Natahimik si Beth sa sinabi ni Fane. Dahil dito, lalong lumakas ang determinasyon ng iba pang mga henyo na talunin si Fane, kaya pinalibutan nila ito. Ang natitira pang iba ay hindi naglakas loob na lumapit sa kanila nung nakita nila kung gaano karaming mga master ang nagtipun-tipon sa lugar na ito. Ang kaya lang nilang labanan ay yung mga may mabababang kakayahan na makipaglaban at gawin ang kanilang makakaya para talunin ang mga ito. “Haha… Kung ganun, kakampi ka kay Fane, Beth? Patawad, pero mukhang nakalimutan mo ata ako—gusto ko ring talunin ang lalakeng ito!” “Lalo na, ang yabang niya at sabi niya na balak niyang magkampeon sa kompetisyon na ito!” At narinig nila ang magaspang na boses ni Martin, isang lalaking may malaking pangangatawan, habang magkasalikop ang mga braso nito sa kanyang dibdib. “Malaking problema ito. Ang dami nila!” Tinignan ni Beth si Fane na may nag-aalalang ekspresyon. “Haha… Huwag kang mag-alala. Dahil sa gusto niyo akong talunin, kailangan ko
“Paano… Paano nangyari to? Paano ako natalo?” Hindi makapaniwala si Hudson sa nangyari. Hindi siya makapaniwala na matatalo siya sa bastardong ito, ang son-in-law na ikinasal sa loob ng pamilya ng asawa niya na minamaliit niya. Malala ang pagkatalo niya sa harap ng maraming tao sa isang suntok lang. Talagang nawalan ng dangal si Hudson dahil doon. “Ano?!” Maraming tao ang tumigil sa paglalaban pagkatapos nilang nakita ang nangyari sa may entablado. Napanganga sila at ang kanilang mga baba ay halos dumikit na sa lapag.Higit pa doon, hindi niya inaakala na si Hudson—na may mataas na tyansa para manalo sa kompetisyon—ay matatalo lang kay Fane sa isang suntok lang. Hindi nakakatulong na si Hudson ay tuluyang natalo sa ganitong sitwasyon na kung saan kailangan nilang gamitin nila ang kanilang Chi. Pwede nilang sabihin na nagpatalo si Yule sa laban at hinayaan si Fane na manalo dahil sa magkapatid sila. Subalit, hindi nila naramdaman na nagpatalo si Hudson sa kompetisyon. “Ano?!”
Nang makita nila si Hudson, ang lalake na nakarating na sa final stage ng semi-god level, ay natalo ni Fane gamit ang isang suntok na gumulat sa lahat. Nagsimulang umikot ang mga komento sa may itaas ng observation stage. Bago to, nasasabi pa nila na plinano itong lahat ni Nash at si Yule ay nagpatalo kay Fane. Ngunit, malinaw na hindi nagpatalo si Hudson sa laban niya kay Fane. Ang limang tao na nakatayo sa harapan ni Fane ay hindi makapaniwala at bakas ito sa kanilang mga mukha. Nang makalipas lang ng ilang sandali saka si Liah, na naging seryoso ang ekspresyon ng mukha nito, ay nagsalita, “Ang lalakeng ito ay nasa mataas na antas, at magaling din siyang makipaglaban. Huwag niyo siyang mamaliitin. Atakihin natin siya ng sabay!” “Tama, atakihin natin siya ng sabay at unahin natin ang lalakeng ito. Hindi natin siya pwedeng hayaan na manalo. Wala na tayong mukhang maihaharap kapag nanalo siya at naging kampeon.” Kaagad na sumang-ayon si Martin. May pag-asa pa para sa kanila k
Ng bigla na lang, humiyaw si Fane habang kinukuyom niya ang kanyang mga kamao. Umapaw ang Chi sa kanyang mga kamao habang tinupi ni Fane ang kanyang tuhod at sumuntok. Ang grupo ng lima ay kalilitaw pa lamang sa harapan ni Fane, nakatutok sa kanya nung sumuntok siya. Inakala nila na ang kanilang atake, na kapag pinagsama, ay madadaig si Fane, na tatalo sa kanya. Yun ang aniniwala nila hanggang sa nakita nila ang wave sa kanilang harapan. Ang mga wave na ito ay mga ilusyon na sumugod sa kanila na galing sa mga kamao ni Fane ng walang humpay. Ang mga wave na ito ay nagsama-sama at naging isang invisible ngunit malakas na pwersa!Thoom!Isang malakas na pagsabog ang maririnig at ang malakas na pwersa ay tinangay ang limang tao palayo. Bumangga sila sa batong lapag na nasa ilalim ng competition stage na parang mga saranggola na may pigtal na sinulid. Puff!Ang lahat ng limang henyo ay walang humpay na sumuka ng dugo habang nasa ere, habang lumilipad dahil sa atake ni Fane.
”Ang galing! May pag-asa pa para makapasok tayo sa top five!” Hindi na gaano karami ang natitira sa stage sa mga sandaling iyon, at ilan sa mga lalake na nasa middle stage ng semi-god level ay natuwa sa pagkakataon na kanilang nakita. Akala nila ay imposible na para sa kanila na makapasok sa top five ng kompetisyon, pero hindi nila inaasahan na si Fane ay tatalunin ang lima o anim na master sa isang atake. Kahit ang mga henyo na katulad nila Hudson, Martin, at Liah—na nasa huling stage na ng semi-god level—ay natanggal na sa paligsahan ni Fane. “Ano… ?” Si Beth, na nakatayo malayo kay Fane, ay nagulantang. Siya ang anak na babae ng First Elder, at binilin sa kanya ng kanyang ama bago ang kompetisyon na tulungan si Fane kapag meron siyang pagkakataon. Hindi nila inaasahan na ang kakayahan nitong makipaglaban ay higit pa sa kanila.Nagulantang siya nung nakita niya ang eksena sa kanyang harapan. Pareho sila nakatayo ni Fane sa may stage, pero walang sinuman ang naglakas loob n
Ang mga taong nakakuha ng posisyon sa top five ay nakakuha ng first-grade premium spirited grass bilang kanilang pabuya, at natuwa sila. Sila Hudson, Martin, at ang iba pa ay nakaupo sa lapag sa ibaba ng stage habang ginagamot ang kanilang mga sugat, habang masama ang kanilang mga loob. Nung una ay umaasa sila na mapasama sa top five at makakuha ng spirited grass, pero bukod sa natalo sila ni Fane, nabigo din silang makakuha ng spirited grass. Sinilip ni Hudson si Lily na nakaupo sa may observation stage at naisip niya, 'Kung hindi ko lang naisip ang mga pabuya na ibibigay sa akin ni Lily. Ngayon, wala na tuloy natira sa akin!'Ang lahat ng nangyari pagkatapos ay katulad ng inaasahan ng lahat: kinoronahan si Fane na kampeon habang si Beth naman ang first runner-up. "Hayaan niyong ipaalam ko sa inyo na ang martial arts competition ay tapos na. Binabati ka namin Young Master Fane sa pagkapanalo mo sa kompetisyon at sa pagiging tagapagmana ng family master. Nakuha niya ang karapa
Hindi inaasahan ni Fane na hindi na mapipigilan ng Third Elder ang sarili nito at hinarap siya para pagmukhaing masama. Walang emosyon siyang ngumiti at tinitigan ang Third Elder na nakatayo sa may taas ng observation stage. “Talaga?” Hamon nin Fane. “Pwede niyo po bang ipaliwanag kung bakit kayo tutol sa aking desisyon?” Sumagot ang Third Elder, “Simple lang naman. Ang Cryo Pearl ay isang kayamanan na nahirapan kaming makuha, kaya mas mainam maingat natin itong gamitin. Kailangan natin pag-isipan ang halaga nito bago natin ito gamitin. Wala naman masama kung gagamitin natin ang Cryo Pearl sa family master o sa iba pang mahalagang tao ng Woods family.” Hinayaan niya munang manuot ito bago niya dinagdag, “Pero para gamitin ito sa iyong kapatid, na isang tagalabas… Hindi ba’t hindi ito nababagay, tama ba?” Nang maansin ang katahimikan ni Fane, nagpatuloy siya, “Ito ay isa a lamang sa mga rason. Ang pangalawa ay dahilsa ang Cryo Pearl ay wala namang kakayahang magpagaling. Bukod sa
Hindi tanga si Nash, napansin niya kung ano ang sinusubukang gawin ni Wade. Ngumiti siya at tumayo. “Sa totoo lang, ang Cryo Pearl ay isang kayamanan nung nasasabi natin ito dahil sa kaya nitong balutin ng yelo ang isang lugar na kasing lawak ng isang kwarto. Kahit na malapit ka ng mamatay, kaya pa rin nitong panatilihin ang kondisyon ng isang tao pagkatapos manigas gamit ng Cryo Pearl. Ngunit, ang perlas na ito ay hindi rin maituturing na isang kayamanan dahil sa wala naman itong kakayahan na makapagpagaling. Wala na itong iba pang kayang gawin bukod sa gawing yelo ang anumang bagay.”Maraming tao ang sumang-ayon pagkatapos nilang marinig ang sinabi ni Nash—na mukhang ang Cryo pearl ay hindi naman isang mahalagang bagay. Nang humupa ang ingay ng diskusyon ng mga tao sa paligid, nagpatuloy si Nash sa pagsasalita, “Bukod doon, isa tayo sa Eight Reclusive Families, at lagi nating tinutupad ang ating pangako. Dahil sa nangako tayo na ibibigay natin ang perlas sa kampeon at si Fane ang
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin