Sinabi ni Tao kay Fane nang may matinding galit. “Ipapaghiganti din namin ang anak ko ngayon!” Tinignan nang masama ni Louis si Fane nang magngitngitan ang ngipin niya. Ngunit si Charles na nasa tabi nila ay sumimangot nang tanungin niya si Dylan at Jaxon, “Anong nangyayari? Bakit ang daming tao dito? Diba sinabi mo sa amin na wala gaanong tao dito? Mukhang may mga taong mula sa ibang pwersa dito!”“Bwi*it! Anong nangyari? Bakit nandito rin ang mga Gods of War?” Kaagad na nakilala ng isang tao si Ethan at ang iba. Nagdilim ang mukha nila. Kahit marami sila, apat lamang ang mga master na nasa semi-god ang lakas na kayang tapatan ang mga Gods of War. Di lamang mga tunay na master na nasa semi-god level ang mga God of War, ngunit ang ilan sa kanila ay mga nasa mid-tier o nasa huling bahagi ng semi-god level. Nalinang sila ng karanasan sa pakikipaglaban. Kung ganon, ang pinakamalakas sa kanila ay walang laban sa grupo ni Fane. Lalo pang napasama nang magdala si Fane ng marami
”Paanong nangyari yan? Ang… ang bata niya! Paano siya naging Supreme Warrior?” Mukhang hindi makapaniwala si Dylan. Umiling siya nang walang-tigil, hindi matanggap ang narinig niya. Ngunit ang mga God of War na nasa harapan nila ay kilala ng publiko. Pamilyar pa rin sa kanila ang mukha ng mga taong ito. Kaya hindi nagsisinungaling sa kanila ang mga God of War. Si Fane—ang lalaking nakatayo sa harapan nila—talaga ang Supreme Warrior at ang guro nila. “Ang taong binangga namin… ay ang Supreme Warrior?” Wala ring masabi si Jaxon. Hindi sana niya pakikiusapan ang mga magulang niya na ipaghiganti ang Wagner family kung alam lang niyang si Fane ang Supreme Warrior. Sa kasamaang palad, huli na ang lahat. “Patayin niyo sila!” Hindi nagpigil si Fane. Sa isang kumpas ng kamay niya, nag-utos sita. Nauunawaan niya na ang parehong pamilya ay mga malalaking pwersa, at ang mga taong nagpunta ay talagang malalakas na mga master mula sa mga pamilyang ito. Kapag nanatili pa silang buhay, maa
Buong-lakas na sumigaw si Tao at sumugod kay Fane habang hawak ang isang malaking spada. Ngunit hindi man lang siya nakalapit nang patayin siya ni Ethan gamit ng isang sword aura. Nang ganun lang, 1000 master ang namatay sa loob lamang ng sampung minuto. At para naman kay Fane at sa mga tauhan niya, nagtagumpay sila habang kaunting tao lamang ang nawala sa kanila at ilang tao ang nasaktan. “Haha! Ang sarap sa pakiramdam! Ang tagal na mula noong napunta ako sa isang malaking labanan!” Isa sa mga matatandang lalaki mula sa isang first-class aristocratic family sa City of Martial Arts ang tumawa nang malakas. Tinignan ni Fane ang oras at sinabi, “Huli na tayo. Siguro maraming gamit ang mga taong ito. Ang mga sandata at ibang bagay ay mukhang maganda! Dapat kwentahin ng lahat ang mga gamit nila at ibahagi ang mga gamit sa atin at lalabas tayo para mananghalian!”Musika ito sa pandinig ng lahat. Kahit anong mangyari, ang mga kalaban nila ay mga kilalang tao mula sa makakapangyari
Tumango si Brenton sa utos ni Lily sa kaalamang hindi siya matatahimik hanggang sa mahanap, makabalik ng Woods family, at maging tigapagmana si Lance. Gusto niya ring mahanap at patayin si Fane. Kahit mangyari, walang magandang mangyayari kay Brenton kapag nabunyag ang ginawa niya. Nirerespeto pa ring ng mga miyembro ng Woods family si Nash at sinusunod ang bawat salita niya. Pag-alis ni Brenton, ang third elder ng Woods family na si Wade Woods ay pumasok sa kwarto ni Lily. Umupo si Wade at tumingin kay Lily. “Hay… hindi pa rin nila nahahanap sila Lance.”Uutusan niya ang dalawang disipulo niya na bantayan ang lugar sa bakuran tuwing papasok siya sa kwarto nito para mas ligtas na pumunta siya nang palihim sa kwarto ni Lily. Kahit anong mangyari, walang nakakaalam sa lihim nilang relasyon. Syempre, dahil parehong inatasan ni Lily at Nash si Wade na mamuno sa paghahanap kay Lance at sa iba, natural lang na madalas siyang pupunta at magbabalita kay Lily. “Hay!” Sumimangot si
Sinuyo ni Wade si Lily nang dumaan sa likod ni Lily ang kamay niya. “Saan papunta ang kamay mo?” Tumingin nang maharot si Lily kay Wade bago ito halikan. …Sa susunod na umaga, inutusan ni Brenton na bumalik ang mga tauhan niya. Hindi nila alam nagsimula nang mag-impake si Fane. “Master, nabawasan ang buhay sa katawan ni Fernando. Mukhang lima hanggang anim na araw na lang ang itatagal niya.” Sinuri ni Ethan ang katawan ni Fernando at tumingin kay Fane nang nag-aalala. Tumango si Fane. “Mayroong pamana sa Woods family namin na makakatulong magpahaba ng buhay ng tao. Masisiguro nito kahit paanong hindi mamamatay si Fernando. Aalis na kaagad tayo.”“Gusto ko rin sumama!” Sumabat si Fiona. “Diba sinabi mo ang Woods family ay isang reclusive family? Dahil isa itong maalamat na pamilya, sigurado akong marami silang magagandang gamit na makakatulong na magpahaba ng buhay ng tao diba? Dahil ikaw ang young master ng Woods family, hindi naman siguro problema kung bibigyan mo kami di
”Haha. Magaling! Basta determinado ka!” Tumawa si Gane nang marinig ang sinabi ni Ben nang idagdag niya pagkatapos, “Kahit hindi ko pa naririnig ang isang cultivation na makakapagpahaba ng buhay, nakakapagpalakas at nakakapagpakinis ng balat ang cultivation. Magkakaroon din ng bukod-tanging spiritwalismo ang katawan mo!”Huminto si Fane bago niya ilinaw, “Hindi ito masyadong halata sa mga taong nasa martial artist-level. Mas makikita ito kapag naabot ng tao ang semi-god-level!”Naisip ito ni Fiona at tinanong si Fane, “Sinong kailangan mong kasama para sa biyaheng ito?”“Pwedeng sumama sa akin si Selena, si Ben at si Elaine,” Sagot ni Fane/ “Bukod pa riyan, si Lana, Ethan, William at ang nanay ko ay kailangan din sumama sa akin. Sapat na siguro yun, dahil hindi masyadong mainam kung marami tayong pupunta doon!”“Honey, diba sinabi mo ayaw sa’yo ni Lily at nagpadala pa ng tao para patayin ka noon? Mapapahamak ba tayo kapag bumalik tayo nang ganito?” Naisip ito ni Selena at medyo nag
Pinagsalikop ni Brenton ang kanyang kamay at pinasalamatan si Lily nang magsalita siya, “Salamat Madam. Ang pinakamasayang sandali ng buhay ko ay noong makapagsilbi ako sa’yo Madam. Bahagi ito ng responsibilidad ko kahit anong mangyari. Bukod pa riyan, naniniwala ako sa husay ng pinakamatandang young master. Hiling ko na sana maging family master na kaagad ng Woods family si Young Master Lance.”“Haha… wag kang mag-alala. Ang magsagawa ng mga gawain para sa akin ay nangangahulugang nagtatrabaho ka para sa Lagorio family, at hindi kita tatratuhin nang masama. Kapag nahanap atin ang anak ko at maging family master siya ng Woods family, hindi rin kita itatrato nang masama. “Dapat magsikap ka para pataasin ang cultivation mo, at maiaangat kita sa posisyon ng elder kapag nagawa mo yun,” Alok ni Lily habang nakangisi. Nasabik ang Ninth Patronum nang marinig niya ang alok nito at kaagad itong lumuhod gamit ang isang tuhod. “Salamat, Madam! Magsisikap ako para hindi ko kayo mabigo!”Umal
Sa mga sandaling ito sa loob ng isang bahay, muling sumuka ng dugo si Nash. Mas maputla na ngayon ang kanyang mukha, at tila mas nangayayat siya ngayon.“Ilang araw na ang lumipas. Bakit wala pa rin dito si Fane? Hindi na ba siya darating?" Nalungkot si Nash nang maisip niya si Fane. "Ang lahat ng ito ay dahil sakin. Dahil 'to sa kawalan ko ng kapangyarihan noon kaya hindi ko nasubaybayan ang paglaki niya. Naghirap siguro siya ng husto. Hindi… Hindi na nakapagtataka na galit na galit siya sakin…" Pinalubag ng butler ng Woods family, na si Titus, ang kalooban ni Nash, "Huwag kang mag-alala, Master. Nararamdaman ko na isang mapagmahal na anak si Fane. Bukod dun, hindi mo naman sila binalewala. Pinakiusapan mo ang Ninth Patronum para magpadala ng pera at mga cultivation resources kay Fane. Sinong mag-aakala na magsisinungaling ang Ninth Patronum na maganda ang buhay nila Fane."Humigpit ang pagkakakuyom ng mga kamaovni Titus habang nanggagalaiti siya, "Malamang nagsisinungaling siya n
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin