito. Papatayin rin niya ang taong iyon kapag nagkaroon ng pagkakataon. “Tama, maghintay na lang tayo at tingnan natin. Tingnan mo: Ilang mga tuldok na liwanag ang naglaho sa lugar na ito, at ibig-sabihin niyan maraming tao ang namatay. Saang pamilya kaya ito galing!” Sinabi ni Quentin, tumatawa habang sinasadya niyang ilipat ang usapan habang tinuturo ang isang lugar sa screen. Maraming tao ang napabuntong-hininga nang marinig nila ito. Naghinuha sila nang makita nilang maglaho ang mga tuldok sa screen sa kalagitnaan ng kompetisyon. Habang pinapaalala sa kanila ni Quentin ito, nagdasal sila sa loob
Inabot ni Venus ang singsing kay Fane pagkatapos itong pag-isipan nang maigi. Alam ng lahat na dahil naggala ang mga miyembro ng Hunt family kasama si Second Young Master Hunt, bukod sa ibang mga gamit, malamang iniabot nila dito ang lahat ng token na nakuha nila. Ibig-sabihin nito, maraming mga mahahalagang bagay ang nasa martial ring ni Second Young Master Hunt. “Sige, malugod kong tatanggapin ito.” Hindi tumanggi si Fane. Itinaob niya ang kanyang kamay at inilabas ang isang first-grade premium pill na ginawa niya nitong nakaraan bago ito iabot kay Venus. “Hindi kita binigo, at nagtagumpay ako sa paggawa ng pill sa pagkakataong ito. Isa itong regalo para sa’yo, tulad ng pangako ko.” “Hala! Anong binigay mo sa kanya? Patingin!” Hindi inasahan nila Fane na lilipad si Helena patungo sa kanila kasama ang 20 tao sa sandaling iyon. “Isang first-grade premium pill!” Napahinga nang malalim si Helena nang makita niya ang pill sa kamay ng kanyang kapatid at napasigaw, “Ang galing, Fane
“Ikaw ang pumatay sa kanya? Meron… Meron ka bang ganun kalakas na combar power?” Si Helena, na muntik nang mapatay noon ni Second Young Master Hunt, ay labis na nagulat nang malaman niya na si Fane ang pumatay dito. Walang nagawa si Fane ang kung hindi ang ngumiti. “Hindi ko ito maitatanggi lalo na at maraming tao ang nakakita.” “Talagang ikaw nga!” Natulala si Helena, na para bang hindi makapaniwala sa rebelasyon na bumungad sa kanya sa maikling panahon na iyon. Wala siyang ideya na ganun pala kalakas si Fane. Kinonsidera niya ito at naglakad upang tingnan si Fane bago nagtatakang nagtanong, “Hindi kaya nakalagpas ka na? Nakarating ka na ba sa final stage ng true-god level? Magiging mahirap para sayo na patayin siya kung hindi ka pa nakakarating doon, tama? Naaalala ko na itinakas mo ako noon.” Mapait na ngumiti si Fane bago nagpaliwanag kay Helena, “Hindi ba’t sinabi ko sayo nung nakaraan na may mga matang nakamasid sa atin ng palihim habang lumalaban tayo? Kapag pinatay ko
“Oo, tara na. Kailangan na nating umalis dito kaagad, at hindi tayo pwedeng manatili sa kuwebang ito ngayong gabi!” Kaagad na nagsalita si Venus. Hindi magiging maganda kapag malaman ng Hunt family kung ano ang nangyari sa lugar na ito. Ang grupo ng mga tao ay kaagad na nilisan ang lugar. “Ah, salamat naman. Nahanap na din namin kayo sa wakas, Young Master Fane!” May nakasalubong na isang grupo sila Fane at ang iba pa sa isang parang pagkatapos lumipad sa loob ng kalahating oras. Ito ay sila Beth, Yule, at ang mga henyo ng Woods family. Bahagyang nakahinga ng maluwag si Fane nang makita niya ang maraming pamilyar na mukha. “Kamusta naman kayo? May nakasalubong ba kayo na anumang problema?” Nakangiti si Yule habang nagsasalita, “Ayos naman ang lahat. Lagi kaming nag-iingat at nagtatago sa malayo kapag may nakikita kaming mga tao na hindi namin kayang labanan. May mga nakasalubong kami na mga tao mula sa Lagorio family, at gusto nilang kunin ang aming mga gamit kahit na hin
Ang lahat ay nagpahinga ng gabing iyon. Para maging ligtas sila, hindi hinayaan ni Fane si Yule at ang iba pa na maglakbay ng sila lang. Halos umabot sila ng 70 hanggang 80 katao ng dumating ang ilan pang miyembro ng Cabello family, at lahat sila ay nagpatuloy na maglakbay ng magkasama. Gayunpaman, ang lahat ay meron pa ding distansya sa pagitan nila para makapaghanap sila ng mga token. Pagkatapos ay naghiwalay sila, yun nga lang ay hindi ganun kalayo sa isa’t isa, at dahan-dahan na naglakbay patungo sa paanan ng Kobe Mountain. Kailangang banggitin na mayroong napakaraming mahahalagang bagay sa martial ring ng Second Young Master Hunt. Bukod sa isang malaking bilang ng mga token, si Fane ay nakakuha ng isang malaking halaga ng spirited grass. Gayunpaman, hindi ito ang pinakakapana-panabik na bahagi para sa kanya. Para sa kanya, ang pinakakapana-panabik na bahagi ay mayroong magandang pill furnace at ilang mga pill remedies sa martial ring ni Tyrell.Ilan sa mga pill remedies sa
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin