Stepping back
Nang makita ni Raymond na nanatili lang nakanganga si Dennis sa tanong niya rito, alam niyang hindi pa ito handa kaya agad niyang binawi ang sinabi.
Kaya kahit ready na siya na ipagtapat ang nararamdaman kanina, ngayon, para siyang lobo na nawalan ng hangin. Pinanghinaan na naman siya ng loob.
"Joke lang 'yon."
"T-that's not a good joke, alright?!" singhal ni Dennis. Tumayo ito at nagtuloy-tuloy na umalis habang siya ang naiwan na nakatingin sa likod nito. Bumigat ang loob ni Raymond at napabuga ng hangin.
Tae. Dapat nakinig pala siya kay Raysen na huwag munang umamin, e! Buti at nabawi niya sa huling segundo. Mukhang lalayo nga si Dennis kapag sinabi niya ang pagkagusto rito.
Badtrip na napakamot siya sa batok at naghintay ng ilang sandali bago lumabas ng terrace. Sinarado niya ang p
Uncovering Bitbit ang mga prutas na binili, bumaba sila Dennis sa may kanto kung saan tutumbukin ang Harmonious Home kung nasaan ang lola niya. Matagal-tagal na rin mula noong huling punta niya rito at alam niyang magtatampo na ito sa kanya kung hindi pa siya bibisita.The last time that they had a talk, it ended in a way both parted with bad mood. Ngayon na nakapag-isip isip na siya, hindi ni Dennis akalain na nakaligtaan niya ang abuela ng ilang buwan. Sana lang ay hindi ito galit sa kanya."Akala ko talaga kahapon, kung sino 'yong ka-date mo. Hindi mo naman sinabing lola mo pala ang pupuntahan natin," komento ni Raymond. Bitbit nito ang mansanas at sa kabilang kamay naman ay thermal container na medyo may kalakihan. Nagluto ito ng lugaw na pwede raw sa mga matatandang dadalawin nila.Siya naman, groceries ang bitbit para sa lola at ilang toiletries. Sa tag
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝐒𝐞𝐯𝐞𝐧𝐭𝐞𝐞𝐧Cooking 101 "Are you sure you're going to stay here?"Nilingon ni Dennis ang nagrereklamong si Raysen na bitbit ang ilan sa mga gamit niya pagkapasok nito sa loob. Nililibot ng paningin nito ang buong apartment na nahanap nila at nirentahan.Sa tantsa ni Dennis, nasa 50 to 60 square meters ang kabuohan ng apartment. Hindi na masama para sa Php4,000 kada buwan, labas ang bayarin sa tubig at kuryente. Tanging apat na sulok lang ang malilibot ng mga mata mo. Ang lababo ay nasa kaliwa habang katapat naman nito ang isang common comfort room na angkop lang para sa kanya.At isa pa, malapit-lapit lang din ito mula kila Raymond. Iyon kasi ang bilin ni Tita Rosa sa kanya para raw nasisilip siya at nadadalaw kapag kailangan.Minsan, napapaisip siya, e. Mas pamilya pa talaga ang turing sa kanya ng mga ito kes
Bad Feeling Napapansin ni Raymond na panay ang tingin sa kanya ni Dennis at kapag titingnan naman niya ito pabalik, agad itong mag-iiwas ng mga mata na pinagtataka niya. May dumi ba sa mukha niya?Nang magawi ulit ang tingin nito sa kanya, hindi na siya nakatiis. Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito."Dennis, may problema ba sa mukha ko at panay ka tingin? Wala naman akong morning glory o ano, 'di ba?"Napakurap ang mga mata nito sa kanya, bahagyang namula ang magkabilang pisngi at nag-iwas ng tingin. "W-wala! Basta! Tara na nga!" Nilagpasan nito ang nagtatakang si Raymond.‘Tingnan mo 'tong si Dennis, parang hindi tinatanong nang maayos, e!’ aniya sa isip.Humabol na lang si Raymond at hindi na muling nagtanong kahit na hindi niya mawari kung bakit kakaiba ang inaakto ni Dennis sa kanya. Parang
Misunderstanding Tumingin ang lalaki kay Raymond at sinulyapan muna si Dennis bago ibalik ang tingin sa kanya."Sino ka?"Aba't, gago 'to, a?! Sino raw ba siya?! Ito ang sino at kung makadikit kay Dennis, feeling close talaga? Pwede bang manapak ngayon?!"Ikaw ang sino?! Ikaw itong tatawag-tawag kay Dennis tapos ngayon sasabihin mo pang sasabay siya sa'yo?"Napamaang ang lalaki at napaurong ng isang hakbang habang gulat na nakatitig kay Raymond dahil nakita nito ang ekspresyon sa mukha niya. Gumitna naman nalilitong si Dennis at sinita nito si Raymond gamit ang mga mata. Dumilim lalo ang mukha niya sa nakitang reaksyon ni Dennis."Sino ba 'yan?" naiirita niyang tanong kay Dennis. Pinanliitan siya ng mga mata nito kaya't pinaglapat na lang ni Raymond ang mga labi at masama rin ang tingin kay Dennis.Bumunt
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝐄𝐢𝐠𝐡𝐭𝐞𝐞𝐧TW// Discrimination against homosexualityFight Busy mag-sort out ng mga school supplies si Raymond nang tumunog ang cellphone niya na nasa ibabaw ng center table sa sala. Sandali niyang tinigil ang pagkabit ng fillers sa binder notebook at sinilip kung sino ang nag-text. Umawang ang bibig ni Raymond nang makita kung sino ang nag-iwan ng mensahe.Dennis:If you still don't wanna talk to me after this message, forget about our friendship.Nakailang lunok ng laway si Raymond at sinalakay siya ng takot dahil sa nabasa. Nagmamadali niyang ipinatong sa center table ang mga gamit, binulsa ang cellphone at balak na sanang lumabas ng bahay nang makita siya ni Raymark na parang wala sa sariling aalis. Kung siya ay palabas, ito naman ay papasok ng gate at kakauwi lang galing sa trabaho."Oy, oy, bunso?
Making Up Nakasakay na sa kotse si Dennis ngunit hindi pa rin siya makakibo sa ginawang paghalik ni Raymond sa noo niya. Pakiramdam niya, may nagkakarambolang kung ano sa bandang tiyan na hindi siya mapakali. Palihim siyang sumulyap kay Raymond na binubuhay ang makina ng kotse at nakita ni Dennis na normal itong umakto.Muli siyang napalunok ng laway dahil nanunuyo ang lalamunan niya. Naalala niya ang nabasa dati na ang ibig-sabihin ng forehead kiss, ‘I hope we'll be together forever’. Hindi ni Dennis maiwasan mag-isip ng kung ano.Did Raymond knows that hidden message behind that kiss? If he knows, why did he kissed him? He's going mad inwardly!Pero baka tamang hinala lang siya. Baka ginawa lang iyon ni Raymond upang makapalma siya kanina. Wala iyong meaning para rito at hindi ito aware na ginugulo ng mga akto nito ang buong sistema niya.
Coming out Masakit ang ulo na nagising si Dennis. Pakiramdam niya ay pinupukpok iyon sa sobrang kirot nito. Nakapikit na kinuha niya ang cellphone sa bulsa at bahagyang nanliliit pa ang mga mata na tumingin ng oras.4:43 AMIlang ulit niyang iniling ang ulo para bumalik ang huwisyo niya. Nang mahimasmasan, agad na napabalikwas ng bangon si Dennis dahil wala siya sa apartment! Binilin niya pa kay Raymond na iuwi siya pero mukhang hindi siya sinunod ng isang iyon dahil nandito siya sa bahay nila!Tatayo na sana siya nang maalala niyang madaling-araw nga pala ngayon. Bumalik sa paghiga si Dennis at kinuha na lang muli ang cellphone. Dito niya napansin na may nine missed calls mula kay Dave.Nakaramdam ng kaba si Dennis at wala sa loob na tinawagan ang kapatid. Hindi niya naisip na alanganin ang oras. Ang nasa isip niya lang ay baka emergency
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝐍𝐢𝐧𝐞𝐭𝐞𝐞𝐧Unconscious Isang linggong hindi nagpakita si Dennis sa trabaho. Buti na lang at tatlong schedule lang ang plot sa kanya sa buong week ngunit may warning na siya mula sa manager noong tawagan siya nito.Isang absent pa ay maa-AWOL daw siya. Noong una nga, iyon ang balak niya. Pero naisip niya ang sweldo at alam niyang mahirap na maghanap ng trabaho sa panahon ngayon kaya nagsabi siya sa manager na may emergency lang kaya hindi siya nakapasok.Isa pa, kahit gusto niyang umalis. Pera ang iniisip niyang magiging problema niya talaga. Kung may mapasukan lang siyang iba, aalis siya sa pagtatrabaho sa fastfood.Hindi ni Dennis masabi rito na may iniiwasan siya sa trabaho. Kasama niya sa pagiging closer si Arvin at paano kung mag-away silang muli? Hindi naman sa takot siya o ano. Mas gusto niya lang iiwas ang sari
EXTRA#5: Glimpse in the mundane life of Dennis Raymond was having a dinner with Dennis and their son at their restaurant when Den's handphone that was placed on the table suddenly rang. Agad na masamang tingin ang ipinukol niya r'on at bahagya na lang siyang nginitian ng asawa. Sinagot nito ang phone at nakita niya ang pagseryoso ng mukha ni Dennis."There's an emergency?! Is there any casualties?"Agad itong tumayo at dinampot ang mini bag nito at isinukbit iyon sa katawan."You're going to work, 'Dy? You didn't finish eating your food pa po?" tanong ni Ramiel dito at itinuro ang pinggan nito.Yinuko ni Dennis ang ulo para magtapat ang mukha nila ng anak. "Yes, I'm sorry, baby, but Daddy's gotta go to hospital. Sabayan mo na lang si Papa Raymond mong kumain, okay? Babalik din ako."Malungkot na tumango si Ramie
EXTRA #4: Wedding "Thank you so much for your help, Syrius. Kung hindi dahil sa ’yo, baka kung saan ako pinulot."Malaki ang pasasalamat niya kay Syrius. Dennis just realized, if Syrius didn’t give him an advice from time to time, he will screw things up. Kung hindi rin nito hinanap ang tatay niya, baka natagalan pa ang paghaharap nila ng ina.A lot of years already passed but Syrius remained the same. Ito pa rin ang kaibigan na matatakbuhan niya kapag may problema siya at malaki ang pasasalamat niya sa Diyos dahil hindi siya nito iniwan.Mahinang tumawa si Syrius. Kinabig siya nito para yakapin. Nakailang tapik sa likod niya si Syrius bago siya nito bitiwan."Are you happy?" tanong nito pagbitiw sa yakap. Tumango-tango siya at ngumiti rito. Syrius also smiled at him. "Iyon lang naman ang gusto
EXTRA #3: Raymond (Dreams) Tumingin si Raymond sa paligid. Pakiramdam niya, nakita na niya ang paligid kahit na sa pagkakaalala niya, hindi pa naman niya narating ang lugar na ito.Parang nasa karnibal siya na hindi. Maraming tao sa paligid at nilalagpasan lang siya.Tae. Nasaan ba siya? Nasaan si Dennis? Bakit siya nandito? Nakidnap ba siya o kaya prank ba ’to?Naglakad-lakad si Raymond para makita kung nasaan ba siyang banda ng lugar pero bukod sa mga nadadaanang mga bibilhan ng pagkain at nalalagpasang mga tao, wala siyang makitang kakilala. Saan ba siya nagsuot?Hanggang sa..."Can I have that candy, Mommy?"Mabilis na lumingon si Raymond sa pinanggalingan ng boses. Doon, nagulat siya dahil parang pinaliit na Dennis ang nasa harap niya ngayon.
EXTRA #2: Toys Dennis was kinda vexed when Raysen called nonstop and told him (when he picked the phone) to meet the other on the coffee shop where the hospital he's working is near. According to Raysen, Dennis will be surprise by the gift he'll be having.Dennis let out a sigh after the call.Raysen is such a... busybody. Really.Maybe because of the word 'gift' somewhat piqued his interest, he went to the department head to ask for an hour break. Buti na lang at walang gaanong pasyente ngayong araw.Sumaglit siya sa coffee shop na sinabi ni Raysen. Iilan na lang ang tao sa loob ng shop dahil tapos na ang peak time. Pagpasok niya pa lang, natanaw niya kaagad ito dahil sa bungad lang naman ito nakapwesto. Raysen's wearing a light blue shirt with washed grey jeans while Dennis is still in his white coat. R
EXTRA #1.2: Syrius (Part II: Woke up to the Present) Who would believe Syrius if he's going to tell them that he went back to the past? No one. They would just think he lost his marbles. Well, even himself cannot believe that this kind of thing happened to him! Noong mga unang linggo ng pagbabalik niya sa nakaraan, pakiramdam ni Syrius ay hindi iyon totoo kaya araw-araw niyang sinasapak ang sarili tuwing gigising para makumbinse na hindi siya nananaginip lang. Ngunit noong mapatunayan naman ni Syrius na totoo ang lahat, doon siya gumawa ng paraan. He finally have the chance to make things right this time. For him, for Zenon. And for Dennis. And he will start at Dennis. To change their past and got the future that he wants for them, Syrius didn’t enroll to the school he went to in h
EXTRA #1: Syrius (Part I: Retelling of the Past) The first time that Syrius got to know Dennis was when he went head to head with him for an award. Pareho kasi silang naging representative ng kanya-kanya nilang school at sila ang naging matinding magkatunggali.In the end, he won the award that when it was announced, Dennis glared at his direction. Hinding-hindi niya malilimutan ang taong ito dahil ito lang naman ang hindi siya sinabihan ng congratulations at imbes, binunggo pa siya noong pababa na ito ng stage.Nawala rin naman sa isip ni Syrius ang lalaki paglipas ng panahon. Naalala niya lang ito noong naging kaklase niya ito sa Medical School. Muli, naging rivals sila ni Dennis sa usaping academics.Wala namang kaso sa kanya iyon ngunit ramdam niya ang pagkadisgusto nito sa kanya na nilalayo na lang ni Syrius ang sari
Savior Sa huli, sinuot din nila ang mga singsing na inalok nila sa isa’t-isa. Natatawa si Dennis habang pinagmamasdan ang palasingsingan niyang may singsing na suot. Kapag magagawi ang tingin niya sa kamay ni Raymond, lumalawak lalo ang ngisi niya.Kaya kahit patapos na sila sa pagwawalis at uuwi na, energetic pa rin si Dennis. Gusto niyang ibahagi sa lahat na fiancé na niya si Raymond. Ano kaya ang magiging reaksyon ng pamilya nila kapag binalita niya ang proposal nila sa isa’t-isa? Sa hula ni Dennis, tatawanan sila ni Raysen."Congrats for the engagement. I... saw you both kasi kanina."Tumingin si Dennis sa taong bumabati sa kanya. Ito iyong babaeng kapatid ng lalaking nakaaway niya. Alam niyang may opinyon ito sa kanilang dalawa ni Raymond kaya ang tanging ginawa na lang ni Dennis ay ngitian ito nang maliit bag
In synchronization Yumakap nang mahigpit sa binti ni Dennis si Ramiel at sinilip ang batang malakas na umaatungal ngayon. Nagtinginan ang mga tao sa kanila at siguro dahil sa ingay ng batang umiiyak, natawag nito ang atensyon ng kasama. May lalaking mabilis na lumapit sa umiiyak na bata at tinayo ito mula sa pagkakaupo sa sahig. "What happened to you, Alex?" "D-Daddy! Tulak niya ako! Tapos away ako ng bata!" anito at tinuro sila Dennis. Tinago naman ni Dennis si Ramiel sa likod niya dahil bigla itong umiyak. Diretsong tiningnan niya ang lalaki at sinamaan din ito ng tingin. "He pushed my son," sagot niya. Nilingon ng lalaki ang bata at tinanong ito. "Tinulak mo ba siya, Alex?" " E kagat niya ako, e! Kaya tulak ko siya!" Tinuro ng bata ang kinagat ni Ramiel na braso nito. "Ouchie ’to, Da
Chapter FiftyBite Umayos din ang lahat pagkatapos ng naging pag-uusap nila Danilo. Hindi na muling ginulo ni Marissa sila Dennis dahil ayon sa pagkakaalam ni Dennis, bantay sarado ito ng asawa. The company was left for his dad to manage this time and the mess Marissa made, his father was the one who fixed it.Nang maayos ang gulo tungkol sa mga kumpanya, nakipag-partner daw ang Buenavista Corporation sa company ng Tito ni Raymond. Well, he doesn’t really put his mind on that news. Basta ba wala nang problema, masaya na si Dennis.Ngayon, narito siya sa bahay nila Raymond at dinalaw ang kapatid. Dahil na rin nabalitaan niya ang pagkuha nito ng entrance exam for Accountancy, Business and Management. Plano raw nito na tumulong sa kanya na mag-manage ng company sa hinaharap. But what about his dream? Gusto nitong maging writer o kaya naman painter, hindi b