Travis P.O.V
"Kung titingnang mabuti, ikaw ang pumatay sa sarili mong anak."
Nagmistulang sirang plaka at pabalik-balik ang sinabi ni Chad sa 'kin. Napapatanong ako sa sarili ko kung ano ba ang ginawa ko dati sa kaniya para iwan niya 'ko? Masyado ba akong mapagmataas sa kaniya?
"Kailangan mo ng pumasok. Hindi makakatulong sa inyong dalawa kung hindi mo siya kakausapin."
Napabuntong hininga ako at napatingin sa bahay. Kasalukuyan akong nasa sasakyan habang kasama si Chad na kanina pa nagrereklamo dahil gusto niya ng umuwi sa bahay niya.
"Nahihiya na 'kong kausapin siya. Masyadong masasakit ang mga salitang binitawan ko sa kaniya kanina."
Naramdaman ko ang pagtapik nito kaya napabuntong hininga ulit ako. Pakiramdam ko ay wala na 'kong mukhang ihaharap sa kaniya ngayon. Masyadong nakakahiya ang lahat ng pinag
Allyson's P.O.VMaaga akong nagising dahil sa sakit ng ulo. Naparami 'ata ang pag-inom ko kagabi kaya ngayon ay parang binibiyak ito. Naisipan kong bumaba muna ng kwarto para kumuha ng tubig. Naubusan kasi ako ng tubig sa kwarto ko."Good morning!"Agad akong napamulat ng mata matapos marinig ang boses ni Travis. Medyo nagulat pa ako nang makitang nakaupo ito sa hapag kainan habang nakangiting nakatingin sa 'kin. Ano na naman kaya ang binabalak nito ngayon?"Morning" kaswal na sagot ko at kumuha ng sariling tubig. May inilagay kasi siyang tubig sa lamesa."Napaaga gising ko kaya nagluto na lang ako ng breakfast." ani nito at napatingin naman ako sa kaniya sabay tango. Wala naman kasi akong maisip na sagot."How are you naman? Sumobra ata sa capacity mo ang nainom mo kagabi." tanong nito.
Allyson's P.O.VNapatingin ako sa labas at hindi ko man lang namalayan na gabi na pala. Masyado akong nagpapakalunod sa trabaho para lang patunayan na karapat dapat ako sa posisyon ko.Sinimulan ko ng iligpit ang mga gamit ko nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Zia na may malaking ngiti. Sa hitsura pa lang niya, alam ko na kung ano ang gusto niyang sabihin. Pumunta lang 'yan dito kapag mang-aasar sa 'kin."Hi Flare!"Napakunot ang noo ko sa pagkakatawag niya sa 'kin. Minsan lang 'to tumatawag ng Flare sa 'kin. Una, kapag seryoso siya at ikalawa, kapag may nalaman siyang maganda na ako ang dahilan."Anong chismis na naman ang nakuha mo at ganiyan ka makangiti sa 'kin?"Umiling ito sa 'kin. Bumalik naman ako sa pagkakaupo sa aking upuan at hinintay ito na makalapit sa 'kin."Uuwi ka na?"
Allyson's P.O.VLumipas ang ilang araw at naging mas maganda ang pakikitungo ni Travis sa 'kin. Palagi niya akong ipinagluluto ng breakfast at palagi ko rin itong tinatanggihan. Kapag nasa opisina naman ako, ay palagi itong pumupunta sa opisina ko o 'di kaya ay magpapadala ng pagkain. Palagi ko namang ipinapakita sa kaniya na ibinibigay ko sa ibang empleyado ang mga pagkaing dumadating sa 'kin.Alam kong masama ang pagtrato ko sa kaniya pero kailangan ko lang subukan ang pasensya niya."May ipinapabigay si Travis sa 'yo."Napalingon ako sa kapapasok lang na Zia. Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa ng aking opisina dahil kailangan kong magbasa ng maraming reports."Ano na naman 'yan?"Nagkibit balikat siya at lumapit sa 'kin. Ibinaba ko naman ang hawak na folder at sinuri ang dalang kahon ni Zia. Inilapag niya ito sa ak
Allyson's P.O.VNanatiling nakayakap ako sa anak ko. Kinakabahan pa rin ako kahit na maayos siyang nakarating sa Pilipinas. Alam ko na may teacher silang kasama pero masyado kasing malayo ang lugar ng field trip nila. Dati kasi, kalapit lugar lang ng Italya ang field trip nila pero ngayon umabot pa sa asya.Bahagya kong inilayo si Tyler sa 'kin at tiningnan ito ng seryoso. Napansin ko naman kaagad ang mga mata at ilong niya na katulad kay Travis.Tsk. Pati ugali kay Travis pa talaga nagmana."Humingi ka na ba ng tawad kay Tita Zia mo? Nag-aalala rin 'yan sa 'yo."Inginuso ko si Zia na ngayon ay umaarteng hindi makatingin kay Tyrell.Bumuntong hininga ang anak ko at dahan-dahang nilapitan si Zia at hinigit ang damit nito. Masyado kasing matangkad si Zia para sa kaniya."Tita, I'm really sorry sa nagawa ko k
SLIGHT SPG AHEAD!!!Allyson's P.O.VKasalukuyan akong nakaupo sa tabi ni Luigi. Inutusan ko naman si Zia na bantayan kami sa labas. Mabuti na ang sigurado keysa ang mabuking ako at masira ang plano ko."May mga impormasyon akong nalalaman na hindi alam ng ibang tao."Hindi ako sumagot sa kaniya at itinuon ang atensiyon sa aking kamay. Kailangan niya munang sabihin ang gusto niya bago ko siya sagutin."Alam ko, na alam mo kung gaano kahigpit ang asawa mo sa mga taong titiwali sa kaniya kaya medyo malaki ang gagawin kong sakripisyo at asahan mo na malaki rin ang gusto kong kapalit."Tumango ako dito at humilig sa sofa. Like I expected, mukha talaga siyang pera kahit kailan."You know me uncle. Sabihin mo lang ang gusto mo at ibibigay ko ito sa 'yo." Tumawa ito na par
Third Person's P.O.VKasalukuyang nakaenroll si Tyrell si Nord Anglia kung saan may mga nakakasalamuha siyang iba't ibang lahi ng bata. Maaga silang pinauwi kaya nagpasama siya sa yaya niya sa isang pambatang basketball court.Inilibot ni Tyrell ang paningin at halos lahat ng batang nakikita niya ay may kasamang ama. Sinubukang hindi pansinin ni Tyrell ang mga tao pero rinig na rinig niya ang bawat pagtawag ng mga bata sa kanilang mga ama."Daddy!""Help me reach the ring Dad!""Pa, masyadong mabigat ang bola!""Thank you, Dad!"Sa murang edad ay nakaramdam siya ng selos sa ibang bata. Gusto niya ring maranasan ang makipaglaro kasama ang tatay niya."Hoy bata!"Napalingon si Tyrell sa ka
Third Person's P.O.VNanatiling nakayakap si Allyson kay Tyrell. Natatakot siyang magsalita dahil baka mas lalo lamang itong magalit sa ama."Tulog na siya Ally. Dahil mo na siya sa kwarto."Napatingin si Allyson sa kaniyang anak at pagkatapos ay binuhat ito papunta sa sariling kwarto. Dahan-dahan niya itong inilapag upang hindi magising. Inayos niya ang kumot nito bago siya umupo sa tabi ng anak upang titigan ang maamong mukha ng bata. Habang tinititigan niya ito ay biglang bumalik sa kaniyang ala-ala ang nangyari noong nalaman niya na buntis siya kay Tyrell.FlashbackMaluha-luha si Allyson habang nakatingin sa papel na hawak niya. Ang buong akala niya ay wala na siyang anak pero nagulat siya pagkagising na may isang bata pang nabubuhay sa sinapupunan niya at pilit na lumalaban upang mabuhay. Mahirap man paniwalaan pero nagk
Third Person's P.O.VNakakunot ang noo at seryoso ang mukha ni Travis habang nakatutok kay Chad. Inutusan niya itong bumili ng orange at balatan ito ng maayos na hindi napuputol ang balat. Nagtataka si Chad pero sinunod niya ang inutos ng kaniyang amo.Sa kalagitnaan ng pagbabalat ay hindi na mapigilan ni Chad ang tingnan si Travis. Naiilang siya sa ibinibigay na titig nito."Ano ba talaga ang nangyayari sa 'yo? Itigil mo nga 'yang pagtitig mo. Natatakot na 'ko sa 'yo."Nanatiling nakatutok si Travis sa hawak na orange ni Chad. Inoobserbahan nito ang bawat galaw na gagawin ni Chad."Ayusin mo ang pagbabalat Chad. Importante sa 'kin ang bagay na 'yan."Sa isip ni Chad ay nababaliw na ang kaibigan niya. Hindi naman ito ang klase ng orange na galing pa sa ibang bansa kaya hindi niya maintindihan ang sinasabi ng kaibigan
Allyson's Point of ViewMasyadong marami ang nangyari sa buhay ko. Sa loob ng limang buwan ay hindi ako makapaniwalang mapapaibig ako ni Travis. Sa ugali palang nito ay malabo ko na itong magustuhan, pero binago niya ang ugali niya na kinaiinisan ko. Lahat ng gusto ko sa isang lalaki ay sinubukan niyang sundin. Noong una nga ay hindi ako makapaniwala na magkakaroon ng panahon na magkakasundo kami ni Travis. Katatapos nga lang ngayong araw ang conmpetition at sa hindi ko inaasahang pangyayari ay si Zia pa ang kinuha kong mode. Hindi nga sana ako papayag na siya ang magiging model ko dahil nalaman ko na galing pala siya sa isang mayaman na pamilya, pero nagpumilit siya dahil gusto niya raw itayo ang sarili niyang pangalan. "Mauuna na muna ako sayo Ally at baka hanapin ako ng kapatid ko." paalam ni Zia sa akin nang pabalik na kami sa room namin. Tumango lang ako sa kaniya at pagkatapos na sa aming kwarto. Uuwi rin naman ako ngayon dahil tapos na ang kompetisyon. Bago ako dumiretso sa k
Allyson's Point of ViewTulad ng napag-usapan namin kahapon ni Travis ay nagsama kami upang bisitahin ang Lola niya. Namili pa ako ng formal na damit upang magmukha akong tao sa harapan niya. Isang buwang sahod rin ang nagamit ko para sa damit na suot ko."Hindi ka ba marunong ngumiti?" biglang tanong ni Travis kaya tiningnan ko ito. Kasalukuyan kaming nakatayo sa labas ng bahay ng Lola niya. Inaaasahan ko na sobrang laki nito upang hindi ako magulat."Hindi naman kasali sa agreement natin na kailangan kong ngumiti ng walang dahilan." sagot ko dito. Agad namang kumunot ang noo nito."Ang akin lang naman ay baka isipin ng mga tao sa loob ng bahay na pinilit lang kita dito. " Nag-iwas ako ng tingin at muling tumingin sa bahay."Hindi ba't iyon naman talaga ang totoo." sagot ko dito. Talagang napilitan lang naman ako dito."Mag-asawa tayo ngayon, kaya dapat lang mag-asawa rin ang kilos natin. Sa posisyon natin ngayon para lang tayong nasa isang blind date." saad nito, pero hindi ko siy
Allyson's Point of ViewMas napili kong pumasok ng maaga upang mas madali kong matapos ang gagawin ngayon. Kailangan kong matapos ang trabaho ko sa Soul Empire bago pa malaman ni papa na nagkita na kami ni Mr. Tan. Baka mas lalo niya lang akong piliting magpakasal sa lalaki. "Ally, anak" Gulat akong napatingin sa lalaking sumalubong sa akin.Hindi ko inaasahan na pati sa trabaho ko ay aabot siya para lang kulitin ako sa gusto niyang mangyari."Ano sa tingin niyo ang ginagawa mo dito?" taas kilay jong tanong.Wala pa namang ibang empleyado dahil masyado pang maaga at isa pa ay alam na ni Auntie na hindi maganda ang samahan namin ni papa."Sinubukan kitang tawagan kagabi, pero hindi ka naman sumasagot. Kinakabahan tuloy ako kaya pumunta na ako dito upang kumustahin ka." kunwari nag-aalalang saad nito, pero kung titingnang mabuti ang sitwasyon ay nandito siya para makuha ang sagot ko."Huwag na po tayong maglokohan dito at masasayang lang ang oras ko. Ano po ba talaga ang pakay niyo sa
Allyson's Point of View Maaga akong bumisita sa puntod ni mama. Gusto kong sabihin sa kaniya ang plano ko para sa nalalapit na kompetisyon. Ito kasi ang pangarap namin noong nabubuhay pa siya. Alam kong wala siya sa tabi ko, pero sigurado naman ako na nakatingin siya sa akin mula sa itaas. "Ma, pasensya kung ngayon lang ulit ako nakadalaw sa inyo. Masyado kasing marami ang naganap sa buhay ko. Kailangan kong ihanda ng maayos ang sarili ko para sa competition. Pangako ko sa inyo na ako ang mananalo kagaya ng nangyari sa inyo. I'll bring the trophy to you." nakangiting saad ko sa puntod nito. "Paniguradong masaya ang mama mo ngayon dahil nandito ka." Awtomakitong nawala ang ngiti sa aking labi. Sa boses pa lang nito ay may ideya na ako kung sino ang dumating. Siya lang naman ang taong kinaiinisan ko dahil mas pinili niya ang pangalawa niyang pamilya keysa sa akin. Tanda ko pa kung paano niya madaling napalitan ang nanay ko habang ako ay nagluluksa. "I'm here Christine" saad nito s
Allyson's Point of ViewMas lalo akong naging tamad nitong mga nagdaang araw. Palagi ko ring inaalala ang hitsura ko at pakiramdam ko ay mas tumaas ang confidence ko ngayon. Naninibago ako sa nangyayari ngayon sa buhay ko kahit hindi naman ito ang unang pagkakataon na nangyari ito.Kasalukuyang nakaupo si Tyrell sa gitna namin ni Travis. Kanina pa sila naglalaro kaya natulog lang ako dito sa sala. Nagulat na lang ako dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin kaya nagising ako. Palagi akong natatawa kapag nakikita ko si Travis na problemado kay Tyrell. Minsan na lang kasi magkasama pagkatapos niyang gumaling. Laking pasalamat ko dahil nagawa pang maagapan ang buhay ni Travis kasi masyadong maliit sa 50% ang chance na mabubuhay pa siya matapos siyang mahulog mula sa pag-uusap nila ni Austin. "Ang sabi sa akin ni great grandma ay may baby sister po ako sa tummy mo!" Kahit hindi ito ang first time na may dala akong bata sa sinapupunan ko ay pakiramdam ko ay naninibago ako. Mas kai
A lot of things may changed, but my feelings for her won't fade. Siya lang ang babaeng gusto kong makasama sa bawat pagdilat ng mga mata ko.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa naming lampasan ni Allyson ang lahat ng problema na magkasama.Buong buhay ko ay iginugol ko sa kompanya dahil ang gusto ko lang naman nuon ay ang palaguin ang mga bagay na ibinigay ng magulang ko at para na rin masuklian ang paghihirap nila para sa akin. Hindi ko inaasahang pagdating pala ni Allyson sa buhay ko ay mababago ang lahat ng pananaw ko sa buhay.Bukad sa pamilya ko ay siya ang unang babaeng nagbigay kulay sa buhay ko. Binigyan niya ako ng pag-asang maging mabait sa lahat na hindi ko inaasahang makakaya ko.My wife gave me strength to continue all the bottles I have right now and I can't imagine a life without her. Kahit na minsan ay nagagalit siya sa akin na walang rason ay hindi pa rin siya pumapalya sa pagpaparamdam sa akin na ako lang ang lalaki sa buhay niya.Dahan-dahan ak
Travis Point of View"Bumalik ako upang hanapin ka at alam 'yan ng pamilya ko, pero wala ka sa orphanage kaya si Yuri ang napili nila mommy na kunin. Iba ang sinabi nila sa akin sa sinabi mo ngayon. Pinaniwala nila ako na masaya sa tunay mong pamilya. Kung alam ko lang edi sana kinuha ka namin at hindi na sana tayo umabot sa ganito." mahinahong paliwanag ko dahil gusto ko na maintindihan niya ang gusto kong iparating sa kaniya."Sa tingin mo ba ay maniniwala pa ako sa mga kasinungalingan mo?"Hindi ako sumagot dito, pero aminado ako na hindi ako nagsisinungaling sa kaniya. Lahat ng sinabi ko ay totoo.Peke siyang natawa sa sinabi ko."Sinasabi mo ba sa akin ngayon na sa tinagal-tagal ng galit ko sayo ay pawang hindi pagkakaintindihan lamang? Hindi ako bobo Trav! I'm not that simple star na nakilala mo!" sigaw nito sa akin.Gusto ko sanang sumagot sa kaniya, ang kaso lang ay sumasakit ang ulo ko at mas lalong lumalabo ang paningin ko. Alam kong alam na ni Austin ang kalagayan ko, pero
Travis Point of ViewNaging mabilis sa akin ang mga pangyayari. Bigla na lang may tumakip sa mga mata ko kaya wala akong nakita kahit anino."Sino ka? Is that you Austin?" tanong ko dito habang pilit niya akong itinutulak. Kung hindi ako nagkakamali ay papunta kami sa sasakyan niya."Manahimik ka kung gusto mong makita ang anak mo." utos nito kaya hindi na lang ako nagsalita.Tahimik na nagmamaneho si Austin at minsan ay nagtatanong ito sa akin kung nakakakita pa ba ako o pinaglalaruan ko lang ba siya dahil ang tahimik ko. Inaasahan niya raw na magwawala ako ngayon."Huwag mong susubukang lokohin ako. Iba ako magalit." muling paalala nito sa akin."Kinapkapan mo na 'ko at nakuha mo na rin ang cellphone ko at pagkatapos ay tinakpan mo pa ang mga mata ko. Sa tingin mo ba ay may makikita pa 'ko?" naiiritang balik tanong ko sa kaniya.Siya na nga itong may lamang sa sitwasyon ngayon, pero masyado pa rin talagang praning."Ayusin mo lang!" saad nito at muling natahimik.Dahan-dahan kong ti
Austin's Point of ViewTahimik lang akong nakatingin sa direksiyon ni Tyrell at sa teacher nito. Sa hula ko ay hinihintay nila ang sundo ni Tyrell at kung hindi ako nagkakamali ay si Zia.Hindi ko gustong gawin ang bagay na 'to, pero wala na akong ibang paraan upang makausap si Travis. Hindi pwedeng hindi siya managot sa ginawa niya sa akin. Masyado na akong napupuno ng galit dahil sa mga ginawa niya."Tyrell!" tawag ko sa anak ni Allyson habang nakangiti ko itong nilapitan.Ngumiti lang sa akin ang teacher niya, pero nakahawak naman ang kamay nito sa bata."Uncle Austin! Bakit ngayon lang po kayo nagpakita? We are finally going abroad!" masiglang sagot nito sa akin.Mas lalo akong nakaramdam ng inis dahil parang wala lang kay Travis ang pagsira niya sa buhay ko."Kaya pala pinasundo ka sa 'kin ng mommy mo dahil aalis na pala kayo." malungkot kong saad sa bata at mukha namang naniwala ito."Bakit po kayo ang susundo sa akin? Diretso na po kami sa airport sabi ni mommy." inosenteng tan