Pagdating nila sa pinto ng kwarto ni Nash, nakita nina Fane at Selena si Joan na kinakausap si Nash sa loob. "Narinig ko na pumuslit si Fane palabas. Hindi ko talaga alam kung bakit niya ginagawa yun, lalo na't delikado ang sitwasyon ngayon." Si Nash, na nakahiga sa kama, ay halatang nag-aalala para kay Fane. Alam niyang gustong patayin ni Lily si Fane mula sa umpisa sa reaksyon niya pa lang noong nakuha ni Fane ang posisyon na pagmamay-ari ni Lance at naging tigapagmana ng family master. Tumaas ang kanyang kagustuhan na patayin si Fane. Masyadong delikado para kay Fane na umalis ng main family dahil ito ang magiging pagkakataon ni Lily para tapusin siya. "Hindi mo kailangang mag-alala; hindi aalis ng main family si Fane kung hindi siya sigurado sa sarili niya. Tiyak ay kampante siya na umalis ng bahay at mayroon siguro siyang importanteng dahilan para gawin iyon." Umupo si Joan sa tabi nang may malumanay na ngiti sa kanyang mukha. "Nakabalik na siya kahapon kaya hindi mo na kail
Pinag-isipan ito ni Fane at sinabi kay Nash, “Pa, magiging mahirap kapag binalak ni Lily at ng Third Elder na labanan tayo paggaling mo, kaya dapat paghandaan mo ito.”Seryosong tumango si Nash. “Kung ganoon nga, edi siguradong mawawala ang Woods family natin sa eight reclusive families. Ang ibang mga pamilya ay hindi na kikilalanin ang katayuan natin, pero wala akong pakialam dito. Dati masyado ko itong pinapansin, pero naging mas malinaw sa akin ang mga bagay pagkatapos kong malason. Ano ngayon kung isa tayong reclusive family? Ano ngayon kung hindi? Walang kahulugan ang ganitong mga titulo.” Sinabi niya nang titigan niya si Joan at Fane. “Masaya na akong makasama kayong dalawa at magkaroon ng tahimik na buhay. Hindi ko hahayaang saktan kayo ni Lily!”“SIge Pa. Magpahinga ka nang maayos. Aalis na kami ni Selena.” Tumango si Fane. “Tingin ko gagaling na ang katawan mo bukas.”Tumango si Nash at napanatag dito. “Siguro nakakapagod ang mga araw na ito para sa’yo. Salamat sa pagbubuwi
Lalong sumimangot si Lily nang makaalis ang matanda, habang binubulabog ng pagkabahala ang isipan niya. “Nabalitaan ko magaling sa panggagamot si Fane. Naghahanap ba siya ng gamot para kay Nash?” Sinimulang kausapin ni Lily ang kanyang sarili, ngunit umiling siya. “Imposible yan. Nagdala ng maraming mahimalang doktor ang First Elder noon, pero hindi man lang matukoy ng mga taong iyon ang kalagayan ng katawan ni Nash. Paano siya magagamot ni Fane? Siguro naghahanda siya ng gamot para sa kapatid niyang si Fernando!”Kumalma ang isipan ni Lily nang magsimula siyang mapanatag nang maisip niyang naghahanap si Fane ng halamang-gamot para gamutin si Fernando. Sinigurado sa kanya ng Third Elder na walang normal na taong makakapagtukoy sa lason sa katawan ni Nash, at iilang tao lamang ang makakapagtukoy nito. Dahil parang asthma ang sintomas ng lason, maaaring ituring itong ganito ng mga doktor. Siguradong magiging palpak ang resulta nito. ...Dahil marami siyang bakanteng oras, nagsim
Nanlumo ang mukha ni Fane nang marinig niya ito. Kung tatlong taon na lamang ang mayroon siya, hindi siya pwedeng magsayang ng oras. Kailangan niya agad makuha ang ancient scroll. Malungkot na ngumiti si Fane. “Sige, nauunawaan ko,” Sagot niya. Makalipas ang dalawang araw, tuluyan nang gumaling ang katawan ni Nash. Inilihim ito ni Nash sa lahat, bukod sa mga pinagkakatiwalaan niyang tao—si Titus at ang First Elder na si Kenneth. Natuwa nang sobra si Titus at Kenneth nang marinig nila ang balita ni Nash. Ngunit sa kabila ng saya nila, hindi sila mapakali sa paglilihim ng sikretong ito. Tahimik silang nagdusa dahil dito. Lumipas ang isa pang araw at lumabas na ang Third Elder sa kanyang kwarto. May ngiti sa kanyang mukha at kaagad siyang tumungo sa kwarto ni Lily. “Bakit ang bilis mong lumabas?” Sumugod si Lily nang makita si Wade. “Masama ang kutob ko. Bago ka magtago, lumabas si Fane at Lana kasama ni Ethan.”Nabigla si Wade nang marinig niya ito. “Anong ibig-sabihin mon
”Ano?!” Habang humihinga nang malalim, isang ngiti ang unti-unting lumitaw sa mukha ni Lily nang hawakan niya ang balikat ng Third Elder sa gulat. “Naka… nakalagpas ka na talaga? Nakalagpas ka na at narating mo na ang peak stage ng true god level? Ibig-sabihin ba nito kapareho mo na ng lebel si Nash?”Tumawa sa tuwa ang Third Elder. “Haha… Syempre! Wala sa kondisyong lumaban si Nash ngayon. Ang First Elder at ang iba ay nasa last stage ng true god level, kaya maging ang First Elder ay hindi na makakatapat sa akin ngayon. Nasa akin ang pinakataas na fighting prowess sa buong Woods family, at ako ang pinakamalakas na fighter sa Woods family. Sa pagkakataong ito makukuha ko na ang titulo ng family master!”“Magaling! Napakagaling!” Medyo nasabik din si Lily at sinabi kay Wade, “Wade, ‘wag mong kakalimutan ang ipinangako mo sa akin. Kapag naging family master ka na, kailangan mong ingatan ang posisyon para sa anak ko sa hinaharap!”Kaagad na sumagot si Wade nang nakangiti, “Huwag kang m
Inilahad ni Wade ang opinyon niya. “Paano kung bukas natin gawin? Magbibigay-galang tayo sa mga ninuno bukas, kaya siguradong hindi sila makakapaghanda. Kailangan mong atakihin nang palihim ang First Elder, at wala ka dapat katakutan kapag namatay na ang First Elder!” Mungkahi ni Lily pagkatapos ng sandaling pag-iisip. “Ah, oo, muntik ko nang makalimutan bukas! Malilimutan ko sana kung hindi mo nabanggit. Bukas, kailangan nating pumunta sa likod ng bundok para magbigay-galang sa mga ninuno natin. Haha… napakagandang pagkakataon! Maraming mga branch family master ang dadalo din doon, at pwede kong gamitin ang pagkakataong ito para ianunsyong ako na ang bagong family master sa harapan nila. Haha!” Ang maisip na maging family master ay labis na ikinagalak ni Wade. “Oo! Pwede nating utusan ang mga branch family na iabot ang kahit gaano karaming martial enhancement material nang ayon sa gusto natin. Hindi natin kailangang matakot na malalaman ni Nash!” Dagdag ni Lily. “Oo, tama ka.
Dahil sa nagulat sila sa sinabi ni Fane, napahinga ng malalim ang lahat. Kinakabahan na napalunok ng laway si Chad. “Sinasabi mo na ang Third Elder ay may balak na mag-aklas? Paano nangyari yun? Miyembro siya ng Woods family!” Sabi niya. Sa kabilang banda, tumugon naman si Lancelot, “Sa totoo lang, ang lakas ng loob ng lalakeng to. Nangahas siyang makipagsabwatan sa First Madam at inayos ang pamimigay ng materyales mula pitumpung porsyento at ginawa itong walumpung porsyento. Ganun na siya kapangahas, kaya ano pa ba ang hindi niya kayang gawin? Sa tingin ko ay matagal na niyang balak na kunin ang posisyon ng family head.” “P*ta! Hindi ba malalagay tayo sa malaking panganib kapag talagang nakaakyat na siya ng antas?” Pag-aalala ni Mason. “Lalo na, ang kalusugan ng master ay malubhang bumagsak at hindi na siya makalaban. Ang Third Elder at First Elder ay orihinal na magkapantay ang kakayahan at lakas, pero hindi na matatapatan ng First Elder ang Third Elder kung nakalagpas na s
Pagkatapos maghanda ng maraming handog, naglakad si Nash papunta sa likuran ng bundok habang inaalalayan nila Joan at ni Second Madam Lizzie. Hindi nagtagal, dumating na sila sa likuran ng bundok. Meron isang sementeryo sa lugar na iyon na kung saan nakalibing ang mga ninuno ng Woods family. Isang malaking bato ang nakatakip sa lagusan ng sementeryo, at nagbigay ito sa lahat ng isang seryoso ang taimtim na pakiramdam. Pagkatapos ayusin ang mga handog para galangin ang kanilang mga ninuno, lumitaw si Titussa harapan ng mga tao at maraming sinabing magagandang salita. Pagkatapos ay sinabi niya sa mga tao, “Yumuko kayo.” Kaagad na yumuko ang lahat ng taimtim. Ang Third Elder ay sinadya na tumayo sa likuran ng First Elder ng buong oras na iyon, at sa mga sandaling iyon, dumaloy ang Chi sa kanyang palad. Sinuntok niya ng buong lakas sa likuran ang First Elder. Ang First Elder ay kanina pa alerto sa Third Elder. Nagulat siya nung nakaramdam siya paggalaw sa kanyang likuran at kaa
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin