Home / All / Nine Months [Tagalog] / Chapter 8 Case of the Money or the Gun

Share

Chapter 8 Case of the Money or the Gun

Author: Death Wish
last update Last Updated: 2021-02-05 06:12:12

 (Owen POV)

“Owen, pinapapunta ka ni Ma’am Senior Editor sa opisina niya.”

Agad kong inangat ang paningin ko sa aking desk. Saka lumingon sa opisina ng m*****a naming Senior Editor. Napabuntong hininga ako.

Tungkol na naman ata ito sa manuscript na ipinasang for approval to publish ni Yuki.

Napakamot ako.

Parang pagod akong bumangon sa kinakaupuan ko.

Dalawang babae lang naman ang napakaraming demand sa buhay ko.

Si Yuki at Ms. Nam.

Haist.

Si Miss Nam kasi inaalala lang niya ang reputation ng kompanya. Nais niya na ang lahat na ma-ipublished sa ilalim ng pangalan ng kompanya ay yung may mataas na quality na mga kwento. Ayaw niya yung mga b****a at wala namang katuturan basahin. Naalala ko nga ang sinabi niya na...

"Hindi tayo tumatangap ng kwento na nais lang ng mambabasa ang matulog. Edi sana walang sleeping pills na lumabas sa mercado. Bwisit." 

Haist. Si Miss Nam kasi dignidad niya ang nakataya sa kompanyang to... At di ko alam kung sino ba talaga ang may a*i ng International Pen Publishing House, Inc. Parang mas mahigit pa ang kompanyang 'to kay Miss Nam kesa sa akin.

Sa pagtayo ko at bago pa man ako makarating sa harapan ni Ms. Nam. Bumukas ang pinto at nagsisulputan sa pinto ang mga lalaking tila mga autoridad.

Kilala ko ang nagpadala sa kanila. Alam ko na ako ang hanap nila.

Sumasakit na talaga ang ulo ko. Maaga pa para sumakit ang ulo ko ng ganito.

“Mr. Owen, do you have time to hear our business?”

Sinabi ng lalaki na namumuno sa kanila.

Secretarya ng kapatid ni Yuki. Siya na naman ang pinadala nito para takutin ako at matinag.

Napalingon ako sa opisina ng Chief Editor namin, at sa kanila.

Sino ang uunahin ko?

Pero di ko kailangan mamili at magdalawang isip dahil kailangan na sila ang atupagin ko muna. Sa laki ng mga briefcase nilang dala… Di ko na alam kung ano ang laman nito.

Pera o baril?

Baril na kikitil sa akin at magugulo ang boung gusali.

Tinapik ko sa balikat ang isa sa kasamahan ko. Alam na niya ang gagawin kung ipagpilitan ni Ms. Nam, na makita ako.

Sumunod ang mga lalaki sa akin sa isang conference room. Sinara ko ng maigi ang pinto. Sa paglingon ko sa mesa binuksan na nila ang briefcase na dala.

Pera ang laman ng isa. Ikinanlaki ng mga mata ko. Ang dami noon.

Ngunit ng binuksan pa nila yung isang briefcase, napalunok laway ako. Baril.

Ngumiti sa akin ang lalaki.

“You choose Mr. Owen. Hetong isa…”

Tinutukoy niya ang briefcase na puno ng pera…

“Mapapasayo kapag na-ipublish within this week ang nobela ni Miss Yuki. Sa gusto na niyang makita ito sa bookstore at sa site ninyo.”

Di parin mawala ang ngiti nito. Inaasar niya ako ng sagad,

“At ito namang isa. Mas makakabuting tahimik mong isuko ang buhay mo sa amin.”

Mabilis ang usapan.

Isang briefcase lang ang kailangan ko piliin.

Kinuha ko yung isa saka sila nagsi-labasan at umalis. Iniwan ang babala sa akin ng sekretaryang pinagtatawanan ako ng lihim. Kitang-kita sa kanyang mga mata na natutuwa siyang pinaglalaruan ako.

“Within this week, Mr. Owen.”

Tapik niya sa balikat ko.

Nang makalabas sila. Napabuntong hininga ako.

parang hindi na akin ang buhay ko para kontrolin ako ni Yuki.

Tsk.

Inalis ko ang aking salamin at napahilamos ng dalawa kong kamay sa aking mukha.

Tinatanong sa sarili kung bakit isinakripisyo ko ang career ko sa perang natatangap ko galing sa manunulat na si Yuki. Naging gahaman ako sa pera ng hindi ko napapansin. Nilagay ko ang aking buhay sa bitag ni kamatayan.

Kung di ako nabulag sa salapi, edi sana malaya ko ding nare-reject ang obra ni Yuki.

Paglabas ko, agad na bumungad ang tarpaulin ng mga sumikat na mga manunulat sa kompanya namin. Nangunguna si Yuki.

Dati rati magaling naman talaga siyang manunulat. Kaya nga natutuwa ako na ako ang hahawak sa kanya bilang editor nito.

Ngunit ng lumaon, nagiging walang saysay ang isinusulat nito.

Anong nangyari Yuki?

Napahilot na lamang ako sa aking leeg.

Talagang wala akong magagawa. Nakasalalay ang buhay ko dito.

Isinuot ko muli ang aking salamin.

Dala ang mabigat na maleta, pumasok ako sa opisina ng Chief Editor.

Sinalubong ako ni Miss Nam ng nagliliparang papel.

“Tinangap mo na naman yan?!”

Siyang dahan-dahan ko ngang inilapag sa harapan niya ang maleta. Alam niya ang nangyayari sa pagitan namin ni Yuki.

“Miss Nam, tinatakot na nila ako.”

“Problema mo yan Owen. Walang kwenta ang ipinapasang manuscript ni Yuki. Alam mo yan. Hindi ka naman tanga diba? Wag mong idadamay ang kompanya dahil sa kalokohan mong ginagawa. Kung di ka titigil makakarating sa nakakataas sa atin.”

“Miss Nam naman. Nakikinabang ka naman sa mga nakukuha ko kay Yuki. Ang gagawin lang naman natin, ma-ipublish yung nobela niya.”

“B****a. Alam mo ba ang maaring epekto kapag inilathala natin yan?! Alam mo kung tungkol saan ang kwento niya?! Sa tingin mo ba merong mambabasa na babasahin ang isinulat niya? Wala Owen!”

“Sus naman Miss Nam, nagbibigay pa nga tayo ng trabaho sa mambabasa ni Yuki. Kaya dapat basahin nila.”

“Hiring a fake reader for Miss Yuki? Bumababa ang rating natin dahil sa kanya. Nakukuha na ng kabilang publisher ang mga mambabasa talaga natin! Hindi lang para kay Yuki ang kompanya natin! Paano ang iba nating manunulat?! Tayo ang mawawalan. Marami nang manunulat na nakakaalam na mas pina-priority nga natin yang alaga mo Owen!”

“Miss Nam naman. Sa ngayon binigyan nila ako ng isang linggo para mailathala ang kwento niya.”

Ngumisi ito sa akin.

“Resign. Di ko gustong ilathala ang basurang yan.”

Siyang inihulog nito ang briefcase sa sahig. Nataranta akong pulutin yun dahil nabuksan at nagkalat yung pera.

Di ba ako na-iintindihan ng asawa ko?

“Miss Nam, papatayin nila ako.”

“I don’t mind.”

“Miss Nam naman.”

“Kung wala ka na, siguradong mawawala na din si Yuki sa kompanya namin. Wala akong paki-alam na umalis siya. Tignan mo. Ilalathala natin yang b****a niyang nobela. Paano kung makarating sa kanya ang masasamang feedback tungkol sa obra niya? Diba mas mapapalala ang lahat? At Owen, papatayin ka lang din niya kaagad Kapag nangyari yan.”

“Wag ka naman magsalita ng ganyan Miss Nam.”

“Di ka talaga titigil!”

Pinakita ni Miss Nam sa akin ang kunyaring paglaslas niya sa leeg.

Mapapatay niya ako kapag di nga ako tumigil.

Bakit ganito ang mga babaing to.

Pinulot ko na yung briefcase.

“Mahal naman, tulungan mo na ako.”

 Yun ang huli kong baraha.

Asawa ko lang naman siya diba? Mahal niya ako diba? Ayaw naman niya ako mamatay diba?

“Owen!”

Bulyaw niya ulit sa akin.

“Kasalanan mo yan! At wag mong dinadamay ang relasyon nating dalawa. Hindi mo ako madadala sa ganyan. Alam mo yan.”

“Gusto mo ba akong mamatay?”

“Sa ginagawa mo ikaw ang may kagustuhan na mamatay, hindi ako.”

“Ano ba ang maayos kong gawin, Miss Nam?”

Napaupo ito sa kanyang upuan saka napabuntong hininga.

“Maghanap ka ng manunulat na maari mong bilhin ang copyright ng akda niya.”

“Eh?”

“Yun lang. Simple. Ngunit di pala gaano kasimple. Dahil lahat ng manunulat, pina-pangalagaan nila ang obra na parang mga anak nila. Gusto nila na may marating ito at nanatiling nakadikit ang pangalan nila. Kaya di rin pala talaga simple.”

“Bibili lang ako ng kwentong maaring sabihin na sinulat ni Miss Yuki?”

“Oo. At ikaw na ang bahalang magpaliwanag kay Yuki. Alam naman niyang b****a ang kanyang isinusulat. China-challenge ka lang niya. Mahihirapan ka nga lang Owen sa paghahanap ng manunulat na handang ipagbili ang dugo at pawis na inilaan niya para sa kanyang obra.”

“Miss Nam naman eh. Tinatakot mo lang ako.”

“Di ako makapaniwala na pumayag akong magpakasal sayo!”

Kuha niya ng isang libro at lumipad ito sa akin.

Ikinasalo ko naman.

Ang sungit talaga niya.

“Ngunit Miss Nam, isang linggo na lang talaga ang binigay nila sa akin.”

“Kausapin mo nga ang Yuking yan. Puntahan mo kung makakabuti diba?”

“Hindi kaya…”

Napalunok ako.

“Malamig nang bangkay ako ilalabas sa bahay niya?”

“At least mabu-byuda na ako.”

Dear readers,

I want to let you know, every page you read makes my heart jump in happiness.  Arigato.

EVERY BEAUTIFUL REVIEW will encourage me to write more beautiful novels.

EVERY VOTE you give to me is really a treasure to my novel.

Thank you for your unconditional support you are giving to me dear readers! See yah on my different novels.

[Tagalog Complete]

  1. Taming the Dangerous CEO [Tagalog]
  2. The Devilish Billionaire [Tagalog]
  3. Doctor Alucard Treasure [Tagalog]
  4. Fated to Marry the Devil [Tagalog]

[Ongoing]

  1. Nine Months [Tagalog]
  2. Taming the Dangerous CEO II [Tagalog]
  3. The Devilish Billionaire II [Tagalog]
  4. Alpha King Checkmate [Tagalog]

Sincerely with gratitude,

Death Wish.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mark Daniel Valladolid
😍 love it 😍
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 9 His Lips...

    (Dahlia POV) Naihubad ko na ang apron ko. Nakatulog na din si Grandma. Napatitig ako sa orasan. Wala parin yung mga pinsan ko. Malakas ang ulan sa labas na ikinasara ko nga ng mga bintana. Sa katunayan, masarap magsulat kapag ganito ang panahon. Kaya nanabik akong umakyat sa hagdan papunta sa aking silid. Dati rati tambakan lang ng mga lumang kagamitan. Ngayon ginawa kong silid ko. Di naman ako tinapon dito ni Grandma. Sadyang gusto ko lang dito. Tahimik. Ngunit kung ano man ang temperatura sa labas, yun din ang temperatura sa loob. Ngunit masaya ako at kuntento sa silid kong to. Ayaw ng mga pinsan ko dito dahil nga sa ipis at mga dagang naninirahan na din dito sa katagalan. At yung pugad ng termites na kailangan alisin buwan-buwan. Ang sisipag nila i-rebuild ulit ang territoryo nila. Kaya hinayaan ko na lang. Since di naman kah

    Last Updated : 2021-02-09
  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 10 The One Who Own the Deadly Gazed.

    (Dahlia POV) “Hoy Dahlia.” Si Karen. Kakauwi pa lang niya. Bumangon ako para bumaba. Nadatnan kong hinuhubad nito ang b**a niyang jacket. Nilapag ko sa mesa ang emergency light. 0 “Uhmmm, naka-uwi ka na. Si Carlo?” Medyo puyat nga ang boses ko. Pinuntahan ko ang stove para initin muli ang niluto kong sinabawan. Nang biglang bumalik ang kuryente na ikinasilaw ng mga mata ko. Ang liwanag kasi ng bombilyang nabili namin ni Grandma. “Bigyan mo ako ng pera.” Yun ang sagot ni Karen sa tanong ko. Kaya ang Nasilaw kong mga mata agad naka-recover. “Ah?” Sa di ako makapaniwala sa hinihingi niya sa akin. “Pera.” Lahad nito ng palad sa akin. “Wag ka nang magmaang-maangan pa Dahlia. Kailangan ko ngayon ng pera. Babayaran na lang kita kapag nagpadala na si Mama sa akin.” “Sa gantong oras? Kailangan mo n

    Last Updated : 2021-02-09
  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 11 What She have Done?

    (Owen POV) Di na nila hinintay ang kusa kong pagbisita sa tinitirahan ni Miss Yuki. Nagsisulputan sa harapan ko ang mga tauhan nito. Ang ibig lang sabihin ng pagpunta nila dito ay sumama ako sa kanila. Kaya sumama ako. Nang madaanan namin ang opisina ng asawa ko, matalim na titig ang pinabaon niya sa akin. Tuloy, nagdadalawang isip na ako kung mahal pa ba ako ng asawa ko o hindi na. Miss Nam naman… Halos nanginginig ang katawan ko ng tumampad sa aking paningin ang tahanan ng magkaptid na Carter. Sa pagkaalam ko, ampon lang ng mag-asawa si Yuki at ang tunay na anak yung usap-usapan na namumuno sa isang grupo ng mafia. Ano pa nga ba? Isang mafia boss. Akala ko nga din kathang-isip lang ang tungkol sa kanila. Ngunit totoo pala ang tungkol sa kanila. Halos matumba ako ng makalabas ako sa sasakyan. Paano na talaga Mis

    Last Updated : 2021-02-09
  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 12 A Supportive Brother

    (Owen POV) Napatitig ako sa mga tauhan niyang nakayuko. Bakit di na lang nila dalhin ang babaeng to sa hospital ng mga baliw? Malinaw na hindi na siya makapagsulat ng maayos dahil nababaliw na ito. Hindi ba sila natatakot sa pinag-gagawa niya? Kaya kinuha ko ang phone at sinubukan ko tumawag ng biglang may humablot nito. Sa isang iglap nabasag ito. “Anong problema dito?” Ang boses niya… puno ng malakas na auwra. Nagsiyukuan ang mga tauhan sa paligid. At si Miss Yuki agad na lumiwanag ang mukha niya. Masayang tumakbo sa kakarating lang. Ako… Nanginginig ang tuhod ko. “Kai!” Ang pangalan ng tinaguriang Mafia boss. Tatangapin ko na lang ba na hangang dito na lang ang aking huling hantungan? Ngunit naalala ko ang sinabi ng asawa ko. Saka pinagdugtong ko sa sinabi ni Miss Yuki kanina.

    Last Updated : 2021-02-09
  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 13 The Demand

    (Owen POV) “Sa totoo lang Master Kia, ang sinusulat niya…” “B****a.” Siya na mismo ang nagtapos ng sasabihin ko. “Alam mo bang nasasaktan ang kapatid ko sa mga naririnig niya sa inyo? Kung b****a nga ang paningin niyo sa pinaghirapan ng kapatid ko, sa tingin niyo mapapatawad ko kayo? Mayroong takas ang kompanya ninyo sa akin? B****a. Yan kasi ang tumatak sa isipan niyo. Kaya lahat ng maaring ma-ipasa pa ng kapatid ko sa kompanya ninyo, ay tatratuhin nang b****a. Wala nang tiwala ang kompanya niyo sa talento ng kapatid ko.” “Master Kia, di naman sa ganoon.” Napabuntong hininga ako. Di ko alam kung masasagot ko ba siya ng maayos. “Magaling na manunulat ang kapatid ninyo. Di ko alam kung ano ang nangyari na habang tumatagal…” Di ko alam kung sasambitin ko ang masasakit na salita. Baka kasi, ito pa ang ikasanhi ng pagkamatay ko. Kaya muli akong napalunok.

    Last Updated : 2021-02-09
  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 14 Carlo's trouble

    (Dahlia POV) Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat ng biglang narinig kong may naghahanap sa akin sa ibaba. Sa boses nito magigising si Grandma. Umuwi na yung isa pang walang magawa sa buhay kundi pahirapan ang mga magulang nila. Mga magulang na umaasang nag-aaral sila ng mabuti. Pinagpatuloy ko parin ang pagsusulat ko. Nang bumukas ang pinto…. “Dahlia!” Nabitawan ko ang aking ballpen saka humarap sa kanya. “Natutulog si Grandma. Di na ba kayo marunong tumingin kung ano nang oras? Wala na bang natitirang respeto sa katawan ninyo?” “Wala akong paki-alam. Kailangan ko ng pera. Ngayon din!” Kagaya din ng dahilan ni Karen kung bakit niya inistorbo ang tulog ko. Bakit lagi na lang nila ako nilalapitan tungkol sa perang hinihingi nila? Sobra-sobra naman ang allowance na binibigay sa kanila ng mga magulang nila.

    Last Updated : 2021-02-09
  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 15 The Mafia Boss is the Grand Alpha

    (Cedrick POV) “We did everything to set up the grandchild of the old woman who owns the Milktea shop, Master Kia.” Ngumisi lamang sa akin ang boss namin. Kung sa maduming laro lang naman, di talaga kaagad lalantad ang tunay na layunin. Papa-inin ang biktima. Hangang sa napansin nito tuluyan siyang nahulog sa patibong. At walang takas. Yun ang maduming laro ng isang Mafia Boss, kagaya niya Master Kia. Napatango ito. “May balita ka na ba kung nasaan ang hinahanap natin?” “The slayer of our clan.” klaro ko. “I am afraid na wala paring balita Master Kia.” “We need his blood. As soon as possible.” Saka niya kinuntrol ang sarili na hindi maging isang ganap na lobo. Sabi nga kung ang poison ng ahas ay ang gamot din naman ay venom nito, ibig lang sabihin ang pumapatay ng lahi namin ay siya ring gamot

    Last Updated : 2021-02-09
  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 16 No time to Waste

    (Dahlia POV) Di ako makatulog ng gabing yun sa paghihintay kay Carlo. Walang katotohanan ang hinala ni Karen na may gusto ako kay Carlo. Ginagawa ko lang ito dahil sa mga magulang nila na umaasang makakapagtapos sila sa kolehiyo. Ang mga pinsan kong to, bakit ang sakit nila sa ulo. Haist. Naawa lang ako sa magulang nila. Naibuhos ko ang oras sa paghihintay sa pagsusulat. Malapit na ang katapusan. Napansin kong di lang talaga maganda. Napaka-common ng ending. Mali to. Ngunit sinasabi na kapag ganito nga ang katapusan, ibig lang sabihin hihingi ang mambabasa ng pangalawang libro, para makuha ang hustisya sa naunang libro. Sana nga kumagat sa panglasa nila. Napaunat ako ng aking kamay. Sumilip sa bintana ang sinag ng araw. Tumayo na ako sa kinaka-upuan ko. Binuksan ko ito ang bintana. Inumaga si Carlo.

    Last Updated : 2021-02-09

Latest chapter

  • Nine Months [Tagalog]   Finale

    (Dahlia POV)Hinatid ako ng ilang sasakyan sa hospital, at kaagad naman ako bumaba. Laking salamat ko na lang na walang sumunod na tauhan sa akin.Sinong babalik sa mansion na yun? Oo, maganda at malaki… Saka naramdaman ko ang buhay princessa pero wala paring ikakaganda na magkaroon ng kalayaan. Hindi rin maganda na palaging sinunsundan, at kaliwa-kanan ang pagtulong ng mga katulong. Kahit na lang sa pagbibihis mayroon pang nais na tumulong.Dumiretso ako sa silid ni Grandma, at wala na roon ang dalawang assistant na iniwan ni Sir Venal. Siguro, pinabalik na sila ni Sir Venal sa talagang trabaho nila. Ngunit ng pumasok ako sa silid ni Grandma… Wala ito sa kanyang higaan, pero ang mga gamit namin ay andito pa.Lumabas ako para alamin kung nasaan si Grandma, ngunit nanlaki na lamang ang mga mata ko ng sinabi nang nurse na… Nasa critical surgery si Grandma ngayon. Heart transplant ang sinasagawa since daw ang puso nito ay hindi na nakakapag circulate ng dugo.“Pero… Hindi ko alam ang tun

  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 104

    (Dahlia POV)“Miss Dahlia…” At kanina ko pa naririnig ang pagtawag sa akin, hangang sa iminulat ko nga ang aking mga mata, himala nakatulog ulit ako?Saka napabangon ako dahil yung babaing… Siya ba ang pumalit kay Madam Lilith? At bakit pinalitan si Madam Lilith?“Good Morning,” Bati nito sa akin.“Good morning din po.” Nakita ko nga sa labas ng bintana na umaga na at maliwanag na ang buong paligid. “Si Master Dryzen, siguro naman makakausap ko siya ngayon?”Napatango ito. “Naghihintay siya sa may Lanai. Kailangan niyo munang mag-ayos bago humarap sa kanya.”At nakita ko sa mga papel na ginawa kong unan… Napapikit na lamang ako. Talagang masarap yung tulog ko, para maglaway ako?“Pasensya na po.”Nanatiling nakangiti yung babae. Ang pangalan niya diba, Miss Ara?Sumunod na lamang ako sa nais nitong mangyari, at ulit kailangan ko magpalit ng damit.Hangang sa makalabas nga ako sa silid, pumunta kami sa tinatawag nilang Lanai hindi malayo sa Patio na nasa Hardin.Naroroon na si Master D

  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 103

    (Secretary Venal POV)Tumango si Miss Ara sa mga tauhan niya, at binuksan nga ang pintuan. Pumasok ako at sumunod si Miss Ara, at agad na hinagilap ng aking mga mata ang anyo ni Miss Dahlia ngunit wala kaming nakita, kundi ang nakabukas na terrace. Kaagad namin ito pinuntahan, at si Miss Dahlia ay naroroon…“Sir Venal…” Nakahinga ako kahit paano.“Miss Dahlia, ano ang ginagawa niyo dito?”“Sinabi ko na kasi sa kanya…” Tukoy niya kay Miss Ara, “na nakapagpahinga na ako. Handa na ako umuwi Sir Venal. Ano ba ang sinabi ni Master Dryzen sayo? Pasensya na, kasi medyo nababahala na ako kay Grandma. Wala akong balita sa kanya. At nais kong makita yung matanda.”“At ano sana ang gagawin niyo Miss Dahlia?” Bakas sa kanya ang pag-alala, ngunit nag-aalala din ako sa maaring gawin niya.“Di ko akalain na nasa mataas palang palapag ang silid na ito.”“Tatakas kayo Miss Dahlia?” Singit ni Miss Ara.“… Ano pa nga ba. Pero, baka hindi ko makita si Grandma kapag ginawa kong tumalon dito. Baka mauna pa

  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 102

    (Dahlia POV)“Miss Dahlia, sumunod kayo sa akin.” At ayun, napalingon ako sa nagsalita, hindi si Madam Lilith kundi isang mala-diwatang babae. Katulad ni Master Dryzen parang sila ang may perpektong pangangatawan. Sa likuran niya may mga nakahelerang mga babae…Teka, sanay ako na si Madam Lilith ang gumagawa nito para sa akin.“Hmmm… Maari ba akong magtanong?” Hindi ito sumagot sa akin ngunit handa siyang pakingan ang sasabihin ko.“Nasaan si Madam Lilith?”Kaagad na ngumiti ito. “Mas makakabuting sumunod na lamang kayo sa amin.”Lahad nito ng kamay niya palabas ng silid.Wala na akong nagawa kundi tumayo, at nauna ngang lumabas sa silid, hangang sa di ko na alam kung saan pupunta. Kaya nauna na yung napakagandang babae, at pabalik kami sa silid na ginamit ko kanina. Binuksan nila ito…“Gamitin niyo na lang ang telephono kung may kailangan kayo Miss Dahlia.”“Teka lang Miss… Hindi ba ako pa-uuwiin ngayon ni Master Dryzen?”“…” Isang ngiti ulit ang sinagot. Pakiramdam ko tuloy nangalin

  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 101

    (Secretary Venal POV)“Master Dryzen, pagkukulang ko ang dahilan kung bakit nagawa ito ni Lilith.”“Tss. Narinig kong usap-usapan, yang pinsan mo nahuhumaling sa akin. Kaya ba may ginagawa siya sa babaing pinili ko?”“Master Dryzen…”“Nais ba niyang sumunod sa yapak ng kanyang ina?” Saka muling tumawa si Master Dryzen.“Master Dryzen, ang pampatulog na pina-inom ni Lilith kay Miss Dahlia ay makakabuti sa kanya.” Sa sinabi ko biglang natigilan ang principi ng dragon. Napangisi siyang tumitig sa akin.Alam kong heto ang huli kong pagkakataon na iligtas si Lilith, at hangang dito na lang ito. Ginagawa ko ata ito dahil labis akong nakonsensya sa gabing yun ng mamatay ang kanyang ina.“Ang mga sangkap na ginamit ni Miss Lilith sa sleeping dose na ginawa niya ay makakatulong sa maayos na circulasyon ng dugo ni Miss Dahlia. Halos hindi nakakatulog ng maayos si Miss Dahlia nitong nakaraang gabi. Hindi yun maganda kay Miss Dahlia. Maaring makakuha siya ng malulubhang sakit kapag nagpatuloy.”“

  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 100

    (Venal POV)Halos kalahating oras na ang nagdaan, at ang magandang panahon na akala ko ma-araw na araw, ay tinakpan na ng nagbabadyang maitim na ulap. Nagbabadya ang ulan, at kakaiba din ang dalang ginaw. Hindi ito maganda kay Miss Dahlia.Kaya lumapit na ako kay Master Dryzen para sabihin ito sa kanya, ngunit nakita kong nakatulog din ang principi ng dragon.Napatango ako sa matandang Butler na kailangan siguraduhin na walang ni isang patak ng ulan ang dumampi sa katawan ng dalawa.Tahimik na nagsikilos ang mga tauhan para ayusin ang patio. Ibinaba ang dingding na yari sa salamin. At bago pa man pumatak ang ulan, naayos na ang lahat.Nang iminulat ni Master Dryzen ang kanyang mga mata. Agad niyang napansin ang ulan ngunit napatitig siya kay Miss Dahlia.Ngunit parang nais talagang ilagay ni Lilith ang kanyang sarili sa alanganin ng…“Master Dryzen hindi maaring manatili dito si Miss Dahlia, kailangan na niyang umuwi.” Napapikit ako at bago yun nakita kong umangat ang paningin ni Mas

  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 99

    (Dahlia POV)Hinila ni Madam Lilith ang upuan, at nahihiya man naupo na lamang ako. Halata ko naman na tinatrato nila akong bisita ni Master Dryzen.Sa pag-upo ko, nakaharap ako sa silangan… At maya-maya lamang ang malagintong sinag ng araw tumama sa aking mukha. Pero napakaganda nito… Lalo na dahil sa kinalalagyan ko ngayon, at sa lugar kung nasaan ako. Sinadyang gawin ang patio na ito para makita ang araw sa silangan kapag sumikat ito, at kanlurang direksyon kapag lumubog ito. Sa kanlurang direction mayroon malaking ilog. Kaya sa tingin ko maganda talaga kapag lumubog ang araw dahil sa reflection nito. Alam kong hindi ko ito makikitang lumubog dahil mamaya lang pagkatapos ng agahan, uuwi na ako. Baka naka-abala na ako ng husto kay Master Dryzen at ayokong isipin niya na inaabuso ko ang kabaitan nito.(Venal POV)Abala sa pagluluto si Master Dryzen, at ng makita niya ako, lumapit ako sa kanya at sinabi ang resulta ng test na isinagaw kay Miss Dahlia.“No doubt she is Virgin and healt

  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 98

    (Venal POV)Dumiretso kami ni Master Dryzen sa hardin. Kaagad siyang naupo, at alam na ng Butler ang gagawin. Kailangan nito i-handa ang kagamitan sa paggawa ng tsaa ni Master Dryzen.Nakapikit ang mga mata nito at hinihilot ang kanyang sintido. Hindi ko masabi kung nakatulog ba siya kagabi, o magdamag niyang pinagmasdan si Miss Dahlia. Nakakapanibago ang ipinapakitang kilos ni Master Dryzen.Nang maihanda ang kailangan sa paggawa ng tsaa, tahimik akong gumawa. Pagkatapos, maayos kong inilapag sa kanyang harapan na kaagad nito ikinamulat ng mga mata.May nais siyang tanungin sa akin pero mas pinili niyang kunin ang tasa, at napahigop ito. Nanatiling tahimik, hangang sa naubos niya ang laman ng tsaa. Alam kong isang tasa ng tsaa lamang ang kailangan niya, pero sa sitwasyon na ito ang isa tasa ay kulang pa. Parang hindi siya mapakali. Kaya muli kong pinagsilbihan.Sa pangalawang tasa ng tsaa, bigla siyang tumayo sa kanyang kinakaupuan, at napatitig sa akin. “Ang babaing yun, kapag dinad

  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 97

    (Secretary Venal POV)Aktong papasok na si Lilith, ngunit ng biglang pinigilan niya ito. “Gaya ng sinabi ko natutulog siya. She will be fine, right? At kapag mali ang sagot mo, alam mo kung ano ang susunod.”“Magiging maayos lang siya Master Dryzen.”“I see. Let’s resume way to the Blue Mansion, and I need the specialist she needs.” Utos niya sa akin.Pumasok muli siya sa sasakyan at si Miss Lilith nakatitig sa akin na halos hindi makapaniwala. Senenyasan ko na lamang siya na bumalik na sa kanyang sasakyan.Nang makarating kami sa blue Mansion, alam kong kanina pang naghihintay ang matandang butler kasama ang ilang utusan. Tinawag ko na kanina sa kanya ang inaasahan ni Master Dryzen. Para lang sa menstruation, kailangan niya ng medical specialist. Napa-iling na lamang ako.Ngayon lang siya nag-alala at ni hindi niya ito nagawa sa mga naging asawa niya noon.Tanging ang lumalabas pa lamang sa sasakyan ang driver ulit at sinabi sa akin na tulog parin si Miss Dahlia. At si Master Dryzen

DMCA.com Protection Status