(Venal POV)
Dryzen Storm is the most dangerous creature I ever met.
At matagal na siyang nabubuhay sa mundong ito. Sa katagalan, marami na siyang pinaglaruan. Marami nang buhay ang binura niya sa mundong ito.
At higit sa lahat, walang kagatol-gatol ang pamamaslang sa di natuto sa mga naririnig tungkol sa kanya.
Ako ang pang-anim na henerasyong naatasang paglingkuran si Dryzen.
Kung di niyo alam, hindi siya pangkaraniwang tao lang.
Lahat ng nakikita niya sa paningin ay mga mababang uring lamang.
At naririto siya sa mundong ito para parusahan.
Ngunit mali ang nangyayari. Gumaganti siya sa mundong ito.
Mga ninuno ko mismo ang nagsabi, wala parin itong pinagbago simula ng dumating siya sa mundong ito.
Ako man din.
Habang nasa loob ng sasakyan, nakikinig siya kay Lilith sa mga impormasyon tungkol sa darating na mga mayayamang negosyante sa bidding.
Habang ako… simula ng manungkulan ako sa kanya, natatakot ako para sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Napapikit ako. Hiling ko na hindi magkamali si Lilith sa kanyang sinasabi.
Parang parusa din itong katungkulan na ibinigay sa akin ng aking ama.
Paglingkuran ang nilalang kagaya ni Dryzen.
Akala ata ng deity, kawawang mamumuhay sa mundong ito ang isang kagaya ni Dryzen.
Napapikit na lamang ako.
Tumanda ang mga tiyuhin ko at namatay na hindi man nakapangasawa dahil sa kanya. Maraming kailangan ayusin lalo na kapag nakikipaglaro siya at gumagawa ng gulo.
Isa sa responsibilidad ko, ay ang lihim ang pagkatao ni Dryzen storm.
Sa ginagawa ngayon ni Master Dryzen, sa tingin ko impossible na akong makapaghanap ng mapapangasawa. Dahil wala akong oras sa bagay na yan.
Napamulat na ako ng biglang napabusina ang driver namin.
Siyang isang babae ang kamuntik na niyang mabundol kung di lang agad na…
Kumilos si Master Dryzen…
Wala nga ito sa kinakaupuan niya, at di ako makapaniwala sa nakikita ko. Iniligtas niya ang babae?
Agad na kumilos din ang mga tauhan na nasa unahan ng sasakyan namin upang iligtas yung matandang lalaki.
Ang bilis ng pangyayari.
Yun ang gusto ni Master Dryzen sa mga tauhan niya. Ang kumilos kaagad at bigyan ng sulosyon ang mga problemang sinusubukan siya.
Kaya nga…madali lang sa kanya ang pumatay diba?
Isa sa solution na nakikita niya sa kanyang problema.
Pero ano itong ginawa niya?
Lumabas ako sa sasakyan.
Kikilos na sana ako ng…
Ako mismo ang napatalikod dahil…
Bago lang sa paningin ko at sigurado sa aking mga ninuno na may nakadamping labi sa pinaglilingkuran namin.
Ang aksidenteng to, nilalagay ng babae sa panganib ang buhay niya.
A dragon’s body was sacred.
Agad na bumangon ang babae. Tumakbo papunta sa matandang lalaki na muntik na ngang maaksidente. Muntik na rin siyang mabundol kung hindi kaagad kumilos si Master Dryzen.
Lumapit ako kay master Dryzen. Nakatitig lang siya sa babaeng sinagip nito.
Inabot ko kay Master Dryzen ang kamay ko. Halata sa kanyang mukha na di niya alam kung bakit niya yun ginawa.
Kinuha nito ang kamay ko saka napatayo.
“How dare.” mahinang naibulalas niya. Hindi mabitiwan ang titig na binibigay niya sa babae.
Humarap siya sa akin at napatango na lamang ako.
Alam ko ang gusto niyang mangyari…
Alamin kung sino ang babaeng yun.
Di impossibleng muli silang magkikita ulit.
Ngunit napatapik si Master Dryzen sa balikat ko. Napailing.
Ibig lang sabihin, hayaan kong palampasin ang nangyari.
Anong nangyari?
Kanina lang yung babaing secretarya niya, pinapatay. Nahuli lang ng kunting oras sa pinag-usapan.
Habang itong seryosong aksidente, hindi niya papatulan?
Saka unang pagkakataon ito nangyari na meron siyang pinalampas.
Wala na akong nagawa kundi tawagan ang tauhan na sumagip sa matandang lalaki. Hayaan na nga itong tahimik na maka-alis.
Syempre, hindi lang ako ang magugulat sa nangyari.
Dear readers,
I want to let you know, every page you read makes my heart jump in happiness. Arigato.
EVERY BEAUTIFUL REVIEW will encourage me to write more beautiful novels.
EVERY VOTE you give to me is really a treasure to my novel.
Thank you for the unconditional support you are giving to me dear readers! See yah in my different novels.
[Tagalog Complete]
[Ongoing]
Sincerely with gratitude,
Death Wish.
(Dahlia POV) Inaalalayan ko ang braso ng aking Grandma habang papunta sa isang bus stop. Tahimik na naglalakad ang mga tao ngunit mahahalata na nagmamadali sila. Dahil siguro sa ulan na nagbabadya. “May buwan ba ngayon iha?” Tanong ni Grandma sa akin. “Sa kasamaang palad Grandma, matatakpan na ng maiitim na ulap. Pero ang ganda ng buwan. Bilog na bilog.” Dati rati nakikita ni Grandma ang mga nakikita ko ngayon. Ngunit dahil sa aksidente hindi na niya makita ang nasa paligid. “Nararamdaman ko nga na parang uulan ng malakas. Malamig ang hamog na dala ng hangin.” “Kaya kailangan niyong sumakay ngayon ng bus Grandma.” “Paano ka Dahlia?” Nakita ko ngang bigla nang naging walking sign yung traffic light. Tatawid na sana kami ni Grandma ng biglang nilipad ang sombrero nitong medyo ma
(Dahlia POV) Pagdating ko sa kinatatayuan ni Grandma, napayakap ako ulit sa kanya. May kaliitan na din kasi ang katawan niya. “Dahlia naman, wala pa akong pangkabaong para i-pain mo na ako kay kamatayan.” Narealize na ata ni Grandma. Napangiti na lamang ako sa kanya. Kahit hindi niya nakikita. “Saka ayoko pang iwan ang napakaganda kong apo.” Nambula pa ang Grandma ko. Sa nakikita ko sa kanya masayahin naman siyang matanda. Ngunit marami ang nagsabing napaka-sungit nito noon, bago pa man niya inampon. “Apo-apuhan po Grandma.” “Oh sige, binabawi ko. Di ka nga maganda. Binabawi ko.” “Sorry Grandma.” Medyo natatawa ako sa tampo ni Grandma. “Sadyang yung katawan ko mas gugustuhin atang sagipin yung sombrero niyo.” “Natural minsan sa tao ang kumilos na hindi nag-iisip. Ang utak Dah
(Venal POV) We arrived at the location where the auction is about to begin. Ngunit di naman ito mag-uumpisa kung wala pa nga si Dryzen, kundi patay sila. May pagkakaabalahang trabaho na naman ako. Wag silang tanga na dagdagan pa ang trabaho ko. Sinalubong kami ng malalaking payong. Dahil bumuhos na nga ang malakas na ulan. Agad ko naman kinuha sa isang tauhan ang coat ni Master Dryzen. Tinulungan ko itong ma-isuot sa kanya. Agad kaming pumasok sa gusali. Nakareserve na ang upuan sa unahan para sa kanya. Sa unahan siya nauupo para makita ng maigi ang item. In case gusto niyang bilhin at maging isa sa mga collection na naman niya. Ngunit halos lahat naman ng auction na pinuntahan namin, karamihan siya ang bumibili. Wala siyang paki-alam kung magkano nang halaga ang inaabot ng isang bagay. He sits like a king. Tipon
(Venal POV) Naghihintay na sa labasan ang sasakyan. Patuloy parin ang pagbuhos ng malakas na ulan. Pumasok na si Master Dryzen sa sasakyan matapos pirmahan nito ang dokumento na kailangang bayaran sa auction na ito. Sa tabi ng driver niya, ako naupo. Nakita ko sa salamin na isinandal ni Master Dryzen ang ulo niya sa upuan. Ipinikit ang kanyang mga mata. Impossibleng wala siyang gagawin. O kagaya din ito kanina, tungkol sa babaeng iniligtas niya. Papalipasin ng ganoon kadali. Siguro… Oras na ata para kumalma na din ako. Ngunit nagkakamali pala ako. “Stop the car.” Agad ikina-preno ng sasakyan. “Give it to me.” Alam kong ako ang pinagsasabihan niya. Kaya inilabas ko na lamang ang tablet kung saan naroroon ang impormation tungkol sa negosyante kanina. Napangisi siya matapos basahin ito. Saka
(Dahlia POV) Sumilip na muli ang liwanag ng buwan. Kaya medyo natiwasay ako sa paglalakad. Nabasa ng kunti. Sana hindi ako nito sipunin. Malapit na ako sa amin. Sinara ko ang payong. Inayos ko. Nang natigilan ako…. Dahil parang may sumusunod sa akin. Huminga ako ng malalim. Sa sitwasyong ito kailangan ko lang magmadali sa paglalakad. Isang makitid pa namang iskinita ang dinadaanan ko. At halatang tulog na ang mga nakatira sa malapit dahil ngilan-ngilang bahay na lamang ang merong ilaw. Ang gabi, ito yung mahalagang oras para sa mga mangagawang ginagawa ang trabaho nila sa umaga. Ito yung oras na nagkakaroon ng katiwasayan ang isipan ko. Ngunit hindi sa ngayon. Masama talaga ang pakiramdam ko na parang may sumusunod sa akin. Kaya tumigil ako sa paglalakad. Mabuti nang harapan ang kinakatakutan diba? Pero paglingon ko sa
(Dahlia POV) “Grabe naman kayo Grandma. Syempre nag-aaral din yun ng maayos. Nagpaalam yun sa inyo na gagabihin siya kaninang umaga. Pustahan tayo Grandma, agad yun uuwi.” “Sus Dahlia. Wag mong pinagtatakpan yang mga pinsan mo. Meron pa akong tenga. Bulag lang ako.” “Grandma, relaxs.” Isinuot ko ang apron saka kinuha ko ang kutsilyo. Hiwa mode na sa mga sangkap. “Kwento niyo na lang ulit sa akin yung lagi niyong kinukwento. Kasi, hindi ko naman pina-plagiarized ang imagination niyo. Yan kasi ang subject ko sa sinusulat ko ngayon Grandma. Dragon. Malay niyo, dream come true na tayo! Sikat nang manunulat ang apo niyo!” Pero mas pinili ni Grandma na manahimik na lang. Okey. Wala ata si Grandma sa mood ngayon, plus baka gutom na din. “Dahlia…” “Grandma.” Binuhay ko yung stove. “Ang
(Owen POV) “Owen, pinapapunta ka ni Ma’am Senior Editor sa opisina niya.” Agad kong inangat ang paningin ko sa aking desk. Saka lumingon sa opisina ng m*****a naming Senior Editor. Napabuntong hininga ako. Tungkol na naman ata ito sa manuscript na ipinasang for approval to publish ni Yuki. Napakamot ako. Parang pagod akong bumangon sa kinakaupuan ko. Dalawang babae lang naman ang napakaraming demand sa buhay ko. Si Yuki at Ms. Nam. Haist. Si Miss Nam kasi inaalala lang niya ang reputation ng kompanya. Nais niya na ang lahat na ma-ipublished sa ilalim ng pangalan ng kompanya ay yung may mataas na quality na mga kwento. Ayaw niya yung mga b****a at wala namang katuturan basahin. Naalala ko nga ang sinabi niya na... "Hindi tayo tumatangap ng kwento na nais lang ng mambabasa ang matulog. Edi sana walang sleeping pills na lumabas sa mercado. Bwisit."&nbs
(Dahlia POV) Naihubad ko na ang apron ko. Nakatulog na din si Grandma. Napatitig ako sa orasan. Wala parin yung mga pinsan ko. Malakas ang ulan sa labas na ikinasara ko nga ng mga bintana. Sa katunayan, masarap magsulat kapag ganito ang panahon. Kaya nanabik akong umakyat sa hagdan papunta sa aking silid. Dati rati tambakan lang ng mga lumang kagamitan. Ngayon ginawa kong silid ko. Di naman ako tinapon dito ni Grandma. Sadyang gusto ko lang dito. Tahimik. Ngunit kung ano man ang temperatura sa labas, yun din ang temperatura sa loob. Ngunit masaya ako at kuntento sa silid kong to. Ayaw ng mga pinsan ko dito dahil nga sa ipis at mga dagang naninirahan na din dito sa katagalan. At yung pugad ng termites na kailangan alisin buwan-buwan. Ang sisipag nila i-rebuild ulit ang territoryo nila. Kaya hinayaan ko na lang. Since di naman kah
(Dahlia POV)Hinatid ako ng ilang sasakyan sa hospital, at kaagad naman ako bumaba. Laking salamat ko na lang na walang sumunod na tauhan sa akin.Sinong babalik sa mansion na yun? Oo, maganda at malaki… Saka naramdaman ko ang buhay princessa pero wala paring ikakaganda na magkaroon ng kalayaan. Hindi rin maganda na palaging sinunsundan, at kaliwa-kanan ang pagtulong ng mga katulong. Kahit na lang sa pagbibihis mayroon pang nais na tumulong.Dumiretso ako sa silid ni Grandma, at wala na roon ang dalawang assistant na iniwan ni Sir Venal. Siguro, pinabalik na sila ni Sir Venal sa talagang trabaho nila. Ngunit ng pumasok ako sa silid ni Grandma… Wala ito sa kanyang higaan, pero ang mga gamit namin ay andito pa.Lumabas ako para alamin kung nasaan si Grandma, ngunit nanlaki na lamang ang mga mata ko ng sinabi nang nurse na… Nasa critical surgery si Grandma ngayon. Heart transplant ang sinasagawa since daw ang puso nito ay hindi na nakakapag circulate ng dugo.“Pero… Hindi ko alam ang tun
(Dahlia POV)“Miss Dahlia…” At kanina ko pa naririnig ang pagtawag sa akin, hangang sa iminulat ko nga ang aking mga mata, himala nakatulog ulit ako?Saka napabangon ako dahil yung babaing… Siya ba ang pumalit kay Madam Lilith? At bakit pinalitan si Madam Lilith?“Good Morning,” Bati nito sa akin.“Good morning din po.” Nakita ko nga sa labas ng bintana na umaga na at maliwanag na ang buong paligid. “Si Master Dryzen, siguro naman makakausap ko siya ngayon?”Napatango ito. “Naghihintay siya sa may Lanai. Kailangan niyo munang mag-ayos bago humarap sa kanya.”At nakita ko sa mga papel na ginawa kong unan… Napapikit na lamang ako. Talagang masarap yung tulog ko, para maglaway ako?“Pasensya na po.”Nanatiling nakangiti yung babae. Ang pangalan niya diba, Miss Ara?Sumunod na lamang ako sa nais nitong mangyari, at ulit kailangan ko magpalit ng damit.Hangang sa makalabas nga ako sa silid, pumunta kami sa tinatawag nilang Lanai hindi malayo sa Patio na nasa Hardin.Naroroon na si Master D
(Secretary Venal POV)Tumango si Miss Ara sa mga tauhan niya, at binuksan nga ang pintuan. Pumasok ako at sumunod si Miss Ara, at agad na hinagilap ng aking mga mata ang anyo ni Miss Dahlia ngunit wala kaming nakita, kundi ang nakabukas na terrace. Kaagad namin ito pinuntahan, at si Miss Dahlia ay naroroon…“Sir Venal…” Nakahinga ako kahit paano.“Miss Dahlia, ano ang ginagawa niyo dito?”“Sinabi ko na kasi sa kanya…” Tukoy niya kay Miss Ara, “na nakapagpahinga na ako. Handa na ako umuwi Sir Venal. Ano ba ang sinabi ni Master Dryzen sayo? Pasensya na, kasi medyo nababahala na ako kay Grandma. Wala akong balita sa kanya. At nais kong makita yung matanda.”“At ano sana ang gagawin niyo Miss Dahlia?” Bakas sa kanya ang pag-alala, ngunit nag-aalala din ako sa maaring gawin niya.“Di ko akalain na nasa mataas palang palapag ang silid na ito.”“Tatakas kayo Miss Dahlia?” Singit ni Miss Ara.“… Ano pa nga ba. Pero, baka hindi ko makita si Grandma kapag ginawa kong tumalon dito. Baka mauna pa
(Dahlia POV)“Miss Dahlia, sumunod kayo sa akin.” At ayun, napalingon ako sa nagsalita, hindi si Madam Lilith kundi isang mala-diwatang babae. Katulad ni Master Dryzen parang sila ang may perpektong pangangatawan. Sa likuran niya may mga nakahelerang mga babae…Teka, sanay ako na si Madam Lilith ang gumagawa nito para sa akin.“Hmmm… Maari ba akong magtanong?” Hindi ito sumagot sa akin ngunit handa siyang pakingan ang sasabihin ko.“Nasaan si Madam Lilith?”Kaagad na ngumiti ito. “Mas makakabuting sumunod na lamang kayo sa amin.”Lahad nito ng kamay niya palabas ng silid.Wala na akong nagawa kundi tumayo, at nauna ngang lumabas sa silid, hangang sa di ko na alam kung saan pupunta. Kaya nauna na yung napakagandang babae, at pabalik kami sa silid na ginamit ko kanina. Binuksan nila ito…“Gamitin niyo na lang ang telephono kung may kailangan kayo Miss Dahlia.”“Teka lang Miss… Hindi ba ako pa-uuwiin ngayon ni Master Dryzen?”“…” Isang ngiti ulit ang sinagot. Pakiramdam ko tuloy nangalin
(Secretary Venal POV)“Master Dryzen, pagkukulang ko ang dahilan kung bakit nagawa ito ni Lilith.”“Tss. Narinig kong usap-usapan, yang pinsan mo nahuhumaling sa akin. Kaya ba may ginagawa siya sa babaing pinili ko?”“Master Dryzen…”“Nais ba niyang sumunod sa yapak ng kanyang ina?” Saka muling tumawa si Master Dryzen.“Master Dryzen, ang pampatulog na pina-inom ni Lilith kay Miss Dahlia ay makakabuti sa kanya.” Sa sinabi ko biglang natigilan ang principi ng dragon. Napangisi siyang tumitig sa akin.Alam kong heto ang huli kong pagkakataon na iligtas si Lilith, at hangang dito na lang ito. Ginagawa ko ata ito dahil labis akong nakonsensya sa gabing yun ng mamatay ang kanyang ina.“Ang mga sangkap na ginamit ni Miss Lilith sa sleeping dose na ginawa niya ay makakatulong sa maayos na circulasyon ng dugo ni Miss Dahlia. Halos hindi nakakatulog ng maayos si Miss Dahlia nitong nakaraang gabi. Hindi yun maganda kay Miss Dahlia. Maaring makakuha siya ng malulubhang sakit kapag nagpatuloy.”“
(Venal POV)Halos kalahating oras na ang nagdaan, at ang magandang panahon na akala ko ma-araw na araw, ay tinakpan na ng nagbabadyang maitim na ulap. Nagbabadya ang ulan, at kakaiba din ang dalang ginaw. Hindi ito maganda kay Miss Dahlia.Kaya lumapit na ako kay Master Dryzen para sabihin ito sa kanya, ngunit nakita kong nakatulog din ang principi ng dragon.Napatango ako sa matandang Butler na kailangan siguraduhin na walang ni isang patak ng ulan ang dumampi sa katawan ng dalawa.Tahimik na nagsikilos ang mga tauhan para ayusin ang patio. Ibinaba ang dingding na yari sa salamin. At bago pa man pumatak ang ulan, naayos na ang lahat.Nang iminulat ni Master Dryzen ang kanyang mga mata. Agad niyang napansin ang ulan ngunit napatitig siya kay Miss Dahlia.Ngunit parang nais talagang ilagay ni Lilith ang kanyang sarili sa alanganin ng…“Master Dryzen hindi maaring manatili dito si Miss Dahlia, kailangan na niyang umuwi.” Napapikit ako at bago yun nakita kong umangat ang paningin ni Mas
(Dahlia POV)Hinila ni Madam Lilith ang upuan, at nahihiya man naupo na lamang ako. Halata ko naman na tinatrato nila akong bisita ni Master Dryzen.Sa pag-upo ko, nakaharap ako sa silangan… At maya-maya lamang ang malagintong sinag ng araw tumama sa aking mukha. Pero napakaganda nito… Lalo na dahil sa kinalalagyan ko ngayon, at sa lugar kung nasaan ako. Sinadyang gawin ang patio na ito para makita ang araw sa silangan kapag sumikat ito, at kanlurang direksyon kapag lumubog ito. Sa kanlurang direction mayroon malaking ilog. Kaya sa tingin ko maganda talaga kapag lumubog ang araw dahil sa reflection nito. Alam kong hindi ko ito makikitang lumubog dahil mamaya lang pagkatapos ng agahan, uuwi na ako. Baka naka-abala na ako ng husto kay Master Dryzen at ayokong isipin niya na inaabuso ko ang kabaitan nito.(Venal POV)Abala sa pagluluto si Master Dryzen, at ng makita niya ako, lumapit ako sa kanya at sinabi ang resulta ng test na isinagaw kay Miss Dahlia.“No doubt she is Virgin and healt
(Venal POV)Dumiretso kami ni Master Dryzen sa hardin. Kaagad siyang naupo, at alam na ng Butler ang gagawin. Kailangan nito i-handa ang kagamitan sa paggawa ng tsaa ni Master Dryzen.Nakapikit ang mga mata nito at hinihilot ang kanyang sintido. Hindi ko masabi kung nakatulog ba siya kagabi, o magdamag niyang pinagmasdan si Miss Dahlia. Nakakapanibago ang ipinapakitang kilos ni Master Dryzen.Nang maihanda ang kailangan sa paggawa ng tsaa, tahimik akong gumawa. Pagkatapos, maayos kong inilapag sa kanyang harapan na kaagad nito ikinamulat ng mga mata.May nais siyang tanungin sa akin pero mas pinili niyang kunin ang tasa, at napahigop ito. Nanatiling tahimik, hangang sa naubos niya ang laman ng tsaa. Alam kong isang tasa ng tsaa lamang ang kailangan niya, pero sa sitwasyon na ito ang isa tasa ay kulang pa. Parang hindi siya mapakali. Kaya muli kong pinagsilbihan.Sa pangalawang tasa ng tsaa, bigla siyang tumayo sa kanyang kinakaupuan, at napatitig sa akin. “Ang babaing yun, kapag dinad
(Secretary Venal POV)Aktong papasok na si Lilith, ngunit ng biglang pinigilan niya ito. “Gaya ng sinabi ko natutulog siya. She will be fine, right? At kapag mali ang sagot mo, alam mo kung ano ang susunod.”“Magiging maayos lang siya Master Dryzen.”“I see. Let’s resume way to the Blue Mansion, and I need the specialist she needs.” Utos niya sa akin.Pumasok muli siya sa sasakyan at si Miss Lilith nakatitig sa akin na halos hindi makapaniwala. Senenyasan ko na lamang siya na bumalik na sa kanyang sasakyan.Nang makarating kami sa blue Mansion, alam kong kanina pang naghihintay ang matandang butler kasama ang ilang utusan. Tinawag ko na kanina sa kanya ang inaasahan ni Master Dryzen. Para lang sa menstruation, kailangan niya ng medical specialist. Napa-iling na lamang ako.Ngayon lang siya nag-alala at ni hindi niya ito nagawa sa mga naging asawa niya noon.Tanging ang lumalabas pa lamang sa sasakyan ang driver ulit at sinabi sa akin na tulog parin si Miss Dahlia. At si Master Dryzen