Allyson's P.O.V
Pagkatapos ng trabaho ko ay bumisita ako kay Tyrell bago diretsong umuwi kay Travis. Kailangan ko pa palang bumawi sa isang 'yun.
Nagbihis ako sa aking usual na lingerie kapag natutulog bago kinuha ang first aid kid at dumiretso sa kwarto ni Travis. Ilang beses akong kumatok pero walang sumagot.
Hindi naman siguro siya magagalit kapag pumasok ako.
Dahan-dahan kong pinihit ang door knob at diretsong pumasok sa kaniyang kwarto. Dumiretso ako sa mini office niya dito kung saan nakalagay ang vault. Naabutan ko naman itong nagbabasa ng folder kaya tumikhim ako upang makuha ang atensiyon niya.
"Travis," pagtawag ko dito pero inirapan niya lang ako at pinagkrus ang braso niya.
Tsk, nababakla na naman.
"Galit ka ba?" malumanay na tanong ko dito at tumabi sa kaniya.
Allyson's P.O.VBago ako bumalik sa aking opisina ay kinuha ko muna ang mga folder na naglalaman ng iba't ibang detalye tungkol sa thorough dye. Gusto kong pag-aralan ito upang hindi ako mahirapan sa susunod kong hakbang."Ano 'yan? Overtime ka mamaya?" tanong ni Zia na kapapasok lang.Umiling ako dito at isa-isang ipinakita sa kaniya ang mga folder."Mga data lang naman tungkol sa bagong thorough dye ng kompanya."Umupo si Zia sa aking harapan habang binabasa ang label ng bawat folder."So, katulad ba ito sa Heavens Earth Brocade?"Dismayado akong umiling sa kaniya kahit na alam kong magkaiba talaga ang mga ito. Mukhang walang alam si Travis sa Heavens Earth Brocade kaya malabong alam niya ang hitsura nito."Malaki ang pinagkaiba nila. Hindi na rin naman ako magdu
Allyson's P.O.VMaaga akong nagising pero nakiramdam muna ako kung nakaalis na ba si Travis upang maituloy ko ang plano ko. Kinuha ko sa cabinet ang mga litratong gagamitin ko at inayos ang pagkakasunod-sunod nito nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya napatingin ako dito at kinuha ito."Hello, Ally? Where are you?"Inilayo ko ang cellphone at tiningnan kung sino ang tumatawag."Bakit?" tanong ko kay Travis habang naglalakad papunta sa pintuan."Lumabas ka ba ng bahay? Sabihin mo nga sa 'kin kung nasaan ka ngayon."Napailing na lang ako sa sinabi nito at pinihit ang door knob at lumabas sa aking kwarto. Kumaway ako sa CCTV at ngumiti ng malapad. Masyadong praning si Travis ngayon na para bang takot na takot siyang maiwan."Ayos na ba? Siguro naman nakikita mo
Allyson's P.O.V"Mommy! I miss you!" bati ng anak ko nang makita niya akong palapit sa kaniya. Kaagad niya akong dinamba ng yakap na agad ko naman tinugonan."Hey baby! Masyado bang natagalan si mommy?" nakangiting tanong ko dito habang pinupunasan ang pawis nito sa noo. Sa palagay ko ay dito ito naghintay sa labas kaya pawis na pawis."It's all good mom. Mas gusto ko po na ako ang unang makakita sa inyo."Napailing na lang ako sa sinabi nito at inayos ang buhok niyang gulong-gulo."Sa loob ka na lang sana naghintay sa 'kin. Paano kung na kidnap ka? Edi hindi mo na ako makikita."Umakto naman ito na parang isang body builder kahit na masyadong maliit ang katawan niya."I'm a strong man, mom! I can defeat every man and protect you with all my heart."
Third Person's P.O.VSofia and Yuri went to a pub. Gustong magpakalasing ni Sofia dahil sa inis niya kay Allyson at sinamahan siya ni Yuri upang makauwi siya ng ligtas."Itigil mo na nga 'yan, Fia. Masyado ng marami ang nainom mo ngayong gabi." awat ni Yuri sa kaibigan na patuloy pa rin ang paglagok ng alak."Why are you so maingay? Can't you see that I'm really furious right now?" Tulad ni Allyson, mataas ang alcohol tolerance ni Sofia kaya malaya itong nakakainom ng maraming alak na hindi nalalasing."Ano naman ang magagawa ng pag-inom mo dito? Sinabihan na kita na nagbago na si Allyson kaya sana naman itigil mo na ang plano mo."Naiinis na tiningnan ni Sofia ang kaibigan. Pakiramdam niya ay pinagkakaisahan siya ng lahat. Nagmumukha siyang talunan sa mata ng nakararami."Anong g
Allyson's P.O.VNakangiti kong nilapitan ang anak ko. Umupo ako sa kaniyang kama at tiningnan ang mukha nito. Masyado pa siyang bata upang maranasan ang nangyayari ngayon. Gusto kong maging masaya ang anak ko habang kasama ang tatay niya pero masyadong malabo ang bagay na 'yon."Mommy, are you crying?"Umiling ako sa kaniya at inilayo ang laruan niya."Mommy will play with you later, dahil may sasabihin muna si mommy sa 'yo. Ayos lang ba?"Inosente itong tumango sa 'kin habang puno ng pag-aalala ang mukha niya."Are you crying, mommy? Galit ba si mommy kasi sinuway ko ulit siya?"Awtomatikong tumulo ang luha ko sa malambing na boses ng anak ko. Hindi ko ata deserve ang isang batang katulad niya. Masyado siyang mabait para maging anak ko."Mommy isn't mad, baby. Gus
Third Person's P.O.VNagising si Allyson mula sa pagkakabangga at una niyang nakita ang dugoang ulo ni Travis. Kaagad na tumulo ang kaniyang luha at mahinang tinapik ang pisnge ng kaniyang mister. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kapag nawala ito sa kaniya. Pakiramdam niya ay biglang dumoble ang sakit na nararamdaman niya kumpara sa pagpapaalis nito noon."Travis! Gumising ka naman. Huwag ka namang magbiro ng g-ganiyan." umiiyak na saad ni Allyson habang tinatapik ang pisnge ng mister.Ilang minuto ang lumipas at mahinang bumukas ang mga mata ni Travis. Mas lalo siyang napaiyak nang makitang hinang-hina ito. Maraming tanong ang biglang pumasok sa kaniyang isipan. Bakit siya iniligtas ng lalaki? Mahal ba siya ng lalaki?"D-Don't cry, L-Love. I'll just sleep a little b-bit." mahinang saad ni Travis habang nakangiti. Unti-unti itong pumipikit at bumi
Allyson's P.O.VGulat akong napatingin kay Chad sa kaniyang sinabi. I mean, gusto kong kunin ang Soul Empire sa kaniya, pero hindi sa ganitong pagkakataon."Seryoso ka ba sa sinasabi mo? Naalala ko pa na wala kang tiwala sa pamamalakad ko dahil mukha akong pera."Umiling ito sa 'kin at bumuntong hininga. Tiningnan niya si Travis kaya napatingin din ako."Wala akong tiwala sa 'yo, pero may tiwala ako sa babaeng pinakasalan ni Travis. Alam kong magagawa ni Allyson na pamahalaan ng maayos ang kompanya dahil minsan ko nang nakita ang pagiging boss nito sa harap ni Travis."Inirapan ko ito at saglit na natahimik. I should take this opportunity upang parusahan si Sofia."Fine, pero kailangan ko munang bantayan si Travis."Tumango ito sa 'kin at tiningnan ako ng seryoso bago tumingin sa kaniyang
Allyson's P.O.VGabi na nang makapunta ako sa mini house dahil eksaktong pag-alis ko ay biglang dumami ang mga naiwang papeles ni Travis na kailangan kong pirmahan. Wala akong choice kung hindi tapusin ang trabaho ko, bago ang anak ko.Dali-dali kong binuksan ang pinto ng mini house at naabutan ko si Zia na nakaupo sa sofa habang nilalaro ang cellphone."Anong nangyari kay Tyrell?"Ibinaba niya ang cellphone at bumuntong hininga bago ako tiningnan."Nagwawala 'yan kanina at medyi nahirapan akong patulogin siya. Mabuti na lang at nabatukan ko kaya diretso tulog siya."Tiningnan ko siya ng masama sa kaniyang sinabi. Alam ko naman na hindi 'yon magagawa ni Zia pero seryoso na kasi ang usapan tapos bigla siyang magbibiro.Natatawa itong humilig sa sofa kaya umupo na rin ako sa pang-isahang sofa na katapat niya
Allyson's Point of ViewMasyadong marami ang nangyari sa buhay ko. Sa loob ng limang buwan ay hindi ako makapaniwalang mapapaibig ako ni Travis. Sa ugali palang nito ay malabo ko na itong magustuhan, pero binago niya ang ugali niya na kinaiinisan ko. Lahat ng gusto ko sa isang lalaki ay sinubukan niyang sundin. Noong una nga ay hindi ako makapaniwala na magkakaroon ng panahon na magkakasundo kami ni Travis. Katatapos nga lang ngayong araw ang conmpetition at sa hindi ko inaasahang pangyayari ay si Zia pa ang kinuha kong mode. Hindi nga sana ako papayag na siya ang magiging model ko dahil nalaman ko na galing pala siya sa isang mayaman na pamilya, pero nagpumilit siya dahil gusto niya raw itayo ang sarili niyang pangalan. "Mauuna na muna ako sayo Ally at baka hanapin ako ng kapatid ko." paalam ni Zia sa akin nang pabalik na kami sa room namin. Tumango lang ako sa kaniya at pagkatapos na sa aming kwarto. Uuwi rin naman ako ngayon dahil tapos na ang kompetisyon. Bago ako dumiretso sa k
Allyson's Point of ViewTulad ng napag-usapan namin kahapon ni Travis ay nagsama kami upang bisitahin ang Lola niya. Namili pa ako ng formal na damit upang magmukha akong tao sa harapan niya. Isang buwang sahod rin ang nagamit ko para sa damit na suot ko."Hindi ka ba marunong ngumiti?" biglang tanong ni Travis kaya tiningnan ko ito. Kasalukuyan kaming nakatayo sa labas ng bahay ng Lola niya. Inaaasahan ko na sobrang laki nito upang hindi ako magulat."Hindi naman kasali sa agreement natin na kailangan kong ngumiti ng walang dahilan." sagot ko dito. Agad namang kumunot ang noo nito."Ang akin lang naman ay baka isipin ng mga tao sa loob ng bahay na pinilit lang kita dito. " Nag-iwas ako ng tingin at muling tumingin sa bahay."Hindi ba't iyon naman talaga ang totoo." sagot ko dito. Talagang napilitan lang naman ako dito."Mag-asawa tayo ngayon, kaya dapat lang mag-asawa rin ang kilos natin. Sa posisyon natin ngayon para lang tayong nasa isang blind date." saad nito, pero hindi ko siy
Allyson's Point of ViewMas napili kong pumasok ng maaga upang mas madali kong matapos ang gagawin ngayon. Kailangan kong matapos ang trabaho ko sa Soul Empire bago pa malaman ni papa na nagkita na kami ni Mr. Tan. Baka mas lalo niya lang akong piliting magpakasal sa lalaki. "Ally, anak" Gulat akong napatingin sa lalaking sumalubong sa akin.Hindi ko inaasahan na pati sa trabaho ko ay aabot siya para lang kulitin ako sa gusto niyang mangyari."Ano sa tingin niyo ang ginagawa mo dito?" taas kilay jong tanong.Wala pa namang ibang empleyado dahil masyado pang maaga at isa pa ay alam na ni Auntie na hindi maganda ang samahan namin ni papa."Sinubukan kitang tawagan kagabi, pero hindi ka naman sumasagot. Kinakabahan tuloy ako kaya pumunta na ako dito upang kumustahin ka." kunwari nag-aalalang saad nito, pero kung titingnang mabuti ang sitwasyon ay nandito siya para makuha ang sagot ko."Huwag na po tayong maglokohan dito at masasayang lang ang oras ko. Ano po ba talaga ang pakay niyo sa
Allyson's Point of View Maaga akong bumisita sa puntod ni mama. Gusto kong sabihin sa kaniya ang plano ko para sa nalalapit na kompetisyon. Ito kasi ang pangarap namin noong nabubuhay pa siya. Alam kong wala siya sa tabi ko, pero sigurado naman ako na nakatingin siya sa akin mula sa itaas. "Ma, pasensya kung ngayon lang ulit ako nakadalaw sa inyo. Masyado kasing marami ang naganap sa buhay ko. Kailangan kong ihanda ng maayos ang sarili ko para sa competition. Pangako ko sa inyo na ako ang mananalo kagaya ng nangyari sa inyo. I'll bring the trophy to you." nakangiting saad ko sa puntod nito. "Paniguradong masaya ang mama mo ngayon dahil nandito ka." Awtomakitong nawala ang ngiti sa aking labi. Sa boses pa lang nito ay may ideya na ako kung sino ang dumating. Siya lang naman ang taong kinaiinisan ko dahil mas pinili niya ang pangalawa niyang pamilya keysa sa akin. Tanda ko pa kung paano niya madaling napalitan ang nanay ko habang ako ay nagluluksa. "I'm here Christine" saad nito s
Allyson's Point of ViewMas lalo akong naging tamad nitong mga nagdaang araw. Palagi ko ring inaalala ang hitsura ko at pakiramdam ko ay mas tumaas ang confidence ko ngayon. Naninibago ako sa nangyayari ngayon sa buhay ko kahit hindi naman ito ang unang pagkakataon na nangyari ito.Kasalukuyang nakaupo si Tyrell sa gitna namin ni Travis. Kanina pa sila naglalaro kaya natulog lang ako dito sa sala. Nagulat na lang ako dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin kaya nagising ako. Palagi akong natatawa kapag nakikita ko si Travis na problemado kay Tyrell. Minsan na lang kasi magkasama pagkatapos niyang gumaling. Laking pasalamat ko dahil nagawa pang maagapan ang buhay ni Travis kasi masyadong maliit sa 50% ang chance na mabubuhay pa siya matapos siyang mahulog mula sa pag-uusap nila ni Austin. "Ang sabi sa akin ni great grandma ay may baby sister po ako sa tummy mo!" Kahit hindi ito ang first time na may dala akong bata sa sinapupunan ko ay pakiramdam ko ay naninibago ako. Mas kai
A lot of things may changed, but my feelings for her won't fade. Siya lang ang babaeng gusto kong makasama sa bawat pagdilat ng mga mata ko.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa naming lampasan ni Allyson ang lahat ng problema na magkasama.Buong buhay ko ay iginugol ko sa kompanya dahil ang gusto ko lang naman nuon ay ang palaguin ang mga bagay na ibinigay ng magulang ko at para na rin masuklian ang paghihirap nila para sa akin. Hindi ko inaasahang pagdating pala ni Allyson sa buhay ko ay mababago ang lahat ng pananaw ko sa buhay.Bukad sa pamilya ko ay siya ang unang babaeng nagbigay kulay sa buhay ko. Binigyan niya ako ng pag-asang maging mabait sa lahat na hindi ko inaasahang makakaya ko.My wife gave me strength to continue all the bottles I have right now and I can't imagine a life without her. Kahit na minsan ay nagagalit siya sa akin na walang rason ay hindi pa rin siya pumapalya sa pagpaparamdam sa akin na ako lang ang lalaki sa buhay niya.Dahan-dahan ak
Travis Point of View"Bumalik ako upang hanapin ka at alam 'yan ng pamilya ko, pero wala ka sa orphanage kaya si Yuri ang napili nila mommy na kunin. Iba ang sinabi nila sa akin sa sinabi mo ngayon. Pinaniwala nila ako na masaya sa tunay mong pamilya. Kung alam ko lang edi sana kinuha ka namin at hindi na sana tayo umabot sa ganito." mahinahong paliwanag ko dahil gusto ko na maintindihan niya ang gusto kong iparating sa kaniya."Sa tingin mo ba ay maniniwala pa ako sa mga kasinungalingan mo?"Hindi ako sumagot dito, pero aminado ako na hindi ako nagsisinungaling sa kaniya. Lahat ng sinabi ko ay totoo.Peke siyang natawa sa sinabi ko."Sinasabi mo ba sa akin ngayon na sa tinagal-tagal ng galit ko sayo ay pawang hindi pagkakaintindihan lamang? Hindi ako bobo Trav! I'm not that simple star na nakilala mo!" sigaw nito sa akin.Gusto ko sanang sumagot sa kaniya, ang kaso lang ay sumasakit ang ulo ko at mas lalong lumalabo ang paningin ko. Alam kong alam na ni Austin ang kalagayan ko, pero
Travis Point of ViewNaging mabilis sa akin ang mga pangyayari. Bigla na lang may tumakip sa mga mata ko kaya wala akong nakita kahit anino."Sino ka? Is that you Austin?" tanong ko dito habang pilit niya akong itinutulak. Kung hindi ako nagkakamali ay papunta kami sa sasakyan niya."Manahimik ka kung gusto mong makita ang anak mo." utos nito kaya hindi na lang ako nagsalita.Tahimik na nagmamaneho si Austin at minsan ay nagtatanong ito sa akin kung nakakakita pa ba ako o pinaglalaruan ko lang ba siya dahil ang tahimik ko. Inaasahan niya raw na magwawala ako ngayon."Huwag mong susubukang lokohin ako. Iba ako magalit." muling paalala nito sa akin."Kinapkapan mo na 'ko at nakuha mo na rin ang cellphone ko at pagkatapos ay tinakpan mo pa ang mga mata ko. Sa tingin mo ba ay may makikita pa 'ko?" naiiritang balik tanong ko sa kaniya.Siya na nga itong may lamang sa sitwasyon ngayon, pero masyado pa rin talagang praning."Ayusin mo lang!" saad nito at muling natahimik.Dahan-dahan kong ti
Austin's Point of ViewTahimik lang akong nakatingin sa direksiyon ni Tyrell at sa teacher nito. Sa hula ko ay hinihintay nila ang sundo ni Tyrell at kung hindi ako nagkakamali ay si Zia.Hindi ko gustong gawin ang bagay na 'to, pero wala na akong ibang paraan upang makausap si Travis. Hindi pwedeng hindi siya managot sa ginawa niya sa akin. Masyado na akong napupuno ng galit dahil sa mga ginawa niya."Tyrell!" tawag ko sa anak ni Allyson habang nakangiti ko itong nilapitan.Ngumiti lang sa akin ang teacher niya, pero nakahawak naman ang kamay nito sa bata."Uncle Austin! Bakit ngayon lang po kayo nagpakita? We are finally going abroad!" masiglang sagot nito sa akin.Mas lalo akong nakaramdam ng inis dahil parang wala lang kay Travis ang pagsira niya sa buhay ko."Kaya pala pinasundo ka sa 'kin ng mommy mo dahil aalis na pala kayo." malungkot kong saad sa bata at mukha namang naniwala ito."Bakit po kayo ang susundo sa akin? Diretso na po kami sa airport sabi ni mommy." inosenteng tan