”Pasensya na, pero hindi ako aalis!” ang sabi ni Fane habang palihim siyang ngumingisi. “Pero, hindi ko rin pupwersahin ang daan ko papasok. Ayos lang na manatili dito at hintayin na dumating ang butler. Naniniwala ako na malapit niyo nang malaman kung anak nga ako ni Nash Woods!”Natahimik sandali si Fane habang tinitingnan niya ng masama si Brenton bago siya muling nagsalita, "Mukhang ayaw mong makita ko si Nash, tama ba ako?" "Bwisit! Tutal ayaw mong umalis, katapusan mo na, bata!" Tumingin si Brenton sa likod niya. Winasiwas niya ang kanyang espada papunta kay Fane, natatakot siya na makita nila Titus sila Fane kapag tumagal pa ito. Whoosh!Lumipad papunta kay Fane ang isang nakakatakot na sword aura. Walang magkakamali sa intensyong pumatay sa likod ng atakeng ito. Whoosh!Sa kabila ng malakas na atakeng ito, nanatili lamang nakatayo si Fane habang si William, na nakatayo sa tabi niya, ay binunot ang kanyang espada at lumipad ang isang nakakatakot na sword aura. Agad nito
Nanlaki ang mga mata ni Mindy noong nakita niya kung ano ang naging reaksyon ng butler.“Oo, ganun na nga!” Masayang tumakbo papasok ng bahay si Titus pagkatapos niyang magsalita.“Titus, anong nangyayari? Importanteng bagay ba ang pakay ni Mindy dito?” Nakaupo na sa kanyang higaan si Nash. Kahit na nanghihina siya, nagawa pa rin niyang umupo habang nakasandal siya sa headframe.“Master, magandang balita! Isa itong napakagandang balita! Dumating si Joan kasama si Young Master Fane at nasa paanan sila ng bundok ngayon!” Agad na sinabi ni Titus ang balita kay Nash ng puno ng kasiyahan. “Hintayin mo kami dito, susunduin namin sila ni Beth!”Nakahanda nang umalis si Titus kasama si Beth pagkatapos niyang magsalita.“Totoo ba yan? Maganda yan! Sandali lang, gusto ko ring sumama. Gusto ko silang personal na salubungin dito!” Subalit, masayang tumayo si Nash at gusto niyang sumama sa kanila.“Master, hindi ka na nga makatayo ng diretso sa kondisyon ng katawan mo ngayon. Mas mabuti kung
Whoosh! Whoosh!Dalawang anino ang tumalon mula sa batong hagdan sa may itaas sa loob ng ilang segundo bago bumaba malapit kay Fane at sa iba pa. Kaagad silang tinignan nila Lana at William habang naka alerto. “Ito…” Walang masabi si Titus habang nakatingin siya sa dalawang bangkay na ansa lapa.. Bakit pinatay ni Fane ang mga ito kung kararating lang niya dito? Bukod pa doon, ang Ninth Patronum—si Brenton Woods, na matagal na nilang gustong iligpit ay isa sa mga nasawi. “F...Fane!” Sa mga sandaling ito, hindi pinansin ni Nash ang mga bangkay na nasa lapag at tinignan si Fane habang bahagyang nanginginig ang katawan nito sa sobrang galak. Sinubukan ni Fane na magsalita pero pakiramdam niya ay bumara sa kanyang lalamunan ang mga salitang nais niyang sabihin. SA bandang huli, wala siyang nasabi. “Joan, anong…anong nangyari dito?” Mapait na ngumiti si Nash at lumingon para tignan si Joan. Magandang bagay na bumalik na si Fane. Malaki na ang kanyang anak at matanda na. Natuwa
Pagalit na nagsalita si Nash, “Lahat kayo, ang Ninth Patronum ay isang ambisyosong tao. Ito ang aking anak na si Fane at ito si Joan, ang aking babae. Hindi ko siya naalagaan ng maayos noon at ibabalik ko na sa kanya ang kanyang katayuan. Opisyal kong inaanunsyo ngayon na siya ang pangatlong madam!” Huminto sandali sa pagsasalita si Nash bago nagpatuloy, “Wala akong kaalam-alam na ang Ninth Patronum ay kakamkamin ang pera at cultivation resources na inutos ko sa kanyang ipadala. Ngayon na nahanap ko na ang aking anak, gusto niya silang patayin para pagtakpan ang kanyang ginawa at para pigilan sila na makaakyat sa bundok. Swerte na lang at malakas at magaling makipaglaban ang kaibigan ng aking anak at napatay nila ito!” “Ikaw… Ikaw si Young Master Fane?” Kaagad na lumapit ang matandang lalake na may pulang buhok at nasasabik na sinabi, “Magaaling! Ang iyong pagbabalik ay isang magandang balita! Haha… May tagapagmana na ang Woods family! Narinig ko na isa kang talentadong tao! Isa
Sobrang dilim ng ekspresyon nib Lily. Natural lang para sa mga miyembro ng Woods family na umasa para kay Fane na bumalik at pamunuan ang pamilya pagkatapos nilang malaman ang sitwasyon. Umaasa sila na siya ang maging tagapagmana ng Woods family. “Haha… Mukhang hindi ito tama. Kahit na si Young Master Fane ay ang anak ng master, lahat naman tayo ay maituturing na miyembro ng Woods family. Ang posisyon ng tagapagmana ng family master ay napakahalaga at hindi natin ito pwedeng tratuhin na lang ng basta basta!” Isa pang binata na mula sa Woods family ang nagbigay galang at malamig na tumawa. “Oo, ang posisyon ng tagapagmana ay hindi dapat pinagdedesisyunan ng basta basta. Ang aking anak ay miyembro din ng Woods family at dala ang Woods family bloodline. May talento din siya. Dahil sa ginagalang ng mga tao ang malakas, ang tagapagmana ay dapat pinipili base sa talento ng isang tao!” Ang ama ng binata ay isa sa mga elder na kaagad na lumapit para suportahan ang kanyang anak. Sa mga s
Ngunit, may nakita si Fane na isang matabang babae na nakatayo sa likuran ni Lily at ng iba pa. Ang ekspresyon ng mukha ng babae ay dumilim ng makita niya si Fane. Umarte siya na para bang natatakot siya na baka madiskubre siya kaya lumingon siya at handa ng tumakas. Biglang namutla ang mukha ng babae pagkatapos niyang marinig na sinigawan siya ni Fane. Huminto siya sa kanyang kinatatayuan na hindi alam kung ano ang kanyang susunod na gagawin. Ang iba ay napatingin sa kung saan nakatingin si Fane at ang taong tinawag ni Fane ay ang katulong ni Lily, si Yvette. “Matabang babae, nakalimutan mo na ba ang ginawa mo? Hindi ba’t nagkita na tayo limang taon na ang nakakaraan noong lumuhod ako dito ng isang buong gabi, nagmamakaawa na makita ang aking ama?” Malamig na ngumiti si Fane habang sinasabi ito. Ang matabang babae ay napalingon a ang kanyang mga mata ay palinga-linga. Inutal niya, “Young Master Fane, nagkakamali ka ba ng naaalala? Kailan pa tayo nagkita? Ito ang unang beses n
“Tama siya, Young Master Fane. Ikaw ang anak ng master—iyon ay isang bagay na hindi mababago. Iyon ang dahila kaya ka namin kikilalanin. Pero hindi basta basta pwedeng pumatay ng tao mula sa Lagorio family ng ayon lang sa kagustuhan mo!” Isa pang matandang lalake ang nagsalita. “Pwera na lang kung ito ang munti mong regalo sa iyong pagbabalik?” Sinabi nito kayb Fane. Nagsalubong ang kilay ni Fane nang makita niya na marami sa mga miyembro ng Lagorio family ay lumapit sa kanya. Marami sa mga elder, at pati si Lily, ay sinabi ang lahat ng kanilang opinyon. Mukhang ang Lagorio family ay may malaking impluwensya sa Woods family. Higit pa doon, ang insidenteng ito ay nangyari limang taon na ang nakalipas. Merong dalawa o tatlong daang saksi, pero nagpakita silang lahat dito kasama ng matabang babae na ito. Sigurado siya na magkakasabwat ang mga ito, at wala sila sa posisyon na kasing taas ng kay Yvette. Kung ganun rin lang naman, malamang na hindi magsasabi ng totoo ang mga taong i
Galit na galit si Nash. Hindi niya naisip na magkakagulo ang lahat ng dahil lang sa pagbabalik ni Fane. Tinitigan niya ng masama ang mga tao sa paligid. “Pagdedesisyon natin ito bukas,” sabi niya. “Kakarating lang dito ni Fane. Hayaan muna natin siyang makapagpahinga. Pag-usapan na lang natin ito bukas!”“Sige!”Marami ang tinikom at tinaas ang kanilang mga kamay at ginawa ang fist-to-palm salute. “Naku po. Narinig ko na nakabalik na ang pangatlong asawa ni Nash. Nasaan si Young Master Fane? Gusto ko siyang makita…” Sa mga sandaling iyon, si Lizzie, ang pangalawang asawa ni Nash, ay bumaba mula sa bundok, na may kasama na ilang tagasunod. Narinig niya ang balita at bumaba para makita kung ano ang nangyayari. “Lizzie, siya ang aking anak, si Fane. Siya si Joan. Simula sa araw na ito ay asawa ko na siya!” Bahagyang ngumiti si Nash nung nakita niya si Lizzie na papalapit at ipinakilala niya sila dito. “Tsk, tsk. Kung ganun ay ito si Young Master Fane? Napakagwapo at kisig na
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin