Pinahid niya ang mga luha ko. Kinulong sa mga palad n'ya ang pisngi ko."Sorry, I'm so sorry... 'di na mauulit!" Pikit-mata kong inalis ang mga kamay niya sa pisngi ko. "Hayaan mo muna akong huminga. Pabayaan mo muna ako." Binuksan ko ang pinto at walang paalam na lumabas. Wala akong ibang mapuntahan; walang ibang lugar na p'wedeng pagtaguan kun'di ang hagdan papunta sa second floor ng shop. Doon ko binuhos lahat ng sama ng loob. Wala na akong paki mamaga man ang mga mata. Mailabas ko lang ang sama ng loob.Naging matamlay ang buong maghapon sa trabaho. Hindi na rin nagtanong si Lenny sa kung anong nangyari. Hindi naman kasi maipagkakaila sa maga kong mga mata, at s'yempre alam niya rin kung ano ang dahilan. Ang hindi niya lang alam ay nasaktan ako pisikal. Nanatili akong tahimik habang sakay ng kotse ni Romeo. Despite what had happened earlier, he insisted on driving me home. He kept staring at me and sighed repeatedly. Ramdam ko ang pagsisisi niya sa nagawa kanina. Hinawakan niy
Sandaling napako ang paningin ko sa magkahawak naming kamay ni Diego. "Ako na ang maglalaba. Baka magasgas pa 'yang malambot mong kamay," sabi niya at sinuksok sa bulsa niya ang towel. Napailing ako. "Bahala ka..." nasabi ko na lang, saka binuksan ang pinto. "Salamat Diego," wika ko pa bago sinara ang pinto at patakbong nagpunta sa shop. Ang lakas na talaga kasi ang ulan. Nilingon ko pa ang kotse ni Diego na nasa parking space pa rin. "Maulan na umaga, Vianna May," masiglang bati ni Mang Damian. "Magandang umaga, Mang Damian," nakangiting bati ko sa matanda. "Ano na ang balita kay Gino, Mang Damian?" tanong ko sabay ang pagtiklop ng payong at nilagay iyon sa umbrella stand. "Wala pa rin talaga akong balita sa kan'ya. Alalang-alala na nga ako sa batang 'yon." "Huwag na po kayong mas'yadong mag-alala, Mang Damian." Tapik ko ang balikat niya. "Magandang umaga, po," sabay kaming lumingon sa pinanggalingan ng malambing na boses na bumati sa amin. "Roselyn, magandang umaga," nakang
My entire body shook with anger, irritation, and pain. My eyes welled up with tears. I tried to hold back my sobs as we entered the gate, but I couldn't. Ang sikip ng dibdib ko. "Anak, tahan na." Yakap ako ni Mama, at pareho kaming umiiyak. Bagsak ang mga kamay ko, kahit ang yakapin pabalik si Mama ay hindi ko magawa. She knew that it wasn't Aling Erna's hurtful remarks that made me cry like this, but the memories of my father."Vianna May, Violy! Pumasok na kayo," nag-aalang wika ni Aling Chona. Hindi namin napansin ang pagsunod niya. Sabay niya kaming giniya papasok at inalalayang maka-upo sa sofa. Kaagad din siyang kumuha ng tubig at binigay sa amin iyon. "Salamat Chona," paos ang boses na pasalamat ni Mama. Nasa pagitan nila ako at alam kong nasa akin ang tingin nila. Magkasabay din nilang hinaplos ang umuuga kong likod at balikat. Ilang sandali pa nila akong hinayaang umiyak hanggang sa unti-unti na akong kumalma. Ang malakas na hagulgol kanina ay napalitan nang paghikbi. "
TAONG 2009 cont. Natigil ang pagmunimuni ko nang marinig ang tawanan ng mga kamag-aral ko. Ang saya nilang naglalaro sa pool. Swimming team sila ng school namin. Kasama nila ang kaklase at crush kong si Diego, ang dahilan kung bakit kahit paano sumisilay pa rin ang ngiti sa labi ko. Makita ko lang ang guwapo at namumula niyang mukha, masaya na ako lalo na kung mapasulyap din siya sa kinaroroonan ko. Laking ginhawa ang bigay no'n sa puso ko. Dito ako tumatambay sa pool kapag tapos na ang klase kaya lagi ko siyang napagmamasdan kahit sa malayo lang. Isang sulyap pa kay Diego ang ginawa ko bago tumayo at umalis. Bitbit sa isipan ko ang guwapo niyang mukha at may ngiti pa sa labi. Mabagal akong naglakad pauwi. Kung may ibang mapupuntahan lang sana ako, talagang hindi muna ako uuwi sa bahay. Pero wala dahil ayaw din sa amin ng lola ko. Kung buhay pa siguro ang lolo, buong puso niya akong patutuluyin sa bahay nila. Sa kasamaang palad, pumanaw na siya at ang naiwan ang lola kong walang
TAONG 2009 cont. "Vianna May," humihingal at bakas ang pag-aalala sa mukha ng aming kapitbahay. "Ang Mama mo!" "A-ano po ang nangyari kay Mama?" umiyak kong tanong. Napahigpit ang paghawak sa kamay ni Diego."Sinugod sa ospital! Puntahan mo na siya." Agad kaming sumakay ng taxi pagkasabi ng aming kapitbahay kung saang ospital dinala si Mama. Hindi matigil ang iyak ko habang sakay kami ng taxi. Sinisisi ko ang sarili. Kung hindi ko lang ginawa 'yong kanina, hindi sana nangyari ang ganito. Kung hindi sana ako umalis, may nagawa siguro ako. Naipagtanggol ko man lang sana siya sa hayop kong ama.Hindi pa man tuluyang nakaparada ang taxi, patalon na akong bumaba mula doon at iniwan si Diego. Dumeritso ako sa information, taranta at umiiyak na nagtanong kung nasaan si Mama. Halos hindi ako maintindihan ng naka-usap kong nurse. "Vianna May, kumalma ka muna," rinig kong sabi ni Diego. "Anong pangalan ng Mama mo?" mahinahon niyang tanong. "Vio-violita Meranda," humihikbi kong sagot. "Nas
"Hindi ka na sana bumalik at nagpakita, Diego. Hindi sana bumalik ang masakit na alaalang 'yon." Para akong tanga na binuhos ang sama ng loob sa dingding na kaharap ko. Hindi ko rin alinta ang malamig na tubig na patuloy na umaagos at bumasa sa katawan ko."Anak, ano ba ang ginawa mo?!" Biglang sulpot ni Mama. In-off niya ang shower, at hinawakan ang mga balikat ko saka pinihit niya ako paharap. Sinalubong ng mga mata ko ang malungkot niyang mga tingin."Alam kong masakit para sa'yo na maalala ang nakaraan. Masakit din sa akin, anak dahil ako ang dahilan kong bakit humantong tayo sa ganoong sitwasyon. Nagpakatanga ako at nagpakabulag sa pagmamahal na hindi na tama!""Sorry, Ma, nang dahil sa akin, bumalik lahat ang alaalang 'yon!" yuko ang kong sabi."Hindi mo kasalanan, Anak, alam natin pareho na darating at darating din ang araw na 'to. Darating ang araw na babalik sa atin ang masakit na alaalang 'yon. Kahit ano pa ang limot na gawin natin," may ngiti sa labi niya, ngunit may luha pa
"Sir Romeo!" atungal ng babaing lasing ang narinig ko, na sumisinok pa. Si Roselyn. Alam kong si Roselyn ang babaing 'yon dahil kahit lasing ay malambing pa rin ang boses. Kaagad akong lumabas mula sa pagkakakubli."Roselyn, anong ginagawa mo rito?" tanong ko. Hindi ko nagustuhan ang biglang pagsulpot niya rito, lalo't lasing pa siya. Pero hindi ko ipagkakaila na bahagya akong natuwa dahil sakto lang ang pagdating niya. Kung hindi kasi siya dumating ay baka kung saan na humantong ang kapusukan ni Romeo kanina."Via-Vianna May!" atungal na tawag niya sa pangalan ko at niyakap akong bigla."I-iniwan ako ng mga kaibigan ko. Wala akong pera!" kanda-buhol ang dila na sabi niya habang nasa balikat ko ang buong bigat ng niya. "Umayos ka nga, Roselyn!" saway ko.Hindi kasi siya maperme sa pagtayo. Amoy bulok na bayabas pa ang hininga. Kagandang babae, lasingga pala."Kung umuwi ka na sana kanina pa! Hindi mo sana kami na disturbo ng ganito!" singhal ni Romeo, saka dinukot ang cellphone sa b
Unti-unting bumagal ang takbo ng kotse, hanggang sa tumigil nga ito. Romeo couldn't stop cursing and repeatedly punched the steering wheel. "Baliw ka na ba?! Bakit mo inalis ang safety belt mo?!" Isang suntok pa ang ginawa niya at nanlilisik ang mga matang tumitig sa akin. "Oo, baliw na nga ako! Baliw na ako kakaintindi sa'yo!" Agad na akong lumabas ng kotse at pabagsak na sinara ang pinto. Malaki ang mga hakbang, makalayo lang kay Romeo. Hindi ko na rin alintana ang med'yo madalim na kalsadang tinatahak ko. Gusto ko munang makapag-isip. Ipahinga itong puso ko na wala nang ginawa kung hindi ang magdamdam kay Romeo. Mahal ko siya pero hindi ko na siya maintindihan. Hindi ko na alam kong anong nangyayari sa kan'ya. Sa bilis at laki ng mga hakbang ko, natapilok pa ako. But I ignored the pain. I took off my shoes and continued walking, kasabay ang panakanakang paglingon, baka sakaling may dumaan na taxi o tricycle at makasakay ako. Pero talagang wala. Malayo-layo na ang nalakbay ko
VIANNA MAY POVHindi madali ang maging parte ng isang magulong pamilya. Lahat ng klase ng sakit at lungkot ramdam hanggang sa dulo ng kuko. Hindi maiiwasan na gustuhin mo na lang na sumuko. Para matapos na lahat at hindi na maramdaman ang sakit. Katulad na lamang ng ginawa ko noon. Tinangka kong tapusin ang lahat sa pag-aakalang iyon ang tamang paraan para wakasan ang paghihirap ko.Pero hindi pala ganoon kadali. Dahil kapag nadoon ka na. Saka mo lamang maiisip na mali pala ang ginagawa mo. Hindi pala ito ang tamang solusyon. May iba pang paraan.Madalas, nasa huli ang pagsisisi. Sinuwerte lang ako at nailigtas ng lalaking hindi ko inakala na siya palang maging panghambuhay ko.Iyong ginawa ko... isang paraan iyon ng pagiging duwag. Paraan iyon ng mga taong gustong takasan ang pagsubok ng buhay. Nakakatawa!Hindi ko inakala na ang masakit na alaala na 'yon. Nakakatawa na para sa akin ngayon. Wala na kasi ang sakit, wala na ang galit na matagal kong inipon dito sa puso ko.Ang gaan na n
DIEGO POVHindi mawala ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang chubby chick ng asawa ko. Paulit-ulit ko nang nilapat ang labi ko sa kaniya, pero hindi pa rin siya nagigising."Asawa ko... gising na, hoy!" lambing ko, kasabay ang pagpisil sa pisngi nito. Sumabay kasi ang paglobo ng pisngi, sa tiyan niya."Asawa ko! Mahuhuli na tayo sa appointment mo sa ob-gyn!" Bahagya ko pang tinapik ang balikat niya. Pero ayaw pa rin gumising. Talaga naman kasing ang hirap gisingin ng taong gising.Tamad-tamad na niya. Tumaba lang, halos ayaw nang gumalaw. Kung hindi ko lang siya pinipilit na maglalakad-lakad tuwing umaga. Siguradong magkahugis na sila no'ng drum na tambakan niya ng tubig sa isla.Kabuwanan na kasi niya. Kaya nga may appointment kami today. Ngayon pang malapit na ang due niya. Ngayon pa tinamad ng husto.Ang bilis talaga ng panahon, parang kailan lang noong nalaman naming buntis siya. Dalawang buwan din akong nagtiis na matulog sa sahig dahil ayaw niya akong katabi. Ayaw maamoy. Pero ay
Tarantang lumingon sa akin ang asawa ko. Bumakas ang kaba sa mukha. Nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at sa daan. "Bakit?" tanong niya. "Basta ihinto mo, kung ayaw mong masira ang araw natin!" iritang banta ko. Kasabay ang paglingon. Lumampas na kasi kami sa nakita ko, at dahil do'n nag-init ang ulo ko. Unti-unting bumagal ang takbo ng kotse, pero hindi pa agad nakapag-park. Ang dami kasing nakaparadang sasakyan. Kaya pahirapan ang maghanap ng space. Gusto ko na agad lumabas. Hindi na ako makapaghintay. Para ngang sinisilaban ang puwet ko at hindi na mapakali. Alam ko, dala lamang ito ng pagbubuntis ko. Madaling mairita, magtampo kapag hindi ko nakuha ang gusto. Hindi ko rin gusto ang magmaldita at taasan ng boses ang asawa ko. Pero... dahil sa nakita ko, hindi ko mapigil ang sarili. May kung anong humihila sa akin para puntahan iyon. Nag-init ang ulo ko nang hindi siya agad huminto. Hawak ko na ang door handle ng kotse. Panay linga, animo takot mawala sa paningin ko ang nakita
VIANNA MAY POV Hindi ko alam kung ano ang maramdaman nang makita ko sa labas ng gate, ang mga magulang ni Romeo. Ayoko sanang papasukin sila. Ayoko sanang harapin o kausapin sila. Pero hindi ko magawa. Hindi ko magawang maging bastos sa mga taong naging mabuti naman sa akin noon. Naging mabuting magulang. Ang sikip ng dibdib ko habang kaharap sila. Bukod sa alam kung nalulungkot at nahihirapan sila. Bumabalik din sa alaala ko ang mga ginawa sa akin ni Romeo. Lahat! Sana nga iniwan ko na lamang sila at hindi na nakinig sa sasabihin nila. Wala na kasi akong paki' ano man ang mangyari sa anak nila. Bilang pagrespeto na lamang ang ginawa kong pagharap ko sa kanila. Nagkamali sila sa ginawang paglapit at pahingi ng tulong sa akin. Binuhay lamang nila ang galit sa puso ko. Tama sila, wala silang karapatan na lumapit o humingi ng tulong sa akin para sa anak nila, pero bakit pa sila lumapit? Sana naisip nila kung ano ang maramdaman ko, at hindi lang ang nararamdaman nila. Dahil ako iyong so
Matamis na ngiti ang bungad sa akin ng asawa ko. Suot ang apron at may hawak na sandok. "Magandang umaga, asawa ko," malambing kong bati kasabay ang mahigpit na yakap at malutong na halik sa labi. "Magandang umaga, asawa ko," tugon nito, ngunit agad na binaklas ang kamay ko at tinulak pa ako palayo. Humaba tuloy ang nguso ko at nagtatakang tumitig sa kaniya. Ngayon lamang nangyari ito, na parang ayaw niya madikit sa katawan ko. Maliban na lamang kung may tampuhan kami. Talagang hindi ako makakalapit. Pero ngayon wala. Ang sarap nga... ay...este, ang saya nga ng gising namin. Talagang wala akong maisip na ginawa ko na maaring ika-galit na naman niya. Pero ilang araw ko na talagang napapansin na laging mainit ang ulo niya. May mood swing lagi. "Ang baho mo!" singhal niya. Takip na ang palad sa ilong niya. "Ako... mabaho? Kakaligo ko nga lang. Kita mo nga at basa pa ang buhok ko," kunot noo kong reklamo. Inamoy ko pa ang sarili. Pati kilikili at hininga ko. Sigurado akong mabango
DIEGO POVHindi maalis ang tingin ko sa asawa ko na kasalukuyan nang nakapikit habang sinusuot ko ang aking damit. Hindi ko gusto na saktan at umiiyak siya kanina. Hindi ko rin akalain na napansin niya pala na may gumugulo sa isipan ko. Masyado pala akong halata. Ang tototo, handa kong kimkimin lahat ng iyon at pilitin na iwaglit sa puso ko. Wala akong balak na ipaalam sa kaniya ang nararamdaman ko. Ang selos ko.Sira-ulo ko! Sakabila nang pananakit ng lalaking iyon sa asawa ko nakaramdan pa rin ako ng selos.Nagseselos ako dahil alam ko kung gaano niya kamahal ang lalaking 'yon noon. Nakita ko kung paano niya iniyakan at paano siya nasaktan noong nagkalabuan sila. Paulit-ulit niya pa na binibigkas ang pangalan nito. Kaya nga ako umalis dahil doon. Iyon ang dahilan kung bakit ako sumuko at nagpaubaya.Ayoko man, hindi ko man gustong mag-isip ng masama. Hindi ko naman mapigil ang puso ko. Ito lang naman kasing puso ko ang nagrereklamo. Pero itong utak ko, alam na hindi papayagan ng asaw
Ang rupok ko talaga... sa taong mahal ko. Dati pa naman, ganito na ako. Tatampo-tampo. Dadrama-drama. Bibigay din pala. Pero hindi naman masama kung magiging marupok ka man sa taong mahal mo at alam mong mahal ka rin ng tunay. Ang masama... kung magpapakarupok ka sa tao na alam mo namang hindi ka totoong mahal. Pero sige ka pa rin. Asa ka pa rin. Hindi lang marupok ang labas mo no'n kun'di tanga na."Hindi ka na ba galit, asawa ko?" bulong niya, kasabay ang panaka-nakang pagkagat at pagsipsip ng tainga ko. Na talaga namang nakakakiliti. Napakagat labi tuloy ako. Kumuyom pa mga daliri sa kamay at paa ko.Masuyo niya rin na hinaplos ang pisngi ko, habang ang mga mata ay nakatuon na sa akin. "Asawa ko, sorry na ha..." lambing niya. Banayad na halik sa labi ang kasabay ng salita niya.Hindi ako tumugon sa tanong o sa halik niya. Pero hinayaan ko lamang siya sa ginagawa niya. Oo marupok nga ako pero may ka-artehan din naman. Gusto ko 'yong sinusuyo niya ako. Lahat naman siguro na babae g
Kulay asul na dagat, bituing kumikislap, at mga hampas ng alon sa dalampasigan. Mga tanawin na hindi ko pagsasawaan. Ang gaan lang sa pakiramdam, matapos ang mapait na dinanas ko sa buhay. Dinanas namin sa buhay ng asawa ko. Heto... kahit paano nakakangiti na ako. Kahit paano panatag na ang loob ko. Higit sa lahat ramdam ko na ang saya. Ang tunay na saya, sapagkat kasama ko na ang mga mahal ko sa buhay.Dalawang buwan na ang lumipas mula noong dumaan ang bangungot sa aming buhay. Hindi pa ganoon ka tagal. Sapat lamang na maghilum ang mga sugat at pasa sa aming mga katawan. Pero 'yong sugat na gawa ng bangungot na 'yon sa aming mga puso. Nandito pa rin, hindi pa tuluyang naghilum.Pero kahit na nandito pa rin ang sugat. Hindi naman ito hadlang na maging masaya ako ng tuluyan. Paunti-unting usad lang. Hanggang sa tuluyan naming malimot ang bangungot na iyon.Sa dumaan na dalawang buwan. Ang daming nagbago. Ang daming nangyari. Gaya na lamang ang kasal namin sa simbahan ng asawa ko.Ilang
Makapigil hininga ang muling pagkikita ng dalawa. Literal na pigil-hininga ang ginawa ko.Ewan ko ba, bakit ako ang kinakabahan sa muling pagkikita nila. Malalaki na naman sila at nasa tamang mga edad na. Alam na nila kung paano i-handle ang problema nila. "Panaginip..." saad ni Nelson at muling pumikit. Umawang ang bibig ko. Dahan-dahan akong lumingon kay Dorry na sa tingin ko, parang sasabog sa pula ng mukha. Pero ngumisi kalaunan. "Anong sabi mo, Nelson?!" iritang tanong nito. Dobleng lingon ang ginawa ni Nelson nang marining ang boses ni Dorry. Muli pa nitong kinusot ang mga mata. Nagmukha tuloy siyang tanga."Bakit Nelson, lagi ba akong laman ng panaginip mo?" mapang-asar na tanong ni Dorry. Kumunot ang noo ni Nelson. Bumakas ang pigil na inis sa babaeng nagwasak ng puso niya noon. Hindi man lang alam nitong mald¡tang si Dorry ang dulot ng ginawa niya."Asa ka!" sagot nito kalaunan. Ay... mukhang bitter na rin itong friend naming nawasak ang puso noon, dahil din dito sa frie