(Cedrick POV)
Bumalik ang dalawang tauhang sumunod kay Miss Dahlia. At nabigo silang ibalik ito. Napangisi ako sa kanila. Lalo na si Master Kai. Napaluhod ito sa harapan namin, at alam kong walang magagawa ang pagluhod nila. Nabigo nila si Master Kai.
“Cedrick alam mo na ang gagawin sa kanila.” Saka ko senenyasan ang mga tauhan ko na alisin sa harapan namin ang dalawang babae.
Ngunit hindi ito maganda. Nakapikit ang mga mata ni Master Kai, at sinusubukan atang kontrolin ang inis na nararamdaman. Hangang sa napabuntong hininga ito.
“Bakit inaabala ko ang aking sarili na makipaglaro sa isang basura? Meron tayong kailangan gawin diba Cedrick?” Binuksan niya ang kanyang mga mata at napayuko na lamang ako ng makita ko ang nanlilisik niyang mga mata.
“My priority ay ang hanapin ang regalo sa atin ng magbibigay ng pagka-immortal sa atin. At pumapangalawa lang ang aking kapatid. Ida
(Dahlia POV)Biglang napakamot si Grandma. “Ah, oo nga pala bulag ako. Mauupo na lang ako sa labas. Presko pa ang hangin kesa sa loob ng bahay, na di ko man lang alam kung kanino bang amoy ang naamoy ko.” At tuluyan na nga siyang nakalabas. Napa-iling na lamang ako.Sinubukan kong tawagan si Karen par ikumpirma ang nangyari, ngunit out of coverage siya. Di ko ito makontact. Sinubukan ko din si Auntie Esmeralda, di rin matawagan. At nagmadali akong umakyat sa silid ko para nga kunin yung contact number ng hospital kung nasaan si Carlo. Isa din na di matawagan. Busy yung linya.Kinuha ko yung jacket ko at hinubad ang damit na di naman taga-rito sa bahay. Isinubsub ko sa isang paperbag, at nagbihis para umalis. Sa di ko kasi maintindihan kung bakit nangyayari to. At isa lang ang alam kong may kagagawan nito. Si Kai.Paglabas ko dala ang paperbag, nagulat ako kasi… nandidilig si Grandma.&
(Venal POV)Pinuntahan ko si Kevin upang ipaliwanag sa akin kung ano ang ginagawa pa ng matanda sa pamamahay nito. Di niya alam ang isasagot sa akin, nang dumating ang report, tinakasan sila ng matanda.“At paano nangyari?” Napa-iling si Kevin. Di niya alam at di ko rin ma-isip kung paano nakatakas ang matanda sa sasakyan sa kabila nang impossibleng makatakas ang kahit sino man. Kahit taong lobo walang nagagagawa sa ganoong klaseng sasakyan.Yung matanda lang ang nakatakas, habang yung mga kapamilya niya, mahimbing pa nga ang tulog. Sinabi nila sa akin na handa ngang tangapin ng pamilya ni Miss Dahlia ang alok, ngunit ang matanda tumangi. Hangang sa nagtanong yung dalagita, kung paraan saan daw upang gawin namin yun. Nang di kaagad ang mga tauhan ko makasagot, naghinala na sila. Magkakaroon sana ng kaguluhan, ng agad pinatulog ang mga ito. Kaya ang nangyari, talagang sapilitan ang lahat.
(Dahlia POV)“Is this Miss Dahlia Amelia Ofemia I am talking to?”“Yes?”“Good Morning, Miss Dahlia, we would like to congratulate you for passing the first phase of application here in Storm Corporation.”“Storm Corporation?” At umangat ang aking paningin sa napakataas na gusali. Kahit malayo ito sa kinakatayuan ko, kitang-kita parin ito.“Yes, you heard it clearly Ma’am. And we would like to interview you today’s afternoon, 2PM.” Saka naalala ko ang sinabi ni Karen na ipinasa niya yung resume ko sa isang malaking kompanya, at walang iba kundi ang Storm Corporation. Napatitig din ako sa card na hawak ko. At pakiramdam ko noong tinagap ko ito, parang ibenenta ko ang kalayaan na i-reklamo ang mga kagagawan nila sa amin.Kailangan ko ng pera para sa pang-araw-araw namin, ib
(Dahlia POV)Pag-akyat ko sa bus, puno na. Yun lang. Kaya nakatayo ako at kumapit na lang sa hawakan, habang yakap ko yung folder na naroroon yung ilang mahahalagang dukomento tungkol sa akin. Kapag may nakikita akong lalaki na kung makatitig sa akin mula paa hangang ulo, sinasadya kong isalubong sa kanya ang mga titig ko, kaya naman napapatitig sa malayo. Bwisit lang dahil kalalaking tao, naka-upo, habang yung matandang babae nakatayo sa tapat niya. Nagiging gentleman lang ba ang mga lalaki sa mga magaganda at bata pang babae? Mga sira ulo. Kaya sa inis ko, inapakan ko ang isang paa ng lalaki. Ako na ang amasona. Medyo nagulat siya.“Tayo.” Nang makita niya mukha ko. Ngumiti ako dito.“I-ikaw ba ang uupo Miss?” Nanatili lang akong nakangiti. Parang mala-anghel ang ngiti ko kapag sapilitan lang at may binabalak. Kala mo naman kung sinong inosente. Tumayo ang lalaki at willing talaga ibiga
(Dahlia POV)Talagang malawak ang bakuran nila, at hindi lang yun, napakaganda, malinis at halos makita mo kulay berde. Nature lover ata ang may-ari ng kompanya. Medyo kinakabahan na ako lalo na ng binuksan na ang pinto ng sasakyan at lumabas na ako. Di ko na nagawang i-angat ang paningin ko sa kalangitan dahil sumunod na ako sa dalawang babae na yung isa nagsilbing driver nito. Pagpasok ko, ang laki ng bulwagan at may distansya din ang reception desk na napakahaba. Ngunit marami din namang mga receptionist. Sobrang presko sa loob, dahil nga di biro ang pagka-istraktura ng gusali. Sa gitna ng bulwagan, naroroon ang isang dragon na gawa sa isang parang diamante. Ang mga mata nitong hinulma, feeling ko matagal ko na itong nakita… Hindi ko lang maalala kung kailan at saan.“Miss… We don’t have time.” Dahil bigla akong natigilan. Saka since nga pinasundo na lang ako, kailangan ko sumunod kaagad sa kanila.
Taming the Dangerous CEOBy Death WishY.O.U. M.I.G.H.T L.I.K.E((( Julius POV’s )))Nagising ako. Dahil ramdam ko napakalamig pero umiinit ako. Di ko maintindihan ang sarili ko. Nakaswitch-off ang ilaw. Tss.Naka-roba ako. Tsk. Di talaga ako mapakali sa nararamdaman ko. Anong klaseng alak ba yun? Tss.Inis kong kinapa ang lamp-shade ng bigla akong mahulog. Tss...Nasindihan ko ang lampshade ngunit ng mahiga na ulit ako. Natigilan ako, may babae sa kama ko! Gumalaw at napaharap sa akin. Tulog siya. Sa mukha ng babaeng yun, naalala ko si Janine.Napatitig ako ng husto. Na lalong nagpainit sa katawan ko.Di ko namalayan. Titig na titig ako sa labi nito. Hangang sa di ko napigilan ang sarili ko. Nilapitan ko siya at hinalikan.Na tuluyang di ko na talaga nakontrol ang sarili ko. Tumugon ang babaeng yun. Kaya
(Dahlia POV)“Dahlia Amelia Ofemia po.” Saka ngumiti na din ako sa kanya. At agad naman niya binitiwan ang kamay ko.“Have a seat.” Naupo ako ulit. Ngunit di ko talaga mapigilang manlamig. Sana naman hindi manginig ang boses ko kapag tinanong na niya ako. I mean… kailangan niya ipaliwanag kung bakit ako naririto at di ganitong klaseng interview ang aking inaasahan. Mag-isa lang ako? Saka familiar siya sa akin.“Nakikilala mo pa ba ako?” Ngumiti ako sa kanya. Napatango.“Ikaw yung Mamang tumulong sa amin.”“At kailangan kita maka-usap sa oras na yun.”“Kaya ba andito ako? Hindi ba trabaho ang pinunta ko dito, kundi kausapin ka?”“Hindi.” Nanatiling nakadikit sa labi niya ang kanyang ngiti. “Uhmmm. Sabihin na nating kung gugustuhin mo makukuha mo talaga ang trabaho Miss Dahlia.”“Dahlia. Alisin mo na ang M
(Venal POV)Dahil di nga kasama si Miss Dahlia ngayong umaga para ma-interview, marami ang agad na pinakaladkad palabas ni Master Dryzen kahit nga sinala na ito ng naunang interviewer panel. may mga nakapasok, ngunit mas pinili niyang ilagay sa mababang posisyon kahit napaka-overqualified nga ng credential ng applikante. Di pa nga natatapos, bigla na lang tumayo si Master Dryzen, at sumunod kaagad ako sa kanya ng lumabas ito. Kaya naiwan na naman si Lilith para nga ipasok ang mga ayon sa panglasa niya. Bago ako umalis, mga mata ni Lilith nanunuya, sinasabing sinayang ko lang ang oras ni Master Dryzen sa walang kwentang mga applikante na sa totoo naman talaga, mas marami ang pinakaladkad na applikante niya kesa sa akin.“I want to start the board meeting right now, Venal.” Utos niya na alam kong wala akong magagawa sa kagustuhan niya.“I will prepare everything Master Dryzen.&rdquo
(Dahlia POV)Hinatid ako ng ilang sasakyan sa hospital, at kaagad naman ako bumaba. Laking salamat ko na lang na walang sumunod na tauhan sa akin.Sinong babalik sa mansion na yun? Oo, maganda at malaki… Saka naramdaman ko ang buhay princessa pero wala paring ikakaganda na magkaroon ng kalayaan. Hindi rin maganda na palaging sinunsundan, at kaliwa-kanan ang pagtulong ng mga katulong. Kahit na lang sa pagbibihis mayroon pang nais na tumulong.Dumiretso ako sa silid ni Grandma, at wala na roon ang dalawang assistant na iniwan ni Sir Venal. Siguro, pinabalik na sila ni Sir Venal sa talagang trabaho nila. Ngunit ng pumasok ako sa silid ni Grandma… Wala ito sa kanyang higaan, pero ang mga gamit namin ay andito pa.Lumabas ako para alamin kung nasaan si Grandma, ngunit nanlaki na lamang ang mga mata ko ng sinabi nang nurse na… Nasa critical surgery si Grandma ngayon. Heart transplant ang sinasagawa since daw ang puso nito ay hindi na nakakapag circulate ng dugo.“Pero… Hindi ko alam ang tun
(Dahlia POV)“Miss Dahlia…” At kanina ko pa naririnig ang pagtawag sa akin, hangang sa iminulat ko nga ang aking mga mata, himala nakatulog ulit ako?Saka napabangon ako dahil yung babaing… Siya ba ang pumalit kay Madam Lilith? At bakit pinalitan si Madam Lilith?“Good Morning,” Bati nito sa akin.“Good morning din po.” Nakita ko nga sa labas ng bintana na umaga na at maliwanag na ang buong paligid. “Si Master Dryzen, siguro naman makakausap ko siya ngayon?”Napatango ito. “Naghihintay siya sa may Lanai. Kailangan niyo munang mag-ayos bago humarap sa kanya.”At nakita ko sa mga papel na ginawa kong unan… Napapikit na lamang ako. Talagang masarap yung tulog ko, para maglaway ako?“Pasensya na po.”Nanatiling nakangiti yung babae. Ang pangalan niya diba, Miss Ara?Sumunod na lamang ako sa nais nitong mangyari, at ulit kailangan ko magpalit ng damit.Hangang sa makalabas nga ako sa silid, pumunta kami sa tinatawag nilang Lanai hindi malayo sa Patio na nasa Hardin.Naroroon na si Master D
(Secretary Venal POV)Tumango si Miss Ara sa mga tauhan niya, at binuksan nga ang pintuan. Pumasok ako at sumunod si Miss Ara, at agad na hinagilap ng aking mga mata ang anyo ni Miss Dahlia ngunit wala kaming nakita, kundi ang nakabukas na terrace. Kaagad namin ito pinuntahan, at si Miss Dahlia ay naroroon…“Sir Venal…” Nakahinga ako kahit paano.“Miss Dahlia, ano ang ginagawa niyo dito?”“Sinabi ko na kasi sa kanya…” Tukoy niya kay Miss Ara, “na nakapagpahinga na ako. Handa na ako umuwi Sir Venal. Ano ba ang sinabi ni Master Dryzen sayo? Pasensya na, kasi medyo nababahala na ako kay Grandma. Wala akong balita sa kanya. At nais kong makita yung matanda.”“At ano sana ang gagawin niyo Miss Dahlia?” Bakas sa kanya ang pag-alala, ngunit nag-aalala din ako sa maaring gawin niya.“Di ko akalain na nasa mataas palang palapag ang silid na ito.”“Tatakas kayo Miss Dahlia?” Singit ni Miss Ara.“… Ano pa nga ba. Pero, baka hindi ko makita si Grandma kapag ginawa kong tumalon dito. Baka mauna pa
(Dahlia POV)“Miss Dahlia, sumunod kayo sa akin.” At ayun, napalingon ako sa nagsalita, hindi si Madam Lilith kundi isang mala-diwatang babae. Katulad ni Master Dryzen parang sila ang may perpektong pangangatawan. Sa likuran niya may mga nakahelerang mga babae…Teka, sanay ako na si Madam Lilith ang gumagawa nito para sa akin.“Hmmm… Maari ba akong magtanong?” Hindi ito sumagot sa akin ngunit handa siyang pakingan ang sasabihin ko.“Nasaan si Madam Lilith?”Kaagad na ngumiti ito. “Mas makakabuting sumunod na lamang kayo sa amin.”Lahad nito ng kamay niya palabas ng silid.Wala na akong nagawa kundi tumayo, at nauna ngang lumabas sa silid, hangang sa di ko na alam kung saan pupunta. Kaya nauna na yung napakagandang babae, at pabalik kami sa silid na ginamit ko kanina. Binuksan nila ito…“Gamitin niyo na lang ang telephono kung may kailangan kayo Miss Dahlia.”“Teka lang Miss… Hindi ba ako pa-uuwiin ngayon ni Master Dryzen?”“…” Isang ngiti ulit ang sinagot. Pakiramdam ko tuloy nangalin
(Secretary Venal POV)“Master Dryzen, pagkukulang ko ang dahilan kung bakit nagawa ito ni Lilith.”“Tss. Narinig kong usap-usapan, yang pinsan mo nahuhumaling sa akin. Kaya ba may ginagawa siya sa babaing pinili ko?”“Master Dryzen…”“Nais ba niyang sumunod sa yapak ng kanyang ina?” Saka muling tumawa si Master Dryzen.“Master Dryzen, ang pampatulog na pina-inom ni Lilith kay Miss Dahlia ay makakabuti sa kanya.” Sa sinabi ko biglang natigilan ang principi ng dragon. Napangisi siyang tumitig sa akin.Alam kong heto ang huli kong pagkakataon na iligtas si Lilith, at hangang dito na lang ito. Ginagawa ko ata ito dahil labis akong nakonsensya sa gabing yun ng mamatay ang kanyang ina.“Ang mga sangkap na ginamit ni Miss Lilith sa sleeping dose na ginawa niya ay makakatulong sa maayos na circulasyon ng dugo ni Miss Dahlia. Halos hindi nakakatulog ng maayos si Miss Dahlia nitong nakaraang gabi. Hindi yun maganda kay Miss Dahlia. Maaring makakuha siya ng malulubhang sakit kapag nagpatuloy.”“
(Venal POV)Halos kalahating oras na ang nagdaan, at ang magandang panahon na akala ko ma-araw na araw, ay tinakpan na ng nagbabadyang maitim na ulap. Nagbabadya ang ulan, at kakaiba din ang dalang ginaw. Hindi ito maganda kay Miss Dahlia.Kaya lumapit na ako kay Master Dryzen para sabihin ito sa kanya, ngunit nakita kong nakatulog din ang principi ng dragon.Napatango ako sa matandang Butler na kailangan siguraduhin na walang ni isang patak ng ulan ang dumampi sa katawan ng dalawa.Tahimik na nagsikilos ang mga tauhan para ayusin ang patio. Ibinaba ang dingding na yari sa salamin. At bago pa man pumatak ang ulan, naayos na ang lahat.Nang iminulat ni Master Dryzen ang kanyang mga mata. Agad niyang napansin ang ulan ngunit napatitig siya kay Miss Dahlia.Ngunit parang nais talagang ilagay ni Lilith ang kanyang sarili sa alanganin ng…“Master Dryzen hindi maaring manatili dito si Miss Dahlia, kailangan na niyang umuwi.” Napapikit ako at bago yun nakita kong umangat ang paningin ni Mas
(Dahlia POV)Hinila ni Madam Lilith ang upuan, at nahihiya man naupo na lamang ako. Halata ko naman na tinatrato nila akong bisita ni Master Dryzen.Sa pag-upo ko, nakaharap ako sa silangan… At maya-maya lamang ang malagintong sinag ng araw tumama sa aking mukha. Pero napakaganda nito… Lalo na dahil sa kinalalagyan ko ngayon, at sa lugar kung nasaan ako. Sinadyang gawin ang patio na ito para makita ang araw sa silangan kapag sumikat ito, at kanlurang direksyon kapag lumubog ito. Sa kanlurang direction mayroon malaking ilog. Kaya sa tingin ko maganda talaga kapag lumubog ang araw dahil sa reflection nito. Alam kong hindi ko ito makikitang lumubog dahil mamaya lang pagkatapos ng agahan, uuwi na ako. Baka naka-abala na ako ng husto kay Master Dryzen at ayokong isipin niya na inaabuso ko ang kabaitan nito.(Venal POV)Abala sa pagluluto si Master Dryzen, at ng makita niya ako, lumapit ako sa kanya at sinabi ang resulta ng test na isinagaw kay Miss Dahlia.“No doubt she is Virgin and healt
(Venal POV)Dumiretso kami ni Master Dryzen sa hardin. Kaagad siyang naupo, at alam na ng Butler ang gagawin. Kailangan nito i-handa ang kagamitan sa paggawa ng tsaa ni Master Dryzen.Nakapikit ang mga mata nito at hinihilot ang kanyang sintido. Hindi ko masabi kung nakatulog ba siya kagabi, o magdamag niyang pinagmasdan si Miss Dahlia. Nakakapanibago ang ipinapakitang kilos ni Master Dryzen.Nang maihanda ang kailangan sa paggawa ng tsaa, tahimik akong gumawa. Pagkatapos, maayos kong inilapag sa kanyang harapan na kaagad nito ikinamulat ng mga mata.May nais siyang tanungin sa akin pero mas pinili niyang kunin ang tasa, at napahigop ito. Nanatiling tahimik, hangang sa naubos niya ang laman ng tsaa. Alam kong isang tasa ng tsaa lamang ang kailangan niya, pero sa sitwasyon na ito ang isa tasa ay kulang pa. Parang hindi siya mapakali. Kaya muli kong pinagsilbihan.Sa pangalawang tasa ng tsaa, bigla siyang tumayo sa kanyang kinakaupuan, at napatitig sa akin. “Ang babaing yun, kapag dinad
(Secretary Venal POV)Aktong papasok na si Lilith, ngunit ng biglang pinigilan niya ito. “Gaya ng sinabi ko natutulog siya. She will be fine, right? At kapag mali ang sagot mo, alam mo kung ano ang susunod.”“Magiging maayos lang siya Master Dryzen.”“I see. Let’s resume way to the Blue Mansion, and I need the specialist she needs.” Utos niya sa akin.Pumasok muli siya sa sasakyan at si Miss Lilith nakatitig sa akin na halos hindi makapaniwala. Senenyasan ko na lamang siya na bumalik na sa kanyang sasakyan.Nang makarating kami sa blue Mansion, alam kong kanina pang naghihintay ang matandang butler kasama ang ilang utusan. Tinawag ko na kanina sa kanya ang inaasahan ni Master Dryzen. Para lang sa menstruation, kailangan niya ng medical specialist. Napa-iling na lamang ako.Ngayon lang siya nag-alala at ni hindi niya ito nagawa sa mga naging asawa niya noon.Tanging ang lumalabas pa lamang sa sasakyan ang driver ulit at sinabi sa akin na tulog parin si Miss Dahlia. At si Master Dryzen