Home / Romance / Not Your Ordinary Cinderella Story / Chapter 6 Epic Encounter (Lyah’s POV)

Share

Chapter 6 Epic Encounter (Lyah’s POV)

Author: Miss Elle
last update Huling Na-update: 2022-11-11 15:18:23

THREE MONTHS AGO…

“Bring it on, keychain! I’ll take you on.”

Ilang weeks kong inabala ang sarili ko sa keychain na ito. I wrote my full name on a small piece of paper at lagyan ng design sa gilid. And the result did not fail my efforts. It fit perfectly sa keychain! Ang ganda niya tingnan dahil ang mga kulay, tila lalong nabigyan ng buhay nang ilagay ko na sa loob ng keychain ang papel.

“This is my masterpiece!”

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. Nagbabasa ako ng manga dito sa kwarto ko, pampalipas ng oras habang naghihintay ng alas dose. May inaabangan akong anime sa TV, nang hindi sinasadyang lumipad ang isip ko sa nakaraan. Remembering the past in this unexpected situation is kind of a bad omen. 

Mamamatay na ba ako?

Wala sa sariling kinuha ko ang wallet kung saan nakakabit ang keychain. Naroon pa naman.

Naalala ko pa ang sinabi noon ni Mama. Nagandahan siya sa ginawa ko pero pinagalitan pa rin ako. 

“Bakit full name ang nilagay mo? Baka may mangulam sa iyo niyan, o kaya gayumahin ka, bahala ka!”

Honestly, hindi ko iyon inaasahan mula kay Mama. O baka naman inaasar niya lang ako? Either way, iningatan ko na lang ang keychain. Ngayon nga ay isa’t kalahating dekada na siya sa akin. I considered it as a lucky charm na rin dahil puro magagandang bagay ang naranasan ko for the past years.

“AJ, lumabas ka!”

Or not.

Ang bunganga ng demonyitang kaibigan ko na si Elsa ang balakid sa buhay ko. Sa sobrang lakas, dumadagundong sa loob ng bahay kapag narito siya. Kakatok lang naman.

Lumabas na lang ako ng kwarto ko para tingnan kung anong dahilan ng panggugulo niya sa mainit na panahon.

“Hoy, Mare, ano na?! Ikakasal na’t lahat-lahat ang ex mo, ikaw broken pa rin! Move on na,” bungad nito nang pagbuksan ko siya ng pinto.

Pasalamat siya at nasa likod-bahay sina Mama’t Papa at nagsisiesta, kung hindi supalpal siya sa akin. Walang alam ang mga magulang ko sa pagbo-boyfriend ko noon.

“Eh ano ngayon?!” asik ko sa kanya which is a wrong move.

This girl’s imagination is too narrow for human thinking. Kahit wala namang pakahulugan sa akin, o kaya naman talagang naiinis lang ako, isisisi niya ang mga violent reaction ko sa paghihiwalay namin ng ex ko. She just don’t understand!

Naupo siya sa upuan na gawa sa kawayan. 

“Eh ano ba kasing gusto mo sa lalaki? Huwag mong idahilan na pihikan ka, tadyakan kita.”

She had been pestering me about getting a guy and setting me up for blind dates for almost five years now kahit na noong kami pa ni Arjay.

“Anong gusto mong marinig?!” I rolled my eyes at her. Humalukipkip din ako sa harap niya.

Kung sasabihin ko sa kanya na hindi ako interesado sa lalaki, hahaba lang ang usapan at mga ideals niya lang din ang igigiit niya sa akin. Tulad noong mga nakaraan, panay ang turo niya sa mga lalaki na kesyo magugusuhan ko rin, mga tambay pa sa kanto ang tinuturo.

Like what the fuvk?! Anong tingin niya sa akin, kahit sino pwede? Eh piling-pili ko nga ang nag-iisang ex ko na si Arjay, tapos hindi pa nadagdagan. And one more thing, the kilig factor lost its purpose in me when I turned to the age where I should be enjoying the romantic fantasies.

“AJ naman eh. Halos lahat ng batchmates natin, naka-graduate na, may asawa’t anak na. O tapos iyang ex mo, ikakasal na. Ang walang hiya, hindi na nahiya, in-invite ka pa. Wala ka bang ipapakitang boylet man lang? Sumagi man lang sa isip naming lahat na naka-move on ka na doon sa lalaking iyon?”

“Hindi ba pwedeng maging masaya na lang tayo para sa kanya? Big deal?!” 

“Hoy, babae, talagang big deal iyon! Hindi ka na nagka-boyfriend after ng almost four-year relationship niyo ng ex mo. Ang akin lang naman girl, concern lang ako sa ’yo. Mahirap mag-move on, alam ko. But it’s been two years na since your break-up. Malay ko bang deep inside, nagbe-break down ka riyan, hindi ka pa nagsasabi.”

That’s it! Nakuha niya ang punto, but she looked it in another way.

“You’ve said it yourself, Elsa. It’s been two years na. Bakit hanggang ngayon, iniisip mo pa rin na I’m still into him? I am so busy to even think of him for a second!”

I rolled my eyes at her. Ilang beses ko ba paiikutin ang mata ko? Sumasakit na!

“Allyah Jane Fernandez, linawin mo naman kasi sa akin. Iyong maayos, na naka-move on ka na sa gagong iyon.”

I give up. Bumagsak ang balikat ko sa narinig. Ang hirap magpaliwanag sa mga taong in a relationship. Animo’y tingin nila sa mga single, kailangan ng partner o kaya naman, bitter. 

Huwag naman lahatin!

“Elsa Ocampo, anong klaseng maayos na paglilinaw ang kailangan mo?”

“Boyfriend. Dapat sa wedding ng ex mo, may kasama kang boyfriend,” she said smiling. Anticipation is visible in her eyes.

Natapik ko ang noo ko But since I know this girl, explaining further will only make her think na hindi pa ako nakaka-move on, o kaya naman, may sikreto ako na hindi sinasabi.

Kung nakikinig lang kasi siya sa gusto kong iparating. At kung hindi lang sa cute niyang anak na inaanak ko sa binyag, matagal ko nang pinutol ang friendship ko sa kanya. 

“Hindi na lang ako a-attend,” mahinahon kong sabi. Sinusubukan kong itago ang pagkairita ko.

“See?”

My eye brow reached its peak. Huminga na rin ako nang malalim para kalmahin ang sarili. Kaunti na lang, bubulyawan ko na siya.

“Next two months na ang wedding niya. At hindi ako makakahanap ng guy na papasa sa panlasa mo bilang boyfriend ko!” 

Ang hirap bang intindihin ang simpleng “naka-move on na ako?” And honestly, ang tagal na noon!

“It is your problem.” Tumayo na rin siya at nakipagtaasan ng kilay. “At isa pa, tigilan mo na nga iyang kaka-anime mo. Hindi ka na bata! Ano? A sa AJ mo, stands for anime?”

With this, I snapped.

“Lalayas ka. O gusto mong basagin ko iyang pagmumukha mo bago ka makalabas ng bahay?”

“Iyan, napapala mo sa mga pinapanood mo. Anyways, aalis na rin naman ako. But mind you, I am expecting this boyfriend of yours. Hindi ko na ipahihiram sa iyo si Jayme. Gusto mo ba iyon, AJ?”

I sighed. “You’re impossible.”

Hinding-hindi ko na siya mahihindian ngayon. 

“That’s settled then. I am looking forward to this boyfriend of yours. Papahiramin ko muna sa’yo ang baby Jayme ko ng ilang araw. Uuwi ang asawa ko. Alam mo na.”

Tumango na lang ako para matapos na ang pag-uusap na ito.

“Pakiusap, lumayas ka na.”

At ang bruha, she took a quick shot of me and left with her evil laugh echoing in the house. Tsk, this witch!

Hindi ko na kailangan ng lalaki—ngayon lang, para iharap kay Elsa sa araw ng kasal ng ex ko. Hindi pwedeng hindi ko makita ang inaanak ko, over my dead body.

Ang galing niya nga mag-isip eh. On-the-spot. At dahil ayaw kong humaba pa ang usapan na in the end, mga kagustuhan niya lang ang mapag-uusapan, pumayag na lang din ako. At isa pa, weakness ko ang anak niya. 

Kidnapin ko iyon, eh. Hindi ko na ibalik kahit magbigay pa siya ng ransom na limang daang piso.

I picked up my phone to look for someone available, iyong tamang escort lang at hindi magyayaya ng friendly date. I am scrolling down on the screen nang may tumawag. I accidentally answered it. Nilapit ko na lang iyon sa tainga ko para pakinggan kung anong mayroon at kailangan pang tumawag.

[Kumusta? Katamad. Four months na bakasyon. Ano pinagkakaabalahan mo ngayon?]

And calling me at the worst time in my worst mood is my friend from college—Neil De Jesus. We are in the same course and block. And here I thought, may update siya about sa school.

Bago pa ako makasagot sa mga nauna niyang tanong, may pahabol pa siya.

[Kumusta ang lovelife?]

Tinatamad na ako sa ganitong topic, sana siya din. Hindi ko na lang siya sinagot, bagkus pinakita ko sa kanya na wala ako sa mood.

“Bakit tumatawag ka? Kung wala namang kwenta ang sasabihin mo, ibaba mo na.”

He chuckled. [Na-miss kita. Bawal ba? Maghanap ka na kasi ng boyfriend at nang may katawagan ka na. Kaya ako ang tumatawag sa iyo, para naman kahit papaano, may lalaki sa call history mo.]

“Ay ipagpapasalamat ko pa pala iyon?”

Ibababa ko na sana ang tawag nang maalala ko ang deal ni Elsa. What if I seek help from Neil?

Tsk, forget. Binaba ko na lang ang tawag.

Napabuntong hininga ako. Pakiramdam ko, pagod na pagod ako.

Maglalakad-lakad na lang ako.

Kinuha ko ang wallet ko saka lumabas. Pagbukas na pagbukas ng gate, sinalubong ako ng malakas at malamig na hangin. Kahit summer, masarap sa pakiramdam ang dala ng hangin. May mga tinatangay pa na pink na dahon ng bouganvilla.

I tucked my hair behind my ear and started to head out. 

Walang katao-tao sa daan which is good to me. Mamaya, salubungin na naman nila ako ng tanong na bakit hindi ako naglalalabas. Tapos mauwi pa sa pagbo-boyfriend ang topic.

Speaking of, tiningnan ko ulit ang phone ko para maghanap ng escort. At kung may ikaiinis pa ang araw ko, hanggang gabi na ito. 

Sakto na kaka-expire lang ng load ko. Buti at nasa tapat lang ako ng tindahan na ilang bahay din ang layo mula sa amin, hindi ako magwawala sa daan sa sobrang inis.

Nang makapagpa-load na ako ay napagpasyahan ko na tumambay na lang. Mauupo na sana ako sa resthouse na nasa tabi lang ng tindahan nang mapatingin ako sa gawi ng lalaki. Nakatayo siya malapit sa poste. 

He’s like one of the men in Otome game. He has this aura that will make any women look his way. Wala sa sariling humakbang ako palapit sa kanya upang mapagmasdan siya.

Ang gwapo niya sa malapitan. Nakakasilaw ang kaguwapuhan niya. May hikaw din siyang kulay itim na bagay na bagay sa badboy niyang pustura. Ang height niya ay lagpas five feet, ang braso niya na maugat, ang abs niya—yummy! Tapos ang umbok—

I gasped!

Bakit n*******d siya?!

“Master, leave her alone. Baka budol-budol na iyan.”

Budol-budol? Wala namang gano’n dito sa amin ha?

Tumingin ako sa paligid para alamin kung ano iyong pinag-uusapan nila.

“Master, run!”

What the heck?! Makasigaw naman itong matandang ito, parang nakakita ng multo. At iyong isa naman, tumakbo rin. Parang mga baliw ito. Wala naman ibang tao sa paligid bukod sa akin.

When that thing hit my head again, I snapped.

“Mga walang hiya! Ako ata tinutukoy ng mga iyon. Huwag na huwag lang silang magpapakita sa akin. Pipilipitin ko mga leeg nila.” 

Bwisit! 

Kaugnay na kabanata

  • Not Your Ordinary Cinderella Story   Chapter 7 Mr. Abs (Lyah’s POV)

    IN ONE month, ikakasal na ang ex ko at wala pa akong pangregalo. Tumingin-tingin ako sa online. Marami naman akong nakita, pero parang gusto kong sa bahay na lang ang mga iyon. Ang gaganda kasi. And since I’m not that good with this kind of thing dahil puro lang pera ang binibigay ko as a gift, I will call for help.“Mama!”Hinanap ko sa buong kabahayan si Mama. Nakita ko siya sa likod-bahay na nagdidilig. Sa tabi niya ay ang bantay namin na si Mochi, taga-hila kapag sumasabit ang hose.“Alas kwatro pa lang, Mother!”Sinara ko ang gripo na sinuklian niya ng matalim na tingin. Niyakap ko na lang siya.“Ma, pasama ako sa bayan. Bili ng pangregalo sa kasal ng ka-batch ko.”Marahan na pinalo ni Mama ang braso ko kaya bumitaw ako. Umupo kami sa bench.“Ilang beses na kita sinamahan sa pamimili ng pangregalo mo sa parehong okasyon, magsawa ka naman! We always end up buying for our own, t

    Huling Na-update : 2022-11-11
  • Not Your Ordinary Cinderella Story   Chapter 8 My World (Lyah’s POV)

    PIYESTA NGAYON sa amin. Dalawang buwan na lang, August na—pasukan na naman. At dalawang linggo na nang mawala ang keychain ko, este, kinuha ng Kris na iyon. Iyon ba ang dahilan kung bakit niya sinabi na magkikita ulit kami?He could have just asked me nicely, hindi iyong kukunin niya ang keychain ko!Hindi na rin ako madalas lumabas ng kwarto. Nagtataka na nga si Papa kasi dati, kapag oras ng alas dose, nasa sala na ako at nanonood ng anime. Ngayon, nasa kwarto lang ako at nagmumukmok.“AJ, labas!”Napapikit ako nang mariin nang marinig ang sigaw ni Elsa. Ilipat ko sa may gate si Mochi para hindi na siya nakakarating sa terrace eh.“AJ, labas na muna. Kalimutan mo muna iyang minumukmok mo riyan,” ani Mama.Pinuntahan niya ako rito sa kwarto ko nang hindi ako lumabas para salubungin si Elsa. Alam ko na kasama niya ngayon ang anak niya pero wala talaga ako sa mood.“Ma…” naiiyak na

    Huling Na-update : 2022-11-11
  • Not Your Ordinary Cinderella Story   Chapter 9 Key Word (Lyah’s POV)

    I AM STAYING in my boarding house with a few bottles of wine and vodka. Sakit ng katawan at ulo dahil sa alak ang hanap ko ngayon, hindi dahil sa mga taong makitid ang utak. At kapag ganito na umiinom ako, gusto ko ay mag-isa lang ako. Pero hindi ko maalala kung bakit at paanong narito si Neil at mataman akong pinagmamasdan.Masikip dito kaya hangga’t maari ay ayaw ko ng kasama.Sa maliit na kwarto ay pinagkasyang maliit na higaan, isang maliit na mesa, at aparador na pawang mga yari sa plywood ang makikita. Nakaupo ako sa sahig. Sa harapan ko ay may Bluetooth speaker, mga bukas na plastic ng junk foods, ang iba ay wala nang laman, at tatlong bote ng alak.Dumako ang tingin ko kay Neil na prenteng nakaupo sa upuan malapit sa pinto. He’s wearing his casual clothes—polo shirt, and shorts. Sa mahabang panahon na bakasyon ngayong taon, wala siyang ginawa kung hindi mag-gym, at kitang-kita naman ang resulta.The last time I saw him was

    Huling Na-update : 2022-11-11
  • Not Your Ordinary Cinderella Story   Chapter 10 Check! (Lyah’s POV)

    THE CLASS started and all I did was to be wary about my environment. Simula nang sabihin iyon ni Ninong, hindi na maalis sa isip ko na baka minamanmanan ako ng malaking tao na ito. Huli na nang ma-realize ko na hindi ako kilalang tao pero may nag-request ng presence ko.Mga bugaw ba sila? Hindi naman ako kagandahan!Simula rin ng araw na iyon, araw-araw na rin akong sinasabihan ni Ninong na magdamit pambabae ako, hindi iyong oversized o fitted plain colored T-shirts at jeans ang pinapampasok ko. Palagi ko ring sinasabi sa kanya na bawiin niya na lang ang desisyon at maghanap sila ng ibang babae.Bakit ba kasi ako pumayag sa trip around the world?! May key word pa akong nalalaman, katangahan!Wala pa namang eksaktong araw kung kailan nila ako kakausapin o kukunin.Hindi ko na rin ito sinabi sa mga magulang ko kasi pumayag na ako sa isang bagay na walang kasiguruhan.And what’s worse? This decision was haunting me every night, hindi na a

    Huling Na-update : 2022-11-11
  • Not Your Ordinary Cinderella Story   Chapter 11 Congrats (Lyah’s POV)

    PRESENT…The whole school turned upside down because of the interview incident. All death glares, cursed words, and backstabbing—ito ang naging kinalabasan ng pagpapahiya sa akin ni Mr. Garcia.Maging sa mga group chat, hot topic ang pangalan ko, and they shamelessly put their own surnames on it.“AJ Nerd.”“Allyah Jane The Shameless Bȋtch.”“AJ Moron.”“Kapag kami, hindi natanggap sa scholarship, mag-empake ka na.”“Petition to cancel Allyah Jane Fernandez.”Hindi ko naman dapat patulan ang schoolmates ko dahil wala silang kasalanan sa akin. Hindi naman sila mag-iisip nang ganito kung walang promotor, pero isang linggo na at wala man lang public apology si Mr. Garcia! Kaya ngayon, magdusa sila!Narito ako sa opisina ni Ninong at marahas na inilapag ang listahan ng mga taong ayaw kong makita sa school. Pa

    Huling Na-update : 2022-11-11
  • Not Your Ordinary Cinderella Story   Chapter 12 Consequence (Lyah’s POV)

    I took my time walking to Ninong’s office kahit pa sinabihan ako na magmadali. I had this feeling that something wrong will happen again, and I needed to prepare myself. That office is becoming more like a nightmare to me.Napasimangot ako nang makita si Mr. Garcia na nakahalukipkip habang nakasandal sa pinto ng faculty office. Matalim ang tingin niya sa akin.Umiwas na lang ako ng tingin saka patuloy sa paglalakad na tila namamasyal lang. Nang makalapit ako sa pinto ng opisina ni Ninong, nagsalita si Mr. Garcia.“Hindi ka VIP para hintayin. Pasok na.”I hissed. Can’t he just leave me alone? Siya na nga itong may ginawang mali sa akin, siya pa may lakas ng loob na magbunganga.Kakatok na sana ako sa pinto ni Ninong nang lumitaw sa likod ni Mr. Garcia ang mukha ni Mr. Playboy.“It’s ok. She just had a little concert a while ago. Please, Miss Fernandez. Don’t let us wait any longer,” tuloy-tuloy

    Huling Na-update : 2022-11-11
  • Not Your Ordinary Cinderella Story   Chapter 13 Master Is Creepy (Lyah’s POV)

    I AM RIDING a plane with Mr. Playboy na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang totoong pangalan.Mahigpit ang pagkakahawak ko sa armrest. Nang papataas pa lang ang eroplano, ramdam ng buong katawan ko na parang hinihila ako pababa. Parang katulad lang sa tuwing bumabyahe ako sa dagat at malakas at mataas ang mga alon, ang pakiramdam na naiwan ang kaluluwa ko. Kaya kahit ngayon na stable na, hindi pa rin ako maka-get over.“First time?”I didn’t answer. Baka katakot-takot na insulto at pang-aasar ang abutin ko dito kaya matutulog na lang ako.Humugot ako nang isang malalim na buntong hininga saka pumikit. Hindi namin kasama sina Mr. Old Geezer at Mr. CEO.Tulad ng sabi niya, ipinaalam niya ako kay Ninong.Hapon din nang pumunta siya sa opisina. Sakto naman na nag-uusap kami noon ni Ninong. Sa takot ko, mabilis akong tumakbo at nagtago sa likod niya. Hindi pa ako handa. Naalala ko pa ang sinabi ni Ninong bago niya

    Huling Na-update : 2022-11-11
  • Not Your Ordinary Cinderella Story   Chapter 14 I Don’t Understand (Lyah’s POV)

    IT WAS past seven in the evening when I woke up. I felt so empty. My stomach, my energy, my brain—are all drained. I started to walk absentmindedly, following the scent of the food. I don’t even remember how I got to the kitchen. The moment I saw the chicken curry, I sat and dug in.“You’re impossible.”I heard a whisper but a warning voice at my side.I don’t care. I am hungry.I enjoyed the food until I was full. My life is back! I was about to stand and carry my plate to the sink when I looked around and saw people staring at me.They were all men!“What the—hmp!”Just great! I forgot I am in the dȇmons’ lair. Paul glared at me while slowly removing his hand from my bad mouth.I looked at the man sitting at the end of the table. He was wearing a black T-shirt. Ngayon ko lang siya napagmasdan nang mabuti. Nakasuklay nang maayos papunta sa liko

    Huling Na-update : 2022-11-11

Pinakabagong kabanata

  • Not Your Ordinary Cinderella Story   Epilogue

    “Bakit narito kayong lahat?” tanong ni George Jr. sa kanyang mga pamangkin na lalaki na prenteng nakaupo sa salas.Kasalukuyang naglalaro sa garden ang mga apo niya sa mga ito, kasama ang mga nanay.Wala rin siyang alam na may pagtitipon-tipon na magaganap sa pamilya nila kaya nagtataka siya kung bakit narito ang buong pamilya ng Ate Livia niya.“Pinauwi ko po sila kasi sabi ni Lola Mira, ok na si Yuri,” sagot ni Ritz.“The first time I saw Yuri really did intrigued me. Alam naman nating mabait si AJ, pero ang weird niya talaga. Iyong pinulot na maduming keychain, nilinis at nilagyan lang ng pangalan niya, naging self-proclaimed lucky charm na,” ani Romar.“And don&r

  • Not Your Ordinary Cinderella Story   Chapter 100 Right Place (Lyah’s POV)

    NAG-REQUEST si Yuri na mag-picnic sa kalapit na burol. Napagpasyahan namin na magbakasyon ngayong malapit na ang fiesta sa amin. At alam na alam niya na once may hawak na akong libro, hindi ako magyayaya na gumala, kaya matinding pamimilit ang ginawa niya ngayon.“Lyah, please? Sina Kuya Louie at Kuya Romar, may kanya-kanyang family bonding. Ayaw mo ba? Mamaya, yayain nila ang mga anak mo, tapos sumama kasi hindi mo nilalabas.”“Yuri naman, eh. Ngayon na lang ulit ako nakapagbasa.”“Susunugin ko iyan.”“Subukan mo!”Kahit anong inis namin sa isa’t isa, hindi namin magawang magsigawan tulad ng dati. Tulog na ang mga anak namin, at katabi namin sila sa kama

  • Not Your Ordinary Cinderella Story   Chapter 99 Snow and Cherry Blossoms (Lyah’s POV)

    Alagang-alaga ako ng doctor ko, dahil kambal ang dinadala ko at may high risk sila na maapektuhan ng sakit ko. Kailangang i-monitor ang factors.Yuri was very attentive, too. Lumabas ang pagiging gitarista at singer niya dahil palagi akong nagre-request na kantahan niya ako bago matulog. Gusto niya pa nga sana na iyong mga downloaded musics ang pakinggan ko, but I insist! Gusto rin naman ng mga anak namin.And what can I say? With his deep voice, he nailed the song “Pleasure” by WarpsUp.Kung kumanta pa si Yuri noong mga panahon na sinto-sinto pa ang relasyon namin, baka kapag nagkaalaman, ako ang lugi.My gosh, I really love him!“Lyah, wala ka bang planong magreklamo?”

  • Not Your Ordinary Cinderella Story   Chapter 98 The Vows (Lyah’s POV)

    Kasal na kami ni Yuri, pero ngayon na nasa harap ako ng saradong pinto ng simbahan at nakalingkis ang mga braso ko sa mga braso ng magulang ko, may belo na tumatakip sa mukha ko, at naririnig ko na ang pagtugtog ng wedding songs mula sa loob, hindi ko maiwasang panlambutan ng tuhod.“Ma, Pa, h-hindi ko alam na ganito sa feeling ito. Parang hinahalukay ang tiyan ko, ang lakas na rin ng tibok ng puso ko, like hello? Kasal na kami! Bakit naiiyak ako?”“Halos lahat naman, bago sa iyo. At saka, sayang ang make-up mo, pigilan mo ang pag-iyak,” ani Papa at sinundan ng pagsinghot.Nagtatakang tumingin ako sa kanya. Pinupunasan niya ang mata niya.Bumaling ako kay Mama na namumula ang mata, na tila pinipigilang maluha.

  • Not Your Ordinary Cinderella Story   Chapter 97 August 18 (Lyah’s POV)

    Isang buwan lang kami sa Japan, and I called it “bitin na honeymoon.” Snow at cherry blossom lang ang naabutan ko. I want to experience summer and fall too. Nag-promise naman si Yuri na babalik kami, mas matagal pa, at marami rin kaming pupuntahan. And he was hoping na may kasama na kaming mga anak.Nang makabalik naman kami sa Pilipinas, dito kami sa bahay niya dumiretso. Kasama pa rin namin sa bahay sina Sir Fred at Paul, pati na si Kristina who was busy with their son—Nijel. Binida rin ni Kristina na si Yuri ang nagpangalan sa anak nila, at ninong din siya.Naging playroom na rin ang dating kwarto ko.Kapag hindi ako busy sa trabaho, at wala naman akong maitutulong kay Yuri, nakikipaglaro ako sa mag-in. Nijel was such a sweet three-year-old child, calling me Ninang Ganda, asking me to tell him a fairytale story, at minsan pa na kaming tatlo lang nina Yuri ang nasa bahay at nakikipaghabulan sa kanya.Naging abala si Yuri habang sa baha

  • Not Your Ordinary Cinderella Story   Chapter 96 It Is (Lyah’s POV)

    Nakaupo ako paharap sa glass window habang sumasabog ang iba’t ibang kulay ng ilaw sa langit. I maybe enjoying the view if it wasn’t for Yuri, who is making me tremble to the tip of my hair.Iniyakan ko siya kanina na manonood na lang kami ng fireworks kaysa gawin ito. And he simply shrugged that we can do both at the same time!Pinasuot niya pa ako ng bunny costume. At ang buntot noon ay kailangan pang ipasok sa butthole ko.I threw my head back and arched my body from the pleasure. My legs were resting on the armrest, making my core exposed right at his mouth. Ang init ng dila niya! Dumagdag pa sa nakakakiliting sensasyon na dala ng pagdila na iyon ay ang malambot, slimy at slippy.Mukhang hindi siya kuntento sa pagpilig at pagpapakawala ko ng mga impit na ungol, dahil ngayon, his fingers are pressing and rubbing my G-spot as his tongue do its magic on my clȋt. Dinidiin niya rin sa loob ko ang matigas na bagay na nakakabit sa buntot.

  • Not Your Ordinary Cinderella Story   Chapter 95 Katakoris (Lyah’s POV)

    Kasalukuyan kong binibida kay Yuri ang cooking skills ko. Focused ako sa paghiwa ng carrots, ingat na ingat akong hindi madaplisan ng kustilyo. And having a multi-talented and perverted husband is a hassle.“Lyah, ilang oras bago ka matapos sa paghihiwa ng isang maliit na carrot?”“Pwede ba, maghintay ka?!” asik ko sa kanya. Ayaw kong magalit at baka matusok ako!“Tatanungin ko lang naman para sa susunod na ipagluluto mo ‘ko, agahan mo. Mamamatay ako sa gutom.”“Huwag mong ubusin ang pasensya ko, lilipad sa iyo lahat ng mahawakan ko.”Nanahimik na lang siya, ramdam ko rin na titig na titig siya sa akin. Mayamaya ay pumunta siya sa likod ko at niyakap ako. Salo niya ang mga dibdib ko.“Umaalog kada hiwa mo. Hindi ba mabigat ito?”“Parang ewan naman ito!”Hindi na namin pinag-usapan ulit ang tungkol sa pamilya ko. As much as I wanted to curse them to de

  • Not Your Ordinary Cinderella Story   Chapter 94 They Hurt Us (Lyah’s POV)

    Yuri looked at me with questioning eyes, as if I'm talking nonsense and non-existing blacklist. Well, kahit ako ay hindi rin naniwala noong sinabi ni Ninong na totoo at kung para saan ang blacklist. But looking back, at kung susubukan ko rin na pagtagpi-tagpiin ang pangyayari—my grandparents wanted the Katakoris' business, and they killed them for it. And as to how they did it, I can only think that they did it in a way that looked like an accident."Lyah, are you doubting your family?"Nagtataka man ako na tila amused siya sa mga sinabi ko, sunod-sunod ang ginawa kong pagtango."Sinong hindi magda-doubt? Ninong sold me. Remember the breach of contract I told you?" pagsusumbong ko pa.Maingat niyang hinagod ang buhok ko. Uminom pa siya bago magsalita.Ngayon pa lang, nahihiya na ako sa mga susunod niyang sasabihin. Bumubwelo na naman siya ng pang-asar."Bakit mo naman pag-iisipan nang masama ang pamilya mo? And sold you? Kanino ka nama

  • Not Your Ordinary Cinderella Story   Chapter 93 Look At Me (Lyah’s POV)

    I woke up from the feeling as if someone was staring at me. Nangunot ang noo ko. Kahit inaantok pa ako, pinilit kong imulat ang mata ko at tumambad sa akin ang malaman at may tattoo na dibdib. Pakiramdam ko, tutulo na anumang oras ang laway ko.Naglakbay ang mata ko. Nakatagilid siya paharap sa akin at nakapatong ang ulo niya sa kamay niya, making me drool over those bulky biceps.“Lyah…”Tinulak niya ako para lumapat ang likod ko sa higaan saka siya pumaibabaw sa akin.He cupped my face and planted a passionate kiss on my forehead. Ramdam ko ang pag-iingat sa bawat galaw niya, maging ang pagmamahal niya, pero may inis na sumisilip sa singkit niyang mata.“Buti nakatulog ka nang mahimbing pagkatapos mo ‘kong bitinin. Hanggang ngayon ba naman, Lyah, tutulugan mo lang ako?”Napangiwi ako.“Good morning, too,” I rolled my eyes at him.Huwag niya namang simulan ang araw na naiinis!

DMCA.com Protection Status