Share

Kabanata 1110

Author: Moneto
Kaagad na naging poker-faced si Fane nang marinig niya ang mga sinabi ni Wilton. Anong kalokohan to? Mahaba pa ang biyahe niya at kakalapag lang niya sa Soul City. Hindi niya inaasahan na madadamay siya sa ganitong drama.

Nung una, akala niya ay natulungan niya ang nakakaawang babae na ito nung nagpanggap siya bilang boyfriend nito para pasamain ang loob ng binatang mayaman ng sa gayon ay umalis na ito.

Hindi niya inaasahan na ang young master na ito ay talagang hihilingin na maghalikan sila sa kanyang harapan, sa publiko, o kung hindi ay hindi maniniwala ang young master na to.

Pero kung iisipin ng mabuti, hindi pa nagkaroon ng boyfriend si Shirley, at bigla niyang sinabi na meron siyang boyfriend? Talagang hindi ito kapani-paniwala kahita para kay Fane.

Namula ang mukha ni Shirley at nagsalubong ang kanyang kilay. Nasa isa siyang alanganin na sitwasyon ngayon.

Ngunit, hinawakan ni Fane ang kanyang binti at binalot niya ang kanyang malakas na braso sa bewang nito, kapa
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1111

    "Mali ka. Hindi ko mabait o mapagbigay. Ikaw ang fiancée ko at may nangyari sa inyo ng basurang to! Kung hindi ko siya bubugbugin hanggang mamatay ngayon, hindi ako si Wilton Norton!" Bumaha ang galit sa mga ugat ni Wilton at napuno ng poot ang kanyang mga mata. "Shirley Lancaster, masyado akong naging mabait sa'yo noon at ginamit mo lang ang kabaitan ko! Ang lakas ng loob mong sumama sa ibang lalaki, napakapabaya mo! Hindi ako natatakot sa Lancaster family! Wag mong kalimutan, isang third-class family lang ang Lancaster family dito, at ang Norton family ay second-class! Walang magagawa ang third-class sa isang second-class!" Sigaw ni Wilton habang mabangis niyang tinignan si Shirley. "Pa… Pasensya ka na, Fane. Hindi ko inasahan na ganito ang mangyayari…" Bakas ang takot sa mukha ni Shirley nang marinig niya ang mga sinabi ni Wilton. Nagsimula siyang mag-isip kung sasabihin niya ba ang totoo sa kanya. Kahit na ganoon, tumawa si Fane at pinagaan ang loob niya nang malumanay.

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1112

    "Bata, hahayaan kitang manalo ngayon!" Umuusok sa galit si Wilton sa loob niya, pero wala siyang magawa. Hindi niya naisip na siya, isang young master ng isang second-class family, ay walang magawa sa kasalukuyang sitwasyon—ang fiancée niya ay may kasamang ibang lalaki at hindi man lang niya maturuan ng leksyon ang lalaking iyon. Ang malala pa roon, binantaan pa siya nito! Nang mahigpit na nakatikom ang kanyang panga at kamao, dinala niya ang mga tao niya at umalis. Alam niya na kapag nagpatuloy siyang manatili rito, magdadala lang ito ng mas maraming problema. “Phew!” Pagkatapos umalis ng kabilang partido, nawala na ang bigat sa puso ni Shirley. Nakahinga siya nang maluwag at nagsabing, "Siguro hindi na niya ako guguluhin! Maraming salamat!" Inalis ni na Fane ang braso niya sa baywang ni Shirley. Ngumiti siya sa babae at bumulong, "Ms. Lancaster, ginawan kita ng malaking pabor ngayon. Pero sa ekspresyon ni Wilton ngayon lang, sa tingin ko magtatanim siya ng galit sa'kin.

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1113

    Wala ring masabi si Fane. Mapait siyang tumawa para sirain ang pagkailang sa ere. "Binibini, iniisip mo ba talaga na gusto kong bayaran mo ko gamit ng katawan mo? Kahit na maganda ka gaya ng sabi ko, hindi ako interesado sa'yo, kaya wag mong pagmukhaing tanga ang sarili mo!" "Anong pagmukhaing tanga ang sarili ko?! Managinip ka na lang! Sobra akong naiilang noong nilagay mo ang braso mo sa baywang ko kanina!" Kumulo ang galit sa loob ni Shirley habang nagsalita siya. Maituturing siyang isa sa pinakamagagandang babae sa Soul City at maraming lalaki ang nahuhumaling sa kanya! Hindi niya talaga inaasahan na hindi interesado sa kanya ang lalaking ito, at ang malala pa roon, sinabi niya ito sa harapan niya nang dalawang beses! Para itong isang atake sa kanyang tiwala sa sarili! Pagkatapos niyang sabihin ang pangungusap na iyon, tinignan niya si Fane at inisip ang insidente kanina—ginalit ni Fane si Young Master Norton para tulungan siya. Kaya hininaan niya ang tono niya at nagsabin

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1114

    Hindi nagtagal, nakarating si Fane sa mall sa labas ng paliparan habang nasa likod niya si Shirley. Mapula ang mukha ni Shirley dahil nasa likod siya ni Fane. Ang lalaking-lalaking aura na nagmumula kay Fane ay nagpakaba sa kanya. Hindi niya alam na ang lalaking ito, na nagpagalit sa kanya, ay magbibigay ng sa kanya ng ganitong pakiramdam. "Hoy, mabigat ba ako?" Pinag-isipan ito ni Shirley at sinadyang magtanong para gumaan ang ere. "Ayos lang!" Sinagot ito ni Fane gamit ng kaunting salita. Dinala niya si Shirley sa isang bilihan ng sapatos na nakita niya sa harap. "Oo nga pala, sigurado ka na gusto mong bumili ng dalawang pares ng sapatos?" "Syempre! Sinira mo ang sapatos ko. Hindi mo ba alam ang tungkol sa double compensation?" Ngumuso si Shirley at aroganteng nagsabi. "Sige. Doble! Doble!" Mapait na ngumiti si Fane. "Oh, pinsan! May karelasyon ka na?" Habang natapos silang magsalita, isang dalaga na sumusukat ng sapatos sa bilihan ang kaagad na tumakbo palapit sa kanila

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1115

    Sumigla ang mga mata ni Willow nang marinig niya ang sinabi ni Fane. Naglakad siya paharap at tinignan si Fane nang may makikinang na mata. "Uy, single ka pa rin ba kahit napakagwapo mo? Dahil hindi ka boyfriend ng pinsan ko, paano kung maging boyfriend na lang kita? Kahit na hindi ako kasing ganda ng pinsan ko, hindi na rin ako masamang tignan. Maliban roon, bata pa ako at hindi ko pa naaabot ang buong potensyal ko. Sigurado ako na mas gaganda ako sa susunod na dalawang taon. Ano sa tingin mo?" Bahagyang kumibot ang bibig ni Fane. Hindi niya naisip na ang isang dalaga na nasa labing-walong taong gulang ay magtatapat sa kanya. Maliban roon, ito ang unang beses nilang nagkita. Ganito na ba kabilis ang mga babae ngayon? "Bata, wag lang magloko. Hindi ako mula sa Soul City at nandito lang ako dahil may kailangan akong gawin. Nagkataon na kailangan ko ang tulong ng pinsan mo para sa ilang bagay!" Ngumiti si Fane at nagsabi kay Willow. Malungkot na ngumuso si Willow at nagsabi. "Nakak

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1116

    ”Pa, alam mong di ko matiis ang taong yun. Mula noong pumanaw ang lolo ko at pumanaw din ang lolo niya nitong nakaraang taon, hindi na mahalaga ang kasal namin!” Kaagad na lumapit si Shirley at hinawakan ang kamay ni Xavien Lancaster, habang nanunuyo, “Atsaka, alam mo namang hindi mabuting tao si Wilton. Nakita ko siyang pumapasok sa mga hotel room kasama ang iba’t ibang magagandang babae nang maraming beses. Tingin mo ba nandoon siya para makipag-usap tungkol sa negosyo? Mula sa inaasta nila, siguradong nandoon sila para magpasarap!” Tinignan ni Xavien si Fane nang nagdududa nang sabihin niya, “Kahit anong mangyari, di ka naman pwedeng kumuha na lang ng kahit sino diba? Anong pangalan ng lalaking ito?” “Siya… siya ay si Fane Woods.” Ngumiti si Shirley nang nahihiya at nagpatuloy, “Pa, kanina ko lang siya nakilala, at sinadya kong sabihin na boyfriend ko siya para magalit si Wilton. Gusto kong sumuko na siya, at mas magiging madali na ang lahat kung susuko na siya.” “Haha! Masy

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1117

    Natulala si Shirley nang marinig niyang lalabanan ni Wilton ang mga magulagn niya, at napaatras siya ng dalawang hakbang sa gulat. “Tara na Ate, bumalik na tayo. Magpahinga ka dapat nang maayos at ihanda ang isip mo para maikasal ka sa makalawa,” Bulong ni Hendrix, habang may nahihiyang ngiti sa kanyang mukha. “Di mo naman hahayaan ang isang seven-star King of War na burahin ang buong Lancaster family, diba?” “Hindi ko inakalang magiging ganito kawalanghiya si Wilton na aabot siya sa ganito para lang pakasalan ko siya.” Ngumiti si Shirley nang galit at tinignan si Xavien sa harapan niya at sumigaw, “Kasalanan mo ang lahat ng ito! Sinabi ko na sa’yo na mabuting bawasan mo ang pakikipagtulungan sa Norton family at huwag gawing masyadong malaki ang mga proyekto! Haha…! Ginawa mo yan para lang kumita nang malaki. Nakikita mo na ba ang nangyayari? Sinira mo ang kasiyahan ng anak mo sa buong buhay niya!” “Hay… alam kong ako ang may kasalanan dito, anak, at dapat nakinig ako sa’yo noong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1118

    Ngumiti si Shirley nang nanghihina. “Ano pa bang magagawa ko? Hindi ko inakalang mauudyok ko si Wilton na gawin ito kahit na ang tunay kong plano ay pasukuin siya. Wala akong ibang paraan para resolbahin ito, ngayong ginagamit niya ang ganitong mga paraan para takutin ako.” Ngumiti siya nang malungkot at bumulong, “Bahala na—di ko dapat ito masyadong isipin. Baka tratuhin niya ako nang maayos kapag ikinasal na kami.” Kahit na pinagaan niya ang kanyang loob sa mga sinabi niyang ito, alam na alam ni Shirley na si Wilton ay isang babaero. Paano siya sasaya kapag ikinasal na sila? “Sa makalawa ba ito mangyayari? Baka matulungan ka namin, kaya wag kang masyadong malungkot,” Lumapit si Fane at walang-bahalang nagsalita. “Ikaw?” Natulala si Shirley. Tapos umiling siya habang may malungkot na ngiti sa kanyang mukha. “Paano niyo ako matutulungan? Ang mga bodyguard na sinama ni Norton kanina ay mga karaniwan lang, pero marami silang mga master sa kanilang pamilya. Bukod pa riyan, kakilal

Pinakabagong kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status